Share

Chapter 4

Hindi na pinapasok sa Gwen sa trabaho niya. Ayon kay Sylvia ay pagtuunan na lang daw niya ng pansin ang kasal nila ng anak nito. Hindi pa man siya naka-oo sa kasal ay planado na ng ginang na labis niyang ipinagtataka. Todo alaga rin ito sa kaniya. Araw-araw itong bumibisita sa kaniya o kaya nama'y isinasama siya sa mga lakad nito. Ipinakilala rin siya sa iba nitong mga kaibigan bilang mapapapangasawa ng anak nito. Si Zabrina na matagal ng nobyo ng anak nito'y hindi pa kailanman niya nakitang pinahalagahan ng sobra ng ginang. O, dahil hindi naman siya madalas nakakasama nito.

Nabalitaan niyang pumunta na sa Canada ang kaibigan niya na labis niyang ikinalungkot. Hindi man lang sila nagkausap bago ito umalis. Napahinga siya at napatingala sa kesame. Mag-isa lang siya roon. Kapwa may pasok ang dalawang kasama niya. Mag-iisang buwan na rin simula nang pinag-resign ni Sylvia kaya ngayo'y nakararamdam siya ng lungkot at pagkainip. Tumayo siya't pumasok ng silid. Maliligo siya. Balak niyang magpunta sa mall para matanggal ang inip. Papasok na sana siya ng banyo nang may maulinigan sa labas ng bahay. Dali-dali siyang nagtungo sa pinto.

"Ma'am Sylvia?"

"Oh, hi, anak!" bati nito, saka ay humalik sa pisngi.

Kahapon lamang ay nagkita sila nito. Nagpasama ito sa BGC upang kitain roon ang isa nitong kaibigan. Kaya ngayo'y gulat siya nang makita na naman ito.

"M-may pupuntahan ho ba tayo?" takang tanong niya.

"Uhm, wala. Pero sinusundo kita."

Umarko ang kilay niya. "Ano hong ibig niyong sabihin?"

"From now on, sa bahay ka na titira. Kaya, mag-impake ka na ng mga gamit mo," deritsong sabi nito na sinabayan pa ng pag-upo.

"Po? Nagbibiro po ba kayo?"

"Do I look I'm kidding?" seryosong tanong nito na nagpanganga sa kaniya. "Sige na. Ayusin mo na ang iyong mga gamit o gusto mong tulongan kita?"

"Po?"

"Gwen!"

"P-pero, b-bakit po? Okay naman po ako rito ah!"

"Gusto kong pumirmi ka na sa bahay. Gusto kong makasanayan mo ang buhay mo roon. Ang buhay may asawa. Besides, iilang araw na rin lang naman ang hinihintay at magiging mag-asawa na kayo ng anak ko," prenteng saad nito.

Napalunok siya ng laway. Nagsisimula na namang manlamig ang buong katawan niya. Dinaig pa ang binuhusan ng isang drum na yelo. May tila ibig ipahiwatig iyon sa kaniya. At samo't sari ang pumasok sa isipan niya. Paano kung alilain siya nito? Paano kung saktan siya nito? Tumahip ang dibdib niya nang maalala ang binitiwang salita ni Gian. Paano kung utos iyon ng binata? Muli siyang napalunok ng laway.

"Ma'a--"

"You can call me Mommy not Ma'am. Iha, sanayin mo na ang sarili mo. Ikaw ang mapapangasawa ng unico hijo ko at gusto kita para sa anak ko. Alam ko ang nararamdaman mo, ikaw at si Zabrina ay matalik na magkaibigan kaya nahihirapan ka ngayon. Kaya nga dapat sanayin mo na ang sarili mo habang maaga pa."

Pino siyang ngumiti. Bagama't sinabi nito na gusto siya'y hindi pa rin mawaglit-waglit sa isipan niya ang agam-agam. "Alam na ho ba ito ng anak mo?" muling tanong niya.

"Hindi pa. Pero, alam ko namang hindi na iyon makatatanggi pa sa oras na makita ka."

Lalo siyang napaisip sa mga binibitiwang salita ng ginang. Kakampi ba niya ito o isa ring magpapahirap sa kaniya? Alam naman niyang pahihirapan siya ng Gian sa oras na makasal sila pero ang ginang--

"Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano, iha. Mag-impake ka na. Magtatampo ako sa iyo niyan."

Muli siyang tipid na ngumiti. Hanggang sa biyahe ay nasa isipan pa rin niya iyon. Nagtext na lamang siya sa dalawang kasama sa bahay at nangakong babalik doon kapag day off ang mga ito.

Kasalukuyan na siyang nasa harapan ng mansiyon. Ilang beses na siyang nakapasok doon dahil kay Zabrina at ilang beses na rin siyang humanga roon. Pero, ngayo'y iba na ang sitwasyon. Humahanga man siya sa mansiyon pero may kaakibat na takot.

"Get inside, iha. Don't be shy."

Napalingon siya sa ginang at tipid na ngumiti. Sumunod na siya rito. Wala roon si Gian at tiyak na magagalit ito sa kaniya. Maaliwalas sa mata niya ang loob ng bahay. Ang kulay nitong gray and white ay bumagay sa hulma nito. Idagdag pa ang iba't ibang uri ng muwebles, nalalatagan ang sahig ng itim na alpombra na iba't iba ring desinyo. Ang hagdan na sa palagay niya'y limampung baitang ay yari sa kahoy at ang itaas niyo'y may nakasabit na chandelier.

Sa bawat pagtapak niya sa baitang ng hagda'y naraanan nila ang mga larawang nakasabit sa dingding. Picture ni Sylvia at ng yumao nitong asawa, may picture rin ni Gian, mula pagkabata hanggang sa magbinata ito. Napalunok siya ng laway sa huling larawang nakasabit sa dingding, malapit na iyon sa ikalawang palapag. Picture ito ng binata na naka-Tuxedo. He is so handsome on that picture. Tantalizing eyes, pointed nose and a kissable lips. Perfect, 'di ba? Nakatalikod ito ngunit nakaharap ang mukha sa camera, nakahawak din sa baba at nakangiti kaya nama'y lumabas ang dimple nito na lalong nagpatingkad sa guwapo nitong mukha.

"Baka nama'y matunaw na ang picture ng anak ko."

Napapitlag siya nang marinig ang boses ng ginang. Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. Nagkulay-kamatis ang mukha sa kahihiyang natamo. Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi at nagyuko ng ulo. Ipinagpatuloy ng ginang ang pag-akyat hanggang sa marating na nila ang second floor. May limang pintuan doon, na sa palagay niya'y mga room iyon. Maya-maya ay binuksan ng ginang ang nasa pinaka-dulo, iyon pala ang room ni Gian.

"Tina, pakipasok na ang gamit ng Seniorita niyo!" utos nito sa kasambahay na nagdadaka ng gamit niya.

Nanlaki ang mata nita matapos marinig ang salitang seniorita. Ngunit, mas lalong lumaki ang mata niya nang malamang silid pala iyon ni Gian.

"Ma-mom, bakit ho rito?"

"Why? Is there any problem with that, iha?'

"E, k-kasi ho..." Bigla siyang pinagpawisan ng malapot. Hindi pa niya kayang makasama sa iisang silid si Gian at alam niya ring hindi ito papayag. Nag-isip siya na gagawing alibi sa ginang. "E, kasi ho--"

"No more kasi-kasi ho, iha. I want you to stay in this room. Gusto ko na mag-stay ka sa tabi ng aking anak." Naging malungkot ang himig ng ginang na labis niyang ipinagtaka.

"M-may problema ho ba?" may pag-aalalang tanong niya.

"Wala." Gumuhit ang ngiti sa labi nito.

"May sakit ho ba kayo?" Iyon lamang ang naisip niyang dahilan kaya siguro ito nagkakaganoon. Tulad ng ibang pelikula na napapanuod niya.

"What? Mas malakas pa ako sa kalabaw, no! Gusto ko lang na magkapalagayan kayo ng loob ng aking anak, iha." Lumapit ito't ginagap ang palad niya. "Alam naman natin kung sino ang mahal ng aking anak, hindi ba? At alam ko rin na may lihim kang pagtingin sa 'king anak."

"Po?" gulat niyang nasabi.

"Don't deny that, iha. Nababasa ko iyon sa mata mo." Binitiwan nito ang palad niya't tinungo ang kama. Umupo ito sa gilid niyon at pinakatitigan siya. Nagbaba agad naman siya ng paningin. "Hindi mo man sabihin, nababasa ko at nararamdaman mo na may pagtingin ka sa anak ko. And, don't worry. Hindi ka man mahal sa ngayon ng aking anak, I know, matutunan ka rin niyang mahalin." Ngumiti ito.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya mula sa nga narinig dito. Pero, paano kung hindi? Paano kung kapag nagpakasal siya'y maging impiyerno ang buhay niya sa piling ni Gian?

Marahan niyang ipinilig ang ulo. Ngayo'y mag-isa na lamang siya sa silid ng binata. Malaya niya iyong pinagmasdan. Humimpil ang nag-uusisa niyang mata sa table na hanggang hati ng katawan niya, nandoon ang picture ni Gian at Zabrina. Napakaganda ng kaibigan niya. At ayaw man niyang aminin, nakadarama siya ng inggit dito noon. Nandito na ang lahat, ganda, yaman, mabait at mapagmahal na magulang at bunos na lang ang boyfriend nito. Unti-unti siyang hinila ng mga paa patungo roon. At sa isang iglap ay hawak na niya ang picture ng kaibigan.

"Bakit? Why, Zabrina?" Nag-uunahang pumatak ang luha niya nang maisip ang kasalukuyang sitwasyon. Kanina lamang ay gumaan na ang pakiramdam niya ngunit ngayo'y bumigat muli. Nadagdagan pa iyon nang maalalang nagtungo na sa ibang bansa ang kaniyang kaibigan.

"Who gave you permission to enter my room?"

Muntikan na niyang mabitiwan ang picture ni Zabrina sa labis na gulat.

"And... f**k!" mura nito. Sa isang iglap ay nakalapit na ito sa kaniya at marahas na hiniklas ang picture ng dalaga. "Get your filthy hands off! Bullshit!"

Nanginig ang buo niyang katawan, maging ang labi ay nangangatal din sa labis na takot sa binata. Kahit gustong-gusto na niyang umalis ay hindi niya magawang maihakbang ang mga paa, tila ba'y nakasemento iyon.

"Get out of my room! Get out of my sight! You f*cking idiot!" malakas nitong sabi na halos ikasabog ng ulo niya, itinulak pa siya nito kaya lumagapak ang katawan niya sa sahig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status