IKATLONG
TAUHAN“Raziel”GINAW.
Kagat.
Nakikisama ang nginig.
Banayad na kanyang kinakatkat ang kuko at balat sa gilid ng kanyang mga daliri sa labis na kabang nararamdaman.
“Here’s the result of your past examination.”
Sinundan niya ng tingin ang kanyang kaklase na siyang inutusan ng kanilang propesor upang ipamigay ang kanilang mga papel.
Bawat hakbang nito palapit sa kanyang kinauupuan ay lalong paglakas ng tibok ng kanyang puso. Wari’y ilang sandali na lamang ay tatalon iyon at bubulwak mula sa kanyang dibdib.
Napasinghap na lamang siya nang tuluyang tumapat sa kanya ang braso nitong bitbit ang tumpok.
Panahon na upang malaman ang nakuha niyang marka.
Kaagad
IKATLONG TAUHAN“Raziel”MAY binibitbit man siyang wari’y bigat sa kanyang magkabilang braso at binti, sinubukan niya pa rin itong lapitan.Nangangailangan ito ng gabay.Sigurado siya roon.At kahit sa pagkakataon man lamang na iyon, nais niyang siya ang maging sandalan nito.Ganoon naman talaga ang kaibigan, hindi ba?Lalo lamang itong naluha nang simulan niyang tapikin ang balikat nito. Pinilit nitong takpan ang mukha upang hindi masilayan ng iba ang lagay nito.Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay.Alam niya ang pakiramdam ng wari’y pagiging pilay at baldado.Alam niya ang lahat ng iyon.Labis siyang nalulungkot sa sinapit ng kasintahan nito.
IKATLONG TAUHAN“Raziel”NAMAMANGHANG mga mata.Malakas na tibok ng puso.Nakasisilaw na tanglaw ng kumikinang na kulay bughaw ang bumati sa kanila.Mistulang kumakaway.Hinahatak ang kanilang mga mata na ituon ang tingin at tumitig sa mga iyon.Dose-dosenang maliliit na mga bumbilya ang pumalibot sa mga punong nagsisilbing gabay sa sementadong daanan.Iba’t ibang muwestra ang siyang sinasabayan ng mga indayog niyon; labis pang nakadagdag sa saganang hatid ng paligid ang mabagal na musikang tila’y hinihilot ang kanilang mga utak.[ muwestra - pattern ]Nakagagaan ng pakiramdam.Nagpapakalma sa kanyang nababagabag na isipan.Hinga.Langhap.
IKATLONG TAUHAN“Raziel” IILAN lamang ang nakapaligid sa kinalulugaran nito kaya’t hindi na sila nahirapan pang makalusot at matayo mismo sa paanan ng mga tinda nito. Kasabay ng pagpaypay ng manong sa mga pagkaing iniihaw ang naulinigan niyang sunod-sunod na pag-ubo ng dalaga. Tumigil sa ginagawang iyon ang nagtitinda’t may bahid ng pag-aalalang tiningnan ito. “Ineng, ayos ka lang ba? Pasensya na.” Magsasalita na sana siya nang kumumpas lamang ang kanyang katabi’t itinawa na lamang ang nangyari. “O-Okay . . . po.” Patuloy pa rin ito sa pag-ubo subalit ay kita niyang pinipilit nitong h’wag ipahalatang nasusulasok ito sa usok. Lalabas mang peke, nakisama na lamang din siya sa pagtawa upang kahit papaano’y mabawasan ang nakaiilang na kalidad ng k
IKATLONG TAUHAN“Selene”LAMIG at tubig ang bumalot sa kanya.Ramdam niya ang pagdikit ng suot niyang chaketa sa kanyang balat nang dahil sa pagkabasa.Umaandar ang kanyang pagiging maarte sa bawat tilapon ng putik: gumuguhit iyon ng samu’t saring mga dibuho sa kanyang saplot pati na rin sa kanyang suot na sapatos.Wala siyang ibang marinig kung hindi ang ingay ng bawat pagtagpo ng mga butil ng ulan sa lupa.Labis na nakaiirita.Patuloy siya sa pagtakbo. Hindi niya lubos maunawaan ang sarili kung bakit niya iyon ginawa . . . at patuloy na ginagawa.May parte sa kanya na nagnanais nang tumalikod at tumigil sa pagkaripas, subalit hindi niya magawang pigilin ang bahagi niya na pinipilit siyang h’wag huminto.Mistulang sa mga san
IKATLONG TAUHAN“Selene”NILINGON ito ng ginang. Mula sa kanyang anggulo, hindi niya man kita ang buong mukha nito, kanyang nasasalamin ang namumula nitong mga mata nang dahil sa mala-salaming bintana sa gilid.Nanlilisik.Nananakot.“Ikaw, Lazarus, ano ang problema mo?” Mahinahon man ang pagkakasabi, mamumuslak ang diin sa bawat pantig na siyang ibinigkas nito.Higit siyang napakubli sa dingding nang kanyang natanaw ang paghilamos sa mukha ng lalaki. Suminghap ito, pinapakalma ang sarili.“Mallory, ganito na lang ba talaga palagi? Nagluto lang ako ng meryenda para sa anak natin, ano ang ikinagagalit mo?”Walang sigawan na nangyayari. Mahinahon na nagsasalita ang mag-asawa. Subalit may tensiyon na namumuo—hindi pa nga lang sumisiklab.Hindi pa . . . ngunit ma
IKATLONG TAUHAN“Selene” GINAW. Nginig. Tapik sa hita. Marahan niyang hinatak ang kumot na nasa kanyang paanan bago iyon inilatag sa ibabaw ng kanyang katawan. Makapal man iyon, ramdam na ramdam niya pa rin ang haplos ng malamig na simoy ng hangin sa kanyang balat. Kanyang hinagkan ang kanyang mga binti’t maluwat na ipinatong ang baba sa tuhod, ilang ulit na pinaghahaplos ang mga braso. [ maluwat - slow ] Kanya nang pinatay ang air-conditioner sa kanyang kuwarto, subalit patuloy pa rin sa pag-akap ang lamig sa kanya. Mahinahon niyang iginala ang paningin sa paligid. Nagmamasid. Nagmamasid. Bukas na bintana, dilaw na kurtinang sumasabay sa indayog ng hangin: doon nagmumula ang lamig.
IKATLONG TAUHAN“Yvonne” PASIMPLE niyang inabot sa tindera ang limampung piso bago muling ipinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid. Mahirap na, baka mahuli pa siya. “Ito, ineng.” Kaagad niyang ibinaling ang tingin dito at tinanggap ang dalawang supot na naglalaman ng isda at kanin. Tinanguan niya lamang ang matanda at pabulong na ipinarating dito ang pasasalamat. Wala siyang ipinalampas na sandali at mabilisang isinilid ang mga iyon sa kanyang bag na pekeng tatak Gucci. Pagkatapos masigurong walang nakahalata sa kanyang ginawa, nagsimula nang muli siya sa paglalakad na wari’y nasa kanya ang lahat ng salapi sa mundo. Kapapasok pa lamang sa tarangkahan ng kanilang eskuwelahan, kaliwa’t kanan na ang pagbati na kanyang natatanggap. Samantalang tipid na tango’t ngiti
IKATLONG TAUHAN“Yvonne” MASYADONG madali—masyadong madali ang gawaing iyon para sa kanya. Higit pang kapaki-pakinabang kaysa pagiging buntot ni Lickesia. Sana noon niya pa nakilala ang ina ng kaibigan. Hindi niya napigilan ang mapatalon mula sa pagkakaupo sa lababo. Wari’y may dumaang bagyo sa paligid: ramdam niya ang pagyeyelo ng kanyang mga palad. Ang dating galak na bumabalot sa kanyang sistema ay mistulang natunaw. Tila’y napalitan iyon ng takot. Kung kanina ay langitngit lamang at walang katiyakan ang kanyang mga hinuha, iba na ngayon. Hindi na siya maaaring magkamali. [ hinuha - deductions ] Nakasisiguro na siyang . . . hindi siya nag-iisa sa lugar na iyon. Nanatiling nakapako ang kanyang mga paa sa kanyang kinalalagyan: tila’y tinapalan ng pandikit ang mga suwelas ng k
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”“SO.” Marahan siyang napatalon sa pagkakagulantang nang dumilat ito at muli siyang sinalubungan ng ngisi.“You dropped a question earlier. And I dropped mine.” Marahas siyang napalanghap ng hangin nang tumayo ito.“Will you answer mine once I answer yours?”Hindi niya binabawi ang kanyang tingin mula sa mga mata nitong mapaglaro, sa labi nitong nakaukit ang isang ngising ginagawa siyang tuliro.Wala siyang balak sagutin ito.Nanatili siyang kalmado kahit na taliwas sa kanyang ipinapakita ang damdaming sumisiklab sa kanyang looban.Nanunuya itong tumawa bago siya irapan. “Okay, I’ll tell you why I’m here.”Humakbang ito palapit.“The answer is simple. You maybe even know the reason why, Doctora.” Hindi siya nagpapatinag sa mga tingin nitong hinuhukay ang kanyang ikinukubling takot.May inilabas itong papel.Kaagad na lumipat ang kanyang tingin doon. Napansin niya ang muling pag-angat ng dulo ng labi nito.“I want this medical record to be clear.”Nanlaki a
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NANGANGALIGKIG niyang mga daliri ang mahigpit na lumamukot sa hawak.Napaangat siya ng tingin. Maliliit na ingay ang paulit-ulit na kumakalansing sa bakuran ng kanyang mga tainga.Hindi tumitigil.At mukhang . . . nakikilala niya ang tunog na iyon.Nagsimula siyang maglakad palapit sa pinanggagalingan ng tunog—palakas iyon nang palakas. Nang nasa paanan na siya ng kanyang mesa, doon siya napahinto nang pamilyar na papel ang lumipad at nakuha ang kanyang atensiyon.Muli niyang tiningnan ang papel.Nasundan ng kanyang mga mata ang pagkawala niyon mula sa kanyang hawak kasabay nang sunod-sunod na paglantad ng kaparehong mga papel sa kanyang harapan.Records.Madalian niyang dinalo ang likuran ng lamesa kung saan nagmumula ang mga papel.Marahas niyang itinulak ang mesa pagilid, at doon natagpuan ang kanyang printer na paulit-ulit na ginagawan ng kopya ang records na pinakaiingatan niya.Ang medical records ni Selene.“Shit!”Hindi niya naiwasan ang magpakawa
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NOONG tiyak na saglit na iyon, mistulang nakikipagkarerahan ang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa pagbaha ng mga isipin sa kanyang ulo.Napabitiw siya mula sa pagkakahawak doon nang maramdamang unti-unti nang nagsisimulang mangatal ang kanyang mga daliri.Agaran niyang ibinalik ang kumpol ng susi sa bag na nakakabit sa kanyang balikat.Hindi na maaaring nagkataon lamang ang lahat ng iyon.Ang bukas na kandado sa harapan.Bukas na ilaw sa loob ng kanyang mismong opisina.Maging hanggang sa mga gasgas na kanyang natagpuan sa hawakan.Hindi na—hindi na maaaring nagkataon lamang ang mga iyon.Hindi maaari. Marami siyang mahahalagang mga dokumento.Ano . . .Ano ba’ng nangyayari?Bagsak.Kanyang dinako ang parihabang bintana sa kanan. Lilinga-linga; pilit na hinahagilap ang lugar ng pinanggalingan ng kanyang narinig.Nanlalaking mga mata.Malakas na tibok ng puso.Hindi pa man niya tuluyang naiproseso sa kanyang utak ang lahat, nagkukumahog na siya
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”MULA pa lamang sa malayo, tanaw na niya ang establisimiyentong tanging nakatayo sa parte ng mahabang kalsadang kanyang tinatahak.Ang kanyang klinika.Sa kabila ng makapal na hamog na bumabalot sa paligid—lalong pinagiginaw ang kanyang pagod na utak—hindi nakatakas ang gusaling iyon mula sa kanyang mga mata.Humikab siya’t pasimpleng pinasadahan ng tingin ang orasang nasa ibabaw ng kanyang dashboard.Alas singko y medya.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, hanggang sa tuluyan niyang maabot ang paanan ng paradahan. Naramdaman niya ang marahang pag-angat ng kanyang dinaraanan saka niya tuluyang hininto ang kotse.Kanyang ipinihit ang susi’t tinanggal iyon mula sa pagkakasaksak. Isinilid niya iyon sa kanyang dala-dalang bayong saka marahang napasandal sa malambot na sandalan sa kanyang likuran.Ilang pagbuga ng hangin ang kanyang ginawa, kalakip ng pag-aayos niya sa suot na chaketa.Ginawaran niya ng tanaw ang labasan.Nasa paradahan na siya: sa gilid ng kanyang
IKATLONG TAUHAN“Selene”INABOT niya ang silya sa kanyang harapan at mahinahong naupo roon.Nang maramdaman ang lamig na dulot ng metal sa bangko, lalo lamang na humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili.Ilang beses siyang napabuga ng hangin. Pinipilit panatilihin ang natitirang init sa kanyang sistema sa pamamagitan ng pagkukuskos sa dalawa niyang mga palad.Kaagad siyang tumigil nang maramdaman ang maliit na kirot doon. Binalingan niya iyon ng tingin, at muli na lamang na nag-iwas nang matagpuan doon ang mga pasang kanyang natamo.Mga pasang kanyang natamo mula sa pagkakatulak nito sa kanya.Pasimple niyang tinapunan ng tingin ang kumot na nakalatag sa ibabaw.Tila ba’y nais niyang agawin iyon; saka ibalot sa buo niyang katawan at damhin ang init
IKATLONG TAUHAN“Selene”TUNOG ng makina.Alatiit niyon.Kanyang paulit-ulit na nauulinigan.Marahan siyang napahimas sa kanyang mga braso’t binalingan ng tingin ang maliit na monitor sa kanyang harapan.Paiba-ibang guhit ang kanyang nakikita roon: maliliit na mga linya, sunod-sunod, saka lalaki.Halos pare-pareho ang kanyang nakikita, tila’y may sinusundang muwestra iyon.[ muwestra - pattern ]Subalit hindi iyon problema: ang mahalaga nama’y hindi iyon maging diretso.Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.Ilang beses niyang pinilit itago ang kanyang sarili sa loob ng suot niyang chaketa sa labis na nadaramang lamig.Lamig na tila’y umaabot hanggang sa k
IKATLONG TAUHAN“Raziel” HINALUGHOG niya ang mga upuan, ang bakanteng lugar sa likod, pati na rin ang mga ilalim. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Sinimulan niyang pagkakalkalin ang bawat papel: mabilis na pinapasadahan ng tingin ang mga iyon . . . hanggang sa isang pangalan ang nagpahinto sa kanya. Inayos niya ang pagkakaupo’t napahigpit ang h
IKATLONG TAUHAN“Raziel” TILAMSIK ng ulan ang tanging mababakas sa paligid. Kita niya ang pagdausdos ng mga butil niyon sa harapang bahagi ng kanyang motor. Basang-basa iyon: tila’y pinaliguan. Patuloy na umaakap sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Bawat segundong lumilipas ay ang higit na paglamig ng paligid. Tinapunan niya ng tingin ang relos na nasa kanyang kaliwang palapulsuhan. Alas dies ng gabi. Inilibot niya ang kanyang paningin sa mahamog na kapaligiran. Ilang oras na siyang sumisilong. Maghahating-gabi na lang, nandoon pa rin siya. Kung iisipin, maaari naman siyang magpakabasa na lamang para lang makauwi. Subalit hindi niya maaaring itaya ang kanyang kaligtasan sa basang kalsada ng siyudad.
IKATLONG TAUHAN“Selene”NAPALUNOK siya.Ramdam niya ang kakaibang enerhiyang dumaloy sa kanyang balat nang makita ang mariing pagkakatitig nito sa kanya.“Hindi kita maintindihan. Kahit si Mallory. Pareho ko kayong hindi maintindihan,” bulong nito. Muli itong nagpakawala ng mapait na pagtawa.Halos hanging dumaan iyon sa kanyang pandinig. Hindi niya maunawaan kung sinadya ba nitong gawin iyon upang hindi niya ito maulinigan.Dahan-dahan siyang lumapit dito. “P-Pero . . . b-bakit?”Binalingan lamang siya nito ng tingin. Hindi niya maiwasang hindi mapaluha nang makitang wala man lang ka-emo-emosyon ang mukha nito.Wala itong pake.Itinuro niya ang kanyang sarili. “A-Ako ’to . . . s-si Selene. M-Magkaibi