Chapter 7: Rumor
Alex's POV
Tatlong oras na kami na nandito pero hindi pa rin nagigising si Yva at ang mga boys ay pinauna na naming pinakain pagkatapos nilang tignan ang pinangyarihan. Kapag nagising na si Yva saka kami mag-uusap usap nang sa ganoon ay maipagkonekta namin ang mga nalalaman ng mga lalaki at ni Yva.
Wala kaming ginawa sa maghapon dulot ng insidente. Maagang pinauwi ang mga mag-aaral at pansamantalang sinuspinde ang klase sa hapon. Tsansa para makapag-imbestiga sa mga pangyayari.
Narito na rin si Kiara pero si Basty ay hindi ko pa nakikita.
"Kilala niyo ba si Grim?" Tanong ni Kiara nang mabalot kami ng katahimikan.
Napalingon ako sa kanya. Siksikang nakaupo sina Kiara, Isla, at Celestine sa sofa. Habang ako ay nakaupo sa upuan na nasa tabi ng kama ni Yva.
"Hindi. Sino 'yun?" Tanong ni Celestine.
"Siya 'yung huling nakarelasyon ni Queenex," sagot ni Kiara.
"Bakit siya?" Tanong na rin ni Isla.
"Drop out na raw. Sabi ng karamihan ay dahil sa kanya kung bakit nag-suicide si Queenex," sagot ulit ni Kiara sa tanong ni Isla.
"Saan mo naman nalaman 'yan?" Tanong pang muli ni Isla.
"Narinig ko sa mga babaeng nag-uusap sa CR noong dinala niyo si Yva rito sa Clinic," kalmadong sagot ni Kiara.
"Siguro ay nag-away sila kaya ganoon," sabi naman ni Celestine sabay umiling pa.
"Ang babaw naman kung ganoon," aniya Isla.
Nakatulog na ang tatlo sa mga katabing kama ni Yva at ako ngayon ay nasa sofa hinihintay ang paggising niya nang biglang may mga yabag akong naririnig.
Hindi ko alam kung sino iyon kaya agaran kong sinarado ang pinto at ibinaba ang kurtinang nakataas kanina. Gugulatin ko nga sila. Sana lang ay si Kuya Andre ang nasa harap para makabawi naman ako!
Ayan na. Papalapit nang papalapit. Biglang may nagsabi ng pangalan ko at nang lingunin ko si Celestine ay gising na pala.
Nagtataka kung ano ang ginagawa ko sa gilid ng pintuan. Agad kong isinenyas sa kanyang manahimik dahil naririnig kong malapit na ang taong iyon. Tumigil na ang mga yabag nangangahulugang nasa bukana na ito ng pintuan.
Pilit na binubuksan ng kung sino man na iyon ang pintuan...
"BAAAAAA!" Sigaw ko nang bumukas ang pinto. Eksaktong si Kuya ang nasa harap!
"AAAHHH!" Sigaw rin ni Kuya habang napaatras mula sa pagpasok.
Napuno ng tawa ang buong room ng clinic. Agad akong tumakbo papunta sa couch na kinauupuan nila Kiara at sumiksik sa kanila roon.
"Alex with one point. Tie!" Sigaw naman ni Kiara habang tumatawa.
Napahawak sa dibdib si Kuya habang pumapasok na sa loob ng silid.
"You got me there!" Natatawang tugon niya habang nakaturo sa akin. Tinawanan ko lang siya.
"Oh, kain na kayo!" Sabay lapag ni Bryle sa mga nabiling pagkain.
"Sakto, gutom na kami eh," sabi ko sa kanila ng ipinakita nila ang mga hawak nila. Bumili na sila ng pagkain para sa aming mga babae, dala dala na rin nila ang mga bag na palagi naming idinadala at ang mga bag namin.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Celestine kay Basty.
"Iihi lang ako," sabi ni Basty habang inaayos ang clean cut na buhok niya.
"HUWAG!" Agad na sigaw ng mga kasama kong babae.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong sa amin.
"Alam niyo ba 'yung usap-usapan?" Tanong muli ni Celestine.
"Na?" Naguguluhang tanong ni Kuya.
"Posible raw na may pumatay kay Queenex at may killer dito sa school." Natatakot na banggit ni Celestine.
Killer? Dito sa School? No way. Napakunot ang noo ko sa binitawang salita ni Celestine.
"Killer? Tss. Ang sabi sa kaso ni Queenex ay suicide, ganoon din kay Andrew. Kaya walang killer." Natatawang sambit ni Basty sa amin.
"Paano kung totoo nga iyong kumakalat na balita? Dito na muna tayo hanggang sa makalabas na si Yva, makakalabas na rin siya mamaya," pagpapatuloy sa pagsasalita ni Celestine.
"Relax, I can handle myself." Tuluyan nang naglakad si Basty palabas. Siya talaga yung pinakamatigas ang ulo sa mga lalaki, yung tipong gagawin niya yung mga nasa isip niya kahit na ikakapahamak pa niya.
"What the hell." Dinig kong bulong ni Rench.
Wala siyang pinakinggan ni isa, kaya hinayaan na namin. May kasabihan nga namang huwag pilitin kung ayaw. Isa 'yun sa mga ugaling kinaiinisan ko sa kanya. Kapag sinabi niya, sige agad.
"Huwag kayong magagalit sa akin pero," biglang napatingin silang lahat kay Isla nang bigla siyang magsalita, nag-iingat sa mga salitang sasabihin kaya naman matagal niya itong dugtungan.
"...pero nagtataka na ako kay Basty," patuloy ni Isla.
"Huh? Bakit naman?" biglang tanong ni Kiara ng nakakunot ang mga makapal ngunit maayos na kilay niya.
"First of all, bakit siya iihi sa labas kung meron namang CR dito sa loob ng Clinic?" Nagulat kaming lahat nang biglang magsalita si Yva ngunit pikit pa rin ang mga mata, binuksan niya din ito pagkatapos marinig ang iyak ni Celestine. Agad niya itong niyakap habang umiiyak.
"Pero malay mo hindi alam ni Basty na may CR dito? Maging ako nga, ngayon ko nga lang nalaman eh," sagot ko sa kanila. Hindi rin naman kasi ako nagpupunta rito sa Clinic at ngayon ko pa lamang ito nabisita.
Natahimik silang lahat.
"Thank God, you are safe!" basag ni Celestine sa katahimikan.
"Obserbahan na muna natin siya bago magsabi ng kung ano ano. Okay?" sabi ni Rench na harap na naman ang telepono niya, katext niya siguro ang girlfriend niya. Isa pa to, puro nalang cellphone niya ang inaatupag niya.
"Shall we start?" Tanong ni Tristan tila nasa isang pormal na meeting. Tinanguan niya si Kuya at tumango naman pabalik si Kuya.
"Nga pala, na-suspende ang klase ng isang linggo," panimula ni Rench.
"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya.
"Malamang dahil sa nangyari," simpleng sagot ni Rench.
Nang matahimik ay sunod na nagsalita si Kuya.
"Andrew Flores ang pangalan ng lalaking nag-suicide," singit ni Kuya Andre.
Andrew Flores? Parang familiar ang pangalang iyon, naririnig ko ito paminsan-minsan.
"I know some things about him," ayan na si Yva. "Presidente siya ng Science Club kung saan ako ang Vice President. He is the top 1 in the first section. He has a girlfriend pero walang nakakaalam kung sino ang babaeng iyon. Marami rin siyang kalaban pagdating sa grades, mayaman din ang family niya," pagbabahagi ni Yva sa mga impormasyong nalalaman niya.
Kung ganoon naman pala ang buhay niya, bakit siya nagpakamatay? Mukhang maayos at perpekto na ang buhay niya?
Gusto ko sanang itanong muna sa kanya kung okay lang ba siya kaso naunahan ako ng mga tanong ng mga pinsan ko, hindi na napigilan ang mga bunganga nila. Masyadong mausisa.
"Bakit naman siya nagpakamatay? Mukhang maganda naman na ang buhay niya?" Tanong ni Rench na nakahawak sa kanyang baba.
"We don't know his story so we can't conclude," tanging nasagot ni Kiara.
Pero totoo nga kaya na may killer?
Agad din naming nailabas si Yva sa clinic at sinabing umuwi na kami dulot ng bagong insidente, may mga sundalo o pulis ba ang mga 'to? Basta may nakapaligid sa amin ng maglakad kami sa school ground.
"Pakiramdam ko, hindi suicide ang mga nangyari," biglang sabi ni Isla nang makarating kami sa van ni Kuya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"The circulating rumors are true," sagot niya sa akin habang seryoso siyang nakatingin sa aking mga mata. "That there was a killer," dugtong pa niya.
Mukhang sa sinasabi niya ay may balak siyang gawin kaya inunahan ko na siya ng paalala.
"Let the authorities handle it," tanging nasagot ko sa kanya.
Kung totoo man ang mga bali-balita ay sasabihin naman siguro iyon ng School. Hindi naman nila papabayaan na mapahamak ang mga estudyante lalo na't malaki at may iniingatang pangalan ang eskwelahan namin.
Nasa daan na kami pauwi nang magsalita muli si Isla.
I was right. Isla's trying to form a group. She was trying to uncover the truth behind the death of the two students.
"Isla, it's dangerous!" Sabi sa kanya ni Celestine nang ibahagi ni Isla ang plano.
"I know," sagot naman niya. Mukhang seryoso siya sa pina-plano.
"Alam mo naman na pala, bakit mo pa gagawin?" Tanong na rin sa kanya ni Celestine.
"Gusto ko lang makatulong. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko kasi may mali. Alam mo 'yan, Alex," banggit niya sa akin.
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Hindi ba't gusto mo ring malaman kung bakit ka niya tinitingnan?" tanong niya sa akin.
"Alam ko na ang dahilan," sagot ko sa kanya.
"What? Wala kang nabanggit sa amin?" Lingon sa akin ni Isla.
"Seryoso ka ba?" Hindi rin makapaniwalang sabi ni Celestine.
"Hindi na rin naman kasi importante. Napatingin lang siya sa gawi ko. Ginawa ko lang big deal," sabi ko sa kanya.
"Paano mo nalaman? Nahanap mo 'yung babae? Nakausap mo?" Sunod-sunod na tanong din sa akin ni Kiara.
Ikinuwento ko sa kanila na si Kuya ang nakalaman. Medyo nagtatampo rin sila dahil bakit hindi ko raw kinuwento. Pero alam ko naman na lilipas din 'yun kaya hinayaan ko na lamang sila, humingi na lang ako ng tawad.
"Okay. I get it," ani ni Isla.
"Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya na nasa harap ko.
"I will go on my own," seryosong saad niya.
"What the hell, Isla?!" Sigaw sa kanya ni Kiara na nasa tabi niya.
Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at sinilip siya sa harapan ko.
"Isla!" Sigaw ko sa pangalan niya.
"Include me, then," matapang din na sagot ni Rench na nasa tabi ko.
"What.. the... hell?" Ani ko at napapikit na lamang ng mariin.
Chapter 8: GroupAlex's POVPaggising ko ay siyang pagtunog ng cellphone ko. It was ate Shara."Hello, Ate Shara?""Oh, Alex! Asan ka na? Napansin kong kanina pa andito ang ilan sa mga member ng club niyo. Baka mainip sila dito, iwanan ka," pagbibiro niya."Ay, ganon po ba ate. Sige po, salamat sa pagpapa-alala.""Yes, anytime," mabait niyang saad.Nauna naman akong nagpaalam para makapaghanda na kaya ibinaba na rin niya ang tawag.Ipinaalala niya rin ang napag-usapan namin noong meeting President
Chapter 9 Alex's POV Habang papunta kila Isla, plinay ko ang music sa kotse, mas maganda kasi iyong may tugtog ka, kaso iba ang narinig ko. Kanta ito ng nakakatakot na background music sa mga pelikulang nakakatakot. Nangamba rin ako nang may nagpadala ng mensahe sa akin sa hindi ko kilalang numero at may voice record pa. Dali dali ko itong pinindot para malaman kung anong laman ng mensaheng ito. "Guro, kamag-aral, gusto ko ng buhay. Ate, kuya gusto ko mamatay kayo. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo. Isa, dalawa... hindi lang dalawa ang mamatay sa inyo!" Nang pakinggan ko ito ay biglang nagsitaasan ang balahibo ko, kaya naman inihinto ko din sa gilid ang sasakyan ko, that scares the shit out of me.
Nabuo ang barkadang hindi ko inaasahan.Hindi naman talaga kami malalapit na magpipinsan simula pa lang. Wala kina Tristan, Rench, Yva, at Celestine ang malapit na pinsan ko noon. Tanging ang nakatatanda kong kapatid na si Kuya Andre ang kasama ko sa lahat. Siguro dahil ako ay madalas na nakakulong sa kuwarto at ayaw sa mga madla. Isa kasi iyon sa mga pinaka-kinatatakutan ko.Sadyang naging malapit lang kaming magpipinsan nang maging high school na ako dahil iisa kami ng eskwelahang pinapasukan. Wala naman akong kilala noon kaya kanila Kuya ako madalas sumabay kasama ang ibang pinsan namin. Mula noon madalas na kami lumabas, madalas din na magkasiyahan.Dahil sa isang eskwelahan lang kami pumapasok, nagkaroon din kami ng ibang kaibigan. Doon namin nakilala sina Bryle, Isla at Kiara. Habang si Basty ay kababata naming magpi-pinsan.Mas lalo pa kaming naging malapit nang mawal
Chapter 1: CreepyAlex’s POVNapakabilis talaga ng araw, akalain mo nga naman pangalawang buwan na ito ng school year. Hindi namin namamalayan baka mamaya ay March na at recognition na.Pagka-ring agad ng bell ay tinawag na ako agad nina Isla at Celestine palabas dahil andun na daw sa usual na tambayan ang barkada. Sa golden circle. Bukod kasi sa ma-puno at malamig ang simoy ng hangin doon sa parte ng eskwelahan na iyon, medyo pribado rin doon at marami ang nakakalat na bench para maupuan. Minsan lang ang may tumambay kaya naman doon na kami madalas.Pagpunta nga namin doon, naroon na si Yva na nakaupo habang kumakain ng chichirya. Sa tabi niya ay si Rench na abalang-abala sa cellphone, habang nasa may puno naman si Bryle at natutulog. Kawawa naman ang isang ‘to, pinagkasya ang sarili niya sa sangay ng puno.Siya ang pinakamatangkad sa mga lalaki na sinundan ni
Chapter 2: DieAndre’s POVNaglakad ako sa maingay na hallway nang makita ko si Alex. Iwinagayway ko ang kamay ko sa kanya hawak ang horror mask ko ngunit hindi niya ako napansin. Nabili ko ang mask na ito kahapon nang maglaro kami nila Basty at Tristan sa labas, naiwan ko kasi sa bag ko kaya ilalagay ko na lang din sa locker ko para hindi sagabal sa loob ng bag. Kakailangan ko rin ‘to kung may mga events na sa Halloween. Pero mas kailangan kapag mang-tri-trip. Natawa ako sa iniisip ko.Mukhang napakalalim ng iniisip niya kaya hindi niya ako nakita. Natatakpan siya ng mga taong dumadaan pero kahit maliit ang mukha ni Alex ay kitang kita ko pa rin ang ekspresyon niya.Nang makita ko ang kamay ko, agad gumana ang pagka-gago ko. This time, I am sure you will notice me, little sister. Napangiti ako sa iniisip ko.Sinundan ko siya hanggang sa makapunta siya sa locker niya.
