"Wala parin ba si Ellaine?" Tanong ni Manang Ising - ang matandang kasambahay ng mga Illustre.
Umiling si Mico bilang pagsagot. Six pm na ng gabi pero wala parin si Ellaine sa hacienda. Kanina pa siya naghihintay rito sa may front door. "Ipahanap mo na kaya siya kela Densio?" Suhestiyon sakanya ni Manang Ising. Huminga siya ng malalim bago hinarap si Manang. "Kapag wala pa siya pagkatapos ng sampung minuto ako na po mismo maghahanap sakanya." Sagot niya. Tumango lang si Manang sakanya at tinapik ang balikat niya. "O siya sige, kapag dumating na siya pakainin mo kaagad. Nakahanda na sa hapag ang mga pagkain.""Salamat po, Manang." Kanina niya pa gustong libutin ang buong rancho para hanapin ito. Pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang babalik rin ito. Hindi niya maiwasang maalala ang pagkikita nilang muli after thirteen years. At totoong nagulat siya sa nakitang Ellaine. She's not the sweet,innocent and simple girl that he used to know. She changed.Akala niya nung una nagbibiro lang ang Daddy at Ninong niya nang hingan siya ng tulong ng mga ito kay Ellaine. Dahil as far as he remember, hindi ang Ellaine na kababata niya ang nag-uuwi ng lalaki sa bahay, party animal at naglalasing tuwing gabi. She has always been the perfect daughter to her parents. And he guess he was wrong after all. After what happened.. alam niyang hindi malabong mangyari ito. Wala na ang Ellaine na kilala niya. And she became a new person to him all of a sudden. The selfish spoiled bitch. Pero alam niya.. alam niyang deep inside that spoiled Ellaine, naroon parin ang kababata niya. He saw it. Kaninang nasa farm house sila. Nakita niya. Nakita niyang tumulo ang mga luha nito bago pa man ito makatakbo palayo sakanya. ------****Pumunta ang labindalawang taong gulang na si Mico sa playground ng bahay ng mga Manansala. Sinama kasi siya ng kanyang Daddy rito ulit. Hindi naman siya umaangal dahil kahit siya man ay gustong-gusto bumisita sa mga Manansala. May gusto kasi siyang makita. Paakyat na sana siya sa second floor nang madaanan niya ang sliding door sa sala at may napansin sa may playground. Naisipan niyang dumaan muna roon at nang makarating sa playground ay nakita niyang nakatalikod ang pitong taong gulang na si Ellaine at nakaupo lang sa may swing. Bigla namang gumana ang kapilyuhan niya kaya naman dahan-dahan siyang lumapit rito at tinulak ang swing. Napasigaw si Ellaine dahil siguro sa gulat. Natatawang tinigil naman niya ang swing sa paggalaw at tsaka umikot sa harap nito. Nagulat siya nang makita itong umiiyak nanaman. At parang napindot nito ang ON button niya at umiral ang pagkaprotective niya rito. He squatted infront of Ellaine at pinunasan ang pisngi nito. "Hey, what happened? Bakit umiiyak ang sweetie ko?" Masuyong tanong niya rito. Sumisinghot naman ito at nanatiling nakayuko lang. "K-Kasi kuya, p-pinagalitan ako ni Mommy."Inipit naman niya sa likod ng tenga nito ang buhok na tumatabing sa mukha nito. "Bakit naman? Hindi naman siguro magagalit si Ninang kung walang dahilan." Mahinahong sabi niya. She wiped her tears before she looked at him. Namamaga ang mata nito but he finds it cute. "K-Kinuha ko kasi iyong bike ko tapos nagbike lang naman ako saglit. Pagdating ko sa house pinalo ako ni Mommy kasi daw hindi daw ako naggawa ng homework muna bago magplay." Pagsusumbong nito. Napangiti naman siya rito. Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa at pinunasan ang mukha nito. "Hayaan mo na. Ninang just wants you to prioritize your studies first. Tahan na, ang pangit mo na." Asar niya rito. Pinalo naman siya ni Ellaine. "Kuya!""Ayan, mainis ka nalang sakin kesa namang umiyak ka diyan. Oh, singa." Itinapat naman niya sa ilong nito ang panyo niya. Natatawa namang inilayo ni Ellaine ang panyo niya. "Ano ba!"Ginulo niya ang buhok nito. "Nagawa mo na ba mga homeworks mo?"Umiling ito at ngumuso. "Ang hirap eh."Kinurot naman niya ang ilong nito. "Papatulong ka lang eh. Tara na, tutulungan kita." Tumayo na siya at kinuha ang kamay nito. Sabay silang umakyat at ginawa ang homework nito. ****-----They were very close back then. Tagapagtanggol siya lagi ni Ellaine sa mga nambubully rito sa school. Hindi kasi palaban noon si Ellaine. Pupunta lang ito madalas sa tahimik na lugar at iiiyak nalang ang sakit na naraamdaman. At marahil, ito rin ang ginawa nito ngayon. Napatayo siya ng tuwid mula sa pagkakasandal nang matanaw niya si Ellaine na yakap ang sarili at halatang nilalamig. Mabilis na nilapitan niya ito at inakay papasok sa hacienda. Hindi naman ito umangal dahil halata sa mukha nito ang pagod at halatang-halata sa mga mata nito na umiyak ito. Nanlalagkit rin si Ellaine dahil siguro sa gatas na tumilapon rito, pero napansin niyang iika-ika itong maglakad. Walang sabing binuhat na niya ito. Nagulat man ito, ay hindi na rin nagsalita at naramdaman niyang sinandal nalang nito ang ulo sa balikat niya. Sinalubong naman sila ni Manang Ising nang paakyat na sana sila sa itaas. "Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito. "Pakidalhan nalang po si Ellaine ng pagkain sa kwarto niya."Nang makapasok sila sa kwarto nito ay dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Tumagilid nalang ito at ipinikit ang mga mata. "Hindi ka man lang ba magpapalit? Ang lagkit mo." Tanong niya rito. "Just get out." Mahinang sabi nito. "Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kami nag-aalala rito. Papatayin ako ni Ninong kapag may nangyari sa'yo!" Sermon niya rito. Padabog naman itong umupo at pinanlisikan siya ng mata. "Pwede ba!! Pagod ako, iwan mo na ako! Tsaka, hindi ka papatayin ni Daddy kung sakaling madisgrasya man ako dahil kahit na madisgrasya ako, they don't care! Kaya ikaw, tumigil ka na rin! Stop acting that you also care!" "But I do care, Ellaine! Lahat kami nag-aalala sa'yo! Kaya nga narito ka eh.." "Nandito ako kasi sawa na sila Mommy at Daddy sa akin! They never loved me, okay? Naiintindihan mo ba iyon? Huh, sabagay paano mo nga naman maiintindihan dahil katulad ka lang rin nila." Naguguluhan si Mico sa sinasabi nito. Hahawakan niya sana ito pero pinalis lang nito ang kamay niya. Tumayo ito at tinulak siya. "Ellaine..that's not true." Tawag niya rito. Sunod-sunod lang na iling ang ginawa niya. "No! It's true! Simula nung nangyari eight years ago, everything changed! Hindi nila makalimutan ang ginawa ko! Hindi niyo makalimutan ang ginawa ko!! Kaya don't act that you understand me.. don't act that you care for me. Kasi alam ko, alam ko na isa ka rin sakanila. Alam ko na hindi mo rin makalimutan ang ginawa ko! And I'm sorry for that. Pinagsisisihan ko lahat." Napahagulgol ito sa mga palad nito. He wanted to comfort her. Tell her that everything's gonna be fine.Pero hindi niya magawa. Dahil somehow, totoo ang sinabi nito. That he can't forget what happened eight years ago. Pero hindi siya galit kay Ellaine. Hindi niya kayang magalit rito. Ellaine was precious to him. At sa nakikita niya ngayon, alam na niya kung bakit nagkakaganito si Ellaine. And that is because of what happened. He felt that he's close to tears when he remembers that day. Napapikit siya ng mariin habang inaalis sa isip niya ang pangyayaring iyon. Dahil bumabalik ang sakit. "M-Magpahinga ka na.. Ipapahatid ko kay Manang ang pagkain mo. Please Ellaine." Pakiusap niya rito bago lumabas. Dumiretso siya sa kwarto niya at napasandal sa pinto. Tiningnan niya ang nasa bedside table niya at napangiti siya ng mapait. At hindi na niya napigilang mapaiyak. --------NEXT CHAPTER IS THE BIG REVELATION. BWAHAHA! Hulaan ninyo nga ang nangyari eight years ago. Let's see if you can guess it. ;))VOTE AND COMMENT PO KAYO! FOLLOW ME!Nanatiling nakatayo lang si Ellaine at nakatulala lang sa pintuang nilabasan ni Mico. Nanlalagkit siya, her leg is hurt, and she's goddamn tired pero tila hindi niya iyon maramdaman. Hindi naman niya inakalang magbe-break down siya sa harapan ni Mico. Pero kasi, tila umaapaw na ang mga dinadala niya sa kanyang dibdib at saktong sa harapan pa ni Mico siya sumabog. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at pumunta nalang sa banyo para maligo. Pagkatapos ay sinuot niya ang roba at tinignan ang maleta niya. Habang naghahanap ng maisusuot, napansin niyang may nakalagay sa pinakailalim ng isa niyang maleta. Nagbadya nanaman ang mga luha niya sa nakita niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang picture frame na matagal na niyang iniingatan. Isang tao lang ang may alam sa picture frame na ito - si Manang Mildred. Ang kanyang yaya simula pagkabata. Hinaplos niya ang mukha ni Mico na nakaakbay sakanya. The picture was taken when she was twelve years old at seventeen naman ito. Graduation niya iyon. Na
Pagkagising ni Ellaine ay nagtaka siya nang mapansin niyang nasa kama na siya. Ang pagkakatanda niya ay nakatulog siya dahil sa kaiiyak at hawak niya ang picture frame nila ng Ate Elisha niya. Hinawi na niya ang comforter at tatayo na sana nang mapansin rin niya ang benda sa may binti niya. Napakunot ang noo niya at pilit na inaalala ang nangyari kagabi pero walang nangyari dahil sumasakit lang ang ulo niya sa kaiisip. May pumasok kaya sa kwarto niya? Pansin rin niya kasi na iba na ang damit na suot niya. Kagabi kasi ay nakaroba lang siya sa pagkakaalam niya. Huminga nalang siya ng malalim. Bahala na nga. Hindi nalang niya iisipin kung sino ang nagpalit at naglagay ng benda sa binti niya. Pagod narin siya kakaisip pa. At tsaka wala namang ring mangyayari eh. Naligo na siya at bumaba na sa kusina. Nagugutom narin siya. "Good Morning, señorita." Bati sakanya ng mga kasambahay na nakasalubong niya. Tinanguan niya lang ang mga ito at dire-diretso sa dining area. Papasok pa lamang si
Legend: **** - Past-----"Matulog ka muna. Malayo pa ang bayan eh." Sabi sakanya ni Mico. "No thanks. I had enough sleep last night." Tanggi niya rito. "Kung ganun, ikaw nalang ang magdrive. Inaantok kasi ako. Unlike you, I haven't got any sleep last night."Napatanga siya rito. Niloloko ba siya nito?"Gago ka ba? Matapos mo akong sapilitang gawing trabahador rito sa rancho mo, ngayon gagawin mo naman akong driver?!" Sigaw niya rito. Tinakpan naman ni Mico ang kanang tenga at kinuskos iyon na tila nabingi ito. "Grabe ka naman makasigaw. Pwede ka namang tumanggi ng maayos eh. No need to curse at me." Inirapan niya lang ito at pinokus ang tingin sa mga makikita sa paligid which is mga puno, taniman at mga bundok lang."How's your leg?" "Huh?""Nabingi ka ba sa sarili mong sigaw?" Natatawang sabi ni Mico at sinulyapan siya saglit.Pinalo niya ito sa braso. "Hey, baka mabangga tayo!" Suway nito sakanya. Inismiran niya lang ito. "Mababangga saan? Eh tayo lang ang sasakyan na dumada
Hindi alam ni Mico kung ano nangyari kay Ellaine. Bad mood nanaman. Bumuga nalang siya ng hangin at tsaka sinundan ito sa labas. "Ellaine.." Tawag niya rito pero hindi lang siya nito pinansin at palinga-linga lang ito sa paligid. Napapalatak nalang siya at hinila nalang ito. "Ano ba!" Singhal nito sakanya. "Alam mo, ang arte mo. Meron ka ba?" Biro niya rito. Hinampas naman siya nito ng malakas sa braso. "Alam mo ang bastos mo!""Ano'ng kabastos-bastos sa sinabi ko?" Manghang tanong niya rito. Patuloy lang niya itong hinihila. "Saan ba tayo pupunta?! Tsaka pwede ba! Bitawan mo ko, hindi ako aso mo at kung hilahin mo ay para akong alaga mo!" Sigaw nito sakanya. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Padabog naman nito binawi ang kamay. "Alaga kaya kita." Sabi niya rito. Gulat na napamaang naman ito sakanya. "What?!" Sigaw ulit nito. Naku, kung may masking tape lang siyang dala kanina niya pa nilagyan ang bibig nito. Napakaingay, nakakahiya sa mga tao. Pinagtitinginan pa
Ellaine wrinkled her nose at the smell of the carabaos. She was just standing beside the coconut tree watching Mico's farmers planting. Si Mico naman ay naroon rin sa palayan at hawak ang tali ng kalabaw habang paikot-ikot sa kabuuan ng palayan. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit pa siya ginising ni Mico ng alas-kwatro ng madaling araw, paano ba naman siya lang ang nag-iisang babae rito. Hindi niya alam ang gagawin dahil nang kausap niya si Mico ay tinawag ito ni Mang Densio at hindi na siya binalikan pa.She was just wearing a simple white shirt and maong shorts. Nakatsinelas lang rin siya. Looking at the dirty clothes of the people working in the fields, she was thankful that Mico insisted her to buy clothes yesterday. She will not risk her signature clothes and shoes. Never. "Tsk.. Boring." Bulong niya sa sarili. Paglipas siguro ng mga thirty minutes ay tumigil muna silang lahat sa pagtatrabaho. Ang iba ay naghugas sa may poso na makikita sa gilid ng kubo. Ang iba naman a
Ngiting-ngiti si Ellaine nang lumabas siya ng kanyang banyo. She feel so fresh! Ang bango bango niya na hindi katulad kanina na amoy araw siya at kalabaw!Pumunta siya sa closet niya at tinignan kung ano ang kanyang masusuot. Kinuha niya ang kanyang Red Moschino dress at isinuot iyon. Sinipat niya ang sarili sa salamin at umikot-ikot sa harap nito. "Hmm..tsk. Para naman akong pupunta sa party." Komento niya sa sarili. Hinubad niya iyon at ibinalik sa loob ng closet. Sunod naman na kinuha niya ang Yves Saint Laurent Print tee niya na aabot hanggang kalahati ng hita niya. Katulad ng una ay umikot-ikot siya sa harapan ng salamin pero hindi rin siya naging komportable sa suot. Sa huli ay napaupo siya sa gilid ng kanyang kama at nangalumbaba habang naka-undies lang siya. She blew the strand of her hair on her forehead at napansin niya ang plastic bag kung saan nakalagay ang mga damit na pinamili nila ni Mico kahapon sa bayan. Tumayo siya at kinuha iyon. Infairness naman sa mga nabili n
Sinalubong ni Ellaine ang kanyang mga magulang ng isang pekeng ngiti nang makarating siya sa living room. Her parents are having a chat with Mico's parents. "Good Evening everyone." Bati niya sa mga ito. Natigil naman sa pag-uusap ang mga ito at napatingin sakanya. Her Ninong Damian smiled at her. "Ellaine! Ang ganda ng inaanak ko!" He exclaimed and hugged her. "You look loverly,hija." Her Ninang Inna smiled at her. "Thank you Ninong, Ninang." She smiled at them. She turned to her parents. Her mother smiled at her and hugged her. "I miss you." Bulong nito habang nakayakap sakanya. Nag-aalangan naman siya kung yayakapin ba niya ito o hindi. Sa huli ay nanatali lang na nakababa ang kanyang mga kamay at hinayaan ang Mommy niya na yakapin lang siya. "Okay.. hindi ako makahinga." Pabirong sabi niya at nilayo ang kanyang sarili mula sa kanyang ina. Nagulat siya nang bigla nalang siya nitong yakapin. Her mother is strict eversince. She has this aura that is very dominating kaya ng
Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakakalipas nang mangyari ang sagutan sa pagitan niya, ni Mico at ng mga magulang niya. Pagkatapos rin ng nangyari ay umuwi narin ang parents niya. Mabuti narin iyon dahil lalo lang silang magkakasagutan kung mananatili ang mga ito. Gustuhin man niyang humingi ng sorry sa Ninong Damian at Ninang Inna niya ay hindi na niya nagawa. Malaki ang naging pagbabago sa loob ng dalawang linggo. At isa na ang pag-iwas nila ni Mico sa isa't-isa. Laging si Manang Ising ang nagbibilin sakanya ng mga dapat niyang gawin. Sinusunod naman niya ito kahit na minsan labag sa kalooban niya ay hindi na siya nagreklamo. Ngayon, bored na bored na siya sa loob ng kwarto niya. Hapon na pero himala at walang inuutos sakanya si Mico. Sa halos isang buwang pakakastuck dito sa rancho ay kahit papano nasanay na siya sa mga gawain rito. Lagi na nga siyang gumigising ng maaga. Hindi nga lang siya lumalabas ng kwarto pero gising na siya ng four thirty ng umaga."Haaay!" Bu
Dear Diary,Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine."Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito. Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito. Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-
"We are about to land in five minutes. Please check your belongings before going. Thank you for flying with us and welcome to the Philippines."Tumingin sa labas ng bintana si Ellaine at ramdam na niya na nasa Pilipinas na nga siya ulit. After eight months, she's finally home. She went to various countries including Korea,Taiwan,Japan and Europe kung saan na siya nag-stay. Nag-enjoy siya sa kanyang escapade at nakatulong nga itong pagso-soul searching niya dahil nahanap niya ang isang bagay na magpapakita ng totoong siya - ang pagpipinta. Actually, matagal na niya itong nahanap, it's just that hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin. At heto nga at bumalik na siya ng Pilipinas para sa kanyang exhibit. Tinulungan siya ni Gelene - ang asawa ni Rex - para asikasuhin ang exhibit niya sa Pilipinas habang may inaayos pa siya sa Europe. Si Gelene pala ang ikinikwento ni Rex sakanya dati na mahilig rin sa art katulad niya. At isa itong sculptor kaya maraming kakilala ito para mapadali a
Alas tres na nang makarating si Ellaine sa kanilang mansion. Pagkababa palang niya ng sasakyan ay agad na dinaluhan siya ng mga kasambahay at iniakyat ang mga gamit niya sa kwarto niya. Sinalubong naman siya ng yakap ng kanyang Yaya Mildred. "Namiss kita, hija!" Wika ng kanyang yaya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ngumiti siya rito at niyakap muli. Namiss niya rin naman ang kanyang yaya. "I missed you, Yaya." Sabi niya. Nang maghiwalay sila ng yakap ay nakita niya ang kanyang magulang na lumabas mula sa loob ng mansion. Tumakbo papunta sakanya ang mommy niya at mahigpit ring niyakap."I missed you, anak. Kami ng daddy mo." Bulong nito habang mahigpit siyang niyayakap. Hindi nalang siya umiyak dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Tinapik naman ng Daddy niya ang kanyang ulo. "Halika na sa loob, gutom ka na siguro, hija." Tumango nalang si Ellaine at pumasok na sa loob. Tahimik lang silang kumakaing pamilya. Ang kanyang mommy naman ay nagtatanong tungkol sa pananati
Pagkauwi ni Mico galing Metro ay agad na hinanap ng kanyang mga maya si Ellaine. Pagkapasok niya sa hacienda ay halatang lahat ng tao roon ay tulog na. Sabagay, maga-ala una na nang makarating siya dito sa rancho.Kaya naman, minabuti niya nalang na umakyat sa kwarto niya. Pero tila may kung anong magnet ang nagtulak sakanya at dumiretso siya sa kwarto ni Ellaine. Binuksan niya iyon at sinilip ito. Dahan-dahan nalang rin niya na isinara ang pinto nang nakitang tulog na tulog si Ellaine. Pagkapasok ni Mico sa sariling kwarto ay agad na naligo siya at nagpalit ng damit. Tinutuyo niya ang kanyang buhok at naupo sa gilid ng kama nang mahagip ng tingin niya ang litrato ni Elisha. Natulala siya sandali.Maingat na kinuha ni Mico ang larawan ni Elisha at pinakatitigan. Bago siya umuwi ay dumaan talaga muna siya ulit sa libingan ni Elisha upang mamaalam. Hindi dahil sa kakalimutan niya na ito, kung hindi dahil sa mamamaalam na siya sa pagmamahal niyang matagal na palang wala. "Eli, mahal
"Ellaine! Ellaine!" Dali-daling lumabas ng study room si Ellaine nang marinig ang sigaw ng ate Elisha niya. "Ate?!" Tawag niya rito. Isang mahigpit na yakap ang binungad sakanya ng ate Elisha niya at nagtatatalon ito habang yakap-yakap siya kaya ang resulta'y pati siya ay napatalon narin. "Ellaine! My God! I'm so happy talaga!" Tili nito. "Teka-teka ate. Nahihilo na ako." Natatawang sabi niya rito. Kumalas naman ito at hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng ate niya. "Guess what?" Masayang wika nito. Napangiti naman siya dahil talagang nakikita niya sa mukha ng ate niya na masaya ito. "Hmm.. ikaw ulit iyong top one sa block niyo?" Hula niya. Nangingiting umiling ito. "Hindi." Pakantang sagot nito. Nag-isip ulit siya. "Hmm.. I give up. Ano iyon?" Huminga ito ng malalim at tsaka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Kami na ni Mico!" Tili nito. Nanigas si Ellaine sa sinabi ng ate niya sakanya. Ang ngiti niya ay unti-unting nawawala. Tila ba'y may isang malaking bombang
"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong ni Mico. Umiling nalang si Ellaine. "Hindi na nga, Mico kulit." Kinurot niya ang ilong nito. Sinasama kasi siya ni Mico sa Metro. Luluwas kasi ito dahil may aasikasuhing trabaho roon. Tinanggihan nalang niya ang alok nito dahil mas gusto niya rito sa rancho. Tsaka nangako naman si Mico na babalik mamayang gabi.Dumukwang si Mico sa kanya at hinalikan siya sa labi. Sandali lang iyon kaya parang nabitin siya. "Sige, may gusto ka bang ipabili?" Tanong nito sakanya. Umiling ulit siya at yumakap sa leeg nito. "Basta umuwi ka mamayang gabi." Kindat niya rito. Natawa naman si Mico sakanya. Binuhat siya nito mula sa kinauupuan niya sa may verandah at tsaka kinandong siya ni Mico. "Parang ayoko tuloy umalis." Sabi ni Mico habang nakabaon ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. Natatawa na siya nang bigyan na siya nito ng mga maliliit na halik sa leeg niya. "Mico! Sige na, umalis ka na." Taboy niya rito. "Hatid mo ko sa labas." Nakangiting lambing nit
"Ellaine! C'mon, sweetie. Talk to mePlease." habol ni Mico kay Ellaine na tuloy lang sa pagmartsa sa loob ng hacienda. Hindi na sila tumuloy sa falls dahil na-badtrip na si Ellaine sa nangyari. Hindi na ito makausap ni Mico dahil sa bawat tangka niyang kausapin ito ay hindi ito sumasagot ng matino. Lagi itong nakasimangot at singhal lang ang natatanggap niya. "Ellaine--!" Pero pinagbagsakan lang siya nito ng pinto sa mukha. Napabuntong-hininga nalang si Mico at hinayaan nalang si Ellaine. Hindi na niya muna ito pipilitin. Dumiretso nalang rin siya sa kanyang kwarto at humiga sa sariling kama hanggang sa maabutan na rin siya ng pagod kaya nakatulog na rin siya. ------Isang katok ang gumising sa mahimbing na tulog ni Mico. Sinipat niya ang orasan sa wall clock niya at nalamang alas-syete na pala ng gabi. Pupungas-pungas na bumangon siya at binuksan ang pinto. "O, manang? Bakit?" Tanong niya kay Manang Ising na kanina pa pala raw kumakatok. "Nag-aalala kasi si Señorita Ellaine,
"So, ano'ng gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ni Mico kay Ellaine pagkaupo palang sa may sofa. Umupo si Ellaine sa tabi ni Mico at humarap rito ng patagilid. Huminga muna siya ng malalim bago magtanong. Hindi na siya pwedeng mahiya, miski siya ay gustong masagot ang mga katanungan sa isip niya. "Mico, ano ba 'to?"Bakas sa mukha ni Mico ang pagtataka. "Huh?" Isa pang buntong-hininga ang pinakawala niya. "Ano itong ginagawa natin?" "What do you mean, Ellaine?" Naguguluhang tanong nito sakanya. "I mean this! The kisses, the sweetness.. lahat! Ano iyon?" Frustrated na tanong niya. Natigilan si Mico sa biglaang tanong niya. Nakita niya na miski ito ay nalilito rin. Marahil ay nabigla sa tanong niya. "Ano, Mico? Kasi nabigla ata tayo. We need to settle this." Hinintay niyang magsalita si Mico, pero nanatili lang itong nakatitig sakanya. Hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Kinabahan siya bigla. What if narealize nito na hindi dapat nila ginawa iyon?That wo
Pagkatapos maligo ni Ellaine ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina. Doon nakita niya na naghahanda na sina Mitch at Colyn ng lamesa habang nasa may kitchen counter naman sina Erin,Adie,Jeremie at Mico. "Oh, Hi Ellaine! Good Morning!" Bati sakanya ni Colyn. "Hello. Ano iyan? Ang bango ah." Tukoy niya sa dalang malaking mangkok nito. "Nagluto kami ng champorado. Alam mo na, para narin sa mga lasing para naman mainitan." Biro nito sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ni Colyn. Napansin nga niya kanina pagkababa niya na tulog parin nga ang tatlong lalaki sa may living room. "Ellaine! Tara dito!" Tawag sakanya ni Erin. Nilapitan naman niya ang mga ito sa may kitchen counter. Nagtama pa ang mga tingin nila ni Mico at nagkangitian sila. "Here. Dito ka." Sabi sakanya ni Mico sabay alalay sakanya paupo sa high stool. Pagkaayos niya ng upo ay lumapit lang sakanya si Mico at umakbay sa may sandalan ng high stool na kinauupuan niya. "Gusto mo ba makakita ng comedy?" Tanong sakanya ni