IKATLONG
TAUHAN“Selene”NAPAIHIP ng hangin.
Napahilot sa sentido.
Nagbuntonghininga.
Pinulot niya ang panulat na nakapatong sa kanyang armchair at nagsimula nang muli sa pagsagot.
Subalit . . . blangko pa rin ang kanyang isip.
Wala pa ring pumapasok na kahit anong detalye sa kanyang utak.
Sigurado siyang pinag-aralan niya ang paksang siyang tinatalakay sa kanilang pagsusulit ngayon. Kahit nga ang pagsasaulo ay ginawa na niya kagabi’t kaninang umaga kaya’t lubos siyang nadismayang kahit isang salita’y walang sumasagi sa kanyang isipan.
Lubos na dumagdag pa sa kanyang mga iniisip ang naging away ng dalawa niyang kaibigan noong nakaraang araw.
Tatlong magkakasunod na araw lumiban sa klase si Lickesia.
Tatlong araw na walang libreng pananghalian siyang nakakamit.
Tatlong araw na walang Lickesia ang babatiin siya.
Tatlong araw na wala siyang balita rito.
Magmula rin noong araw na iyon, hindi niya nakausap si Yvonne kahit na batid niyang pumapasok ito.
Marahil ay naging okupado siya ng pangyayaring iyon kaya’t lubos na naapektuhan ang kanyang naging pag-aaral.
“Ten minutes left.”
Hindi niya napigilan ang mapasabunot na lamang sa kanyang buhok. Marahan niyang pinupukpok ang kanyang ulo: kulang na lang ay pigain niya ang kanyang utak.
Kailangang may maisagot siya!
Lumipas ang dalawampung minuto . . . ang dalawampung minutong iyon na wala siyang ibang ginawa kung hindi ang titigan ang kanyang papel at paglaruan ang kanyang panulat.
Binasa niyang muli ang tanong sa unang bilang.
At binasa.
Nang binasa.
Sinunod ang ibang mga katanungan; muli na namang binasa. Subalit wala pa rin siyang maintindihan sa lagay na iyon.
Paulit-ulit niyang tinatapik ang kanyang hita gamit ang kanyang kanang kamay; ipinagsasalin naman sa isang daliri patungo sa isa pa ang panulat sa kanyang kaliwang kamay.
Isang mabigat na hampas.
Napaangat siya’t napatingin sa gawi ng pintuan. Lahat ng kanyang mga kaklase pati ang kanilang propesor ay nakatingin nang lahat kay sa babae na tagaktak ang pawis at hinihingal na nakasandal sa pintuan.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala niya kung sino iyon.
Si Yvonne.
Nagpalinga-linga ito bago lumagpak ang titig sa kanya. “Si Lickesia!”
Wala sa diwang lumuwang ang kapit niya sa pluma. Huli niyang narinig ang pag-ingay ng metal na katawan nitong tumama sa sahig nang siya'y tumayo.
Namumuslak niya noong mga sandaling iyon ang mabilis na pagkabog ng kanyang dibdib: kinakabahan siya sa bagay na maaari niyang matuklasan.
Magsasalita pa sana siya ngunit naunahan na siya nito’t kaagad na tumakbo palayo. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at kaagad na sumunod dito.
Nagkukumahog din na sumunod ang kanyang mga kaklase. Subalit ’di rin natuloy ang pagbuntot ng mga ito nang paulit-ulit silang sinigawan ng kanilang guro gamit ang tiyak na nakaiiritang matinis at malakas nitong boses.
’Di na niya ininda ang posibilidad na maaari siyang patawan ng parusa ng mga kawani ng kanilang paaralan nang dahil sa paglabas niya na walang paalam . . . subalit wala na siyang pakialam.
Labis na nakakukuha ng atensyon ang ginagawang pagtakbo nila na dahilan ng pakikiusyoso ng iba pang mga estudyante. Ang iba’y dumurungaw pa sa bintana ng kani-kanilang mga silid-aralan.
Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng pananayo ng kanyang balahibo nang dalhin siya ni Yvonne sa hindi nagagalaw na lote ng kanilang paaralan.
Walang dumaraan dito sapagkat ito ang daang umuugnay sa isang gusali na tatlong taon nang abandonado.
Papalapit pa lamang sa lugar na inaasahang pagdadalhan siya ni Yvonne, ramdam na niya ang lamig na humahaplos sa kanyang balat.
Hindi iyon nakagiginaw . . . kung ’di ay nakatatakot.
’Di nga siya nagkamali nang dumaong ang kanilang mga paa sa harapan ng gusaling kanyang tinutukoy.
Kusang bumagal ang kanyang mga hakbang hanggang sa tuluyan siyang huminto.
Pinapapaligiran ng matataas na talahib ang may limang palapag na establisimiyento. Nilalamon din ng kalikasan ang ibabang bahagi nito na purong berde ang kulay.
Nakadagdag sa pagiging hungkag ng paligid ang mga aserong ’di pa nababahiran ng semento’t kinakalawang na.
[ hungkag - empty ]
’Di nakatakas mula sa kanyang mga mata ang malaking salaming nakapalibot dito. Parehas ito sa lahat ng iba pa . . . ang tanging pagkakaiba nga lang ay basag at 'di buo ang sa gusaling iyon.
May iba pang mga parte ng salamin na nakasambulat lamang sa bungaran.
[ nakasambulat - scattered ]
Muli niyang pinasadahan ng tingin ang gusali: iyon ang inilaan para sa mga estudyante ng Engineering na itinayo rin ng mismong mga gagamit—base sa mga sabi-sabi. Subalit hindi natuloy ang pagpapatayo rito: iniwang nakatiwangwang.
Walang nakakaalam ng buong pangyayari—bukod sa mga nakatataas sa kanilang paaralan at sa mga estudyanteng nagtayo niyon.
Ngayon niya lamang natanaw nang malapitan ang gusali. Kadalasan ay napapalingon lamang siya roon mula sa malayo.
Ngayong nakatayo siya nang harapan doon, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama.
Tila’y mayroong umuukit na sagot sa kanyang isipan, na para bang ipinapahayag sa kanyang malalim ang dahilan kung bakit itinuring nang abandonado ang gusaling iyon.
Bumaling siya ng tingin sa kalangitan; kulay abo ang mga ulap na nagdudulot ng pagkulimlim ng kapaligiran.
Alam niyang nagbabadyang umulan sapagkat alas nuwebe pa lamang ng umaga.
Hindi na rin siya nanibago: halos araw-araw namang nangyayari ang malakas na pag-ulan pati na rin ang pag-alingawngaw ng ambulansya sa kanilang lungsod.
Nilapitan niya si Yvonne na hindi pa rin mapalagay. Inabot niya ang balikat nito; kahit siya’y nagulantang din nang nagitla ito. “Sorry . . . L-Lickesia?”
Napalitan ng walang reaksiyong hitsura ang gitla sa mukha nito. Dama niya ang pagdidilim ng anyo nito kasabay ng malamig na mga patak na siyang humalik sa kanyang balat.
Napatingala siya’t napagtantong umuulan na.
“She’s nasa top floor.”
Bumalik ang kanyang tingin sa kanyang kaibigan. Hindi niya mawari kung buhat ba ng ulan ang likidong dumadaloy sa pisngi nito, ngunit nang suminghot ito’y kaagad niya itong hinila’t tinakbo ang daan tungo sa kinakalawang na tarangkahan ng gusali.
Yumapos sa kanyang pang-amoy ang nakasusulasok na samyo ng kaligiran nang sila’y makapasok. Wari’y tinutuka ang kanyang laman sa ilong ng nakayayamot na simoy na siyang hinahagis niyon.
[ samyo - smell ]
Bagkus ay ’di niya binibigyang-pansin iyon. Sa mga panahong iyon ay may mas importanteng bagay pa siyang dapat alalahanin.
Sa tiyak na sandaling iyon, ibig niyang h’wag maging makasarili—kahit panandalian man lang.
Mabibilis ang paglaktaw ng kanyang mga paang tinatahak ang marupok na mga baitang ng hagdanan habang hila-hila si Yvonne sa braso nito.
Sa tuwing nagtatagpo ang kanyang takong sa semento’y hindi niya maiwasan ang kabahan.
Naroroo’t hindi niya maiwawaglit ang mga pangambang baka bumigay ang mga iyon.
Nasa ikaapat na palapag na sila’t batid niya na ang ikalima ay ang pinakatuktok na.
Kinusa niyang tumigil nang marating na nila ang ikalimang palapag.
Makulimlim at kaunting liwanag lamang ang mababakas sa kapaligiran.
Inikot ng kanyang mga mata ang bawat sulok ng lugar: pilit hinahanap ang bulto ng kaibigan.
“Lickesia!”
Hindi niya napigilan ang mapahiyaw nang matagpuan ito sa dulo’t sirang bahagi na nakatindig at malayang-malaya ang mga brasong nakalatag sa hangin.
Unti-unti itong lumingon. Umusbong ang panlalamig sa kanyang sistema nang ngumisi ito.
Peke.
Napipilitan.
Nakakikilabot.
Naalarma siya nang biglaan itong bumaba mula sa pagkakatuntong sa sirang bahagi ng laylayan. Humarap ito sa kanila’t mataman silang tinignan.
Sariwa.
Sariwang-sariwa ang malaki at parihabang sugat nito sa leeg. Wari’y ginilitan iyon.
May ilan ding pasang nasa pisngi’t noo nito.
Tumapal sa mga labi nito ang ngiti nang siya ang naging pokus ng atensyon. Subalit ay kaagad na naglaho iyon nang dumapit ang tingin nito sa katabi niyang walang tigil sa pagluha.
Hindi niya mapigilan ang sarili na mangamba nang nagsimula itong maglakad palapit sa kanila.
Nadala na siya noong tinutukan sila nito ng tinidor.
Paano kung ganoon na naman ang gawin nito?
Natanaw niya ang pagkagulat sa mukha ni Yvonne nang walang paunawa itong niyakap ni Lickesia.
Nagsimula sa pagiging mabagal ang paghaplos nito sa likuran ng kaibigan—hanggang sa dumating sa pagkakataong ilang beses na nitong pinagsusuntok iyon.
Dali-dali siyang napahampas sa kamay nito nang nagsimula itong kalmutin si Yvonne.
Hindi niya sinasadyang makaladkad ang kaibigan sa labis na pagmamadali.
Mahigpit siyang napahawak sa balikat ng kaibigang nanlalaki ang mga mata.
Ramdam niya ang panginginig ng mga daliri niya nang nagsimula itong maluha.
Binalingan niya nang tingin si Lickesia bago ipinukol dito ang masasama niyang mga titig.
“Ano’ng problema mo?” sumbat niya.
Kahit malumanay lamang ang pagkakabigkas niya roon, alam niyang naiparating niya rito ang nais niyang ipahiwatig.
Nanlalamig ang kanyang mga palad.
Namamawis ang mga iyon at nagiging madulas.
Hindi na niya maintindihan ang kilos nito.
Mistulang naglaho ang nakilala niyang Lickesia.
Muli nitong itinanghal ang ngisi sa mga labi nito. Subalit sa kabilang dako’y kita niya ang pagiging lupaypay ng mga pilikmata nito.
Napahigpit ang pagkapulupot ng kanyang mga braso sa kaibigang walang tigil sa pagtangis nang humalakhak ang dalagang nakatayo sa harapan nila.
Palakas nang palakas.
Biglang tumigil.
Binalot nito ang palad sa kabuuan ng mukha nito bago niya naulinigan ang paimpit nitong mga hikbi.
Tuluyang tumahan si Yvonne, unti-unting bumaling sa kanya’t tila’y may sinasabi ang mga mata.
Hindi man siya sigurado, nararamdaman niya noong mga sandaling iyon ang pagtataka at pangambang sumasakob sa kanilang dalawa.
Napaatras siya nang sa pangalawang pagkakataon ay huminto ito sa pag-iyak. Tinanggal nito mula sa pagkakatakip sa mukha ang mga palad nito at muli silang tinitigan.
“Yvonne,” halakhak nito.
Solido.
At basag.
Boses nito’y siyang sanhi ng pagtaas ng kanyang mga balahibo sa katawan.
Muli nitong inilatag ang mga bisig sa ere’t patalikod na lumalayo sa kanila—higit na lumalapit sa laylayan ng palapag na iyon.
“Dito niya ako dinadala,” simula nito. Patuloy sa paghakbang patalikod.
“Sinasaktan.” Umiling-iling ito.
“Ginugulpi.” Pekeng tumawa.
“Tama ka nga noong sinabi mong may sakit siya sa pag-iisip.”
Natuod siya.
Hindi niya maigalaw ang kahit na anong bahagi ng kanyang katawan.
Nabingi siya.
Wala siyang ibang marinig kung hindi ang malakas na pagtambol ng kanyang puso.
Wala.
Wala nang Lickesia na nakatayo sa harapan nila.
“Lickesia!”
Nagawa niya lamang na isauli ang pandinig at diwa sa kanyang katawan nang marinig ang hiyaw na iyon ni Yvonne.
Halos madapa ito sa tulin ng pagtakbo nito palapit sa lugar ng pagkalaho ng kaibigan. Sumunod siya rito.
Labis siyang binalot ng kaba nang magsusumigaw na lamang ito habang nakalingon sa baba.
Kahit siya’y napatakip sa kanyang bibig nang maantabayanan ang katawan ni Lickesia na nakahiga sa talahiban na bahagyang bumaluktot.
Walang bakas ng dugo ito sa katawan kaya’t kahit papaano’y may umusbong na pag-asa sa kanyang dibdib.
Kahit papaano.
Umaasa siya.
’Di nagdadalawang-isip na kaagad niyang tinakbo ang mga baitang sa hagdan pababa. Tinawag pa siya ng kaibigan ngunit ’di na niya ito binigyang-pansin pa.
Ilang beses siyang napadaing nang matapilok siya ngunit mistulang walang panama iyon sa kanyang determinasyon.
Sapat na ang pagkawala ng kanyang kapatid at ama. Ayaw na niyang maulit pa ang pangyayaring iyon.
Ayaw na niyang muli pang bangungutin.
Ayaw na niyang muli pang umiyak at walang ibang gawin kung hindi ang sisihin ang sarili niya.
Sisihin ang sarili niyang wala siyang ginawa upang masalba ang mga ito noong mga panahong alam niyang may magagawa siya.
Hindi na niya kakayanin pa.
Mabibigat man at masasakit ang paghalik ng mga butil ng ulan sa kanyang laman, sinuong niya lamang iyon at kaagad na dinalo ang bahaging kinabagsakan ng dalaga.
Nagsimulang manubig ang kanyang mga mata sa oras na sumapit ang kanyang mga talampakan sa gawi ng katawan nito.
Lumuhod siya’t mainam na inilapat ang kanyang dalawang daliri sa leeg nito’t hinanap ang pintig dito.
Lumipas ang mga segundo.
Napapikit siya.
Napadilat.
May pintig pa.
Buhay pa ito.
IKATLONG TAUHAN“Selene” KATAHIMIKAN. Masyadong tahimik. Nakabibingi. Nakaaabala. Ayaw niya ng ganito. Dahil tanging paghinga niya’t malakas na pagkabog ng dibdib ang kanyang nauulinigan. Nanunumbalik sa kanya ang mga pagkakataong pagharap at pagkausap niya sa sarili sa harap ng kanyang salamin. Mga pagkakataong nananatili siyang gising sa gabi upang pakiramdaman ang katahimikan ng kanyang silid. Mga pagkakataong nananatili siyang tago sa pamamagitan ng nakapaligid sa kanyang makakapal na mga pinid. Mga pagkakataong naging mag-isa siya’t walang kasama. Dumaan ang mga taong halos matuyo ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa tuwing sinusubukan niyang magsalita’y parang pumu
IKATLONG TAUHAN“Selene” HINDI niya alam kung ano ang dapat niyang isagot kaya nanatili siyang tahimik. Iniwas niya na rin ang kanyang tingin sa mga mata nitong puno ng pinagsama-samang mga emosyon. Awa. Pangamba. Takot. At hilakbot. Narinig niya ang pagtikhim nito bago ito muling magsalita. “Papayagan kitang makausap siya. Just maintain a distance from her, alam mo kung ano ang nangyari kanina. Hintayin mo lamang ang paggising niya,” saad nito. Muli siyang tumango bilang tugon dito. Naramdaman niya ang mahinang pagtapik nito sa kanyang balikat bago ito tuluyang lumabas ng silid at sinundan ang iba pang mga doktor. Iginala niya ang kanyang paningin. Nang makasigurong wala na ngang iba pang tao sa paligid ay dumiretso siya sa
IKATLONG TAUHAN“Selene”NAKATULALA.Nakatanod ang paningin sa kawalan.Nakaupo sa sulok habang yakap-yakap ang mga binti’t nakatukod ang baba sa tuhod ang kanyang posisyon.Mugto ang mga mata.Nakaratay ang mga luha sa magkabilang pisngi na natuyo na.At ’gaya noon, nakaupo muli siya sa dako ng kanyang higaan.Ang mga sulok niyon ang siyang nagpapadama sa kanya na siya’y ligtas—hindi mula sa ibang tao kung hindi ay mula sa mismong mga kamay niya.Hindi niya lubos maintindihan ang sarili.Nakalilito.Nakapagpapabagabag.Ang huli niyang naalala bago niya nadatnan ang kanyang sarili hawak-hawak ang bituka ni Lickesia ay ang nakita niya itong may nakatarak na kutsily
IKATLONG TAUHAN“Selene”MABAGAL siyang tumango rito bago ngumiti na rin; ganoon din ang ginawa ng kanyang ina bago ito naunang maupo sa sopa na dati nang inupuan nito.“Alma.”Napasinghap siya nang makitang halos takasan ng kaluluwa ang doktora nang banggitin ng kanyang ina ang pangalan nito. Namumutla’t wari’y sinusubukan lamang na pigilan ang sariling manlaki ang mga mata.Marahan siyang napapikit nang umalingawngaw sa kanyang tainga ang nakaiiritang tunog ng marahas na pagdulas ng mga paa ng bangko sa sahig.Hindi niya matalastas kung bakit ganoon ito kung tumugon sa kanila.Nagmamadali.’Di mapakali.“Y-Yes.” Pinagmasdan niya lamang itong lumapit at akayin siya tungo sa silid—lugar na
IKATLONG TAUHAN“Raziel”GINAW.Kagat.Nakikisama ang nginig.Banayad na kanyang kinakatkat ang kuko at balat sa gilid ng kanyang mga daliri sa labis na kabang nararamdaman.“Here’s the result of your past examination.”Sinundan niya ng tingin ang kanyang kaklase na siyang inutusan ng kanilang propesor upang ipamigay ang kanilang mga papel.Bawat hakbang nito palapit sa kanyang kinauupuan ay lalong paglakas ng tibok ng kanyang puso. Wari’y ilang sandali na lamang ay tatalon iyon at bubulwak mula sa kanyang dibdib.Napasinghap na lamang siya nang tuluyang tumapat sa kanya ang braso nitong bitbit ang tumpok.Panahon na upang malaman ang nakuha niyang marka.Kaagad
IKATLONG TAUHAN“Raziel”MAY binibitbit man siyang wari’y bigat sa kanyang magkabilang braso at binti, sinubukan niya pa rin itong lapitan.Nangangailangan ito ng gabay.Sigurado siya roon.At kahit sa pagkakataon man lamang na iyon, nais niyang siya ang maging sandalan nito.Ganoon naman talaga ang kaibigan, hindi ba?Lalo lamang itong naluha nang simulan niyang tapikin ang balikat nito. Pinilit nitong takpan ang mukha upang hindi masilayan ng iba ang lagay nito.Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.Alam niya ang pakiramdam ng wari’y pagiging pilay at baldado.Alam niya ang lahat ng iyon.Labis siyang nalulungkot sa sinapit ng kasintahan nito.
IKATLONG TAUHAN“Raziel”NAMAMANGHANG mga mata.Malakas na tibok ng puso.Nakasisilaw na tanglaw ng kumikinang na kulay bughaw ang bumati sa kanila.Mistulang kumakaway.Hinahatak ang kanilang mga mata na ituon ang tingin at tumitig sa mga iyon.Dose-dosenang maliliit na mga bumbilya ang pumalibot sa mga punong nagsisilbing gabay sa sementadong daanan.Iba’t ibang muwestra ang siyang sinasabayan ng mga indayog niyon; labis pang nakadagdag sa saganang hatid ng paligid ang mabagal na musikang tila’y hinihilot ang kanilang mga utak.[ muwestra - pattern ]Nakagagaan ng pakiramdam.Nagpapakalma sa kanyang nababagabag na isipan.Hinga.Langhap.
IKATLONG TAUHAN“Raziel” IILAN lamang ang nakapaligid sa kinalulugaran nito kaya’t hindi na sila nahirapan pang makalusot at matayo mismo sa paanan ng mga tinda nito. Kasabay ng pagpaypay ng manong sa mga pagkaing iniihaw ang naulinigan niyang sunod-sunod na pag-ubo ng dalaga. Tumigil sa ginagawang iyon ang nagtitinda’t may bahid ng pag-aalalang tiningnan ito. “Ineng, ayos ka lang ba? Pasensya na.” Magsasalita na sana siya nang kumumpas lamang ang kanyang katabi’t itinawa na lamang ang nangyari. “O-Okay . . . po.” Patuloy pa rin ito sa pag-ubo subalit ay kita niyang pinipilit nitong h’wag ipahalatang nasusulasok ito sa usok. Lalabas mang peke, nakisama na lamang din siya sa pagtawa upang kahit papaano’y mabawasan ang nakaiilang na kalidad ng k
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”“SO.” Marahan siyang napatalon sa pagkakagulantang nang dumilat ito at muli siyang sinalubungan ng ngisi.“You dropped a question earlier. And I dropped mine.” Marahas siyang napalanghap ng hangin nang tumayo ito.“Will you answer mine once I answer yours?”Hindi niya binabawi ang kanyang tingin mula sa mga mata nitong mapaglaro, sa labi nitong nakaukit ang isang ngising ginagawa siyang tuliro.Wala siyang balak sagutin ito.Nanatili siyang kalmado kahit na taliwas sa kanyang ipinapakita ang damdaming sumisiklab sa kanyang looban.Nanunuya itong tumawa bago siya irapan. “Okay, I’ll tell you why I’m here.”Humakbang ito palapit.“The answer is simple. You maybe even know the reason why, Doctora.” Hindi siya nagpapatinag sa mga tingin nitong hinuhukay ang kanyang ikinukubling takot.May inilabas itong papel.Kaagad na lumipat ang kanyang tingin doon. Napansin niya ang muling pag-angat ng dulo ng labi nito.“I want this medical record to be clear.”Nanlaki a
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NANGANGALIGKIG niyang mga daliri ang mahigpit na lumamukot sa hawak.Napaangat siya ng tingin. Maliliit na ingay ang paulit-ulit na kumakalansing sa bakuran ng kanyang mga tainga.Hindi tumitigil.At mukhang . . . nakikilala niya ang tunog na iyon.Nagsimula siyang maglakad palapit sa pinanggagalingan ng tunog—palakas iyon nang palakas. Nang nasa paanan na siya ng kanyang mesa, doon siya napahinto nang pamilyar na papel ang lumipad at nakuha ang kanyang atensiyon.Muli niyang tiningnan ang papel.Nasundan ng kanyang mga mata ang pagkawala niyon mula sa kanyang hawak kasabay nang sunod-sunod na paglantad ng kaparehong mga papel sa kanyang harapan.Records.Madalian niyang dinalo ang likuran ng lamesa kung saan nagmumula ang mga papel.Marahas niyang itinulak ang mesa pagilid, at doon natagpuan ang kanyang printer na paulit-ulit na ginagawan ng kopya ang records na pinakaiingatan niya.Ang medical records ni Selene.“Shit!”Hindi niya naiwasan ang magpakawa
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NOONG tiyak na saglit na iyon, mistulang nakikipagkarerahan ang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa pagbaha ng mga isipin sa kanyang ulo.Napabitiw siya mula sa pagkakahawak doon nang maramdamang unti-unti nang nagsisimulang mangatal ang kanyang mga daliri.Agaran niyang ibinalik ang kumpol ng susi sa bag na nakakabit sa kanyang balikat.Hindi na maaaring nagkataon lamang ang lahat ng iyon.Ang bukas na kandado sa harapan.Bukas na ilaw sa loob ng kanyang mismong opisina.Maging hanggang sa mga gasgas na kanyang natagpuan sa hawakan.Hindi na—hindi na maaaring nagkataon lamang ang mga iyon.Hindi maaari. Marami siyang mahahalagang mga dokumento.Ano . . .Ano ba’ng nangyayari?Bagsak.Kanyang dinako ang parihabang bintana sa kanan. Lilinga-linga; pilit na hinahagilap ang lugar ng pinanggalingan ng kanyang narinig.Nanlalaking mga mata.Malakas na tibok ng puso.Hindi pa man niya tuluyang naiproseso sa kanyang utak ang lahat, nagkukumahog na siya
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”MULA pa lamang sa malayo, tanaw na niya ang establisimiyentong tanging nakatayo sa parte ng mahabang kalsadang kanyang tinatahak.Ang kanyang klinika.Sa kabila ng makapal na hamog na bumabalot sa paligid—lalong pinagiginaw ang kanyang pagod na utak—hindi nakatakas ang gusaling iyon mula sa kanyang mga mata.Humikab siya’t pasimpleng pinasadahan ng tingin ang orasang nasa ibabaw ng kanyang dashboard.Alas singko y medya.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, hanggang sa tuluyan niyang maabot ang paanan ng paradahan. Naramdaman niya ang marahang pag-angat ng kanyang dinaraanan saka niya tuluyang hininto ang kotse.Kanyang ipinihit ang susi’t tinanggal iyon mula sa pagkakasaksak. Isinilid niya iyon sa kanyang dala-dalang bayong saka marahang napasandal sa malambot na sandalan sa kanyang likuran.Ilang pagbuga ng hangin ang kanyang ginawa, kalakip ng pag-aayos niya sa suot na chaketa.Ginawaran niya ng tanaw ang labasan.Nasa paradahan na siya: sa gilid ng kanyang
IKATLONG TAUHAN“Selene”INABOT niya ang silya sa kanyang harapan at mahinahong naupo roon.Nang maramdaman ang lamig na dulot ng metal sa bangko, lalo lamang na humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili.Ilang beses siyang napabuga ng hangin. Pinipilit panatilihin ang natitirang init sa kanyang sistema sa pamamagitan ng pagkukuskos sa dalawa niyang mga palad.Kaagad siyang tumigil nang maramdaman ang maliit na kirot doon. Binalingan niya iyon ng tingin, at muli na lamang na nag-iwas nang matagpuan doon ang mga pasang kanyang natamo.Mga pasang kanyang natamo mula sa pagkakatulak nito sa kanya.Pasimple niyang tinapunan ng tingin ang kumot na nakalatag sa ibabaw.Tila ba’y nais niyang agawin iyon; saka ibalot sa buo niyang katawan at damhin ang init
IKATLONG TAUHAN“Selene”TUNOG ng makina.Alatiit niyon.Kanyang paulit-ulit na nauulinigan.Marahan siyang napahimas sa kanyang mga braso’t binalingan ng tingin ang maliit na monitor sa kanyang harapan.Paiba-ibang guhit ang kanyang nakikita roon: maliliit na mga linya, sunod-sunod, saka lalaki.Halos pare-pareho ang kanyang nakikita, tila’y may sinusundang muwestra iyon.[ muwestra - pattern ]Subalit hindi iyon problema: ang mahalaga nama’y hindi iyon maging diretso.Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.Ilang beses niyang pinilit itago ang kanyang sarili sa loob ng suot niyang chaketa sa labis na nadaramang lamig.Lamig na tila’y umaabot hanggang sa k
IKATLONG TAUHAN“Raziel” HINALUGHOG niya ang mga upuan, ang bakanteng lugar sa likod, pati na rin ang mga ilalim. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Sinimulan niyang pagkakalkalin ang bawat papel: mabilis na pinapasadahan ng tingin ang mga iyon . . . hanggang sa isang pangalan ang nagpahinto sa kanya. Inayos niya ang pagkakaupo’t napahigpit ang h
IKATLONG TAUHAN“Raziel” TILAMSIK ng ulan ang tanging mababakas sa paligid. Kita niya ang pagdausdos ng mga butil niyon sa harapang bahagi ng kanyang motor. Basang-basa iyon: tila’y pinaliguan. Patuloy na umaakap sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Bawat segundong lumilipas ay ang higit na paglamig ng paligid. Tinapunan niya ng tingin ang relos na nasa kanyang kaliwang palapulsuhan. Alas dies ng gabi. Inilibot niya ang kanyang paningin sa mahamog na kapaligiran. Ilang oras na siyang sumisilong. Maghahating-gabi na lang, nandoon pa rin siya. Kung iisipin, maaari naman siyang magpakabasa na lamang para lang makauwi. Subalit hindi niya maaaring itaya ang kanyang kaligtasan sa basang kalsada ng siyudad.
IKATLONG TAUHAN“Selene”NAPALUNOK siya.Ramdam niya ang kakaibang enerhiyang dumaloy sa kanyang balat nang makita ang mariing pagkakatitig nito sa kanya.“Hindi kita maintindihan. Kahit si Mallory. Pareho ko kayong hindi maintindihan,” bulong nito. Muli itong nagpakawala ng mapait na pagtawa.Halos hanging dumaan iyon sa kanyang pandinig. Hindi niya maunawaan kung sinadya ba nitong gawin iyon upang hindi niya ito maulinigan.Dahan-dahan siyang lumapit dito. “P-Pero . . . b-bakit?”Binalingan lamang siya nito ng tingin. Hindi niya maiwasang hindi mapaluha nang makitang wala man lang ka-emo-emosyon ang mukha nito.Wala itong pake.Itinuro niya ang kanyang sarili. “A-Ako ’to . . . s-si Selene. M-Magkaibi