Alex Verchan is just an ordinary senior high school student. She has friends and cousins with her in their campus. They are happy. They are always having fun. One day after class, she found a two pair of eyes looking at her. And when she's about to go outside, to ask the person she saw, the girl suddenly ran away. After that day, the girl found to be lifeless. That's when... it all started.
View MoreChapter 9 Alex's POV Habang papunta kila Isla, plinay ko ang music sa kotse, mas maganda kasi iyong may tugtog ka, kaso iba ang narinig ko. Kanta ito ng nakakatakot na background music sa mga pelikulang nakakatakot. Nangamba rin ako nang may nagpadala ng mensahe sa akin sa hindi ko kilalang numero at may voice record pa. Dali dali ko itong pinindot para malaman kung anong laman ng mensaheng ito. "Guro, kamag-aral, gusto ko ng buhay. Ate, kuya gusto ko mamatay kayo. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo. Isa, dalawa... hindi lang dalawa ang mamatay sa inyo!" Nang pakinggan ko ito ay biglang nagsitaasan ang balahibo ko, kaya naman inihinto ko din sa gilid ang sasakyan ko, that scares the shit out of me.
Chapter 8: GroupAlex's POVPaggising ko ay siyang pagtunog ng cellphone ko. It was ate Shara."Hello, Ate Shara?""Oh, Alex! Asan ka na? Napansin kong kanina pa andito ang ilan sa mga member ng club niyo. Baka mainip sila dito, iwanan ka," pagbibiro niya."Ay, ganon po ba ate. Sige po, salamat sa pagpapa-alala.""Yes, anytime," mabait niyang saad.Nauna naman akong nagpaalam para makapaghanda na kaya ibinaba na rin niya ang tawag.Ipinaalala niya rin ang napag-usapan namin noong meeting President
Chapter 7: Rumor Alex's POV Tatlong oras na kami na nandito pero hindi pa rin nagigising si Yva at ang mga boys ay pinauna na naming pinakain pagkatapos nilang tignan ang pinangyarihan. Kapag nagising na si Yva saka kami mag-uusap usap nang sa ganoon ay maipagkonekta namin ang mga nalalaman ng mga lalaki at ni Yva. Wala kaming ginawa sa maghapon dulot ng insidente. Maagang pinauwi ang mga mag-aaral at pansamantalang sinuspinde ang klase sa hapon. Tsansa para makapag-imbestiga sa mga pangyayari. Narito na rin si Kiara pero si Basty ay hindi ko pa nakikita. "Kilala niyo ba si Grim?" Tanong ni Kiara nang mabalot kami ng ka
Chapter 6: Hangandrew Someone's POV "Tanga ka rin ano?" "Anong kasalanan ko sa'yo?" Nahihirapan na tanong niya sa akin. Kailangan mo pa bang tanungin yan? Kung sabagay hindi mo talaga maalala, Andrew. Dahil wala ka namang pake sa akin. "Marami." Sagot ko habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay. "Tulad ng? Dahil kahit kailan wala akong inaapakang tao!" Nagtataka niyang tanong. "What a great actor! Bravo! Isa sa mga nambully? Naging kalaban ko sa academics na binayaran ang guro para ikaw ang mag top 1! Ano, w
Chapter 5: Yva Alex's POV Bilis lumipas ng araw. Ikatlong araw na magmula ng mamatay si Queenex at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pag-iimbestiga ang mga pulisya. Hindi ko pa rin malimutan ang nakita ko sa last cubicle. Lalo na ang pagtingin niya sa akin. Gayumpaman, nagpatuloy ako. Gusto ko mang kalimutan ang insidente ay hinayaan ko ang oras na gawin iyon para sa akin. I might not be able to move on now, but I will in the future. Tumulong ako sa kaso ni Queenex. Nakipag-ugnayan ako sa mga lalaking nakaitim. "Sige, maari ka ng makabalik ng inyong eskwelahan. Officer Hector will accompany you..." Sa
Chapter 4: Free Yourself Alex's POV Andaming nangyayaring kung ano ano ngayon, hindi ko na alam kung kaya ko pang pumasok sa paaralan kung ganito lang din naman ang mangyayari. Hindi ko alam kung baka mamaya, ako na. Ako na ang isusunod ng taong iyon. "Alex! Alex! Alex!" Sigaw sa akin ni Kuya Andre ng tumatakbo at namumuo ang pawis sa noo. Hinihingal pa ito nang makarating na sa kinaroroonan ko. Hinila niya ang kamay ko at mahigpit na niyakap. "Alex, come to your senses," he said calmly as if he were trying to sing me a lullaby. "What did you see there?" tanong
Chapter 3 Alex’s POV Lumipas ang mga araw at mabuti naman na wala ng sumunod na pangyayari pagkatapos ng insidente na iyon. Ang bawat isa ay naging ayos na rin ang pakiramdam dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan na they got our back, no matter what happens. Right, what are friends are for nga naman diba? Balik sa dati ang lahat na akala mo naman hindi kami hinabol ni kamatayan tatlong araw lang makalipas ang pangyayari, ang iba pa naming mga kasama noong una ay takot ng mag-joyride dulot ng insidente na iyon. At nakakabwisit dahil hindi pa rin namin alam kung sino ang nasa likod noon, maging ang babaeng nakatingin sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa school ground nang may nakasalubong akong lalaki at huminto sa harapan ko. “Are you A-alex?” Tanong ng isang lalaki na mukhang baguhan lang dito sa school dahil hindi ko ito naki
Chapter 2: DieAndre’s POVNaglakad ako sa maingay na hallway nang makita ko si Alex. Iwinagayway ko ang kamay ko sa kanya hawak ang horror mask ko ngunit hindi niya ako napansin. Nabili ko ang mask na ito kahapon nang maglaro kami nila Basty at Tristan sa labas, naiwan ko kasi sa bag ko kaya ilalagay ko na lang din sa locker ko para hindi sagabal sa loob ng bag. Kakailangan ko rin ‘to kung may mga events na sa Halloween. Pero mas kailangan kapag mang-tri-trip. Natawa ako sa iniisip ko.Mukhang napakalalim ng iniisip niya kaya hindi niya ako nakita. Natatakpan siya ng mga taong dumadaan pero kahit maliit ang mukha ni Alex ay kitang kita ko pa rin ang ekspresyon niya.Nang makita ko ang kamay ko, agad gumana ang pagka-gago ko. This time, I am sure you will notice me, little sister. Napangiti ako sa iniisip ko.Sinundan ko siya hanggang sa makapunta siya sa locker niya.
Chapter 1: CreepyAlex’s POVNapakabilis talaga ng araw, akalain mo nga naman pangalawang buwan na ito ng school year. Hindi namin namamalayan baka mamaya ay March na at recognition na.Pagka-ring agad ng bell ay tinawag na ako agad nina Isla at Celestine palabas dahil andun na daw sa usual na tambayan ang barkada. Sa golden circle. Bukod kasi sa ma-puno at malamig ang simoy ng hangin doon sa parte ng eskwelahan na iyon, medyo pribado rin doon at marami ang nakakalat na bench para maupuan. Minsan lang ang may tumambay kaya naman doon na kami madalas.Pagpunta nga namin doon, naroon na si Yva na nakaupo habang kumakain ng chichirya. Sa tabi niya ay si Rench na abalang-abala sa cellphone, habang nasa may puno naman si Bryle at natutulog. Kawawa naman ang isang ‘to, pinagkasya ang sarili niya sa sangay ng puno.Siya ang pinakamatangkad sa mga lalaki na sinundan ni
Nabuo ang barkadang hindi ko inaasahan.Hindi naman talaga kami malalapit na magpipinsan simula pa lang. Wala kina Tristan, Rench, Yva, at Celestine ang malapit na pinsan ko noon. Tanging ang nakatatanda kong kapatid na si Kuya Andre ang kasama ko sa lahat. Siguro dahil ako ay madalas na nakakulong sa kuwarto at ayaw sa mga madla. Isa kasi iyon sa mga pinaka-kinatatakutan ko.Sadyang naging malapit lang kaming magpipinsan nang maging high school na ako dahil iisa kami ng eskwelahang pinapasukan. Wala naman akong kilala noon kaya kanila Kuya ako madalas sumabay kasama ang ibang pinsan namin. Mula noon madalas na kami lumabas, madalas din na magkasiyahan.Dahil sa isang eskwelahan lang kami pumapasok, nagkaroon din kami ng ibang kaibigan. Doon namin nakilala sina Bryle, Isla at Kiara. Habang si Basty ay kababata naming magpi-pinsan.Mas lalo pa kaming naging malapit nang mawal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments