Huminto ang sasakyan ni Gian sa isang tapat ng may kalakihang resort. Napanganga siya sa ayos ng labas niyon. Maganda, anang isipan niya. Mula sa entrance ay sinuri at tinanong siya ng security guard. Doon niya napagtanto na hindi basta-basta ang may-ari ng resort. Pinapasok na rin naman siya nito nang sabihing kasama siya ng isang guest doon, binanggit niya ang pangalan ni Fred. Matapos ma-i-park ang sasakyan ay agad niyang tinawagan si Adrix. Sa halip na magtanong sa information ay hinintay na lamang niyang sunduin siya ng kaibigan. Wala siya sa mood na makipag-usap dahil pagod na pagod na siya. Sa haba ng ibinyahe ay wala na siyang lakas para gawin pa iyon. Hindi nagtagal ay nakita niya ang paglapit ng kaibigan, kasama rin nito si Fred. Agad na niyang sinalubong ang dalawa. "Wazzup, dude!" bati ni Fred sa kaniya. "Akala ko'y hindi ka na talaga dadalo sa kasal ko." Ngumiti siya rito. "I'm sorry, dude. Naging busy lang ako sa office. Tambak pa nga ang gawain ko, kaya lang itong s
Maagang gumising si Gian, hahanapin niya kahit saan ang asawa. Hindi na niya nakita ang kaibigang si Fred, si Adrix ay kagabi pa umalis. May pinapaasikaso siya rito sa office. Kasama niya ng kaibigan sa kompanya at isa ito sa pinagkakatiwalaan niya roon. Kasalukuyan siyang nagmamaneho, ayon sa napagtanungan niya'y Barangay Sta. Teresita ang pangalan ng lugar na iyon. Palinga-linga siya, naghahanap ang mata, sinusuri ang bawat paligid.Inabot na siya ng hapon, nawawalan na ng pag-asang makita ang asawa. Nang walang anu-ano'y may biglang tumawid. Lumangitngit ang gulong ng kaniyang sasakyan nang mariin niyang tapakan ang preno."Shit!" mura niya kasabay ang paghampas sa manibela. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng takot para sa babaeng nasa unahan ng sasakyan. Nakatalikod ito sa gawi niya. Umibis siya ng sasakyan para kausapin ang babaing bigla na lamang tumawid. "Miss, are you okay?"Namumutlang mukha ang unti-unting bumubungad sa kaniya. Nang tuluyang magtapat ang kanilang mga muk
Bumalik si Gian sa resort. Pinagpaplanuhan kung ano ang tamang gawin. Nagpalit siya ng suot, short ang pinili niya at white sando. Pagkatapos ayy muli siyang lumabas. Nilibot niya ang buong resort para malibang ang isipan. Sinabi niya sa sariling, tanging si Zabrina lang ang pakamamalin pero nang makita niyang may kasamang iba si Gwen at sa iisang bubong pa iyon tumutuloy ay nakaramdam siya inis. He admit, nagseselos siya. And he hate this feeling. "F**k!" mura niya sa sarili. Huminto siya sa tapat ng pool. Nawaglit bigla ang iniisip niya nang masilayan ang ganda ng pool. Bawat kanto ay may poste ng ilaw, kaya hindi hadlang ang kadiliman para hindi niya mapagmasdan ang paligid. Naliligiran ng iba't ibang uri ng bulaklak at mga orchids pa ang paligid, pababa iyon. Unti-unti siyang humakbang sa hagdan. Narating niya ang ang pinakasentro, may tila talon doon na ang tubig ay nahuhulog sa swimming pool. Napanganga siya sa nakitang desinyo ng pool. Ang arrangement ng mga iba't ibang u
