"Here." Inabot ni Ellaine ang tubig na binigay ni Mico sakanya. Inisang tungga niya ang tubig. Ay! Grabe! Init na init na siya! Katatapos lang nila mag-harvest ng mga gulay at inilipat na nila Mico ang mga ito sa truck na siya daw maghahatid sa mga restaurants na sinusupply-an nila ng mga gulay at prutas.
"Wala man lang thank you. Tsk tsk!" Sabi ni Mico at umupo ito sa may tabi niya. Inirapan niya lang ito at pinaypayan ang sarili. Anong oras na ba? Init na init na siya!"Hoy, anong oras na?" Baling niya kay Mico. Tinignan naman nito ang relong suot. "Quarter to eight." Sagot nito. Napabuntong-hininga nalang siya. Nanatili lang siyang tahimik at buti nalang hindi naman na nagsalita si Mico dahil baka maitulak niya ito. Maya-maya'y lang lumapit kay Mico si Manong Densio. Infairness sakanya naalala niya ang pangalan nito. All in all, si Manong Densio at Hannah na ang kilala niya. That's a big achievement for her. Dahil sa mansion nga nila, ni isang katulong wala siyang tinandaang pangalan. Only Manang Mildred na yaya niya na simula pa lang pagkabata ang kilala niya. "Señorito, ayos na po ang mga delivery. Nakaalis na po ang mga truck." Pagbibigay impormasyon nito kay Mico. "Sige ho, Manong Densio. Salamat. Pakisabi sa iba na pwede na muna silang magpahinga." Sabi nito. Tumango naman si Manong Densio at umalis na. Tumayo na siya at aalis na sana nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Mico."Saan ka pupunta, sweetie?" Tanong nito sakanya. Padabog na ipiniglas niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito. "Babalik na ako sa hacienda. And stop calling me sweetie!""At sino'ng nagsabi na pwede ka nang bumalik sa hacienda?" Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sakanya. She crossed her arms on her chest at tinaasan rin ito ng kilay. "Pagod na ako. Sabi mo kay Manong Densio na pwede na magpahinga so magpapahinga na ako. Duh."Tumayo ito at hinarangan ang daanan niya. "Hep hep! Hindi ka kasali roon nuh. Duh!" Panggagaya nito sakanya. Nagpapapadyak siya sa harapan nito. "Naman eh! I'm so tired! I'm sweaty and I think I smell bad! Kulang ako sa tulog kagabi and I want to sleep!" Reklamo niya rito. Tinawanan lang siya ni Mico at inakbayan na ikinainis niya. Ginalaw-galaw niya ang kanyang balikat para tanggalin nito ang braso pero mahigpit ang kapit nito sakanya. She sighed in irritation. "May gagawin ka pa." Sabi nito at iginiya siya palakad. "Ano nanaman?" Tanong niya rito. As if naman may magagawa pa siya,ano?"I told you last night, we will milk cows."She groaned in protest pero ikinatawa lang ito ni Mico. "It will be fun!" Sabay pingot nito sa ilong niya. "What's fun in milking cows?" Irap niya rito. Nakarating sila sa isang farm house na naroon nakahilera ang mga baka na gagatasan nila. Lumapit si Mico sa isang baka at kumuha ng dalawang maliit na upuan sa may gilid. "Halika rito!" Tawag sakanya nito. Lumapit siya at tumabi rito. Kinuha nito ang isang stainless na bucket at itinapat sa ilalim ng udder ng baka. "Watch and learn." Mayabang na sabi nito sakanya. She just rolled her eyes. Nakita niya kung paano nito linisin ang udder bago ito ginatasan. Nakita niya ang mabilis na pagsirit ng gatas nito na dumidiretso sa loob ng bucket. Nakapuno ito ng isang bucket pagkatapos ay tinakpan niya ito nung lid ng bucket. "Tayo diyan, dun tayo sa isang baka." Aya nito sakanya. Huminga nalang siya ng malalim bago sumunod dito sa kabilang baka. Tulad ng kanina ay umupo na ito at tumabi naman siya. Kinuha nito ang isang bucket at itinapat rin sa ilalim ng udder nito. "Try it. Punuin mo rin iyong