Inabutan ko na mag-isa at abalang nagsusulat ang guro na nakahuli ng atensyon ko. Hinila ko ang necktie niya atsaka nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bigla ko siyang hinalikan sa labi… matamis iyon ang una kong naisip. “What do you think you're doing, Ms. Faunteen?! Get out in my office!” “Marking my special toy, Mr. Dereux.” Kumindat ako na siyang lalong ikinausok ng matangos niyang ilong. Tumayo siya at binuhat ako palabas ng pinto ng office niya. Pagkatapos ay marahas niya akong pinagsarhan ng pinto. Shit! Bakit ganun?! Ako ang nang-aakit pero bakit parang ako pa ang naakit? How dare him ignore and blatantly reject my near Aphrodite-beauty?!
View MoreAng natatandaan ko ay pinagpupustahan lang namin si sir. Max… paanong nauwi sa totohanan ang paghahabol ko sa kanya?
Isa pa ako ang nang-aakit pero bakit ako ang naakit?
Anong katangahan ang nangyayari sa buhay ko?
--------------------------------
Sa punto d’ bista ni Merliah.
------------------
Nandito ako sa garden at hinihintay ang pagdating ng haliparot ko na bestfriend, si Lorelei. Ayun, tambay lang atsaka kwentuhan unti, more or less, panlalait lang sa mga school mate namin na hindi namin feel.
Binuksan ko ang laptop atsaka tinipa ang pangalan ni Maximillan. Lumabas ang account niya pero naka-private, shuta naman. Napakaarte ng isang iyon kala mo naman importanteng tao…. Arrrgghhh paano ko titingnan ang profile niya?
“Hoyyy, ay pota nang-sstalk ka na pala ngayon ah,” buyo ng bagong dating na si Lore. “Ikaw ah, kunwari ka pa, crush mo naman pala si dean.”
“Crush my foot! Punyeta ka huwag mo ngang mabanggit sa akin na crush ko ang depunggal na iyon.”
“Sige nga, bakit mo ini-stalk kung hindi mo crush?”
Hindi ko alam na ang ibig sabihin ng pags-stalk sa profile ay automatic na may crush ka na sa tao. Sinong pakarat na bobo ang nagpauso nun?
“Excuse me, tinitingnan ko lang ang profile niya para malaman ko kung anong klaseng tao siya or kung may magagamit ako against sa kanya. Hindi mo ba alam na dapat keep your enemy closer,” sagot ko naman sa kanya.
“Hindi mo siya crush? Sure ka, teh?” ani Lore habang nakangisi sabay pinasayaw niya ang kilay niya.
“Isa! Hindi nga sabi. Galit ako sa mukhang paa na iyon. Ang kapal ng mukha niyang pahiyain ako palibahasa baguhan kaya hindi alam kung sino ang dapat na iwasan niya.”
Nagsimula ang lahat nang makilala ko ang supladong guro na si Maximillan Suarez Dereux. Siya lang naman ang bagong Dean ng college namin. Hindi pa naman siya masyadong tanders, bata pa actually 33 pa lang siya, gwapo at ubod ng sungit! Pota siya sarap pilipitin ng leeg.
Naiinis ako sa kanya dahil siya ang kauna-unahang tao na namahiya sa akin sa klase. Pakiramdam ko sasabog ako sa galit that time.
Ganito kasi iyon…
Diritso pasok lang ako sa room dahil nga halos dito na ako sa university na ito lumaki. Sanay at kilala na ako ng mga tao dahil dito ako nag-aral simula’t – sapul. Ang pamilya ko ay maimpluwensya at isa rin sa may pinakamalaking sponsorship sa Elysian dream University.
“Where do you think you’re going… Ms.?”
“Ms. Faunteen,” sagot ko at akmang hihila na ako ng upuan nang bigla niya akong pigilan.
“Get a promissory note first, write your reason for coming 45 minutes late on my 3 hours class. I’m quite sensitive with late comers, late submissions and irresponsible students.” Ang sama ng tingin niya sa akin na para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko.
“Excuse me?” Did I heard him right? Inuutusan niya ang goddess na si Merliah Faunteen?
“I don’t like repeating myself. Late na nga hindi pa nakikinig.”
Say what?! Awatin niyo ako hhambalusin ko ito ng upuan. Naikuyom ko ang kamao ko at for the first time napalabas ako sa klase dahil sa kaartehan ng bagong dean namin, mind you siya rin ang prof ko sa Philippine Constitution. Nakakahiya pinagtitinginan ako ng mga flat-earthers, malamang tinatawanan nila ako. After ko umarte na high and mighty for all these years eh isang hamak na dean lang pala ang tatabla sa akin.
Bwesit tlaga ang isang iyon. Hindi ko naman pwedeng sabihin iyon kila daddy, ako pa ang mapapagalitan dahil para akong bata nagsusumbong sa walang kwentang bagay.
I hate that damn Dean! He is annoying and arrogant, samantalang iyong mga babae naman nagkakandarapang magpapansin sa kanya. Grabe ang admiration nila sa hilaw na iyon, ang sarap bunutin isa-isa ng buhok niyang kulay ginto. Ang sarap ingudngud ng mukha niyang gwapo —este panget! Oo, panget siya, ang panget rin ng ugali niya!
“hoy, tulala ka na riyan teh. Iniisip mo naman iyong crush mo na dean ng college natin ano?”
“Taena. Lore, hindi ka titigil? Ihahampas ko sa iyo itong laptop.”
“Aminin mo na kasi! Ang gwapo niya kaya tapos ang tangkad, tapos ang bango pa. Kaya kung crush mo siya gurl, bad shot ka na agad sa kanya,” ani Lore na animo inaalala ang mukha ni dean.
“Alam mo ikaw ata may crush sa kanya eh. Ipapasa mo pa kalandian mo sa akin ah, grabi ka gurl. Kahit magpustahan pa tayo hinding-hindi ko magugustuhan ang isang iyon. Paiyakin ko pa iyon eh, baka nakalimutan mo kung ilan na ang lalaking pinaiyak ko. I’m sure unting akit ko lang eh bibigay iyang si Dean. Baka magkaawa pa sa akin na huwag ko siyang iwan.” Humagalpak ako nang malakas, tipong hawak ko na ang tiyan ko dahil sumasakit na ito kakatawa.
“Sige nga, tingnan natin iyang yabang mo bestfriend. Bibigyan kita ng 30k, shuta ka isang buwang allowance ko iyan.” Nakapameywang na wika ni Lore.
“Sige deal ah. Makikita mo, I’ll make him wrap around my finger. Tapos iiwanan ko siyang devastated at broken hearted. Makaganti man lang ako sa pamamahiya niya sa akin. Akala niya kung sino siya, hay gigil talaga.”
So, ayun doon nagsimula ang pustahan namin. I was so confident na within a month ay maaakit ko siya… however, parang bakla ang isang iyon at hindi man lang naakit sa karikitan ko. Unconsciously, nagiging obsess ako na maakit siya. Hindi ko sure kung iyon ay dahil hindi ko matanggap na matatalo ako sa pustahang ako ang nagsimula.
O
Baka naman gusto ko talagang makuha ang atensyon niya?
Arrrgghhhh hindi ko na alam…
Ang stupid maderpaking paa ko ay kusang pumunta sa office niya, after ng isang buwan na walang progreso sa pang-aakit ko ay naging impatient ako.
I committed a crazy stunt…
Inabutan ko na mag-isa at abalang nagsusulat ang guro na nakahuli ng atensyon ko. Hinila ko ang necktie niya atsaka nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bigla ko siyang hinalikan sa labi… matamis iyon ang una kong naisip. I caught him off-guard, nakatulala siya… nagbilang ako ng limang segundo at dumating na ang inaasahan kong reaksyon.
“What do you think you’re doing, Ms. Faunteen?! Get out of my office!”
“Marking my special toy, Mr. Dereux.” Kumindat ako na siyang lalong ikinausok ng matangos niyang ilong.
Tumayo siya at binuhat ako palabas ng pinto ng office niya. Pagkatapos ay marahas niya akong pinagsarhan ng pinto. Shit! Bakit ganun?! Ako ang nang-aakit pero bakit parang ako pa ang naakit? Anong klase ng gayuma ba ang ginamit ng bakla na iyon?! How dare him ignore and blatantly reject my near Aphrodite-beauty?! What an imbecile! He simply stamped on my pride!
No, I won’t give up. I make you beg for my love. Mark my word, Dean, Maximillan Dereux.
—-----------------Sa punto d’ bista ni Liah.—--------------------------Right now, we’re looking for potential home, balak sana namin ay iyong malapit lang kila Lore. Unfortunately ay wala nang available na bahay o kahit lote man lang sana. Hindi gusto ni Max anh naunang dalawa na tiningnan namin; one has had a bad view, the other one has small yard and the other one is not in good location. Ito kami ngayon papunta sa huling bahay na titingnan namin, at sana last na dahil pagod na ako, to be honest.“What do you think of this one?” aniya sabay turo sa malaking bahay, may dalawang palapag at maganda ang labas pa lang. May car port na kasya ang apat na sasakyan, mataas ang gate at malaki.
—-------------Sa punto d’ bista ni Maximillan.—-------------------------Mag-isa lamang akong nakatayo sa isang malawak na hardin nang biglang may pumukaw ng atensyon ko. Napalingon ako ng marinig ang tinig na patuloy na tumatawag sa akin na ‘Daddy!’Hindi ko makita ang may-ari ng tinig kaya sinundan ko ang tunog ng mahinang pagtawa.“Come, find me.”Nalilito na ako dahil may bagong tinig na naman ang tumatawag sa akin, paglingon ko sa likod ay may nakatayong batang lalaki.“Daddy, come play with me,” ani
—-------------Sa Punto d’ bista ni Maximillan.—-----------------------Inilapit ko na ang mukha ko sa kanya nang biglang…~tok~tokNapaigik ako sa sakit ng tumama ang likod ko sa sahig dahil bigla akong tinulak ni liah, nahulog tuloy ako sa kama, sinalo ng sahig ang likod ko.“Kuya, alis na kami. Pakibuksan naman po ng passcode,” wika ni Maurice sa kabilang parte ng pintuan ng bedroom namin.Good thing, aalis na pala sila…so… I wonder kung matutuloy pa kasi naman nasira na ang moment namin.
—-------Sa punto d’ bista ni Liah.—-------------Narito sila Lore sa pad namin ngayon para tumambay dahil ito na ang huling araw nila sa condo, lilipat na kasi sila sa nabili nilang bahay.“Sinong kausap mo?” tanong ni Maurice kay lore, paano kasi tawang-tawa ang gaga habang hawak ang cellphone niya.“Ah kausap ko iyong kaklase namin dati ni Liah sa specialized course sa Oxford. Kinukuwento niya kasi iyong may gusto sa akin last year, broken pa rin daw at hinahanap ako sa kanya.”“Tapos?” tanong ni Maurice na nakakunot ang noo at nakasalubong ang kilay.&nb
—---------------Sa punto d bista ni Liah.—-------------------Watching a movie with Max without the fear of getting caught by my fellow students nor his fellow faculty is so rewarding. Hindi namin magawang mag-date in public places before and I didn’t know na ganito kasarap sa feeling.Dati nagbi-binge watching lang kami sa dorm dahil iniiwasan namin na ma-tsismis kami, that time na Dean pa siya at ako naman ay college student pa.Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Max, ang kamay naman niya ay nakaakbay sa akin. Hindi kami mahilig sa romantic movies kaya may halong action ang genre na pinili namin, hindi naman umalma ang kasama namin dahil pareho kami
—---------------- Sa punto d’ bista ni Liah. —---------------- Nakarinig ako ng lagatak ng sandals palapit sa akin, hindi ko ito nilingon at pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa galaw ng ulap mula rito sa garden ng hotel. “What are you doing here? Nagtatampo ka ba dahil imbes na kayo ang ikasal ngayong taon ay naunsyami pa?” Napalingon ako atsaka ngumiti kay mommy. We are never close, pero hindi naman ako galit sa parents ko. Hindi lang talaga kami sobrang close since they are always busy. Kahit na si Maurice na ang nagmamanage ay hindi pa rin namin close ang parents namin, they never reached out at ganoon din naman kami sa kanila. Kapag may espesyal na okasyon lang kam
—-------------Sa punto d’ bista ni Liah.—---------------------“Hoy, anong ginagawa mo diyan?” tinapik-tapik ko si Maurice gamit ang paa ko. Napaangat naman siya ng tingin.“Liah…”“Gabi na, bakit sa labas ka natutulog? Don’t tell me nakalimutan mo ang passcode ng pad niyo? Bakit hindi mo tawagin si Lore?”“Pinalitan niya nga ang passcode at ayaw niya akong papasukin.”Napakamot ako sa ulo ko habang sinusubukang alamin kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Malamang nabwesit na naman si
—-------------Sa punto d’ bista ni Liah.—------------------Nakatayo ako sa malaking salamin ng hotel kung saan gaganapin ang kasal namin. Pumipintig nang malakas ang puso ko habang pinapakinggan ang lagatak ng malaking orasan na nakasabit sa dingding.“This is it, liah. Today you will become Mrs. Dereux,” pabulong ko na wika.Mamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto. Hawak niya ang pinto at nagtataka ako kung bakit hindi siya lumalakad palapit sa akin. Nakatingin lang siya sa akin mula hanggang paa. Kinakabahan ako sa reaksyon niya, hindi siya ang epitome ng lalaking masaya dahil sa wakas dumating na ang araw na matagal naming pinaghandaan.
—--------------------Sa punto d’ bista ni Liah.—-----------------Nagpasya kaming magdate ngayon dahil masyado kaming naging busy these past few days tapos nagkatampuhan pa nga. I think we deserve this date, gusto kong gawin iyong hindi namin nagagawa noong nasa Elysian University pa kami. Gusto kong puntahan iyong mga lugar na hindi namin mapuntahan noon dahil nga hindi namin pwedeng isapubliko ang relasyon namin dati.Una naming pinuntahan iyong playground malapit sa MAUI, iyong lugar kung saan hinalikan ako ni Max malapit sa swing. Kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko iyong patagong moments namin dati.“Hindi ka ba nagsisisi na sinuko
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments