Share

Chapter 1

Author: amvernheart
last update Last Updated: 2021-11-22 04:39:13

Tila tumigil ang ikot ng mundo ni Amber sa narinig.

"Congratulations, Miss Velez. You're hired!"

Napatili naman na para bang tuwang-tuwa si Missy.

"Besm! Narinig mo ba 'yon?" Nagniningning ang mga mata nito. "Hired ka raw. Besm! Natanggap ka!" 

Kung si Missy tila nanalo sa lotto sa pagtili, tila naman nabato sa kinatatayuan si Amber. 

"Please wait for Mr. Guzman for orientation, ma'am. Mamaya lang ay darating iyon para sunduin ka." Pormal na saad ng babae sa front desk.

Taranta namang  napatingin si Amber kay Missy.

"Teka besm! Wala sa usapan 'to."

Noon na nabura ang ngiti ni Missy. Tila naman nakuha nito ang gusto niyang ipahiwatig. Bumaling ito sa receptionist at ngumiti ng bahagya.

"Sandali lang miss, usap lang kami saglit." Nang tumango ang babae ay kaagad siyang hinila ni Missy palayo sa desk.

"Besm! Bakit gano'n? Ba't ako hired?" Hindi na niya alam kung narinig siya ng babae, hindi na rin kasi niya nagawang hinaan ang kanyang boses.

"Hindi ko rin alam eh. Sa lagay na 'yan," Hinagod niya ng tingin si Amber na tanging pantulog ang suot. "Hindi rin ako makapaniwala, besm." 

Iginala ni Amber ang kanyang paningin. Nagbabakasakali siyang makatulong iyon upang makapag-isip siya ng tamang gagawin. 

Nakuha ng atensiyon niya ang bagong dating na lalaking nasa forties ang edad. Huminto ito malapit sa front desk. Medyo manipis ang itim na itim na buhok nito. Moreno ang kanyang balat. Bilugan ang mukha at maumbok din ang pisngi. Sakto lang ang laki ng mata. Hindi katangusan ang ilong at kulay light brown ang labi. Nang dumako sa kanya ang tingin ng lalaki ay agad niyang  ibinaling sa iba ang tingin.

"Hindi naman siguro iyon si Dark Indigo," naisip niya.

Hindi naman sa pangit pero parang hindi niya nakikita ang sariling kayakap ito.

Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil sa kanyang naisip.

"Bakit ko ba naiisip na magyayakapan kami ng Dark Indigo na iyon?" Usal niya sa isip.

Muli niyang itinuon ang tingin sa paligid , mayroong mga empleyado na tila napapadaan lang sa area. 

Sa labas ng malaking pintuan na gawa sa salamin ay may isang guard. Dalawa iyon kanina pero tila may pinuntahan ang isa.

"Sibat na tayo, besm." Hinila niya ang kamay ni Missy.

Ngunit hindi  hinayaan ni Missy na mahila niya ito. Tila ba nadikit na ang paa nito sa kinatatayuan niya.

"Hoy Amber! Ayoko ng trouble." Binawi nito ang kanyang kamay. Kunot-noo namang napabaling sa kanya si Amber.

"Panindigan mo na lang, besm. Wala na tayong magagawa, natanggap ka  eh."

Lalo namang nataranta si  Amber.

Seryoso ba talaga ang kaibigan niya?

"Puntahan na lang natin 'yong babae. Sabihin nating binabawi ko na ang application ko." 

Gusto na niyang maluha sa kaba at takot. Anang sarili, sana pala 'yong truth na lang ang pinili niya kagabi.

"Walang gano'n besm. Hired ka na eh. Wala nang bawian iyon." Tila hindi man lang nababahala si Missy kahit katiting man lang. 

"Halika nga dito." Hinawakan ni Missy ang dalawang kamay ni Amber. "Sa hitsura mo naman, para kang bibitayin. Magtanong tayo tungkol sa duties mo. Huwag kang matakot. Hindi mo ikapapahamak 'to besm."

Marahan niyang hinila si Amber palapit sa front desk.

"Huwag kang mag-over think. Baka maloka ka diyan."

Tila naman nahihipnotismo na nagpahila si Amber.

Nang tuluyan na silang makalapit ay ngumiti si Missy sa babae.

"Miss, mag-i-inquire lang sana kami. Paano ba ang duties nitong besm ko sa work niya?" 

"About that matter ma'am, ako po ang in charge." Anang lalaki na kanina pa nakatayo roon.

"By the way ma'am, I am Warlo Guzman. Sumunod ka po sa'kin para po ma-orient kita."

Agad namang napatingin si Amber kay Missy. Binigyan niya ito ng tingin na tila nagpapasaklolo.

"Ikaw lang ma'am. Hindi po kayo pwedeng magsama ng alalay."

Napairap naman si Missy sa narinig.

"Kuyang notpa, sa ganda kong 'to, hindi ako pang-alalay lang."

Hindi naman nagbago ang hitsura ni Amber. Tila mas lalong tumindi ang pagkabahala nito. 

"Sige na besm. Kaya mo 'yan."

Marahan siyang itinulak ni Missy para sumunod kay Warlo Guzman.

Wala na tuloy siyang nagawa kundi sumunod na lamang kay Warlo. Mabigat ang bawat hakbang niya. Hindi rin niya inalis ang tingin sa bestfriend niyang si Missy hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin niya.

Nang marinig ni Amber ang tunog ng pagsara ng elevator ay tila naging hudyat  iyon ng simulang pagtambol ng dibdib niya.

Makailang beses siyang nagpakawala ng buntong hininga bago muling bumukas ang elevator.

Nang sumunod siya kay Warlo sa paglabas ay bumungad sa kanya ang malawak na espasyo. Naagaw ng pansin niya ang isang malaking picture. Tila family picture iyon, magkatabi sa upuan ang isang babae at lalaking may katandaan na. At sa likod naman nila ay nakatayo ang apat na makikisig na lalaki. Pawang nakasuot ang mga ito ng itim na suit maliban sa matandang babae na nakasuot ng kulay Mocha na bestida. 

"Iyan po ang Villacorda family."  Nakangiting saad ni Warlo nang mapansin niya ang paninitig ng dalaga sa higanteng  larawan.

Agad namang iginala ni Amber ang tingin sa apat na lalaking nakatayo sa likod ng dalawang matanda.

"Ibig sabihin, isa sa mga nandiyan si Dark Indigo Villacorda." Anang isip niya.

Tumindig ang balahibo ni Amber nang pasadahan ng tingin ang mga lalaki sa larawan. Tantiya niya ay nasa mga fifties na  at Fourties ng mga lalaki roon. Maliban sa isa na sa tantiya niya nasa late twenties o early thirties. Hindi maitatangging magagandang lalaki ang mga ito pero hindi niya maiwasang kilabutan sa ideyang matanda na ang naghahanap ng baby maker.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa pinakabata sa kanila.

Napakakisig ng lalaki. Medyo kulot ang itim nitong buhok. Makapal ang kilay nito at tila  walang emosyon ang kulay kayumanggi nitong mga mata. Aristokrado ang ilong nito at lalo pang pinakisig ng mapula at tila may umbok niyang labi. 

"Katatapos lang yatang makipaglaplapan ng tanders na 'to bago kinunan ang picture." Naisaisip niya.

Muling bumaba ang tingin niya sa larawan ng lalaki. Matipuno ang katawan nito na tila alaga sa gymn.

"Kung ito si Dark, keri na kahit nadidiri ako sa ideya na magkakaroon ako ng sugar Daddy. Gwapo naman at hindi mukhang buntis." Ugong ng isip niya.

Muli niya itong pinakatitigan.

"Well, hindi naman siya mukhang kadiri." Anang isip niya.

"Yan po si sir Ashton, ma'am. Bunso po ng mga Villacorda."

Napakurap-kurap si Amber.

"Hindi po si Dark 'yan?"

"Hindi po."

Tila nanuyo ang lalamunan ni Amber sa narinig Awtomatiko niyang iginala ang paningin sa katabi ng lalaking nagngangalang Ashton.

"Na'san po si Dark Villacorda?" Tanong niya ngunit hindi niya inalis ang tingin sa larawan. 

"Wala po yatang picture dito si si Dark ma'am. Wala po akong maipapakita sa inyo."

Tila naman nakahinga ng maluwag ang dalaga sa narinig dahil ibig sabihin ay mali ang iniisip niya.

"Si sir Dark po ma'am, anak po iyon ng panganay na kapatid ni sir Ashton. Si sir Gabrielle po."

Tumango-tango na lang ang dalaga.

"Gusto niyo bang mag-tour ma'am? Ipapasyal ko po kayo sa loob."

"Naku, huwag na po. Punta na po agad tayo sa orientation."

Tingin niya kasi kapag tumagal pa siya sa loob ng building ay maiihi na siya sa sobrang kaba.

"Sige po. Sumunod po kayo sa'kin."

Nagpatiuna ang lalaki sa paglalakad na siya namang sinundan niya. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Amber nang makarating sila sa tapat ng isang pinto. Tila sunod-sunod at mabilis na tinambol ang dibdib ng dalaga nang itulak ni Warlo ang pintuan.

Medyo nabawasan ang kanyang kaba nang makita niyang walang kahit sinuman sa loob.

May malaki at hugis parihabang mesa sa loob. Mayroon ding higit sa benteng upuan roon. Maaliwalas ang paligid dahil maliwanag at kulay puti ang dingding. 

Humupa ang kaba ng dibdib niya nang makitang hinayaang bukas ni Warlo Guzman ang malaking pintuan. 

"At least madali lang akong makakatakbo kapag nagkaaberya," anang isip ng dalaga.

"Please sit down ma'am." Malapad ang ngiti ng lalaki. Noon din niya napansin ang hawak nitong folder. Nang umupo ito ay umupo na rin si Amber. Pinili niya ang upuang pinakamapit sa pintuan.

Sa harap naman niya nakapwesto si Warlo.

Nang magsimulang buklatin ni Warlo ang folder ay tinipon na ni Amber lahat ng lakas ng loob. 

"Gusto ko pong umatras, sir."

Mabilis na nag-angat ng tingin ang lalaki sa kanya.

"Pero hired na po kayo ma'am. Hindi na po kayo pwedeng umatras. Na-i-anunsyo na rin namin sa lahat ng social media account ng Villacorda na closed na ang application." Banayad ang pagpapaliwanag nito. Napaka-professional at tila hindi man lang nagulat sa sinabi niya.

"Nakikiusap po ako, sir."  Binigyan niya ang lalaki ng sinserong tingin. Nagbabakasali siyang maaawa ito sa kanya.

"Hindi po pwede ang gusto niyo ma'am.  Maliban na lang po kung gusto niyong mag-public apology."

"Sige po." Mabilis na sagot ng dalaga.

"Hindi lang 'yan, ma'am . Kailangan niyo rin mag-compensate."

Napakunot-noo naman si Amber.

"Malaki pong kahihiyan kung aatras kayo. Magbabayad po kayo for moral damages."

Napalunok si Amber. 

"Magkano po?"

"One million, ma'am."

Tila nawalan ng kulay si Amber sa narinig.

 

Namroblema  siya kung saan siya kukuha ng one million sakaling mag-back out siya.

"Hindi po biro ang trabahong inaplayan niyo ma'am. Mahirap din pong banggain si boss."

Hindi umimik si Amber. Tila wala siyang maapuhap na salita.

"Gawin mo na lang siguro ang trabaho mo ma'am para po hindi na po magkaproblema."

Napapaisip tuloy ang dalaga kung susunod na lang siya sa agos kaysa naman gumastos pa siya ng malaking halaga.

"Don't worry po, may medical check up pa  naman. Kapag po hindi kayo pumasa doon, awtomatiko po kayong matatanggal."

Nagpakawala ng mahinang buntong-hininga ang dalaga. Alam niya sa sarili niyang wala siyang sakit. Tila naman nabasa ni Warlo ang nasa isip niya.

"Kung pumasa naman po kayo at after one month ay hindi po kayo nabuntis, bubuksan po namin ulit ang hiring. Ibig sabihin po no'n, wala ka nang obligasyon kay boss."

"Kaya lang po nag-aaral ako, sir."

Umaasa ang dalagang magagamit niyang palusot iyon.

"Wala pong problema doon ma'am. Cover po ng benefits niyo ang education niyo. Hindi po makakasagabal sa studies niyo ang trabaho niyo."

Lalo tuloy nanghina si Amber sa narinig. Anang sarili, wala na talaga siyang kawala sa napasukan niya.

Nawala sa malalim na pag-iisip ang dalaga nang makita niya  ang pag-ilaw ng cellphone ni Warlo na nakapatong sa mesa.

Kinuha naman iyon ng Ginoo, tila may binasa roon. Maya-maya lang ay tumingin ito kay Amber.

"Papunta na po si sir dito, ma'am."

Nanlaki ang mata ni Amber sa narinig.

"Sino po?"

"Si Mr. Villacorda po." 

Tila mawalan ng kulay sa mukha si Amber sa narinig. Naramdaman din niya ang pamamawis  ng kanyang noo.

"Gusto ka raw po niyang makita."

Mabilis na napatayo si Amber dahil sa tinuran ng kaharap.

Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Ilang sandali lang narinig niya ang yapak na tila papalapit.

At bago pa niya malaman kung sino ang pumasok ay tila kinain na siya ng labis na kaba. Hindi na siya nakabawi hanggang sa tuluyan nang nanlabo ang kanyang paningin

Naramdam niyang bumagsak  ang katawan niya sa isang matigas na bagay. Ngunit himalang hindi siya nasaktan. Pinilit niyang buksan ang kanyang mata ngunit blurred na imahe ng lalaki ang kanyang nakita.

Kumurap-kurap siya upang luminaw ang nakikita.

Ngunit lalo lang siyang nakaramdam ng pagkahilo. Gayunpaman   bago siya tuluyang mawalan ng malay tao, narinig niya ang isang panlalaking tinig.

"You're mine now, baby." 

Comments (4)
goodnovel comment avatar
amvernheart
Salamuch bhe
goodnovel comment avatar
pring ogra
Thank you so much bhe
goodnovel comment avatar
Athena Mancol
ang ganda!!!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Little Trophy    Chapter 2

    Nagising si Amber na tila galing sa isang masarap na pagtulog. Payapa ang kanyang pakiramdam. Feeling niya ay punong-puno siya ng enerhiya. "It's a beautiful morning." Nag-inat siya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi niya. Ngunit mabilis ding nabura ang liwanag sa mukha ng dalaga nang matanto niyang nasa estrangherong lugar siya. "Nasa'n ako?" Ang huli niyang naalala ay nasa loob siya ng gusali ng kompanya ng mga Villacorda. Naaalala rin niyang nawalan siya ng malay at may may lalaking sumalo sa kanya. Awtomatiko niyang iginala ang paningin sa paligid. Kulay puti ang pintura ng dingding. Mayroon ding floor to ceiling glass wall na nababalutan ng kulay moss green na kurtina. Queen size ang malambot na kama na kulay moss green ang headboard. Walang masyadong laman na furnitures sa paligid maliban sa magkabilaang bedside table at table good for two na nakapwesto malapit sa dalawang parihabang hanging bookselves. Wala ring kahit anong nakasabit sa pader maliban sa kulay moss gr

    Last Updated : 2021-11-22
  • My Little Trophy    Chapter 3

    Sinungaling na. Ghoster pa. Iyan ang tingin ni Amber kay Dark Indigo. Matapos kasi ang dinner nila ay hindi na niya muling nakita ang binata. Ang balita niya kay Warlo Guzman ay nagpunta ang lalaki sa Europe dahil sa negosyo. Gaya ng sabi ng lalaki, kinabukasan ng dinner nila ay may dumating na mga damit na gawa pa mismo ng mga designers. Sa dami ay pwede na siyang magtayo ng clothing store. Marami ring footwear na pawang flat shoes at flat sandals. May inatasan ring personal maid para sa kanya ang lalaki. Kahit papaano naman ay hindi siya nabagot dahil naging kasundo naman niya si Dindi. Araw-araw din ay may natatanggap siyang bouquet ng bulaklak at kung anu-anong regalo mula sa binata. Ngunit hindi naging sapat iyon para hindi magalit si Amber. Hindi kasi tumupad ang lalaki sa pangako nitong papasok pa rin siya sa unibersidad na pinapasukan niya. Mayroong dumating na tatlong tutor pero sa sobrang inis niya kay Dark Indigo ay hindi niya hinarap ang kahit sino sa kanila k

    Last Updated : 2021-11-26
  • My Little Trophy    Chapter 4.1

    Mula sa kaharap niyang laptop ay mataman niyang pinanood ang napakaamong mukha ng dalagang si Amber. Kitang-kita niya ang pagsilay ng pilit na ngiti sa labi nito habang kausap niya sina Warlo at Dindi. Kapansin-pansin rin ang pamumugto ng singkit nitong mga mata. Balita rin niya ay hindi nito ginalaw ang kanyang agahan. Masakit iyon sa loob niya, ang isiping galing ang babae sa pag-iyak ay parang nadudurog ang puso niya. Ang isiping nahihirapan ito ay parang ikamamatay niya. "Amber." Anas niya habang masuyong nakatitig sa mukha ng dalagang nasa screen ng laptop. Tila may sariling isip ang kanyang kamay na umangat at kusang humaplos sa screen ng laptop. Itinapat na iyon sa mismong tapat ng pisngi ng dalaga. "My beloved Amber, I'm so sorry." Masuyo niya itong tinitigan na para bang kaharap niya mismo. Kitang-kita rin ang pagsisisi sa kanyang mga mata. "I'm really sorry." Naramdaman niya ang pamimigat ng dibdib at ang paghapdi ng kanyang mga mata. Hindi niya iyon sinasadya. Natan

    Last Updated : 2021-12-09
  • My Little Trophy    Chapter 4.2

    Hindi maiwasang kilabutan ni Amber nang makita ang pinagdalhan sa kanya ni Tadeo Miguero. Matapos silang bumaba sa taxi ay sumakay sila sa tricycle. Tumigil sila nang marating nila ang makipot na eskinita. Naglakad na lang sila papasok dahil hindi makadaan ang tricycle sa kipot ng daan. Dagdag pang ang daming tambay sa gilid ng mga dikit-dikit na bahay. "Hoy, Tado! Remind ko lang sa'yo ah! Black belter ako!" Pinandilatan niya ang lalaki. Pilit siyang nagtapang-tapangan. Ngunit sa totoo lang ay parang gusto na niyang umatras at tumakbo palayo sa lugar. "Huwag kang mapraning, Miss. Safe ka dito. Hindi ka gagalawin ng mga 'yan. Sagot kita." Puno ng kayabangan na turan ni Tado. "Siguraduhin mo lang 'yan! Baka hindi mo alam, may kamag-anak akong mafia boss." Pagbabanta niya sa lalaki. Natawa naman si Tado sa tinuran ng babae. "Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? May sinasanto akong batas. Ayoko pang ma-tsugi, Miss." Hindi na lang umimik si Amber. Hiling niya sa isip, sana hindi siya nagka

    Last Updated : 2021-12-09
  • My Little Trophy    Chapter 5.1

    "Mama! Mama! Gising na!" Naalimpungatan si Amber dahil sa magaang sampal sa kanyang pisngi. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang tatlong taong gulang na batang lalaki. Comb over fade ang istilo ng gupit nito. Manipis lang ang itim na itim na buhok ng bata. Makinis at maputi ang balat nito. Unang tingin pa lang ay mahuhulaan na agad kung saang angkan ito kabilang dahil sa kulay kayumanggi nitong mga mata. Anang sarili, kaygaling rin ni Dark Indigo, isa siyang walastik sharp shooter. Kung mayroon man siyang pinagpapasalamat sa nangyari, iyon ay ang pagdating ni Hyde sa buhay niya. Galit siya sa ginawang pananamantala sa kanya ngunit kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa bata. Para sa kanya ay isang biyaya ang pagdating ni Hyde. Ito ang kanyang lakas, ito ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Inaantok pa rin ang kanyang diwa. "Tulog muna tayo baby tutal day off ko naman." Naramdaman niya ang paghi

    Last Updated : 2021-12-10
  • My Little Trophy    Chapter 5.2

    Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Mula nang magsimula ang biyahe ay hindi na siya kinibo ni Amber. Ni hindi rin siya nito tinapunan ng tingin. Nang makaidlip ang bata habang nasa biyahe ay pumikit rin ang babae. Ngunit ramdam naman niyang gising ito. Ilang beses niyang sinubukang kausapin si Amber pero hindi naman siya nito pinapansin. Nang makarating sila sa mansiyon ng mga Villacorda ay saka lamang nagmulat ng mata ang dalaga. Nang buksan ng tauhan niya ang Van ay kaagad na bumaba ang babae habang karga nito ang bata. Ni hindi man lang siya nilingon nito. Kahit papaano ay nabawasan ang mabigat na dinadamdam ni Amber nang salubungin sila ni Dindi. Makikita ang labis na galak sa katulong dahil sa malawak na ngiti nito. "Ito na ba ang bagong young master?Tulungan na kita, ma'am." Hindi na umalma si Amber nang kunin sa kanya ni Dindi ang bata. Sa totoo lang ay kanina pa siya nangangalay. "Tara na sa kwarto niyo ma'am." Kaagad siyang sumunod sa katulong nang humakbang

    Last Updated : 2021-12-11
  • My Little Trophy    Chapter 6.1

    "Let's get married now." Sandali siyang tinitigan ng dalaga. Kitang-kita rin niya kung paano nanlisik ang mga mata nito bago muling humakbang para sundan ang kanyang ina. "Ma!" Kaagad siyang sumunod kay Amber at hinawakan ang kamay nito upang pigilan. "Amber! Huwag mo na siyang sundan, please lang, baka saktan ka lang niya ulit." Marahas naman nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kanya. "Utang na loob, Indigo! Pwede bang pabayaan mo ako!" Muli itong humakbang pero mabilis niya itong hinarangan sa daraanan niya. "Amber, I am just concern to you." Itinulak siya nito sa kanyang dibdib pero hindi naman niya ininda iyon. "Kung totoong concern ka, hayaan mo akong sundan si mama. At please lang, huwag ka ring sumunod. Hayaan mong makausap ko ang magulang ko." Marahas niya itong binangga sa balikat at saka siya nilampasan. Napabuntong-hininga na lang niyang sinundan ang babae. "Pero hindi ko naman makakayang pabayaan ka na lang, Amber. Baka saktan ka nila." Muli siyan

    Last Updated : 2021-12-12
  • My Little Trophy    Chapter 6.2

    Nang lumabas ng banyo si Amber ay tanging si Indigo na lang ang nadatnan niya sa loob ng silid. May kausap ito sa telepono ngunit kaagad rin itong nagpaalam sa kausap nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Anang isip ng dalaga, mabuti na lang pala at naisip niyang sa loob na lang ng banyo magbihis. Pinili niyang isuot ang isang kulay dark blue na wrap around dress na hanggang tuhod ang haba. Awtomatikong lumingon sa kanya si Indigo. Nang magsimula siyang humakbang ay sinundan siya nito ng tingin ngunit hindi niya ito pinansin. Sa halip ay dumeretso siya sa harap ng vanity mirror at pinanood ang kanyang sariling repleksyon habang nagpupunas ng buhok. Sandaling namayani ang katahimikan. Nang hindi na nakatiis ang lalaki ay tumikhim ito upang kunin ang kanyang atensiyon. "Gamutin natin 'yang sugat mo, Amber." "Hindi na kailangang gamutin 'to. Maliit na gasgas lang 'to." Malamig na turan niya. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Sa halip ay sinuklay nito ang buhok niyang h

    Last Updated : 2021-12-12

Latest chapter

  • My Little Trophy    Special Chapter- The untold meeting of Ashton and Hyde

    Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p

  • My Little Trophy    Epilogue

    Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum

  • My Little Trophy    Chapter 48.3

    Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n

  • My Little Trophy    Chapter 48.2

    Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak

  • My Little Trophy    Chapter 48.1

    Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n

  • My Little Trophy    Chapter 47.2

    Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap

  • My Little Trophy    Chapter 47.1

    "Ayos ka lang ba, sir? Untag sa kanya ng imbestigador nang mapansin nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noon matapos nitong mabasa ang natanggap na mensahe. "I'm fine. Nasa'n na nga tayo?" Pinilit niyang itago ang kanyang pagkabalisa. "Tungkol po sa posibleng matibo ni Dendilyn Tuca." Noon na naaalala ni Ashton ang inilapag niyang papeles sa ibabaw ng mesa. Awtomatiko niyang dinampot iyon at pinasadahan ng tingin. Isa iyong pulis record sa nangyaring pananaksak sa kanya noon. Hindi niya naiwasan ang mapakunot-noo nang mapasadahan niya ang family background ng sumaksak sa kanya noon. Kumabog ang kanyang dibdib nang maisip niya ang kaugnayan ng mga ito kay Dindi. "Maaari pong naghihinganti si Dendilyn kaya niya po dinukot ang iyong asawa." Lalo namang lumalim ang gitla sa noo ni Ashton. "Paghihiganti? Sila ang may atraso sa akin, detective." Hindi umimik ang imbestigador ngunit inilapag nito ang cellphone nito

  • My Little Trophy    Chapter 46.2

    Nagising ang diwa ni Rigo dahil sa pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa kanyang katawan."Gising na!" Marahas na sigaw ng isang lalaki.Nang igala niya ang kanyang paningin ay natagpuan ng kanyang mga mata ang kapatid niyang si Dencio na nakatali paitaas ang kamay katulad niya. Kitang-kita rin niyang gaya niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig."Gising na! Nandito na si Big boss!"Maya-maya pa ay tumunog ang pagbukas ng lumang pintuan. Bumungad kay Rigo ang pagpasok ng makintab na sa sapatos. Nang itaas niya ang kanyang tingin ay nakita niyang ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit. Medyo kulubot na ang balat, naglalaro sa singkwenta ang edad nito. Hitsura pa lamang nito ay makikita nang nagmula ito sa mayamang pamilya. Patunay roon ang suot niyang gintong relo at singsing."Sila ba ang mga pangahas na nanakit sa anak ko?" Diretso ang matalim na titig nito sa kanila. Para itong leon na anumang oras ay susugurin sila at lalapain.&nb

  • My Little Trophy    Chapter 46.1

    Flash back... Ten years ago... "Kuya Rigo, sigurado ka ba sa gagawin natin?" Hindi naiwasan ni Dencio ang paglabas ng butil-butil niyang pawis sa kanyang noo. Sandali namang siyang binalingan ng kanyang kuya Rigo na kasabay niyang naglalakad. "Ito na lang ang paraan para ipagamot natin si bunsoy." Gumuhit naman ang pag-aalinlangan sa mukha ni Dencio. "Baka may iba pang paraan, Kuya." "Magpakapraktikal tayo, Dencio. Ito ang pinakamabilis na paraan." Napabuntong-hininga siya sa determinasyon ng kanyang kuya. "Kutsilyo lang ang meron tayo, Kuya. Paano tayo manghoholdap ng bangko kung ito lang ang armas natin?" Ngunit hindi siya tinapunan ng tingin ni Rigo. Sa halip ay huminto ito sa paglalakad. "Shhhh." Itipat ni Rodrigo ang ang kanyang hintuturo sa sarili niyang bibig. Kaagad namang natahimik si Dencio at agad na sinundan ang tingin ng kanyang nakakatandan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status