His Pretentious Love

His Pretentious Love

last updateLast Updated : 2025-04-08
By:  Miss PrairieUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
31Chapters
134views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nag-propose na rin sa wakas ang limang taon na nobyo ni Mia sa kanya sa araw ng kanilang anniversary. Masaya siya dahil nagbunga na rin ang kanyang paghihintay ng ilang taon. Sa gabi ding iyon walang pag-aalingan na ibinigay ni Mia ang kanyang pagkababae sa kanyang nobyo sa unang pagkakataon. Naging mapusok at mainit ang pinagsaluhan nilang pagkakaisa kaya naman sa labis na pagod ay nakatulog si Mia. Pero nagising siya makalipas ang ilang oras nang may tumawag sa kanyang cellphone. Ilang ulit na humingi ng tawad ang kausap niya sa kabilang linya dahil hindi raw ito nakarating sa kanilang anniversary dahil may importanteng inasikaso. Nagulat si Mia nang malaman niya na ang kausap niya ay ang nobyo niya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil alam niya ang boses nito. Napatingin si Mia sa higaan at nagtaka siya. Kung ang kausap niya sa cellphone ay ang totoong nobyo niya, sino pala ang lalaking ito na kamukhang-kamukha ng nobyo niya na natutulog sa kama? Sino pala ang lalaking ito na nagpropose sa kanya at nagkunwaring boyfriend niya?  At ang nagpakaba kay Mia ng husto ay ang katotohanan na naipagkaloob niya ang sarili sa lalaking hindi naman pala talaga niya kilala.

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

Nakangiti akong nagsusukat ng isang magandang dress sa loob ng aking kwarto. Magkikita kasi kami ng boyfriend kong si Jeff ngayon para sa aming fifth year anniversary. Excited ako dahil sa isang mamahaling restaurant kami mag-di-dinner.Bumaling ako sa pintuan nang biglang may narinig ako na isang katok. Kaagad kong binuksan iyon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng aking ina."Ang ganda naman ng anak ko," sabi niya habang papasok sa loob ng aking kwarto."Siyempre, nagmana ako sa inyo."Malakas siyang napatawa. Umupo siya sa aking higaan at pinagmasdan ako."Bagay ba sa akin ang dress, Nay?" tanong ko sa kanya sabay ikot ko.Tumawa siya ulit. "Bagay na bagay, Mia anak. Para kang modelo na nakikita ko sa telebisyon."Ako naman ngayon ang napatawa. Bumaling ako sa harap ng salamin at inayos ang suot na dress na kulay pula. Spaghetti strap at hanggang hita ang tabas kung saan nadepina ang magandang hubog ng aking katawan, ang malalaki kong dibdib at maumbok na pwet."Iyan ba 'y...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Middle Child
more update miss A=)
2025-03-15 17:22:33
0
user avatar
Aurora Solace
Highly recommend 🫶🏻
2025-03-14 01:26:07
0
user avatar
Mairisian
Must read 🫶🏼
2025-03-12 01:38:29
1
user avatar
Deigratiamimi
highly recommended
2025-03-12 01:28:09
1
31 Chapters
Kabanata 1
Nakangiti akong nagsusukat ng isang magandang dress sa loob ng aking kwarto. Magkikita kasi kami ng boyfriend kong si Jeff ngayon para sa aming fifth year anniversary. Excited ako dahil sa isang mamahaling restaurant kami mag-di-dinner.Bumaling ako sa pintuan nang biglang may narinig ako na isang katok. Kaagad kong binuksan iyon at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ng aking ina."Ang ganda naman ng anak ko," sabi niya habang papasok sa loob ng aking kwarto."Siyempre, nagmana ako sa inyo."Malakas siyang napatawa. Umupo siya sa aking higaan at pinagmasdan ako."Bagay ba sa akin ang dress, Nay?" tanong ko sa kanya sabay ikot ko.Tumawa siya ulit. "Bagay na bagay, Mia anak. Para kang modelo na nakikita ko sa telebisyon."Ako naman ngayon ang napatawa. Bumaling ako sa harap ng salamin at inayos ang suot na dress na kulay pula. Spaghetti strap at hanggang hita ang tabas kung saan nadepina ang magandang hubog ng aking katawan, ang malalaki kong dibdib at maumbok na pwet."Iyan ba 'y