Yayakap sana si Gian, ipapakitang asawa niya ito, ngunit maagap itong pumalag. Naaaninag niya ang pagkabahala at pag-aalinlangan sa mukha nito. "Excuse me, Mister, hindi ako ang hinahanap mo. At puwede bang tigilan mo na kami. Wala pa akong asawa dahil wala akong wedding ring. Gets mo?" "Nang umalis ka sa bahay, nagtatalo tayo at tinanggal mo ang suot mong ring natin. But I'd swear to God, you are my wife." Iyon ang napili niyang alibi pero ang totoo ay hindi niya isinuot ang wedding ring, maging ito rin. Pagkatapos ng kanilang kasal ay hinubad na nila ang singsing. "Puwede bang sa loob na natin pag-usapan pa ang tungkol dito," anyaya ng ginang. Nagpatiuna ang dalawa at siya ay sumunod na lamang. Pasimpleng pinagmasdan niya ang kabuohan ng bahay. Ang mga bangko ay yari sa tabla, mayroong ding sa kayawan. "Paano mo nasabi na asawa mo siya?" katanungang nagpanganga sa kaniya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa tanong na iyon. "Paano ko nasabing asawa ko siya
Sinamahan niya ang asawa sa kusina, na kung saan ay naghahain ang matandang babae. "Inay..." Lumapit doon si Gwen na sinundan niya. "Magpapaalam na po ako. Salamat po sa lahat-lahat." Wala itong tugon ngunit naaaninag niya ang lungkot sa mata nito. Siya naman ang nagpasalamat dito. "Aling Martha, salamat po sa pag-aalaga mo sa asawa ko, sa inyo ng 'yong anak na kahit iba ang naging pagpapakilala nito sa inyo, utang ko pa rin ang buhay niya sa anak niyo." Nangilid ang luha nito't tumango sa kaniya. Ginagap nito ang palad ng kaniyang asawa. "Mag-iingat ka, anak, ha. At kayong dalawa..." Tumingin ito sa kaniya. "Kapag may hindi pagkakaunawaan, pag-usapan niyo muna. Huwag niyong paaabutin ng isang araw ang inyong tampuhan. Ang lahat ay nadadaan sa mabuting usapan," paliwanag nito. "Bago pa lang kayo 'no?" tanong nito sa kaniya. "O-opo." Kahit ang totoo'y mahigit dalawang taon na silang kasal. "Masasanay rin kayo sa buhay mag-asawa. Oh, siya sige. Tutal, asawa mo naman itong si
Kitang-kita ni Gian ang paghanga sa mukha ni Gwen. Inilibot niya ito sa mansion, para siyang tourist guide, bawat maraanan ay ipinapaliwanag niya at isa na roon ay ang palagi nitong ginagawa sa tuwing umaga. "Ang gaganda!" buong paghangang sambit nito."Ikaw ang nag-aalaga ng mga iyan araw-araw. Lagi mong kinakausap na akala mo'y nagkakaintindihan kayo.""Talaga?" bulalas nito.Tumango siya rito. Nang mawala si Gwen ay hindi rin naman niya pinabayaan ang mga halamang nasa magkabilang-gilid ng bahay, ang iba niyon ay nasa harapan ng mansiyon."These are Mommy's babies, but when we got married, you took care of them since Mom was busy."Wala itong naging tugon. Nakatitig lang ito sa iba't ibang uri ng bulaklak, samo't sari rin ang orchids doon. Sa kabilang gilid ng mansiyon ay naroon ang pool. Lumapit ang asawa niya roon at binalak magtampisaw nito, ngunit pinigilan niya ito."You should take a rest first, okay. Malayo ang naging biyahe natin at alam kong pagod ka. Come, I'll take you
Nang magmulat si Gian ay ang maamong mukha ng asawa ang nabungaran niya. Ubod-tamis itong ngumiti kaya't ginantihan din niya iyon ng ngiti at may kasunod pang halik sa noo. Kita niya ang pamumula ng mukha nito. "Sorry, nakatulog rin pala ako. Nagugutom ka na ba?" Hagya pa siyang naghikab. Marahang tango ang itinugon nito, kaya't agad siyang tumayo at niyakag ito sa ibaba. Habang naglalakad patungo sa dining area ay sinasabi niya kung ano ang kanilang nararaanan, maging ang maid's room. Ngayong bumalik na ang kaniyang asawa ay kailangan niyang maghanap ng kasambahay para rito. In case na nasa office siya ay may makakasama ito.Pagkarating sa dining area ay mabilis niya itong ipinaghain ng pagkain, kahit ayaw niya'y ginagawa pa rin nito. Dati-rati ay siya ang pinagsisilbihan nito. Dati-rati ay hindi niya nakikita ang halaga nito, ngunit ngayon, para siyang ibinaon sa hukay ng kahapon. Ngayon niya napagtanto ang kamaliang nagawa. And he realized the word 'hindi mo makikita ang halaga n
Isang buwan na ang lumipas nang muling makita ni Gian si Gwen. Tinupad niya ang sinabing aalaagaan at pagsisilbihan ng maayos ang asawa. Magkatabi na sila sa kama kung matulog, hindi tulad noong bago pa lang silang mag-asawa. Pero wala pang nangyayari sa kanila. Natatakot siya sa posibleng mangyari kapag ginalaw niya ang asawa. May oras na nag-iinit ang katawan niya lalo na kapag nakayakap ito sa kaniya Kapag nasa opisina siya, halos oras-oras siyang tumatawag dito. Lahat ay ginawa niya mapasaya lang ito. "Hi, dude!" Palabas na siya ng office nang makasalubong si Adrix. Agad na nagsalubong ang kilay niya. "What the hell are you doing here?" "Grabe ang tanong, ah!" "Bilisan mo na. Nagmamadali ako." "Relax lang naman, Gian. Alam mo, simula nang makita mong muli ang 'yong asawa, hindi ka na namin nakaka-bonding--" "Busy ako," awat agad niya rito. "Busy or masyado mong ini-enjoy--" Muli itong tumahimik nang itaas niya ang kamao. Matalim din niyang tinitigan ang kaibig
SA gitna ng dilim ay magkayakap si Celly at Adrix. Ang sinabi ng binatang pupunta sa US ang nagpalakas ng loob niya na yakapin ito. Isinantabi muna niya ang pride, sa pagkakataong 'yon ay hahayaan niyang gumana ang kaniyang puso. Sa isang iglap ay nasa loob na sila ng bahay at kapwa nangungusap ang mga mata. Walang pasubaling tinawid niya ang pagitan para mailapat ang labi rito. Hindi ito makahuma sa ginawa niya, halatang gulat na gulat. Siyempre, sino ba naman ang hindi magugulat sa ginawa niya? Siya na palaging nakasinghal sa binata, hahalikan ito? Nang bumitaw siya'y idinikit ang noo sa mukha nito. Amoy niya ang alcohol na ibinubuga ng hininga nito, pero alintana 'yon. Nakaliliyo man pero masarap pa rin sa pakiramdam."What happened? Is it a dream?"Bahagya siyang napangiti sa huling sinabi nito. Nang mag-angat siya ng paningin ay nasa mukha pa rin nito ang gulat. "OA mo na ha!" Tinapik niya ito sa balikat, saka'y bahagyang lumayo rito, dahil baka'y ipagkanulo na naman siya ng ka
NAKATUNGHAY si Adrix sa babaing pumapasok, kasama ang lalaking may dalang helmet. Parang tinutusok ng milyong karayom ang dibdib niya sa nakikitang kasiyahan sa mukha ni Celly. Ang pagbuka ng bibig nito kasabay ang paniningkit ng mata, alam niyang masayang-masaya ito, pero kapag siya ang kasama, galit na galit ito. Kahit wala siyang ginagawang masama lagi itong nakasinghal sa kaniya. Kinuha niya ang phone. Tinawagan niya si Gian. Nakapagdesisyon na siya, pupunta siya sa US para hanapin si Zabrina. Matapos kausapin ang kaibigan ay inilapag niya ang cellphone. Nasa loob na si Celly, kasama ang lalaking naghatid dito. Ngayong nasa loob na ang dalawa, samo't sari ang pumapasok sa isipan niya. Pumitik ng malakas ang puso niya. Ayaw man niyang aminin, pero kinakain siya ng selos. Kaya ba ayaw nito sa kaniya, kaya ba palagi itong nakasinghal sa kaniya, dahil may ibang nagpapasaya rito? Kunsabagay, matagal na siya nitong pinatitigil, pero siya lang ang makulit. Ngayon ay sinasampal na sa
SIMULA nang ihatid ni Adrix ay hindi na niya kinulit si Celly, pero kahit ganoon ay palagi pa rin siyang nakatunghay sa malayo rito. Palihim siyang nakabantay kahit sa pagpasok at paglabas ng dalaga. Nagkasya na lang siya sa pagtingin-tingin dito. Tulad ngayon, nakamasid na naman siya rito. Kung may makapapansin lang tiyak na iba ang iisipin sa kaniya.He sighed. Sinasabi nito na babaero siya, kahit ang ex-girlfriend niya, but that's not true. Ang totoo, ang mga babae ang lumalapit sa kaniya, pero hindi ibig sabihin na nakikipag-flirt siya. Si Hannah, ang ex-girlfriend niya, minahal niya ito ng sobra, dito na umikot ang kaniyang mundo. Ibinigay niya ang lahat, pero sa isang iglap ay nawala ito sa kaniya. Sa pag-aakalang may iba siya ay sumama ito sa mayamang lalaki. Akala niya'y ipinagpalit lang siya, pero matagal na pala nitong karelasyon ang lalaking 'yon. Wala siyang nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan. Pareho silang niloko ng dating kasintahan ni Gian, ang kaibahan nga la
INIS na inis si Celly, pero kahit ganoon ang naramdaman ay wala siyang ibang choice kundi ang pakisamahan si Adrix. Napahiya rin siya kay Gian nang magtalo sila sa harapan ng mag-asawa habang kumakain ang mga ito."Kundi ba naman isang tanga at kalahati!" pabulong niyang sabi, umiikot pa ang dalawang itim ng mata. Tinapunan nito ng pagkain ang waiter na nag-serve sa kanila sa restaurant. Pero ang mokong na 'to, siya ang sinisisi kung bakit nito nagawa 'yon. Nakikipagtitigan daw siya sa waiter."As if namang nakikipagtitigan ngang talaga ako, duh!" Muling umikot ang itim ng mata niya. Tumingin siya sa labas, nagbabaka-sakaling mawala ang inis niya sa binata.Ngayon ay nasa sasakyan siya nito. Ihahatid na raw siya, pero daraan muna sila sa mansyon ng McCollins dahil sa naiwang gamit doon. Hindi rin niya maipaliwanag ang sarili kung bakit inis na inis siya sa tuwing magkakamali ito. Para sa kaniya'y wala itong alam kundi ang uminom sa bar, lustayin ang pera sa walang kabuluhang bagay at
ANG sama ng tingin ni Gian sa asawa, nasa labas na sila ng room, pero bahagyang nakaawang ang pinto ng silid dahil sa natutulog na anak. Umi-echo ang boses nito, mabuti na lamang dahil soundproof ang office niya, kung hindi ay nagtaka na ang mga empleyafo niya sa labas. Ang asawa niya, pinagtitripan lang pala siya. Hindi pala ito galit sa nagawa niyanh pagsigaw dito. Oo, nainis ito pero nang makita ang reaksyon niya na halos umiyak na sa paghingi ng tawad dito at ngayon ay humagalpak ng tawa. Gayunpaman ay nawala ang anumang nasa isipan niya. Ang sarap lang pakinggan ng tawa nito. Nakahahalina. Namimilipit na ito sa pagtawa, may kasama pang hampas pa sa bangko. Ang mukha'y nammumula na. Sa ilang taon nilang magkasama, ngayon lang niya ito nakita kung paano tumawa nang walang pag-aalinlangan. Parang nakalaya ito sa madilim niyang anino. "Sweetheart, ang sakit na ng tiyan ko," sabi nitong nakahawak sa tiyan. Napangiti siya. Tumayo siya't lumapit dito. "Silly girl!" Tuluyan na siyang
NAISABUNOT ni Gian ang mga daliri sa sariling buhok. Nang dahil sa takot ay hindi sinasadyang nasigawan niya ang asawa. Ngayon ay hindi niya alam kung paano ito susuyuin. Bumalik ang alaala ng pagmamalupit niya rito, ang mga panahong palagi niya itong sinisigawan at sinasaktan. Tulad noon, wala pa rin itong imik. O baka'y kinimkim lang nito ang galit sa kaniya. Shit! Nahihiya siya sa asawa. Naihilamos niya ang dalawang palad sa mukha, saka'y tumingin sa asawang katabi ng anak. Hindi niya alam kung tulog ba ito at hindi rin niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Namalayan na lang niyang tinatangay siya ng mga paa patungo rito. Maingat siyang umupo sa gilid ng kama at ginawa ang pagkakahiga ng asawa. Ipinatong ang braso sa baywang nito. "I'm sorry..." Nagkaroon ng bikig sa kaniyang lalamunan. Paano kung magtampo ito nang husto sa ginawa niya? Kung bakit naman kasi pinairal niya ang init ng ulo. "A-are you m-mad!" Tinamaan siya ng lintik dahil bahagya siyang pumiyok. Kapag g
