Ehra and Dwight were ex-lovers. After 5 years of break-up, muling nagkrus ang mga landas nila. Although naka-move on na siya, hindi pa rin niya maiwasang muling mapalapit sa binata. Lalo’t mas tumindi ang sex-appeal nito. He change a lot, physically. Pero sa bawat pagkakadaupang-palad nila ay para silang aso’t pusa na away-bati. Dwight is already in a relationship with Felicity for 3 years. And they are planning to get married. But on the verge of their relationship, Dwight found out that Felicity is cheating on him with another guy. Dahil dito ay mas lalong napalapit sa isa’t isa sina Ehra at Dwight. At habang tumatagal ay mas lalong nanunumbalik ang dating pagmamahal ni Ehra sa kanyang ex. Aminin man niya o hindi. Pero may pag-asa pa bang muli silang magkabalikan lalo’t mas dumarami ang hadlang sa kanilang dalawa? At paano pa ipaglalaban ni Dwight si Ehra kung huli na ang lahat? Lalo’t nakatanim sa isip ng dalaga na isa itong babaero at paano kung saktan ulit siya nito for the second time around? Is love really sweeter the second time around? Or is he the same guy who once broke her heart?
View MoreHINDI pa man sumasapit ang alas-kuwatro ay todo ayos na si Ehra. Excited na siyang muling makita si Dwight. Kanina pa niya nasend dito ang location ng opisina nila. At nagreply naman ito agad na susunduin siya before 4:00 nang hapon. Pero ngayon pa lang ay parang gusto na niyang hilahin ang oras para muli na niyang makita ang lalaking laging laman ng kanyang puso’t isipan. Katunayan, pakiramdam niya ay para siyang teenager na sabik na sabik na muling masilayan ang lalaking pinakamamahal . “Aba’t mukhang ayos na ayos ka, ha? May date ka ba mamaya?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala si manang Flor. Napansin agad nito ang ayos niya na kuntodo make-up. Sanay kasi ito na nakikita siyang walang kulorete sa mukha. Ngumiti siya. “Tama ka manang Flor. Let’s just say na may special date ako mamaya.” “Naku, siya ba iyong lalaking tinutukoy mo sa akin noon?” “Oo manang Flor. Si Dwight po.” “Dwight pala ang pangalan. Siguradong guwapo din ‘yon
DINALA si Dwight ng kanyang mga paa sa central park kung saan niya unang nakita si Ehra pagdating niya dito sa New York. Medyo malamig na ang panahon dahil parating na ang winter season. Kokonti pa ang mga tao noong dumating siya sa lugar. Papalubog pa kasi ang sikat ng araw at tinatao lamang ang lugar kapag sumapit na ang gabi. Masarap kasi tumambay doon kapag gabi lalo’t iba’t ibang mga ilaw ang masisipat roon. Idagdag pa ang naglalakihan at naggagandahang water fountain na isa sa atraksiyon ng nasabing park. Para sa kanya ay napaka-peaceful ng nasabing park at madalas din itong tambayan ng mga mag-jowa o lovers. Pumuwesto siya sa isang bench na puwede ang pandalawahan. Pagkaupo niya, kitang-kita niya ang mga taong paroo’t parito na naglalakad sa harapan niya. Iba-ibang lahi pero karamihan ay mga puti. Napabuntong-hininga siya. Kahit alam niyang wala naman talaga siyang pakay sa lugar na iyon ay mas pinili pa rin niyang mag-stay muna doon pansamantala. Nagbabakasaka
MABILIS na bumagsak ang katawan ng kapatid ni Dwight dahil sa sakit na cancer. Kaya naman ilang araw lang simula noong dumating siya sa America ay nakaratay na ito sa kama at maraming mga apparatus na ang nakasaksak sa katawan nito. Tinaningan na rin ng mga doctor ang buhay nito. At ngayon nga ay hirap na hirap ang kalooban ni Dwight at halos madurog ang kanyang puso sa tuwing titingnan niya ang kanyang kuya Dustin na nahihirapan sa kanyang sakit. Kung puwede lang niyang akuin ang karamdaman nito ay ginawa na niya. Malaki ang naitulong ng nakatatandang kapatid sa kanya. At sa lahat ng mga kapatid niya ay dito siya mas close. Kaya naman nahihirapan siya ngayon na nasa ganoong sitwasyon ang kanyang mabait na kuya Dustin. Pero gaya nga ng sabi nito sa kanya, tanggap na di-umano nito ang kapalaran niyang iyon at handa na rin daw itong mawala sa mundo anumang oras. Pagkuwa’y nilapitan ni Dwight ang kanyang kuya na nakaratay sa higaan. Umupo siya sa tabi n
TINITITIGAN lang ni Ehra ang kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang desk. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan ba niya si Dwight o hindi. Kahit abala siya kanina sa trabaho ay hindi pa rin mapaknit-paknit sa isip niya ang binata. Katunayan, kagabi pa nagtatalo ang isip at puso niya kung kokontakin ba niya ang lalaking muling nagpagulo sa mundo niya simula noong kunin niya ang number nito. Pero ngayon, bakit para siyang nawalan ng lakas ng loob na tawagan ito? “Hija, tititigan mo na lang ba ‘yang cellphone mo maghapon? Ano bang meron at mukhang kanina ka pa titig na titig d’yan?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Manang Flor. Parang ngayon lang nag-sink in sa utak niya na nasa trabaho pala siya. At heto’t kanina pa lumilipad ang utak niya at wala sa konsentrasyon. Bumuntong-hininga siya. “Manang Flor may gusto sana akong itanong sa’yo kung ok lang?” tanong niya. “Ano ‘yon? Go on. Basta huwag lang tungkol sa reports kasi kanin
"OH MY GOD! Kahit pala saan ka pumunta, magkikita at magkikita pa rin kayo ng Dwight na 'yon. Para kayong pinaglalaruan ng tadhana," eksaheradang bulalas ni Darla habang kausap ni Ehra ang matalik na kaibigan sa phone. Sinadya niya itong kausapin para ikuwento rito ang muling pagku-krus ng mga landas nila ni Dwight sa Central Park. Maging si Darla ay halatang nagulat din sa ibinalita niya. "Feeling ko nga ay may purpose talaga ang lahat ng ito kung bakit nangyayari ngayon. I think isa na ito sa mga signs na hinihintay ko!" ang natutuwang bulalas niya. "Gaga ka ba? Hanggang ngayon ba naman ay umaasa ka pa rin na magkakagusto ulit ang Dwight na 'yon sa'yo? Akala ko ba nagkaliwanagan na tayong dalawa na kalilimutan mo na ang lalaking 'yon? Hindi naman halatang iniilusyon mo pa rin hanggang ngayon ang mokong na 'yon, ano?" "Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, Darla." "Hay naku! Bahala ka na nga sa buhay mo. Kung wala ka talagang balak na itigil 'yang
"EHRA, nandiyan na ang suitor mo sa labas. Kanina ka pa hinihintay. Infairness, nuknukan pa rin ng guwapo at macho 'yang si fafa Nick na 'yan. Ewan ko ba sa'yo kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa siya sinasagot!" maharot na untag sa kanya ng 48 anyos na ka-opisina niyang si manang Flor na animo'y isang teenager na kinikilig. Isa itong old-maid na ayon dito ay wala nang planong mag-asawa pa. Mas peg daw nitong magpaka-forever single na lang dahil sa ilang beses na laging sawi sa pag-ibig. Natawa siya sa reaksiyon nito. "Five minutes na lang manang at matatapos na ako rito," tugon niya. "Kung p'wede nga lang sa'yo na lang manligaw 'yang tisoy na 'yan manang Flor. At ng wala na akong iniintindi," dugtong niya na tatawa-tawa pa rin habang nakatutok sa harap ng computer. "Aba, kung p'wede nga lang e, noon ko pa siya sinagot at niyayang magpakasal sa'kin. Kaso, imposible. Bakit ba kasi ayaw mo kay tisoy e, nasa kanya na nga ang lahat? Masyado kang choosy, Ehra!" anito n
