Share

Chapter 2

Author: amvernheart
last update Last Updated: 2021-11-22 13:08:26

Nagising si Amber na tila galing sa isang masarap na pagtulog. Payapa ang kanyang pakiramdam. Feeling niya ay punong-puno siya ng enerhiya.

"It's a beautiful morning." Nag-inat siya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi niya.

Ngunit mabilis ding nabura ang liwanag sa mukha ng dalaga nang matanto niyang nasa estrangherong lugar siya.

"Nasa'n ako?"

Ang huli niyang naalala ay nasa loob siya ng gusali ng kompanya ng mga Villacorda. Naaalala rin niyang nawalan siya ng malay at may may lalaking sumalo sa kanya.

Awtomatiko  niyang iginala ang paningin sa paligid. 

Kulay puti ang pintura ng dingding. Mayroon ding floor to ceiling glass wall na nababalutan ng kulay moss green na kurtina. Queen size ang malambot na kama na kulay moss green ang headboard. Walang masyadong laman na furnitures sa paligid maliban sa magkabilaang bedside table at table good for two na nakapwesto malapit sa dalawang parihabang hanging bookselves. 

Wala ring kahit anong nakasabit sa pader maliban sa kulay moss green na bilog na wall clock.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang oras.

"Seven twenty-two na?"

Muli niyang iginala ang paningin 

Mayroon ding  isang glass door sa loob na duda nito ay banyo. Kahilera ng pintuan ang isa pang lagusan na walang pintuan o kahit kurtina man, tingin niya ay iyon ang walk in closet. 

Isang parte ng kwarto ay may palikong bahagi. Tila sala  dahil sa isang mahabang sofa at dalawang one seater sofa na nasa magkabilang gilid nito.  Sa gitna ay mayroong maliit na mesang gawa sa salamin. Napapalibutan ang bahaging iyon ng floor to ceiling glass wall. Mayroon ding glass door doon na patungo sa balkonahe. 

Nanlaki ang mata niya nang mapansin niyang madilim na sa labas.

"Gabi na?"

Muli niyang iginala ang paningin.

Nang mapunta ang tingin niya sa pintuan ay tila lalong nagising ang kanyang diwa. Mabilis na  tumayo ang dalaga sa kama at tinungo iyon.

Kumabog ang dibdib niya nang humakbang siya palapit sa pinto.

Nabuhayan siya ng pag-asa nang walang kahirap-hirap niyang  nabuksan ang pintuan

Ngunit nalula siya nang makalabas siya ng silid. Malawak ang pasilyo. Iyon nga lang at hindi niya alam kung kakanan ba siya o kakaliwa.

"Relax, Amber." Napahawak siya sa kanyang dibdib kasabay ng pagpikit sa mata. "Inhale." Sinabayan niya iyon ng paghugot ng hininga. "Exhale." Tila gumaan ang pakiramdam niya nang magpakawala siya ng hangin. 

Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang magmulat siya ng mata.

Ngunit gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang bumungad sa kanyang ang isang lalaking  nakatitig sa kanya.

"Nakita ba niya 'yong ginawa ko?" Turan niya sa sarili.

Mahigit isang metro lang ang layo nito sa kanya. Undercut ang hairstyle nito na tila naghahalo ang brown at black na kulay nito. 

Sakto lang ang kapal ng kilay nito. May ningning sa mga mata nitong kulay kayumanggi habang nakatingin sa kanya.

Mahaba rin ang pilik mata nito. Lalong lumakas ang dating nito dahil sa matangos nitong ilong. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang mamula-mula nitong labi na nakaarko ng bahagya.

"Kaygwapong nilalang naman ito, Lord. Nasa langit na ba ako?" Ugong ng kanyang isipan.

"Good that you're awake, now." Tila nagising si Amber sa pantasya dahil sa barotino ngunit malamyos nitong tinig.

Iyon din ang dahilan kung bakit awtomatikong bumalik ang tingin ni Amber sa mga mata ng makisig na lalaki.

"Are you hungry?"

Napakurap ang dalaga nang magsimula itong gumalaw.

Humakbang  ang mga paa ng lalaki palapit sa kanya kaya awtomatiko ring napaatras ang dalaga.

Maya-maya ay naging mas mabilis ang hakbang nito.

Lalo namang nataranta ang dalaga. Hanggang sa namalayan na lamang ni Amber ang sariling tumatakbo sa kabilang direksyon.

"Hey!" Narinig pa niyang tawag nito. Nang lingunin niya ito, kitang-kitang ni Amber ang pagbitiw nito sa hawak niyang mga paper bags sa marmol na sahig. Lalo ring binilisan nito ang hakbang upang habulin siya.

"Please don't run." Narinig  pa niyang wika nito. 

Ngunit hindi siya pinakinggan ni Amber. Lalo lang nitong binilisan ang pagtakbo.

Nang makita niya ang papalikong bahagi ng pasilyo ay walang alinlangan siyang lumiko. 

Nagawa pa niyang lingunin ang gwapong humahabol sa kanya. 

"Sino ba kasi 'yon?" Naibulalas niya.

Medyo nakahinga siya nang maluwag nang hindi na niya ito nakita. Ngunit sa muli niyang pag-usad ay bumangga siya sa matigas na bagay.

"Ouch." Awtomatiko niyang nasapo ang ulo.

"What the fuck!" Malutong na palatak naman ng nabangga niya.

Ang matigas na bagay pala kung saan tumama ang ulo niya ay sa matipunong dibdib ng isang lalaki.

Nag-angat  ng mukha si Amber upang masilayan ang mag-ari ng matipunong katawan.

Tila na-estatwa siya sa nakita. Kulot ang itim na buhok nito, kulay kayumanggi ang walang emosyong mga mata nito, aristokrado ang ilong at may kaunting umbok ang mamula-mula at tila kaylambot nitong labi.

Napalunok si Amber.

Unti-unti niyang nakilala kung sino ngayon ang kaharap niya. Ang lalaki sa malaking litrato. Walang iba kundi si Ashton Blumentrint Villacorda.

"Who are you?"  Nagsalubong ang makapal nitong kilay.

Bago pa makapagsalita si Amber ay isang kamay ang humawak sa kanyang braso.

"I'm sorry, Uncle. We were just having fun."  Magaan ang tinig nito, tila tinig ng isang  anghel.

Lalo namang nagsalubong ang makapal na kilay ng ginoo.

"And who is she? Your flavor of the month."

"I never had that kind of business, Uncle. I'm always been a good boy."

Ngumisi naman si Ashton Blumentrint kasabay ng paghagod niya ng tingin sa babaeng nakabangga niya.

Mabilis siyang inakbayan ni Dark Indigo at iniharap sa sarili.  Tila ba sa gano'ng paraan ay maipapakita nito sa tiyuhin ang kanyang pag-aari.

Nailing na lamang si Ashton Blumentrint sa ginawa ng kanyang panganay na pamangkin.

Limang taon lamang ang agwat ng dalawa. Edad bente-singko siya at ang kanyang Uncle Ashton naman ay trenta anyos na.

"Next time, tell that kid not to run in my area."  Masungit na saad nito.

Nakita naman ni Dark Indigo ang pag-alma sa mukha ni Amber.

Hugis puso ang mukha nito. Medyo singkit ang mga mata nitong may mahabang pilik mata. Sakto lang ang tangos ng ilong nito at pinkish ang labi nito.

"Sino 'yong kid? Ako ba 'yon?" Nalukot ang maamong mukha nito.

"I'm sorry about what happened, Uncle." 

Lalo niyang hinigpitan ang hawak sa dalaga.

"We gotta go." 

Hindi na umimik si Ashton nang isama ng pamangkin niya ang babae.

Nasa 5"8' ang tangkad nito. Maputi ang balat. Halatang balingkinitan ang katawan nito kahit nakasuot ito ng magkaternong kulay pink na pajama. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang maumbok na pang-upo ng babae.

Nailing na lamang siya. Natanong niya tuloy sa sarili kung kailan pa naging nakaakit-akit sa paningin niya ang isang babaeng halos balot na balot ang katawan ng pajama.

Samantala, nang makalayo na sina Amber at Dark Indigo ay pilit kumawala ang babae sa pagkakaakbay nito sa kanya.

"Bitiwan mo nga ako." Masungit nitong saad.

"Tinawag niya akong kid? Ang yabang ng tanders na 'yon!" Palatak nito na tila ba walang pakialam kahit may iba pa siyang kaharap. Hindi rin niya naitago ang panggigigil.

Nakangiting naiiling na lamang si Dark Indigo.

Para sa kanya, wala talagang katulad ang babaeng kasabay niyang naglalakad ngayon. 

Maya-maya lang ay tumingin ito sa kanya.  

Huminto ang dalaga sa paglalakad kaya napahinto rin siya.

Nakita niyang sinuri siya nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ng lalaki ang paglunok nito.

"Sino ka ba?"

Ngumiti si Dark Indigo sa kanya.

Hindi tuloy nakaligtas sa paningin ng dalaga ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. May lumabas ding munting dimple sa gilid ng labi nito.

Anang dalaga sa sarili, kung gwapo ito kapag seryoso, malayong mas gwapo pala ito kapag nakangiti.

"I'm Dark Indigo Villacorda." Naglahad ito  ng kamay sa kanya. 

Napunta naman ang tingin ni Amber sa mahaba at malakandilang daliri ng lalaki.

Napakurap-kurap naman ang dalaga.

Wika niya sa isip, kailangan niyang mag-isip ng ibang pangalan na sasabihin sa lalaki.

"And you are Amber Velez." Ibinaba ng lalaki ang palad kasabay mahinang pagtawa.

Nanlaki naman ang mga mata ni Amber.

"Pa'no mo nalaman?"

Ngumisi naman si Indigo.

"I should know. You are the future mother of my kids." 

Agad naman napaatras si Amber.

"Tungkol nga pala sa bagay na 'yan."

"Let's discuss about that after dinner."

"Hindi ako nagugut--" Bago pa niya matapos ang sasabihin, tumunog na ang traydor na tiyan ng dalaga.

"I'm also hungry." Tila naman  walang pakialam ang lalaki sa narinig. 

Inaasahan pa naman niyang pagtatawanan siya nito.

"C'mon. Let's go." Tinanguan pa siya nito ng ulo bago nagpatiuna. 

Lumapit ito sa iniwan niyang mga paper bags sa sahig at dinampot iyon.

"I already instructed the maid to bring food here. Let's just wait inside." Lumapit ito sa pintuan at binuksan iyon.

Nanatili naman ang dalaga sa kanyang pwesto na tila nag-aalangan kung susunod ito o hindi.

"C'mon." Ipinilig pa nito ang kanyang ulo na tila sinasabing pumasok siya. "Don't worry, I will not harm you. I have no intention to do that. You're safe with me."

Tinipon ni Amber ang lakas ng loob. Humakbang siya papasok sa loob ng kwarto kung saan siya nagising kanina. 

Nang makapasok ang dalaga sa loob ay saka isinara ni Dark Indigo ang pintuan.

Pakiramdam tuloy ng dalaga, biglang sumikip ang espasyo sa loob ng silid. Pakiramdam niya, nahihirapan siyang huminga.

"Relax, okay?"

Hindi niya alam kung napansin niya ang paninigas ng katawan nito.

"Feel at home," sunod nitong turan. 

Maya-maya lang ay humakbang ito palapit sa kama at ipinatong roon ang bitbit niyang mga paper bags.

"These are clothes that you can use for tonight." 

Hindi naman nakaimik ang dalaga. Wala sa damit ang atensiyon nito kundi sa pag-iisip kung paano siya makakaalis sa bahay nito.

"Don't worry, sets of clothes for you will arrive tomorrow."

Tila sumindi ang bombilya sa utak ni Amber nang may maisip siyang ideya.

"Gusto ko sana munang umuwi. Baka hinahanap na ako ng mama ko."

"I already talked to your Mom. She knows that you are with me."

"Pero--"

"Call her if you want to confirm." Makahulugan pa itong tumingin sa cellphone na nakapatong sa mesa.

"May pasok ako sa monday."

"About your studies, I already arranged it. You will meet your tutor on monday."

Tila kumulo ang dugo ni Amber sa narinig.

"Ikukulong mo ako dito?" 

Hindi naman agad nakaimik si Dark. Tila nagulat ito sa tanong ng dalaga. 

" Pagkakaitan mo ako ng kalayaan?" 

"That's for your own safety."

Akmang aalma na naman ang dalaga nang marinig nila ang pagkatok sa pintuan. 

"We'll discuss about that after dinner."

"Kumain ka mag-isa mo! Ayokong kumain!" Hindi nito itinago ang inis.

Napabuntong-hininga na lamang si Dark.

"Alright. If you want to attend school, I'll consider it."

 

Agad napatingin sa kanya ang babae.

"But I will assign a body guard to look after you."

Napabuntong-hininga na lamang si Amber. Pero anang isip niya, mas mabuti na iyon dahil kahit papaano ay may chance itong tumakas.

Nang hindi na siya umimik ay lumapit sa pintuan si Dark Indigo at binuksan  iyon. Maya-maya lang ay pumasok ito sa loob na may bitbit na food tray.

"Follow me." Naglakad ito patungo sa isang glass door. 

Napabuntong-hininga na lamang si Amber bago tuluyang humakbang para sundan si Dark Indigo.

Nang sumunod siya sa veranda ay naiayos na ni Dark Indigo ang mga pagkain sa mesa.

"I instructed them to cook your favorite."

Noon na napansin ni Amber na naroon nga ang paborito niyang sarciadong bangus, pritong manok at sinangag na kanin.

Tila hinaplos ang puso niya sa ideyang pasadyang niluto ang pagkain para sa kaya.

"Pa'no mo nalaman?"

Hindi niya naiwasan ang magtaka.

Ngumiti sa kanya si Dark Indigo bago nagsalita.

"You are my future children's mother. I should know."  Lumapit ito sa isang upuan at ipinaghila siya.

"Please sit down and let's eat."

Hinawakan pa niya ito sa magkabilang balikat at pinaupo.

Nang makaupo ang dalaga ay iginala niya ang tingin sa paligid. 

Kaygandang pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan.

Iginala ni Amber ang kanyang paningin. Pinilit hinanap ng mga mata niya ang kalsada  subalit nabigo siyang matanaw iyon. Ang natatanaw lang niya ay ang matayog na pader na tila bakod. Sa bakuran ay mayroong malawak na swimming pool, garden at tila isang parke na may ilang kubo pa na tila silungan.

Anang isip niya, baka maligaw siya kapag tinangka niyang tumakas ngayong gabi.

Nabuo tuloy sa isip ng dalaga ang isang plano.

Ang magkunwaring palagay na ang loob niya kay Dark Indigo upang mapadali ang pagtakas niya.

Related chapters

  • My Little Trophy    Chapter 3

    Sinungaling na. Ghoster pa. Iyan ang tingin ni Amber kay Dark Indigo. Matapos kasi ang dinner nila ay hindi na niya muling nakita ang binata. Ang balita niya kay Warlo Guzman ay nagpunta ang lalaki sa Europe dahil sa negosyo. Gaya ng sabi ng lalaki, kinabukasan ng dinner nila ay may dumating na mga damit na gawa pa mismo ng mga designers. Sa dami ay pwede na siyang magtayo ng clothing store. Marami ring footwear na pawang flat shoes at flat sandals. May inatasan ring personal maid para sa kanya ang lalaki. Kahit papaano naman ay hindi siya nabagot dahil naging kasundo naman niya si Dindi. Araw-araw din ay may natatanggap siyang bouquet ng bulaklak at kung anu-anong regalo mula sa binata. Ngunit hindi naging sapat iyon para hindi magalit si Amber. Hindi kasi tumupad ang lalaki sa pangako nitong papasok pa rin siya sa unibersidad na pinapasukan niya. Mayroong dumating na tatlong tutor pero sa sobrang inis niya kay Dark Indigo ay hindi niya hinarap ang kahit sino sa kanila k

    Last Updated : 2021-11-26
  • My Little Trophy    Chapter 4.1

    Mula sa kaharap niyang laptop ay mataman niyang pinanood ang napakaamong mukha ng dalagang si Amber. Kitang-kita niya ang pagsilay ng pilit na ngiti sa labi nito habang kausap niya sina Warlo at Dindi. Kapansin-pansin rin ang pamumugto ng singkit nitong mga mata. Balita rin niya ay hindi nito ginalaw ang kanyang agahan. Masakit iyon sa loob niya, ang isiping galing ang babae sa pag-iyak ay parang nadudurog ang puso niya. Ang isiping nahihirapan ito ay parang ikamamatay niya. "Amber." Anas niya habang masuyong nakatitig sa mukha ng dalagang nasa screen ng laptop. Tila may sariling isip ang kanyang kamay na umangat at kusang humaplos sa screen ng laptop. Itinapat na iyon sa mismong tapat ng pisngi ng dalaga. "My beloved Amber, I'm so sorry." Masuyo niya itong tinitigan na para bang kaharap niya mismo. Kitang-kita rin ang pagsisisi sa kanyang mga mata. "I'm really sorry." Naramdaman niya ang pamimigat ng dibdib at ang paghapdi ng kanyang mga mata. Hindi niya iyon sinasadya. Natan

    Last Updated : 2021-12-09
  • My Little Trophy    Chapter 4.2

    Hindi maiwasang kilabutan ni Amber nang makita ang pinagdalhan sa kanya ni Tadeo Miguero. Matapos silang bumaba sa taxi ay sumakay sila sa tricycle. Tumigil sila nang marating nila ang makipot na eskinita. Naglakad na lang sila papasok dahil hindi makadaan ang tricycle sa kipot ng daan. Dagdag pang ang daming tambay sa gilid ng mga dikit-dikit na bahay. "Hoy, Tado! Remind ko lang sa'yo ah! Black belter ako!" Pinandilatan niya ang lalaki. Pilit siyang nagtapang-tapangan. Ngunit sa totoo lang ay parang gusto na niyang umatras at tumakbo palayo sa lugar. "Huwag kang mapraning, Miss. Safe ka dito. Hindi ka gagalawin ng mga 'yan. Sagot kita." Puno ng kayabangan na turan ni Tado. "Siguraduhin mo lang 'yan! Baka hindi mo alam, may kamag-anak akong mafia boss." Pagbabanta niya sa lalaki. Natawa naman si Tado sa tinuran ng babae. "Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? May sinasanto akong batas. Ayoko pang ma-tsugi, Miss." Hindi na lang umimik si Amber. Hiling niya sa isip, sana hindi siya nagka

    Last Updated : 2021-12-09
  • My Little Trophy    Chapter 5.1

    "Mama! Mama! Gising na!" Naalimpungatan si Amber dahil sa magaang sampal sa kanyang pisngi. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang tatlong taong gulang na batang lalaki. Comb over fade ang istilo ng gupit nito. Manipis lang ang itim na itim na buhok ng bata. Makinis at maputi ang balat nito. Unang tingin pa lang ay mahuhulaan na agad kung saang angkan ito kabilang dahil sa kulay kayumanggi nitong mga mata. Anang sarili, kaygaling rin ni Dark Indigo, isa siyang walastik sharp shooter. Kung mayroon man siyang pinagpapasalamat sa nangyari, iyon ay ang pagdating ni Hyde sa buhay niya. Galit siya sa ginawang pananamantala sa kanya ngunit kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa bata. Para sa kanya ay isang biyaya ang pagdating ni Hyde. Ito ang kanyang lakas, ito ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Inaantok pa rin ang kanyang diwa. "Tulog muna tayo baby tutal day off ko naman." Naramdaman niya ang paghi

    Last Updated : 2021-12-10
  • My Little Trophy    Chapter 5.2

    Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Mula nang magsimula ang biyahe ay hindi na siya kinibo ni Amber. Ni hindi rin siya nito tinapunan ng tingin. Nang makaidlip ang bata habang nasa biyahe ay pumikit rin ang babae. Ngunit ramdam naman niyang gising ito. Ilang beses niyang sinubukang kausapin si Amber pero hindi naman siya nito pinapansin. Nang makarating sila sa mansiyon ng mga Villacorda ay saka lamang nagmulat ng mata ang dalaga. Nang buksan ng tauhan niya ang Van ay kaagad na bumaba ang babae habang karga nito ang bata. Ni hindi man lang siya nilingon nito. Kahit papaano ay nabawasan ang mabigat na dinadamdam ni Amber nang salubungin sila ni Dindi. Makikita ang labis na galak sa katulong dahil sa malawak na ngiti nito. "Ito na ba ang bagong young master?Tulungan na kita, ma'am." Hindi na umalma si Amber nang kunin sa kanya ni Dindi ang bata. Sa totoo lang ay kanina pa siya nangangalay. "Tara na sa kwarto niyo ma'am." Kaagad siyang sumunod sa katulong nang humakbang

    Last Updated : 2021-12-11
  • My Little Trophy    Chapter 6.1

    "Let's get married now." Sandali siyang tinitigan ng dalaga. Kitang-kita rin niya kung paano nanlisik ang mga mata nito bago muling humakbang para sundan ang kanyang ina. "Ma!" Kaagad siyang sumunod kay Amber at hinawakan ang kamay nito upang pigilan. "Amber! Huwag mo na siyang sundan, please lang, baka saktan ka lang niya ulit." Marahas naman nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kanya. "Utang na loob, Indigo! Pwede bang pabayaan mo ako!" Muli itong humakbang pero mabilis niya itong hinarangan sa daraanan niya. "Amber, I am just concern to you." Itinulak siya nito sa kanyang dibdib pero hindi naman niya ininda iyon. "Kung totoong concern ka, hayaan mo akong sundan si mama. At please lang, huwag ka ring sumunod. Hayaan mong makausap ko ang magulang ko." Marahas niya itong binangga sa balikat at saka siya nilampasan. Napabuntong-hininga na lang niyang sinundan ang babae. "Pero hindi ko naman makakayang pabayaan ka na lang, Amber. Baka saktan ka nila." Muli siyan

    Last Updated : 2021-12-12
  • My Little Trophy    Chapter 6.2

    Nang lumabas ng banyo si Amber ay tanging si Indigo na lang ang nadatnan niya sa loob ng silid. May kausap ito sa telepono ngunit kaagad rin itong nagpaalam sa kausap nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Anang isip ng dalaga, mabuti na lang pala at naisip niyang sa loob na lang ng banyo magbihis. Pinili niyang isuot ang isang kulay dark blue na wrap around dress na hanggang tuhod ang haba. Awtomatikong lumingon sa kanya si Indigo. Nang magsimula siyang humakbang ay sinundan siya nito ng tingin ngunit hindi niya ito pinansin. Sa halip ay dumeretso siya sa harap ng vanity mirror at pinanood ang kanyang sariling repleksyon habang nagpupunas ng buhok. Sandaling namayani ang katahimikan. Nang hindi na nakatiis ang lalaki ay tumikhim ito upang kunin ang kanyang atensiyon. "Gamutin natin 'yang sugat mo, Amber." "Hindi na kailangang gamutin 'to. Maliit na gasgas lang 'to." Malamig na turan niya. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Sa halip ay sinuklay nito ang buhok niyang h

    Last Updated : 2021-12-12
  • My Little Trophy    Chapter 7.1

    Walang pagsidhan ang kabang nadarama ni Dark Indigo. Para siyang maiihi habang nakatuon ang pansin nito sa malaking pintuan ng function room. "Are you okay?" Untag sa kanya ni Gabriel Villacorda. Marahil ay napansin nitong, hindi mapakali ang kanyang mga kamay. "Yes, Dad." Pinilit na lamang niyang ngitian ito. Iginala ni Dark Indigo ang paningin sa loob upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang kaba. Hiling niya, sana ay magustuhan ng babae ang disenyo ng lugar. Kung sa kanya naman ay pasado sa panlasa niya ang ginawa ng event organizer. Sa pinakagitnang bahagi ng lugar ay nakasabit ang malaking chandelier. May palamuti ring tela sa taas kung saan nakasabit ang mga kulay moss green na paper lanters. Sa ibang bahagi naman ay nakasabit ang tila natuhog na mga crystal beads at LED lights. Maging ang mga upuan ng mga bisita ay nilagyan ng dekorasyon. May disenyong kulay puting artipisyal na balahibo sa sandalan ng mga upuan. Malalaki iyon na mas mahaba lang ng kaunti sa sandal

    Last Updated : 2021-12-13

Latest chapter

  • My Little Trophy    Special Chapter- The untold meeting of Ashton and Hyde

    Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p

  • My Little Trophy    Epilogue

    Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum

  • My Little Trophy    Chapter 48.3

    Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n

  • My Little Trophy    Chapter 48.2

    Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak

  • My Little Trophy    Chapter 48.1

    Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n

  • My Little Trophy    Chapter 47.2

    Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap

  • My Little Trophy    Chapter 47.1

    "Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito

  • My Little Trophy    Chapter 46.2

    Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb

  • My Little Trophy    Chapter 46.1

    Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status