NAALIMPUNGATAN si Gwen sa mainit na nakadantay sa kaniyang katawan. Sapo ang ulo nang unti-unti siyang magmulat. Inaninag ang paligid ngunit hindi niya matandaan ang lugar na kinaroroonan. Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pag-ungol at naramdaman ang pagyakap sa kaniya ng kung sinuman. Napamulagat siya. Napagtanto niyang kapwa sila walang saplot sa katawan. Maingat niyang hinigit ang kumot at itinakip iyon sa kaniyang hubad na katawan.
"Good morning, bab--" Lalong lumaki ang pagkakadilat ng dalawang bilugang mata niya. Her bestfriend Zabrina's standing in front of her. Girlfriend ito ng lalaking... unti-unti niyang ibinaling ang paningin sa umungol at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang mapagtantong si Gian ang katabi niya. Si Gian ang boyfriend ng bestfriend niya. "Uhm," muling ungol nito at niyakap siya na ang mga binti niya ang nahagilap nito. Napatitig siya kay Zabrina hanggang sa may bigla pang sumulpot sa likuran nito na lalo niyang ikinagulat. "What--" Hindi na nagawang sundan ng ginang ang iba pang sasabihin dahil itinulos na ito sa kinatatayuan. Ina ito ni Gian. Bagama't mabait ang ipinakikita nito sa kaniya'y ewan lang niya kung magiging mabait pa ba ito sa kaniya ngayon. Wala na siyang mukhang maihaharap pa. Ano ba ang kaniyang nagawa? Namura niya ang sarili dahil sa kagagahang nagawa. Napapitlag siya nang maramdaman ang malakas na paghampas ng ginang sa natutulog na binata. "What the f**k?!" angil nito at dahan-dahang nagtaas ng ulo. Naihilamos pa nito ang kanang palad sa mukha ngunit nanatiling nakapikit ang mata. Nang mapagtanto yata na nito ang kasalukuyang sitwasyon ay mabilis itong nagmulat ng mata. "What the--what are you doing here, Gwen? And what--" "What are you doing, Gian Carlo McCollins?" Nakita ni Gwen ang pag-igting ng panga at ang matatalim na mata nito. "What are you doing here, Mom?" mariing tanong nito kasunod ang dahan-dahang pagpihit sa ina, subalit, napanganga ito nang makita ang nakatayong nobya. "B-babe?" Payak na ngumiti si Zabrina. "H-hi, babe!" bati nito habang nakatuon ang paningin sa kaniya. Akward! Naihiling niya na sana'y lamunin na lang siya ng lupa o kaya ay maglaho na parang bula. Umuga ang kamang kinauupuan niya nang biglang tumayo si Gian. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ng ina nito at ni Zabrina nang malamang wala itong panloob. "Shit!" angil nitong muli. "What did you do, Gwen?" biglang tanong nito sa kaniya kasabay ang paghila sa kumot na nakabalabal sa kaniya. Humantad ang dibdib niya at nagawa na lang niyang itakip ang dalawang braso roon upang maging sanggalang sa mga matang nakatitig sa kaniya. "God! Anak, itinatanong mo kay Gwen kung ano ang ginawa niya sa iyo? Now, what have you done? Both of you!" nanggagalaiting sigaw ng ginang na halos lumabas na ang litid sa leeg nito. "Mom, I-I don't know--" Natigil ito sa pagsasalita nang batukan ito ng ina. "You don't know? You really don't know, Gian?" Umigting ang panga ng binata at matalim na tinitigan siya kaya't mabilis siyang nagbaba ng paningin. "Mapapaaga yata ang araw ng kamatayan ko sa iyo, Gian." Hinilot ng ginang sentido. Huminga ito ng malalim. "Magbihis muna kayong dalawa, saka natin ipagpatuloy ang pag-uusap. Now na!'' Hinila nito palabas si Zabrina. Walang pakundangang tumayo si Gian, tinungo nito ang cr. Siya nama'y tumayo kahit nanginginig ang tuhod. Mabilis na naglandas ang luha sa magkabilang pisngi niya. Daig pa niya ang binabalatan ng buhay sa tagpong iyon. Matapos makapagsuot ng damit ay pinilit niyang lumabas ng silid. Humugot muna siya ng malalim na hininga. Inihanda na niya ang sarili sa dalawang taong nag-aabang sa silid. Muli siyang napahinga nang maratnan ang dalawang nag-uusap. Pansin niya ang tila naluluhang si Zabrina. Pinilit niyang ihakbang ang mga paang tila nakapagkit sa semento. Ngunit, bago pa siya tuluyang makalapit ay naitulak na siya ni Gian na halos ikatumba niya. "Gian!" "Nakaharang kasi, Mom." "Hindi kita pinalaking walang galang sa babae, Gian!" Hindi na sumagot pa ang binata. Matalim lang siya nitong tiningnan. "Now, puwedeng i-explain niyo kung paanong nangyari ang lahat ng ito!" ma-awtoridad na sabi ng ginang. "Mom, wala lang yung nakita niyo kanina. Hindi ko alam ang nangyari. I-I really don't know what will happened. Nalasing ako--" Isang sampal ang nagpatigil sa pagsasalita ni Gian. Sampal mula sa girlfriend nito. "Hindi mo alam kung ano ang nangyari? Really, Gian?" "Babe, nalasing ako at--" "I-I'm s-sorry, Z-zabrina. Huwag mo nang sisihin s-si Gian," nagkakakandautal niyang sabi. "At sino ang dapat kong sisihin? You? Ikaw na kaibigan ko. Ikaw pa pala ang aahas sa akin!' Napakagat-labi siya at nagbaba ng paningin. "I'm sorry. A-aalis na lamang ako. Aalis ako't hindi na lang magpapakita sa inyo." Pagkawika niya'y napasinghap siya nang tumama ang palad nito sa kaniyang pisngi. Unti-unti siyang nagtaas ng paningin. Itinutok niya iyon sa kaibigang tila nagulat din. Mabilis na dumaloy ang luha sa kaniyang pisngi. Nagsusumamo ang mata niya rito. Ang gulat sa mukha ng kaibiga'y napalitan ng galit at pagkamuhi. "Hindi ka aalis, iha!" tinig na nagpapitlag sa kaniya. "Kung may nangyari na sa inyo, magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon." "Po?" "Mom?" Panabay nilang banggit. Medyo napalakas pa ang boses niya. "That is my final answer." "Mom, I have Zabrina." "Then, why? Bakit mo niloko si Zabrina ? If you really love her, hindi mo ito gagawin kahit lasing na lasing ka pa!" Hindi man siya makatingin sa gawi ni Gian, alam niyang natigilan ito sa sinabi ng ina. Bigla siyang nakonsensiya. "You have to marry her!" giit ng ginang. "No!" "Yes!" Sabay na napatutok ang paningin nila kay Zabrina. "Babe, no, please." "Tama si Tita, Gian. Kung mahal mo ako, hindi mo ako lolokohin. At hindi na rin maibabalik ang tiwala ko sa iyo. Sinira mo na." "Zab, you don't have to do this." Napa-iling siya nang ilang beses. Tinapunan siya ng nagbabagang titig. Bago pa ito makapagsalita ay tumakbo na siya palabas at dahil nakayuko siya'y hindi niya pansin ang isang babae. Bukod sa nakayuko ay hindi na rin niya napigil muli ang pagdaloy ng luha. "Oh my God! Are you okay, Miss?" tanong nito sa kaniya, nasa mukha nito ang pag-aalala. "P-pasensiya na po, h-hindi ko kayo napansin." Agad siyang nagbaba ng paningin. Lalapitan sana siya nito pero naagaw ang pansin niya nang marinig ang pagtawag ng binata sa pangalan niya. Halatang galit ito. Kaya't kumaripas na siya ng takbo. Hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng hotel. Agad siyang pumara ng taxi. Kung saan siya pupunta ngayon, iyon ang hindi niya alam. Si Zab, kaibigan niyang matalik ito simula nang nasa grade school pa sila. Mayaman ito, samantalang siya'y isang dukha lamang pero hindi hadlang iyon sa kanila. Mabait ito sa kaniya at halos ito na ang naging sandalan niya noong gipit na gipit siya at maging noong nag-aaral pa siya. Ito na halos ang gumastos sa pag-aaral niya. Long boyfriend nito si Gian, ang binatang lihim din niyang minamahal. Alam naman niyang hindi siya papansinin ng binata dahil mahal mahal nito ang kaibigan niya. Pinahinto niya ang sasakyan sa tapat ng baybaying dagat. Doon ay malaya niyang pinagmasdan ang hampas ng alon. Umahon bigla ang inis niya para sa sarili. "Kung sana'y hindi ko pumayag. Kung sana ay matigas ako, wala sana ako sa sitwasyong ito. Hindi sana ako nahihirapan ng ganito," aniya at saka'y tumingala.PABALING-BALING si Gwen sa kaniyang higaan. Laman pa rin ng isipan ang tagpo kaninang umaga. Napahinga siya ng malalim at napagpasiyang bumangon na lamang. Naupo siya sa gilid ng higaan at mataman na nag-isip. "Sana pala'y hindi na lang ako sumama sa bar, disinsana ay wala akong problema ngayon. Hayst! Gwen, ano na ang gagawin mo ngayon?" Tuluyan siyang tumayo, saka ay lumapit sa bintana. Maliit lamang ang espasyo ng kaniyang kinaroroonan niya at sa loob ng dalawang taon ay iyon na ang naging tahanan. Nasa probinsiya ang kaniyang magulang. Matapos niyang makapagtapos ng pag-aaral ay nagtungo na agad siya sa siyudad para magtrabaho. Sa isang supermarket siya kasalukuyang nagtatrabaho na kung saa'y pagmamay-ari ng ama ni Zabrina. Napahinga siya ng malalim. "Zabrina," mahinang sambit niya sa pangalan ng kaibigan. Naging magkaibigan sila noong elementary pa lang, bagong lipat ito sa school na pinapasukan niya. At tanging siya lamang ang nakipag-usap dito, dahil ang ibang bata ay ilag
PUMASOK na kinabukasan si Gwen, kahit pa nga halos lumuwa na ang eye bag niya dahil na rin sa halos magdamag na gising. Tila nakalutang siya habang naglalakad patungo sa kaniyang opisina. Isa siyang store manager roon. Sa ilang taong pagtatrabaho, unti-unti ay umangat siya. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ay sumulpot si Celly, casher naman ito at nakapalagayang loob na niya. Nauna lang siya rito ng ilang buwan. Bago sila mag-umpisa sa trabaho ay magkukumustahan muna silang dalawa. Nakasanayan na nila ang ganoong gawain. Minsan ay dumadalaw roon si Zabrina, tumutulong din ito sa kaniya, ngunit ngayo'y hindi niya alam kung pupunta pa ito roon o kaya ay kakausapin siya. "Bakit ganiyan ang mukha mo? May sakit ka ba?" Napahinga siya't napailing. "Hindi ako nakatulog ng maayos." Pumasok siya sa kaniyang opisina. Ipinalagay iyon ni Zabrina para sa kaniya., para hindi raw siya mahirapan pa. "At bakit?" tanong nito ngunit maya't maya rin ay napitik nito ang daliri. "Ah, alam ko na.
Hindi na pinapasok sa Gwen sa trabaho niya. Ayon kay Sylvia ay pagtuunan na lang daw niya ng pansin ang kasal nila ng anak nito. Hindi pa man siya naka-oo sa kasal ay planado na ng ginang na labis niyang ipinagtataka. Todo alaga rin ito sa kaniya. Araw-araw itong bumibisita sa kaniya o kaya nama'y isinasama siya sa mga lakad nito. Ipinakilala rin siya sa iba nitong mga kaibigan bilang mapapapangasawa ng anak nito. Si Zabrina na matagal ng nobyo ng anak nito'y hindi pa kailanman niya nakitang pinahalagahan ng sobra ng ginang. O, dahil hindi naman siya madalas nakakasama nito.Nabalitaan niyang pumunta na sa Canada ang kaibigan niya na labis niyang ikinalungkot. Hindi man lang sila nagkausap bago ito umalis. Napahinga siya at napatingala sa kesame. Mag-isa lang siya roon. Kapwa may pasok ang dalawang kasama niya. Mag-iisang buwan na rin simula nang pinag-resign ni Sylvia kaya ngayo'y nakararamdam siya ng lungkot at pagkainip. Tumayo siya't pumasok ng silid. Maliligo siya. Balak niyang m
"GIAN!" Nanginginig ang katawan na napabaling si Gwen sa sumigaw na ginang, nasa bukana ito ng pinto at halos hindi maipinta ang hitsura. "Ano bang katarantaduhan ang ginagawa mo kay Gwen?" pasigaw muli nitong sabi. Tuluyan na itong lumapit sa kinaroroonan niya. Inalalayan siya nitong makatayo. "Are you okay, iha?" "O-opo," mahinang tugon niya. Kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ng katawan niya. Bumaling ang ginang sa binatang tila hindi nabawasan ang galit sa kaniya. "Kailan ka pa natutong manakit ng babae, Gian? Hindi kita pinalaking walang galang sa babae!" sigaw nito na halos ikalabas na ng litid sa leeg nito. "Mom, ginalaw niya ang mga gamit ko!" ganting hiyaw ng binata. "Why? Is that gold? Or crystal na puwedeng nakawin?" Pinanlakihan nito ng mata ang binata. "Mom, you know naman na ayaw kong pinakikialaman ang gamit ko, hindi ba?" "Then, dapat ipinaintindi mo sa kaniya, hindi yung nananakit ka kaagad!" Umiwas ng tingin ang binata. Ibinalik nito ang picture fram
NAGSASAYA na ang lahat ng nasa reception na ginanap sa isang hotel maliban kay Gwen. Nasa tabi lamang siya habang nagmamasid sa mga bisita. Naroon din si Celly na bukod kay Zabrina ay close friend niya. Lumapit ito sa kaniya at pilit siyang pinasaya. "Sa lahat ng babaing ikinasal, ikaw lang yata ang kilala kong nakikipaglibing," pang-iinis nito na ikina-iling niya. "Sira ka talaga!" sabi pa niya sa inirapan ito. Napabaling ang mukha niya sa nakatayong si Gian. May kausap itong sexy at magandang babae. Bumalatay sa mukha niya ang lungkot at maagap na iniiwas ang paningin dito. Hindi niya kayang magsaya kahit ngayon pa ang araw ng kaniyang kasal. "Come on! Magsaya ka naman! Hindi ito libing." Hinila nito ang kaniyang kamay. "No, thanks. Dito na lang ako." "Ang kj mo." Inirapan siya nito. Napahinga ito ng malalim. Maya't maya pa ay sumeryoso ang mukha nito. "Alam kong hindi ka masaya kaya bakit mo pa tinanggap ang kasal? Bakit ka pa nagpakasal? Puwede ka namang tumanggi." Aga
HINDI ipinagkalat ni Gwen ang nangyari nang unang gabi bilang mag-asawa nila ni Gian, kahit kay Sylvia. Masakit para sa tulad niyang babae ang nangyari, lalo na't asawa siya nito. Alam niyang hindi siya mahal ng asawa, pero sana man lang ang i-respeto siya bilang isang babae. Magkagayunpaman, ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon. Sa harapan ng ginang ay maayos ang pakikitungo nito sa kaniya, ngunit kapag nakatalikod na, daig pa niya ang isang kriminal sa mata nito. Sa iisang silid na rin sila natutulog, ngunit hindi sa iisang kama. Sa malamig na semento siya natutulog na nilalatagan niya ng manipis na sapin at nasa pinakasulok ng silid. Sabi ng asawa niya, dapat ay malayo siya sa tutulugan nito. Kaya't heto siya, daig pa ang basang sisiw, sa sahig natutulog. Sinabihan siya nito na dapat tuwing umaga bago ito magmulat ng mata'y wala na siya sa silid. Kaya nama'y inaagahan niyang gumising, tulad nang umagang iyon. Alas kuwatro pa lang ay gising na siya. Matapos maisayos ang tinulu
Humingi ng paumanhin si Sylvia kay Gwen sa inasal ng anak. Ipinagpapasalamat na lang niya dahil mabait ang ginang at hindi siya nito pinababayaan. Hiling lang niya na sana ay hindi ito magbago. Kahit alam niyang kampi ang ginang sa kaniya ay nakararamdam pa rin siya ng sakit sa pakikitungo sa kaniya ng asawa. "Naiintindihan ko po iyon. Marahil ay hindi pa lang talaga niya ako matanggap." May bumikig sa lalamunan niya matapos banggitin ang salitang iyon. Kung alam lang ng ginang na hanggang langit ang galit ng anak nito sa kaniya. Ayaw naman niyang sabihin dahil baka ay madagdagan pa ang galit ni Gian sa kaniya. Iiwasan na lang niya ang binata.Isinama siya ng ginang sa mall, Hindi na siya nakatanggi nang ipamili siya ng mga damit, shoes, bags at kung ano pa ang kaniyang kailangan sa bahay. "Lets eat, iha. Nagugutom na ako." Sumunod siya sa ginang. Ang ilan sa pinamili ay ito ang nagdala kaya lalong nadagdagan ang hiya niya. Sa isang mamahaling restaurant sila pumasok. Habang hini
Magdamag na iniyakan ni Gwen ang ginawang pananakit ni Gian. Wala pa silang isang buwang ikinasal, pero nasa impiyerno na agad siya. Ngayon niya nararamdaman ang sakit sa parteng leeg at dahil doon ay naiiyak na naman siya. Maaga pa rin siyang gumising. Maingat siyang lumabas at nagdumaling bumaba. Hindi na siya nagluluto ng almusal dahil sa asawa, ayaw nito ng luto niya, pero kapag wala ito ay siya na ang nagpi-presentang magluto. "Morning, Gwen!" bati ni Tina sa kaniya. "Good morning, Ate."Ate na ang itinawag niya rito dahil matanda ito sa kaniya ng limang taon. May katagalan na itong naninilbihan sa mansyon, masarap itong magluto kaya siguro ay ayaw pakawalan ni Sylvia. Nagpaalam na kasi ito na aalis pero tumanggi ang ginang. Nilakihan ng ginang ang sahod nito para manatili lang sa mansiyon. "Anong nangyari sa iyo?" Gulat itong nakatitig sa kaniya. Napakurap siya sa tanong nito. May sugat ba siya sa katawan? Mapula ba ang leeg niya? Hindi rin naman kasi siya nananalamin bago