WALANG kaemo-emosyong hinahalikan ni Dwight sa mga labi si Kylie habang nasa isang magarbong hotel sila. Si Kylie ay isa lamang sa mga babaeng parausan ngayon ni Dwight na halatang patay na patay sa binata. Simula nang lumabas sa kanyang lungga ang binata mula sa pagmumukmok ay tila naging libangan na niya ngayon ang makipag-ulayaw sa mga naggagandahan at nagsi-seksihang mga kababaihan. At isa na nga rito si Kylie na isang papasikat pa lamang na modelo. He became a womanizer after what his ex-girlfriend did to him! Mayamaya'y mas lalong naging mapangahas si Dwight. Mabilis niyang tinanggal ang kasuotan ng dalaga habang walang puknat pa rin niya itong hinahalikan sa mga labi. Nang tumambad sa kanya ang kahubdan nito, makahulugan siyang napangisi na wala pa rin ni katiting na emosyon na nararamdaman. This is just a one-night stand! Hindi nagtagal ay dali-dali na rin niyang tinanggal ang kasuotan. His shaft is already hard at nang tuluyan itong masaksihan n
LANGO na naman sa alak si Dwight nang datnan ito ng kanyang matalik na kaibigang si Victor pagdating ng binata sa condo niya. Halos araw-araw siyang nagpapakalasing sa alak simula nang malaman niya ang naging kataksilan ng dating nobya na si Felicity. Katunayan, pinili niyang magmukmok at umiwas sa lahat maski sa kanyang pamilya. Dahil sa kabiguan sa pag-ibig. Maliban siyempre kay Victor na laging bumibisita sa kanya. "'Pre, hanggang kailan mo ba lulunurin ang sarili mo sa alak? Look at yourself, daig mo pa ang namatayan ng mahal sa buhay. Don't you think it's about time to forget the past and go on with your life? Sinisira mo ang buhay mo, 'pre," muling paalala ni Victor sa kanya. Tumungga ulit siya sa kopita na may lamang whisky. Paubos na ang isang bote na kanina pa niya kaharap. He looked so rugged with beard face and messy hair. Para siyang isang linggong hindi nawiwisikan ng tubig sa hitsura niya. Nanlalalim din ang kanyang mga mata na halatang laging puyat a
TWO MONTHS LATER...... Nasa NAIA na siya kasama si Darla na siyang bukod-tanging naghatid sa kanya sa airport sa araw na iyon. Today is her scheduled flight back to New York. Hindi na niya inabala sina tito Manuel at tita Isabel na ihatid siya dahil may kalayuan din ang biyahe from Ilocos Sur to Manila. Tutal, nakapagpaalam naman na siya ng maayos sa kanilang dalawa. At nangako sila na babantayang mabuti ang pinapagawa niyang beach house. Aabutin pa siguro ng isang taon bago matapos iyon at sinigurado din sa kanya ni Tyrone na magiging maayos ang lahat kahit na wala siya sa Ilocos. Kaya naman panatag ang loob niyang babalik ng Amerika. "Beshy, kanina pa kita napapansin na parang hindi mapakali d'yan. May hinihintay ka bang darating para mag-goodbye before going back to US?" untag ni Darla na napansin ang biglang pananahimik niya habang palinga-linga sa paligid. Darla was right. She is waiting for someone although she know that it would not be possible for this per
Ehra and Dwight were ex-lovers. After 5 years of break-up, muling nagkrus ang mga landas nila. Although naka-move on na siya, hindi pa rin niya maiwasang muling mapalapit sa binata. Lalo’t mas tumindi ang sex-appeal nito. He change a lot, physically. Pero sa bawat pagkakadaupang-palad nila ay para silang aso’t pusa na away-bati. Dwight is already in a relationship with Felicity for 3 years. And they are planning to get married. But on the verge of their relationship, Dwight found out that Felicity is cheating on him with another guy. Dahil dito ay mas lalong napalapit sa isa’t isa sina Ehra at Dwight. At habang tumatagal ay mas lalong nanunumbalik ang dating pagmamahal ni Ehra sa kanyang ex. Aminin man niya o hindi. Pero may pag-asa pa bang muli silang magkabalikan lalo’t mas dumarami ang hadlang sa kanilang dalawa? At paano pa ipaglalaban ni Dwight si Ehra kung huli na ang lahat? Lalo’t nakatanim sa isip ng dalaga na isa itong babaero at paano kung saktan ulit siya nito fo...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments