Dobleng pag-iingat ang ginawa ni Gian para hindi mag-krus ang landas ni Gwen at Rachel. Kapag kasama ito sa office ay bantay-sarado siya rito at kapag nasa bahay ay hindi niya ito pinalalabas. Natatakot siya sa posibleng mangyari. "Anak, okay ka lang ba?" tanong ng ina na pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Kasalukuyan siyang nasa veranda ng mansiyon habang hawak ang isang baso na may lamang wine. "Mom, ikaw pala! Yes, Mom, I'm okay." "Kanina pa kasi kita napapansin na parang malalim ang iniisip mo." Tumabi ito sa kaniya. Sabay nilang tinanaw si Gwen kasama ang bago nilang kasambahay, nasa ibaba ang dalawa habang inaayos ang mga tanim na bulaklak. "May iniisip lang ako sa opisina, Mom." "Mapapatawad ka niya, anak." Mukhang nahulaan nito ang iniisip niya. Napasulyap siya rito. "M-mom," mahinang sambit niya. Nginitian siya nito. Idinait pa ang palad sa balikat niya. "Alam kong mahal ka niya, anak, kaya kahit gaano pa kalaki ang kasalanan mo sa kaniya, alam kong mapatatawad ka rin
Nakangiting pinagmamasdan ni Gian ang asawa. Inaayos nito ang gamit niya, ipinaghahanda siya nito ng hapunan. Late na siya nakauwi dahil sa meeting na dinaluhan sa karatig lugar. Nagsabi siyang huwag nang hintayin, na mauna na itong matulog pero heto't nasa harapan niya ang asawa. Pinagsisilbihan siya. Nakapantulog na ito, manipis na tela ang suot. Bagama't may kalakihan ang pang-itaas ay alam niyang wala itong suot na bra. Bigla siyang may naisip ng pilyong gagawin. Tumayo siya't lumapit sa nakatalikod na asawa. Mula sa likuran ay niyakap niya ito. Huminto ito sa ginagawa. "Bakit?" Pilit na inabot ang ulo niyang nakapatong sa balikat nito. "Nothing. I just want a hug you." "Hug lang ba talaga?" Napangisi siya. Nasa loob na ng pang-itaas nito ang dalawang palad niya. Ang isa ay nakahawak sa tiyan at ang isa ay sapo ang kaniyang dibdib, nilalaro ang nipple. "G-Gian..." Hindi niya alam kung pinipigilan ba siya nito o isang ungol 'yon. "What?" Pinatakan pa niya ng mum
HINDI pa man nagkakamalay si Gwen ay balisang-balisa na si Gian. Abot-abot ang kabang nadarama niya habang matiyagang nag-aabang sa muling pagmulat nito. He knows na may posibilidad na bumalik na ang memorya nito. "I love you," hinagkan niya ito sa noo. "My baby, my Gwen." Naagaw ang pansin niya nang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na sa tingin niya'y doctor. Mabilis niyang inayos ang sarili, tumayo't sinalubong ito."Hi!" ngiting bati ng bagong pasok. "I'm the doctor of--" Hindi pa natatapos ang pagpapakilala nang mag-ring ang phone na hawak nito. "Just a second, Mr. I'll just pick this call." Hagya pa itong lumayo.Tumango na lang siya't hinintay na matapos ang pakikipag-usap ng doctor. Ngunit, base sa naririnig niyang tugon nito ay may emergency. "I'm sorry, Mr--""McCollins," aniya. "Mr. McCollins, I have something important to take care of. But I'll promise, I'll be right back. For now, I want to congratulate you." Pagkatapos magsalita ay mabilis na itong naglakad