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more
Kabanata 2
"Okay," iyon lang ang nasambit ko habang kausap si Jeff sa kabilang linya. Wala akong ibang maisip na sasabihin dahil ukupado ng ibang bagay ang isipan ko."Thanks, God! Mia. Anong oras ka naka-uwi sa inyo? I am really sorry kung matagal kang nag-hintay."Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ni Jeff at pinutol ko na ang tawag niya nang biglang gumalaw ang estrangherong lalaki na kasalukuyang nakahiga pa rin sa kama. Dahil sa paggalaw niya tumambad ang matipuno niyang katawan. Mabuti na lang at natakpan pa rin ng kumot ang maselang parte niya.Uminit ang buong mukha ko nang maalala ko ang pinagsaluhan namin ilang oras pa lang ang nakakaraan. Ang bawat pagpasok ng kanya sa akin na naghatid ng init at sarap sa buong sistema ko.Sinuway ko ang sarili dahil hindi ko dapat naramdaman iyon gayong hindi siya ang aking boyfriend.Pinulot ko ang pulang dress pati na rin ang bra at panty ko na nagkalat sa sahig. Mabilis akong nagbihis dahil kailangan ko nang umalis. Huli kong pinulot ang aking
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more
Kabanata 3
"Kumusta ang fifth year anniversary ninyo kagabi, Mia?" nakangising tanong sa akin ng kasama ko sa trabaho na si Andrea na nakaupo sa kanang banda ko."Oo nga. Magkwento ka naman kung ano ang mga nakakakilig na ginawa ni Sir Jeff," segunda naman ni Joyce na nasa kaliwa ko.Magkakatabi ang mga tables naming tatlo dito sa opisina ng isang insurance company kung saan ako nagtatrabaho. Dito kami nagkakilala ni Jeff sa kompanyang ito. Anak siya ng may-ari at ako na simpleng empleyado lamang. Dalawang taon na rin simula nang maging CEO siya dahil bumaba na sa pwesto ang Daddy niya at sa kanya na ipinagkatiwala ang kompanya. Nagsimula kami bilang magkaibigan at inaamin ko na crush ko siya sa simula pa lang. Kalaunan ay nagkagusto siya sa akin at sobrang saya ko nang sabihin niyang gusto niya akong ligawan. Ilang buwan niya lang akong niligawan at sinagot ko kaagad siya. Sa una ay nilihim lang namin ang relasyon namin pero kalaunan ay nagdesisyon siya na kailangan na naming ipaalam sa mga m
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more
Kabanata 4
Nagtipon ang mga empleyado ng kompanya sa malaking function hall alas dos ng hapon. Halos lahat ay nandito na maliban na lang sa mga security guards at receptionists na hindi pwedeng umalis sa kanilang mga trabaho. Ilang minuto na lang din at magsisimula na ang meeting. "May ideya ka ba kung anong pag-uusapan natin ngayon?" tanong ni Joyce kay Andrea. "Hindi ko rin alam, eh," tugon ni Andrea. Bumaling siya sa akin. "May nasabi ba si Sir Jeff sa 'yo kung tungkol saan ang urgent meeting?" Tumango ako. "Tungkol saan daw?" "Ayos talaga kapag boyfriend mo ang boss. Mauuna ka sa mga impormasyon," nakakalokong sabi ni Joyce. Napatawa si Andrea. Hindi ako tumawa dahil napa-isip ako ng ilang sandali. Hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang sinabi sa akin ni Jeff kanina at tsaka ayokong mapag-usapan ang kambal niya. "May ipapakilala daw sina Mr. and Mrs. Corpuz sa atin." "Sino?" Dikit na dikit na ang mga mukha ni Andrea at Joyce sa akin. Naghihintay ng sagot
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more
Kabanata 5
"Grabe, ang galing mambola ni Sir Jake. Marami ang babaeng empleyado ang kinilig kahapon," natatawang sabi ni Andrea kinabukasan habang naglilinis siya ng lamesa niya. "Pansin ko rin. Lalo na si Danika from HR department, ang lagkit kong makatingin. Kung ice cream lang si Sir Jake baka natunaw na 'yon," sabi naman ni Joyce habang umiinom ng kape."Hindi mo rin siya masisisi kasi sobrang gwapo ni Sir Jake," kinikilig na sabi ni Andrea."Akala ko ba ang pinakagwapong lalaki para sa 'yo ay ang boyfriend mo?" nakakalokong tanong ni Joyce.Napatawa si Andrea at hindi makasagot.Umagang-umaga ay si Jake kaagad ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ko. Kahit naiinis ako pero hindi ko pinahalata iyon."Ay, hindi na makasagot. Baka naman tama nga talaga ang hinala ko kahapon na may gusto ka kay Sir Jeff at sinasabi mo lang na si Sir Jake ang bet mo.""Tumigil ka na nga, Joyce. Hindi ba't sinabi ko na rin kahapon na mas malakas ang dating ni Sir Jake." Bumaling sa akin si Andrea. "No offense Mia,
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more
Kabanata 6
Lumapit sa amin si Jeff. Kalmado ang paraan ng paglakad niya pero masama ang tingin niya. Napalunok ako nang nasa harapan ko na siya."What are you two doing here?" seryoso niyang sabi. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Jake."Naghatid ako...ng listings...sa new account department..." Hindi ko madiretso ang sinasabi dahil sa sobrang kaba sa aking dibdib. Nanginginig din ang kamay ko na nakaturo kung saan ako galing.Bumaling siya kay Jake. "How about you, my twin brother?"Kaagad na ngumisi si Jake. Walang bakas ng kahit kaunting takot ang mukha niya. "It's none of your business," nakakalokong tugon nito. Nakita ko kung paano tumaas ang isang kilay ni Jeff, halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ng kambal niya. Tumawa si Jake at nagsalita ulit. "Nagkasalubong lang kami ni Mia dito and..." Ngumiti siya saglit sa akin bago nagpatuloy. "I just asked some company rules since may iilan na nakalimutan ko na. You know I have a short-term memory loss." Tumawa ulit siya pero si Jeff
last updateLast Updated : 2025-03-08
Read more
Kabanata 7
Paano nalaman ni Jake na gutom na ako?"Please, Mia. Kumain ka na," pagpupumilit niya nang makita akong hindi pa kumakain at nakatitig lang ako sa kanya na naghihiwa na rin ng ulam niya. "Sasagutin ko ang mga tanong mo mamaya basta kumain ka muna. It's past nine already at wala pang laman ang tiyan mo."Hinawakan ko na ang mga kubyertus nang maramdaman ko ulit ang pagkalam ng sikmura ko. Matagal na din pala akong nandito dahil alas nuebe pasado na ng gabi.Kumain na ako at kumain na rin si Jake. Hindi kami nag-uusap at wala sa aming dalawa ang nagsasalita. Kahit na ganoon naibsan ng kaunti ang lungkot ko dahil hindi ako nag-iisang kumakain. May kasama ako kahit papaano. Nakayuko lang akong kumakain at nang iniangat ko ang tingin ko ay nadatnan ko siyang nakatingin sa akin habang kumakain siya. Pero bago pa ako umiwas ay siya na ang unang umiwas ng tingin. Siya na ngayon ang yumuko.Pinagmasdan ko siya. Para talaga siyang si Jeff kahit saang anggulo tingnan. Kaya wala akong kaalam-al
last updateLast Updated : 2025-03-09
Read more
Kabanata 8
Mabilis kong inilayo ang mukha ni Jake mula sa akin. Nagulat siya. Pinagmasdan ko ang kabuoan niya at sinuri kung saang banda niya ako naloko. Maiksi na ang buhok niya dahil nagpagupit siya na kagaya kay Jeff. May suot din siyang relo na kagaya ng sinusuot ni Jeff at maski ang pabango ay kuhang-kuha niya. "Nagkunwari ka na naman!" singhal ko sa kanya.Tinitigan niya ako at pagkatapos ay ngumisi siya. Na para bang masaya siya na nadali niya ulit ako. Hinampas ko ang dibdib niya. Pero imbis na lumayo siya sa akin mas humigit ang pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko."Ano naman ngayon kung nagkunwari ulit ako? You like my kisses anyway." Nakurap-kurap ako at napaawang ang labi ko dahil totoo ang sinabi niya. Nilubos niya ang pagkakataon na iyon at muli akong hinalikan. Napadaing ulit ako nang marahas niyang inangkin ang mga labi ko."Jake..." malamyos kong tawag sa kanya. Gusto kong tumigil na siya. Ayokong ipagpatuloy pa niya ang ginagawa.Sinubukan kong itulak siya pero wala a
last updateLast Updated : 2025-03-10
Read more
Kabanata 9
"Stay here. Babalikan kita," bulong sa akin ni Jake. Tumango ako. Siniguro din niyang nakalock ang pinto bago siya lumabas.Narinig ko ang kumosyon pero hindi ko maintindihan iyon. Nakarinig din ako ng mabibilis na hakbang na parang tumatakbo. Habang hindi pa bumabalik si Jake ay pinilit kong ikalma ang sarili. Ilang malalim na hininga ang ginawa ko. Inayos ko rin ang suot kong uniform at minabuti ko na ring hindi halata sa mukha ko na galing ako sa pag-iyak. Marami ring pumasok sa aking isipan. Kung ano ang gagawin ko paglabas ko dito at kung ano ang magiging desisyon ko.Kalaunan ay may kumatok. "Mia? It's Jake. Please open the door."Binuksan ko ang pinto. Nagkatitigan kami at nakita ko sa mukha niya ang pag-aalala."Wala na sila. Let's go out," sabi niya sabay hawak ng kamay ko. Nagpatianod ako sa hila niya palabas ng silid. Hindi ako lumingon sa bandang mesa ni Jeff lalo na sa swivel chair niya dahil maaalala ko lang ang ginawa nila ng empleyado.Ibinalik ako ni Jake sa aking t
last updateLast Updated : 2025-03-11
Read more
Kabanata 10
Pinag-isipan ko ang alok ni Jake na pagkukunwari naming dalawa para makapaghiganti kay Jeff. Oo at gusto kong masaktan din si Jeff kagaya ng sakit na idinulot niya sa akin pero nagdadalawang isip ako kung tama ba na patulan ko ang naging plano ni Jake. Hindi rin ako sigurado kung kaya ko bang magpanggap.Ang gusto ko lang gawin sa ngayon ay ang makipaghiwalay kay Jeff. Gusto kong putulin na ang ugnayan naming dalawa. Iyon lang muna. Mamaya na ako magdedesisyon kong maghihiganti ba ako hindi na. Isinantabi ko na muna iyon nang dumami na ang kliyente sa umagang iyon at naging abala kami. Bandang alas nuwebe habang nagtitipa ako ng mga newly registered accounts sa harap ng computer ay kinalabit ako ni Andrea."Pinapatawag ka ng boyfriend mo," nakangiti niyang sabi na parang kinikilig. "Galing kasi ako sa Auditor tapos pagkadaan ko sa opisina niya tiyempo naman na papalabas siya. Hindi na siya tumuloy na pumunta dito. Ikaw na lang daw ang pumunta sa office niya.""Bakit daw?" walang int
last updateLast Updated : 2025-03-12
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status