Share

Chapter 3

Author: Thrinine
last update Last Updated: 2021-08-05 19:09:48

IKATLONG

TAUHAN

“Selene”

TUNOG ng kampana.

Kagalakang bakas sa mukha ng kanyang mga kaklase.

Buntonghininga mula sa kanilang guro.

Katatapos pa lamang ng kanyang huling klase para sa umaga.

Nagmamadali niyang inayos ang kanyang mga gamit at isinilid ang mga iyon sa kanyang bag. Isinukbit niya ang sintas sa kanyang balikat bago tumayo.

Sinundan lamang ng kanyang mga mata ang paglisan ng pigura ng kanyang mga kaklase mula sa pintuan. Hinintay niya munang siya na lamang ang matira bago lumabas ng kanilang silid-aralan.

Dinalo niya ang hagdanan subalit siya’y napatigil nang sumilay sa bukana ng kanyang mga mata ang paligid.

Pinagmasdan niya iyon.

Marka ng nalalapit na selebrasyong gaganapin sa kanilang paaralan ang kaaya-aya at marikit na mga lasong nakasabit sa mga haligi.

Nagsasaliw sa kanyang mga mata ang iba’t ibang kulay: rosas, bughaw, kahel, berde, dilaw, at lila. Higit iyon na pinasigla ng liwayway na siyang nanganganinag mula sa salaming dingding ng gusaling kanyang kinabibilangan.

Subalit lubos na nakapupukaw ng atensyon ang kulay pula na siyang nakapalibot nang pabilog sa hawakan sa hagdan.

Wari’y rubi iyon sa kanyang mga mata: kikinang-kinang.

Katingkaran nito’y sadyang nakahuhumaling . . . subalit hindi para sa kanya.

Ramdam niya ang marahan hanggang sa parahas na nang parahas na pag-ikot ng kanyang paningin. Sumasakit din ang kanyang ulo na mistulang may maliliit na mga karayom na siyang sumusundot doon.

Ilang beses siyang napakurap at nasapo na lamang niya ang kanyang sentido gamit ang kanyang nanlalamig na mga palad.

Pinilit niyang ipalagay sa puwesto ang kanyang suwelas sa sahig at gamitin ang baranda upang masuportahan ang kanyang bigat.

Hindi niya malaman noong mga sandaling iyon kung bakit tila’y tinakasan siya ng lakas.

Napapaso siya roon. Tila’y may kung anong umuudyok sa kanya upang tanggalin ang pagkakalapat ng kanyang palad sa metal na hawakan . . . kahit pa man malamig iyon.

Tanging paghingi ng saklolo sa kanyang isipan ang kanyang nagagawa.

Hinihigop siya ng hangin pababa.

Mistulang madulas ang kanyang tinatapakan.

Batid niyang ’di nakikiayon sa kanyang utak ang kanyang katawan.

Nahihirapan na siya.

Pakiusap—kung may makaririnig man.

Bago pa man siya tuluyang magpagulong-gulong pababa sa mga baitang ng hagdan, humaplos nang marahas sa kanyang braso ang isang kamay. Napahiyaw na lamang siya nang hatakin siya nito.

Bumagsak ang kanyang pang-upo sa lapag. Sunod na lumamon sa kanya ang pakiramdam na wari’y dumapo sa parteng iyon ang daan-daang suntok.

Kinaladkad niya ang kanyang katawan. Mahigpit niyang niyapos ang nanginginig niyang mga binti’t binisang higit na ipinagsiksikan ang kanyang sarili sa sulok.

Nanatiling nakabuka ang talukap ng kanyang mga mata’t halos hindi na makahinga sa diwang kamuntik-muntikan na siyang nahulog.

Mistulang nawala sa kanyang pandamdam ang hapdi ng hangin na siyang sumasampal sa kanyang bolang mata: hindi na niya iyon napapansin pa.

Nakagigitla.

Natatalinghagaan siya sa nangyari kanina.

[ natatalinghagaan - puzzled ]

Tila’y hindi niya kilala ang kanyang sarili noong mga oras na iyon.

Sandali . . . siya ba talaga iyon?

Napaangat siya ng ulo nang maramdaman ang isang malambot na hawak na dumampi sa kanyang balikat.

Sumalubong sa kanyang bista ang taong ngayon ay nakayuko’t mataimtim na nakatitig sa kanya. Napakisap siya bago muling ipinokus ang kanyang tingin dito. “S-Salamat.”

Tuluyan nang nawala ang kunot sa noo nito’t umaliwalas ang mukha kalakip ng pag-usbong ng isang ngiti sa mukha nito.

Inalis na nito ang pagkakahawak sa kanya sa balikat bago nito inilahad sa kanya ang sariling palad.

Kahit na nag-aalinlangan ay tinanggap niya pa rin iyon: hinatak siya nito patayo.

“Salamat.” Yumuko siya sa harapan nito bilang muling pagkilala sa ginawa nitong pagligtas sa kanya.

Hindi na niya hinintay pang makapagsalita ito, kaagad na niyang tinakbo ang daan pababa. Pilit niyang inililihis ang kanyang tingin mula sa pulang laso sa baranda.

Dumadagundong sa kanyang pandinig ang ingay ng bawat pagtagpo ng takong ng kanyang sapatos sa sementadong mga baitang ng hagdan.

Mabilis ang kanyang naging paglakad. Mistulang hinahabol niya ang oras ngunit nang mahimasmasan ay naging normal n ang kanyang paglaktaw.

“I’ll join you.”

Napasulyap siya sa kanyang kanan nang marinig ang malumanay ngunit buo nitong boses.

Kanyang naaninag ang bulto ng sumagip sa kanya kani-kanina lamang. Nakapamulsa ito’t diretso ang tingin sa kanilang nilalakaran.

Hindi niya maiwasan ang mapaalsa ng kilay. Parang nakuha naman nito ang ibig niyang ipahiwatig kahit na hindi ito lumingon sa kanya. “Papunta rin ako sa cafeteria.”

Muli niya na lamang itinuon ang kanyang atensyon sa daanan. Alam niyang hindi niya dapat kuwestiyunin ang sinabi nito sapagkat tanghalian na’t normal na didiretso sa kantina ang mga estudyante.

“By the way,” panimula nito, “I’m Raziel. Raziel Hope Campbell.”

Tumigil siya sa paglalakad at bumaling ng tingin dito.

Nakahinto na rin ito’t kasalukuyang nakalahad ang kanang palad sa kanya. Hindi man labis na sigurado, unti-unti niyang inabot iyon at nakipagkamay rito.

“Selene,” sagot niya.

Binitiwan na siya nito. Lumantad sa pangalawang pagkakataon ang ngiti sa mukha nito’t ipinagpatuloy na muli ang paglalakad.

“Kaklase mo pala ako sa isa sa mga subjects. I’m a transferee. Psychology student ka rin, ’di ba?” muling dakdak nito.

Ramdam niya ang muling pag-angat ng kanyang kilay. Ganoon na ba siya kawalang pakialam sa mga ganap sa paligid niya kaya’t kahit ito’y ’di niya maalala?

Isang buwan na rin ang nakalilipas magmula noong unang araw ng pasukan. Talagang palaisipan sa kanya kung bakit hindi man lamang niya ito napansin sa loob ng napakahabang panahon na iyon.

Ilang metro na lamang ang layo nila mula sa entrada ng kantina’t natagpuan na ng kanyang mga tainga ang ingay na siyang galing sa loob.

“S-Sandali.”

Akma na niyang itatapak ang kanyang sapatos sa sahig ng kantina nang kanyang maulinigan iyon.

Muli niyang itong tiningnan. Napaubo naman ito at tinanggal ang pagkakaloob ng mga kamay nito sa bulsa.

Dinapit nito ang kanyang puwesto na bahagyang nalalayo mula sa kinalalagyan nito.

“Is it okay if I’ll join you pati sa table? This is the first time kasi na kinausap mo ako. And . . . you know,” wika nito. Ibinaba nito ang ulo't nilaro ang mga sapatos nito.

“Gusto kitang makilala,” pagpapatuloy nito.

Nagbuntonghininga siya.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong may kinausap siya maliban sa kanyang mga kaibigan na sina Lickesia at Yvonne.

Ngunit ayaw niyang lumabas na maldita o ’di kaya’y masama sa paningin nito—bago pa naman silang magkakilala—kahit na batid niyang ganoon ang tingin ng karamihan sa kanya.

“Sige.” Kaagad naman itong napaangat ng ulo. Hindi na niya iyon pinansin pa’t kaagad na pumasok.

Dama niya naman ang presensiya nito na siyang sumusunod sa kanya.

Hindi na siya nag-abala pa na bumili ng pagkain at dumiretso na lamang sa isang bakanteng pang-apat na mesa’t mahahabang mga silya.

Una niyang inilapag ang kanyang bag sa gilid bago sumabay rito ng upo. Nagpadekwatro lamang siya ng upo’t muling napaayos nang sumunod sa kanyang tapat si Raziel.

Bago pa man niya maibigkas ang kanyang tanong dito, itinukod na nito ang mga siko sa puting lamesa’t tinugon na ang kanyang tanong. “I won’t eat,” saad nito bago muling ngumiti.

Napatikhim na lamang siya bago inilibot ang kanyang paningin sa kabuuan ng paligid: iniiwasang muling mapaisip sa ginawa ng binata.

Luminga-linga siya’t ginawaran ng simpleng tingin ang bawat sulok ng kantina.

Mistulang dambuhalang mangkok iyon na nakataob. Magagawa na niyang manalamin sa haligi nitong gawa rin sa salamin. Tanyag ang kanilang unibersidad sa ngalang, “School of Glass”, sapagkat gawa sa salamin ang dingding ng mga establisimiyento rito.

Sa halos dalawang taong pamamalagi niya sa paaralang ito, ngayon niya lamang nabigyang-halaga ang napakaimportanteng detalyeng iyon.

Ganoon nga ba ang nagagawa ng ‘may iniiwasan’?

Sumulyap siya sa relos na nasa kanyang kaliwang braso’t nakitang dadapit na ang alas dose y medya.

Binalingan niya ng tingin ang kanyang mga hita; ilang beses siyang napatapik sa kulay puti na telang tumataklob sa kanyang balat. Nagawa niyang palipasin ang mga segundo sa pamamagitan niyon.

“Girl! We’re so sorry na na-late kami.” Napatingin siya sa kararating lamang na mga kaibigan niya. Binati niya ang mga ito ng ngiti.

Tumabi sa kanya si Yvonne at umupo naman sa kanyang tapat ang isa pa niyang kaibigan. Umangat ang kanyang kilay nang mapagtantong wala na roon ang kanyang kasama.

“Esia kasi visited her boyfriend pa,” reklamo ni Yvonne. Nagawa pa nitong paikutin ang mga mata. Ganoon na lamang din ang ginawa ni Lickesia.

Binuksan na nito ang dala-dala nitong sisidlan kasabay ng pagkuha nito sa tatlong lalagyan ng pagkain. Inilapag nito ang mga iyon sa harapan nilang tatlo.

Napapalakpak si Yvonne at hinanda na ang sariling kubyertos. “Yey! Finally! I’m gonna eat na rin!” Akma na nitong bubuksan ang takip nang pigilan ito ni Lickesia.

“What’s your problema ba? I’m going to eat na!” pagdadabog nito.

Inilingan lamang ito ni Lickesia at unti-unti nang hinahatak ang sisidlan palayo ngunit umalma rin naman si Yvonne.

Nagsimula sa paghilaan ang mga ito.

“Pagkatapos mong magreklamo?” kantiyaw ni Lickesia.

Napabitiw rin naman ito ’di kalaunan sa kanilang pinag-aagawan nang isang buwelong hinila iyon ni Yvonne.

Tuluyan na nitong sinagupa ang pagkain. “I’m sorry na if nag-complain ako. We’re bati na ulit, Esia, okay? Don’t be maarte na.” Pangangatuwiran nito nang punong-puno pa ang laman ng bibig.

Mahina lamang siyang napahagikhik at nagsimula na lamang ding kumain.

Siya’y napapapikit sa t’wing nalalasahan ng kanyang dila ang pinagsamang kulasim, tamis at anghang ng kanyang kinakaing steak.

[ kulasim - sourness ]

Nakadagdag pa sa pagkakomportable ng kanyang pagkain ang pagiging malambot nito na naging kalugod-lugod sa kanyang mga ngipin.

Talagang ’di maipagkakait ang likas na abilidad ni Lickesia sa pagluluto. Ang gawain din nitong araw-araw na pagluluto ng pagkain para sa kanilang magkakaibigan ay nagagawang libangan ang simpleng kakayahan.

’Di rin taliwas ang ginaganap nito sa kursong kinukuha nito na AB Cullinary Arts.

Makapito rin siyang nasagi ng siko ni Yvonne bunsod ng kulitan ng dalawa. Hindi na lamang siya nagreklamo sa mga ito’t hinayaan na lamang ang kanyang mga kaibigan.

Tahimik siyang nagpatuloy sa pagkain.

Napahinto na lamang siya sa pagnguya nang marinig at maramdaman ang mabigat na hampas sa kanilang kinakainang tabla.

Sinalubong niya ng tingin si Lickesia na ngayo’y nakatayo’t nanginginig at pulang-pula ang mukha.

Nasindak siya nang dinuro nito si Yvonne gamit ang tinidor. Hindi maiwawaglit ang sama rin ng pagtingin ni Yvonne dito.

Akma na siyang tatayo’t aawatin ang dalawa nang siya naman ang dinuruan nito ng hawak. Muli na lamang siyang napaupo.

Ibinalik nito ang tinidor sa pagkatutok kay Yvonne. “Wala kang karapatan para sabihing may sakit sa pag-iisip ang boyfriend ko!” sumbat nito.

Napatigalgal lamang siya nang marahas na ibinagsak nito ang hawak na patalim sa mesa.

Inabot nito ang hawak nitong bag at napapikit na lamang siya nang humampas sa balikat ni Yvonne iyon.

Nakahinga lamang siya nang maluwag nang tuluyan nang nawala ang anyo nito sa nasasakupan ng kanyang paningin.

Sinundan niya ng tingin ang papalayong Lickesia na pinagbabangga ang lahat ng nakasasalubong nito sa daan.

Binalingan niya ang isa pang kaibigan.

Pilit siyang nginitian nito bago muling naupo’t hinawakan ang sariling kubyertos.

“Let’s continue our pagkain.” Saad nito bago muling nagpatuloy—sa paraang tahimik na nga lang.

Napataas na lamang siya ng kilay.

Ano ang nangyari?

Related chapters

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 4

    IKATLONG TAUHAN“Selene” NAPAIHIP ng hangin. Napahilot sa sentido. Nagbuntonghininga. Pinulot niya ang panulat na nakapatong sa kanyang armchair at nagsimula nang muli sa pagsagot. Subalit . . . blangko pa rin ang kanyang isip. Wala pa ring pumapasok na kahit anong detalye sa kanyang utak. Sigurado siyang pinag-aralan niya ang paksang siyang tinatalakay sa kanilang pagsusulit ngayon. Kahit nga ang pagsasaulo ay ginawa na niya kagabi’t kaninang umaga kaya’t lubos siyang nadismayang kahit isang salita’y walang sumasagi sa kanyang isipan. Lubos na dumagdag pa sa kanyang mga iniisip ang naging away ng dalawa niyang kaibigan noong nakaraang araw. Tatlong magkakasunod na araw lumiban sa klase si Lickesia. Tatlong

    Last Updated : 2021-09-12
  • Disorder (Tagalog)   Chapter 5.1

    IKATLONG TAUHAN“Selene” KATAHIMIKAN. Masyadong tahimik. Nakabibingi. Nakaaabala. Ayaw niya ng ganito. Dahil tanging paghinga niya’t malakas na pagkabog ng dibdib ang kanyang nauulinigan. Nanunumbalik sa kanya ang mga pagkakataong pagharap at pagkausap niya sa sarili sa harap ng kanyang salamin. Mga pagkakataong nananatili siyang gising sa gabi upang pakiramdaman ang katahimikan ng kanyang silid. Mga pagkakataong nananatili siyang tago sa pamamagitan ng nakapaligid sa kanyang makakapal na mga pinid. Mga pagkakataong naging mag-isa siya’t walang kasama. Dumaan ang mga taong halos matuyo ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa tuwing sinusubukan niyang magsalita’y parang pumu

    Last Updated : 2021-09-14
  • Disorder (Tagalog)   Chapter 5.2

    IKATLONG TAUHAN“Selene” HINDI niya alam kung ano ang dapat niyang isagot kaya nanatili siyang tahimik. Iniwas niya na rin ang kanyang tingin sa mga mata nitong puno ng pinagsama-samang mga emosyon. Awa. Pangamba. Takot. At hilakbot. Narinig niya ang pagtikhim nito bago ito muling magsalita. “Papayagan kitang makausap siya. Just maintain a distance from her, alam mo kung ano ang nangyari kanina. Hintayin mo lamang ang paggising niya,” saad nito. Muli siyang tumango bilang tugon dito. Naramdaman niya ang mahinang pagtapik nito sa kanyang balikat bago ito tuluyang lumabas ng silid at sinundan ang iba pang mga doktor. Iginala niya ang kanyang paningin. Nang makasigurong wala na ngang iba pang tao sa paligid ay dumiretso siya sa

    Last Updated : 2021-09-14
  • Disorder (Tagalog)   Chapter 6.1

    IKATLONG TAUHAN“Selene”NAKATULALA.Nakatanod ang paningin sa kawalan.Nakaupo sa sulok habang yakap-yakap ang mga binti’t nakatukod ang baba sa tuhod ang kanyang posisyon.Mugto ang mga mata.Nakaratay ang mga luha sa magkabilang pisngi na natuyo na.At ’gaya noon, nakaupo muli siya sa dako ng kanyang higaan.Ang mga sulok niyon ang siyang nagpapadama sa kanya na siya’y ligtas—hindi mula sa ibang tao kung hindi ay mula sa mismong mga kamay niya.Hindi niya lubos maintindihan ang sarili.Nakalilito.Nakapagpapabagabag.Ang huli niyang naalala bago niya nadatnan ang kanyang sarili hawak-hawak ang bituka ni Lickesia ay ang nakita niya itong may nakatarak na kutsily

    Last Updated : 2021-09-15
  • Disorder (Tagalog)   Chapter 6.2

    IKATLONG TAUHAN“Selene”MABAGAL siyang tumango rito bago ngumiti na rin; ganoon din ang ginawa ng kanyang ina bago ito naunang maupo sa sopa na dati nang inupuan nito.“Alma.”Napasinghap siya nang makitang halos takasan ng kaluluwa ang doktora nang banggitin ng kanyang ina ang pangalan nito. Namumutla’t wari’y sinusubukan lamang na pigilan ang sariling manlaki ang mga mata.Marahan siyang napapikit nang umalingawngaw sa kanyang tainga ang nakaiiritang tunog ng marahas na pagdulas ng mga paa ng bangko sa sahig.Hindi niya matalastas kung bakit ganoon ito kung tumugon sa kanila.Nagmamadali.’Di mapakali.“Y-Yes.” Pinagmasdan niya lamang itong lumapit at akayin siya tungo sa silid—lugar na

    Last Updated : 2021-09-15
  • Disorder (Tagalog)   Chapter 7.1

    IKATLONG TAUHAN“Raziel”GINAW.Kagat.Nakikisama ang nginig.Banayad na kanyang kinakatkat ang kuko at balat sa gilid ng kanyang mga daliri sa labis na kabang nararamdaman.“Here’s the result of your past examination.”Sinundan niya ng tingin ang kanyang kaklase na siyang inutusan ng kanilang propesor upang ipamigay ang kanilang mga papel.Bawat hakbang nito palapit sa kanyang kinauupuan ay lalong paglakas ng tibok ng kanyang puso. Wari’y ilang sandali na lamang ay tatalon iyon at bubulwak mula sa kanyang dibdib.Napasinghap na lamang siya nang tuluyang tumapat sa kanya ang braso nitong bitbit ang tumpok.Panahon na upang malaman ang nakuha niyang marka.Kaagad

    Last Updated : 2021-09-17
  • Disorder (Tagalog)   Chapter 7.2

    IKATLONG TAUHAN“Raziel”MAY binibitbit man siyang wari’y bigat sa kanyang magkabilang braso at binti, sinubukan niya pa rin itong lapitan.Nangangailangan ito ng gabay.Sigurado siya roon.At kahit sa pagkakataon man lamang na iyon, nais niyang siya ang maging sandalan nito.Ganoon naman talaga ang kaibigan, hindi ba?Lalo lamang itong naluha nang simulan niyang tapikin ang balikat nito. Pinilit nitong takpan ang mukha upang hindi masilayan ng iba ang lagay nito.Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.Alam niya ang pakiramdam ng wari’y pagiging pilay at baldado.Alam niya ang lahat ng iyon.Labis siyang nalulungkot sa sinapit ng kasintahan nito.

    Last Updated : 2021-09-17
  • Disorder (Tagalog)   Chapter 8.1

    IKATLONG TAUHAN“Raziel”NAMAMANGHANG mga mata.Malakas na tibok ng puso.Nakasisilaw na tanglaw ng kumikinang na kulay bughaw ang bumati sa kanila.Mistulang kumakaway.Hinahatak ang kanilang mga mata na ituon ang tingin at tumitig sa mga iyon.Dose-dosenang maliliit na mga bumbilya ang pumalibot sa mga punong nagsisilbing gabay sa sementadong daanan.Iba’t ibang muwestra ang siyang sinasabayan ng mga indayog niyon; labis pang nakadagdag sa saganang hatid ng paligid ang mabagal na musikang tila’y hinihilot ang kanilang mga utak.[ muwestra - pattern ]Nakagagaan ng pakiramdam.Nagpapakalma sa kanyang nababagabag na isipan.Hinga.Langhap.

    Last Updated : 2021-09-19

Latest chapter

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 15.4

    IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”“SO.” Marahan siyang napatalon sa pagkakagulantang nang dumilat ito at muli siyang sinalubungan ng ngisi.“You dropped a question earlier. And I dropped mine.” Marahas siyang napalanghap ng hangin nang tumayo ito.“Will you answer mine once I answer yours?”Hindi niya binabawi ang kanyang tingin mula sa mga mata nitong mapaglaro, sa labi nitong nakaukit ang isang ngising ginagawa siyang tuliro.Wala siyang balak sagutin ito.Nanatili siyang kalmado kahit na taliwas sa kanyang ipinapakita ang damdaming sumisiklab sa kanyang looban.Nanunuya itong tumawa bago siya irapan. “Okay, I’ll tell you why I’m here.”Humakbang ito palapit.“The answer is simple. You maybe even know the reason why, Doctora.” Hindi siya nagpapatinag sa mga tingin nitong hinuhukay ang kanyang ikinukubling takot.May inilabas itong papel.Kaagad na lumipat ang kanyang tingin doon. Napansin niya ang muling pag-angat ng dulo ng labi nito.“I want this medical record to be clear.”Nanlaki a

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 15.3

    IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NANGANGALIGKIG niyang mga daliri ang mahigpit na lumamukot sa hawak.Napaangat siya ng tingin. Maliliit na ingay ang paulit-ulit na kumakalansing sa bakuran ng kanyang mga tainga.Hindi tumitigil.At mukhang . . . nakikilala niya ang tunog na iyon.Nagsimula siyang maglakad palapit sa pinanggagalingan ng tunog—palakas iyon nang palakas. Nang nasa paanan na siya ng kanyang mesa, doon siya napahinto nang pamilyar na papel ang lumipad at nakuha ang kanyang atensiyon.Muli niyang tiningnan ang papel.Nasundan ng kanyang mga mata ang pagkawala niyon mula sa kanyang hawak kasabay nang sunod-sunod na paglantad ng kaparehong mga papel sa kanyang harapan.Records.Madalian niyang dinalo ang likuran ng lamesa kung saan nagmumula ang mga papel.Marahas niyang itinulak ang mesa pagilid, at doon natagpuan ang kanyang printer na paulit-ulit na ginagawan ng kopya ang records na pinakaiingatan niya.Ang medical records ni Selene.“Shit!”Hindi niya naiwasan ang magpakawa

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 15.2

    IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NOONG tiyak na saglit na iyon, mistulang nakikipagkarerahan ang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa pagbaha ng mga isipin sa kanyang ulo.Napabitiw siya mula sa pagkakahawak doon nang maramdamang unti-unti nang nagsisimulang mangatal ang kanyang mga daliri.Agaran niyang ibinalik ang kumpol ng susi sa bag na nakakabit sa kanyang balikat.Hindi na maaaring nagkataon lamang ang lahat ng iyon.Ang bukas na kandado sa harapan.Bukas na ilaw sa loob ng kanyang mismong opisina.Maging hanggang sa mga gasgas na kanyang natagpuan sa hawakan.Hindi na—hindi na maaaring nagkataon lamang ang mga iyon.Hindi maaari. Marami siyang mahahalagang mga dokumento.Ano . . .Ano ba’ng nangyayari?Bagsak.Kanyang dinako ang parihabang bintana sa kanan. Lilinga-linga; pilit na hinahagilap ang lugar ng pinanggalingan ng kanyang narinig.Nanlalaking mga mata.Malakas na tibok ng puso.Hindi pa man niya tuluyang naiproseso sa kanyang utak ang lahat, nagkukumahog na siya

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 15.1

    IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”MULA pa lamang sa malayo, tanaw na niya ang establisimiyentong tanging nakatayo sa parte ng mahabang kalsadang kanyang tinatahak.Ang kanyang klinika.Sa kabila ng makapal na hamog na bumabalot sa paligid—lalong pinagiginaw ang kanyang pagod na utak—hindi nakatakas ang gusaling iyon mula sa kanyang mga mata.Humikab siya’t pasimpleng pinasadahan ng tingin ang orasang nasa ibabaw ng kanyang dashboard.Alas singko y medya.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, hanggang sa tuluyan niyang maabot ang paanan ng paradahan. Naramdaman niya ang marahang pag-angat ng kanyang dinaraanan saka niya tuluyang hininto ang kotse.Kanyang ipinihit ang susi’t tinanggal iyon mula sa pagkakasaksak. Isinilid niya iyon sa kanyang dala-dalang bayong saka marahang napasandal sa malambot na sandalan sa kanyang likuran.Ilang pagbuga ng hangin ang kanyang ginawa, kalakip ng pag-aayos niya sa suot na chaketa.Ginawaran niya ng tanaw ang labasan.Nasa paradahan na siya: sa gilid ng kanyang

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 14.2

    IKATLONG TAUHAN“Selene”INABOT niya ang silya sa kanyang harapan at mahinahong naupo roon.Nang maramdaman ang lamig na dulot ng metal sa bangko, lalo lamang na humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili.Ilang beses siyang napabuga ng hangin. Pinipilit panatilihin ang natitirang init sa kanyang sistema sa pamamagitan ng pagkukuskos sa dalawa niyang mga palad.Kaagad siyang tumigil nang maramdaman ang maliit na kirot doon. Binalingan niya iyon ng tingin, at muli na lamang na nag-iwas nang matagpuan doon ang mga pasang kanyang natamo.Mga pasang kanyang natamo mula sa pagkakatulak nito sa kanya.Pasimple niyang tinapunan ng tingin ang kumot na nakalatag sa ibabaw.Tila ba’y nais niyang agawin iyon; saka ibalot sa buo niyang katawan at damhin ang init

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 14.1

    IKATLONG TAUHAN“Selene”TUNOG ng makina.Alatiit niyon.Kanyang paulit-ulit na nauulinigan.Marahan siyang napahimas sa kanyang mga braso’t binalingan ng tingin ang maliit na monitor sa kanyang harapan.Paiba-ibang guhit ang kanyang nakikita roon: maliliit na mga linya, sunod-sunod, saka lalaki.Halos pare-pareho ang kanyang nakikita, tila’y may sinusundang muwestra iyon.[ muwestra - pattern ]Subalit hindi iyon problema: ang mahalaga nama’y hindi iyon maging diretso.Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.Ilang beses niyang pinilit itago ang kanyang sarili sa loob ng suot niyang chaketa sa labis na nadaramang lamig.Lamig na tila’y umaabot hanggang sa k

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 13.2

    IKATLONG TAUHAN“Raziel” HINALUGHOG niya ang mga upuan, ang bakanteng lugar sa likod, pati na rin ang mga ilalim. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Sinimulan niyang pagkakalkalin ang bawat papel: mabilis na pinapasadahan ng tingin ang mga iyon . . . hanggang sa isang pangalan ang nagpahinto sa kanya. Inayos niya ang pagkakaupo’t napahigpit ang h

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 13.1

    IKATLONG TAUHAN“Raziel” TILAMSIK ng ulan ang tanging mababakas sa paligid. Kita niya ang pagdausdos ng mga butil niyon sa harapang bahagi ng kanyang motor. Basang-basa iyon: tila’y pinaliguan. Patuloy na umaakap sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Bawat segundong lumilipas ay ang higit na paglamig ng paligid. Tinapunan niya ng tingin ang relos na nasa kanyang kaliwang palapulsuhan. Alas dies ng gabi. Inilibot niya ang kanyang paningin sa mahamog na kapaligiran. Ilang oras na siyang sumisilong. Maghahating-gabi na lang, nandoon pa rin siya. Kung iisipin, maaari naman siyang magpakabasa na lamang para lang makauwi. Subalit hindi niya maaaring itaya ang kanyang kaligtasan sa basang kalsada ng siyudad.

  • Disorder (Tagalog)   Chapter 12.3

    IKATLONG TAUHAN“Selene”NAPALUNOK siya.Ramdam niya ang kakaibang enerhiyang dumaloy sa kanyang balat nang makita ang mariing pagkakatitig nito sa kanya.“Hindi kita maintindihan. Kahit si Mallory. Pareho ko kayong hindi maintindihan,” bulong nito. Muli itong nagpakawala ng mapait na pagtawa.Halos hanging dumaan iyon sa kanyang pandinig. Hindi niya maunawaan kung sinadya ba nitong gawin iyon upang hindi niya ito maulinigan.Dahan-dahan siyang lumapit dito. “P-Pero . . . b-bakit?”Binalingan lamang siya nito ng tingin. Hindi niya maiwasang hindi mapaluha nang makitang wala man lang ka-emo-emosyon ang mukha nito.Wala itong pake.Itinuro niya ang kanyang sarili. “A-Ako ’to . . . s-si Selene. M-Magkaibi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status