"ANAK, nasaan si Gwen?"Nag-angat si Gian ng mukha. Nakaupo na siya sa gilid ng hospital bed. Malamlam ang matang sinalubong ang kaniyang ina. Alam niyang namumugto na ang mata sa paulit-ulit na pagluha, at ang peste niyang mata ay wala yatang balak na tumigil dahil nang makita ang ina ay muli na naman siyang napaluha. "Mom...""Oh, God!" Nang makalapit ang ina ay niyakap siya nito. "She left me, Mom. Galit siya sa akin. Galit na galit. Tama naman kasi siya, Mom. I'm a fool. A demon. I hurt her and almost killed her, kaya deserve ko ring masaktan ngayon. Kulang pa ang sakit, Mom. Kulang pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon sa lahat ng ginawa ko sa kaniya. Bakit ko ba kasi iyon nagawa sa kaniya? Bakit ko ba siya pinasakitan nang sobra? I'm so stupid. Sana, ako na lang pala ang nasagasaan, hindi siya," mahabang litanya niya kasabay ng pagbaha ng luha sa balikat ng ina.Walang tugon ang kaniyang ina, ngunit alam niyang maging ito ay lumuluha na rin. Para siyang isang batang musmos ng
WALA sa sarili habang naglalakad si Gwen. Nakararamdam siya ng sakit sa bandang balakang at likod, ngunit hindi niya iniinda iyon. Malayo-layo na ang narating niya mula sa hospital at ngayo'y hindi pa rin alam kung saan siya pupunta. Litong-lito na siya. Nang magkamalay siya sa hospital ay ganoon na lamang ang kaniyang takot nang masilayan ang mukha ng lalaking naging dahilan kung bakit siya nandoon. Pero, ayon dito ay pitong buwan na ang nakalipas at nawalan siya ng memorya. Kung ganoon, bakit siya nasa hospital? Sinaktan ba siya nitong muli? At ano iyong sinasabi nitong may nangyari sa kanila? Paulit-ulit pa.Bigla siyang pinamulahan sa naiisip. "Paanong nangyari iyon? Posible kayang nagbago na siya? Pero bakit wala akong matandaan? Nawalan nga ba ako ng memorya? Ano ba kasing nangyari sa akin? Pero bakit-- ang gulo naman!" reklamo niya sa sarili. Napabuga siya ng hangin. Ngayo'y hindi niya alam kung saan pupunta. Wala rin siyang pera o kahit cellphone man lamang para makatawag sa
"Gwen, ikaw ba 'yan?" Mabilis na nilingon ni Gwen ang pinagmulan ng tinig. Napatayo siya. Si Sylvia. Nahanap siya nito. Ngunit, paano? "M-mommy," anas niya at sinalubong ang paparating na ginang. She missed her so much.Agad siyang niyakap nito. Mahigpit na yakap na tulad ng isang tunay na ina. Humiwalay rin naman agad ito sa kaniya. Pinakatitigan siya nito. "Bakit umalis ka ng hospital? Hindi ka pa magaling. Wala bang masakit sa iyo?" Ginagap nito ang palad niya at niyakag na maupo."Mommy, ano pong nangyari sa akin?" tanong agad niya rito. "Wala ka bang natatandaan?"Umiling siya. "Huli ko pong natatandaan ay 'yong nangyari na naumpog ako dahil sa kagagawan ng iyong anak."Nang dahil sa narinig ay napaluha si Sylvia. "I'm sorry, anak. Napakalaki ng kasalanan sa iyo ni Gian, but I know, pinagsisihan na niya iyon. Nawalan ka ng memorya dahil sa sinasabi mong nangyari sa iyo at nawala ka rin. Natagpuan ka niya sa isang lugar, I don't know what is the exact name of that place, pero
Malayang nakatunghay si Gwen sa labas ng bintana ng boarding house na tinutuluyan niya. Huminga siya ng malalim at ikinurap-kurap ang mata matapos isipin ang posibilidad na mangyayari. One week na ang nakalilipas matapos ang pag-uusap nila ni Sylvia, inihatid siya nito sa tinutuluyan ni Celly, para raw makapag-isip muna. Nangako ito na ibibigay ang lahat ng kakailanganin at sinabi pa na hindi ipapaalam kay Gian kung nasaan siya. Kaninang umaga ay nagpadala ito ng napakaraming grocery na ikinatuwa naman ng kaniyang kaibigan, hindi na raw sila gagastos pa. Nahiya na rin siya, kaya tinanggap na niya ang ibinigay ng ginang. Wala rin siyang pera na panggastos. Pero bago ito umalis ay nag-iwan ito ng ATM, in case na may bibilihin siya. Hindi niya gustong gamitin iyon, kaya't itatabi na lang niya. Pinipilit din siya nitong magpa-check-up, pero tumanggi siya.Tumayo siya't tinungo ang kusina na kadikit lang ng sala. Hindi kalakihan ang tinutuluyan ng kaibigan niya, pagpasok ay sala na ang ma