bucket." Utos nito sakanya. Napalingon siya rito at napanganga. "What? I'm not gonna touch that.. that thing!" Turo niya sa udder ng baka. Naningkit naman ang mga mata ni Mico. "Ang arte mo. May ganyan ka naman din-- Aray!""Ang bastos ng bibig mo! Pervert!" Pinagpapalo niya ito kung saan saan. "Aray ano ba! Pervert agad?! Tawagin mo akong pervert kung hinipuan kita eh hindi naman!" Natatawang sabi nito. "You're such a total jerk! My God! Puputulin ko iyang dila mo!!!" Singhal niya rito. "Aray! Ellaine. Tama na!"Tumigil na siya dahil sumasakit narin ang palad niya sa kakapalo rito. Inirapan niya ito ng nginisian siya ni Mico. "Gawin mo na. Bilis at nang makapagpahinga na tayong pareho." Sabi nito sakanya. "Fine!"Umayos siya ng upo at hahawakan na sana niya ang dalawang teats ng udder nito ng pigilan siya ni Mico. "What do you think you're doing?""Milking this cow!" Naiinis na sabi niya. "Linisin mo muna yung udder bago mo gatasan!" Inis na hinugasan niya ang udder ng baka. Naku, kung hindi lang siya pagod sisinghalan niya talaga ito ng sobra!"Bakit kasi kailangan pang hugasan." Inis na bulong niya sa sarili na unfortunately ay narinig pala ng katabi niya. "Warm soapy water helps the milk go down." Sagot nito sakanya. "Whatever." Sabi niya. Hinawakan niya sa dalawang kamay ang dalawang back teats ng baka. Pinisil niya ito pero walang gatas na lumalabas. Inulit niya ulit iyon ng ilang beses pero wala talagang lumalabas na gatas. Patak meron pero iyong malakas na sirit ay wala. "Ah! Ayoko na!" Inis na sabi niya. "Akin na nga!" Kinuha ni Mico ang dalawang kamay niya at dinala sa back teats. "Hold the base of the teats through your thumbs hanggang sakop na ng kabuuan ng palad mo ito. Dahan-dahang pisilin at hilahin mo pababa. Apply pressure but be gentle." Habang nag-eexplain ito ay nakapatong ang mga kamay nito sa kamay niya at ginagabayan ang bawat salitang sinasabi nito, dahan-dahan din nitong inialis ang kamay sa pagkakapatong sakanya at hinayaang siya na ang gumawa. "Nakita mo iyon?!" Tuwang sabi niya kay Mico nang malakas na sumirit ang gatas. "Yes. Just do again what you just did earlier.." Nakangiting sabi sakanya ni Mico. Ginawa niya ulit ang tinuro nito. And man, she's getting the hang of it, she's milking the cow, squeezing its teats alternately. Tuwang-tuwa siya nang tuloy-tuloy lang sa paglabas ang gatas mula rito. "Oh, Mico andito pala kayo." Napalingon sila ni Mico sa nagsalitang si Hannah na may dalang isang bucket na hindi niya alam kung ano ang laman. Ngumiti naman si Mico rito pero inirapan niya lang ito at nagpokus sa paggagatas ng baka, mas kaaya-aya pa itong gawin kesa makita ang mukha ni Hannah. "Ano'ng gagawin mo?" Tanong ni Mico. "Ah, magpapakain ako." Sagot nito habang itinaas ang bucket na dala. "Tulungan na kita." Alok ni Mico. Tinignan siya nito. "Hintayin mo ako dito ah." Sabi nito bago siya iniwan at sumama roon kay Hannah. She gritted her teeth in exasperation. Naiinis na talaga siya kay Hannah. Sino ba ito? Halata namang nilalandi nito si Mico. Eto namang si Mico nagpapalandi naman!Napansin niyang gumalaw ng kaunti ang baka kaya napatigil siya sa paggagatas. Nang naging steady na ito ay pumwesto na ulit siya sa paggatas rito. Malapit na mapuno ang bucket niya kaya makakaalis narin siya rito. Ang baho rin kasi, hindi na niya hahantayin si Mico. Kapal ng mukha para sabihin hintayin niya ito. Huh! Hindi siya ang tipo ng babae na susunod sa utos ng iba. She's not that old Ellaine anymore. Narinig niya ang tawanan nina Hannah at Mico na lalo lang niyang ikinais. Napahigpit ang hawak niya sa teats ng baka