HINDI mapigilan ni Gwen ang tuwa habang nasa clinic sila ni Celly. Nagkandahaba ang nguso nito at halos hindi maipinta ang hitsura, daig pa ang nalugi sa negosyo. Tumawag sa kaniya si Gian, nagtatanong kung natuloy ba ang appointment niya sa doktor ni Andrei. Alibi lang pala 'yon ng asawa, dahil ang totoo'y sinisigurado nito kung magkasama sila ng kaibigan. Nasa tabi nito si Adrix na naghuhurumintado dahil sa pagtakas ng kaibigan. "Hoy! Wala tayong relasyon para ipaalam ko pa sa iyo ang lahat ng aking gagawin!" bulyaw ni Celly sa kabilang linya. "Lower your voice," aniya rito, inihele pa niya ang natutulog na anak. Pinagbigyan niya ang hiling ni Adrix na makausap si Celly, kaya ngayo'y inis na inis ang kaniyang kaibigan. Masamang tingin ang itinugon nito sa kaniya na lalo niyang ikinatuwa. Kung nasa sariling pamamahay lang siguro siya ay humagalpak na siya ng tawa. Kaagad din nitong tinapos ang makikipag-usap sa nasa kabilang linya at padaskol na iniabot sa kaniya ang cellphone.
"SAAN ka pupunta?" Sumalimpat ang tingin ni Celly kay Adrix. Nakatayo ito sa harapan niya. Salubong ang kilay, mukhang aburido. Hindi na lang niya ito pinansin at akmang lalabas ng pinto ngunit maagap nitong iniharang ang katawan. Umikot ang kaniyang mata. Sa halip na lumabas ay malakas niyang isinarado ang pinto. Narinig pa niya ang hiyaw ng binata ngunit hindi niya pinakinggan, bagkus ay ini-lock pa. "Agang-aga nakakabwisit!" angil pa niya, kasabay ng marahas na paglalakad patungo sa likurang bahagi ng tinutuluyan.Simula nang dumating sila galing Isla Paradise ay palagi siyang binibisita nito. Tuwing umaga ay lagi niyang nakikitang nag-aabang sa labasan, kung hindi naman ay nasa harap ng pinto. Naiirita na siya rito. Sinabi na niyang tumigil na dahil hindi ito ang tipo niyang lalaki, pero napakakulit talaga. Hindi raw ito naniniwala sa kaniya."Nakakainis!" Binuksan niya ang bintana, siinuri ang paligid. Hindi 'yon kataasan, hanggang baywang lang niya at kaya niyang dumaan, ang
HINDI maalis-alis ang lagkit ng tingin ni Gian sa asawa. Gandang-ganda siya rito. She's so gorgeous with her looks. Para itong beauty queen na kahit simple lang ang kasuota'y nagiging kaakit-akit sa paningin niya. The way she walked, even her smile, lahat ng 'yon ay parang diyamante sa kaniyang paningin at kung sinuman ang magtangkang humawak o kahit tumingin dito'y dudurugin niya. A delicate smile drew on his lips when they stopped walking. His eyes also showed a lot of admiration. Kasalukuyan silang nasa veranda sa second floor, naliligiran ng iba't ibang uri ng halaman at sa kalangitan ay nandoon ang nagkikislapang mga bituin. "Ang ganda, sweetheart!" buong paghangang sambit nito. Umikot pa habang nakatingala at nakamasid sa mga bituin. Naisip niyang palagyan extension ng tulad nito ang kanilang room. May veranda rin ang silid nila pero maliit ang espasyo at hindi rin napagtutuonan ng pansin ang paligid. Bahagyang kumislot ang puso niya nang lumapit ito sa pinakadulo at kumapit