Abot-abot ang kaba ni Gwen nang mapagtanto ang mga binitiwang salita. Bigla na lamang nanlamig ang buo niyang katawan lalo na nang makita ang nanlilisik na mata ni Gian. Saglit pa ay tumaas ang kabilang gilid ng labi nito at unti-unting lumapit sa kaniya. "What did you say?"Napalunok siya ng laway. Naramdaman niya ang pagkapit ni Tina sa kaniyang palad kaya't napasulyap siya rito. Si Glenda ay nasa kabilang gilid niya, magulo pa rin ang buhok at namumula ang mukha dahil sa mga sampal na inabot nito mula kay Rachel. "Hindi man ikaw ang nagpapasahod sa amin at nangako ako sa ina mo na hihintayin namin ang pagbabalik niya, pero hindi ko na kaya!" Si Tina na ang sumagot para sa kaniya. "You are free leave, Tina! I don't need you, pero hinding-hindi niyo maisasama si Gwen. Dito lamang siya!''Natigalgal siya sa narinig. Akala niya'y paaalisin siya nito. Pero sana'y pumayag na lang ito na umalis siya. "Para, ano? Para pahirapang muli? Para alilaing muli--""Stop!" awat agad ni Gian.
AFTER TWO YEARS... Nasa mansiyon pa rin si Gwen at sa loob ng dalawang taon ay wala siyang ibang naranasan kundi hirap at pasakit mula sa asawa. May oras na gusto na niyang sumuko, naisipan niya na rin ang tumakas, pero palagi siyang nahuhuli ni Rachel. Dinaig pa niti ang isang reyna. Madalas din siya nitong sigawan, murahin at saktan. Lahat ng iyon ay tiniis niya. Kapag umaalis si Gian ay ikinakandado na nito ang pinto. Sa tuwing tumatawag ang kaniyang mother-in-law saka pa lamang siya nakakalaya kahit ilang minuto lamang. Ang ipinagtataka lamang niya'y hindi nito itinatanong ang dalawang kasambahay. Ano kayang palusot ang sinabi ni Gian sa ginang? Isang araw, nagyaya si Rachel. Nagpapasama ito sa mall na mag-shopping. Nagpaalam ito kay Gian, kaya pumayag na rin siya. At ang lukaret na babae, hindi pala mamimili kundi may katatagpuing lalaki. Naisip niyang, alam kaya iyon ng kaniyang asawa? Malamang, hindi. Wala naman siyang pakialam doon, pero ang isa niyang ikinasasama ng loob
MABILIS na pinasibad ni Gian ang sasakyan. Bagama't nakadama ng takot, mas pinili niyang iwan si Gwen na duguan ang ulo. He was really shocked after seeing a blood in her hand. Nagalit siya nang husto sa nalamang boyfriend nito ang lalaki. Ang malamang may ibang lalaki ito ay hindi niya matanggap. Natapakan siya. His ego and his pride. Binilisan pa niya ang pagmamaneho at narinig niya ang paghiyaw ng kung sinuman. Nilingon niya iyon, saka lang nalamang kasama pala niya si Rachel. Mas pinatulin pa niya ang pagmamaneho. "Slowly, Gian!" Muli siyang napasulyap sa katabi na halos magkulay-suka na. He smirked. Sa halip na bagalan ay mas pinatulin pa niya ang pagmamaneho, na kahit yata alikabok ay hindi kayang kumapit sa labas ng sasakyan niya. "Gian!" paulit-ulit nitong hiyaw na galos ikabingi niya. "If you're scared, then, get out of my car!" ganting hiyaw niya rito na ikinatahimik naman nito. Nagpatuloy siya sa pagmamaneho hanggang sa natunton ng sasakyan ang isang bar na pagm
"You?" Gulat na gulat si Gian nang makita ang babaeng nakatayo sa kaniyang harapan. "What?" kunot-noong tanong nito habang tinutuyo ang basang buhok. "Ikaw ba ang nag-ayos sa akin?" baritonong tanong niya. "Yes! Is there something wrong?" Siya naman ang napakunot ang noo. "Teka nga pala, what are you doing in my room?" "Tsk. Matapos mo akong iwanan sa bar at matapos kitang ayusin sa pagkakatulog mo, ngayo'y tatanungin mo ako kung ano ang ginagawa ko sa room mo?" Bigla na namang uminit ang kaniyang bunbunan. Ayaw niya ng maraming satsat. "Leave!" utos niya rito. "Ano?" "I said leave! Leave this mansion, now!" Maang itong napatitig sa kaniya. Ngunit agad ding napahagalpak ng tawa. "Crazy!" "You heard me, right? Leave!" Halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa pagsigaw dito. "Teka nga, bakit ka ba nagkakaganiyan? Ano bang problema mo?" Anong problema niya? Hindi rin niya alam. Lumapit siya rito't hiniklas ang braso. "Aray! Ano ba? Nasasaktan ako." Naalala
Inabot na ng buwan ang paghahanap ni Gian sa asawa, ngunit bigo pa rin siya. Narating na niya ang karatig-lugar at nag-hire na rin ng imbestigador para magmanman sa lugar ng magulang nito. Ngunit, maging doon ay wala rin ang asawa. Walang makapagsabi kung nasaan ito. "Sir, hindi ho talaga namin matagpuan ang asawa mo. Maybe, she's not here in Manila," anang isang imbestigador na nautusan niya. Napaisip siya. Marahil ay wala nga ito sa siyudad. Pero saan naman ito pupunta? Napalatak siya nang pumasok ang isang ideya. "Sa lugar ni Tina. Oo. Tama." Agad niyang hinagilap sa gamit ng ina ang papel ni Tina. Alam niyang mayroon itong papel dahil kasama siya nang sunduin ito ng ina sa agency. Nang matagpuan ay agad niyang kinontak muli ang imbestigador, sinabi rito ang lugar ng dating katulong. "Nasaan ka na ba? Ilang buwan na kitang hinahanap, pero hanggang ngayo'y hindi pa rin kita matagpuan. Pinagtataguan mo ba ako?" Hindi pa man natatapos ang maghapon ay pagod na pagod na ang kataw
Pinanindigan ni Gian ang hindi sumama sa kaibigang si Adrix. Wala siya sa mood. Nasa bahay lang siya nang araw ng Sunday at iyon ang araw ng kasal ng kaibigan niya. Kasalukuyan niyang dinidiligan ang mga bulaklak ng ina, na dati ay ginagawa ni Gwen. Now Gwen is missing, his life is empty... yes he admit that. May kulang ngayong wala ang kanyang asawa. O baka'y nasanay lang siya na ito ang gumagawa ng gawaing bahay.Nang matapos sa ginagawa ay bumalik siya sa loob. Hinubad muna niya ang suot na white sando, saka umupo. Dinampot niya ang cellphone.Nagulat siya nakita. Eleven missed call from Adrix. Napahinga siya ng malalim at pabagsak na ibinaba ang cellphone sa gilid niya. Tiyak na aasarin lang siya kaya ito tunatawag. Ipinikit niya ang mata ngunit agad ding nagmulat nang tumunog ang kanyang phone. Si Adrix. May pagdadalawang-isip pa siya kung sasagutin o hindi. Tiyak niyang aasarin lang siya ng mga kaibigan niya. Pero, sa huli ay sinagot na rin niya. "Oh, bakit?" "Dude! Ang tag
Huminto ang sasakyan ni Gian sa isang tapat ng may kalakihang resort. Napanganga siya sa ayos ng labas niyon. Maganda, anang isipan niya. Mula sa entrance ay sinuri at tinanong siya ng security guard. Doon niya napagtanto na hindi basta-basta ang may-ari ng resort. Pinapasok na rin naman siya nito nang sabihing kasama siya ng isang guest doon, binanggit niya ang pangalan ni Fred. Matapos ma-i-park ang sasakyan ay agad niyang tinawagan si Adrix. Sa halip na magtanong sa information ay hinintay na lamang niyang sunduin siya ng kaibigan. Wala siya sa mood na makipag-usap dahil pagod na pagod na siya. Sa haba ng ibinyahe ay wala na siyang lakas para gawin pa iyon. Hindi nagtagal ay nakita niya ang paglapit ng kaibigan, kasama rin nito si Fred. Agad na niyang sinalubong ang dalawa. "Wazzup, dude!" bati ni Fred sa kaniya. "Akala ko'y hindi ka na talaga dadalo sa kasal ko." Ngumiti siya rito. "I'm sorry, dude. Naging busy lang ako sa office. Tambak pa nga ang gawain ko, kaya lang itong s
Maagang gumising si Gian, hahanapin niya kahit saan ang asawa. Hindi na niya nakita ang kaibigang si Fred, si Adrix ay kagabi pa umalis. May pinapaasikaso siya rito sa office. Kasama niya ng kaibigan sa kompanya at isa ito sa pinagkakatiwalaan niya roon. Kasalukuyan siyang nagmamaneho, ayon sa napagtanungan niya'y Barangay Sta. Teresita ang pangalan ng lugar na iyon. Palinga-linga siya, naghahanap ang mata, sinusuri ang bawat paligid.Inabot na siya ng hapon, nawawalan na ng pag-asang makita ang asawa. Nang walang anu-ano'y may biglang tumawid. Lumangitngit ang gulong ng kaniyang sasakyan nang mariin niyang tapakan ang preno."Shit!" mura niya kasabay ang paghampas sa manibela. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng takot para sa babaeng nasa unahan ng sasakyan. Nakatalikod ito sa gawi niya. Umibis siya ng sasakyan para kausapin ang babaing bigla na lamang tumawid. "Miss, are you okay?"Namumutlang mukha ang unti-unting bumubungad sa kaniya. Nang tuluyang magtapat ang kanilang mga muk