NAGSASAYA na ang lahat ng nasa reception na ginanap sa isang hotel maliban kay Gwen. Nasa tabi lamang siya habang nagmamasid sa mga bisita. Naroon din si Celly na bukod kay Zabrina ay close friend niya. Lumapit ito sa kaniya at pilit siyang pinasaya.
"Sa lahat ng babaing ikinasal, ikaw lang yata ang kilala kong nakikipaglibing," pang-iinis nito na ikina-iling niya. "Sira ka talaga!" sabi pa niya sa inirapan ito. Napabaling ang mukha niya sa nakatayong si Gian. May kausap itong sexy at magandang babae. Bumalatay sa mukha niya ang lungkot at maagap na iniiwas ang paningin dito. Hindi niya kayang magsaya kahit ngayon pa ang araw ng kaniyang kasal. "Come on! Magsaya ka naman! Hindi ito libing." Hinila nito ang kaniyang kamay. "No, thanks. Dito na lang ako." "Ang kj mo." Inirapan siya nito. Napahinga ito ng malalim. Maya't maya pa ay sumeryoso ang mukha nito. "Alam kong hindi ka masaya kaya bakit mo pa tinanggap ang kasal? Bakit ka pa nagpakasal? Puwede ka namang tumanggi." Agad siyang nagbaba ng paningin. Nagsimula nang mangatal ang kaniyang labi kaya't kinagat niya iyon. Kinalma muna ang sarili bago tumingin sa kaibigan. "M-may isa akong dahilan, Celly." "What is it? Mahal mo siya? May nangyari sa inyo kaya ka nagpakasal, ganoon ba? If ever na ganoon nga, puwede namang tumanggi ka. Marami na ang single parent ngayon kung sakali man na magbunga ang ginawa ninyo. Alam mo ba kung ano ang sinasabi ng iba nating kasamahan sa work tungkol sa iyo? Nilandi mo raw si Gian at naaawa sila kay Zabrina," walang kagatol-gatol na sabi nito. Doo'y hindi na niya napigil pa ang sarili. Nag-unahang pumatak ang luha niya. Kung puwede lang sanang sabihin niya rito ang dahilan, para kahit papaano sana ay maibsan ang bigat ng nararamdaman. Napadako ang mata niya sa gawi ni Gian. Bigla siyang pinanindigan ng balahibo nang makita ang malaking ngisi nito habang nakatutok ang paningin sa kaniya. Hindi niya mawari kung bakit. Binawi rin naman niya ang paningin nang lumapit sa kaniya si Slyvia. "Bakit nag-iisa ka, iha?" "Po? A-ahm, o-okay lang ho ako rito, M-mommy. Huwag niyo na ho akong pansinin." Tumabi ito ng upo sa kaniya, "Iniisip mo ang mangyayari, no?" Napatitig siya rito. Napakagat na rin siya sa pang-ibabang labi niya at nagbaba ng ulo. Hindi pa man natatagalan siyang nakayuko ay naramdaman nia ag pagdantay ng palad nito sa balikat niya. Kaya't muli ay napa-angat ang mukha niya. "Iha, alam ko ang nararamdaman mo. And I'm hoping, na mahahabaan mo ang pasensiya mo sa aking anak. Alam kong hindi madali ito para sa iyo at anu't anuman ang mangyari, I'm here for you." Napangiti ito't niyakap siya. Labis siyang nasiyahan na narinig. Gumanti na rin siya ng yakap sa ginang. Matapos ang pag-uusap na iyo'y niyakag siya nito patungo sa mga kaibigan nito. Todo puri ito sa kaniya habang ipinapakilala siya nito, kahit ang iba sa mga iyo'y kilala na niya. Pilit na ngiti lang naman ang itinutugon niya sa mga tao. Ilang saglit pa ay nagsalita sa mikripono si Slyvia na labis niyang ikinanganga. Kailangan nilang pumunta ni Gian sa gitna upang magsayaw. Halos magkulay-suka siya sa takot. Kung bakit siya natatakot, iyan ang hindi niya alam. Titig pa lang ng binata at takot na siya. "Mga anak, sige na. Pumunta na kayo sa gitna," sabi pang muli ni Sylvia. "Gian, bakit hindi mo sunduin ang asawa mo?" Napilitan itong sunduin siya. Nakangiti man, ngunit alam niyang nagpupuyos ang kalooban nito sa galit. Hindi tuloy niya maihakbang ng maayos ang mga paa. Namalayan na lang niyang nasa gitna na sila. Mahigpit nitong hinawakan ang baywang niya na nagpasinghap sa kaniya. Napasulyap siya rito ngunit agad din niyang binawi. Pakiwari kasi niya'y matutunaw siya sa paraan ng titig nito. Malalim at halos nagbabaga iyon. Maingat na lamang niyang ipinatong ang dalawang palad sa magkabilang balikat nito at nagsimula na silang sumayaw. "Ready ka na ba sa gagawin ko?" baritonong tanong nito. Hagya pa nitong inilapit ang bibig sa tainga niya na halos ikatayo ng balahibo niya. Hindi siya kumibo. Hinintay na lang niyang matapos ang tugtog para makalayo na sa binata. Nakailang tugtog din bago siya nakaupo. Pagod na pagod ang katawan, maging ang kaniyang isipan. Gusto na niyang magpahinga pero hindi pa tapos, kailangan pa niyang harapin ang mga bisita. Hating-gabi na nang matapos ang pasinaya. Sa hotel na rin sila nagpalipas ng gabi. Nauna siyang pumasok doon at hindi niya alam kung nasaan na si Gian. Marahil ay umalis na ito o kaya ay sa ibang silid matutulog. Hinubad niya ang gown at maingat iyong inilapag sa sofa. "Ang ganda ng wedding gown ko pero hindi ko man lang na-enjoy," malungkot niyang sabi. Napahinga siya ng malalim. Pinigilan niya ang huwag maluha. Pumasok na lamang siya sa banyo upang maglinis ng katawan. Nagbihis siya ng manipis na pantulog. Pinatay na niya ang ilaw, hindi siya sanay na may ilaw kapag natutulog, saka ay humilata sa kama. Kahit malalim na sa gabi ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Samo't sari ang nasa isipan niya. Kasal niya at dapat sana ay nagsasaya, dapat sana ay kasiping niya ang asawa lalo na't iyon ang una nilang gabi, peeo hetos siya, nag-iisa, daig pa ang nagluluksa. Naisip niya si Zabrina. Kung hindi siya pumayag na magpakasal, ano kaya ang nangyari ngayon? Okay pa kaya ang relasyon nilang magkaibigan? Malamang na hindi rin ang sagot. Tumagilid siya ng higa, yakap niya ang isang unan. Maya't maya pa ay hinila na siya ng antok. Naalimpungatan siya nang maramdamang tila may tao. Pinakiramdaman niya ang paligid. Nakatagalid pa rin siya. Nanlaki ang mata niya nang masagi siya ng kung sinuman. Saglit pa ay isang mahabang ungol ang narinig niya. Ungol na tila nasasarapan. "Ohhh, darling! Yes. I like that." Halos mamilog ang mata niya sa narinig. "Sinong Poncio Pilato at Herudes ang mga taong ito? Dito pa naglalampungan sa tabi ko," anas niya sa sarili. Akmang babangon na siya para sana ay sitahin ay walang puso at kaluluwang mga naglalampungan sa tabi niya, napatigil siya bigla. "Darling, ohhh Gian. Ang galing mo palang kumain. Ohh shit!" malanding sambit ng babae. "G-Gian?" "You like it, babe, huh?" Pakiramdam niya'y binuhusan siya ng sampong drum na yelo sa natuklasan. Why? Bakit dito pa sa silid na ito? Ito ba ang tinutukoy niya? Sunod-sunod na katanungang sa isipan niya ay lumabas. Ang lupit naman nitong magparusa. Hindi na siya nagtangkang bumangon pa. Nagkunwari na lamang siyang tulog. Maya't maya pa ay halos mabingi siya sa naririnig. Ungol at ang salpukan ng mga katawan nito na halos umi-echo pa sa buong silid. Mabilis niyang natutop ang bibig upang pigilan ang napipintong pagduwal niyon. Pumapatak na rin ang masaganang luha niya. Hindi lang sakit ang nararamdaman niya kundi pandidiri na rin. Palihim na lamang niyang tinakpan ang tainga ngunit walang silbi. Mas lumakas pa nga ang kaniyang naririnig, idagdag pa ang malalanding ungol ng dalawang hayok sa laman, bunos na lang ang malakas na pag-uga ng hinihigaan niya. "Ohhh, I'm c*ming, darling." "Me, too." Mariin niyang ipinikit ang mata. Hayop! Sigaw ng isipan niya. Isa pang mahabang ungol ang narinig niya bago niya naramdaman ang paghiga ni Gian. "Ang sarap mo pala!" Hindi niya alam kung ipinaririnig ba nito sa kaniya ang salitang iyon. Naikuyom tuloy niya ang kamao. "Sige na, umalis ka na. Next time na lang ulit," pagtataboy ng binata sa katalik nito. "Hayst! I want more, darling." "Hindi na puwede. Matutulog na ako. Tatawagan na lamang kita, okay?" Napahagikgik pa si Gian. "Uhm, sige na nga. Ikumusta mo na lamang ako sa asawa mo. Tulog na tulog pa rin ah! Hindi namalayan ang bagyong nangyari rito." Napakagat siya sa labi at pinilit na huwag makagawa ng anumang pagkakamali habang nakahiga. Hindi na siya halos humihinga para hindi malaman ng mga taong nasa likod niya na kanina pa siya gising. "Babush na!" Narinig niyang sambit ng babae. Saglit pa ay narinih niya ang paglagatik ng pinto, hudyat na lumabas na ang babae. Hindi pa rin siya kumikibo. Hinihintay niyang makatulog si Gian. "Alam kong gising ka, Gwen." Napamulagat siya. Ngunit hindi siya nagsalita o kaya'y kahit kumibo man lamang. "Nagustuhan mo ba ang gift ko sa iyo?" Tumawa ito na animo'y demonyo. "Sinira mo ang buhay ko, kaya sisirain ko rin ang buhay mo!" katagang binitiwan nito. Naghintay pa siya ng iba pa nitong sasabihin ngunit tahimik na ito. Narinig na lamang niya ang mahihinang hilik nito. Iyon ang sinamantala niya. Maingat siyang bumangon at patakbong tinungo ang banyo. Doon niya inilabas ang hinaing para sa binata. Umiyak siya nang umiyak yakap ang dalawang tuhod. "Simula pa lang iyan, Gwen. Simula pa lang ng paghihirap mo," anas niya.HINDI ipinagkalat ni Gwen ang nangyari nang unang gabi bilang mag-asawa nila ni Gian, kahit kay Sylvia. Masakit para sa tulad niyang babae ang nangyari, lalo na't asawa siya nito. Alam niyang hindi siya mahal ng asawa, pero sana man lang ang i-respeto siya bilang isang babae. Magkagayunpaman, ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon. Sa harapan ng ginang ay maayos ang pakikitungo nito sa kaniya, ngunit kapag nakatalikod na, daig pa niya ang isang kriminal sa mata nito. Sa iisang silid na rin sila natutulog, ngunit hindi sa iisang kama. Sa malamig na semento siya natutulog na nilalatagan niya ng manipis na sapin at nasa pinakasulok ng silid. Sabi ng asawa niya, dapat ay malayo siya sa tutulugan nito. Kaya't heto siya, daig pa ang basang sisiw, sa sahig natutulog. Sinabihan siya nito na dapat tuwing umaga bago ito magmulat ng mata'y wala na siya sa silid. Kaya nama'y inaagahan niyang gumising, tulad nang umagang iyon. Alas kuwatro pa lang ay gising na siya. Matapos maisayos ang tinulu
Humingi ng paumanhin si Sylvia kay Gwen sa inasal ng anak. Ipinagpapasalamat na lang niya dahil mabait ang ginang at hindi siya nito pinababayaan. Hiling lang niya na sana ay hindi ito magbago. Kahit alam niyang kampi ang ginang sa kaniya ay nakararamdam pa rin siya ng sakit sa pakikitungo sa kaniya ng asawa. "Naiintindihan ko po iyon. Marahil ay hindi pa lang talaga niya ako matanggap." May bumikig sa lalamunan niya matapos banggitin ang salitang iyon. Kung alam lang ng ginang na hanggang langit ang galit ng anak nito sa kaniya. Ayaw naman niyang sabihin dahil baka ay madagdagan pa ang galit ni Gian sa kaniya. Iiwasan na lang niya ang binata.Isinama siya ng ginang sa mall, Hindi na siya nakatanggi nang ipamili siya ng mga damit, shoes, bags at kung ano pa ang kaniyang kailangan sa bahay. "Lets eat, iha. Nagugutom na ako." Sumunod siya sa ginang. Ang ilan sa pinamili ay ito ang nagdala kaya lalong nadagdagan ang hiya niya. Sa isang mamahaling restaurant sila pumasok. Habang hini
Magdamag na iniyakan ni Gwen ang ginawang pananakit ni Gian. Wala pa silang isang buwang ikinasal, pero nasa impiyerno na agad siya. Ngayon niya nararamdaman ang sakit sa parteng leeg at dahil doon ay naiiyak na naman siya. Maaga pa rin siyang gumising. Maingat siyang lumabas at nagdumaling bumaba. Hindi na siya nagluluto ng almusal dahil sa asawa, ayaw nito ng luto niya, pero kapag wala ito ay siya na ang nagpi-presentang magluto. "Morning, Gwen!" bati ni Tina sa kaniya. "Good morning, Ate."Ate na ang itinawag niya rito dahil matanda ito sa kaniya ng limang taon. May katagalan na itong naninilbihan sa mansyon, masarap itong magluto kaya siguro ay ayaw pakawalan ni Sylvia. Nagpaalam na kasi ito na aalis pero tumanggi ang ginang. Nilakihan ng ginang ang sahod nito para manatili lang sa mansiyon. "Anong nangyari sa iyo?" Gulat itong nakatitig sa kaniya. Napakurap siya sa tanong nito. May sugat ba siya sa katawan? Mapula ba ang leeg niya? Hindi rin naman kasi siya nananalamin bago
Maluha-luha si Gwen habang nagpapaalam si Sylvia sa kaniya. Iyon na ang araw na pag-alis ng ginang. Aalis na ang taong tagapagligtas niya at walang katiyakan kung kailan babalik. Naisip niya, pinahihirapan talaga siya ng pagkakataon. "Ihahatid na kita, Mom," pagbubuluntaryo ni Gian. "Oh, sige. Isama mo na rin si Gwen, 'nak. Gusto kong mag-bonding kami ng daughter-in-law ko papuntang airport. Mami-miss ko iyan. Ingatan mo siya, Gian," bilin nito. "Sige, Mom, iingatan ko siya. Mag-change lang kami ng suot." Iingatan? Sana nga ay totoong iingatan siya nito. Kahit alam niyang kabaliktaran ang sinabi nito'y napangiti na rin siya. Kahit hindi na siya nito mahalin, basta't ingatan at irespeto lang ay sapat na sa kaniya. Alam din naman niyang walang kapantay ang pagmamahal nito kay Zabrina at hindi niya mapapalitan ito sa puso ng binata. Pero, hindi nga kaya? "Okay. I'll wait here." Sa mata ng ginang ay nagpakita ng lambing si Gian. Inalalayan siya nito paakyat sa hagdan na labis naman
Ilang oras na siyang nakakulong sa sasakyan o mas tamang sabihing ikinulong ni Gian, halos maiyak at naso-suffocate na rin siya. Tagaktak pa ang pawis sa noo. Ilang dalangin na rin ang inusal niya. "Lord, Kayo na po ang bahala sa akin." Ipinagdaop niya ang dalawang palad at doon ay huminga nang paulit-ulit. Bago tuluyang bumigay ang kaniyang dibdib ay narinig niya ang pag-click ng pinto. Nagmulat na siya ng mata at bago pa tuluyang pumasok si Gian ay madali niyang pinahid ang bakas ng pagluha niya. Walang sabi-sabi itong pumasok, ni hindi man lang kinumusta ang kalagayan niya, kung nakahinga na ba siya kahit limang hinga? In-start na nito ang sasakyan at binuhay ang aircon. Sunod-sunod ang paglanghap niya ng hangin at nagpasalamat sa nasa Taas. Hindi pa rin siya pinababayaan Nito. Habang binabagtas ang daan pauwi sa mansyon ay nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Pakiramdam niya'y nakalutang siya at wala ring anumang naririnig. Dinala siya ng isipan sa nakaraan, nakaraan
Naiiyak si Gwen na tumingin kay Tina. Kita niya ang takot at galit sa mata nito "Huwag kang makialam, Tina! Wala kang karapatang manghimasok sa buhay namin. You're just a maid!""Katulong man ako pero may puso naman ako. At kung wala akong karapatang manghimasok, wala ka ring karapatang saktan si Gwen. Asawa ka lang niya sa papel, Gian!" litanya ni Tina.Bahagyang natigilan si Gian, ngunit saglit lang ay napangisi ito. "Asawa ko nga lang pala siya sa papel at kahit kailan ay hinding-hindi kita matatanggap at hinding-hindi rin kita mamahalin, Gwen!" Unti-unti na nitong niluwagan ang pagkakakapit sa buhok niya. Itinulak siya nito at bumalandra ang katawan niya sa harapan ni Tina. "Get out of my sight!"Atubili siyang tumalikod, sinundan siya ni Tina. Pagkarating sa silid ay umiyak siya nang umiyak. Ramdam pa rin niya ang hapdi sa anit niya, nadagdagan pa ang hapding iyon sa narinig mula sa bibig nito. Kahit ilang beses na niyang narinig na kahit kailan ay hindi siya nito mamahalin, mas
Patuloy ang pagpapahirap at pananakit kay Gwen ng asawa. Hindi lang pisikal kundi emosyonal. Madalas ding nagdadala pa rin ito ng babae, pero hindi na siya pinapaharap dito. Kung minsan ay umuuwi itong lasing at kahit malalim na sa gabi ay kailangan pa rin niya itong pagsilbihan. Hindi nito matanggap na sa isang tulad niya ito maiikasal. Kung anu-anong masasakit ang madalas niyang marinig mula rito lalo na kung lasing. Hindi siya umangal, hindi nagreklamo.Madalas siyang tawagan ni Sylvia, pero lagi ring kaharap si Gian at wala siyang dapat ibang sabihin tungkol sa nangyayari sa mansiyon, ganoon din si Tina at Glenda. Walang sinuman ang magkalakas ng loob para sabihin dahil nakatutok ang matalim na mata ng kaniyang asawa. Kapag video call nama'y ipinapakita nito na sweet sila at pagkatapos nilang mag-usap ay saka siya pandidirihan na dinaig pa ang may nakahahawang sakit. Nasanay na siya sa ganoong uri ng pagtrato ni Gian sa kaniya... sisigawan, babatukan, duduruin, sisipain at kung a
HINDI magkandaugaga si Gwen sa paglalaba ng malalaking curtain at bed sheet, mayroon pa siyang lalabahan na naglalakihang carpet. Tagaktak na rin ang pawis sa noo. Hingal-kabayo siya matapos mabanlawan ang nilalabhan. Noong nandito ang Mommy Sylvia niya'y pinapa-laundry nila iyon. Malapit nang magkasugat ang kamay niya sa kakukusot ng malalaking tela.Ang dalawang katulong nama'y ginagawa ang kani-kanilang trabaho sa loob ng mansiyon at ayon sa asawa niya'y bawal nang tumulong ang mga iyon sa kaniya. Isa-isa niyang isinampay iyon sa sampayang siya rin ang gumawa sa likod ng mansiyon. Utos iyon ni Rachel-- ang babaing impaktang mangkukulam kung tawagin ni Glenda at Tina. Kahit pagod ay hindi niya napigilan ang mapangiti nang sumagi sa isipan ang salitang iyon. Pasalamat siya dahil nasa tabi pa niya ang dalawa. Sila ang kaniyang tagapagtanggol sa tuwing si-sermunan siya ni Rachel. Mahigit isang buwan na itong tumutuloy sa mansiyon na dinaig pa ang tunay na amo kung makapag-utos.Feeling
"GOOD evening ladies and gentlemen. Hindi naman lingid sa inyo ang nangyaring insidente sa amin twenty-two years na ang lumipas. Isang trahedya kung bakit hindi namin nakasama ang aming panganay na si Andrei." Mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ni Gwen ang nagsasalitang asawa. Marami ang taong nakapalibot sa kanila, ang ilan doon ay mga employees, nandoon din ang board member at ilan sa matataas na namamahala sa kompanya nito kabilang na si Adrix, kasama nito ang asawang si Celly. Si Francis at ang mag-ina nito. Maging si Lance at Eunice, at lahat ng kaibigan nito. "Ipinagluksa namin at nadamay pa ang nag-aalaga dito. But unfortunately, dinala ang paa naming mag-asawa patungo sa katotohanan. Katotohanang buhay pa ang aming anak. Hindi ipinagkaloob ng Maykapal na mawala ang aming anak. May mabuting puso na nagligtas dito. And now, I am proud to introduce to all of you our long lost son Gian Andrei McCollins!" Umalingawngaw ang boses ni Gian sa malawak na bakuran ng mansyon, kasab
"SWEETHEART..." May pag-aalinlangan si Gwen, dapat ba niyang sasabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki? "Yes, baby?" Patalikod siyang niyakap ng asawa. "Anong gumugulo sa isipan mo?" Paano nito nalamang may gumugulo sa isipan niya? Hindi agad siya sumagot, bagkus ay muling pinag-isipan kung ipaalam pa ba sa asawa. Dumampi sa pisngi niya ang labi nito, bumaba sa leeg. Kagat-labing pumikit siya. Nagtagal doon ang labi nito, paulit-ulit na h******n hanggang sa humantong sa balikat. 'Yon naman ang pinaglaruan nito. Kahit may edad na sila, active pa rin silang mag-asawa sa s*x. Walang palya si Gian at masaya siyang naibibigay dito ang pangangailangan bilang lalaki. "Teka..." Maagap niyang pinigilan ang pumapaloob nitong palad, pilit hinahalukay ang underwear niya. "Hindi pa ako nakakainom ng p*lls." Mula sa nanlalabong kamalayan ay naalala niya ang gabi-gabing ginagawa. Huminto ito sa ginagawa. Kapwa namumungay ang mata nang iharap siya nito. "Okay lang, baby. Hindi mo na kailanga
HINDI mawala-wala sa isipan ni Gwen ang lalaking nakabunggo sa kanila habang papunta sa comfort room. Ang imahe ng lalaki ay nakatatak na sa kaniyang isipan at para bang may hinahalukay sa kailaliman ng kaniyang puso. Bakit parang pamilyar ito sa kaniya? Kaya nama'y pilit niyang inaalala kung nakita na ba ito noon, pero wala siyang matandaan, isa pa'y ngayon lang sila nagawi sa lugar na 'yon. Sa tuwing pumupunta sila sa puntod ni Andrei ay bumabalik kaagad sila. Parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang buhay ng lalaking 'yon. Ayon sa kasama niyang bata ay kuya nito 'yon, pero hindi tunay na kapatid. "Are you okay, baby?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang maramdaman ang init ng palad ng asawa. Kinurap niya ang mata at tumitig dito. May gusto siyang sabihin. Alam niyang kapag humingi siya ng tulong dito'y madali lang niyang malalaman ang tungkol sa lalaking 'yon, pero nagdadalawang-isip isip siya. "S-sweetheart--" Nabitin sa ere ang balak sanang sabihin. Bakit nga b
NAKANGITI si Gwen habang pinagmamasdan ang kaniyang kambal na masayang naglalaro. Dumaan pa sila sa bayan ng Valencia, ang nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng trahedya. Fiesta pala sa lugar na 'yon. Marami ang nakahilirang iba't ibang uri ng pagkain at mga damit, may kung anu-ano pang mga tinda na nasa gilid ng kalsada. Nasa palaruan sila. Gusto raw maranasan ng kambal na maglaro kasama ang mga batang kalye. "Taya!" sigaw ng isang batang babae nang mahuli nito si Gale. Tawang-tawa naman ang kaniyang anak. Inihanda nito ang sarili sa paghabol sa mga bata kasama na rin si Giselle. "Andiyan na ako!" Nagsipatakbo ang mga bata at kambal nito. Kasing-bilis ng hangin sa pagtakbo ang mga bata. Naiwan pa ng mga ito si Giselle, ngunit kahit ganoon ay makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Ito ang pinunterya ni Gale. "They're both happy." Nilingon niya ang nagsalita. Lumapat sa baywang niya ang braso nito, maging ang labi ay naramdaman din niya. Isinandig niya ang ulo sa dibd
TWENTY-TWO YEARS LATER Nakamasid si Gwen sa kubo, walang dingding 'yon. Naliligiran ng iba't ibang klase ng rose at african daisy, ang lupa ay nalalatagan ng bermuda grass. May bakod na alambre at ang labas ay nagtataasang puno ang makikita sa labas. Nanginginig siyang pumasok. Ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang lugar na pinagkublihan nila nang hinahabol sila ni Larry. Ang lugar na kung saan ay kumitil sa walang muwang na buhay ng kaniyang anak na si Andrei. 'Till now, msakit pa rin sa kaniya ang sinapit ng kaniyang anak, hindi pa rin niya matanggap na maaga itong kinuha sa kanila ng Maykapal. Marahan siyang umupo, hinaplos ang lapida na kung saan ay nakasulat ang pangalan ng panganay niyang anak. Ngayon ang ika-twenty-two years na pagkawala ni Andrei. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Andrei ay nagtutungo sila sa lugar na 'yon. Binili rin ni Gian ang parteng 'yon para walang ibang makakapasok. Ilang taon na ang lumipas
"NO!" hiyaw ni Gwen. Nalaman niyang wala na nga ang kaniyang anak. Kasama itong sumabog sa kubo at si Nimfa. Nakaagapay sa kaniya ang asawa at maging ito ay luhaan din. Paulit-ulit din niyang naririnig ang paghingi nito ng tawad. "Baby... asawa ko. Patawarin mo ako." "No, Gian! Ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya. Please, ibalik mo siya," hagulgol niyang pakiusap sa asawa. Hagyang humiwalay ang katawan nito, sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Kaya mo 'yan, kaya natin. Para sa isa pang nabubuhay sa 'yong sinapupunan, mahal ko. Magpakatatag ka, please." Unti-unti siyang nahimasmasan, napahinto sa pagwawala pero hindi pa rin maampat-ampat ang pagdaloy ng luha. May isa pa nga palang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nahaplos niya ang wala pang umbok na puson. Pero, paano si Andrei? Ang kaniyang anak na hindi mawaglit-waglit sa isipan niya. "Anak ko..." palahaw niya. Muli siyang niyakap ng asawa. "Alam mo, mas nanaisin ko pang ang nawala ay ang ating anak
MALAYANG pinagmamasdan ni Gian ang nahihimbing na asawa. Nasa hospital ito, si Bryan ay nasa critical na kundisyon, si Vic, bagama't may daplis ng bala ang braso ay nakalabas na ng pagamutan at nasa presinto para magbigay ng pahayag tungkol sa naganap. Habang nakamasid sa asawang walang malay ay nanumbalik sa isipan niya ang tagpo nang nagdaang gabi, nang harangan sila ng grupo ni Larry. Sinong mag-aakalang sa probinsiya pala ito nagtatago? Bago pa makabunot ng baril ang mga pulis ay nagpaulan na ng bala ang kalaban. Siya man ay may daplis din ng bala sa parteng tiyan, pero hindi niya 'yon alintana, mas nangangamba siya sa magiging reaksyon ng asawa kapag nalamang kasama sa pagsabog ang kanilang anak. Nang magkamalay ito'y paulit-ulit nitong tinatanong ang tungkol kay Andrei, pero hindi niya masabing wala na ang kanilang anak. Hindi niya alam kung paano, tiyak na masasaktan ito nang husto. Nalaman din niyang dinadala nito ang ikalawa nilang anak, ang bunga ng kanilang pagmamahalan. H
"ANDREI, anak ko!" Paulit-ulit na sabi ni Gwen habang umiiyak. Sakay pa rin sila ng sasakyan at patuloy ba tumatakas sa grupo ni Larry. Wala siyang pakialam sa palitan ng putok o kung may tumama mang bala sa katawan niya, ang tanging nasa isipan niya'y ang kaniyang anak. "Anak ko..." "Baby, asawa ko, I'm sorry." Narinig niya ang tinig ni Gian. Aaminin niyang nagtatampo siya rito, pero mas nagagalit siya sa kaniyang sarili. Siya ang ina, siya dapat ang nagbabantay kay Andrei, pero ipinagkatiwala lang niya ang buhay ng kanilang anak sa sa tagapag-alaga nito. Malapit na sila sa lugar na kung saan ay una nilang nakitang nakaharang ang grupo ni Larry, nang marinig ang boses ni Vic. Mabilis siyang nag-angat ng paningin. "Sir, mukhang may paparating." Nagkatitigan sila ni Gian. Lalong bumalatay ang takot sa mukha ng asawa niya. Hindi na malaman kung ano ang gagawin. "Sweetheart..." Yumakap siya rito. "I'm sorry, baby. Hindi ko natupad ng ipinangako kong poprotektahan kita, kayo
"SWEETHEART..." Nilingon ni Gian ang asawa. Nakaguhit sa mukha nito ang matinding takot. Nasa loob na sila ng maliit na kubo, pinagkasya nila ang kanilang mga sarili roon. Si Bryan ay nakasilip sa pinto, habang si Vic ay sa bintana. Si Nimfa ay nakasuksok sa tabi at nakabantay sa natutulog nilang anak. Nilapitan niya ang asawa at ikinulong sa malapad niyang dibdib. "I'm sorry," nasambit na lang niya. "Natatakot ako." Hindi siya makasagot dahil maging siya ay natatakot din. Naiinis din siya sa sarili, sinabing poprotektahan ang asawa't anak pero ngayon ay wala siyang magawa. Hindi alam kung paanong makaaalis sa trahedyang kinakaharap. Hindi pa nila kasama si Francis ngayon, si Bryan ay sugatan pa. Naalarma siya nang marinig ang ugong ng sasakyan. Ilang beses siyang nanalangin na sana'y hindi mapansin ang kubong pinagkukublihan nila. Halos hindi na siya humihinga habang dumaraan ang sasakyan. Mariin ang pagkakakuyom ng kamao. "Sir," pabulong na tawag ni Vic. "Lumampas