Sinungaling na. Ghoster pa.
Iyan ang tingin ni Amber kay Dark Indigo.
Matapos kasi ang dinner nila ay hindi na niya muling nakita ang binata.
Ang balita niya kay Warlo Guzman ay nagpunta ang lalaki sa Europe dahil sa negosyo.
Gaya ng sabi ng lalaki, kinabukasan ng dinner nila ay may dumating na mga damit na gawa pa mismo ng mga designers. Sa dami ay pwede na siyang magtayo ng clothing store. Marami ring footwear na pawang flat shoes at flat sandals.
May inatasan ring personal maid para sa kanya ang lalaki. Kahit papaano naman ay hindi siya nabagot dahil naging kasundo naman niya si Dindi.
Araw-araw din ay may natatanggap siyang bouquet ng bulaklak at kung anu-anong regalo mula sa binata.
Ngunit hindi naging sapat iyon para hindi magalit si Amber. Hindi kasi tumupad ang lalaki sa pangako nitong papasok pa rin siya sa unibersidad na pinapasukan niya.
Mayroong dumating na tatlong tutor pero sa sobrang inis niya kay Dark Indigo ay hindi niya hinarap ang kahit sino sa kanila kahit araw-araw na nagpupunta ang mga ito sa loob ng isang linggong nakalipas.
Sa loob ng mga araw na iyon, ilang series din ng medical test ang isinagawa sa kanya. Hindi na lang siya nag-usisa pa dahil bago pa siya makapagtanong ay sinasabi na agad ni Warlo na kailangan daw nila ang medical result niya para sa artificial insemination. Iyon ay ang proseso kung saan mag-i-implant sila ng sperm sa matris niya
Hindi lang niya maintindihan kung bakit paulit-ulit na lang silang pumupunta sa ob-gyne.
Hinayaan na lamang ni Amber iyon dahil kahit papaano ay nakakalabas siya ng mansiyon ng mga Villacorda.
Pagkatapos kasi ng check up niya ay tiyak na makukulong na naman siya sa loob ng kanyang kwarto.
"Ma'am dumating na po si Young Master Indigo." Imporma sa kanya ni Dindi.
Napairap siya nang marinig ang pangalan ng lalaki. Hindi pa rin nawawala ang galit niya rito.
"Gusto ka raw niyang makita ma'am. Inutusan po niya akong sunduin kita." Nasa mukha ng babae ang kilig.
"Sabihin mo sa kanya, kung gusto niya akong makita, pumunta siya dito." Hindi naitago ni Amber ang pagsimangot.
Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya sa lalaki.
Bagot na bagot na siya sa loob ng mansiyon. Hindi naman niya magawang tawagan ang mga kaibigan niya dahil hindi naman niya kabisado ang mga numero ng mga ito.
"Pero ma'am, kapag hindi ka po sumama, baka po pag-initan ako ni Young Master."
Napabutong-hininga na lamang si Amber.
"Sige na nga. Pupuntahan ko na siya."
"Salamat, ma'am. Da best ka talaga." Bumungisngis ito dahilan para mapangiti na rin siya.
Hindi na siya nagbihis, nakasuot siya ng bestidang kulay asul na may disenyong kulay puting bulaklak ng hasmin. Sleeveless iyon at may built in bra. Hanggang tuhod naman ang haba.
Habang binabagtas nila ang pasilyo palabas ay hindi niya maiwasang mapaisip kung gaano karami ang nakatira sa mansiyon.
Sa loob kasi ng isang linggong nakalipas ay tanging si Dindi at Warlo pa lamang ang nakikita niya. Hindi rin naman siya nakakalabas dahil maging pagkain niya ay dinadala ni Dindi sa kanyang kwarto.
Simula rin nang mabangga niya si Ashton Villacorda ay hindi na rin niya ito nakita pa.
"Ang boring ng hangin dito." Ugong ng isip niya.
Napakatahimik kasi ng lugar na para bang malaking kasalanan ang gumawa ng ingay.
Nang makalabas sila ng mansiyon ay hindi naiwasang mamangha ni Amber sa nakikita.
Magtatakip-silim na at nakaguhit sa kalangitan ang kulay kahel na unting nilalamon ng gabi na lalong nagpaganda sa paligid. Tila lalo nitong pinaganda ang garden na may tanim na iba't-ibang uri ng mga bulaklak.
"Tara na ma'am. Doon pa po tayo sa kubo na 'yon." Inginuso nito ang direksyong pupuntahan nila.
"Pwede bang dito muna ako saglit?"
Hindi maalis ang ningning ng mga mata niya dahil sa pagkamangha.
"Pero ma'am---"
"Please." Pinagdaop niya ang kanyang mga palad at binigyan ng nagsusumamong tingin si Dindi.
Napabuntong-hininga na lamang si Dindi."Sige po ma'am. Babalik na po ako sa loob. Pero pagkatapos po ninyo dito, punta na po kayo agad sa kubo, hah?"
"Oo. Promise yan."
Nakangiting binaybay ng dalaga ang hardin. Hitik sa bulaklak ang mga Bougainvilla bonsai. May mga daisies rin. Mayroong kulay pula pink, yellow, puti at orange. Mayroon ding dahlia, rose at iba't-ibang klase ng halamang namumulaklak.
Halatang naaalagaan ng husto ang hardin dahil maayos ang pagkaka-landscape nito. Wala ring makitang kahit isang ligaw na damo.
"Ang ganda dito." Mamamanghang bulalas niya.
Nagniningning ang mga mata ng dalaga na nilibot ang garden.
Nang madako ang tingin niya sa yellow hibiscus na hitik sa bulaklak ay hindi niya napigilan ang sariling lapitan iyon.
Mabilis na lumapat ang kamay niya sa bulaklak.
Pakiramdam niya ay nasa paraiso siya.
Anang sarili, isa lang naman ang kukunin niya at hindi naman siguro ikakagalit ng may-ari.
Labis na natuwa ang puso niya nang mapitas niya ang isang bulaklak. Matamis ang ngiti niyang inipit iyon sa likod ng kanyang tainga.
Nang maramdaman niya ang malamig na haplos ng hangin ay saka niya naalalang may naghihintay sa kanya sa kubo sa dulo ng Hardin.
Binagtas niya ang distansya.
Nang marating niya ang pinakadulong kubo ay hindi niya naiwasang mapakunot-noo. Tila wala namang bakas na may tao sa loob.
Bukod kasi sa tahimik ay wala pang kailaw-ilaw roon.
Gayunpaman ay lumapit pa rin siya doon. Ngunit bago pa niya maitulak ang pinto nito ay may panyong tumakip na sa bunganga niya.
Pinilit niyang nagpumiglas ngunit sadyang malakas ang taong nasa likod niya.
Maya-maya lang ay naramdaman niya ang pagtutok ng karayom sa kanyang leeg.
Gusto niyang sumigaw nang makita niya ang heringilya ngunit hindi na niya iyon nagawa dahil bukod sa natatapakan ng panyo ang bibig niya ay nakaramdam na rin siya ng panghihina.
Maya-maya lang ay naramdaman niyang binuhat siya ng matipunong bisig. Ilang sandali siyang buhat-buhat nito sa kanyang balikat na parang sako ng palay. Di nagtagal ay naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama.
Nanghihina lamang siya pero alam niyang may malay tao siya.
Alam rin niyang hindi siya nananaginip nang maramdaman niya ang pagdampi ng halik sa kanyang labi. Namalayan niyang lumalim iyon hanggang sa dumausdos iyon sa kanyang leeg patungo sa kanyang dibdib.
Naramdaman rin niya ang pag-alis ng lalaki sa kanyang suot na damit. Gising siya ng mga sandaling iyon pero wala siyang lakas na magsalita para tumutol.
Nang muling lumapat ang mainit na halik sa kanyang katawan ay tila uminit ang kanyang pakiramdam. Tila nagliliyab ang pakiramdam niya nang magsimulang haplusin nito ang kanyang katawan. Hindi niya ikakailang magustuhan niya init na hatid nito sa kanya. Tila nakakalasing iyon sa pakiramdam at wala na siyang nagawa kundi magpaubaya na lang.
Nang maramdaman niya ang pagpasok ng matigas na bagay sa kanyang ari ay hindi niya napigilan ang sariling mapaluha.Rinig niya ang pag-ungol ng lalaki. Tila wala itong pakialam kung nasasaktan siya.
Napaluha na lamang siya.
Ang mga sumunod na pag-ulos ng kanyang kaniig ay walang kasing sakit. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay napalitan ang kirot ng kaiga-igayang pakiramdam.
"Ohhhh, Amber!" Bumilis ang ulos nito hanggang sa naramdaman niya ang ligayang noon lamang niya nadama.
Ngunit hindi roon natapos ang lalaki. Matapos manatili ito sa kanyang ibabaw ng ilang sandali ay muli itong bumayo. Tila puno muli ito ng kasabikan. Mabilis at madiin ang galaw nito kaya lalo siyang napaiyak. Dama-dama niya ang hapdi at kirot hanggang sa tuluyan na siyang nilamon ng dilim.
*****Nagising si Amber mula sa mahinang tapik sa kanyang braso.Nang magmulat siya ng mata ay bumungad sa kanya si Dindi.
"Good morning ma'am. Pasensya na po kayo pero kailangan ko kayong gisingin. May appointment po kasi kayo sa Doctor ma'am."
Pagod na pagod ang pakiramdam niya at gusto pa sana niyang matulog.
"Hindi po tayo pwedeng ma-late sa appointment niyo ma'am."
Kumurap-kurap ang dalaga at pinilit ginising ang kanyang diwa.
Noon niya napansin na nasa loob na siya ng kwartong kanyang tinutuluyan.
Bumaba ang tingin siya sarili. Natatakpan ng kumot ang kanyang katawan hanggang dibdib pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin na suot pa rin niya ang damit niya kahapon.
Hindi na ito nakapagpalit ng paborito niyang pajama na hello kitty.
Ang huli niyang naalala ay nagpunta siya sa garden para sa dinner nila ni Dark Indigo.
"Sino pong nagdala sa'kin dito?"
Hindi niya maalala kung nakauwi ba siya o hindi. Anang sarili, marahil sa sobrang pagod niya ay hindi na niya namalayan ang pag-uwi niya kagabi.
"Si Master po."
Tumango-tango siya kahit sa totoo ay wala siyang matandaan.
Natanong rin niya ang sarili kung ano nga bang ginawa niya kagabi.
"Ano pong gusto niyo ma'am? Kakain ka ba o maliligo muna?"
"Maliligo na muna."
Pakiramdam niya ay wala pa siya sa mood kumain lalo na at inaantok pa siya.
"Sige ma'am. Punta na po kayo sa banyo. Ikukuha ko po kayo ng makakain para pagkatapos niyo pong maligo, mag-agahan ka na po."
"Sige."
Nang makalabas ng pinto ang katulong ay bumangon na rin sa kama ang dalaga.
Ngunit agad siyang napangiwi nang maramdaman niya ang pangingirot ng kanyang kaselanan.
At para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang bumalik sa alaala niya ang nangyari.
Tila nag-fast forward sa isip niya ang nangyari, mula sa pagtakip ng panyo sa kanyang bibig, pagturok sa kanya ng heringgilya at ang paglapat ng katawan niya sa kama.
Natigagal siya. Bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Kumawala ang hikbi sa kanyang bibig.
Bumalik sa alaala niya ang paghalik sa kanya at ang marahas na pag-angkin sa kanya. Parang sirang plakang nagpaulit-ulit na nag-play iyon sa utak niya.
Anang sarili, wala na ang pinaka-iingatan niya.
Nanginginig ang katawan niyang tumayo at tinungo ang banyo.
Mas pinili niyang doon na lamang niya ibuhos ang damdamin at baka maabutan siya ni Dindi sa gano'ng sitwasyon.
Kahit suot-suot pa niya ang kanyang bestida ay tumapat na siya sa ilalim ng shower.
Noon niya pinakawalan ang malakas na hikbi.
"Paano niya nagawa sa'kin 'to?" Ugong ng kanyang isipan.
Tila muling nag-replay sa utak niya ang ginawa ng lalaki sa kanya.
Nanghihina siyang naupo sa sahig. Lumuluha niyang niyakap ang kanyang tuhod.
Umuugong sa isip niya nangyari.
"Dark Indigo raped me."
Lumipas ang halos isang oras na ginugol ni Amber sa pag-iyak sa loob ng banyo. Kung hindi pa kumatok si Dindi sa pintuan ay hindi niya maiisipang lumabas.
Nang makalabas siya ng banyo ay kakaagad siyang nagbihis. Kung ano ang naghablot niya ay iyon na ang agad niyang sinuot. Isang kulay gray na bestidang may maikling manggas na hanggang tuhod ang haba ang naisuot niya.
Tila nawalan siya ng ganang kumain kaya naman, ipinabalik na lamang niya ang pagkain.
Makailang beses pa siyang tinanong ni Dindi kung ano gusto niyang kainin. Ilang ulit din nagtanong ang katulong kung ayos lang siya.
Narinig niya iyon. Hindi lang niya matandaan kung nasagot ba niya iyon ng tama. Pakiramdam kasi niya ay lumilipad ang kanyang isipan.
Parang wala siya sa sarili niyang katawan.
Namalayan na lamang niyang nasa labas na siya ng masiyon nang magsimula silang bumyahe patungo sa regular check up nito sa OB-gyne.
Pansamantala niyang winaksi ang nararamdamang poot at binuo sa isip niya ang kanyang plano.
Iyon ay ang tumakas.
Sisiguraduhin niyang hindi matatapos ang araw ay malaya na siya sa kamay ni Dark Indigo Villacorda.
Mula sa kaharap niyang laptop ay mataman niyang pinanood ang napakaamong mukha ng dalagang si Amber. Kitang-kita niya ang pagsilay ng pilit na ngiti sa labi nito habang kausap niya sina Warlo at Dindi. Kapansin-pansin rin ang pamumugto ng singkit nitong mga mata. Balita rin niya ay hindi nito ginalaw ang kanyang agahan. Masakit iyon sa loob niya, ang isiping galing ang babae sa pag-iyak ay parang nadudurog ang puso niya. Ang isiping nahihirapan ito ay parang ikamamatay niya. "Amber." Anas niya habang masuyong nakatitig sa mukha ng dalagang nasa screen ng laptop. Tila may sariling isip ang kanyang kamay na umangat at kusang humaplos sa screen ng laptop. Itinapat na iyon sa mismong tapat ng pisngi ng dalaga. "My beloved Amber, I'm so sorry." Masuyo niya itong tinitigan na para bang kaharap niya mismo. Kitang-kita rin ang pagsisisi sa kanyang mga mata. "I'm really sorry." Naramdaman niya ang pamimigat ng dibdib at ang paghapdi ng kanyang mga mata. Hindi niya iyon sinasadya. Natan
Hindi maiwasang kilabutan ni Amber nang makita ang pinagdalhan sa kanya ni Tadeo Miguero. Matapos silang bumaba sa taxi ay sumakay sila sa tricycle. Tumigil sila nang marating nila ang makipot na eskinita. Naglakad na lang sila papasok dahil hindi makadaan ang tricycle sa kipot ng daan. Dagdag pang ang daming tambay sa gilid ng mga dikit-dikit na bahay. "Hoy, Tado! Remind ko lang sa'yo ah! Black belter ako!" Pinandilatan niya ang lalaki. Pilit siyang nagtapang-tapangan. Ngunit sa totoo lang ay parang gusto na niyang umatras at tumakbo palayo sa lugar. "Huwag kang mapraning, Miss. Safe ka dito. Hindi ka gagalawin ng mga 'yan. Sagot kita." Puno ng kayabangan na turan ni Tado. "Siguraduhin mo lang 'yan! Baka hindi mo alam, may kamag-anak akong mafia boss." Pagbabanta niya sa lalaki. Natawa naman si Tado sa tinuran ng babae. "Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? May sinasanto akong batas. Ayoko pang ma-tsugi, Miss." Hindi na lang umimik si Amber. Hiling niya sa isip, sana hindi siya nagka
"Mama! Mama! Gising na!" Naalimpungatan si Amber dahil sa magaang sampal sa kanyang pisngi. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang tatlong taong gulang na batang lalaki. Comb over fade ang istilo ng gupit nito. Manipis lang ang itim na itim na buhok ng bata. Makinis at maputi ang balat nito. Unang tingin pa lang ay mahuhulaan na agad kung saang angkan ito kabilang dahil sa kulay kayumanggi nitong mga mata. Anang sarili, kaygaling rin ni Dark Indigo, isa siyang walastik sharp shooter. Kung mayroon man siyang pinagpapasalamat sa nangyari, iyon ay ang pagdating ni Hyde sa buhay niya. Galit siya sa ginawang pananamantala sa kanya ngunit kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa bata. Para sa kanya ay isang biyaya ang pagdating ni Hyde. Ito ang kanyang lakas, ito ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Inaantok pa rin ang kanyang diwa. "Tulog muna tayo baby tutal day off ko naman." Naramdaman niya ang paghi
Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Mula nang magsimula ang biyahe ay hindi na siya kinibo ni Amber. Ni hindi rin siya nito tinapunan ng tingin. Nang makaidlip ang bata habang nasa biyahe ay pumikit rin ang babae. Ngunit ramdam naman niyang gising ito. Ilang beses niyang sinubukang kausapin si Amber pero hindi naman siya nito pinapansin. Nang makarating sila sa mansiyon ng mga Villacorda ay saka lamang nagmulat ng mata ang dalaga. Nang buksan ng tauhan niya ang Van ay kaagad na bumaba ang babae habang karga nito ang bata. Ni hindi man lang siya nilingon nito. Kahit papaano ay nabawasan ang mabigat na dinadamdam ni Amber nang salubungin sila ni Dindi. Makikita ang labis na galak sa katulong dahil sa malawak na ngiti nito. "Ito na ba ang bagong young master?Tulungan na kita, ma'am." Hindi na umalma si Amber nang kunin sa kanya ni Dindi ang bata. Sa totoo lang ay kanina pa siya nangangalay. "Tara na sa kwarto niyo ma'am." Kaagad siyang sumunod sa katulong nang humakbang
"Let's get married now." Sandali siyang tinitigan ng dalaga. Kitang-kita rin niya kung paano nanlisik ang mga mata nito bago muling humakbang para sundan ang kanyang ina. "Ma!" Kaagad siyang sumunod kay Amber at hinawakan ang kamay nito upang pigilan. "Amber! Huwag mo na siyang sundan, please lang, baka saktan ka lang niya ulit." Marahas naman nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kanya. "Utang na loob, Indigo! Pwede bang pabayaan mo ako!" Muli itong humakbang pero mabilis niya itong hinarangan sa daraanan niya. "Amber, I am just concern to you." Itinulak siya nito sa kanyang dibdib pero hindi naman niya ininda iyon. "Kung totoong concern ka, hayaan mo akong sundan si mama. At please lang, huwag ka ring sumunod. Hayaan mong makausap ko ang magulang ko." Marahas niya itong binangga sa balikat at saka siya nilampasan. Napabuntong-hininga na lang niyang sinundan ang babae. "Pero hindi ko naman makakayang pabayaan ka na lang, Amber. Baka saktan ka nila." Muli siyan
Nang lumabas ng banyo si Amber ay tanging si Indigo na lang ang nadatnan niya sa loob ng silid. May kausap ito sa telepono ngunit kaagad rin itong nagpaalam sa kausap nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Anang isip ng dalaga, mabuti na lang pala at naisip niyang sa loob na lang ng banyo magbihis. Pinili niyang isuot ang isang kulay dark blue na wrap around dress na hanggang tuhod ang haba. Awtomatikong lumingon sa kanya si Indigo. Nang magsimula siyang humakbang ay sinundan siya nito ng tingin ngunit hindi niya ito pinansin. Sa halip ay dumeretso siya sa harap ng vanity mirror at pinanood ang kanyang sariling repleksyon habang nagpupunas ng buhok. Sandaling namayani ang katahimikan. Nang hindi na nakatiis ang lalaki ay tumikhim ito upang kunin ang kanyang atensiyon. "Gamutin natin 'yang sugat mo, Amber." "Hindi na kailangang gamutin 'to. Maliit na gasgas lang 'to." Malamig na turan niya. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Sa halip ay sinuklay nito ang buhok niyang h
Walang pagsidhan ang kabang nadarama ni Dark Indigo. Para siyang maiihi habang nakatuon ang pansin nito sa malaking pintuan ng function room. "Are you okay?" Untag sa kanya ni Gabriel Villacorda. Marahil ay napansin nitong, hindi mapakali ang kanyang mga kamay. "Yes, Dad." Pinilit na lamang niyang ngitian ito. Iginala ni Dark Indigo ang paningin sa loob upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang kaba. Hiling niya, sana ay magustuhan ng babae ang disenyo ng lugar. Kung sa kanya naman ay pasado sa panlasa niya ang ginawa ng event organizer. Sa pinakagitnang bahagi ng lugar ay nakasabit ang malaking chandelier. May palamuti ring tela sa taas kung saan nakasabit ang mga kulay moss green na paper lanters. Sa ibang bahagi naman ay nakasabit ang tila natuhog na mga crystal beads at LED lights. Maging ang mga upuan ng mga bisita ay nilagyan ng dekorasyon. May disenyong kulay puting artipisyal na balahibo sa sandalan ng mga upuan. Malalaki iyon na mas mahaba lang ng kaunti sa sandal
"Stop this bullshit wedding!" Dumagundong ang boses ni Ashton Blumentrint sa loob ng function room. Sunod na pumasok ang higit sa benteng kalalakihan. Dumeretso silang pumalibot sa mga guest. Lahat sila ay may mga tangan na de kalibreng mga baril at kaagad na itinutok iyon sa mga tao. "Uncle? What's the meaning of this?" Napanatili naman ni Dark Indigo ang pagiging kalmante. Humakbang palapit ang ginoo. Nag-iigting ang panga nito. At kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa galit. "You can't marry her, Indigo!" Mariin nitong turan habang nakatuon sa kanya ang kulay kayumangging mga mata nito. Bago ba makapagsalita si Dark Indigo ay muli itong nagsalita. "You can't marry the mother of my son!" Kitang-kita ang paglabas ng litid nito sa leeg. Napanganga naman si Amber sa narinig mula sa lalaki. Nagsimula na ring umugong ang bulungan sa mga guest. Mabilis na itinaas ni Amber ang kanyang belo upang mas malinaw niyang makita ang lalaki. At para na rin makita siya nito. Aniya sa
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap
"Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito
Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb
Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan