IKATLONG
TAUHANTUMANGHAL sa mga labi ng anim na taong gulang na batang babae ang ngiting tagumpay. Maliwanag, at bakas ang pagiging dalisay roon.
Kabubukas niya pa lamang sa laruan niyang bahay ng manika, iyon ay handog sa kanya ng kanyang ama.
Kulang na lamang ay magbunyi ang kanyang mga mata sa nakikita.
Bukod sa kumpleto iyon sa mga kagamitan, mas ikinagalak ng kanyang puso ang diwang iyon ang kauna-unahang regalong natanggap niya.
Inabot ng kanyang bulilit na mga kamay ang minyaturang laki ng babaeng manika na kasinglaki ng kanyang hinliliit; sinimulan niyang palibutin iyon sa laruang dalawang palapag na pamamahay.
Kanyang inaawit ang paborito niyang tugmaang pambata na ‘Twinkle, Twinkle, Little Star’, ’di pa rin mawala-wala ang pagkapaskil ng maliwanag na kurba sa kanyang mga labi.
[ tugmaang pambata - nursery rhyme ]
Napabaling ang kanyang titig sa pintuan bago iyon lumagpak sa kung saan-saang dako ng haligi: sinusubukang suriin kung saan nagmumula ang paimpit na hiyaw.
Humigpit ang kapit niya sa manika.
Napatapik-tapik sa kanyang hita.
Saan ’yon galing?
Humagikhik na lamang siya’t ’di na inabala ang naulinigan.
Marahil ay ang kanyang kuya lamang iyon . . . siguro ay naglalaro?
Subalit tumigil.
Huminto sa paggalaw ang kanyang mga kamay nang anino ng kanyang ina sa bukana ng pintuan ang kanyang naaninag. Nagmamadali itong pumasok: tatakbo-takbo.
Hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pag-aalinlangan nang matanaw ang nangangatal nitong mga braso’t kamao. Hindi rin mapalagay ang leeg at mga mata nitong palinga-linga na wari’y may hinahanap.
Mahigpit siyang napakapit sa kumot na nakalatag sa kanyang binti. Lumapit ito sa kartong nasa lapag na siyang pinaglagyan ng laruan . . . napapikit na lamang siya
Ingay ng winawasak na papel; malakas na bagsak bago siya muling napadilat.
Huli niyang nasilayan ang pagdukot nito sa kulay pulang laso na nasa sahig bago nilayasan ang kanyang kuwarto.
Sinundan niya lamang ito ng tingin. Bawat paglaki ng distansya nila mula sa isa’t isa ay tila’y paggaan din ng kaninang mabigat na bagay sa kanyang dibdib.
Nang matiyak niyang tuluyan nang naglaho ang presensiya nito, nagmamadali siyang bumaba mula sa higaan.
Dinalo niya at dinukot ang mga piraso ng kartong nagkalat sa lapag.
Kusang kumawala ang mga iyon mula sa kanyang pagkakahawak nang sa pangalawang pagkakataon, lumakbay sa bakuran ng kanyang mga tainga ang sigaw na sa mga sandaling iyon ay naging mas malinaw . . . at malakas.
“Mama!” Banayad siyang napatayo, muling inilapat ang kanyang katawan sa kutson. Napalunok siya’t ilang beses na muling napatapik sa kanyang hita.
[ banayad - slowly ]
Hindi siya maaaring magkamali, boses iyon ng kanyang kapatid!
Dahan-dahan niyang nilakdawan ang bawat dipang layo ng pintuan mula sa kanyang higaan.
Nang makalabas, tanging dingding ang kinapitan niya.
Kinakalinga nito ang kanyang mga kamay na nanginginig. Nagagawa rin nitong alalayan ang kanyang timbang na sa bawat segundo’y bumibigat—nang bumibigat.
Ang kanyang mga binti . . . wari’y nais na nitong umurong, ayaw nang tumuloy.
Subalit hindi pwede, sa tingin niya’y kailangan siya ng kanyang kapatid.
Sinimulan niyang tahakin ang mahabang pasilyo sa ikalawang palapag ng kanilang tahanan.
Bawat hakbang ay may kalakip na pag-aalinlangan.
Patuloy sa paglinga-linga.
Padampi-dampi ang kamay sa dingding.
Isandaang beses na tapik sa hita.
Malakas na kalabog ng dibdib.
Humahaplos sa kanyang balat ang malamig at magaspang na simoy ng hangin; taliwas sa mainit na liwayway na siyang ibinabato ng maliwanag na araw mula sa kanilang salamin na bubungan.
Sigaw.
Napatigil siya: iyon na naman ang dumagundong sa paligid.
Muling lumaktaw ang kanyang mga paa tungo sa silid ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki. Pakiwari niya’y roon nanggagaling ang sigaw.
Nang tuluyang marating ang paanan ng kuwarto, huminga muna siya nang pagkalalim-lalim, bago sumulyap sa loob.
Napasinghap siya.
Nabalutan ng niyebe ang mga kamay.
Nanlaki ang mga mata . . . at mistulang niyapos ng kilabot.
Ang kanyang kapatid, malupit itong sinasakal ng kanyang ina gamit ang pulang laso na kanyang pagmamay-ari.
Sa tiyak na pagkakataong iyon, ibig niyang isigaw ang pangalan nito, subalit tila’y hiniwa ang kanyang dila.
Ibig niyang saklolohan ito at patigilin ang kanyang ina, ngunit higit na lumalamang sa kanyang damdamin ang takot at pangamba.
Naiiyak siya.
Gusto niyang tumulong, pero wala siyang magawa.
Saksi siya sa pilit na paghablot ng kanyang kapatid sa liston at pagtanggol nito sa sariling leeg: pinupuwersang lumaban . . . habang siya’y naroroon at walang imik na tumatangis.
Pinapatay ang kanyang kapatid! Pero wala siyang magawa!
Wala siyang magawa.
Umapaw ang luha sa kanyang mga mata. Nanlalabo ang kanyang bista; pinagsama-samang yupi ng mga kolor at tanglaw ang naghalo sa kanyang nakikita.
Nais niyang ipikit nang mariin ang mga mata.
Nais niyang h’wag makita ang bawat kalmot ng kapatid na unti-unting humihina.
Subalit hindi niya magawa!
Nanatiling dilat ang kanyang mga mata.
Nasaksihan niya ang unti-unting paghina nito’t pagsuko.
Lupaypay . . . naging lupaypay ang mga braso nito bago lumagpak sa piso, kalakip ng ’di na kumikilos nitong katawan.
[ lupaypay - weak ]
Idinako niya ang kanyang paningin sa kanyang ina na ngayo’y tuluyan nang pinakawalan ang kanyang kapatid.
’Di niya mawari kung bakit sa mga sandaling iyon ay ramdam niya ang pagsisisi nito sa nangangaligkig nitong mga kamay at tila’y naguguluhang badya ng mukha.
Ano’ng ginawa ng kanyang ina?
Ramdam niya ang pamamawis ng kanyang likuran, ang pamumula ng kanyang mukha, ang galit sa kanyang ina.
Hindi na niya nagawa pang kontrolin ang pagtakas ng maingay na hikbi mula sa kanyang lalamunan.
Higit lamang siyang napahikbi nang lumugar sa kanyang kinalalagyan ang paningin ng kanyang ina; namumula ang mga mata nito’t doon niya lamang napansin ang ilang butil ng luha na nakapaskil sa pisngi nito.
“M-Mama!” Napahiyaw na lamang siya nang hatakin siya nito sa kanyang palapulsuha’t sapilitang kinaladkad palayo ng silid.
“Mama! Si Kuya!” Hindi pa rin siya tinitigilan ng kanyang ina kahit na siya’y nagsusumamo na.
Buong puwersa niyang pinaghahampas ang kamay nito.
Pinipilit na h’wag dumulas sa sahig ang kanyang talampakan.
Inaabot ang kahit na anong makakapitan upang huminto lang . . . upang hindi lamang siya tuluyang makaladkad nito.
Datapwat mas lalo lamang na humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya: ramdam na niya ang mga kuko nito na siyang humuhukay sa kanyang laman.
Nais niyang magsusumigaw sa sakit, subalit matimbang ang pagod sa kanyang lalamunan.
Wala na siyang iba pang nagawa nang itinulak siya nito papasok sa kanyang kuwarto’t marahas na humalik sa kanya ang baldosa.
[ baldosa - tiles ]
Sunod na umalingawngaw sa kanyang pandinig ang pagsara ng pinto’t nakabibinging kabog ng kanyang dibdib.
Napahalinghing na lamang siya nang muli siyang balutin ng kirot.
Masakit.
Napakasakit.
Kinapa niya ang mga palad niyang namumula. Bagaman napapaso pa rin siya niyon, pinilit niyang tumayo.
Pumaroon siya sa kama’t naupo roon.
Patuloy pa rin sa paglandas ang kanyang mga luha. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi upang kahit papaano’y magmenos ang ingay na kanyang nalilikha.
Hindi niya mapigilan ang walang humpay na pagtapik ng kanyang kanang palad sa kanyang hita.
“K-Kuya,” pagtawag niya sa pangalan nito.
Napatakip na lamang siya sa kanyang bibig nang marahas na bumukas ang pintuan.
At iniluwa nito . . . ang kanyang ina.
Mabilis siyang dinalo’t hinagkan nito at patuloy na hinalik-halikan sa noo’t pisngi. Walang hinto rin ito sa pagluha’t paghingi ng tawad.
Binibisa niyang isangga ang kanyang mga palad upang hindi siya nito magawang yakapin. Nais niyang kumawala.
Ilang beses siyang humiyaw.
At humiyaw.
Takot na takot na siya!
Higit lamang siyang napahagulgol nang muling maramdaman ang mga kuko nito sa kanyang balikat. “M-Mama.”
Nalalasahan na niya ang alat ng kanyang mga luha. Puwersahan niyang itinikom ang kanyang bibig nang tumambad sa kanya ang namumula nitong mga mata.
Nais niyang magmakaawa, ngunit hindi niya kaya. Hindi niya magawa.
Batid niya ang nangyari . . . ang ginawa ng kanyang ina.
Makailan na rin siyang sinakal nito’t sa huli’y hihingi ng tawad, na wari’y hindi nito alam ang ginawa.
IKATLONG TAUHAN“Selene” INGAY ng ambulansya. Napatakip siya sa kanyang tainga sa labis na pagkairita: kailanma’y hindi niya magugustuhan ang alingawngaw niyon. Halos lahat ng estudyanteng nasa paligid ay huminto . . . subalit nagpatuloy rin sa kanya-kanyang ginagawa. Hindi na bago ang ingay na iyon sa kanilang lungsod. Apat na beses kada linggo? Araw-araw? May mga pagkakataon pa nga’y dala-dalawang aksidente bawat araw. Nakababahala man, nasanay na lamang din ang kanilang mga pandinig sa t’wing may nababalitang aksidente. Napatanaw siya sa kalangitan. Sumalubong sa kanyang mga mata ang pangalan ng kanilang paaralan, ‘University of Xanadu’, na nakalilok sa itaas na bahagi ng tarangkahan ng eskuwelahan. Sa kabila ng lumalamang na dilim sa pinag
IKATLONG TAUHAN“Selene” ISANG linggo na ang nagdaan. Isang linggong walang tumatawag na ‘anak’ sa kanya. Isang linggo na rin ang nakararaan magmula noong masalpok ang kanyang ama ng ambulansya. Walang saysay. Walang kabuluhan. Mistulang walang hanging sumisirkulo sa kanyang katawan. Nagmistula siyang bangkay. Nakahiga ang kanyang katawan sa malamig na sahig sa gawing kanan ng kanyang higaan: walang imik, walang isinasambit. Nagdaan ang isang linggong iyon na nagmumukmok lamang siya sa puwestong iyon: tanging lugar na siyang kanyang naapakan. Parang tinakasan ng lakas ang kanyang mga paa’t namamaga ang kanyang mga talampakan. Nanatiling ’di nagagalaw ang kama niyang nasa maayos pang lagay. Tanging gilid lama
IKATLONG TAUHAN“Selene” TUNOG ng kampana. Kagalakang bakas sa mukha ng kanyang mga kaklase. Buntonghininga mula sa kanilang guro. Katatapos pa lamang ng kanyang huling klase para sa umaga. Nagmamadali niyang inayos ang kanyang mga gamit at isinilid ang mga iyon sa kanyang bag. Isinukbit niya ang sintas sa kanyang balikat bago tumayo. Sinundan lamang ng kanyang mga mata ang paglisan ng pigura ng kanyang mga kaklase mula sa pintuan. Hinintay niya munang siya na lamang ang matira bago lumabas ng kanilang silid-aralan. Dinalo niya ang hagdanan subalit siya’y napatigil nang sumilay sa bukana ng kanyang mga mata ang paligid. Pinagmasdan niya iyon. Marka ng nalalapit na selebrasyong gaganapin sa kanilang paaralan ang kaaya-aya at m
IKATLONG TAUHAN“Selene” NAPAIHIP ng hangin. Napahilot sa sentido. Nagbuntonghininga. Pinulot niya ang panulat na nakapatong sa kanyang armchair at nagsimula nang muli sa pagsagot. Subalit . . . blangko pa rin ang kanyang isip. Wala pa ring pumapasok na kahit anong detalye sa kanyang utak. Sigurado siyang pinag-aralan niya ang paksang siyang tinatalakay sa kanilang pagsusulit ngayon. Kahit nga ang pagsasaulo ay ginawa na niya kagabi’t kaninang umaga kaya’t lubos siyang nadismayang kahit isang salita’y walang sumasagi sa kanyang isipan. Lubos na dumagdag pa sa kanyang mga iniisip ang naging away ng dalawa niyang kaibigan noong nakaraang araw. Tatlong magkakasunod na araw lumiban sa klase si Lickesia. Tatlong
IKATLONG TAUHAN“Selene” KATAHIMIKAN. Masyadong tahimik. Nakabibingi. Nakaaabala. Ayaw niya ng ganito. Dahil tanging paghinga niya’t malakas na pagkabog ng dibdib ang kanyang nauulinigan. Nanunumbalik sa kanya ang mga pagkakataong pagharap at pagkausap niya sa sarili sa harap ng kanyang salamin. Mga pagkakataong nananatili siyang gising sa gabi upang pakiramdaman ang katahimikan ng kanyang silid. Mga pagkakataong nananatili siyang tago sa pamamagitan ng nakapaligid sa kanyang makakapal na mga pinid. Mga pagkakataong naging mag-isa siya’t walang kasama. Dumaan ang mga taong halos matuyo ang kanyang bibig. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa tuwing sinusubukan niyang magsalita’y parang pumu
IKATLONG TAUHAN“Selene” HINDI niya alam kung ano ang dapat niyang isagot kaya nanatili siyang tahimik. Iniwas niya na rin ang kanyang tingin sa mga mata nitong puno ng pinagsama-samang mga emosyon. Awa. Pangamba. Takot. At hilakbot. Narinig niya ang pagtikhim nito bago ito muling magsalita. “Papayagan kitang makausap siya. Just maintain a distance from her, alam mo kung ano ang nangyari kanina. Hintayin mo lamang ang paggising niya,” saad nito. Muli siyang tumango bilang tugon dito. Naramdaman niya ang mahinang pagtapik nito sa kanyang balikat bago ito tuluyang lumabas ng silid at sinundan ang iba pang mga doktor. Iginala niya ang kanyang paningin. Nang makasigurong wala na ngang iba pang tao sa paligid ay dumiretso siya sa
IKATLONG TAUHAN“Selene”NAKATULALA.Nakatanod ang paningin sa kawalan.Nakaupo sa sulok habang yakap-yakap ang mga binti’t nakatukod ang baba sa tuhod ang kanyang posisyon.Mugto ang mga mata.Nakaratay ang mga luha sa magkabilang pisngi na natuyo na.At ’gaya noon, nakaupo muli siya sa dako ng kanyang higaan.Ang mga sulok niyon ang siyang nagpapadama sa kanya na siya’y ligtas—hindi mula sa ibang tao kung hindi ay mula sa mismong mga kamay niya.Hindi niya lubos maintindihan ang sarili.Nakalilito.Nakapagpapabagabag.Ang huli niyang naalala bago niya nadatnan ang kanyang sarili hawak-hawak ang bituka ni Lickesia ay ang nakita niya itong may nakatarak na kutsily
IKATLONG TAUHAN“Selene”MABAGAL siyang tumango rito bago ngumiti na rin; ganoon din ang ginawa ng kanyang ina bago ito naunang maupo sa sopa na dati nang inupuan nito.“Alma.”Napasinghap siya nang makitang halos takasan ng kaluluwa ang doktora nang banggitin ng kanyang ina ang pangalan nito. Namumutla’t wari’y sinusubukan lamang na pigilan ang sariling manlaki ang mga mata.Marahan siyang napapikit nang umalingawngaw sa kanyang tainga ang nakaiiritang tunog ng marahas na pagdulas ng mga paa ng bangko sa sahig.Hindi niya matalastas kung bakit ganoon ito kung tumugon sa kanila.Nagmamadali.’Di mapakali.“Y-Yes.” Pinagmasdan niya lamang itong lumapit at akayin siya tungo sa silid—lugar na
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”“SO.” Marahan siyang napatalon sa pagkakagulantang nang dumilat ito at muli siyang sinalubungan ng ngisi.“You dropped a question earlier. And I dropped mine.” Marahas siyang napalanghap ng hangin nang tumayo ito.“Will you answer mine once I answer yours?”Hindi niya binabawi ang kanyang tingin mula sa mga mata nitong mapaglaro, sa labi nitong nakaukit ang isang ngising ginagawa siyang tuliro.Wala siyang balak sagutin ito.Nanatili siyang kalmado kahit na taliwas sa kanyang ipinapakita ang damdaming sumisiklab sa kanyang looban.Nanunuya itong tumawa bago siya irapan. “Okay, I’ll tell you why I’m here.”Humakbang ito palapit.“The answer is simple. You maybe even know the reason why, Doctora.” Hindi siya nagpapatinag sa mga tingin nitong hinuhukay ang kanyang ikinukubling takot.May inilabas itong papel.Kaagad na lumipat ang kanyang tingin doon. Napansin niya ang muling pag-angat ng dulo ng labi nito.“I want this medical record to be clear.”Nanlaki a
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NANGANGALIGKIG niyang mga daliri ang mahigpit na lumamukot sa hawak.Napaangat siya ng tingin. Maliliit na ingay ang paulit-ulit na kumakalansing sa bakuran ng kanyang mga tainga.Hindi tumitigil.At mukhang . . . nakikilala niya ang tunog na iyon.Nagsimula siyang maglakad palapit sa pinanggagalingan ng tunog—palakas iyon nang palakas. Nang nasa paanan na siya ng kanyang mesa, doon siya napahinto nang pamilyar na papel ang lumipad at nakuha ang kanyang atensiyon.Muli niyang tiningnan ang papel.Nasundan ng kanyang mga mata ang pagkawala niyon mula sa kanyang hawak kasabay nang sunod-sunod na paglantad ng kaparehong mga papel sa kanyang harapan.Records.Madalian niyang dinalo ang likuran ng lamesa kung saan nagmumula ang mga papel.Marahas niyang itinulak ang mesa pagilid, at doon natagpuan ang kanyang printer na paulit-ulit na ginagawan ng kopya ang records na pinakaiingatan niya.Ang medical records ni Selene.“Shit!”Hindi niya naiwasan ang magpakawa
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NOONG tiyak na saglit na iyon, mistulang nakikipagkarerahan ang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa pagbaha ng mga isipin sa kanyang ulo.Napabitiw siya mula sa pagkakahawak doon nang maramdamang unti-unti nang nagsisimulang mangatal ang kanyang mga daliri.Agaran niyang ibinalik ang kumpol ng susi sa bag na nakakabit sa kanyang balikat.Hindi na maaaring nagkataon lamang ang lahat ng iyon.Ang bukas na kandado sa harapan.Bukas na ilaw sa loob ng kanyang mismong opisina.Maging hanggang sa mga gasgas na kanyang natagpuan sa hawakan.Hindi na—hindi na maaaring nagkataon lamang ang mga iyon.Hindi maaari. Marami siyang mahahalagang mga dokumento.Ano . . .Ano ba’ng nangyayari?Bagsak.Kanyang dinako ang parihabang bintana sa kanan. Lilinga-linga; pilit na hinahagilap ang lugar ng pinanggalingan ng kanyang narinig.Nanlalaking mga mata.Malakas na tibok ng puso.Hindi pa man niya tuluyang naiproseso sa kanyang utak ang lahat, nagkukumahog na siya
IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”MULA pa lamang sa malayo, tanaw na niya ang establisimiyentong tanging nakatayo sa parte ng mahabang kalsadang kanyang tinatahak.Ang kanyang klinika.Sa kabila ng makapal na hamog na bumabalot sa paligid—lalong pinagiginaw ang kanyang pagod na utak—hindi nakatakas ang gusaling iyon mula sa kanyang mga mata.Humikab siya’t pasimpleng pinasadahan ng tingin ang orasang nasa ibabaw ng kanyang dashboard.Alas singko y medya.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, hanggang sa tuluyan niyang maabot ang paanan ng paradahan. Naramdaman niya ang marahang pag-angat ng kanyang dinaraanan saka niya tuluyang hininto ang kotse.Kanyang ipinihit ang susi’t tinanggal iyon mula sa pagkakasaksak. Isinilid niya iyon sa kanyang dala-dalang bayong saka marahang napasandal sa malambot na sandalan sa kanyang likuran.Ilang pagbuga ng hangin ang kanyang ginawa, kalakip ng pag-aayos niya sa suot na chaketa.Ginawaran niya ng tanaw ang labasan.Nasa paradahan na siya: sa gilid ng kanyang
IKATLONG TAUHAN“Selene”INABOT niya ang silya sa kanyang harapan at mahinahong naupo roon.Nang maramdaman ang lamig na dulot ng metal sa bangko, lalo lamang na humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili.Ilang beses siyang napabuga ng hangin. Pinipilit panatilihin ang natitirang init sa kanyang sistema sa pamamagitan ng pagkukuskos sa dalawa niyang mga palad.Kaagad siyang tumigil nang maramdaman ang maliit na kirot doon. Binalingan niya iyon ng tingin, at muli na lamang na nag-iwas nang matagpuan doon ang mga pasang kanyang natamo.Mga pasang kanyang natamo mula sa pagkakatulak nito sa kanya.Pasimple niyang tinapunan ng tingin ang kumot na nakalatag sa ibabaw.Tila ba’y nais niyang agawin iyon; saka ibalot sa buo niyang katawan at damhin ang init
IKATLONG TAUHAN“Selene”TUNOG ng makina.Alatiit niyon.Kanyang paulit-ulit na nauulinigan.Marahan siyang napahimas sa kanyang mga braso’t binalingan ng tingin ang maliit na monitor sa kanyang harapan.Paiba-ibang guhit ang kanyang nakikita roon: maliliit na mga linya, sunod-sunod, saka lalaki.Halos pare-pareho ang kanyang nakikita, tila’y may sinusundang muwestra iyon.[ muwestra - pattern ]Subalit hindi iyon problema: ang mahalaga nama’y hindi iyon maging diretso.Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.Ilang beses niyang pinilit itago ang kanyang sarili sa loob ng suot niyang chaketa sa labis na nadaramang lamig.Lamig na tila’y umaabot hanggang sa k
IKATLONG TAUHAN“Raziel” HINALUGHOG niya ang mga upuan, ang bakanteng lugar sa likod, pati na rin ang mga ilalim. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Sinimulan niyang pagkakalkalin ang bawat papel: mabilis na pinapasadahan ng tingin ang mga iyon . . . hanggang sa isang pangalan ang nagpahinto sa kanya. Inayos niya ang pagkakaupo’t napahigpit ang h
IKATLONG TAUHAN“Raziel” TILAMSIK ng ulan ang tanging mababakas sa paligid. Kita niya ang pagdausdos ng mga butil niyon sa harapang bahagi ng kanyang motor. Basang-basa iyon: tila’y pinaliguan. Patuloy na umaakap sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Bawat segundong lumilipas ay ang higit na paglamig ng paligid. Tinapunan niya ng tingin ang relos na nasa kanyang kaliwang palapulsuhan. Alas dies ng gabi. Inilibot niya ang kanyang paningin sa mahamog na kapaligiran. Ilang oras na siyang sumisilong. Maghahating-gabi na lang, nandoon pa rin siya. Kung iisipin, maaari naman siyang magpakabasa na lamang para lang makauwi. Subalit hindi niya maaaring itaya ang kanyang kaligtasan sa basang kalsada ng siyudad.
IKATLONG TAUHAN“Selene”NAPALUNOK siya.Ramdam niya ang kakaibang enerhiyang dumaloy sa kanyang balat nang makita ang mariing pagkakatitig nito sa kanya.“Hindi kita maintindihan. Kahit si Mallory. Pareho ko kayong hindi maintindihan,” bulong nito. Muli itong nagpakawala ng mapait na pagtawa.Halos hanging dumaan iyon sa kanyang pandinig. Hindi niya maunawaan kung sinadya ba nitong gawin iyon upang hindi niya ito maulinigan.Dahan-dahan siyang lumapit dito. “P-Pero . . . b-bakit?”Binalingan lamang siya nito ng tingin. Hindi niya maiwasang hindi mapaluha nang makitang wala man lang ka-emo-emosyon ang mukha nito.Wala itong pake.Itinuro niya ang kanyang sarili. “A-Ako ’to . . . s-si Selene. M-Magkaibi