My Little Trophy

My Little Trophy

last updateLast Updated : 2022-05-15
By:   amvernheart  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
13 ratings. 13 reviews
97Chapters
28.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Baby maker for hire! Iyan ang trabahong inaplayan ni Amber dahil sa larong truth or dare. At mukhang sigurista si Dark Indigo dahil bukod sa isang gabing namagitan sa kanila ay gusto pa nitong subukan ang artificial insemination. Naloko na! Wala tuloy siyang choice kundi makipaglaro ng habul-habulan at tagu-taguan sa binata. Ngunit makalipas ang ilang taon, muli silang natunton. At lalong nagulo ang lahat nang lumantad si Ash Blumentrint, ang tiyuhin ni Dark. Ipinagpipilitan nitong siya ang tunay na ama ng bata. Saan patungo ang triangulong umiikot sa agawan ng karapatan sa bata? At mapanghahawakan nga ba ang karapatan kung pag-ibig ang pag-uusapan? O mangigibabaw ang dinidikta ng puso kahit ito ay makasarili at mali?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

Umikot ang walang lamang bote ng soju na nasa sahig. Nang magsimulang bumagal ang inog nito ay naghiyawan ang mga kabataang nakapalibot ng pabilog. Anim na kabataan ang naroon na pawang nasa edad disinuebe.Lalong bumagal ang pag-ikot ng bote. Tumapat ang bunganga ng bote sa naka-squat na si Amber. Samantalang ang kabilang dulo nito ay tumapat naman sa bestfriend niyang si Missy.Napangisi si Missy bago bumuka ang bibig upang magsalita."Truth or dare?""Dare." Walang alinlangang sagot ni Amber.Naghiyawan ang apat nilang kasamahan. Malalim na ang gabi ngunit buhay na buhay pa rin ang dugo ng mga ito."Bago ah. First time mong mag-dare." Nagniningning ang mga mata ni Missy.Napanguso na lamang si Amber bago magsalita."Eh kasi kapag nag-truth ako, pareho lang ulit ang itatanong mo."Malutong namang natawa si Missy."Alam na this." Nakitawa na rin ang isa nilang kaklase na si Shera."Nadala na si Amber. Sigurado kasing magtatanong ka lang ulit sa sex life niya,” sabat naman ni Carlea."...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Fel
One of the best. mapapaiyak ka, matatawa , magagalit at maiinlove. At the beginning, between Dark and Ash, I’d rather chose Dark. Mas mabait siya Kay Ash. Pero habang tumagal paganda ng paganda. Thumbs up, miss Author! Galing! Galing! May lesson din sa dulo. The twist is also unexpected! Luv 8
2022-05-14 13:08:45
1
user avatar
xxmarieeexx
The novel are great......️
2022-04-28 15:03:48
1
user avatar
Grecia Reina
The story is interesting. Nakaka-curious kung sino kay Ash at Dark ang magiging ama ng anak ni Amber. Gusto ko ang character niya na quirky. Nakakaaliw siya! I'll recommend to read this book. You'll enjoy it! Keep it up, Ms. A. ^^
2022-04-19 09:31:33
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-03-19 14:18:51
1
user avatar
pring ogra
Very well Recommend
2022-03-17 01:47:20
1
user avatar
RIAN
Ang ganda Ms. A...
2022-03-15 05:44:13
1
user avatar
clare pedro
pleasseeee update poohhh
2022-03-12 22:28:21
1
user avatar
clare pedro
Si Indigo ba ang bida miss A? Sana si Ashton na lang. Team tanders pa ren ako kahit patay na cia
2022-03-04 22:44:19
1
user avatar
clare pedro
Bat naman po namatay si Ashton, miss A? Kaiyak kawawa nan si Amber buntis pa nan cia
2022-03-04 22:31:01
1
user avatar
Paupau
go push bebe! ganda ng story, hindi nakakabagot...support! good luck ...
2022-01-14 22:02:50
1
user avatar
Jenny Javier
one of the best books here! keep writing!
2022-01-14 15:17:01
1
user avatar
Mercy Billones
update please
2022-01-09 02:21:30
2
user avatar
Liza
Nice story, miss A ...️...️...️...️ I love the female lead's personality ......... Nakakatuwa ......... Nakakaaliw, ............
2021-12-09 23:06:29
2
97 Chapters
Prologue
Umikot ang walang lamang bote ng soju na nasa sahig. Nang magsimulang bumagal ang inog nito ay naghiyawan ang mga kabataang nakapalibot ng pabilog. Anim na kabataan ang naroon na pawang nasa edad disinuebe.Lalong bumagal ang pag-ikot ng bote. Tumapat ang bunganga ng bote sa naka-squat na si Amber. Samantalang ang kabilang dulo nito ay tumapat naman sa bestfriend niyang si Missy.Napangisi si Missy bago bumuka ang bibig upang magsalita."Truth or dare?""Dare." Walang alinlangang sagot ni Amber.Naghiyawan ang apat nilang kasamahan. Malalim na ang gabi ngunit buhay na buhay pa rin ang dugo ng mga ito."Bago ah. First time mong mag-dare." Nagniningning ang mga mata ni Missy.Napanguso na lamang si Amber bago magsalita."Eh kasi kapag nag-truth ako, pareho lang ulit ang itatanong mo."Malutong namang natawa si Missy."Alam na this." Nakitawa na rin ang isa nilang kaklase na si Shera."Nadala na si Amber. Sigurado kasing magtatanong ka lang ulit sa sex life niya,” sabat naman ni Carlea."
last updateLast Updated : 2021-11-21
Read more
Chapter 1
Tila tumigil ang ikot ng mundo ni Amber sa narinig. "Congratulations, Miss Velez. You're hired!" Napatili naman na para bang tuwang-tuwa si Missy. "Besm! Narinig mo ba 'yon?" Nagniningning ang mga mata nito. "Hired ka raw. Besm! Natanggap ka!" Kung si Missy tila nanalo sa lotto sa pagtili, tila naman nabato sa kinatatayuan si Amber. "Please wait for Mr. Guzman for orientation, ma'am. Mamaya lang ay darating iyon para sunduin ka." Pormal na saad ng babae sa front desk. Taranta namang napatingin si Amber kay Missy. "Teka besm! Wala sa usapan 'to." Noon na nabura ang ngiti ni Missy. Tila naman nakuha nito ang gusto niyang ipahiwatig. Bumaling ito sa receptionist at ngumiti ng bahagya. "Sandali lang miss, usap lang kami saglit." Nang tumango ang babae ay kaagad siyang hinila ni Missy palayo sa desk. "Besm! Bakit gano'n? Ba't ako hired?" Hindi na niya alam kung narinig siya ng babae, hindi na rin kasi niya nagawang hinaan ang kanyang boses. "Hindi ko rin alam eh. Sa lagay na '
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
Chapter 2
Nagising si Amber na tila galing sa isang masarap na pagtulog. Payapa ang kanyang pakiramdam. Feeling niya ay punong-puno siya ng enerhiya. "It's a beautiful morning." Nag-inat siya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi niya. Ngunit mabilis ding nabura ang liwanag sa mukha ng dalaga nang matanto niyang nasa estrangherong lugar siya. "Nasa'n ako?" Ang huli niyang naalala ay nasa loob siya ng gusali ng kompanya ng mga Villacorda. Naaalala rin niyang nawalan siya ng malay at may may lalaking sumalo sa kanya. Awtomatiko niyang iginala ang paningin sa paligid. Kulay puti ang pintura ng dingding. Mayroon ding floor to ceiling glass wall na nababalutan ng kulay moss green na kurtina. Queen size ang malambot na kama na kulay moss green ang headboard. Walang masyadong laman na furnitures sa paligid maliban sa magkabilaang bedside table at table good for two na nakapwesto malapit sa dalawang parihabang hanging bookselves. Wala ring kahit anong nakasabit sa pader maliban sa kulay moss gr
last updateLast Updated : 2021-11-22
Read more
Chapter 3
Sinungaling na. Ghoster pa. Iyan ang tingin ni Amber kay Dark Indigo. Matapos kasi ang dinner nila ay hindi na niya muling nakita ang binata. Ang balita niya kay Warlo Guzman ay nagpunta ang lalaki sa Europe dahil sa negosyo. Gaya ng sabi ng lalaki, kinabukasan ng dinner nila ay may dumating na mga damit na gawa pa mismo ng mga designers. Sa dami ay pwede na siyang magtayo ng clothing store. Marami ring footwear na pawang flat shoes at flat sandals. May inatasan ring personal maid para sa kanya ang lalaki. Kahit papaano naman ay hindi siya nabagot dahil naging kasundo naman niya si Dindi. Araw-araw din ay may natatanggap siyang bouquet ng bulaklak at kung anu-anong regalo mula sa binata. Ngunit hindi naging sapat iyon para hindi magalit si Amber. Hindi kasi tumupad ang lalaki sa pangako nitong papasok pa rin siya sa unibersidad na pinapasukan niya. Mayroong dumating na tatlong tutor pero sa sobrang inis niya kay Dark Indigo ay hindi niya hinarap ang kahit sino sa kanila k
last updateLast Updated : 2021-11-26
Read more
Chapter 4.1
Mula sa kaharap niyang laptop ay mataman niyang pinanood ang napakaamong mukha ng dalagang si Amber. Kitang-kita niya ang pagsilay ng pilit na ngiti sa labi nito habang kausap niya sina Warlo at Dindi. Kapansin-pansin rin ang pamumugto ng singkit nitong mga mata. Balita rin niya ay hindi nito ginalaw ang kanyang agahan. Masakit iyon sa loob niya, ang isiping galing ang babae sa pag-iyak ay parang nadudurog ang puso niya. Ang isiping nahihirapan ito ay parang ikamamatay niya. "Amber." Anas niya habang masuyong nakatitig sa mukha ng dalagang nasa screen ng laptop. Tila may sariling isip ang kanyang kamay na umangat at kusang humaplos sa screen ng laptop. Itinapat na iyon sa mismong tapat ng pisngi ng dalaga. "My beloved Amber, I'm so sorry." Masuyo niya itong tinitigan na para bang kaharap niya mismo. Kitang-kita rin ang pagsisisi sa kanyang mga mata. "I'm really sorry." Naramdaman niya ang pamimigat ng dibdib at ang paghapdi ng kanyang mga mata. Hindi niya iyon sinasadya. Natan
last updateLast Updated : 2021-12-09
Read more
Chapter 4.2
Hindi maiwasang kilabutan ni Amber nang makita ang pinagdalhan sa kanya ni Tadeo Miguero. Matapos silang bumaba sa taxi ay sumakay sila sa tricycle. Tumigil sila nang marating nila ang makipot na eskinita. Naglakad na lang sila papasok dahil hindi makadaan ang tricycle sa kipot ng daan. Dagdag pang ang daming tambay sa gilid ng mga dikit-dikit na bahay. "Hoy, Tado! Remind ko lang sa'yo ah! Black belter ako!" Pinandilatan niya ang lalaki. Pilit siyang nagtapang-tapangan. Ngunit sa totoo lang ay parang gusto na niyang umatras at tumakbo palayo sa lugar. "Huwag kang mapraning, Miss. Safe ka dito. Hindi ka gagalawin ng mga 'yan. Sagot kita." Puno ng kayabangan na turan ni Tado. "Siguraduhin mo lang 'yan! Baka hindi mo alam, may kamag-anak akong mafia boss." Pagbabanta niya sa lalaki. Natawa naman si Tado sa tinuran ng babae. "Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? May sinasanto akong batas. Ayoko pang ma-tsugi, Miss." Hindi na lang umimik si Amber. Hiling niya sa isip, sana hindi siya nagka
last updateLast Updated : 2021-12-09
Read more
Chapter 5.1
"Mama! Mama! Gising na!" Naalimpungatan si Amber dahil sa magaang sampal sa kanyang pisngi. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang tatlong taong gulang na batang lalaki. Comb over fade ang istilo ng gupit nito. Manipis lang ang itim na itim na buhok ng bata. Makinis at maputi ang balat nito. Unang tingin pa lang ay mahuhulaan na agad kung saang angkan ito kabilang dahil sa kulay kayumanggi nitong mga mata. Anang sarili, kaygaling rin ni Dark Indigo, isa siyang walastik sharp shooter. Kung mayroon man siyang pinagpapasalamat sa nangyari, iyon ay ang pagdating ni Hyde sa buhay niya. Galit siya sa ginawang pananamantala sa kanya ngunit kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa bata. Para sa kanya ay isang biyaya ang pagdating ni Hyde. Ito ang kanyang lakas, ito ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Inaantok pa rin ang kanyang diwa. "Tulog muna tayo baby tutal day off ko naman." Naramdaman niya ang paghi
last updateLast Updated : 2021-12-10
Read more
Chapter 5.2
Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Mula nang magsimula ang biyahe ay hindi na siya kinibo ni Amber. Ni hindi rin siya nito tinapunan ng tingin. Nang makaidlip ang bata habang nasa biyahe ay pumikit rin ang babae. Ngunit ramdam naman niyang gising ito. Ilang beses niyang sinubukang kausapin si Amber pero hindi naman siya nito pinapansin. Nang makarating sila sa mansiyon ng mga Villacorda ay saka lamang nagmulat ng mata ang dalaga. Nang buksan ng tauhan niya ang Van ay kaagad na bumaba ang babae habang karga nito ang bata. Ni hindi man lang siya nilingon nito. Kahit papaano ay nabawasan ang mabigat na dinadamdam ni Amber nang salubungin sila ni Dindi. Makikita ang labis na galak sa katulong dahil sa malawak na ngiti nito. "Ito na ba ang bagong young master?Tulungan na kita, ma'am." Hindi na umalma si Amber nang kunin sa kanya ni Dindi ang bata. Sa totoo lang ay kanina pa siya nangangalay. "Tara na sa kwarto niyo ma'am." Kaagad siyang sumunod sa katulong nang humakbang
last updateLast Updated : 2021-12-11
Read more
Chapter 6.1
"Let's get married now." Sandali siyang tinitigan ng dalaga. Kitang-kita rin niya kung paano nanlisik ang mga mata nito bago muling humakbang para sundan ang kanyang ina. "Ma!" Kaagad siyang sumunod kay Amber at hinawakan ang kamay nito upang pigilan. "Amber! Huwag mo na siyang sundan, please lang, baka saktan ka lang niya ulit." Marahas naman nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kanya. "Utang na loob, Indigo! Pwede bang pabayaan mo ako!" Muli itong humakbang pero mabilis niya itong hinarangan sa daraanan niya. "Amber, I am just concern to you." Itinulak siya nito sa kanyang dibdib pero hindi naman niya ininda iyon. "Kung totoong concern ka, hayaan mo akong sundan si mama. At please lang, huwag ka ring sumunod. Hayaan mong makausap ko ang magulang ko." Marahas niya itong binangga sa balikat at saka siya nilampasan. Napabuntong-hininga na lang niyang sinundan ang babae. "Pero hindi ko naman makakayang pabayaan ka na lang, Amber. Baka saktan ka nila." Muli siyan
last updateLast Updated : 2021-12-12
Read more
Chapter 6.2
Nang lumabas ng banyo si Amber ay tanging si Indigo na lang ang nadatnan niya sa loob ng silid. May kausap ito sa telepono ngunit kaagad rin itong nagpaalam sa kausap nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Anang isip ng dalaga, mabuti na lang pala at naisip niyang sa loob na lang ng banyo magbihis. Pinili niyang isuot ang isang kulay dark blue na wrap around dress na hanggang tuhod ang haba. Awtomatikong lumingon sa kanya si Indigo. Nang magsimula siyang humakbang ay sinundan siya nito ng tingin ngunit hindi niya ito pinansin. Sa halip ay dumeretso siya sa harap ng vanity mirror at pinanood ang kanyang sariling repleksyon habang nagpupunas ng buhok. Sandaling namayani ang katahimikan. Nang hindi na nakatiis ang lalaki ay tumikhim ito upang kunin ang kanyang atensiyon. "Gamutin natin 'yang sugat mo, Amber." "Hindi na kailangang gamutin 'to. Maliit na gasgas lang 'to." Malamig na turan niya. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Sa halip ay sinuklay nito ang buhok niyang h
last updateLast Updated : 2021-12-12
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status