Home / Romance / My Little Trophy / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng My Little Trophy : Kabanata 1 - Kabanata 10

97 Kabanata

Prologue

Umikot ang walang lamang bote ng soju na nasa sahig. Nang magsimulang bumagal ang inog nito ay naghiyawan ang mga kabataang nakapalibot ng pabilog. Anim na kabataan ang naroon na pawang nasa edad disinuebe.Lalong bumagal ang pag-ikot ng bote. Tumapat ang bunganga ng bote sa naka-squat na si Amber. Samantalang ang kabilang dulo nito ay tumapat naman sa bestfriend niyang si Missy.Napangisi si Missy bago bumuka ang bibig upang magsalita."Truth or dare?""Dare." Walang alinlangang sagot ni Amber.Naghiyawan ang apat nilang kasamahan. Malalim na ang gabi ngunit buhay na buhay pa rin ang dugo ng mga ito."Bago ah. First time mong mag-dare." Nagniningning ang mga mata ni Missy.Napanguso na lamang si Amber bago magsalita."Eh kasi kapag nag-truth ako, pareho lang ulit ang itatanong mo."Malutong namang natawa si Missy."Alam na this." Nakitawa na rin ang isa nilang kaklase na si Shera."Nadala na si Amber. Sigurado kasing magtatanong ka lang ulit sa sex life niya,” sabat naman ni Carlea."
Magbasa pa

Chapter 1

Tila tumigil ang ikot ng mundo ni Amber sa narinig. "Congratulations, Miss Velez. You're hired!" Napatili naman na para bang tuwang-tuwa si Missy. "Besm! Narinig mo ba 'yon?" Nagniningning ang mga mata nito. "Hired ka raw. Besm! Natanggap ka!" Kung si Missy tila nanalo sa lotto sa pagtili, tila naman nabato sa kinatatayuan si Amber. "Please wait for Mr. Guzman for orientation, ma'am. Mamaya lang ay darating iyon para sunduin ka." Pormal na saad ng babae sa front desk. Taranta namang napatingin si Amber kay Missy. "Teka besm! Wala sa usapan 'to." Noon na nabura ang ngiti ni Missy. Tila naman nakuha nito ang gusto niyang ipahiwatig. Bumaling ito sa receptionist at ngumiti ng bahagya. "Sandali lang miss, usap lang kami saglit." Nang tumango ang babae ay kaagad siyang hinila ni Missy palayo sa desk. "Besm! Bakit gano'n? Ba't ako hired?" Hindi na niya alam kung narinig siya ng babae, hindi na rin kasi niya nagawang hinaan ang kanyang boses. "Hindi ko rin alam eh. Sa lagay na '
Magbasa pa

Chapter 2

Nagising si Amber na tila galing sa isang masarap na pagtulog. Payapa ang kanyang pakiramdam. Feeling niya ay punong-puno siya ng enerhiya. "It's a beautiful morning." Nag-inat siya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi niya. Ngunit mabilis ding nabura ang liwanag sa mukha ng dalaga nang matanto niyang nasa estrangherong lugar siya. "Nasa'n ako?" Ang huli niyang naalala ay nasa loob siya ng gusali ng kompanya ng mga Villacorda. Naaalala rin niyang nawalan siya ng malay at may may lalaking sumalo sa kanya. Awtomatiko niyang iginala ang paningin sa paligid. Kulay puti ang pintura ng dingding. Mayroon ding floor to ceiling glass wall na nababalutan ng kulay moss green na kurtina. Queen size ang malambot na kama na kulay moss green ang headboard. Walang masyadong laman na furnitures sa paligid maliban sa magkabilaang bedside table at table good for two na nakapwesto malapit sa dalawang parihabang hanging bookselves. Wala ring kahit anong nakasabit sa pader maliban sa kulay moss gr
Magbasa pa

Chapter 3

Sinungaling na. Ghoster pa. Iyan ang tingin ni Amber kay Dark Indigo. Matapos kasi ang dinner nila ay hindi na niya muling nakita ang binata. Ang balita niya kay Warlo Guzman ay nagpunta ang lalaki sa Europe dahil sa negosyo. Gaya ng sabi ng lalaki, kinabukasan ng dinner nila ay may dumating na mga damit na gawa pa mismo ng mga designers. Sa dami ay pwede na siyang magtayo ng clothing store. Marami ring footwear na pawang flat shoes at flat sandals. May inatasan ring personal maid para sa kanya ang lalaki. Kahit papaano naman ay hindi siya nabagot dahil naging kasundo naman niya si Dindi. Araw-araw din ay may natatanggap siyang bouquet ng bulaklak at kung anu-anong regalo mula sa binata. Ngunit hindi naging sapat iyon para hindi magalit si Amber. Hindi kasi tumupad ang lalaki sa pangako nitong papasok pa rin siya sa unibersidad na pinapasukan niya. Mayroong dumating na tatlong tutor pero sa sobrang inis niya kay Dark Indigo ay hindi niya hinarap ang kahit sino sa kanila k
Magbasa pa

Chapter 4.1

Mula sa kaharap niyang laptop ay mataman niyang pinanood ang napakaamong mukha ng dalagang si Amber. Kitang-kita niya ang pagsilay ng pilit na ngiti sa labi nito habang kausap niya sina Warlo at Dindi. Kapansin-pansin rin ang pamumugto ng singkit nitong mga mata. Balita rin niya ay hindi nito ginalaw ang kanyang agahan. Masakit iyon sa loob niya, ang isiping galing ang babae sa pag-iyak ay parang nadudurog ang puso niya. Ang isiping nahihirapan ito ay parang ikamamatay niya. "Amber." Anas niya habang masuyong nakatitig sa mukha ng dalagang nasa screen ng laptop. Tila may sariling isip ang kanyang kamay na umangat at kusang humaplos sa screen ng laptop. Itinapat na iyon sa mismong tapat ng pisngi ng dalaga. "My beloved Amber, I'm so sorry." Masuyo niya itong tinitigan na para bang kaharap niya mismo. Kitang-kita rin ang pagsisisi sa kanyang mga mata. "I'm really sorry." Naramdaman niya ang pamimigat ng dibdib at ang paghapdi ng kanyang mga mata. Hindi niya iyon sinasadya. Natan
Magbasa pa

Chapter 4.2

Hindi maiwasang kilabutan ni Amber nang makita ang pinagdalhan sa kanya ni Tadeo Miguero. Matapos silang bumaba sa taxi ay sumakay sila sa tricycle. Tumigil sila nang marating nila ang makipot na eskinita. Naglakad na lang sila papasok dahil hindi makadaan ang tricycle sa kipot ng daan. Dagdag pang ang daming tambay sa gilid ng mga dikit-dikit na bahay. "Hoy, Tado! Remind ko lang sa'yo ah! Black belter ako!" Pinandilatan niya ang lalaki. Pilit siyang nagtapang-tapangan. Ngunit sa totoo lang ay parang gusto na niyang umatras at tumakbo palayo sa lugar. "Huwag kang mapraning, Miss. Safe ka dito. Hindi ka gagalawin ng mga 'yan. Sagot kita." Puno ng kayabangan na turan ni Tado. "Siguraduhin mo lang 'yan! Baka hindi mo alam, may kamag-anak akong mafia boss." Pagbabanta niya sa lalaki. Natawa naman si Tado sa tinuran ng babae. "Sabi ko naman sa'yo, 'di ba? May sinasanto akong batas. Ayoko pang ma-tsugi, Miss." Hindi na lang umimik si Amber. Hiling niya sa isip, sana hindi siya nagka
Magbasa pa

Chapter 5.1

"Mama! Mama! Gising na!" Naalimpungatan si Amber dahil sa magaang sampal sa kanyang pisngi. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang tatlong taong gulang na batang lalaki. Comb over fade ang istilo ng gupit nito. Manipis lang ang itim na itim na buhok ng bata. Makinis at maputi ang balat nito. Unang tingin pa lang ay mahuhulaan na agad kung saang angkan ito kabilang dahil sa kulay kayumanggi nitong mga mata. Anang sarili, kaygaling rin ni Dark Indigo, isa siyang walastik sharp shooter. Kung mayroon man siyang pinagpapasalamat sa nangyari, iyon ay ang pagdating ni Hyde sa buhay niya. Galit siya sa ginawang pananamantala sa kanya ngunit kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa bata. Para sa kanya ay isang biyaya ang pagdating ni Hyde. Ito ang kanyang lakas, ito ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Inaantok pa rin ang kanyang diwa. "Tulog muna tayo baby tutal day off ko naman." Naramdaman niya ang paghi
Magbasa pa

Chapter 5.2

Napabuntong-hininga na lamang si Dark Indigo. Mula nang magsimula ang biyahe ay hindi na siya kinibo ni Amber. Ni hindi rin siya nito tinapunan ng tingin. Nang makaidlip ang bata habang nasa biyahe ay pumikit rin ang babae. Ngunit ramdam naman niyang gising ito. Ilang beses niyang sinubukang kausapin si Amber pero hindi naman siya nito pinapansin. Nang makarating sila sa mansiyon ng mga Villacorda ay saka lamang nagmulat ng mata ang dalaga. Nang buksan ng tauhan niya ang Van ay kaagad na bumaba ang babae habang karga nito ang bata. Ni hindi man lang siya nilingon nito. Kahit papaano ay nabawasan ang mabigat na dinadamdam ni Amber nang salubungin sila ni Dindi. Makikita ang labis na galak sa katulong dahil sa malawak na ngiti nito. "Ito na ba ang bagong young master?Tulungan na kita, ma'am." Hindi na umalma si Amber nang kunin sa kanya ni Dindi ang bata. Sa totoo lang ay kanina pa siya nangangalay. "Tara na sa kwarto niyo ma'am." Kaagad siyang sumunod sa katulong nang humakbang
Magbasa pa

Chapter 6.1

"Let's get married now." Sandali siyang tinitigan ng dalaga. Kitang-kita rin niya kung paano nanlisik ang mga mata nito bago muling humakbang para sundan ang kanyang ina. "Ma!" Kaagad siyang sumunod kay Amber at hinawakan ang kamay nito upang pigilan. "Amber! Huwag mo na siyang sundan, please lang, baka saktan ka lang niya ulit." Marahas naman nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kanya. "Utang na loob, Indigo! Pwede bang pabayaan mo ako!" Muli itong humakbang pero mabilis niya itong hinarangan sa daraanan niya. "Amber, I am just concern to you." Itinulak siya nito sa kanyang dibdib pero hindi naman niya ininda iyon. "Kung totoong concern ka, hayaan mo akong sundan si mama. At please lang, huwag ka ring sumunod. Hayaan mong makausap ko ang magulang ko." Marahas niya itong binangga sa balikat at saka siya nilampasan. Napabuntong-hininga na lang niyang sinundan ang babae. "Pero hindi ko naman makakayang pabayaan ka na lang, Amber. Baka saktan ka nila." Muli siyan
Magbasa pa

Chapter 6.2

Nang lumabas ng banyo si Amber ay tanging si Indigo na lang ang nadatnan niya sa loob ng silid. May kausap ito sa telepono ngunit kaagad rin itong nagpaalam sa kausap nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Anang isip ng dalaga, mabuti na lang pala at naisip niyang sa loob na lang ng banyo magbihis. Pinili niyang isuot ang isang kulay dark blue na wrap around dress na hanggang tuhod ang haba. Awtomatikong lumingon sa kanya si Indigo. Nang magsimula siyang humakbang ay sinundan siya nito ng tingin ngunit hindi niya ito pinansin. Sa halip ay dumeretso siya sa harap ng vanity mirror at pinanood ang kanyang sariling repleksyon habang nagpupunas ng buhok. Sandaling namayani ang katahimikan. Nang hindi na nakatiis ang lalaki ay tumikhim ito upang kunin ang kanyang atensiyon. "Gamutin natin 'yang sugat mo, Amber." "Hindi na kailangang gamutin 'to. Maliit na gasgas lang 'to." Malamig na turan niya. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Sa halip ay sinuklay nito ang buhok niyang h
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status