at napalakas ang paghila rito kaya naman biglang naging malikot ang baka kaya nasipa nito ang bucket na may gatas at tumalsik sakanya ito. "AHHHH!!!" Sigaw niya. Narinig naman niya ang mga yabag na nagmamadali. "Ellaine! Ano'ng nangyari?!" Panic na tanong ni Mico sakanya. Nilapitan nito ang baka at pinakalma habang si Hannah naman ay lumapit sakanya at pinunasan gamit ang tuwalya nito. Pinalis niya ang kamay ni Hannah sakanya. Hinarap naman siya ni Mico at halata niya sa ekspresyon nito na natatawa ito sa hitsura niya. Sino nga ba naman kasi ang hindi matatawa sakanya? Para siyang basang sisiw. Naging puti ang black na cargo pants niya. Pati ang boots niya naging puti. Ang buhok niya ay malagkit na nakadikit sa may pisngi at leeg niya. Habang ang pangtaas niya na puti ay basang-basa at alam niya na bakat ang bra niya na kulay pula pa naman. Naiiyak siya. Naaawa siya sa sarili niya. Lagi nalang bang ganito? Lagi nalang siya napupunta sa mga ganitong sitwasyon. Mabilis na tinulak niya si Mico na haharang-harang sa daanan niya at tumakbo siya palabas ng farm house. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Bahala na. Ang sakit narin ng binti niya. Nasipa rin kasi siya ng baka kanina pero hindi niya masyadong ininda. Nang maisip niya na siguro'y nakalayo na siya, sumalampak siya ng upo sa tabi ng puno at yumuko sa may tuhod niya. This is not Ellaine. Dahil pakiramdam niya, sa pagkikita nila ni Mico bumabalik ang dating Ellaine. Iyong Ellaine na mahina at puro iyak lang ang ginagawa. Dahil sa totoo lang, sa nararanasan niya ngayon nanghihina na siya at hindi na niya napigilang iiyak ang mga hinanakit niya. --------VOTE AND COMMENT PLEASEEE!"Wala parin ba si Ellaine?" Tanong ni Manang Ising - ang matandang kasambahay ng mga Illustre. Umiling si Mico bilang pagsagot. Six pm na ng gabi pero wala parin si Ellaine sa hacienda. Kanina pa siya naghihintay rito sa may front door. "Ipahanap mo na kaya siya kela Densio?" Suhestiyon sakanya ni Manang Ising. Huminga siya ng malalim bago hinarap si Manang. "Kapag wala pa siya pagkatapos ng sampung minuto ako na po mismo maghahanap sakanya." Sagot niya. Tumango lang si Manang sakanya at tinapik ang balikat niya. "O siya sige, kapag dumating na siya pakainin mo kaagad. Nakahanda na sa hapag ang mga pagkain.""Salamat po, Manang." Kanina niya pa gustong libutin ang buong rancho para hanapin ito. Pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang babalik rin ito. Hindi niya maiwasang maalala ang pagkikita nilang muli after thirteen years. At totoong nagulat siya sa nakitang Ellaine. She's not the sweet,innocent and simple girl that he used to know. She changed.Akala niya nung una
Nanatiling nakatayo lang si Ellaine at nakatulala lang sa pintuang nilabasan ni Mico. Nanlalagkit siya, her leg is hurt, and she's goddamn tired pero tila hindi niya iyon maramdaman. Hindi naman niya inakalang magbe-break down siya sa harapan ni Mico. Pero kasi, tila umaapaw na ang mga dinadala niya sa kanyang dibdib at saktong sa harapan pa ni Mico siya sumabog. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at pumunta nalang sa banyo para maligo. Pagkatapos ay sinuot niya ang roba at tinignan ang maleta niya. Habang naghahanap ng maisusuot, napansin niyang may nakalagay sa pinakailalim ng isa niyang maleta. Nagbadya nanaman ang mga luha niya sa nakita niya. Dahan-dahan niyang kinuha ang picture frame na matagal na niyang iniingatan. Isang tao lang ang may alam sa picture frame na ito - si Manang Mildred. Ang kanyang yaya simula pagkabata. Hinaplos niya ang mukha ni Mico na nakaakbay sakanya. The picture was taken when she was twelve years old at seventeen naman ito. Graduation niya iyon. Na
Pagkagising ni Ellaine ay nagtaka siya nang mapansin niyang nasa kama na siya. Ang pagkakatanda niya ay nakatulog siya dahil sa kaiiyak at hawak niya ang picture frame nila ng Ate Elisha niya. Hinawi na niya ang comforter at tatayo na sana nang mapansin rin niya ang benda sa may binti niya. Napakunot ang noo niya at pilit na inaalala ang nangyari kagabi pero walang nangyari dahil sumasakit lang ang ulo niya sa kaiisip. May pumasok kaya sa kwarto niya? Pansin rin niya kasi na iba na ang damit na suot niya. Kagabi kasi ay nakaroba lang siya sa pagkakaalam niya. Huminga nalang siya ng malalim. Bahala na nga. Hindi nalang niya iisipin kung sino ang nagpalit at naglagay ng benda sa binti niya. Pagod narin siya kakaisip pa. At tsaka wala namang ring mangyayari eh. Naligo na siya at bumaba na sa kusina. Nagugutom narin siya. "Good Morning, señorita." Bati sakanya ng mga kasambahay na nakasalubong niya. Tinanguan niya lang ang mga ito at dire-diretso sa dining area. Papasok pa lamang si
Legend: **** - Past-----"Matulog ka muna. Malayo pa ang bayan eh." Sabi sakanya ni Mico. "No thanks. I had enough sleep last night." Tanggi niya rito. "Kung ganun, ikaw nalang ang magdrive. Inaantok kasi ako. Unlike you, I haven't got any sleep last night."Napatanga siya rito. Niloloko ba siya nito?"Gago ka ba? Matapos mo akong sapilitang gawing trabahador rito sa rancho mo, ngayon gagawin mo naman akong driver?!" Sigaw niya rito. Tinakpan naman ni Mico ang kanang tenga at kinuskos iyon na tila nabingi ito. "Grabe ka naman makasigaw. Pwede ka namang tumanggi ng maayos eh. No need to curse at me." Inirapan niya lang ito at pinokus ang tingin sa mga makikita sa paligid which is mga puno, taniman at mga bundok lang."How's your leg?" "Huh?""Nabingi ka ba sa sarili mong sigaw?" Natatawang sabi ni Mico at sinulyapan siya saglit.Pinalo niya ito sa braso. "Hey, baka mabangga tayo!" Suway nito sakanya. Inismiran niya lang ito. "Mababangga saan? Eh tayo lang ang sasakyan na dumada
Hindi alam ni Mico kung ano nangyari kay Ellaine. Bad mood nanaman. Bumuga nalang siya ng hangin at tsaka sinundan ito sa labas. "Ellaine.." Tawag niya rito pero hindi lang siya nito pinansin at palinga-linga lang ito sa paligid. Napapalatak nalang siya at hinila nalang ito. "Ano ba!" Singhal nito sakanya. "Alam mo, ang arte mo. Meron ka ba?" Biro niya rito. Hinampas naman siya nito ng malakas sa braso. "Alam mo ang bastos mo!""Ano'ng kabastos-bastos sa sinabi ko?" Manghang tanong niya rito. Patuloy lang niya itong hinihila. "Saan ba tayo pupunta?! Tsaka pwede ba! Bitawan mo ko, hindi ako aso mo at kung hilahin mo ay para akong alaga mo!" Sigaw nito sakanya. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Padabog naman nito binawi ang kamay. "Alaga kaya kita." Sabi niya rito. Gulat na napamaang naman ito sakanya. "What?!" Sigaw ulit nito. Naku, kung may masking tape lang siyang dala kanina niya pa nilagyan ang bibig nito. Napakaingay, nakakahiya sa mga tao. Pinagtitinginan pa
Ellaine wrinkled her nose at the smell of the carabaos. She was just standing beside the coconut tree watching Mico's farmers planting. Si Mico naman ay naroon rin sa palayan at hawak ang tali ng kalabaw habang paikot-ikot sa kabuuan ng palayan. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit pa siya ginising ni Mico ng alas-kwatro ng madaling araw, paano ba naman siya lang ang nag-iisang babae rito. Hindi niya alam ang gagawin dahil nang kausap niya si Mico ay tinawag ito ni Mang Densio at hindi na siya binalikan pa.She was just wearing a simple white shirt and maong shorts. Nakatsinelas lang rin siya. Looking at the dirty clothes of the people working in the fields, she was thankful that Mico insisted her to buy clothes yesterday. She will not risk her signature clothes and shoes. Never. "Tsk.. Boring." Bulong niya sa sarili. Paglipas siguro ng mga thirty minutes ay tumigil muna silang lahat sa pagtatrabaho. Ang iba ay naghugas sa may poso na makikita sa gilid ng kubo. Ang iba naman a
Ngiting-ngiti si Ellaine nang lumabas siya ng kanyang banyo. She feel so fresh! Ang bango bango niya na hindi katulad kanina na amoy araw siya at kalabaw!Pumunta siya sa closet niya at tinignan kung ano ang kanyang masusuot. Kinuha niya ang kanyang Red Moschino dress at isinuot iyon. Sinipat niya ang sarili sa salamin at umikot-ikot sa harap nito. "Hmm..tsk. Para naman akong pupunta sa party." Komento niya sa sarili. Hinubad niya iyon at ibinalik sa loob ng closet. Sunod naman na kinuha niya ang Yves Saint Laurent Print tee niya na aabot hanggang kalahati ng hita niya. Katulad ng una ay umikot-ikot siya sa harapan ng salamin pero hindi rin siya naging komportable sa suot. Sa huli ay napaupo siya sa gilid ng kanyang kama at nangalumbaba habang naka-undies lang siya. She blew the strand of her hair on her forehead at napansin niya ang plastic bag kung saan nakalagay ang mga damit na pinamili nila ni Mico kahapon sa bayan. Tumayo siya at kinuha iyon. Infairness naman sa mga nabili n
Sinalubong ni Ellaine ang kanyang mga magulang ng isang pekeng ngiti nang makarating siya sa living room. Her parents are having a chat with Mico's parents. "Good Evening everyone." Bati niya sa mga ito. Natigil naman sa pag-uusap ang mga ito at napatingin sakanya. Her Ninong Damian smiled at her. "Ellaine! Ang ganda ng inaanak ko!" He exclaimed and hugged her. "You look loverly,hija." Her Ninang Inna smiled at her. "Thank you Ninong, Ninang." She smiled at them. She turned to her parents. Her mother smiled at her and hugged her. "I miss you." Bulong nito habang nakayakap sakanya. Nag-aalangan naman siya kung yayakapin ba niya ito o hindi. Sa huli ay nanatali lang na nakababa ang kanyang mga kamay at hinayaan ang Mommy niya na yakapin lang siya. "Okay.. hindi ako makahinga." Pabirong sabi niya at nilayo ang kanyang sarili mula sa kanyang ina. Nagulat siya nang bigla nalang siya nitong yakapin. Her mother is strict eversince. She has this aura that is very dominating kaya ng
Dear Diary,Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine."Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito. Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito. Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-
"We are about to land in five minutes. Please check your belongings before going. Thank you for flying with us and welcome to the Philippines."Tumingin sa labas ng bintana si Ellaine at ramdam na niya na nasa Pilipinas na nga siya ulit. After eight months, she's finally home. She went to various countries including Korea,Taiwan,Japan and Europe kung saan na siya nag-stay. Nag-enjoy siya sa kanyang escapade at nakatulong nga itong pagso-soul searching niya dahil nahanap niya ang isang bagay na magpapakita ng totoong siya - ang pagpipinta. Actually, matagal na niya itong nahanap, it's just that hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin. At heto nga at bumalik na siya ng Pilipinas para sa kanyang exhibit. Tinulungan siya ni Gelene - ang asawa ni Rex - para asikasuhin ang exhibit niya sa Pilipinas habang may inaayos pa siya sa Europe. Si Gelene pala ang ikinikwento ni Rex sakanya dati na mahilig rin sa art katulad niya. At isa itong sculptor kaya maraming kakilala ito para mapadali a
