Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Mula nang magsimula ang biyahe ay hindi na siya kinibo ni Amber. Ni hindi rin siya nito tinapunan ng tingin.
Nang makaidlip ang bata habang nasa biyahe ay pumikit rin ang babae. Ngunit ramdam naman niyang gising ito. Ilang beses niyang sinubukang kausapin si Amber pero hindi naman siya nito pinapansin.
Nang makarating sila sa mansiyon ng mga Villacorda ay saka lamang nagmulat ng mata ang dalaga.
Nang buksan ng tauhan niya ang Van ay kaagad na bumaba ang babae habang karga nito ang bata. Ni hindi man lang siya nilingon nito.
Kahit papaano ay nabawasan ang mabigat na dinadamdam ni Amber nang salubungin sila ni Dindi. Makikita ang labis na galak sa katulong dahil sa malawak na ngiti nito.
"Ito na ba ang bagong young master?Tulungan na kita, ma'am." Hindi na umalma si Amber nang kunin sa kanya ni Dindi ang bata. Sa totoo lang ay kanina pa siya nangangalay.
"Tara na sa kwarto niyo ma'am." Kaagad siyang sumunod sa katulong nang humakbang ito. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay naramdaman na niya ang pagyakap sa kanya ni Dark Indigo.
"Bitiwan mo ako!" Marahas niyang tinanggal ang kamay ng lalaki ngunit mas lalo namang humigpit ang pagkakayapos nito sa kanya.
"Ano ba!"
Napalingon na rin sa kanila si Dindi ngunit nang makitang tila mayroon silang problema ay muli itong nagbawi ng tingin. Nagpatuloy ito sa paglalakad na para bang walang nakita.
"Mag-usap tayo, Amber." Nanatili namang mahinahon ang tinig ni Dark Indigo kahit pinaghahampas siya ng babae sa kamay.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Indigo!" Niluwagan ng lalaki ang pagkakayapos sa kanya at saka iniharap ang babae sa kanya.
"Bakit mo ba ako trinatrato ng ganito? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" Puno ng lungkot ang mga mata nito. Ngunit tila naman tumaas ang presyon ni Amber dahil sa narinig.
"Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo four years ago? Hindi pa ba sapat 'yon para magalit ako sa'yo?" Namumula ang mata nito dahil sa pagpipigil sa sariling umiyak.
Sandali namang natigilan ang lalaki. Tila ba inalala nito ang nagawa.
"Hindi kita naiintindihan. Ano bang problema, Amber?"
Lalong kumulo ang dugo ng dalaga dahil sa tanong nito. Nakuyom niya ang kanyang palad. Hindi siya makapaniwalang nagagawa pa nitong umaktong inosente.
"Ano bang ayaw mo sa'kin? I can provide all your needs. I can give you a luxurious life."
Lalo lang nadagdagan ang galit ng babae dahil sa narinig. Naiinis siya sa ideyang tila binibili ni Indigo ang pagkatao niya.
"Pakasalan mong mag-isa ang sarili mo, Indigo!" Hindi nito itinago ang galit. Wala na siyang pakialam kahit may makarinig pa sa sigaw niya.
"Kahit pa gawin mo akong reyna, hindi pa rin kita pakakasalan!"
Nakita niya ang pagbalatay ng lungkot sa mga mata ng lalaki.
"Bakit? Anong ayaw mo sa'kin?" Kita-kita sa mata nito ang namumuong luha. "Sabihin mo sa'kin kung saan ako nagkamali."
"Wow! Indigo! Hindi mo alam kung anong nagawa mo? Wow! Bilib naman ako sa'yo! Ano ka may amnesia?" Sarkastikong turan niya.
"Ang alam ko naman, ayos tayo noong huli tayong magkita. Sabihin mo kasi sa'kin. Dahil ba hindi ko napagbigyan ang gusto mong pumasok ng school? Iyon ba? Dahil ba pakiramdam mo ay kinukulong kita? Kung 'yon ang dahilan, I'm sorry."
"Akala mo ba gano'n ako kababaw? I hate you, Indigo! I despise you!" Itinulak niya ito at saka humakbang patungo sa direksyong tinungo ng katulong.
Nang tumalikod ang dalaga ay noon na umagos ang masaganang luha sa kanyang pisngi.
Namumuhi siya ideya na hindi man lang nakonsensya ang lalaki sa ginawa niya noon.
"Ma'am?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ng katulong nang pumasok siya sa silid na umiiyak.
"Pwede mo ba akong iwan muna, Dindi? Gusto ko munang mapag-isa." Pinunas niya ang kanyang luha at lumapit sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang kanyang anak.
"Sige po ma'am." Muli pa siyang nilingon ng katulong bago niya ito tuluyang iwan.
Nang makaalis ang katulong ay saka lamang napansin ni Amber ang pagbabago sa silid na dati niyang inukopa. Napalitan ng mas malaki ang kama. May nadagdag din na display cabinet na punong-puno ng staff toys. Napalitan na rin ang wall clock. At may nadagdag sa dingding. Walang iba kundi ang kanyang picture. Bahagyang naka-side view siya roon at may munting ngiti sa labi. Nakasuot siya roon ng kulay peach na bestida. Kung tama ang tanda niya ay minsan niyang isinuot iyon sa kanyang medical check up.
Napangiti siya ng mapait. Nalunod siya sa sari-saring isipin at mga tanong. Aniya, mararanasan niya kaya ang lahat ng ito kung hindi niya pinili noon ang dare. Kung pinili niya ang truth, marahil ay hindi nag-krus ang landas nila ni Dark Indigo. Siguradong tapos na sana siya ngayon sa pag-aaral.
Nakaramdam siya ng pagsisisi.
Ngunit nang madako ang tingin niya sa cute na cute na batang natutulog ay mabilis na nagbago ang kanyang nadarama.
Aniya, kung hindi sila nagtagpo ni Indigo, marahil ay wala rin si Hyde.
Tila kusang umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ng kanyang anak.
"Sobra akong nasaktan at nagalit sa nangyari, anak. Pero nang makita kita, lahat ng sakit at hinanakit, isinantabi ko. Hindi na rin masamang dinanas ko iyon, ang kapalit naman ay ikaw." Inilapit niya ang mukha sa anak at ginawaran ng magaang halik ang noo nito. "I love you, baby."
Nasa gano'n siyang ayos nang marinig niya ang katok sa pinto.
Tumayo siya mula sa kama at tinungo iyon. Nang buksan niya iyon ay bumungad sa kanya ang isang babaeng layered short hair ang istilo ng buhok na nakukulayan ng burgundy red. Hugis puso ang mukha nito, hugis almond ang mata, sakto lang ang tangos ng ilong at makipot ang labi niyang pulang-pula dahil sa lipstick. Hindi maikakailang maganda pa rin ito kahit halatang may edad na.
"Mama?" Umusbong ang munting ngiti sa labi ni Amber.
Ngunit ang ligayang kanyang nadama ay kaagad ring naglaho nang dumapo ang malakas na sampal sa pisngi nito.
"Amber!" Mabilis naman siyang dinaluhan ni Indigo. "Pardon ma'am, but you don't have the right to hurt---"
"Manahimik ka lalaki! Huwag kang makialam dito! " Dinuro pa siya ng Ginang.
"Ma?"
Muling bumalik ang matalim na tingin niya sa dalaga.
"Nagpabuntis ka nang walang asawa? Alam mo bang napakalaking kahihiyaan ang ibinigay mo sa'min ng papa mo?"
"I'm sorry, ma." Sinubukan niyang hawakan ang ginang ngunit pinalis nito ang kanyang kamay.
"Noon pa kita gustong kalbuhin!" Kitang-kita ang paglabas ng litid sa leeg ng Ginang. Kumilos ito at akmang sasabunutan siya nito ngunit mabilis namang humarang si Indigo.
"Umalis ka diyan, lalaki" Mariing turan ng ginang.
"I'm so sorry, ma'am but I will not let you hurt her."
"Sorry, ma. Patawarin niyo po ako."
Ngunit tila hindi natinag ang Ginang.
"Pasalamat ka at sampal lang ang napala mo ngayon. Ilang beses akong nagpabalik-balik dito pero ngayon lang nila ako pinagbigyang makapasok. Ilang taon kong kinimkim ang galit ko sa'yo! Sinayang mo ang sakripisyo namin ng papa mo sa'yo!"
Kumawala siya kay Dark Indigo at humakbang palapit sa kanyang ina.
"Magpapaliwanag ako, ma."
"Hindi!" Umiling-iling ito. "Ayokong marinig ang paliwanag mo!"
"Ma." Hindi na naiwasan ni Amber ang lalong mapaluha.
"Mamamatay ako ng maaga sa'yo! Sinong nakadisgrasya sa'yo ha?" Bumaling ito kay Dark Indigo na nakahawak pa rin sa balikat niya. "Ito ba? Ito ba ang bumuntis sa'yo? Ano? Matapos magpakasarap, hindi ka magawang iharap sa altar?"
"Pananagutan ko po ang anak niyo, ma'am. I'm sorry if it took me so long." Mahinahon at pormal ang tono ng lalaki kahit halos magwala na ang kaharap.
"Huwag mong akong daanin sa pa-ingles ingles mo! Tandaan mo 'to, panagutan mo anak ko kundi makikita mo ang hinahanap mo! Baka mahampas kita ng dos por dos, lalaki! Basag 'yang itlog mo!"
Sumunod itong bumaling kay Amber at saka dinuro.
"At ikaw naman babae, huwag mo na rin tangkain magpakita sa pamilya natin! Wala akong anak na disgrasyada!"
Lalo namang naiyak si Amber.
"Tandaan mo 'yan, Amber!" Muli pa nitong banta bago humakbang paalis.
"Mama." Pinilit niya itong habulin.
"I'm sorry. Let me pay the damages I've done."
Hindi siya pinansin ng babae ngunit napatigil ito sa sunod niyang tinuran.
"Let's get married, now."
"Let's get married now." Sandali siyang tinitigan ng dalaga. Kitang-kita rin niya kung paano nanlisik ang mga mata nito bago muling humakbang para sundan ang kanyang ina. "Ma!" Kaagad siyang sumunod kay Amber at hinawakan ang kamay nito upang pigilan. "Amber! Huwag mo na siyang sundan, please lang, baka saktan ka lang niya ulit." Marahas naman nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kanya. "Utang na loob, Indigo! Pwede bang pabayaan mo ako!" Muli itong humakbang pero mabilis niya itong hinarangan sa daraanan niya. "Amber, I am just concern to you." Itinulak siya nito sa kanyang dibdib pero hindi naman niya ininda iyon. "Kung totoong concern ka, hayaan mo akong sundan si mama. At please lang, huwag ka ring sumunod. Hayaan mong makausap ko ang magulang ko." Marahas niya itong binangga sa balikat at saka siya nilampasan. Napabuntong-hininga na lang niyang sinundan ang babae. "Pero hindi ko naman makakayang pabayaan ka na lang, Amber. Baka saktan ka nila." Muli siyan
Nang lumabas ng banyo si Amber ay tanging si Indigo na lang ang nadatnan niya sa loob ng silid. May kausap ito sa telepono ngunit kaagad rin itong nagpaalam sa kausap nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Anang isip ng dalaga, mabuti na lang pala at naisip niyang sa loob na lang ng banyo magbihis. Pinili niyang isuot ang isang kulay dark blue na wrap around dress na hanggang tuhod ang haba. Awtomatikong lumingon sa kanya si Indigo. Nang magsimula siyang humakbang ay sinundan siya nito ng tingin ngunit hindi niya ito pinansin. Sa halip ay dumeretso siya sa harap ng vanity mirror at pinanood ang kanyang sariling repleksyon habang nagpupunas ng buhok. Sandaling namayani ang katahimikan. Nang hindi na nakatiis ang lalaki ay tumikhim ito upang kunin ang kanyang atensiyon. "Gamutin natin 'yang sugat mo, Amber." "Hindi na kailangang gamutin 'to. Maliit na gasgas lang 'to." Malamig na turan niya. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Sa halip ay sinuklay nito ang buhok niyang h
Walang pagsidhan ang kabang nadarama ni Dark Indigo. Para siyang maiihi habang nakatuon ang pansin nito sa malaking pintuan ng function room. "Are you okay?" Untag sa kanya ni Gabriel Villacorda. Marahil ay napansin nitong, hindi mapakali ang kanyang mga kamay. "Yes, Dad." Pinilit na lamang niyang ngitian ito. Iginala ni Dark Indigo ang paningin sa loob upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang kaba. Hiling niya, sana ay magustuhan ng babae ang disenyo ng lugar. Kung sa kanya naman ay pasado sa panlasa niya ang ginawa ng event organizer. Sa pinakagitnang bahagi ng lugar ay nakasabit ang malaking chandelier. May palamuti ring tela sa taas kung saan nakasabit ang mga kulay moss green na paper lanters. Sa ibang bahagi naman ay nakasabit ang tila natuhog na mga crystal beads at LED lights. Maging ang mga upuan ng mga bisita ay nilagyan ng dekorasyon. May disenyong kulay puting artipisyal na balahibo sa sandalan ng mga upuan. Malalaki iyon na mas mahaba lang ng kaunti sa sandal
"Stop this bullshit wedding!" Dumagundong ang boses ni Ashton Blumentrint sa loob ng function room. Sunod na pumasok ang higit sa benteng kalalakihan. Dumeretso silang pumalibot sa mga guest. Lahat sila ay may mga tangan na de kalibreng mga baril at kaagad na itinutok iyon sa mga tao. "Uncle? What's the meaning of this?" Napanatili naman ni Dark Indigo ang pagiging kalmante. Humakbang palapit ang ginoo. Nag-iigting ang panga nito. At kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa galit. "You can't marry her, Indigo!" Mariin nitong turan habang nakatuon sa kanya ang kulay kayumangging mga mata nito. Bago ba makapagsalita si Dark Indigo ay muli itong nagsalita. "You can't marry the mother of my son!" Kitang-kita ang paglabas ng litid nito sa leeg. Napanganga naman si Amber sa narinig mula sa lalaki. Nagsimula na ring umugong ang bulungan sa mga guest. Mabilis na itinaas ni Amber ang kanyang belo upang mas malinaw niyang makita ang lalaki. At para na rin makita siya nito. Aniya sa
Dumagundong ang dibdib ni Amber nang magsimula siyang humakbang sa pintuan . Iba iyon sa pintuang nakasanayan niyang pasukin noon. Pagpasok nila sa loob ay sinalubong sila ng isang katulong na nakasuot ng kulay dark blue na unipormeng pangkatulong "Welcome home, Master." Magalang itong yumukod ngunit ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Ashton Blumentrint. Nang dumaan sa harap niya si Amber ay ginawaran siya nito ng matamis na ngiti. "Welcome to the house of Blumentrint, ma'am." Yumukod din ito sa kanya. Sandali namang huminto si Ashton at kunot-noong hinarap ang katulong. "She is Amber, the Lady of this house." Agad namang nabura ang ngiti ng katulong. "Pasensya na po, Master. Hindi ko po alam." Taranta itong yumukod na parang nakagawa ng malaking kasalanan. Puno naman ng pagtataka ang mukha ni Amber na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. Maya-maya lang ay bumaling sa kanya si Ashton Blumentrint. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito. "She is Aya." "Hi Aya
"Tell me, anong ginawa sa'yo ni Uncle?" Hindi naitago ni Indigo ang kanyang labis na pag-aalala para sa dalaga. Umiling naman si Amber ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak Lalo tuloy nakaramdam ng pag-aalala si Indigo. Kanina pa sila nakaalis sa bahay ng kanyang tiyuhin. Labing-limang minuto na silang nakaupo sa pool area pero tila hindi nauubusan ng luha ang dalaga. "Sinaktan ka ba niya?" "Hindi." Umiling pa itong muli. Hindi pa rin maampat ang kanyang luha. Ginagap nito ang kamay ng babae at masuyo niya itong tinitigan. "Kung may ginawa siya, don't be afraid to confess it to me. Kakampi mo ako, Amber." "Wala ito." Umiling-iling siya kasabay ng pagbawi ng kanyang kamay. Napabuntong-hininga na lamang si Indigo kasabay ng pag-abot niya sa kanyang panyo sa dalaga. Alam niyang hindi totoong wala lang iyon. Hindi lang niya maintindihan kung bakit ayaw sabihin sa kanya ni Amber ang totoo. Tinanggap naman iyon ng dalaga. "Salamat." Ginamit nitong pamunas ang panyo. "Pasensy
"Anong ginagawa mo rito?" Tila sa isang iglap ay nawala ang matinding pananakit ng ulo ni Amber. Nakaramdam siya ng pagkaalarma. Awtomatiko niyang iginala ang paningin kung saan siya maaaring lumabas maliban sa kinaroroonan ng lalaki. "Am I not allowed in our room?" "Our ka diyan! Ang sa'yo, sa'yo lang. Huwag kang pauso diyan. Maka-our ka naman diyan parang legal tayo." "Then let's make us legal." "Asa ka! Aalis na ako." Mabilis siyang tumayo sa kama. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang maagaw ng pansin niya ang pagtawag. "Mama!" Napatingin siya sa pinagmulan ng tinig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pagpasok ng bata sa pinto. "Hyde, anak." Mabilis namang lumapit ang bata sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Anong ginagawa mo dito, anak?" Umupo siya upang pantayan ang bata. Sinipat rin niya ang kabuan nito. Mukhang namang walang masamang nangyari rito, masigla ito at may munting ngiti sa labi. "Mama, nalilito na ako." Nakanguso niyong turan at saka n
Buntong-hininga na lamang na tumalikod si Dark Indigo. Para siyang sinampal sa kanyang nasaksihan. Nagsimula na rin siyang matakot na baka mauwi sa wala ang lahat ng kanyang pagod upang mapasakanya lamang ang babae. "Hoy! Indigo!" Awtomatiko siyang napatigil sa paghakbang dahil sa pagtawag. Kaagad rin siyang napalingon dahil doon. "Halika rito, dali!" Kumaway pa sa kanya ang babae. Mayroon itong ngiti sa labi. Puno man ng pag-aalangan ay tinawid pa rin niya ang distansiya patungo sa kinaroroonan nila. Kahit tila nakakapaso ang tingin ng kanyang tiyuhin na si Ashton Blumentrint. Nabura naman ang ngiti ni Amber nang tuluyan siyang makalapit. Kaagad rin itong napatayo mula sa pagkakaupo. Gumuhit sa mata nito ang pag-aalala. "Anong nangyari sa'yo?" Nakatuon ang atensiyon nito sa pasa ni Indigo sa kanyang bibig. Tila naman hinaplos ang puso ng lalaki sa pag-aalalang nahimigan niya mula sa dalaga. Kabaligtaran naman iyon ng nadama ni Ashton. Nagpupuyos sa galit ang kanyang kalooban
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap
"Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito
Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb
Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan