NAPAKUNOT-NOO siya nang makumpirmang sasama sa isang kotse si Dwight. Akala niya ay dala nito ang sariling kotse. Pero ito pa mismo ang nag-drive sa kotse ni Darla. Doon siya sa likuran umupo at sa tabi naman ni Dwight pumuwesto si Darla.
“Kakilala ni Dwight ‘yung may-ari ng talyer kaya mas maganda kung isasama natin siya para mas mabilis tayong makarating sa shop,” tila alam na ni Darla ang nasa isip niya. “Don’t worry beshy, hindi tayo magtatagal doon.”
Hindi siya umimik. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya at ease na kasama si Dwight. Kung puwede lang magbago ng isip. Naiinis siya sa sarili na ewan. Kahit kasi anong pilit niyang huwag mainis kay Dwight ay kusang nararamdaman ng dibdib niya ang gayong pakiramdam. She was really confident before that she can act normal na parang walang nangyari o namagitan sa kanila ni Dwight. Pero ngayong muling nagkrus ang kanilang landas, ayaw man niyang aminin, lumalabas na naiinis at nabubuwisit pa rin pala siya sa lalaking ito.
Bakit ba kasi sumulpot-sulpot pa ulit sa buhay niya ang babaerong ito?
INABOT sila ng halos dalawang-oras sa talyer. Although may malapit na coffee shop roon kung saan sila naghintay ni Darla habang nire-repaint ang damage ng kotse nito, kating-kati na siyang makaalis sa lugar na iyon. Lalo na sa tuwing lalapit at nakikita niya sa harap niya ang hilatsa ng pagmumukha ni Dwight. Ewan pero parang nananadya pa ito na magpa-cute sa tuwing lalapit ito. Sarap i-vulcanize ang pagmumukha nito.
Sa kabilang banda, hindi rin niya maiwasang tingnan ito ng pasimple mula sa di-kalayuan. Malaki na nga ang ipinagbago nito. She must admit that he looks more handsome now. Plus a well-muscled body na halatang isa rin ito sa mga lalaking adik sa gym. Well, bumagay naman sa tangkad nito ang gayong katawan. At lalo lang iyon nakadagdag sa sex-appeal ng binata.
Pero kahit gaano pa ito kaguwapo ngayon and like what Darla once said, ka-hot, ay hinding-hindi niya ito pag-aaksayahan ni katiting na oras. Isa pa rin itong manloloko at babaero sa paningin niya. And she won’t give a damn to even have a short chitchat with him. For her, he is not existing. Never in her wildest imagination na kakausapin niya ito!
ALAS-SIYETE na ng gabi nang makauwi sila sa flat ni Darla galing sa talyer. Sa wakas at nawala na rin sa paningin niya si Dwight. Saka pa lang siya nakahinga nang maluwag.
Inayos muna niya ang mga damit at sapatos na pinamili nila ni Darla kanina. Pero parang nananadya ang tadhana dahil hindi mapaknit-paknit sa isip niya ang mukha ni Dwight. Lalo na ang paraan ng pagngiti nito habang litaw ang dalawang biloy nito. Pero dagli rin niyang itinuon sa ibang bagay ang isip niya.
“Beshy, tumawag na ako sa tita ko from Ilocos. Sinabi kong sa susunod na araw na ako luluwas,” pagkuwa’y sabi niya kay Darla na nag-aayos din ng mga pinamili nito.
“Ganu’n ba. Ang lungkot naman. Magkakahiwalay na naman tayo. Mamimiss kita, beshy,” madramang turan nito.
“Naku, as if naman hindi tayo magkikita ng matagal. Susunod ka doon, remember? Siya nga pala, naayos mo na ba sched mo this month?”
“Hindi pa, e. Pero this week magiging hectic na ang sched ko. Sunod-sunod na kasi ang fashion shows. Alam mon a, ngarag na naman ang lola mo nito.”
“Hayaan mo, we will treat you like a queen kapag nasa Ilocos ka na. Siguradong mag-eenjoy ka nang bonggang-bongga!”
“Dapat lang, no? I need a break. Balak ko nga ring pasunurin doon si Henry ‘pag makakuha siya ng one-week leave. Sana payagan siya sa office.”
Simula nang dumating siya ng Pinas ay isang beses pa lang sila nagkita ni Henry. Sobrang busy kasi ito sa work.
“Anyways, kumusta na nga pala ang ibang details sa balak mong beach resort. Settled na ba ang lahat?”
Tumango siya.
“I was lucky that all my relatives in Ilocos are very supportive. Actually, si tito Manuel at tita Isabel ang nag-aasikaso ng lahat while I’m in States.” Kapatid ng daddy niya si tito Manuel.
“Good. So wala ka na palang iisipin pagbalik mo roon.”
“Well, hinihintay muna nila kung anong gusto kong design and other details. Gusto ko kasi kausapin ng personal ‘yung architect na magdedesign ng mga beach house. At plano ko ring patayuan ng resto ang aking dream beach resort,” paliwanag niya na halatang excited sa matagal nang pangarap na business.
At least, kahit nasa America man siya ay maganda na may sarili din siyang negosyo rito na ipagkakatiwala niya sa napakabait niyang tito Manuel.
“Hanga talaga ako sa’yo, beshy. Alam kong noon pa man ay magiging successful ka sa buhay. At maganda ‘yang naisip mong negosyo. Para in the future na mag-decide kang mag-stay na lang ditto, siguradong mabubuhay ka pa rin nang sagana. Ang suwerte ng lalaking mapapangasawa mo. Bukod sa maganda at mabait, ay may maayos ka pang buhay at pamumuhay. Ang tanong, who’s that lucky guy kaya?” litanya ni Darla na sinabayan ng makahulugang tingin.
Hindi na niya iyon pinansin. Dahil baka kung saan na naman mapunta ang usapan. Nagpatay-malisya siya. Nagbusy-busyhan siya kunwari sa pagtutupi ng mga damit niya.
“Beshy, matanong nga kaya. Ano ba ‘yung na-feel mo talaga noong makita mo ulit kanina si Dwight?”
Natigil siya sa pagtutupi nang marinig ang tanong ng matalik na kaibigan. Heto na naman sila.
Inirapan niya ito. “Wala. Ano ba dapat ang ma-feel ko sa lalaking iyon? Bukod sa hambog pa rin gaya ng dati ay wala na akong dapat ma-feel sa kanya,” pagtatapat niya.
“Weh? ‘Di nga? ‘Yung totoo?”
Gusto niyang ibato rito ang hawak niyang pantalon pero nagpigil siya. Alam niya kasing lalo lang siyang aasarin ng bruhildang ito.
“Pero in fairness, sobrang guwapo pa rin ni Dwight, ‘no? Kung hindi ko lang siguro boyfriend si Henry, baka na-fall na ako sa kanya. Ibang-iba kasi ang dating niya ngayon compare noong boyfriend mo pa lang siya.”
“Alam mo ikaw? Wala nang ibang bukambibig ‘yang bunganga mo kundi ang Dwight na ‘yun. Kung ‘di lang kita bestfriend, nunca akong sasama sa’yo sa talyer na ‘yun at maghintay ng dalawang-oras. Habang nakikita ko ang pagmumukha ng lalaking ‘yun,” pagsusuplada niya.
Ngingiti-ngiti naman si Darla habang nakatitig ito. “Pero seriously beshy, pa’no kung ma-fall ka ulit sa kanya? Sabi nga nila, love is sweeter the second time around, diba?”
Lalong umarko ang kilay niya sa sinabing iyon ni Darla na kalauna’y tinawanan niya lang.
“Alam mo, patawa ka talaga. Napaka-imposible kasi ng iniisip mo. Saka, ilang beses ko bang kailangang ulitin na tapos na ang kabanatang iyon sa amin ng lalaking iyon. At kung magmamahal man ulit ako, gusto ko sa ibang lalake at hindi sa kanya. Period!” paniniguro niya.
“Well, let’s wait and see!” makahulugang saad ni Darla na hindi pa rin maalis-alis ang nakakalokang ngiti sa mga labi nito.
MALALIM na ang gabi pero dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Nakailang posisyon na rin siya ng higa. Pero hindi talaga siya dalawin nang antok. Ika-limang gabi na niya ito sa flat ni Darla at sa susunod na araw ay luluwas na siya ng Ilocos. Marahil ay dala lang ng excitement kaya siguro hindi siya makatulog.
Pero iyon nga lang ba talaga ang dahilan?
Pagkuwa’y humilig siya pakanan habang yakap niya ang isang unan. Sa edad niyang 27, ano pa nga ba talaga ang kulang sa kanya bukod sa pagkakaroon ng seryosong relasyon at isang lalake na masasabi niya talagang for keeps na? Hindi naman sa nagmamadali siyang magka-boyfriend ulit. Dahil kung tutuusin ay sapat na nariyan ang mga mahal niya sa buhay na alam niyang hinding-hindi siya pababayaan. She have a very loving, supportive and caring parents. Idagdag pa ang pagkakaroon ng mga totoong kaibigan na gaya nina Darla at Henry. Sa madaling sabi, hindi kakulangan sa kanya ang hindi pagkakaroon ng boyfriend. Dahil sa pagmamahal na ipinapakita at ibinibigay ng mga taong malapit sa kanya.
Sa kabilang banda, she can’t deny the fact na parang natrauma na rin siya sa mga panlolokong ginawa sa kanya ni Paul at Dwight. Aminado siyang pareho niyang minahal ang mga ito noon at halos ibigay na niya ang lahat sa mga ito. Pero at the end ay magagawa pa rin nilang lokohin siya. Kaya hindi rin siguro siya masisisi ng mga taong nakakakilala sa kanya. Lalo na ni Darla kung lagi siyang umiiwas pagdating sa usapin sa mga lalake. Alam niyang gusto lang ng bestfriend niya na magkaroon siya ng masayang relasyon. Pero sa ngayon ay wala pa talagang lalake na muling magpapatibok sa kanyang puso.
Biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Darla kanina. Paano daw kung ma-inlove ulit siya kay Dwight? Ang totoo, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang bagay na iyon o ang posibilidad na ito. Alam niya kasi sa sarili niya na wala na siyang feelings kay Dwight and she had finally moved on. Sa loob ng limang taon, halos mabura na sa utak niya ang tungkol kay Dwight at sa tatlong-taon na pinagsamahan nila noon. Nagkataon lang siguro na muling nagkrus ang mga landas nila. Kaya ganoon na lamang ang naging reaksiyon ni Darla. It’s either seryoso ito o nagjo-joke lang, she’s pretty sure that there’s no more second chance between her and Dwight. Isa pa, tumatak na sa isip niya that once a cheater, always a cheater. At hindi na rin magbabago si Dwight. Lalo na ngayon na obvious na mas nagkaroon ito nang kumpiyansa sa sarili sa laki ng ipinagbago nito, physically. Malamang ay kaliwa’t kanan ngayon ang mga babae nito. At hindi na rin siya magtataka sa bagay na iyon. Kaya kahit ano pang sabihin ni Darla, hinding-hindi na siya ulit magkakagusto sa babaerong Dwight na iyon!
Humigit-kumulang 12 hours din ang biyahe mula Maynila hanggang Ilocos. At kahit mag-isang lumuwas si Ehra ay sulit naman dahil sa mainit na pagtanggap ng mga kamag-anak niya sa father side. Lalo na ang kanyang tito Manuel at ang may-bahay nito. She was overwhelmed with their very warm welcome. "Welcome home, hija!" masayang salubong ni tito Manuel, sabay yakap. "Kamusta ang biyahe, hija?" sabad ni tita Isabel na sa edad na 50 ay hindi pa rin kumukupas ang angking ganda. Sopistikadang-sopistikada pa rin ang dating nito. "Okay lang po. Enjoy," tipid niyang sagot sabay yakap rito. Mayamaya'y sabay-sabay na silang pumasok sa mala-Mansiyon na tahanang iyon ni tito Manuel. He was a retired Navy sa edad na 58. Maaga itong nagretiro dahil mas gugustuhin raw nitong makasama ang buong pamilya habang malakas pa siya. May tatlo itong anak na may kanya-kanya na ring pamilya. Isa ang pamilya ni tito Manuel sa buong Narvacan na ginagalang at nirerespeto
NAPAKAALIWALAS ng panahon nang tanghaling iyon na bagama't katirikan ng araw ay mahangin at presko pa rin ang paligid. Kasalukuyan silang nasa Narvacan Adventure Hub na kilalang beach sa nasabing lungsod kasama sina tito Manuel at Tyrone. Naroon sila mismo sa malawak na bakanteng lote na pagtatayuan ng beach houses at restaurant. Mula sa di-kalayuan ay may mga cottages na ring nakatayo at iba pang establisyamento. Matao na rin ang nasabing beach na kadalasang dinarayo ng mga turista sa parteng iyon ng buong Ilocos region. Hindi na rin nalalayo ito sa pamosong Boracay dahil na rin sa white sand dito. At talaga namang kaakit-akit ang nasabing beach, lalo't minsan na rin itong na-feature sa mga magazine at telebisyon. A perfect place to invest your money for a business! "I'm sure you will have a very good income here, Ehra. The place is perfect for a beach lover. Lalo na 'yung mga dayuhan from other countries. Isa pa, pinopromote na rin ito ng City governme
INSIDE the gym, Dwight was on his last set of exercise for chest when his mobile phone rings. Nayayamot na napahinto siya mula sa pagbubuhat ng barbell saka sinagot ang tawag. Ang girlfriend niyang si Felicity for three-years ang tumatawag. "Yes, honey?" "Hon, where are you?" ani Felicity. "Here in the gym. What's up?" "I want you to come over pagkatapos mo r'yan. May sasabihin kasi akong importante. You better finish your work-out first before going here." "Ok. Patapos na ako. I'll be there in twenty minutes!" "I love you..." "I love you, too!" Tinapos muna ni Dwight ang huling set-up bago nagmamadaling nagbihis. Mula rito hanggang sa condo ni Felicity ay aabutin lamang ng fifteen-minute ride kapag walang traffic. Habang nagbibihis, bigla siyang napaisip kung bakit siya pinapupunta ni Felicity sa condo nito. Almost everyday kasi niya itong binibisita at kagabi lang
NASA kalagitnaan si Ehra nang pagbabasa sa romance novel na sinulat ng paborito niyang author na si Nicholas Sparks nang mag-ring ang phone na nakapatong sa bed-side table. Linggo nang araw na iyon at walang trabaho ang mga trabahador sa beach. Kaya nasa bahay lang siya buong maghapon pagkatapos niyang magsimba kaninang umaga. Si Tyrone ang tumatawag. Nagtatakang sinagot niya ang tawag. "Good-afternoon. Napatawag ka?" simple niyang sagot. Animo'y ganoon na talaga sila ka-close ni Tyrone sa paraan ng pananalita niya. "Itatanong ko lang sana kung gusto mong magliwaliw sa bayan. Actually, fiesta ngayon sa Abuor. Baka gusto mong manuod ng palabas para ma-enjoy mo naman ang stay mo rito," ani Tyrone. "Anyways, may importante ka bang lakad o kaya gagawin?" Kunwa'y nag-isip siya. Timing na timing dahil simula noong dumating siya sa Ilocos ay hindi pa siya nakakapamasyal sa karatig-barangay. Sa bahay at sa beach lang umiinog ang
LALO siyang nagitla nang makumpirmang sa kinauupuan nila ni Tyrone ang puntirya ni Dwight at kasama nito na marahil ay nobya nito. At nang makalapit ang mga ito, halos mapugto na ang kanyang hininga. Pasimple niyang tiningnan si Dwight na kalmado pa rin. Habang mahigpit pa rin itong nakahawak sa nobya nito. Aminado si Ehra na maganda nga talaga ang babaeng kasama nito, lalo na sa malapitan. "Ehra, meet Felicity and her boyfriend, Dwight!" mayamaya'y pakilala ni Tyrone sa mga dumating na lalo niyang kinagulat. Magkakakilala pala ang mga ito. Small world! Hindi niya alam kung sino ang una niyang babatiin sa dalawa. She tried to stay relax and focus! "Nice to meet you, Ehra," Si Felicity ang unang nagsalita, sabay lahad sa palad nito. "I'm Tyrone's closest friend. Magkaibigan ang mga grandparents namin since childhood. And he is a very nice person!" Ngumiti siya. "N-Nice to meet you, too," ganti niya pagkatapos niyang kamayan
AWTOMATIKONG nagsalubong ang mga kilay ni Ehra nang mamataan niya sa di-kalayuan si Dwight habang kausap si Tyrone. Naka-short at sando lang ito saka tsinelas. Bago pa man kumulo ang dugo niya ay naalala rin niya agad na beach nga pala ito at malamang ay nandito ngayon ang mokong na 'to para mag-swimming. This is a public beach, anyway. At hindi niya ito pagmamay-ari para ipagdamot sa kahit sino. "Kung alam ko lang na pupunta ngayon ang heredos na 'to dito, nag stay na lang sana ako sa Mansiyon!" animo'y may kausap na maktol niya. Bago pa man siya makalayo para sana iwasan si Dwight nang biglang kumaway si Tyrone. Sumenyas ito na lapitan niya ito at si Dwight sa kinaroroonan nila. Kung mamalasin ka nga naman! Wala siyang choice kundi lumapit sa dalawa habang abala ang mga trabahador ng mga oras na iyon. "Ehra, si Dwight, remember? First time niya pumunta rito. Although this is his third time here in Ilocos," mayamaya'y
HINDI nagtagal ay tinutugpa na ng mga paa nila ni Dwight ang pampang. Para siyang robot na sunod-sunuran lang dito. Hindi pa rin sila nagkikibuan. Kapwa nagpapakiramdaman. Pero habang naglalakad, ewan kung anong espirito ang pumasok sa kukote niya dahil pasimple niyang tinatapunan ito ng sulyap. Lalo na sa mamasel nitong mga braso at flat na tiyan. Naisip din niya kung ano kaya ang hitsura ng 6-pack abs nito? Aminado siyang noong sila pa ni Dwight ay hindi pa ganito katikas ang katawan nito. He changed a lot. Pero teka, bakit pa ba niya pag-iinteresan ang mga maskels nito? "Kung may balak kang maligo, hindi na kita masasamahan. Dito na lang ako," lakas-loob niyang sabi nang dere-deretso pa rin ito sa may dalampasigan. Naaabot na rin ng maliliit na alon ang mga paa nila. "Hindi mo ako sasamahan maligo?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Wala akong maalalang sinabi ko na pati pagligo mo ay sasamahan pa kita. Ang sabi ko lang
MASUYO AT BUONG pagmamahal na hinalikan ni Dwight sa mga labi ang nobyang si Felicity. Malalim na ang gabi at dahil medyo nakainom ang binata, nangungulit ito sa nobya na mapagbigyan sa kanyang gusto. Bagama't normal na sa magkasintahan ang magtalik, ngayon tila nag-aalab ng husto ang pagnanasa ng binata. Hindi nagtagal ay ginawaran ni Dwight ng halik sa leeg pababa sa dibdib ang nobya na hindi na rin tumutol sa huli. "I love you, honey..." paanas na bulong niya sa nobya. At pagkatapos ay unti-unti niyang tinanggal ang suot na damit nito na hindi na rin nakontrol ang emosyon. Nagpaubaya ito hanggang sa kapwa na sila walang suot na saplot. Lalong naging mapangahas ang mga sumunod na pagkilos ni Dwight nang tumambad sa kanya ang kahubdan ng kasintahan. Mula sa mumunting liwanag na galing sa poste na tumatagos sa bintana papasok sa kanilang maluwang na silid ay kitang-kita niya ang kabuuan ni Felicity. Mula sa malusog nitong dibdib hanggang
HINDI pa man sumasapit ang alas-kuwatro ay todo ayos na si Ehra. Excited na siyang muling makita si Dwight. Kanina pa niya nasend dito ang location ng opisina nila. At nagreply naman ito agad na susunduin siya before 4:00 nang hapon. Pero ngayon pa lang ay parang gusto na niyang hilahin ang oras para muli na niyang makita ang lalaking laging laman ng kanyang puso’t isipan. Katunayan, pakiramdam niya ay para siyang teenager na sabik na sabik na muling masilayan ang lalaking pinakamamahal . “Aba’t mukhang ayos na ayos ka, ha? May date ka ba mamaya?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala si manang Flor. Napansin agad nito ang ayos niya na kuntodo make-up. Sanay kasi ito na nakikita siyang walang kulorete sa mukha. Ngumiti siya. “Tama ka manang Flor. Let’s just say na may special date ako mamaya.” “Naku, siya ba iyong lalaking tinutukoy mo sa akin noon?” “Oo manang Flor. Si Dwight po.” “Dwight pala ang pangalan. Siguradong guwapo din ‘yon
DINALA si Dwight ng kanyang mga paa sa central park kung saan niya unang nakita si Ehra pagdating niya dito sa New York. Medyo malamig na ang panahon dahil parating na ang winter season. Kokonti pa ang mga tao noong dumating siya sa lugar. Papalubog pa kasi ang sikat ng araw at tinatao lamang ang lugar kapag sumapit na ang gabi. Masarap kasi tumambay doon kapag gabi lalo’t iba’t ibang mga ilaw ang masisipat roon. Idagdag pa ang naglalakihan at naggagandahang water fountain na isa sa atraksiyon ng nasabing park. Para sa kanya ay napaka-peaceful ng nasabing park at madalas din itong tambayan ng mga mag-jowa o lovers. Pumuwesto siya sa isang bench na puwede ang pandalawahan. Pagkaupo niya, kitang-kita niya ang mga taong paroo’t parito na naglalakad sa harapan niya. Iba-ibang lahi pero karamihan ay mga puti. Napabuntong-hininga siya. Kahit alam niyang wala naman talaga siyang pakay sa lugar na iyon ay mas pinili pa rin niyang mag-stay muna doon pansamantala. Nagbabakasaka
MABILIS na bumagsak ang katawan ng kapatid ni Dwight dahil sa sakit na cancer. Kaya naman ilang araw lang simula noong dumating siya sa America ay nakaratay na ito sa kama at maraming mga apparatus na ang nakasaksak sa katawan nito. Tinaningan na rin ng mga doctor ang buhay nito. At ngayon nga ay hirap na hirap ang kalooban ni Dwight at halos madurog ang kanyang puso sa tuwing titingnan niya ang kanyang kuya Dustin na nahihirapan sa kanyang sakit. Kung puwede lang niyang akuin ang karamdaman nito ay ginawa na niya. Malaki ang naitulong ng nakatatandang kapatid sa kanya. At sa lahat ng mga kapatid niya ay dito siya mas close. Kaya naman nahihirapan siya ngayon na nasa ganoong sitwasyon ang kanyang mabait na kuya Dustin. Pero gaya nga ng sabi nito sa kanya, tanggap na di-umano nito ang kapalaran niyang iyon at handa na rin daw itong mawala sa mundo anumang oras. Pagkuwa’y nilapitan ni Dwight ang kanyang kuya na nakaratay sa higaan. Umupo siya sa tabi n
TINITITIGAN lang ni Ehra ang kanyang cellphone na nakalapag sa kanyang desk. Nagdadalawang-isip kasi siya kung tatawagan ba niya si Dwight o hindi. Kahit abala siya kanina sa trabaho ay hindi pa rin mapaknit-paknit sa isip niya ang binata. Katunayan, kagabi pa nagtatalo ang isip at puso niya kung kokontakin ba niya ang lalaking muling nagpagulo sa mundo niya simula noong kunin niya ang number nito. Pero ngayon, bakit para siyang nawalan ng lakas ng loob na tawagan ito? “Hija, tititigan mo na lang ba ‘yang cellphone mo maghapon? Ano bang meron at mukhang kanina ka pa titig na titig d’yan?” hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Manang Flor. Parang ngayon lang nag-sink in sa utak niya na nasa trabaho pala siya. At heto’t kanina pa lumilipad ang utak niya at wala sa konsentrasyon. Bumuntong-hininga siya. “Manang Flor may gusto sana akong itanong sa’yo kung ok lang?” tanong niya. “Ano ‘yon? Go on. Basta huwag lang tungkol sa reports kasi kanin
"OH MY GOD! Kahit pala saan ka pumunta, magkikita at magkikita pa rin kayo ng Dwight na 'yon. Para kayong pinaglalaruan ng tadhana," eksaheradang bulalas ni Darla habang kausap ni Ehra ang matalik na kaibigan sa phone. Sinadya niya itong kausapin para ikuwento rito ang muling pagku-krus ng mga landas nila ni Dwight sa Central Park. Maging si Darla ay halatang nagulat din sa ibinalita niya. "Feeling ko nga ay may purpose talaga ang lahat ng ito kung bakit nangyayari ngayon. I think isa na ito sa mga signs na hinihintay ko!" ang natutuwang bulalas niya. "Gaga ka ba? Hanggang ngayon ba naman ay umaasa ka pa rin na magkakagusto ulit ang Dwight na 'yon sa'yo? Akala ko ba nagkaliwanagan na tayong dalawa na kalilimutan mo na ang lalaking 'yon? Hindi naman halatang iniilusyon mo pa rin hanggang ngayon ang mokong na 'yon, ano?" "Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, Darla." "Hay naku! Bahala ka na nga sa buhay mo. Kung wala ka talagang balak na itigil 'yang
"EHRA, nandiyan na ang suitor mo sa labas. Kanina ka pa hinihintay. Infairness, nuknukan pa rin ng guwapo at macho 'yang si fafa Nick na 'yan. Ewan ko ba sa'yo kung bakit hanggang ngayon ay hindi mo pa siya sinasagot!" maharot na untag sa kanya ng 48 anyos na ka-opisina niyang si manang Flor na animo'y isang teenager na kinikilig. Isa itong old-maid na ayon dito ay wala nang planong mag-asawa pa. Mas peg daw nitong magpaka-forever single na lang dahil sa ilang beses na laging sawi sa pag-ibig. Natawa siya sa reaksiyon nito. "Five minutes na lang manang at matatapos na ako rito," tugon niya. "Kung p'wede nga lang sa'yo na lang manligaw 'yang tisoy na 'yan manang Flor. At ng wala na akong iniintindi," dugtong niya na tatawa-tawa pa rin habang nakatutok sa harap ng computer. "Aba, kung p'wede nga lang e, noon ko pa siya sinagot at niyayang magpakasal sa'kin. Kaso, imposible. Bakit ba kasi ayaw mo kay tisoy e, nasa kanya na nga ang lahat? Masyado kang choosy, Ehra!" anito n
WALANG kaemo-emosyong hinahalikan ni Dwight sa mga labi si Kylie habang nasa isang magarbong hotel sila. Si Kylie ay isa lamang sa mga babaeng parausan ngayon ni Dwight na halatang patay na patay sa binata. Simula nang lumabas sa kanyang lungga ang binata mula sa pagmumukmok ay tila naging libangan na niya ngayon ang makipag-ulayaw sa mga naggagandahan at nagsi-seksihang mga kababaihan. At isa na nga rito si Kylie na isang papasikat pa lamang na modelo. He became a womanizer after what his ex-girlfriend did to him! Mayamaya'y mas lalong naging mapangahas si Dwight. Mabilis niyang tinanggal ang kasuotan ng dalaga habang walang puknat pa rin niya itong hinahalikan sa mga labi. Nang tumambad sa kanya ang kahubdan nito, makahulugan siyang napangisi na wala pa rin ni katiting na emosyon na nararamdaman. This is just a one-night stand! Hindi nagtagal ay dali-dali na rin niyang tinanggal ang kasuotan. His shaft is already hard at nang tuluyan itong masaksihan n
LANGO na naman sa alak si Dwight nang datnan ito ng kanyang matalik na kaibigang si Victor pagdating ng binata sa condo niya. Halos araw-araw siyang nagpapakalasing sa alak simula nang malaman niya ang naging kataksilan ng dating nobya na si Felicity. Katunayan, pinili niyang magmukmok at umiwas sa lahat maski sa kanyang pamilya. Dahil sa kabiguan sa pag-ibig. Maliban siyempre kay Victor na laging bumibisita sa kanya. "'Pre, hanggang kailan mo ba lulunurin ang sarili mo sa alak? Look at yourself, daig mo pa ang namatayan ng mahal sa buhay. Don't you think it's about time to forget the past and go on with your life? Sinisira mo ang buhay mo, 'pre," muling paalala ni Victor sa kanya. Tumungga ulit siya sa kopita na may lamang whisky. Paubos na ang isang bote na kanina pa niya kaharap. He looked so rugged with beard face and messy hair. Para siyang isang linggong hindi nawiwisikan ng tubig sa hitsura niya. Nanlalalim din ang kanyang mga mata na halatang laging puyat a
TWO MONTHS LATER...... Nasa NAIA na siya kasama si Darla na siyang bukod-tanging naghatid sa kanya sa airport sa araw na iyon. Today is her scheduled flight back to New York. Hindi na niya inabala sina tito Manuel at tita Isabel na ihatid siya dahil may kalayuan din ang biyahe from Ilocos Sur to Manila. Tutal, nakapagpaalam naman na siya ng maayos sa kanilang dalawa. At nangako sila na babantayang mabuti ang pinapagawa niyang beach house. Aabutin pa siguro ng isang taon bago matapos iyon at sinigurado din sa kanya ni Tyrone na magiging maayos ang lahat kahit na wala siya sa Ilocos. Kaya naman panatag ang loob niyang babalik ng Amerika. "Beshy, kanina pa kita napapansin na parang hindi mapakali d'yan. May hinihintay ka bang darating para mag-goodbye before going back to US?" untag ni Darla na napansin ang biglang pananahimik niya habang palinga-linga sa paligid. Darla was right. She is waiting for someone although she know that it would not be possible for this per