Barkada Story: Unang tapak palang ng Christian Louboutin Bana pumps ni Ellaine sa malawak na lupain ng mga Illustre, alam niya na ito na ang simula ng kalbaryo niya sa buhay dahil gulo lamang ang hatid sakanya ng isang lalaking nagngangalang Mico Illustre. Story of Dominico Illustre -also known as Mico. -owns several acres of ranch land that exports fruits and vegetables all around the world -he is the most simple among his friends.
view moreDear Diary,Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine."Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito. Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito. Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-
"We are about to land in five minutes. Please check your belongings before going. Thank you for flying with us and welcome to the Philippines."Tumingin sa labas ng bintana si Ellaine at ramdam na niya na nasa Pilipinas na nga siya ulit. After eight months, she's finally home. She went to various countries including Korea,Taiwan,Japan and Europe kung saan na siya nag-stay. Nag-enjoy siya sa kanyang escapade at nakatulong nga itong pagso-soul searching niya dahil nahanap niya ang isang bagay na magpapakita ng totoong siya - ang pagpipinta. Actually, matagal na niya itong nahanap, it's just that hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin. At heto nga at bumalik na siya ng Pilipinas para sa kanyang exhibit. Tinulungan siya ni Gelene - ang asawa ni Rex - para asikasuhin ang exhibit niya sa Pilipinas habang may inaayos pa siya sa Europe. Si Gelene pala ang ikinikwento ni Rex sakanya dati na mahilig rin sa art katulad niya. At isa itong sculptor kaya maraming kakilala ito para mapadali a
Alas tres na nang makarating si Ellaine sa kanilang mansion. Pagkababa palang niya ng sasakyan ay agad na dinaluhan siya ng mga kasambahay at iniakyat ang mga gamit niya sa kwarto niya. Sinalubong naman siya ng yakap ng kanyang Yaya Mildred. "Namiss kita, hija!" Wika ng kanyang yaya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ngumiti siya rito at niyakap muli. Namiss niya rin naman ang kanyang yaya. "I missed you, Yaya." Sabi niya. Nang maghiwalay sila ng yakap ay nakita niya ang kanyang magulang na lumabas mula sa loob ng mansion. Tumakbo papunta sakanya ang mommy niya at mahigpit ring niyakap."I missed you, anak. Kami ng daddy mo." Bulong nito habang mahigpit siyang niyayakap. Hindi nalang siya umiyak dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Tinapik naman ng Daddy niya ang kanyang ulo. "Halika na sa loob, gutom ka na siguro, hija." Tumango nalang si Ellaine at pumasok na sa loob. Tahimik lang silang kumakaing pamilya. Ang kanyang mommy naman ay nagtatanong tungkol sa pananati
Pagkauwi ni Mico galing Metro ay agad na hinanap ng kanyang mga maya si Ellaine. Pagkapasok niya sa hacienda ay halatang lahat ng tao roon ay tulog na. Sabagay, maga-ala una na nang makarating siya dito sa rancho.Kaya naman, minabuti niya nalang na umakyat sa kwarto niya. Pero tila may kung anong magnet ang nagtulak sakanya at dumiretso siya sa kwarto ni Ellaine. Binuksan niya iyon at sinilip ito. Dahan-dahan nalang rin niya na isinara ang pinto nang nakitang tulog na tulog si Ellaine. Pagkapasok ni Mico sa sariling kwarto ay agad na naligo siya at nagpalit ng damit. Tinutuyo niya ang kanyang buhok at naupo sa gilid ng kama nang mahagip ng tingin niya ang litrato ni Elisha. Natulala siya sandali.Maingat na kinuha ni Mico ang larawan ni Elisha at pinakatitigan. Bago siya umuwi ay dumaan talaga muna siya ulit sa libingan ni Elisha upang mamaalam. Hindi dahil sa kakalimutan niya na ito, kung hindi dahil sa mamamaalam na siya sa pagmamahal niyang matagal na palang wala. "Eli, mahal
"Ellaine! Ellaine!" Dali-daling lumabas ng study room si Ellaine nang marinig ang sigaw ng ate Elisha niya. "Ate?!" Tawag niya rito. Isang mahigpit na yakap ang binungad sakanya ng ate Elisha niya at nagtatatalon ito habang yakap-yakap siya kaya ang resulta'y pati siya ay napatalon narin. "Ellaine! My God! I'm so happy talaga!" Tili nito. "Teka-teka ate. Nahihilo na ako." Natatawang sabi niya rito. Kumalas naman ito at hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng ate niya. "Guess what?" Masayang wika nito. Napangiti naman siya dahil talagang nakikita niya sa mukha ng ate niya na masaya ito. "Hmm.. ikaw ulit iyong top one sa block niyo?" Hula niya. Nangingiting umiling ito. "Hindi." Pakantang sagot nito. Nag-isip ulit siya. "Hmm.. I give up. Ano iyon?" Huminga ito ng malalim at tsaka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Kami na ni Mico!" Tili nito. Nanigas si Ellaine sa sinabi ng ate niya sakanya. Ang ngiti niya ay unti-unting nawawala. Tila ba'y may isang malaking bombang
"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong ni Mico. Umiling nalang si Ellaine. "Hindi na nga, Mico kulit." Kinurot niya ang ilong nito. Sinasama kasi siya ni Mico sa Metro. Luluwas kasi ito dahil may aasikasuhing trabaho roon. Tinanggihan nalang niya ang alok nito dahil mas gusto niya rito sa rancho. Tsaka nangako naman si Mico na babalik mamayang gabi.Dumukwang si Mico sa kanya at hinalikan siya sa labi. Sandali lang iyon kaya parang nabitin siya. "Sige, may gusto ka bang ipabili?" Tanong nito sakanya. Umiling ulit siya at yumakap sa leeg nito. "Basta umuwi ka mamayang gabi." Kindat niya rito. Natawa naman si Mico sakanya. Binuhat siya nito mula sa kinauupuan niya sa may verandah at tsaka kinandong siya ni Mico. "Parang ayoko tuloy umalis." Sabi ni Mico habang nakabaon ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. Natatawa na siya nang bigyan na siya nito ng mga maliliit na halik sa leeg niya. "Mico! Sige na, umalis ka na." Taboy niya rito. "Hatid mo ko sa labas." Nakangiting lambing nit
"Ellaine! C'mon, sweetie. Talk to mePlease." habol ni Mico kay Ellaine na tuloy lang sa pagmartsa sa loob ng hacienda. Hindi na sila tumuloy sa falls dahil na-badtrip na si Ellaine sa nangyari. Hindi na ito makausap ni Mico dahil sa bawat tangka niyang kausapin ito ay hindi ito sumasagot ng matino. Lagi itong nakasimangot at singhal lang ang natatanggap niya. "Ellaine--!" Pero pinagbagsakan lang siya nito ng pinto sa mukha. Napabuntong-hininga nalang si Mico at hinayaan nalang si Ellaine. Hindi na niya muna ito pipilitin. Dumiretso nalang rin siya sa kanyang kwarto at humiga sa sariling kama hanggang sa maabutan na rin siya ng pagod kaya nakatulog na rin siya. ------Isang katok ang gumising sa mahimbing na tulog ni Mico. Sinipat niya ang orasan sa wall clock niya at nalamang alas-syete na pala ng gabi. Pupungas-pungas na bumangon siya at binuksan ang pinto. "O, manang? Bakit?" Tanong niya kay Manang Ising na kanina pa pala raw kumakatok. "Nag-aalala kasi si Señorita Ellaine,
"So, ano'ng gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ni Mico kay Ellaine pagkaupo palang sa may sofa. Umupo si Ellaine sa tabi ni Mico at humarap rito ng patagilid. Huminga muna siya ng malalim bago magtanong. Hindi na siya pwedeng mahiya, miski siya ay gustong masagot ang mga katanungan sa isip niya. "Mico, ano ba 'to?"Bakas sa mukha ni Mico ang pagtataka. "Huh?" Isa pang buntong-hininga ang pinakawala niya. "Ano itong ginagawa natin?" "What do you mean, Ellaine?" Naguguluhang tanong nito sakanya. "I mean this! The kisses, the sweetness.. lahat! Ano iyon?" Frustrated na tanong niya. Natigilan si Mico sa biglaang tanong niya. Nakita niya na miski ito ay nalilito rin. Marahil ay nabigla sa tanong niya. "Ano, Mico? Kasi nabigla ata tayo. We need to settle this." Hinintay niyang magsalita si Mico, pero nanatili lang itong nakatitig sakanya. Hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Kinabahan siya bigla. What if narealize nito na hindi dapat nila ginawa iyon?That wo
Pagkatapos maligo ni Ellaine ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina. Doon nakita niya na naghahanda na sina Mitch at Colyn ng lamesa habang nasa may kitchen counter naman sina Erin,Adie,Jeremie at Mico. "Oh, Hi Ellaine! Good Morning!" Bati sakanya ni Colyn. "Hello. Ano iyan? Ang bango ah." Tukoy niya sa dalang malaking mangkok nito. "Nagluto kami ng champorado. Alam mo na, para narin sa mga lasing para naman mainitan." Biro nito sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ni Colyn. Napansin nga niya kanina pagkababa niya na tulog parin nga ang tatlong lalaki sa may living room. "Ellaine! Tara dito!" Tawag sakanya ni Erin. Nilapitan naman niya ang mga ito sa may kitchen counter. Nagtama pa ang mga tingin nila ni Mico at nagkangitian sila. "Here. Dito ka." Sabi sakanya ni Mico sabay alalay sakanya paupo sa high stool. Pagkaayos niya ng upo ay lumapit lang sakanya si Mico at umakbay sa may sandalan ng high stool na kinauupuan niya. "Gusto mo ba makakita ng comedy?" Tanong sakanya ni
Initsa ni Mico ang susi ng kanyang kotse sa isa sa mga tauhan nila rito sa Rancho. Kanina lang kasi ay tinawagan siya ng kanyang papa dahil may pag-uusapan raw sila nito kaya naman napilitan siyang bumyahe ng pagkahaba-haba pabalik sa Rancho nila. "Nasaan si papa?" Tanong niya sa dumaang kawaksi nila sa hacienda."Nasa may library po sila, señorito." Magalang na sagot nito sakanya. Sila? - pagtataka niya. Mukhang may bisita ang kanyang papa. Ikinibit balikat nalang niya iyon at umakyat na papuntang library. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob. Nakita niya roon ang kanyang papa at ang kanyang ninong Edgar na ikinagulat niya. "Ninong!" Tawag niya rito. Lumapit siya para yumakap sa papa niya at sa ninong niya. "Hindi niyo po kasama si Ninang Marilyn?" Pagtatanong niya nang maupo siya sa harap ng mga ito. "Alam mo naman iyong ninang mo.. ayaw sa mahahabang byahe. Nandoon at subsob sa trabaho sa Maynila." sagot ng kanyang ninong. Tumango-tango siya rito. "Napadalaw po ata kayo?" ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments