Pagkagising ni Ellaine ay nagtaka siya nang mapansin niyang nasa kama na siya. Ang pagkakatanda niya ay nakatulog siya dahil sa kaiiyak at hawak niya ang picture frame nila ng Ate Elisha niya. Hinawi na niya ang comforter at tatayo na sana nang mapansin rin niya ang benda sa may binti niya. Napakunot ang noo niya at pilit na inaalala ang nangyari kagabi pero walang nangyari dahil sumasakit lang ang ulo niya sa kaiisip. May pumasok kaya sa kwarto niya? Pansin rin niya kasi na iba na ang damit na suot niya. Kagabi kasi ay nakaroba lang siya sa pagkakaalam niya. Huminga nalang siya ng malalim. Bahala na nga. Hindi nalang niya iisipin kung sino ang nagpalit at naglagay ng benda sa binti niya. Pagod narin siya kakaisip pa. At tsaka wala namang ring mangyayari eh. Naligo na siya at bumaba na sa kusina. Nagugutom narin siya. "Good Morning, señorita." Bati sakanya ng mga kasambahay na nakasalubong niya. Tinanguan niya lang ang mga ito at dire-diretso sa dining area. Papasok pa lamang si
Legend: **** - Past-----"Matulog ka muna. Malayo pa ang bayan eh." Sabi sakanya ni Mico. "No thanks. I had enough sleep last night." Tanggi niya rito. "Kung ganun, ikaw nalang ang magdrive. Inaantok kasi ako. Unlike you, I haven't got any sleep last night."Napatanga siya rito. Niloloko ba siya nito?"Gago ka ba? Matapos mo akong sapilitang gawing trabahador rito sa rancho mo, ngayon gagawin mo naman akong driver?!" Sigaw niya rito. Tinakpan naman ni Mico ang kanang tenga at kinuskos iyon na tila nabingi ito. "Grabe ka naman makasigaw. Pwede ka namang tumanggi ng maayos eh. No need to curse at me." Inirapan niya lang ito at pinokus ang tingin sa mga makikita sa paligid which is mga puno, taniman at mga bundok lang."How's your leg?" "Huh?""Nabingi ka ba sa sarili mong sigaw?" Natatawang sabi ni Mico at sinulyapan siya saglit.Pinalo niya ito sa braso. "Hey, baka mabangga tayo!" Suway nito sakanya. Inismiran niya lang ito. "Mababangga saan? Eh tayo lang ang sasakyan na dumada
Hindi alam ni Mico kung ano nangyari kay Ellaine. Bad mood nanaman. Bumuga nalang siya ng hangin at tsaka sinundan ito sa labas. "Ellaine.." Tawag niya rito pero hindi lang siya nito pinansin at palinga-linga lang ito sa paligid. Napapalatak nalang siya at hinila nalang ito. "Ano ba!" Singhal nito sakanya. "Alam mo, ang arte mo. Meron ka ba?" Biro niya rito. Hinampas naman siya nito ng malakas sa braso. "Alam mo ang bastos mo!""Ano'ng kabastos-bastos sa sinabi ko?" Manghang tanong niya rito. Patuloy lang niya itong hinihila. "Saan ba tayo pupunta?! Tsaka pwede ba! Bitawan mo ko, hindi ako aso mo at kung hilahin mo ay para akong alaga mo!" Sigaw nito sakanya. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Padabog naman nito binawi ang kamay. "Alaga kaya kita." Sabi niya rito. Gulat na napamaang naman ito sakanya. "What?!" Sigaw ulit nito. Naku, kung may masking tape lang siyang dala kanina niya pa nilagyan ang bibig nito. Napakaingay, nakakahiya sa mga tao. Pinagtitinginan pa
Ellaine wrinkled her nose at the smell of the carabaos. She was just standing beside the coconut tree watching Mico's farmers planting. Si Mico naman ay naroon rin sa palayan at hawak ang tali ng kalabaw habang paikot-ikot sa kabuuan ng palayan. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit pa siya ginising ni Mico ng alas-kwatro ng madaling araw, paano ba naman siya lang ang nag-iisang babae rito. Hindi niya alam ang gagawin dahil nang kausap niya si Mico ay tinawag ito ni Mang Densio at hindi na siya binalikan pa.She was just wearing a simple white shirt and maong shorts. Nakatsinelas lang rin siya. Looking at the dirty clothes of the people working in the fields, she was thankful that Mico insisted her to buy clothes yesterday. She will not risk her signature clothes and shoes. Never. "Tsk.. Boring." Bulong niya sa sarili. Paglipas siguro ng mga thirty minutes ay tumigil muna silang lahat sa pagtatrabaho. Ang iba ay naghugas sa may poso na makikita sa gilid ng kubo. Ang iba naman a
Ngiting-ngiti si Ellaine nang lumabas siya ng kanyang banyo. She feel so fresh! Ang bango bango niya na hindi katulad kanina na amoy araw siya at kalabaw!Pumunta siya sa closet niya at tinignan kung ano ang kanyang masusuot. Kinuha niya ang kanyang Red Moschino dress at isinuot iyon. Sinipat niya ang sarili sa salamin at umikot-ikot sa harap nito. "Hmm..tsk. Para naman akong pupunta sa party." Komento niya sa sarili. Hinubad niya iyon at ibinalik sa loob ng closet. Sunod naman na kinuha niya ang Yves Saint Laurent Print tee niya na aabot hanggang kalahati ng hita niya. Katulad ng una ay umikot-ikot siya sa harapan ng salamin pero hindi rin siya naging komportable sa suot. Sa huli ay napaupo siya sa gilid ng kanyang kama at nangalumbaba habang naka-undies lang siya. She blew the strand of her hair on her forehead at napansin niya ang plastic bag kung saan nakalagay ang mga damit na pinamili nila ni Mico kahapon sa bayan. Tumayo siya at kinuha iyon. Infairness naman sa mga nabili n
Sinalubong ni Ellaine ang kanyang mga magulang ng isang pekeng ngiti nang makarating siya sa living room. Her parents are having a chat with Mico's parents. "Good Evening everyone." Bati niya sa mga ito. Natigil naman sa pag-uusap ang mga ito at napatingin sakanya. Her Ninong Damian smiled at her. "Ellaine! Ang ganda ng inaanak ko!" He exclaimed and hugged her. "You look loverly,hija." Her Ninang Inna smiled at her. "Thank you Ninong, Ninang." She smiled at them. She turned to her parents. Her mother smiled at her and hugged her. "I miss you." Bulong nito habang nakayakap sakanya. Nag-aalangan naman siya kung yayakapin ba niya ito o hindi. Sa huli ay nanatali lang na nakababa ang kanyang mga kamay at hinayaan ang Mommy niya na yakapin lang siya. "Okay.. hindi ako makahinga." Pabirong sabi niya at nilayo ang kanyang sarili mula sa kanyang ina. Nagulat siya nang bigla nalang siya nitong yakapin. Her mother is strict eversince. She has this aura that is very dominating kaya ng
Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ang sagutan sa pagitan niya, ni Mico at ng mga magulang niya. Pagkatapos rin ng nangyari ay umuwi narin ang parents niya. Mabuti narin iyon dahil lalo lang silang magkakasagutan kung mananatili ang mga ito. Gustuhin man niyang humingi ng sorry sa Ninong Damian at Ninang Inna niya ay hindi na niya nagawa. Malaki ang naging pagbabago sa loob ng dalawang linggo. At isa na ang pag-iwas nila ni Mico sa isa't-isa. Laging si Manang Ising ang nagbibilin sakanya ng mga dapat niyang gawin. Sinusunod naman niya ito kahit na minsan labag sa kalooban niya ay hindi na siya nagreklamo. Ngayon, bored na bored na siya sa loob ng kwarto niya. Hapon na pero himala at walang inuutos sakanya si Mico. Sa halos isang buwang pakakastuck dito sa rancho ay kahit papano nasanay na siya sa mga gawain rito. Lagi na nga siyang gumigising ng maaga. Hindi nga lang siya lumalabas ng kwarto pero gising na siya ng four thirty ng umaga."Haaay!" Bu
----"Ano'ng ginagawa mo dito?" Bungad sakanya ni Erin. "Masama ba'ng puntahan ka? Tabi. Papasok ako." Tinabig niya ng mahina si Erin at dire-diretsong pumasok sa bahay nito. "Hoy ungas! Trespassing ka!" Sigaw sakanya ni Erin. Sumalampak siya sa sofa nito at itinaas pa ang kanyang dalawang paa sa coffee table sa harap. "Mukhang ang linis ata ng bahay mo?" Puna niya rito. Maraming beses na kasi siya nakakapunta sa bahay ni Erin dahil madalas kasi kapag narito siya sa Metro ay ito lang ang free na pwede niyang bulabugin. At sinasabi niyang sa tuwing na pupunta siya sa bahay nito ay ubod ng dumi at kalat ng bahay nito."Naglinis si Vin kahapon eh." Kibit-balikat nitong sagot. Tumaas naman ang kilay niya."Ginagawa mong katulong ang kaibigan ko?" Umupo naman ito sa tabi niya at isinandal ang ulo sa sofa. "Siya ang nagkusa, noh! Tsaka, teka nga! Bakit ka ba nandito?! It's eleven in the evening don't tell me na wala ka lang magawa dahil sinasabi ko sa'yo Dominico, sisipain kita palabas
Dear Diary,Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine."Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito. Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito. Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-
"We are about to land in five minutes. Please check your belongings before going. Thank you for flying with us and welcome to the Philippines."Tumingin sa labas ng bintana si Ellaine at ramdam na niya na nasa Pilipinas na nga siya ulit. After eight months, she's finally home. She went to various countries including Korea,Taiwan,Japan and Europe kung saan na siya nag-stay. Nag-enjoy siya sa kanyang escapade at nakatulong nga itong pagso-soul searching niya dahil nahanap niya ang isang bagay na magpapakita ng totoong siya - ang pagpipinta. Actually, matagal na niya itong nahanap, it's just that hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin. At heto nga at bumalik na siya ng Pilipinas para sa kanyang exhibit. Tinulungan siya ni Gelene - ang asawa ni Rex - para asikasuhin ang exhibit niya sa Pilipinas habang may inaayos pa siya sa Europe. Si Gelene pala ang ikinikwento ni Rex sakanya dati na mahilig rin sa art katulad niya. At isa itong sculptor kaya maraming kakilala ito para mapadali a
Alas tres na nang makarating si Ellaine sa kanilang mansion. Pagkababa palang niya ng sasakyan ay agad na dinaluhan siya ng mga kasambahay at iniakyat ang mga gamit niya sa kwarto niya. Sinalubong naman siya ng yakap ng kanyang Yaya Mildred. "Namiss kita, hija!" Wika ng kanyang yaya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ngumiti siya rito at niyakap muli. Namiss niya rin naman ang kanyang yaya. "I missed you, Yaya." Sabi niya. Nang maghiwalay sila ng yakap ay nakita niya ang kanyang magulang na lumabas mula sa loob ng mansion. Tumakbo papunta sakanya ang mommy niya at mahigpit ring niyakap."I missed you, anak. Kami ng daddy mo." Bulong nito habang mahigpit siyang niyayakap. Hindi nalang siya umiyak dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Tinapik naman ng Daddy niya ang kanyang ulo. "Halika na sa loob, gutom ka na siguro, hija." Tumango nalang si Ellaine at pumasok na sa loob. Tahimik lang silang kumakaing pamilya. Ang kanyang mommy naman ay nagtatanong tungkol sa pananati
Pagkauwi ni Mico galing Metro ay agad na hinanap ng kanyang mga maya si Ellaine. Pagkapasok niya sa hacienda ay halatang lahat ng tao roon ay tulog na. Sabagay, maga-ala una na nang makarating siya dito sa rancho.Kaya naman, minabuti niya nalang na umakyat sa kwarto niya. Pero tila may kung anong magnet ang nagtulak sakanya at dumiretso siya sa kwarto ni Ellaine. Binuksan niya iyon at sinilip ito. Dahan-dahan nalang rin niya na isinara ang pinto nang nakitang tulog na tulog si Ellaine. Pagkapasok ni Mico sa sariling kwarto ay agad na naligo siya at nagpalit ng damit. Tinutuyo niya ang kanyang buhok at naupo sa gilid ng kama nang mahagip ng tingin niya ang litrato ni Elisha. Natulala siya sandali.Maingat na kinuha ni Mico ang larawan ni Elisha at pinakatitigan. Bago siya umuwi ay dumaan talaga muna siya ulit sa libingan ni Elisha upang mamaalam. Hindi dahil sa kakalimutan niya na ito, kung hindi dahil sa mamamaalam na siya sa pagmamahal niyang matagal na palang wala. "Eli, mahal
"Ellaine! Ellaine!" Dali-daling lumabas ng study room si Ellaine nang marinig ang sigaw ng ate Elisha niya. "Ate?!" Tawag niya rito. Isang mahigpit na yakap ang binungad sakanya ng ate Elisha niya at nagtatatalon ito habang yakap-yakap siya kaya ang resulta'y pati siya ay napatalon narin. "Ellaine! My God! I'm so happy talaga!" Tili nito. "Teka-teka ate. Nahihilo na ako." Natatawang sabi niya rito. Kumalas naman ito at hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng ate niya. "Guess what?" Masayang wika nito. Napangiti naman siya dahil talagang nakikita niya sa mukha ng ate niya na masaya ito. "Hmm.. ikaw ulit iyong top one sa block niyo?" Hula niya. Nangingiting umiling ito. "Hindi." Pakantang sagot nito. Nag-isip ulit siya. "Hmm.. I give up. Ano iyon?" Huminga ito ng malalim at tsaka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Kami na ni Mico!" Tili nito. Nanigas si Ellaine sa sinabi ng ate niya sakanya. Ang ngiti niya ay unti-unting nawawala. Tila ba'y may isang malaking bombang
"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong ni Mico. Umiling nalang si Ellaine. "Hindi na nga, Mico kulit." Kinurot niya ang ilong nito. Sinasama kasi siya ni Mico sa Metro. Luluwas kasi ito dahil may aasikasuhing trabaho roon. Tinanggihan nalang niya ang alok nito dahil mas gusto niya rito sa rancho. Tsaka nangako naman si Mico na babalik mamayang gabi.Dumukwang si Mico sa kanya at hinalikan siya sa labi. Sandali lang iyon kaya parang nabitin siya. "Sige, may gusto ka bang ipabili?" Tanong nito sakanya. Umiling ulit siya at yumakap sa leeg nito. "Basta umuwi ka mamayang gabi." Kindat niya rito. Natawa naman si Mico sakanya. Binuhat siya nito mula sa kinauupuan niya sa may verandah at tsaka kinandong siya ni Mico. "Parang ayoko tuloy umalis." Sabi ni Mico habang nakabaon ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. Natatawa na siya nang bigyan na siya nito ng mga maliliit na halik sa leeg niya. "Mico! Sige na, umalis ka na." Taboy niya rito. "Hatid mo ko sa labas." Nakangiting lambing nit
"Ellaine! C'mon, sweetie. Talk to mePlease." habol ni Mico kay Ellaine na tuloy lang sa pagmartsa sa loob ng hacienda. Hindi na sila tumuloy sa falls dahil na-badtrip na si Ellaine sa nangyari. Hindi na ito makausap ni Mico dahil sa bawat tangka niyang kausapin ito ay hindi ito sumasagot ng matino. Lagi itong nakasimangot at singhal lang ang natatanggap niya. "Ellaine--!" Pero pinagbagsakan lang siya nito ng pinto sa mukha. Napabuntong-hininga nalang si Mico at hinayaan nalang si Ellaine. Hindi na niya muna ito pipilitin. Dumiretso nalang rin siya sa kanyang kwarto at humiga sa sariling kama hanggang sa maabutan na rin siya ng pagod kaya nakatulog na rin siya. ------Isang katok ang gumising sa mahimbing na tulog ni Mico. Sinipat niya ang orasan sa wall clock niya at nalamang alas-syete na pala ng gabi. Pupungas-pungas na bumangon siya at binuksan ang pinto. "O, manang? Bakit?" Tanong niya kay Manang Ising na kanina pa pala raw kumakatok. "Nag-aalala kasi si Señorita Ellaine,
"So, ano'ng gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ni Mico kay Ellaine pagkaupo palang sa may sofa. Umupo si Ellaine sa tabi ni Mico at humarap rito ng patagilid. Huminga muna siya ng malalim bago magtanong. Hindi na siya pwedeng mahiya, miski siya ay gustong masagot ang mga katanungan sa isip niya. "Mico, ano ba 'to?"Bakas sa mukha ni Mico ang pagtataka. "Huh?" Isa pang buntong-hininga ang pinakawala niya. "Ano itong ginagawa natin?" "What do you mean, Ellaine?" Naguguluhang tanong nito sakanya. "I mean this! The kisses, the sweetness.. lahat! Ano iyon?" Frustrated na tanong niya. Natigilan si Mico sa biglaang tanong niya. Nakita niya na miski ito ay nalilito rin. Marahil ay nabigla sa tanong niya. "Ano, Mico? Kasi nabigla ata tayo. We need to settle this." Hinintay niyang magsalita si Mico, pero nanatili lang itong nakatitig sakanya. Hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Kinabahan siya bigla. What if narealize nito na hindi dapat nila ginawa iyon?That wo
Pagkatapos maligo ni Ellaine ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina. Doon nakita niya na naghahanda na sina Mitch at Colyn ng lamesa habang nasa may kitchen counter naman sina Erin,Adie,Jeremie at Mico. "Oh, Hi Ellaine! Good Morning!" Bati sakanya ni Colyn. "Hello. Ano iyan? Ang bango ah." Tukoy niya sa dalang malaking mangkok nito. "Nagluto kami ng champorado. Alam mo na, para narin sa mga lasing para naman mainitan." Biro nito sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ni Colyn. Napansin nga niya kanina pagkababa niya na tulog parin nga ang tatlong lalaki sa may living room. "Ellaine! Tara dito!" Tawag sakanya ni Erin. Nilapitan naman niya ang mga ito sa may kitchen counter. Nagtama pa ang mga tingin nila ni Mico at nagkangitian sila. "Here. Dito ka." Sabi sakanya ni Mico sabay alalay sakanya paupo sa high stool. Pagkaayos niya ng upo ay lumapit lang sakanya si Mico at umakbay sa may sandalan ng high stool na kinauupuan niya. "Gusto mo ba makakita ng comedy?" Tanong sakanya ni