"Knowing my real identity means DEATH." - Mafia Don Daven Verrano Costello **** Mahigit pitong taong naging consigliere ng Mafia Don sa bansang Italy si Daven Costello. Siya rin ang misteryosong CEO ng Philippines Bank Corporation (PBC) na may paid-in capital na 20 Billion Pesos. Nang mamatay ang boss ng kanilang mob ay nahirang siya bilang bagong pinuno. He's protective when it comes to his family's safety so he decided to keep it a secret. Ang akala ng marami ay isa lamang siyang hamak na secretary sa sarili niyang kompanya. Elera Luciano - ang nakamaskarang lider ng Asian Assasins at nagtatrabaho bilang General Manager sa PBC. Pinasok niya ang magulong mundo ng mafia para hanapin at pagbayarin ang taong pumaslang sa kaniyang tunay na ina. Dahil sa kalasingan, kalituhan at kapusukan, nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nina Daven at Elera. It was indeed a marriage before love set up dahil kapwa infatuation lang naman ang nararamdaman nila sa isa't isa bago pa may mangyari sa kanila. Nang magpakasal ang dalawa, naranasan ni Daven kung paano maliitin at ituring na parang basura ng kaniyang mga biyenan. Inalipusta, inapak-apakan at inalila. Maging si Elera ay itinuring na isang malaking kahihiyan ng kaniyang mga magulang. Hanggang isang araw, hindi na natiis ni Daven ang lahat. Nagimbal ang mundo ng angkan ng Luciano nang malaman nila ang tunay na katauhan ni Daven.
View More"Elera." Isinara ni Aira ang pinto at lumakad ng ilang hakbang palapit sa kinaroroonan nina Elera at Daven."C-Chairwoman A-Aira," nauutal na tugon ni Elera. Mabilis niyang inilagay sa bulsa ng kaniyang coat ang maliit na notebook na hawak niya.'Shít! Nandito si mama! Anong gagawin ko? Kapag nakita niya ako, mabu-bulilyaso lahat ng plano ko!' nag-aalalang turan ng isip ni Daven. Pumikit siya nang mariin. Gusto na niyang lumabas ng silid…ang kaso…hindi niya alam kung paano siya lalabas nang hindi napapansin ng kaniyang mama."Did you receive it?" Aira asked. Her eyebrows furrowed when she saw Daven's back. "Is this your new assistant? I mean, FORMER ASSISTANT since I already fired you," she said, smiling.Daven tilted his head. He clenched his jaw. 'I still can't believe that she listened to that old bítch! I must call her after this. Sa ngayon, kailangan ko munang makaalis dito,' isip-isip niya. "Elera, you should be out of this office by now. Cleared your table and get all of your
"Bakit ba ang tagal bago mo binuksan ang pinto?" inis na tanong ni Elera sa asawa niyang si Daven. Hindi na niya ito nilingon at dire-diretsong lumakad patungo sa kaniyang dating mesa. Napakamot sa kaniyang ulo si Daven habang nag-iisip ng ida-dahilan. Ngumiti siya nang nakakaloko."What?" turan ni Elera."Natagalan ko pong buksan ang pinto kasi hinintay ko munang kumalma," nakangiting sabi ni Daven.Kumunot ang noo ni Elera. "Kumalma? Ang alin?"Tumingin si Daven sa kaniyang pantalon partikular sa kinaroroonan ng kaniyang pagkalalakí."Pérvért!" asik ni Elera. Hindi na niya muling tiningnan si Daven at nagsimula nang maghanap ng kaniyang hinahanap."Nakita po kasi kitang parating eh. Ewan ko po ba, ma'am. Simula po noong may nangyari sa atin, ang bilis ko na pong… tigàsàn sa'yo," ani Daven habang nakangiti.Tumunghay si Elera at tinapunan si Daven nang matatalim na tingin. "Kapag hindi ka pa tumigil, makakatikím ka sa akin!" banta niya.Lumakad pa lalo si Daven palapit kay Elera. "M
Isinantabi ni Elera ang involuntary resignation notice letter sa ibabaw ng kaniyang mesa nang tumawag sa kaniya ang pinsan niyang si Raven. Napag-alaman niyang nasa Pilipinas na ang matinik na consiglier na binansagan niyang Grim Reaper.Mabilis na isinilid ni Elera sa kaniyang bag ang notice letter mula sa HR Head na si Mila at dali-daling naglakad palabas ng kaniyang opisina."Saka ko na po-promoblemahin ang termination ko. Kailangan ko munang pumunta sa dating tagpuan namin ni Raven. Ano kaya ang pakay ng Grim Reaper dito sa bansa? Nandito kaya siya para hanapin ang pumatay sa dati niyang amo?" bulong ni Elera habang mabilis na naglalakad."Elera. I mean GM Elera, saan po kayo pupunta? Kapapasok niyo lang po sa trabaho. Baka po mapagalitan kayo ng –"Natigilan si Daven nang kinuha ni Elera buhat sa kaniyang bag ang sulat mula sa HR at ibinalandra sa mukha niya."Starting from now … I mean for today ONLY, I am no longer your boss. I am going to fix this sudden termination issue once
"Mukhang masayang-masaya ka ngayon mama ah," komento ni Bruno habang kumakain ng pizza. Pumunta siya sa mansyon ng kaniyang mama para makitulog sa loob ng isang linggo. May out of town business meeting kasi si Martha kaya roon muna siya makikitulog sa mansyon ng kaniyang mama.Agad na napansin ni Donya Edita ang tatlong maletang dala-dala ni Bruno."Naglayas ka ba? Bakit hinakot mo na yata ang mga damit mo papunta rito? Nag-away ba kayo ng asawa mo? Ano na namang katàngahan ang nagawa mo?" walang prenong tanong ni Donya Edita sa batugan niyang anak."Ang dami mo namang tanong, mama. Hindi ko na tuloy natandaan lahat," reklamo ni Bruno. Puno ang bibig niya ng pizza habang nagsasalita."Simpleng eating manners lang hindi mo pa masunod! Ilang beses ko bang kailangang ipaalala sa'yo ba masamang magsalita habang kumakain?" iritang sambit ni Donya Edita.Ibinaba ni Bruno ang hawak niyang pizza at tiningnan nang masama ang kaniyang mama. Hinintay niya munang maubos ang nginunguya niyang pizz
"I'm Daven's cousin, Anna. Nice to meet you po, miss?" Inilahad ni Drianna ang kaniyang kamay kay Elera para makipagkamay. Anna ang kaniyang palayaw pero iilan lamang ang nakakaalam noon."Cousin?" hindi makapaniwalang turan ni Elera. Palipat-lipat ang tingin niya kina Daven at Drianna.Tumango si Drianna habang nakangiti. 'Sana maniwala siya.'Napakamot naman sa kaniyang batok si Daven. Tinapunan niya nang masamang tingin si Drianna."Thank me later," ani Drianna pero wala iyong katunog-tunog.Daven displayed a fake smile. His sister left him with no choice so he nodded.Nakipagkamay si Elera kay Drianna. Nakangiti siya pero sa likod ng ngiting iyon ay may malaking pagdududa. "I'm Elera … Daven's boss. He's my secretary. Nice to meet you too," she said.Tumaas ang dalawang kilay ni Drianna at tumango. Tumikhim siya. "F-finally, congratulations on your new job, KUYA DAVEN." She plastered a fake smile before she hugged her brother.Nagsalubong ang mga kilay ni Elera sa biglang pagyakap
Umikot nang halos 360 degrees ang mga mata ni Donya Edita nang makasalubong niya ang kaniyang stepdaughter. She smirked when she saw that people were gossiping about her. Ibinalita na kasi niya kay Lucia ang pagkasibak sa posisyon ni Elera. Mabilis namang ikinalat ng kaniyang bunsong anak ang balitang iyon. "Maaasahan talaga ang anak kong si Lucia," bulong ni Donya Edita habang nakangiting naglalakad. Taas noo siyang lumapit sa naguguluhan niyang stepdaughter. "Ang ganda ng bihis mo. Iba talaga ang nagagawa ng koneksyon 'no? Dahil sa akin, nakamit mo ang posisyong mayroon ka ngayon. Akalain mo 'yon, nakakabili ka na ng mga branded na damit!" malakas na sabi ni Donya Edita. "Wala ako sa mood makipagtalakan sa'yo. Nasa loob tayo ng kompanya ng mga Costello. Ilugar mo naman 'yang ugali mo. Tingnan mo nga 'yang wrinkles mo. They're spreading fast like a virus! Bawasan mo kasi ang pagiging mapagmataas at pagiging mapang-mata mo. Malay mo, bumata pa ang hitsura mo," dire-diretsong sambit
"Good morning, Mrs. Luciano. Ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ng secretary ni Mrs. Aira Costello. "Do I need a reason to visit my friend?" mataray na tugon ni Donya Edita. "Ipinagbilin po kasi ni Madam Aira na huwag muna raw po akong magpapapasok ng bisita ngayong araw. Sobrang busy raw po niya," nakayukong sambit ng sekretarya. "Didn't she tell you that I'm an exception?" Donya Edita asked. "Hi-hindi po. Pa-pasensya na po kayo pero hindi ko po talaga kayo pwedeng papasukin sa loob ng opisina ni madam," nahihiyang sabi ng sekretarya. "Kilala mo naman siguro ako, 'di ba? I'm one of the biggest shareholders of this bank. I need to talk to her. Whether you like it or not, kailangan mo akong papasukin!" inis na wika ni Donya Edita. "Ma'am pasensya na po talaga. Hindi ko po talaga kayo pwedeng papasukin. Trabaho ko po ang nakasalalay rito, ma'am. Sana po ay maunawaan niyo ako." Hinarangan ng sekretarya ang pinto para pigilang makapasok si Donya Edita. "Wala akong pakialam sa trab
Halos mabingi na si Daven sa lakas ng tibok ng kaniyang puso. Isang maling salita lang mula kay Gavin, siguradong sira ang kaniyang mga plano. "Daven? I'm asking you. Kilala mo ba si Gavin?" pag-uulit ni Elera. "Napagkamalan lang siya! Malabo pa sa tubig ng tubog na makilala siya ng isang Gavin Verrano! Tingnan mo nga ang hitsura ng asawa mo. Hindi man lamang nakabili ng isang disenteng damit. Nakakaawa," ani Bruno. Idinadaan lang ni Bruno sa pang-iinsulto ang kaniyang nararamdaman. Aminin man niya o hindi, alam niya sa kaniyang sariling naiinggit siya sa kaguwapuhan at klase ng katawan na mayroon si Daven. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nanliliit siya sa kaniyang brother-in-law. "Nagtrabaho ako rito sa hotel kaya kilala ako ni Sir Gavin," pagpapalusot ni Daven. Halos pumalakpak ang tainga ni Bruno nang marinig ang sagot na iyon ni Daven. Nakangiting naglalakad palapit kina Daven at Elera si Gavin ngunit agad din iyong napawi nang makita niya ang kalagayan ng dalawa. Pareho
10:23 P.M. Verrano’s Hotel "Mabuhay ang bagong kasal!" ani Ruben na ngayon ay galak na galak. He initiated a toast for her daughter and son-in-law. "Alagaan mo ang anak ko Daven. Masama akong maging kaaway," pagpapa-alala niya. "Don't worry po. Aalagaan ko po ang anak niyo," mabilis na tugon ni Daven. "Aasahan ko 'yan." Nang tumunog ang cell phone ni Ruben ay nagpaalam siya saglit sa mga bisita. He's preparing a grand gift for the newly wed kaya maya't-maya ay mayroong tumatawag sa kaniya. Nagsimula nang lumabas ang mga tunay na kulay ng pamilya ni Elera nang umalis ang padre de pamilya. “Mayaman ka ba Daven?” masungit na tanong ni Donya Edita, ang madrasta ni Elera. “Hi-hindi po,” nag-aalangang sagot ni Daven. “Anong trabaho mo?” tanong naman ni Bruno, ang stepbrother ni Elera. “Secretary po ako ni Elera,” diretsang tugon ni Daven. Kumunot ang noo ni Donya Edita at napainom bigla ng tubig. Buong akala niya ay bigatin at mapapakinabangan nila ang bagong salta sa angkan ng Luc
Sinikmura ang bawat danak ng dugo at pagmamakaawa ng mga inosenteng biktima. Binangga ang mga makapangyarihang opisyal at mga gahamang elitista. Nakipagbuno at nanalo laban sa mga Don ng iba’t-ibang crime clan. Dalawang personalidad, iisang pangalan. Akala ng iba siya ay isang ordinaryong mamamayan lamang pero siya ang pinakamayaman at pinakabatang CEO sa bansang kaniyang sinilangan. Marami siyang lihim ngunit may isang pinaka-iniingatan. Remember his name - DAVEN VERRANO COSTELLO because he is the new boss of the mob. He is THE HIDDEN MAFIA DON. ****** 11:00 P.M. Sicily, Italy “FIND THE GOOMAH (Mafia Don’s mistress)! SHE HIT THE BOSS! I REPEAT. SHE HIT THE BOSS!” sigaw ng underboss na si Hugo sa kaniyang earpiece habang hawak-hawak ang pinuno ng kanilang mob. Naliligo ito sa sariling dugo. Napailing siya nang pulsuhan niya ang matanda. Wala na itong buhay. Agad na naalerto ang mga sundalo, ang pinakamababang miyembro ng mob, sa pamumuno ng mga capo (kapitan) . Bitbit ang ka...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments