Sunod na pumasok ang higit sa benteng kalalakihan. Dumeretso silang pumalibot sa mga guest. Lahat sila ay may mga tangan na de kalibreng mga baril at kaagad na itinutok iyon sa mga tao.
"Uncle? What's the meaning of this?" Napanatili naman ni Dark Indigo ang pagiging kalmante.
Humakbang palapit ang ginoo. Nag-iigting ang panga nito. At kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa galit.
"You can't marry her, Indigo!" Mariin nitong turan habang nakatuon sa kanya ang kulay kayumangging mga mata nito.
Bago ba makapagsalita si Dark Indigo ay muli itong nagsalita.
"You can't marry the mother of my son!" Kitang-kita ang paglabas ng litid nito sa leeg.
Napanganga naman si Amber sa narinig mula sa lalaki.
Nagsimula na ring umugong ang bulungan sa mga guest. Mabilis na itinaas ni Amber ang kanyang belo upang mas malinaw niyang makita ang lalaki. At para na rin makita siya nito. Aniya sa isip, baka kasi tatanga-tanga lang ito at namali ng pinasukan.
Nagtama ang tingin nila ng lalaki. Ilang sandali siya nitong tinitigan ngunit hindi naman nagbago ang ekspresiyon nito.
"Sino ba 'to?" Kunot-noong tanong niya kay Indigo. Kanina pa siya clueless sa nangyayari. Pamilyar sa kanya ang lalaki ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
Bumaling sa kanya si Indigo. Masuyo siya nitong tinitigan. Ginagap rin nito ang kanyang kamay.
"Let me handle this. Huwag mo siyang intindihin."
Matapos niyang sabihin iyon ay kaagad din niyang nilingon si Ashton.
"Uncle, please, ano ba 'to?" Kalmante pa rin ang tinig nito ngunit hindi na niya napigilan ang pagguhit ng gitla sa kanyang noo.
"Ashton! Ano bang kalokohan 'to, hah?" Sa unang pagkakataon ay nakita ni Amber ang galit sa mukha at tinig ni Gabriel Villacorda.
Binalingan naman siya ng tingin ni Ashton, binigyan niya ito ng matalim na tingin.
"I am just claiming what's mine!"
Sinubukang humakbang palapit ni Gabriel Villacorda ngunit hinarangan siya ng tauhan ni Ashton Blumentrint at tinutukan ng baril.
Muli ring tumingin si Ashton kay Dark Indigo.
"I am Hyde's real father."
Napahilot naman ng sentido si Dark Indigo.
"That's imposible, uncle. Anak ko si Hyde."
Bumaling ng tingin si Ashton sa isa niyang tauhan. Maya-maya lang ay lumapit ito at iniabot ang isang folder.
Nang makuha iyon ng lalaki ay kaagad nitong tinawid ang natitirang distansya nila ng kanyang pamangkin.
"Here is the DNA test result." Pabalya niya itong ibinato sa dibdib nito.
Nasalo naman iyon ni Indigo. Binuksan niya ang folder at pinasadahan ng tingin ang laman nito.
Makalipas ang ilang sandali ay muli itong nag-angat ng tingin.
"This is fake! Anak ko si Hyde. Sigurado akong akin siya." Tila nawala na ang pagtitimpi ni Indigo. Kitang-kita ang pag-igting ng panga nito.
"Believe what you want to believe but this is the truth . I have an evidence, Hyde is my son!" Hindi rin ito nagpatalo. Nakipagsukatan siya ng matalim na titig sa kanyang pamangkin.
"Ano ba? Naloloka na ako sa inyo, hah! Ano bang trip niyo, hah?" Hindi na rin nakatimpi si Amber. Kanina pa siya nawiwindang sa rebelasyon ng bagong sulpot na lalaking makisig.
Bumaling naman sa kanya ang lalaki at pinukol siya nito ng malamig na tingin.
"You can prove to Indigo that I am stating the truth."
Tila naman lalong naputol ang pisi ng pagtitimpi ni Amber sa tinuran nito.
"Sira ka ba? So ano? Magic? Naligaw ang sperm mo sa matris ko?" Puno ng sarkasmo ang tinig nito. Hindi niya rin kasi lubos maisip kung saan nakuha ng lalaki ang pinagsasabi nito.
"Let's talk about it privately. It looks you forgot our night together."
"Buang ka ba? Kailan kita nakasama? Nabuo si Hyde kahit ni minsan hindi tayo nag-bonding? Ano ka, may superpower? Ano? Invisible lang ang peg? Nagmukbangan tayo na hindi kita nakikita? “
Mabilis nitong hinawakan ang braso ng dalaga.
"Let's get out of here. We'll talk about it."
Bago pa siya mahila ni Ashton Blumentrint ay hinila naman siya ni Dark sa kabila niyang braso.
"Hindi ako papayag na kunin mo siya, Uncle!"
Muli silang nagsukatan ng matalim na titig. Marahas na hinila ni Ashton si Amber, hindi naman nagpatinag si Indigo. Mahigpit niyang hinawakan sa braso ang dalaga.
"Ano ba! Nasasaktan na ako sa inyo!“
"Let her go, Indigo!" Mariing turan nito.
"No, Uncle! Let her go!"
"Taenang life naman 'to! Ang haba ng hair ko sa lagay na 'to." Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ng dalawa. "Bitiwan niyo nga ako! Kapag ako naasar, who you kayong dalawa sa'kin."
Pareho namang lumuwag ang pagkakahawak ng dalawa sa kanya. Sinamantala niya iyon upang tuluyang makakawala.
"Nakakaloka na talaga ito!" Palatak niya at pagkatapos ay saka siya bumaling kay Indigo. "Sampalin mo nga ako at baka nananaginip ako."
"It's not a dream. It's all real." Sabat ni Ashton Villacorda. Nawala na ang galit sa mukha nito. Wala nang kahit anong mabasang emosyon sa mga mata nito.
"Let's talk. We have talk about our son." Mabilis nitong hinila ang katawan ng babae. Sinubukan siyang agawin ni Indigo ngunit mabilis pa sa kidlat na lumapit ang tauhan ni Ashton at tinutukan siya ng baril sa ulo.
Napalunok naman si Amber sa nakita.
"Indigo." Tila kusang lumabas iyon sa kanyang labi. Gumuhit din ang pag-aalala sa mga mata ng babae.
"You know me very well, Indigo. Ang akin ay akin. At hindi ako magdadalawang-isip na ipapatay ka kapag umalma ka pa."
Kitang-kita ni Amber ang pagkuyom ng palad ni Indigo. Tumalim rin ang titig nito kay Ashton Villacorda. Mariin ring nagdikit ang mamula-mula nitong labi na para bang nagtitimpi.
"Let's go!"
Bago pa siya makaalma ay binuhat na siya ni Ashton at walang kahirap-hirap na isinampay niya ito sa balikat niya.
"Ano ba! Ibaba mo ako!" Pinaghahampas niya ang likod ng lalaki ngunit tila naman hindi niya iyon ininda.
"Besm!" Narinig pa niya ang pagtawag ng bestfriend niyang si Missy na siyang bride's maid.
"Amber anak!" Narinig din niya nag-aalalang boses ni Amaya Velez. " Ano ba? Hahayaan niyo bang tangayin niya ang anak ko!"
Sinubukan ni Amber na tumingin sa kanyang ina ngunit bago pa niya maiangat ang kanyang ulo ay nakalabas na sila ng function room.
"Ibaba mo ako!" Nagpumiglas siya ngunit sadyang malakas at mahigpit ang hawak sa kanya ng lalaki.
Nang makalabas sila sa hotel saka lamang siya ibinaba ni Ashton Villacorda.
"Ano bang---" Natigil siya sa sasabihin nang tutukan siya nito ng baril.
"Pasok." Mariing utos nito kasabay ng pagturo sa bandang likuran niya gamit ang baril.
Nang lingunin iyon ni Amber ay noon lang niya napansin ang isang itim na Bugatti na naroon.
Wala na tuloy siyang nagawa kundi pumasok na lamang sa loob ng sasakyan.
Sumunod ding pumasok sa loob ang lalaki. Nang umusad ang sasakyan ay hindi na sila nag-imikan pa. Tila ba sa isang iglap at pinutol na ng labis na kaba ang kanyang dila.
Makalipas lamang ang ilang minuto ay huminto ang sasakyan. Laking pagtataka naman ni Amber nang mapansin niyang nasa mansiyon na sila ng mga Villacorda.
"Sino ka ba talaga?"
Umarko ang gilid ng labi ng lalaki.
"Seems like you forgotten it." Mariin itong tumitig sa mga mata niya dahilan para mapalunok si Amber.
"Brace yourself, I'll make you remember it."
Dumagundong ang dibdib ni Amber nang magsimula siyang humakbang sa pintuan . Iba iyon sa pintuang nakasanayan niyang pasukin noon. Pagpasok nila sa loob ay sinalubong sila ng isang katulong na nakasuot ng kulay dark blue na unipormeng pangkatulong "Welcome home, Master." Magalang itong yumukod ngunit ni hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Ashton Blumentrint. Nang dumaan sa harap niya si Amber ay ginawaran siya nito ng matamis na ngiti. "Welcome to the house of Blumentrint, ma'am." Yumukod din ito sa kanya. Sandali namang huminto si Ashton at kunot-noong hinarap ang katulong. "She is Amber, the Lady of this house." Agad namang nabura ang ngiti ng katulong. "Pasensya na po, Master. Hindi ko po alam." Taranta itong yumukod na parang nakagawa ng malaking kasalanan. Puno naman ng pagtataka ang mukha ni Amber na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. Maya-maya lang ay bumaling sa kanya si Ashton Blumentrint. Walang kaemo-emosyon ang mukha nito. "She is Aya." "Hi Aya
"Tell me, anong ginawa sa'yo ni Uncle?" Hindi naitago ni Indigo ang kanyang labis na pag-aalala para sa dalaga. Umiling naman si Amber ngunit patuloy pa rin ito sa pag-iyak Lalo tuloy nakaramdam ng pag-aalala si Indigo. Kanina pa sila nakaalis sa bahay ng kanyang tiyuhin. Labing-limang minuto na silang nakaupo sa pool area pero tila hindi nauubusan ng luha ang dalaga. "Sinaktan ka ba niya?" "Hindi." Umiling pa itong muli. Hindi pa rin maampat ang kanyang luha. Ginagap nito ang kamay ng babae at masuyo niya itong tinitigan. "Kung may ginawa siya, don't be afraid to confess it to me. Kakampi mo ako, Amber." "Wala ito." Umiling-iling siya kasabay ng pagbawi ng kanyang kamay. Napabuntong-hininga na lamang si Indigo kasabay ng pag-abot niya sa kanyang panyo sa dalaga. Alam niyang hindi totoong wala lang iyon. Hindi lang niya maintindihan kung bakit ayaw sabihin sa kanya ni Amber ang totoo. Tinanggap naman iyon ng dalaga. "Salamat." Ginamit nitong pamunas ang panyo. "Pasensy
"Anong ginagawa mo rito?" Tila sa isang iglap ay nawala ang matinding pananakit ng ulo ni Amber. Nakaramdam siya ng pagkaalarma. Awtomatiko niyang iginala ang paningin kung saan siya maaaring lumabas maliban sa kinaroroonan ng lalaki. "Am I not allowed in our room?" "Our ka diyan! Ang sa'yo, sa'yo lang. Huwag kang pauso diyan. Maka-our ka naman diyan parang legal tayo." "Then let's make us legal." "Asa ka! Aalis na ako." Mabilis siyang tumayo sa kama. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang maagaw ng pansin niya ang pagtawag. "Mama!" Napatingin siya sa pinagmulan ng tinig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pagpasok ng bata sa pinto. "Hyde, anak." Mabilis namang lumapit ang bata sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Anong ginagawa mo dito, anak?" Umupo siya upang pantayan ang bata. Sinipat rin niya ang kabuan nito. Mukhang namang walang masamang nangyari rito, masigla ito at may munting ngiti sa labi. "Mama, nalilito na ako." Nakanguso niyong turan at saka n
Buntong-hininga na lamang na tumalikod si Dark Indigo. Para siyang sinampal sa kanyang nasaksihan. Nagsimula na rin siyang matakot na baka mauwi sa wala ang lahat ng kanyang pagod upang mapasakanya lamang ang babae. "Hoy! Indigo!" Awtomatiko siyang napatigil sa paghakbang dahil sa pagtawag. Kaagad rin siyang napalingon dahil doon. "Halika rito, dali!" Kumaway pa sa kanya ang babae. Mayroon itong ngiti sa labi. Puno man ng pag-aalangan ay tinawid pa rin niya ang distansiya patungo sa kinaroroonan nila. Kahit tila nakakapaso ang tingin ng kanyang tiyuhin na si Ashton Blumentrint. Nabura naman ang ngiti ni Amber nang tuluyan siyang makalapit. Kaagad rin itong napatayo mula sa pagkakaupo. Gumuhit sa mata nito ang pag-aalala. "Anong nangyari sa'yo?" Nakatuon ang atensiyon nito sa pasa ni Indigo sa kanyang bibig. Tila naman hinaplos ang puso ng lalaki sa pag-aalalang nahimigan niya mula sa dalaga. Kabaligtaran naman iyon ng nadama ni Ashton. Nagpupuyos sa galit ang kanyang kalooban
Humagikgik ang batang si Hyde habang sinisipat niya ang suot nilang mag-ama. "Twinning tayo papa." Malawak ang ngiti nito at nagniningning ang mga mata. Magkapareho ang suot nilang blue polo. Maging ang suot nilang pantalon at sapatos ay pareho-pareho sila. Napaikot na lamang ng mata si Amber matapos siyang lumabas sa walk in closet. Hindi niya lubos maisip kung anong trip ni Ashton Blumentrint at gano'n ang napili niyang damit para sa kanilang dalawa ng bata. Siya naman ay nakasuot ng kulay blue na off-shoulder maxi dress. Tila tuloy nagkaroon sila ng color coding. Hindi na natuloy ang pagsama nilang mag-ina kay Dark Indigo matapos ipagpilitan ni Ashton na mayroon na silang gamit na mag-ina sa loob ng bahay nito. Gusto niya sanang magwala pero ayaw naman niyang masaksihan iyon ng kanyang anak. "Tara na, naghihintay na ang Daddy Indigo mo sa labas." Nakuha naman niya ang atensiyon ng bata. "Mama, t
Narinig iyon ni Ashton Blumentrint. Tila sirang plakang nagpaulit-ulit iyon sa kanyang diwa."Please, Indigo. Ilayo mo kami kay Ashton."Napakuyom siya ng kanyang kamao. Nag-igting ang kanyang panga. Tumalim din ang kanyang mga mata.At ang matalim na titig na iyon ni Ashton Blumentrint ang unang bumungad kay Amber pagpasok niya sa loob ng silid.Pinanlamigan siya ng katawan. Awtomatikong nabitawan niya ang hawak niyang teddy bear at chocolate. Napaatras siya at tarantang tinungo ang pintuang kanyang pinasukan ngunit bago pa siya makalabas ay sumarado na iyon.Sinubukan niyang hilain iyon ngunit hindi na niya mabuksan. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nang lingunin niya si Ashton ay kitang-kita niya ang paglapit ng lalaki. Tila isa itong mabangis na leon na anumang oras ay lalapain siya."Ano ba?" Matinis siyang napatili nang masukol siya ni Ashton Blumentrint.Halos ibaon na niya ang sar
Awtomatikong napalingon si Amber sa pintuan nang bumukas iyon. Mula roon ay pumasok ang isang katulong, mahihinuha iyon sa suot niyang kulay dark blue na unipormeng pangkatulong. Nasa five flat lamang ang tangkad nito ngunit may kalakihan ang pangangatawan nito. Medyo may kalakihan ang hugis almond na mga mata nito. Natural na manipis ang kilay at hindi maayos ang ang arko. Hindi katangusan ang ilong nito na tulad ng typical na pinoy. Maamo ang bukas ng kanyang mukha. Larawan ito ng simple at mabait na Ginang. Walang emosyong bumalik ang tingin ng dalaga sa dingding ng silid matapos ang panandaliang pagsuri ng tingin sa babae. Aware naman siyang limang beses sa isang araw kung pumasok ang katulong upang bigyan siya ng makakain ngunit umasa pa rin siyang sa pagbukas ng pinto ay ang kanyang anak na ang papasok. Labis-labis na siyang nanabik na makita ito. At habang nadadagdagan ang araw na hindi niya ito nasisilayan ay tila lalo si
Flashback..... Pagkababa pa lamang ng sasakyan ni Ashton ay nakita na niya agad ang kanyang hinahanap. "Indigo, your father is very worried." Puno ng pag-aalala ang mukha nito. "Sorry, Uncle. Ngayon lang naman eh." Tinakasan kasi nito ang kanyang bodyguard at sumama sa mga kaklase niya. Na-engganyo itong sumama sa kanila dahil ang birthday celebrant ay hindi tulad niyang galing sa mayamang angkan. "I enjoyed the day, uncle. I never thought I could enjoy such kind of birthday party." Bakas ang galak sa mukha ng kanyang pamangkin. Napabuntong-hininga na lamang si Ashton. Naiintindihan din naman niya ito, dumaan rin naman niya sa gano'ng edad. "But for sure, pag-uwi mo ng bahay niyo, pagagalitan ka ng Daddy mo." "That's why I called you, uncle. I need your help." "Oh I got it!" Napangiti na lamang si Indigo. Aniya, the best talaga ang uncle Ashton niya. Hindi lang siya nagkaroon ng tiyuhin
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap
"Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito
Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb
Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan