IKATLONG TAUHAN TUMANGHAL sa mga labi ng anim na taong gulang na batang babae ang ngiting tagumpay. Maliwanag, at bakas ang pagiging dalisay roon. Kabubukas niya pa lamang sa laruan niyang bahay ng manika, iyon ay handog sa kanya ng kanyang ama. Kulang na lamang ay magbunyi ang kanyang mga mata sa nakikita. Bukod sa kumpleto iyon sa mga kagamitan, mas ikinagalak ng kanyang puso ang diwang iyon ang kauna-unahang regalong natanggap niya. Inabot ng kanyang bulilit na mga kamay ang minyaturang laki ng babaeng manika na kasinglaki ng kanyang hinliliit; sinimulan niyang palibutin iyon sa laruang dalawang palapag na pamamahay. Kanyang inaawit ang paborito niyang tugmaang pambata na ‘Twinkle, Twinkle, Little Star’, ’di pa rin mawala-wala ang pagkapaskil ng maliwanag na kurba sa kanyang mga labi. [ tugmaang pambata - nursery rhyme ] Napabalin
Terakhir Diperbarui : 2021-08-05 Baca selengkapnya