Share

Chapter 21

Huminto ang sasakyan ni Gian sa isang tapat ng may kalakihang resort. Napanganga siya sa ayos ng labas niyon. Maganda, anang isipan niya. Mula sa entrance ay sinuri at tinanong siya ng security guard. Doon niya napagtanto na hindi basta-basta ang may-ari ng resort.

Pinapasok na rin naman siya nito nang sabihing kasama siya ng isang guest doon, binanggit niya ang pangalan ni Fred. Matapos ma-i-park ang sasakyan ay agad niyang tinawagan si Adrix. Sa halip na magtanong sa information ay hinintay na lamang niyang sunduin siya ng kaibigan. Wala siya sa mood na makipag-usap dahil pagod na pagod na siya. Sa haba ng ibinyahe ay wala na siyang lakas para gawin pa iyon. Hindi nagtagal ay nakita niya ang paglapit ng kaibigan, kasama rin nito si Fred. Agad na niyang sinalubong ang dalawa.

"Wazzup, dude!" bati ni Fred sa kaniya. "Akala ko'y hindi ka na talaga dadalo sa kasal ko."

Ngumiti siya rito. "I'm sorry, dude. Naging busy lang ako sa office. Tambak pa nga ang gawain ko, kaya lang itong s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author Zai SA update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status