--------------------------------
Sa punto d’ bista ni Merliah.
-----------------------------
“Pssttt… Maurice,” tawag ko sa kanya habang nakasilip sa pinto ng kwarto niya.
“I told you not to call me by my name. Call me brother, where’s your manner? Ano na namang kailangan mo? Liah, nagrereview ako. Pwede ba huwag mo akong istorbohin.”
“Sungit nito. May regla ka gurl? Tsaka anong pinagsasabi mo eh 20 minutes lang tanda mo sa akin.”
“I’m still older than you.”
Close kami ng kambal ko in peculiar way okay. Kahit cold iyan ay napaka-caring niyan. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko kailangan mag-aral ng business related shits dahil sinalo niya ang responsibilidad. Isa dapat sa amin ang magmana ng business at ayun siya ang nagpresinta kapalit ng kalayaan ko sa pagpili ng kurso. Ang gusto niya talaga ay maging doctor, pero hindi na pwede dahil malaki na ang expectation nila daddy sa kanya.
“Whatever.”
“Liah, kung ilalakad mo na naman sa akin si Lore, pwes uunahan na kita. It’s a no.”
Hindi naman iyon ang pinunta ko eh. Poor Lore, AAHAHHAHAH ayaw sa kanya ng kambal ko. Hindi ko sasabihin sa kanya baka ma-hurt iyong bestfriend ko. Tho, hindi naman siya nag-eexpect na ibalik ni Maurice ang feelings niya. Masaya lang siyang maging happily in love sa kambal ko. Isa pa marami namang crush iyong babaitang iyon, I’m sure hindi naman siya siguro seryoso kay Maurice. Nacha-challenge lang siya dahil hindi siya ni-crush back ni kambal. Sabi sa inyo, nakakachallenge talaga kapag iyong crush niyo ay walang pake sa inyo.
Going back, about sa panliligaw ang pinunta ko. Tama na ang tsaa sa lovelife ni kambal at gaga kong bestfriend.
“Luh, wala pa nga akong sinasabi. Tsaka huwag kang mag-alala hindi lang ikaw ang crush ni Lore. Kaya huwag kang harsh sa kanya, komportable lang talaga siya sa iyo since magkababata tayong apat.” Eme ko lang iyon. Kapag kasi pinilit ko na gusto siya ni Lore ay baka maging awkward na sila sa isa’t-isa. Nitong first year college lang sinabi sa akin ni Lore na crush niya si Maurice tapos ay ilakad ko raw siya sakto narinig iyon ni Maurice kaya ending hindi natuloy. Ayun pinipestiiii niya lagi si Maurice pero hindi naman siya nilayuan ni kambal. Kumbaga hinahayaan lang siyang gawin ang gusto niya. Thankfully, hindi sila awkward sa isa’t isa. Ang weird ng friendship ng dalawang iyon kaya hindi ko sila iniintindi, matanda na sila.
“I know,” tipid niyang sagot. Hindi ko alam kung imagination ko lang o talagang nagbago ang mood ni Kambal? “Don’t waste my time, Liah. What do you want to ask?”
“Paano ba manligaw?” direktang tugon ko.
Kumunot ang noo niya sabay tumayo at lumakad palapit sa pinto. “What the heck are you asking, liah? Are you perhaps…”
“Kung iniisip mo na ako ang manliligaw. That’s a big NO. All the boys want me, so why would I do such disgusting thing?” sagot ko na hindi man lang kumukurap.
“Ano bang klaseng tanong iyan? Sino ba iyang duwag na nagtatanong niyan?”
“Random friend from my organization,” anas ko bilang palusot.
“Lalaki ba iyan? Bakit sa babae pa siya nagtatanong?”
“Ibahin ko na lang ang tanong. Kung may manliligaw sa iyo na babae, anong gusto mong gawin ng babae? Since lalaki ka ay curios ako kung anong reaction ng lalaki kapag may nanligaw sa kanila na babae.”
Nilagay niya ang kamay niya sa ibabang baba niya atsaka tumingin sa sahig. “Nothing in particular. Siguro katulad ng ginagawa ni Lore… palagi akong binibisita at kinukulit?”
Wait what? Anong sinasabi nitong kambal ko? Tiningnan ko siya ng may pagdududa. Ang sabi niya hindi niya gusto si Lore pero it turned out na natutuwa siya sa ginagawang pangungulit ni lore…hhmmm.. something's fishy.
“Crush mo si Lore, ano? Aminin mo na hindi ko naman sasabihin sa kanya.”
“How many times do I have to tell you. Hindi ko siya crush, ok? Ginamit ko lang siyang example since siya ang pinakamakulit sa lahat ng babae na may gusto sa akin.”
Sinungaling, namumula ang tenga mo tanga. Anyway, bahala kayo sa lovelife niyo.
“Bumalik ka na nga sa kwarto mo. Mag-aaral na ulit ako.” Sinaraduhan niya ako ng pinto. Anyway, makabalik na nga ng kwarto at nang mapagplanuhan ko ang panliligaw ko kay dean. May tatlong araw pa bago ang klase niya ulit sa amin.
Ano bang maganda?
Bigyan ko siya ng jewelry? Hmmm… kaso makikita nila dad na bumili ako ng men’s item… ekis na iyan
Chocolate kaya? Sa sungit niyang iyon mukhang walang sweets sa katawan ng taong iyon… so, ekis na rin.
Flowers? Psshh I doubt na aalagaan niya if I know ay hahayaan niya lang malanta iyon… ekis din.
Ano ba kasing alam ko sa panliligaw? Sanay ako na akong nililigawan… swerte kaya ni Dean dahil siya ang kauna-unahang lalaki na liligawan ko. Itutulog ko muna ito para naman fresh ako kung makikita ko siya bukas. Magkalapit lang naman ang office ng student council at office niya, so may excuse ako bukas para mapagawi sa office niya.
I need a beauty rest muna…
‘Mahal na reyna na ubod ng ganda gumising ka na!’ Ang ganda ng tunog ng alarm clock ko hindi ba?
Umaga na pala at gumising na naman akong maganda as usual. Tumayo na ako at nagpunta ng babad sa bath tub, may nakalaan na bente minute para sa pagligo ko. Mind you, halos isang oras ako bago pumunta ng school dahil marami pa akong kaek-ekan sa buhay. Hindi pagma-makeup ah, I don’t do that. Matagal lang talaga akong maligo at kumain, pagkatapos ay nagbabasa pa ako ng manhwa.
Pagkatapos maligo ay pumanhik na ako sa hapag at himalang kumpleto kami sa lamesa ngayon. Bakit nandito pa sila sa bahay? Usually, ganitong oras nasa company na si daddy at nasa office of congress naman si mommy.
“How’s school so far?” wika ni daddy.
“Tehee~~ we’re doing good, dad.”
“Liah, I hope you are not having flings again. I will cut your allowance if you messed up. You should behave well, you are carrying Faunteen’s surname. I was able to hide your fling rumors so you better behave like a fine lady.”
Blah…blahh whatever. Kung magkikita kami ay laging iyan ang sinasabi nila pagkatapos ay nakabibinging katahimikan na ulit. Well, hindi kami open at close sa parents namin dahil parati silang busy. Tahasan nilang pinamumukha sa amin ang sobrang taas na expectation nila sa amin. Minsan nakaka-suffocate na. I can’t even date dahil bawal talaga akong exclusive na makipag date sadyang pasaway ako at sinungaling. Kesyo masisira daw ang pag-aaral ko at future ko kung magbo-boyfriend ako nang hindi pa ako nakakatapos sa pag-aaral. You know wala namang connection ang pagbo-boyfriend kasi kung bobo ka eh bobo ka talaga at hindi ang relationship ang dahilan kaya ka babagsak.
“We decided to give you the chance to live independently, now that you are in your 3rd year college. We have procured a simple yet secure dormitory. Maurice will live next to your dorm, Liah. We would summon you here in the mansion if there are private matters to discuss. We would also do a surprise visit, so you should be wary of your conduct and behavior.”
Amen! Hoely heavens grace! Noong first year college pa naming kinukulit sila na payagan kaming mag dorm pero ayaw nilang pumayag. Hindi pera ang dahilan, ang yaman nila dad eh. Yeah, sila ang mayaman at hindi ako dahil hindi ko iyon pera. I wonder bakit sila pumayag… hmmmm. Maybe they realized na matanda na kami at masyado na silang over protective sa amin.
It’s a good thing, then…
“Also, we are putting limits sa inyong cards. You should learn not to live lavishly, especially you Liah.”
Wait… what? Cutting my allowance means cutting my life line! What if maubos ko ng isang linggo ang dapat pang isang buwan ko na budget? Crap!
My hands are fidgeting. Hindi ako pwedeng magreklamo, my parent’s words and decision are always absolute.
“You’re going to be late. Both of you should leave now,” anas ni mommy. “One more thing. Liah, you should control your weight. You should maintain a good figure. I already told you beauty and physique are important in society, you will earn respect just by having a beautiful face and body.”
“I will exercise and go on a diet, mom.”
My mother was once an actress before she became a politician that’s why she has this habit na dapat perpekto kaming haharap sa mga tao. For her, this world has cruel judgment whereas, ang mukha at ganda ng katawan, liban pa sa yaman at talino ang basehan para irespeto ka ng mga tao. She want us to be perfect too. Nasasakal ako kaya paminsan minsan gumagawa ako ng slight na kalokohan just to feel na tao ako at hindi manika.
Tahimik lang ako sa loob ng van hanggang sa makarating kami sa gate ng Elysian Dream University. Habang papasok ng ga-higanteng main gate ay bigla akong hinawakan ni Maurice sa balikat. “Don’t take her word seriously.”
Mata-touch na sana ako sa kambal ko kung hindi lang talaga panira iyong bunganga niya. “Kahit maging balyena ka maganda ka pa rin siguro?” Nauna na siyang lumakad. Hinabol ko siya para sabunutan syempre, kaso lang nang maabot ko na ang buhok niya ay humarang si Lore na sumulpot bigla na parang kabute.
“Anong gagawin mo sa future husband ko?”
Nakita ko na namula ang tainga ni Maurice. Tsk!
“Don’t you think you are being rude to your future sister-in-law then?” sagot ko naman para tudyuin silang dalawa.
“Sinong nagsabing pakakasalan kita Lore. Ambisyosa mo naman, hindi kita type ano,” singit ni Maurice sabay lakad palayo. Pinanood na lang namin siyang makalayo sa amin.
“Ang cute talaga ng kambal mo Liah. Haysss sigurado ka bang lalaki iyan si Maurice?”
Ayan na naman po siya sa gay radar niya. “Malay ko bakit hindi mo itanong sa kanya?”
Biglang tumahimik si Lore at nag-blush? Wait anong klaseng reaksyon iyan? Something's fishy hmmmm… Anyway, I think kumpleto na ang araw ko. I am so lucky naman, ang agang vitamins sa mata naman. Nakasalubong lang naman si Dean sa hallway.
“Good morning, dean.” Ngumiti ako at yumuko ng bahagya para ipakita ang paggalang. Knowing na may iilang estudyante sa paligid, I know na hindi niya ako itataboy gaya ng laging ginagawa niya.
“Good morning. Ms. Faunteen and Ms. Buencamino.”
See? He is being civil towards me because I am with Lore and there are other people around us.
Sinadya kong bahangyang huminto nang magtama ang balikat namin at winika ko sa mahinang tinig ang mga katagang, “I hope you didn’t forget what I told you last time, darling.” I am sure rinig niya ang sinabi ko dahil hindi naman sobrang layo ng agwat ng tangkad namin, 5’6 ako at siya ay 5’10. Nagpatuloy kami sa paglalakad at nilampasan namin si Dean. Bago kami lumiko para pumasok sa room ay lumingon ako sa direksyon kung saan nakita ko na na-estatwa pala si dean dahil sa sinabi ko.
You never failed to entertain me, dean.
I have decided on ways to court you… just wait.
------------------------------------ Sa punto d’ bista ni Liah. ---------------------------------- Nauna ako ngayon sa alarm clock ko. Ewan ko ba, excited ako pumasok ngayon, knowing na may klase kami ngayon sa masungit na iyon. Oras na para bwesitin ang matandang iyon. Nag-review ako ngayon, just in case na ipahiya niya ako sa recit may isasagot ako. Hindi ako papasok sa giyera ng walang armas ano, suicide iyon kung sakali. I have to maintain my noble image kaya hindi ako dapat magpasindak sa aura ng isang iyon. Humarap ako sa salamin, shet talaga ang ganda ko kahit Johnson powder at light pink lip tint lang ang gamit ko. Napasimangot ako at kumulo ang dugo. So, bakit nirereject ako ni dean. Iniinsulto niya ang mala-aphrodite ko na ganda and that’s what makes him int
------------------------------------ Sa punto d’ bista ni Liah. ---------------------------------- Hi, dean my loves. Ang sabi mo sa akin ay bahala na ako sa buhay ko, it means payag ka na sa panliligaw ko. Sumulat ako ng tula para sa iyo. Pwede kang kiligin pero bawal ka ma-cringe. Can I be? If nothing last forever,Can I be your nothing?If you want to delete somethingCan I be your eraser?Even if you
---------------------------- Sa punto d’ bista ni Liah -------------------------- Fresh from the bath ang mima niyong maganda. Tumambay muna ako sa terrace ng kwarto atsaka nakipag chismisan kay Lore. “Ano na ang balita? Kumusta bruha?” On-cam kami kaya kailangang piliin ko ang reaksyon ng mukha ko. Bumalik sa akin ang nangyari kahapon at feeling ko sasabog na ang puso ko. Naalala ko iyong amoy niya na sobrang bango, feeling ko nga naamoy ko pa rin hanggang ngayon eh. My gosh anong kawerduhan ba ang nangyayari sa akin. Napahawak ako sa aking tainga nang maalala ko iyong binulong niya. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyong mainit na hininga na parang nag-aaya na maglaro kami ng delikadong apoy.
---------------------------- Sa punto d’ bista ni Liah -------------------------- Bumukas ang pinto sa terrace at gumalaw rin ang kurtina. May anino akong nakita, bigla akong kinabahan. Sino ang nakaakyat sa kwarto ko na nasa ikalawang palapag ng mansion? Hindi kaya kidnapper ito o di kaya multo? Baka grim reaper tapos sinusundo na ako? Humangin nang malakas kung kaya nahawi ang kurtina at lumitaw ang kulay gintong buhok na pagmamay-ari ng anino. Nakatalikod ito at laking gulat ko nang humarap ito sa akin. “D-dean?” Anong ginagawa niya sa kwarto ko at higit sa lahat paano niya narratin
---------------------------- Sa punto d’ bista ni Liah -------------------------- Monday na naman, at isa lang ang masasabi ko… “F*ck you, Monday.” Nag-inat ako at tumulala lang saglit. Ngayong araw pala kami lilipat sa Maui, iyong condo na nasa likod lang ng university. Tinatamad akong pumasok ngayon kaya galit ako sa Monday. Pero good thing naman dahil magiging free na ako starting today. Excited na akong magsagawa ng pajama party with lore and my trusted friends. Pagkatapos maghanda at gumayak na ako sa unibersidad. Sakto naman na pagdaan ko sa hallway ay nakasalubong ko si dean. Nagkatinginan kami pero mas nauna siyang umiwas ng tingin. “How’s
---------------------------- Sa punto d’ bista ni Liah -------------------------- Saktong paglabas ko ng kwarto ko ay siya ring pagbukas ng katapat kong room. Hmmm… ambango niya, ano kayang pabango niya? Napatingin ako sa buhok niyang kulay ginto, parang ang lambot at ambango ng hibla ng buhok niya. “What are you thinking? Are you up to some naughty thoughts again? If yes please stop it.” Ngumiti ako atsaka binati siya. “Good morning, my dean.” “I told you to stop claiming me. Gosh, this is ridiculous.” Nagpatiuna siyang maglakad ngunit huminto rin para sabihing, “Don’t you dare follow me around. It’s one hour early before our cla
------------------------------Sa punto d’ bista ni Liah.-----------------------------Nagpupuyat ako kakabasa ng manhwa na ang title ay ‘What’s wrong with you, duke?’, gosh! Kinikilig ako sa kanila. Ang kwento kasi ay tungkol sa illegitimate child na ginawang sakripisyo ng pamilya niya. Iyong babaeng bida ay anak ng count ng kingdom sa isang gypse. Nagkaroon ng war, tapos noong papatayin na siya ni Duke ay umiyak siya tapos nag-activate iyong spell. Dahil doon nagkaroon ng dalawang personality iyong duke, kapag nasa ilalim siya ng mahika ay mabait at sobrang mapagmahal niya kay duchess Noel. Anyway, ayun nga higit 100 ang chapters nito at nasa kalahati na ako, excited na ako sa twist ng story. Kinikilig ako kasi feeling ko nahuhulog na iyong duke sa duchess niya at walang kinalaman ang sump
----------------------------Sa punto d’ bista ni Liah.---------------------Naging abala ako nitong nakalipas na tatlong araw dahil sa pag-aasikaso sa representative ng iba’t ibang organisayon gaya ng private higher education institutions (PHEIs) na katuwang ng Commission on higher education (CHED) sa pag-aadmininistiro. Ang college accreditation ay isang uri ng sertipikasyon kung saan ang isang malayang katawan ay magpapatunay na ang isang paaralan o programa sa akademiko ay nakakatugon sa minimum na pamantayan ng akademiko. Tinitiyak nito na ang kredensyal na kredensyal ng isang mag-aaral ay nagsusumikap nang husto upang makakuha ng isang bagay na malaki, at ito ay kikilalanin tulad ng mga employer at iba pang mga post-secondary institusyon.Dahil sa oras at pera gastos sa kolehiyo, dapat tiyakin ng m
—-----------------Sa punto d’ bista ni Liah.—--------------------------Right now, we’re looking for potential home, balak sana namin ay iyong malapit lang kila Lore. Unfortunately ay wala nang available na bahay o kahit lote man lang sana. Hindi gusto ni Max anh naunang dalawa na tiningnan namin; one has had a bad view, the other one has small yard and the other one is not in good location. Ito kami ngayon papunta sa huling bahay na titingnan namin, at sana last na dahil pagod na ako, to be honest.“What do you think of this one?” aniya sabay turo sa malaking bahay, may dalawang palapag at maganda ang labas pa lang. May car port na kasya ang apat na sasakyan, mataas ang gate at malaki.
—-------------Sa punto d’ bista ni Maximillan.—-------------------------Mag-isa lamang akong nakatayo sa isang malawak na hardin nang biglang may pumukaw ng atensyon ko. Napalingon ako ng marinig ang tinig na patuloy na tumatawag sa akin na ‘Daddy!’Hindi ko makita ang may-ari ng tinig kaya sinundan ko ang tunog ng mahinang pagtawa.“Come, find me.”Nalilito na ako dahil may bagong tinig na naman ang tumatawag sa akin, paglingon ko sa likod ay may nakatayong batang lalaki.“Daddy, come play with me,” ani
—-------------Sa Punto d’ bista ni Maximillan.—-----------------------Inilapit ko na ang mukha ko sa kanya nang biglang…~tok~tokNapaigik ako sa sakit ng tumama ang likod ko sa sahig dahil bigla akong tinulak ni liah, nahulog tuloy ako sa kama, sinalo ng sahig ang likod ko.“Kuya, alis na kami. Pakibuksan naman po ng passcode,” wika ni Maurice sa kabilang parte ng pintuan ng bedroom namin.Good thing, aalis na pala sila…so… I wonder kung matutuloy pa kasi naman nasira na ang moment namin.
—-------Sa punto d’ bista ni Liah.—-------------Narito sila Lore sa pad namin ngayon para tumambay dahil ito na ang huling araw nila sa condo, lilipat na kasi sila sa nabili nilang bahay.“Sinong kausap mo?” tanong ni Maurice kay lore, paano kasi tawang-tawa ang gaga habang hawak ang cellphone niya.“Ah kausap ko iyong kaklase namin dati ni Liah sa specialized course sa Oxford. Kinukuwento niya kasi iyong may gusto sa akin last year, broken pa rin daw at hinahanap ako sa kanya.”“Tapos?” tanong ni Maurice na nakakunot ang noo at nakasalubong ang kilay.&nb
—---------------Sa punto d bista ni Liah.—-------------------Watching a movie with Max without the fear of getting caught by my fellow students nor his fellow faculty is so rewarding. Hindi namin magawang mag-date in public places before and I didn’t know na ganito kasarap sa feeling.Dati nagbi-binge watching lang kami sa dorm dahil iniiwasan namin na ma-tsismis kami, that time na Dean pa siya at ako naman ay college student pa.Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Max, ang kamay naman niya ay nakaakbay sa akin. Hindi kami mahilig sa romantic movies kaya may halong action ang genre na pinili namin, hindi naman umalma ang kasama namin dahil pareho kami
—---------------- Sa punto d’ bista ni Liah. —---------------- Nakarinig ako ng lagatak ng sandals palapit sa akin, hindi ko ito nilingon at pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa galaw ng ulap mula rito sa garden ng hotel. “What are you doing here? Nagtatampo ka ba dahil imbes na kayo ang ikasal ngayong taon ay naunsyami pa?” Napalingon ako atsaka ngumiti kay mommy. We are never close, pero hindi naman ako galit sa parents ko. Hindi lang talaga kami sobrang close since they are always busy. Kahit na si Maurice na ang nagmamanage ay hindi pa rin namin close ang parents namin, they never reached out at ganoon din naman kami sa kanila. Kapag may espesyal na okasyon lang kam
—-------------Sa punto d’ bista ni Liah.—---------------------“Hoy, anong ginagawa mo diyan?” tinapik-tapik ko si Maurice gamit ang paa ko. Napaangat naman siya ng tingin.“Liah…”“Gabi na, bakit sa labas ka natutulog? Don’t tell me nakalimutan mo ang passcode ng pad niyo? Bakit hindi mo tawagin si Lore?”“Pinalitan niya nga ang passcode at ayaw niya akong papasukin.”Napakamot ako sa ulo ko habang sinusubukang alamin kung anong nangyari sa kanilang dalawa. Malamang nabwesit na naman si
—-------------Sa punto d’ bista ni Liah.—------------------Nakatayo ako sa malaking salamin ng hotel kung saan gaganapin ang kasal namin. Pumipintig nang malakas ang puso ko habang pinapakinggan ang lagatak ng malaking orasan na nakasabit sa dingding.“This is it, liah. Today you will become Mrs. Dereux,” pabulong ko na wika.Mamaya pa ay narinig kong bumukas ang pinto. Hawak niya ang pinto at nagtataka ako kung bakit hindi siya lumalakad palapit sa akin. Nakatingin lang siya sa akin mula hanggang paa. Kinakabahan ako sa reaksyon niya, hindi siya ang epitome ng lalaking masaya dahil sa wakas dumating na ang araw na matagal naming pinaghandaan.
—--------------------Sa punto d’ bista ni Liah.—-----------------Nagpasya kaming magdate ngayon dahil masyado kaming naging busy these past few days tapos nagkatampuhan pa nga. I think we deserve this date, gusto kong gawin iyong hindi namin nagagawa noong nasa Elysian University pa kami. Gusto kong puntahan iyong mga lugar na hindi namin mapuntahan noon dahil nga hindi namin pwedeng isapubliko ang relasyon namin dati.Una naming pinuntahan iyong playground malapit sa MAUI, iyong lugar kung saan hinalikan ako ni Max malapit sa swing. Kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko iyong patagong moments namin dati.“Hindi ka ba nagsisisi na sinuko