Home / Mystery/Thriller / Disorder (Tagalog) / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Disorder (Tagalog): Chapter 21 - Chapter 30

32 Chapters

Chapter 11.2

IKATLONG TAUHAN“Raziel” HINTO. Napatigalgal siya. Tila ba’y ipinulupot ang kanyang dila sa kanyang leeg: hindi siya makapagsalita, hindi makahinga. Selene? Kung si Yvonne ang nagsulat niyon, marahil ay ang kaibigan ang tinutukoy nito. Subalit wala siyang kaide-ideya kung bakit iyon gagawin ng kaibigan kung totoo ngang nagpakamatay ito. Ano ang kinalaman ni Selene sa nangyari? Dahan-dahang itinagilid ng kaharap ang sariling ulo bago niya napansin ang pagkintal ng kunot sa noo nito. “Kilala mo ba kung sino ’yong tinutukoy ni Yvonne?” Muli siyang napatigil. Kung ang dalaga man ang tinutukoy nito, hindi niya maaaring sabihin ang totoo. Madadawit ito sa gulo.
last updateLast Updated : 2021-10-14
Read more

Chapter 12.1

IKATLONG TAUHAN“Selene”PABAGSAK niyang sinara ang pinto nang makapasok.Nagmamadali niyang tinungo ang malaking aparador at nagsimulang maghalungkat doon. Ilang damit ang naihagis niya sa lapag bago matagpuan ang kulay puti’t mahabang tela.Naupo siya sa kama, inilagay sa ibabaw ng kanyang hita ang nanginginig niyang braso.Ipinulupot niya roon ang tela: ilang beses na inikot-ikot sa malaking hiwa sa palapulsuhan.Kaagad na nagmarka roon ang malapot na dug na dahilan ng kanyang pagpikit.Ilang malalim na paghinga ang ginawa niya, pinipilit burahin ang larawang iyon sa kanyang isipan.Hinga.Kalma.Kaya niya . . . kakayanin niyang h’wag pansinin ang pula.Kulay lamang iyon.
last updateLast Updated : 2021-10-31
Read more

Chapter 12.2

IKATLONG TAUHAN“Selene”KAAGAD niyang dinalo ang kotse ng kanyang ama’t hindi na ininda pa ang isiping basang-basa na siya.“Deianira!” Huli niyang narinig ang sigaw ng kanyang ina bago niya sinara nang pabalibag ang pinto ng kotse.Walang pag-aalinlangan niyang isinuksok ang susi sa pinaglalagyan niyon.Palakas nang palakas ang hampas ng ulan sa harapang bahagi ng sasakyan. Buksan niya man ang wiper sa harapan, halos hindi iyon nakatulong na gawing mas malinaw ang kanyang mga nakikita.Ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang umalingawngaw sa kanyang pandinig ang pag-andar ng makina.“Manang!”Ibinaling niya ang kanyang tingin sa harapan at namataan ang kanyang inang kinakawayan ang kanilang katulong.&ldquo
last updateLast Updated : 2021-10-31
Read more

Chapter 12.3

IKATLONG TAUHAN“Selene”NAPALUNOK siya.Ramdam niya ang kakaibang enerhiyang dumaloy sa kanyang balat nang makita ang mariing pagkakatitig nito sa kanya.“Hindi kita maintindihan. Kahit si Mallory. Pareho ko kayong hindi maintindihan,” bulong nito. Muli itong nagpakawala ng mapait na pagtawa.Halos hanging dumaan iyon sa kanyang pandinig. Hindi niya maunawaan kung sinadya ba nitong gawin iyon upang hindi niya ito maulinigan.Dahan-dahan siyang lumapit dito. “P-Pero . . . b-bakit?”Binalingan lamang siya nito ng tingin. Hindi niya maiwasang hindi mapaluha nang makitang wala man lang ka-emo-emosyon ang mukha nito.Wala itong pake.Itinuro niya ang kanyang sarili. “A-Ako ’to . . . s-si Selene. M-Magkaibi
last updateLast Updated : 2021-10-31
Read more

Chapter 13.1

IKATLONG TAUHAN“Raziel” TILAMSIK ng ulan ang tanging mababakas sa paligid. Kita niya ang pagdausdos ng mga butil niyon sa harapang bahagi ng kanyang motor. Basang-basa iyon: tila’y pinaliguan. Patuloy na umaakap sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Bawat segundong lumilipas ay ang higit na paglamig ng paligid. Tinapunan niya ng tingin ang relos na nasa kanyang kaliwang palapulsuhan. Alas dies ng gabi. Inilibot niya ang kanyang paningin sa mahamog na kapaligiran. Ilang oras na siyang sumisilong. Maghahating-gabi na lang, nandoon pa rin siya. Kung iisipin, maaari naman siyang magpakabasa na lamang para lang makauwi. Subalit hindi niya maaaring itaya ang kanyang kaligtasan sa basang kalsada ng siyudad.
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more

Chapter 13.2

IKATLONG TAUHAN“Raziel” HINALUGHOG niya ang mga upuan, ang bakanteng lugar sa likod, pati na rin ang mga ilalim. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Nang walang mahanap, sunod niyang sinubukang buksan ang storage compartment ng sasakyan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit ramdam niya ang mistulang pitik sa kanyang dibdib nang makatagpo ng mga dokumento roon. Sinimulan niyang pagkakalkalin ang bawat papel: mabilis na pinapasadahan ng tingin ang mga iyon . . . hanggang sa isang pangalan ang nagpahinto sa kanya. Inayos niya ang pagkakaupo’t napahigpit ang h
last updateLast Updated : 2021-11-07
Read more

Chapter 14.1

IKATLONG TAUHAN“Selene”TUNOG ng makina.Alatiit niyon.Kanyang paulit-ulit na nauulinigan.Marahan siyang napahimas sa kanyang mga braso’t binalingan ng tingin ang maliit na monitor sa kanyang harapan.Paiba-ibang guhit ang kanyang nakikita roon: maliliit na mga linya, sunod-sunod, saka lalaki.Halos pare-pareho ang kanyang nakikita, tila’y may sinusundang muwestra iyon.[ muwestra - pattern ]Subalit hindi iyon problema: ang mahalaga nama’y hindi iyon maging diretso.Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga.Ilang beses niyang pinilit itago ang kanyang sarili sa loob ng suot niyang chaketa sa labis na nadaramang lamig.Lamig na tila’y umaabot hanggang sa k
last updateLast Updated : 2022-01-01
Read more

Chapter 14.2

IKATLONG TAUHAN“Selene”INABOT niya ang silya sa kanyang harapan at mahinahong naupo roon.Nang maramdaman ang lamig na dulot ng metal sa bangko, lalo lamang na humigpit ang pagkakayakap niya sa sarili.Ilang beses siyang napabuga ng hangin. Pinipilit panatilihin ang natitirang init sa kanyang sistema sa pamamagitan ng pagkukuskos sa dalawa niyang mga palad.Kaagad siyang tumigil nang maramdaman ang maliit na kirot doon. Binalingan niya iyon ng tingin, at muli na lamang na nag-iwas nang matagpuan doon ang mga pasang kanyang natamo.Mga pasang kanyang natamo mula sa pagkakatulak nito sa kanya.Pasimple niyang tinapunan ng tingin ang kumot na nakalatag sa ibabaw.Tila ba’y nais niyang agawin iyon; saka ibalot sa buo niyang katawan at damhin ang init
last updateLast Updated : 2022-01-01
Read more

Chapter 15.1

IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”MULA pa lamang sa malayo, tanaw na niya ang establisimiyentong tanging nakatayo sa parte ng mahabang kalsadang kanyang tinatahak.Ang kanyang klinika.Sa kabila ng makapal na hamog na bumabalot sa paligid—lalong pinagiginaw ang kanyang pagod na utak—hindi nakatakas ang gusaling iyon mula sa kanyang mga mata.Humikab siya’t pasimpleng pinasadahan ng tingin ang orasang nasa ibabaw ng kanyang dashboard.Alas singko y medya.Nagpatuloy siya sa pagmamaneho, hanggang sa tuluyan niyang maabot ang paanan ng paradahan. Naramdaman niya ang marahang pag-angat ng kanyang dinaraanan saka niya tuluyang hininto ang kotse.Kanyang ipinihit ang susi’t tinanggal iyon mula sa pagkakasaksak. Isinilid niya iyon sa kanyang dala-dalang bayong saka marahang napasandal sa malambot na sandalan sa kanyang likuran.Ilang pagbuga ng hangin ang kanyang ginawa, kalakip ng pag-aayos niya sa suot na chaketa.Ginawaran niya ng tanaw ang labasan.Nasa paradahan na siya: sa gilid ng kanyang
last updateLast Updated : 2022-05-15
Read more

Chapter 15.2

IKATLONG TAUHAN“Dra. Suarez”NOONG tiyak na saglit na iyon, mistulang nakikipagkarerahan ang lakas at bilis ng pagtibok ng kanyang puso sa pagbaha ng mga isipin sa kanyang ulo.Napabitiw siya mula sa pagkakahawak doon nang maramdamang unti-unti nang nagsisimulang mangatal ang kanyang mga daliri.Agaran niyang ibinalik ang kumpol ng susi sa bag na nakakabit sa kanyang balikat.Hindi na maaaring nagkataon lamang ang lahat ng iyon.Ang bukas na kandado sa harapan.Bukas na ilaw sa loob ng kanyang mismong opisina.Maging hanggang sa mga gasgas na kanyang natagpuan sa hawakan.Hindi na—hindi na maaaring nagkataon lamang ang mga iyon.Hindi maaari. Marami siyang mahahalagang mga dokumento.Ano . . .Ano ba’ng nangyayari?Bagsak.Kanyang dinako ang parihabang bintana sa kanan. Lilinga-linga; pilit na hinahagilap ang lugar ng pinanggalingan ng kanyang narinig.Nanlalaking mga mata.Malakas na tibok ng puso.Hindi pa man niya tuluyang naiproseso sa kanyang utak ang lahat, nagkukumahog na siya
last updateLast Updated : 2022-05-15
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status