Alas tres na nang makarating si Ellaine sa kanilang mansion. Pagkababa palang niya ng sasakyan ay agad na dinaluhan siya ng mga kasambahay at iniakyat ang mga gamit niya sa kwarto niya. Sinalubong naman siya ng yakap ng kanyang Yaya Mildred. "Namiss kita, hija!" Wika ng kanyang yaya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ngumiti siya rito at niyakap muli. Namiss niya rin naman ang kanyang yaya. "I missed you, Yaya." Sabi niya. Nang maghiwalay sila ng yakap ay nakita niya ang kanyang magulang na lumabas mula sa loob ng mansion. Tumakbo papunta sakanya ang mommy niya at mahigpit ring niyakap."I missed you, anak. Kami ng daddy mo." Bulong nito habang mahigpit siyang niyayakap. Hindi nalang siya umiyak dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Tinapik naman ng Daddy niya ang kanyang ulo. "Halika na sa loob, gutom ka na siguro, hija." Tumango nalang si Ellaine at pumasok na sa loob. Tahimik lang silang kumakaing pamilya. Ang kanyang mommy naman ay nagtatanong tungkol sa pananati
Pagkauwi ni Mico galing Metro ay agad na hinanap ng kanyang mga maya si Ellaine. Pagkapasok niya sa hacienda ay halatang lahat ng tao roon ay tulog na. Sabagay, maga-ala una na nang makarating siya dito sa rancho.Kaya naman, minabuti niya nalang na umakyat sa kwarto niya. Pero tila may kung anong magnet ang nagtulak sakanya at dumiretso siya sa kwarto ni Ellaine. Binuksan niya iyon at sinilip ito. Dahan-dahan nalang rin niya na isinara ang pinto nang nakitang tulog na tulog si Ellaine. Pagkapasok ni Mico sa sariling kwarto ay agad na naligo siya at nagpalit ng damit. Tinutuyo niya ang kanyang buhok at naupo sa gilid ng kama nang mahagip ng tingin niya ang litrato ni Elisha. Natulala siya sandali.Maingat na kinuha ni Mico ang larawan ni Elisha at pinakatitigan. Bago siya umuwi ay dumaan talaga muna siya ulit sa libingan ni Elisha upang mamaalam. Hindi dahil sa kakalimutan niya na ito, kung hindi dahil sa mamamaalam na siya sa pagmamahal niyang matagal na palang wala. "Eli, mahal
"Ellaine! Ellaine!" Dali-daling lumabas ng study room si Ellaine nang marinig ang sigaw ng ate Elisha niya. "Ate?!" Tawag niya rito. Isang mahigpit na yakap ang binungad sakanya ng ate Elisha niya at nagtatatalon ito habang yakap-yakap siya kaya ang resulta'y pati siya ay napatalon narin. "Ellaine! My God! I'm so happy talaga!" Tili nito. "Teka-teka ate. Nahihilo na ako." Natatawang sabi niya rito. Kumalas naman ito at hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng ate niya. "Guess what?" Masayang wika nito. Napangiti naman siya dahil talagang nakikita niya sa mukha ng ate niya na masaya ito. "Hmm.. ikaw ulit iyong top one sa block niyo?" Hula niya. Nangingiting umiling ito. "Hindi." Pakantang sagot nito. Nag-isip ulit siya. "Hmm.. I give up. Ano iyon?" Huminga ito ng malalim at tsaka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Kami na ni Mico!" Tili nito. Nanigas si Ellaine sa sinabi ng ate niya sakanya. Ang ngiti niya ay unti-unting nawawala. Tila ba'y may isang malaking bombang
"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong ni Mico. Umiling nalang si Ellaine. "Hindi na nga, Mico kulit." Kinurot niya ang ilong nito. Sinasama kasi siya ni Mico sa Metro. Luluwas kasi ito dahil may aasikasuhing trabaho roon. Tinanggihan nalang niya ang alok nito dahil mas gusto niya rito sa rancho. Tsaka nangako naman si Mico na babalik mamayang gabi.Dumukwang si Mico sa kanya at hinalikan siya sa labi. Sandali lang iyon kaya parang nabitin siya. "Sige, may gusto ka bang ipabili?" Tanong nito sakanya. Umiling ulit siya at yumakap sa leeg nito. "Basta umuwi ka mamayang gabi." Kindat niya rito. Natawa naman si Mico sakanya. Binuhat siya nito mula sa kinauupuan niya sa may verandah at tsaka kinandong siya ni Mico. "Parang ayoko tuloy umalis." Sabi ni Mico habang nakabaon ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. Natatawa na siya nang bigyan na siya nito ng mga maliliit na halik sa leeg niya. "Mico! Sige na, umalis ka na." Taboy niya rito. "Hatid mo ko sa labas." Nakangiting lambing nit
"Ellaine! C'mon, sweetie. Talk to mePlease." habol ni Mico kay Ellaine na tuloy lang sa pagmartsa sa loob ng hacienda. Hindi na sila tumuloy sa falls dahil na-badtrip na si Ellaine sa nangyari. Hindi na ito makausap ni Mico dahil sa bawat tangka niyang kausapin ito ay hindi ito sumasagot ng matino. Lagi itong nakasimangot at singhal lang ang natatanggap niya. "Ellaine--!" Pero pinagbagsakan lang siya nito ng pinto sa mukha. Napabuntong-hininga nalang si Mico at hinayaan nalang si Ellaine. Hindi na niya muna ito pipilitin. Dumiretso nalang rin siya sa kanyang kwarto at humiga sa sariling kama hanggang sa maabutan na rin siya ng pagod kaya nakatulog na rin siya. ------Isang katok ang gumising sa mahimbing na tulog ni Mico. Sinipat niya ang orasan sa wall clock niya at nalamang alas-syete na pala ng gabi. Pupungas-pungas na bumangon siya at binuksan ang pinto. "O, manang? Bakit?" Tanong niya kay Manang Ising na kanina pa pala raw kumakatok. "Nag-aalala kasi si Señorita Ellaine,
"So, ano'ng gusto mong pag-usapan natin?" Tanong ni Mico kay Ellaine pagkaupo palang sa may sofa. Umupo si Ellaine sa tabi ni Mico at humarap rito ng patagilid. Huminga muna siya ng malalim bago magtanong. Hindi na siya pwedeng mahiya, miski siya ay gustong masagot ang mga katanungan sa isip niya. "Mico, ano ba 'to?"Bakas sa mukha ni Mico ang pagtataka. "Huh?" Isa pang buntong-hininga ang pinakawala niya. "Ano itong ginagawa natin?" "What do you mean, Ellaine?" Naguguluhang tanong nito sakanya. "I mean this! The kisses, the sweetness.. lahat! Ano iyon?" Frustrated na tanong niya. Natigilan si Mico sa biglaang tanong niya. Nakita niya na miski ito ay nalilito rin. Marahil ay nabigla sa tanong niya. "Ano, Mico? Kasi nabigla ata tayo. We need to settle this." Hinintay niyang magsalita si Mico, pero nanatili lang itong nakatitig sakanya. Hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Kinabahan siya bigla. What if narealize nito na hindi dapat nila ginawa iyon?That wo
Pagkatapos maligo ni Ellaine ay bumaba na siya at dumiretso sa kusina. Doon nakita niya na naghahanda na sina Mitch at Colyn ng lamesa habang nasa may kitchen counter naman sina Erin,Adie,Jeremie at Mico. "Oh, Hi Ellaine! Good Morning!" Bati sakanya ni Colyn. "Hello. Ano iyan? Ang bango ah." Tukoy niya sa dalang malaking mangkok nito. "Nagluto kami ng champorado. Alam mo na, para narin sa mga lasing para naman mainitan." Biro nito sakanya. Natawa naman siya sa sinabi ni Colyn. Napansin nga niya kanina pagkababa niya na tulog parin nga ang tatlong lalaki sa may living room. "Ellaine! Tara dito!" Tawag sakanya ni Erin. Nilapitan naman niya ang mga ito sa may kitchen counter. Nagtama pa ang mga tingin nila ni Mico at nagkangitian sila. "Here. Dito ka." Sabi sakanya ni Mico sabay alalay sakanya paupo sa high stool. Pagkaayos niya ng upo ay lumapit lang sakanya si Mico at umakbay sa may sandalan ng high stool na kinauupuan niya. "Gusto mo ba makakita ng comedy?" Tanong sakanya ni