Yayakap sana si Gian, ipapakitang asawa niya ito, ngunit maagap itong pumalag. Naaaninag niya ang pagkabahala at pag-aalinlangan sa mukha nito. "Excuse me, Mister, hindi ako ang hinahanap mo. At puwede bang tigilan mo na kami. Wala pa akong asawa dahil wala akong wedding ring. Gets mo?" "Nang umalis ka sa bahay, nagtatalo tayo at tinanggal mo ang suot mong ring natin. But I'd swear to God, you are my wife." Iyon ang napili niyang alibi pero ang totoo ay hindi niya isinuot ang wedding ring, maging ito rin. Pagkatapos ng kanilang kasal ay hinubad na nila ang singsing. "Puwede bang sa loob na natin pag-usapan pa ang tungkol dito," anyaya ng ginang. Nagpatiuna ang dalawa at siya ay sumunod na lamang. Pasimpleng pinagmasdan niya ang kabuohan ng bahay. Ang mga bangko ay yari sa tabla, mayroong ding sa kayawan. "Paano mo nasabi na asawa mo siya?" katanungang nagpanganga sa kaniya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa tanong na iyon. "Paano ko nasabing asawa ko siya
Sinamahan niya ang asawa sa kusina, na kung saan ay naghahain ang matandang babae. "Inay..." Lumapit doon si Gwen na sinundan niya. "Magpapaalam na po ako. Salamat po sa lahat-lahat." Wala itong tugon ngunit naaaninag niya ang lungkot sa mata nito. Siya naman ang nagpasalamat dito. "Aling Martha, salamat po sa pag-aalaga mo sa asawa ko, sa inyo ng 'yong anak na kahit iba ang naging pagpapakilala nito sa inyo, utang ko pa rin ang buhay niya sa anak niyo." Nangilid ang luha nito't tumango sa kaniya. Ginagap nito ang palad ng kaniyang asawa. "Mag-iingat ka, anak, ha. At kayong dalawa..." Tumingin ito sa kaniya. "Kapag may hindi pagkakaunawaan, pag-usapan niyo muna. Huwag niyong paaabutin ng isang araw ang inyong tampuhan. Ang lahat ay nadadaan sa mabuting usapan," paliwanag nito. "Bago pa lang kayo 'no?" tanong nito sa kaniya. "O-opo." Kahit ang totoo'y mahigit dalawang taon na silang kasal. "Masasanay rin kayo sa buhay mag-asawa. Oh, siya sige. Tutal, asawa mo naman itong si
Kitang-kita ni Gian ang paghanga sa mukha ni Gwen. Inilibot niya ito sa mansion, para siyang tourist guide, bawat maraanan ay ipinapaliwanag niya at isa na roon ay ang palagi nitong ginagawa sa tuwing umaga. "Ang gaganda!" buong paghangang sambit nito."Ikaw ang nag-aalaga ng mga iyan araw-araw. Lagi mong kinakausap na akala mo'y nagkakaintindihan kayo.""Talaga?" bulalas nito.Tumango siya rito. Nang mawala si Gwen ay hindi rin naman niya pinabayaan ang mga halamang nasa magkabilang-gilid ng bahay, ang iba niyon ay nasa harapan ng mansiyon."These are Mommy's babies, but when we got married, you took care of them since Mom was busy."Wala itong naging tugon. Nakatitig lang ito sa iba't ibang uri ng bulaklak, samo't sari rin ang orchids doon. Sa kabilang gilid ng mansiyon ay naroon ang pool. Lumapit ang asawa niya roon at binalak magtampisaw nito, ngunit pinigilan niya ito."You should take a rest first, okay. Malayo ang naging biyahe natin at alam kong pagod ka. Come, I'll take you
Nang magmulat si Gian ay ang maamong mukha ng asawa ang nabungaran niya. Ubod-tamis itong ngumiti kaya't ginantihan din niya iyon ng ngiti at may kasunod pang halik sa noo. Kita niya ang pamumula ng mukha nito. "Sorry, nakatulog rin pala ako. Nagugutom ka na ba?" Hagya pa siyang naghikab. Marahang tango ang itinugon nito, kaya't agad siyang tumayo at niyakag ito sa ibaba. Habang naglalakad patungo sa dining area ay sinasabi niya kung ano ang kanilang nararaanan, maging ang maid's room. Ngayong bumalik na ang kaniyang asawa ay kailangan niyang maghanap ng kasambahay para rito. In case na nasa office siya ay may makakasama ito.Pagkarating sa dining area ay mabilis niya itong ipinaghain ng pagkain, kahit ayaw niya'y ginagawa pa rin nito. Dati-rati ay siya ang pinagsisilbihan nito. Dati-rati ay hindi niya nakikita ang halaga nito, ngunit ngayon, para siyang ibinaon sa hukay ng kahapon. Ngayon niya napagtanto ang kamaliang nagawa. And he realized the word 'hindi mo makikita ang halaga n
Isang buwan na ang lumipas nang muling makita ni Gian si Gwen. Tinupad niya ang sinabing aalaagaan at pagsisilbihan ng maayos ang asawa. Magkatabi na sila sa kama kung matulog, hindi tulad noong bago pa lang silang mag-asawa. Pero wala pang nangyayari sa kanila. Natatakot siya sa posibleng mangyari kapag ginalaw niya ang asawa. May oras na nag-iinit ang katawan niya lalo na kapag nakayakap ito sa kaniya Kapag nasa opisina siya, halos oras-oras siyang tumatawag dito. Lahat ay ginawa niya mapasaya lang ito. "Hi, dude!" Palabas na siya ng office nang makasalubong si Adrix. Agad na nagsalubong ang kilay niya. "What the hell are you doing here?" "Grabe ang tanong, ah!" "Bilisan mo na. Nagmamadali ako." "Relax lang naman, Gian. Alam mo, simula nang makita mong muli ang 'yong asawa, hindi ka na namin nakaka-bonding--" "Busy ako," awat agad niya rito. "Busy or masyado mong ini-enjoy--" Muli itong tumahimik nang itaas niya ang kamao. Matalim din niyang tinitigan ang kaibig
Nang magising si Gian ay wala na sa tabi ang asawa. Agad siyang bumangon, pero napahinto rin nang makita ang pulang mantsa sa bedsheet. Hindi niya napigil ang mapangiti, masarap balikan ang nangyari sa magdamag.Matapos makapaglinis ng katawan ay bumaba, hinanap ang asawa. Naabutan niya ito sa kitchen, nagluluto ng kanilang almusal. Nasa hamba siya ng pinto at doo'y malayang pinagmamasdan ang asawa. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti. Naririnig niyang kumakanta ito. Sa pagharap ay nanlaki ang mata nito, halatang nagulat nang makita siya. Lumapit siya rito at parang ahas na ipinulupot ang dalawang braso sa maliit nitong baywang."I love you."Napagtanto niya, na mahal na niya ito. Naramdaman niya ang kakaibang tadyak sa puso nang makita ito sa pinanggalingang lugar. Nang makita niya itong may kasamang ibang lalaki ay nakaramdam siya ng inis At na-realize niya, hindi iyon ego or pride, kundi selos.Umangat ang ulo niya. Itinapat ang noo sa noo nito at sa isang iglap ay naglapat
Paroo't parito siya sa loob ng office room niya. Ngayo'y galit na galit siya kay Zabrina. Bakit siya nito niloko? Anong pagkakamali ang nagawa niya rito. Minahal niya ito ng sobra, pero ano ang iginanti sa kaniya? "Ahhhh! Napakawalang-puso mo!" Napasigaw na siya sa labis na frustration. Soundproof naman ang opisina niya kaya walang makaririnig sa kaniya. Hindi niya akalaing nagmahal siya ng isang demonyo. Buong akala niya'y minahal siya nito, ang lahat pala ay kasinungalingan lamang. Ano ba ang kulang sa kaniya? Kung pera lang ang pag-uusapan, tiyak na hindi siya magpapatalo. Sigurado rin na hindi siya pangit, but why? "Why, Zabrina?" Pero hindi ang tungkol doon ang ikinagalit niya, ginamit lang pala nito si Gwen, ang matalik nitong kaibigan. Ang kawawa niyang asawa, na buong akala niya'y ito ang may kasalanan. Akala niya'y ito ang may kagagawan kung bakit sila nagkahiwalay ni Zabrina. Sinisi niya ito sa nangyari. Halos ikamatay nito ang ginawang pagpapahirap niya pero mali p
Matiyagang pinagmamasdan ni Gian ang asawa. Malapit nang sumapit ang umaga, hindi na siya makatulog kaya binabantayan na lang niya ito. Pansin niya ang paggalaw ng talukap ng mata nito, hudyat nang pagkagising ng asawa. Unti-unti itong nagmulat. Mapupungay ang matang tumitig ito sa kaniya at buong pagmamahal na sinalubong iyon."Did I wake you up?"Marahan itong tumango. "Kulit mo kasi." Ngumuso pa ito na ikinatawa niya. "Inaantok pa ako e," bulong pa nito. "Matulog kang muli, nandito lang ako sa tabi mo," malambing niyang tugon dito. Muli itong napanguso habang tumitihaya ng higa. "Stop doing that." "Ano?" kunot-noong tanong nito kasunod ang paghihikab. "Sabi ko, huwag mo na ulit gagawin iyon." Muling nangunot ang noo nito, halatang hindi naunawaan ang kaniyang sinasabi. "Huwag mo na ulit gagawin iyon or else... I'll kiss you." Naningkit ang mata niya. Hinampas siya nito sa braso. "Napakalandi mo! Alalahanin mong may kasalanan ka pa sa akin," namimilog ang matang sabi nit