SIMULA nang puntahan si Gwen ni Gian ay palagi na lang siyang malalim ang iniisip. Palagi na lamang maraming katanungan ang isipan niya. At simula rin nang puntahan siya nito ay araw-araw na siyang nakatatanggap ng bulaklak, may card at chocolate pa. Minsan naman ay iba't ibang uri ng stuff toys. "Oh, may dumating na naman," simangot na saad ni Celly matapos nitong mapagbuksan ang nagdeliver ng bulaklak. "Ilang araw pa, malapit na akong makapagpatayo ng flower shop dito. Aba'y malapit nang mapuno itong kuwarto natin ah! Kung binabalikan mo na kasi ang asawa mo, tutal mag-asawa pa rin naman kayo. Bakit hindi mo siya bigyan ng second chance?" suhestiyon nito kasabay ang pag-upo sa kaharap na bangko. Napaiwas siya ng tingin dito "Alam mo bang halos mamatay na ako sa kamay niya? Tapos babalikan ko siya na parang wala lang." Napailing siya. "Yeah. I know. Pero dahil iyon kay Zabrina. E, kung ipinaaalam mo na kay Gian ang napag-usapan ninyo ng best friend mo, sure akong makikinig sa iy
"GOOD evening ladies and gentlemen. Hindi naman lingid sa inyo ang nangyaring insidente sa amin twenty-two years na ang lumipas. Isang trahedya kung bakit hindi namin nakasama ang aming panganay na si Andrei." Mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ni Gwen ang nagsasalitang asawa. Marami ang taong nakapalibot sa kanila, ang ilan doon ay mga employees, nandoon din ang board member at ilan sa matataas na namamahala sa kompanya nito kabilang na si Adrix, kasama nito ang asawang si Celly. Si Francis at ang mag-ina nito. Maging si Lance at Eunice, at lahat ng kaibigan nito. "Ipinagluksa namin at nadamay pa ang nag-aalaga dito. But unfortunately, dinala ang paa naming mag-asawa patungo sa katotohanan. Katotohanang buhay pa ang aming anak. Hindi ipinagkaloob ng Maykapal na mawala ang aming anak. May mabuting puso na nagligtas dito. And now, I am proud to introduce to all of you our long lost son Gian Andrei McCollins!" Umalingawngaw ang boses ni Gian sa malawak na bakuran ng mansyon, kasab
"SWEETHEART..." May pag-aalinlangan si Gwen, dapat ba niyang sasabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki? "Yes, baby?" Patalikod siyang niyakap ng asawa. "Anong gumugulo sa isipan mo?" Paano nito nalamang may gumugulo sa isipan niya? Hindi agad siya sumagot, bagkus ay muling pinag-isipan kung ipaalam pa ba sa asawa. Dumampi sa pisngi niya ang labi nito, bumaba sa leeg. Kagat-labing pumikit siya. Nagtagal doon ang labi nito, paulit-ulit na h******n hanggang sa humantong sa balikat. 'Yon naman ang pinaglaruan nito. Kahit may edad na sila, active pa rin silang mag-asawa sa s*x. Walang palya si Gian at masaya siyang naibibigay dito ang pangangailangan bilang lalaki. "Teka..." Maagap niyang pinigilan ang pumapaloob nitong palad, pilit hinahalukay ang underwear niya. "Hindi pa ako nakakainom ng p*lls." Mula sa nanlalabong kamalayan ay naalala niya ang gabi-gabing ginagawa. Huminto ito sa ginagawa. Kapwa namumungay ang mata nang iharap siya nito. "Okay lang, baby. Hindi mo na kailanga
HINDI mawala-wala sa isipan ni Gwen ang lalaking nakabunggo sa kanila habang papunta sa comfort room. Ang imahe ng lalaki ay nakatatak na sa kaniyang isipan at para bang may hinahalukay sa kailaliman ng kaniyang puso. Bakit parang pamilyar ito sa kaniya? Kaya nama'y pilit niyang inaalala kung nakita na ba ito noon, pero wala siyang matandaan, isa pa'y ngayon lang sila nagawi sa lugar na 'yon. Sa tuwing pumupunta sila sa puntod ni Andrei ay bumabalik kaagad sila. Parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang buhay ng lalaking 'yon. Ayon sa kasama niyang bata ay kuya nito 'yon, pero hindi tunay na kapatid. "Are you okay, baby?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang maramdaman ang init ng palad ng asawa. Kinurap niya ang mata at tumitig dito. May gusto siyang sabihin. Alam niyang kapag humingi siya ng tulong dito'y madali lang niyang malalaman ang tungkol sa lalaking 'yon, pero nagdadalawang-isip isip siya. "S-sweetheart--" Nabitin sa ere ang balak sanang sabihin. Bakit nga b
NAKANGITI si Gwen habang pinagmamasdan ang kaniyang kambal na masayang naglalaro. Dumaan pa sila sa bayan ng Valencia, ang nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng trahedya. Fiesta pala sa lugar na 'yon. Marami ang nakahilirang iba't ibang uri ng pagkain at mga damit, may kung anu-ano pang mga tinda na nasa gilid ng kalsada. Nasa palaruan sila. Gusto raw maranasan ng kambal na maglaro kasama ang mga batang kalye. "Taya!" sigaw ng isang batang babae nang mahuli nito si Gale. Tawang-tawa naman ang kaniyang anak. Inihanda nito ang sarili sa paghabol sa mga bata kasama na rin si Giselle. "Andiyan na ako!" Nagsipatakbo ang mga bata at kambal nito. Kasing-bilis ng hangin sa pagtakbo ang mga bata. Naiwan pa ng mga ito si Giselle, ngunit kahit ganoon ay makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Ito ang pinunterya ni Gale. "They're both happy." Nilingon niya ang nagsalita. Lumapat sa baywang niya ang braso nito, maging ang labi ay naramdaman din niya. Isinandig niya ang ulo sa dibd
TWENTY-TWO YEARS LATER Nakamasid si Gwen sa kubo, walang dingding 'yon. Naliligiran ng iba't ibang klase ng rose at african daisy, ang lupa ay nalalatagan ng bermuda grass. May bakod na alambre at ang labas ay nagtataasang puno ang makikita sa labas. Nanginginig siyang pumasok. Ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang lugar na pinagkublihan nila nang hinahabol sila ni Larry. Ang lugar na kung saan ay kumitil sa walang muwang na buhay ng kaniyang anak na si Andrei. 'Till now, msakit pa rin sa kaniya ang sinapit ng kaniyang anak, hindi pa rin niya matanggap na maaga itong kinuha sa kanila ng Maykapal. Marahan siyang umupo, hinaplos ang lapida na kung saan ay nakasulat ang pangalan ng panganay niyang anak. Ngayon ang ika-twenty-two years na pagkawala ni Andrei. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Andrei ay nagtutungo sila sa lugar na 'yon. Binili rin ni Gian ang parteng 'yon para walang ibang makakapasok. Ilang taon na ang lumipas
"NO!" hiyaw ni Gwen. Nalaman niyang wala na nga ang kaniyang anak. Kasama itong sumabog sa kubo at si Nimfa. Nakaagapay sa kaniya ang asawa at maging ito ay luhaan din. Paulit-ulit din niyang naririnig ang paghingi nito ng tawad. "Baby... asawa ko. Patawarin mo ako." "No, Gian! Ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya. Please, ibalik mo siya," hagulgol niyang pakiusap sa asawa. Hagyang humiwalay ang katawan nito, sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Kaya mo 'yan, kaya natin. Para sa isa pang nabubuhay sa 'yong sinapupunan, mahal ko. Magpakatatag ka, please." Unti-unti siyang nahimasmasan, napahinto sa pagwawala pero hindi pa rin maampat-ampat ang pagdaloy ng luha. May isa pa nga palang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nahaplos niya ang wala pang umbok na puson. Pero, paano si Andrei? Ang kaniyang anak na hindi mawaglit-waglit sa isipan niya. "Anak ko..." palahaw niya. Muli siyang niyakap ng asawa. "Alam mo, mas nanaisin ko pang ang nawala ay ang ating anak
MALAYANG pinagmamasdan ni Gian ang nahihimbing na asawa. Nasa hospital ito, si Bryan ay nasa critical na kundisyon, si Vic, bagama't may daplis ng bala ang braso ay nakalabas na ng pagamutan at nasa presinto para magbigay ng pahayag tungkol sa naganap. Habang nakamasid sa asawang walang malay ay nanumbalik sa isipan niya ang tagpo nang nagdaang gabi, nang harangan sila ng grupo ni Larry. Sinong mag-aakalang sa probinsiya pala ito nagtatago? Bago pa makabunot ng baril ang mga pulis ay nagpaulan na ng bala ang kalaban. Siya man ay may daplis din ng bala sa parteng tiyan, pero hindi niya 'yon alintana, mas nangangamba siya sa magiging reaksyon ng asawa kapag nalamang kasama sa pagsabog ang kanilang anak. Nang magkamalay ito'y paulit-ulit nitong tinatanong ang tungkol kay Andrei, pero hindi niya masabing wala na ang kanilang anak. Hindi niya alam kung paano, tiyak na masasaktan ito nang husto. Nalaman din niyang dinadala nito ang ikalawa nilang anak, ang bunga ng kanilang pagmamahalan. H
"ANDREI, anak ko!" Paulit-ulit na sabi ni Gwen habang umiiyak. Sakay pa rin sila ng sasakyan at patuloy ba tumatakas sa grupo ni Larry. Wala siyang pakialam sa palitan ng putok o kung may tumama mang bala sa katawan niya, ang tanging nasa isipan niya'y ang kaniyang anak. "Anak ko..." "Baby, asawa ko, I'm sorry." Narinig niya ang tinig ni Gian. Aaminin niyang nagtatampo siya rito, pero mas nagagalit siya sa kaniyang sarili. Siya ang ina, siya dapat ang nagbabantay kay Andrei, pero ipinagkatiwala lang niya ang buhay ng kanilang anak sa sa tagapag-alaga nito. Malapit na sila sa lugar na kung saan ay una nilang nakitang nakaharang ang grupo ni Larry, nang marinig ang boses ni Vic. Mabilis siyang nag-angat ng paningin. "Sir, mukhang may paparating." Nagkatitigan sila ni Gian. Lalong bumalatay ang takot sa mukha ng asawa niya. Hindi na malaman kung ano ang gagawin. "Sweetheart..." Yumakap siya rito. "I'm sorry, baby. Hindi ko natupad ng ipinangako kong poprotektahan kita, kayo
"SWEETHEART..." Nilingon ni Gian ang asawa. Nakaguhit sa mukha nito ang matinding takot. Nasa loob na sila ng maliit na kubo, pinagkasya nila ang kanilang mga sarili roon. Si Bryan ay nakasilip sa pinto, habang si Vic ay sa bintana. Si Nimfa ay nakasuksok sa tabi at nakabantay sa natutulog nilang anak. Nilapitan niya ang asawa at ikinulong sa malapad niyang dibdib. "I'm sorry," nasambit na lang niya. "Natatakot ako." Hindi siya makasagot dahil maging siya ay natatakot din. Naiinis din siya sa sarili, sinabing poprotektahan ang asawa't anak pero ngayon ay wala siyang magawa. Hindi alam kung paanong makaaalis sa trahedyang kinakaharap. Hindi pa nila kasama si Francis ngayon, si Bryan ay sugatan pa. Naalarma siya nang marinig ang ugong ng sasakyan. Ilang beses siyang nanalangin na sana'y hindi mapansin ang kubong pinagkukublihan nila. Halos hindi na siya humihinga habang dumaraan ang sasakyan. Mariin ang pagkakakuyom ng kamao. "Sir," pabulong na tawag ni Vic. "Lumampas