Chapter 3 Alex’s POV Lumipas ang mga araw at mabuti naman na wala ng sumunod na pangyayari pagkatapos ng insidente na iyon. Ang bawat isa ay naging ayos na rin ang pakiramdam dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan na they got our back, no matter what happens. Right, what are friends are for nga naman diba? Balik sa dati ang lahat na akala mo naman hindi kami hinabol ni kamatayan tatlong araw lang makalipas ang pangyayari, ang iba pa naming mga kasama noong una ay takot ng mag-joyride dulot ng insidente na iyon. At nakakabwisit dahil hindi pa rin namin alam kung sino ang nasa likod noon, maging ang babaeng nakatingin sa akin. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa school ground nang may nakasalubong akong lalaki at huminto sa harapan ko. “Are you A-alex?” Tanong ng isang lalaki na mukhang baguhan lang dito sa school dahil hindi ko ito naki
Chapter 4: Free Yourself Alex's POV Andaming nangyayaring kung ano ano ngayon, hindi ko na alam kung kaya ko pang pumasok sa paaralan kung ganito lang din naman ang mangyayari. Hindi ko alam kung baka mamaya, ako na. Ako na ang isusunod ng taong iyon. "Alex! Alex! Alex!" Sigaw sa akin ni Kuya Andre ng tumatakbo at namumuo ang pawis sa noo. Hinihingal pa ito nang makarating na sa kinaroroonan ko. Hinila niya ang kamay ko at mahigpit na niyakap. "Alex, come to your senses," he said calmly as if he were trying to sing me a lullaby. "What did you see there?" tanong
Chapter 5: Yva Alex's POV Bilis lumipas ng araw. Ikatlong araw na magmula ng mamatay si Queenex at hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos sa pag-iimbestiga ang mga pulisya. Hindi ko pa rin malimutan ang nakita ko sa last cubicle. Lalo na ang pagtingin niya sa akin. Gayumpaman, nagpatuloy ako. Gusto ko mang kalimutan ang insidente ay hinayaan ko ang oras na gawin iyon para sa akin. I might not be able to move on now, but I will in the future. Tumulong ako sa kaso ni Queenex. Nakipag-ugnayan ako sa mga lalaking nakaitim. "Sige, maari ka ng makabalik ng inyong eskwelahan. Officer Hector will accompany you..." Sa
Chapter 9 Alex's POV Habang papunta kila Isla, plinay ko ang music sa kotse, mas maganda kasi iyong may tugtog ka, kaso iba ang narinig ko. Kanta ito ng nakakatakot na background music sa mga pelikulang nakakatakot. Nangamba rin ako nang may nagpadala ng mensahe sa akin sa hindi ko kilalang numero at may voice record pa. Dali dali ko itong pinindot para malaman kung anong laman ng mensaheng ito. "Guro, kamag-aral, gusto ko ng buhay. Ate, kuya gusto ko mamatay kayo. Lahat ng gusto ko ay susundin niyo. Isa, dalawa... hindi lang dalawa ang mamatay sa inyo!" Nang pakinggan ko ito ay biglang nagsitaasan ang balahibo ko, kaya naman inihinto ko din sa gilid ang sasakyan ko, that scares the shit out of me.
Chapter 8: GroupAlex's POVPaggising ko ay siyang pagtunog ng cellphone ko. It was ate Shara."Hello, Ate Shara?""Oh, Alex! Asan ka na? Napansin kong kanina pa andito ang ilan sa mga member ng club niyo. Baka mainip sila dito, iwanan ka," pagbibiro niya."Ay, ganon po ba ate. Sige po, salamat sa pagpapa-alala.""Yes, anytime," mabait niyang saad.Nauna naman akong nagpaalam para makapaghanda na kaya ibinaba na rin niya ang tawag.Ipinaalala niya rin ang napag-usapan namin noong meeting President
Chapter 7: Rumor Alex's POV Tatlong oras na kami na nandito pero hindi pa rin nagigising si Yva at ang mga boys ay pinauna na naming pinakain pagkatapos nilang tignan ang pinangyarihan. Kapag nagising na si Yva saka kami mag-uusap usap nang sa ganoon ay maipagkonekta namin ang mga nalalaman ng mga lalaki at ni Yva. Wala kaming ginawa sa maghapon dulot ng insidente. Maagang pinauwi ang mga mag-aaral at pansamantalang sinuspinde ang klase sa hapon. Tsansa para makapag-imbestiga sa mga pangyayari. Narito na rin si Kiara pero si Basty ay hindi ko pa nakikita. "Kilala niyo ba si Grim?" Tanong ni Kiara nang mabalot kami ng ka
Chapter 6: Hangandrew Someone's POV "Tanga ka rin ano?" "Anong kasalanan ko sa'yo?" Nahihirapan na tanong niya sa akin. Kailangan mo pa bang tanungin yan? Kung sabagay hindi mo talaga maalala, Andrew. Dahil wala ka namang pake sa akin. "Marami." Sagot ko habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay. "Tulad ng? Dahil kahit kailan wala akong inaapakang tao!" Nagtataka niyang tanong. "What a great actor! Bravo! Isa sa mga nambully? Naging kalaban ko sa academics na binayaran ang guro para ikaw ang mag top 1! Ano, w