Disorder (Tagalog)

Disorder (Tagalog)

last updateLast Updated : 2022-05-15
By:  Thrinine  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.5
4 ratings. 4 reviews
32Chapters
18.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

| PSYCHOLOGICAL THRILLER FILIPINO NOVEL | Selene, a 19-year-old Psychology student, was diagnosed with schizophrenia—a chronic brain disorder which causes delusions and hallucinations. She refused to accept this fact, believing she’s perfectly fine. It was too late when she figured out the truth: it was a misdiagnosis. It was not that disorder that led her to kill her schoolmates and her father.

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

IKATLONG TAUHAN TUMANGHAL sa mga labi ng anim na taong gulang na batang babae ang ngiting tagumpay. Maliwanag, at bakas ang pagiging dalisay roon. Kabubukas niya pa lamang sa laruan niyang bahay ng manika, iyon ay handog sa kanya ng kanyang ama. Kulang na lamang ay magbunyi ang kanyang mga mata sa nakikita. Bukod sa kumpleto iyon sa mga kagamitan, mas ikinagalak ng kanyang puso ang diwang iyon ang kauna-unahang regalong natanggap niya. Inabot ng kanyang bulilit na mga kamay ang minyaturang laki ng babaeng manika na kasinglaki ng kanyang hinliliit; sinimulan niyang palibutin iyon sa laruang dalawang palapag na pamamahay. Kanyang inaawit ang paborito niyang tugmaang pambata na ‘Twinkle, Twinkle, Little Star’, ’di pa rin mawala-wala ang pagkapaskil ng maliwanag na kurba sa kanyang mga labi. [ tugmaang pambata - nursery rhyme ] Napabalin

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
astralence
prologue rating 10/10. so intense and disturbing. takot factor din ang narration na ginamitan ng malalim na tagalog.
2022-04-06 18:29:51
1
user avatar
breathe.shaiy
hi, Klar! grabeng narration. nakakadugo ng utak. ang galing......
2021-11-04 15:56:03
3
user avatar
Cj Oliverio
finally. nakita kona.
2021-09-11 00:25:27
6
default avatar
Aldrin
Bagong babasahan
2021-11-03 15:20:58
1
32 Chapters

Prologue

IKATLONG TAUHAN TUMANGHAL sa mga labi ng anim na taong gulang na batang babae ang ngiting tagumpay. Maliwanag, at bakas ang pagiging dalisay roon. Kabubukas niya pa lamang sa laruan niyang bahay ng manika, iyon ay handog sa kanya ng kanyang ama. Kulang na lamang ay magbunyi ang kanyang mga mata sa nakikita. Bukod sa kumpleto iyon sa mga kagamitan, mas ikinagalak ng kanyang puso ang diwang iyon ang kauna-unahang regalong natanggap niya. Inabot ng kanyang bulilit na mga kamay ang minyaturang laki ng babaeng manika na kasinglaki ng kanyang hinliliit; sinimulan niyang palibutin iyon sa laruang dalawang palapag na pamamahay. Kanyang inaawit ang paborito niyang tugmaang pambata na ‘Twinkle, Twinkle, Little Star’, ’di pa rin mawala-wala ang pagkapaskil ng maliwanag na kurba sa kanyang mga labi. [ tugmaang pambata - nursery rhyme ] Napabalin
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 1

IKATLONG TAUHAN“Selene” INGAY ng ambulansya. Napatakip siya sa kanyang tainga sa labis na pagkairita: kailanma’y hindi niya magugustuhan ang alingawngaw niyon. Halos lahat ng estudyanteng nasa paligid ay huminto . . . subalit nagpatuloy rin sa kanya-kanyang ginagawa. Hindi na bago ang ingay na iyon sa kanilang lungsod. Apat na beses kada linggo? Araw-araw? May mga pagkakataon pa nga’y dala-dalawang aksidente bawat araw. Nakababahala man, nasanay na lamang din ang kanilang mga pandinig sa t’wing may nababalitang aksidente. Napatanaw siya sa kalangitan. Sumalubong sa kanyang mga mata ang pangalan ng kanilang paaralan, ‘University of Xanadu’, na nakalilok sa itaas na bahagi ng tarangkahan ng eskuwelahan. Sa kabila ng lumalamang na dilim sa pinag
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 2

IKATLONG TAUHAN“Selene” ISANG linggo na ang nagdaan. Isang linggong walang tumatawag na ‘anak’ sa kanya. Isang linggo na rin ang nakararaan magmula noong masalpok ang kanyang ama ng ambulansya. Walang saysay. Walang kabuluhan. Mistulang walang hanging sumisirkulo sa kanyang katawan. Nagmistula siyang bangkay. Nakahiga ang kanyang katawan sa malamig na sahig sa gawing kanan ng kanyang higaan: walang imik, walang isinasambit. Nagdaan ang isang linggong iyon na nagmumukmok lamang siya sa puwestong iyon: tanging lugar na siyang kanyang naapakan. Parang tinakasan ng lakas ang kanyang mga paa’t namamaga ang kanyang mga talampakan. Nanatiling ’di nagagalaw ang kama niyang nasa maayos pang lagay. Tanging gilid lama
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 3

IKATLONG TAUHAN“Selene” TUNOG ng kampana. Kagalakang bakas sa mukha ng kanyang mga kaklase. Buntonghininga mula sa kanilang guro. Katatapos pa lamang ng kanyang huling klase para sa umaga. Nagmamadali niyang inayos ang kanyang mga gamit at isinilid ang mga iyon sa kanyang bag. Isinukbit niya ang sintas sa kanyang balikat bago tumayo. Sinundan lamang ng kanyang mga mata ang paglisan ng pigura ng kanyang mga kaklase mula sa pintuan. Hinintay niya munang siya na lamang ang matira bago lumabas ng kanilang silid-aralan. Dinalo niya ang hagdanan subalit siya’y napatigil nang sumilay sa bukana ng kanyang mga mata ang paligid. Pinagmasdan niya iyon. Marka ng nalalapit na selebrasyong gaganapin sa kanilang paaralan ang kaaya-aya at m
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 4

IKATLONG TAUHAN“Selene” NAPAIHIP ng hangin. Napahilot sa sentido. Nagbuntonghininga. Pinulot niya ang panulat na nakapatong sa kanyang armchair at nagsimula nang muli sa pagsagot. Subalit . . . blangko pa rin ang kanyang isip. Wala pa ring pumapasok na kahit anong detalye sa kanyang utak. Sigurado siyang pinag-aralan niya ang paksang siyang tinatalakay sa kanilang pagsusulit ngayon. Kahit nga ang pagsasaulo ay ginawa na niya kagabi’t kaninang umaga kaya’t lubos siyang nadismayang kahit isang salita’y walang sumasagi sa kanyang isipan. Lubos na dumagdag pa sa kanyang mga iniisip ang naging away ng dalawa niyang kaibigan noong nakaraang araw. Tatlong magkakasunod na araw lumiban sa klase si Lickesia. Tatlong
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5.1

IKATLONG TAUHAN“Selene” KATAHIMIKAN. Masyadong tahimik. Nakabibingi. Nakaaabala. Ayaw niya ng ganito. Dahil tanging paghinga niya’t malakas na pagkabog ng dibdib ang kanyang nauulinigan. Nanunumbalik sa kanya ang mga pagkakataong pagharap at pagkausap niya sa sarili sa harap ng kanyang salamin. Mga pagkakataong nananatili siyang gising sa gabi upang pakiramdaman ang katahimikan ng kanyang silid. Mga pagkakataong nananatili siyang tago sa pamamagitan ng nakapaligid sa kanyang makakapal na mga pinid. Mga pagkakataong naging mag-isa siya’t walang kasama. Dumaan ang mga taong halos matuyo ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa tuwing sinusubukan niyang magsalita’y parang pumu
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 5.2

IKATLONG TAUHAN“Selene” HINDI niya alam kung ano ang dapat niyang isagot kaya nanatili siyang tahimik. Iniwas niya na rin ang kanyang tingin sa mga mata nitong puno ng pinagsama-samang mga emosyon. Awa. Pangamba. Takot. At hilakbot. Narinig niya ang pagtikhim nito bago ito muling magsalita. “Papayagan kitang makausap siya. Just maintain a distance from her, alam mo kung ano ang nangyari kanina. Hintayin mo lamang ang paggising niya,” saad nito. Muli siyang tumango bilang tugon dito. Naramdaman niya ang mahinang pagtapik nito sa kanyang balikat bago ito tuluyang lumabas ng silid at sinundan ang iba pang mga doktor. Iginala niya ang kanyang paningin. Nang makasigurong wala na ngang iba pang tao sa paligid ay dumiretso siya sa
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6.1

IKATLONG TAUHAN“Selene”NAKATULALA.Nakatanod ang paningin sa kawalan.Nakaupo sa sulok habang yakap-yakap ang mga binti’t nakatukod ang baba sa tuhod ang kanyang posisyon.Mugto ang mga mata.Nakaratay ang mga luha sa magkabilang pisngi na natuyo na.At ’gaya noon, nakaupo muli siya sa dako ng kanyang higaan.Ang mga sulok niyon ang siyang nagpapadama sa kanya na siya’y ligtas—hindi mula sa ibang tao kung hindi ay mula sa mismong mga kamay niya.Hindi niya lubos maintindihan ang sarili.Nakalilito.Nakapagpapabagabag.Ang huli niyang naalala bago niya nadatnan ang kanyang sarili hawak-hawak ang bituka ni Lickesia ay ang nakita niya itong may nakatarak na kutsily
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 6.2

IKATLONG TAUHAN“Selene”MABAGAL siyang tumango rito bago ngumiti na rin; ganoon din ang ginawa ng kanyang ina bago ito naunang maupo sa sopa na dati nang inupuan nito.“Alma.”Napasinghap siya nang makitang halos takasan ng kaluluwa ang doktora nang banggitin ng kanyang ina ang pangalan nito. Namumutla’t wari’y sinusubukan lamang na pigilan ang sariling manlaki ang mga mata.Marahan siyang napapikit nang umalingawngaw sa kanyang tainga ang nakaiiritang tunog ng marahas na pagdulas ng mga paa ng bangko sa sahig.Hindi niya matalastas kung bakit ganoon ito kung tumugon sa kanila.Nagmamadali.’Di mapakali.“Y-Yes.” Pinagmasdan niya lamang itong lumapit at akayin siya tungo sa silid—lugar na
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

Chapter 7.1

IKATLONG TAUHAN“Raziel”GINAW.Kagat.Nakikisama ang nginig.Banayad na kanyang kinakatkat ang kuko at balat sa gilid ng kanyang mga daliri sa labis na kabang nararamdaman.“Here’s the result of your past examination.”Sinundan niya ng tingin ang kanyang kaklase na siyang inutusan ng kanilang propesor upang ipamigay ang kanilang mga papel.Bawat hakbang nito palapit sa kanyang kinauupuan ay lalong paglakas ng tibok ng kanyang puso. Wari’y ilang sandali na lamang ay tatalon iyon at bubulwak mula sa kanyang dibdib.Napasinghap na lamang siya nang tuluyang tumapat sa kanya ang braso nitong bitbit ang tumpok.Panahon na upang malaman ang nakuha niyang marka.Kaagad
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status