Lumaki sa saktong pamumuhay si Nessa Villego, siya ngayon ay 25-taong gulang na at isa ng lisensyadong engineer. Tanging ang nakababata na lamang niyang kapatid na si Tasha 20-taong gulang, ang mayroon siya nang mamatay ang mga magulang nila 5 years ago sa hindi inaasahang trahedya. Dahil dito ay mas lalong naging malapit ang dalawang magkapatid na halos siya na ang tumayong ina at ama para kay Tasha. Naghangad si Nessa ng magandang pamumuhay upang matulungan ang kapatid. Hanggang sa isang araw ay labis siyang nabanas nang mapansin niya na tila unti-unting nagsisilipatan ang mga dati niyang kliyente. Si Engr. Veos Dimitre, ang lalaking labis na nagdala ng pagbabago kay Nessa dahil naging kakompentensya niya ito dahil sa pagkakapareho nila ng propesiyon. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon ni Nessa kapag nalaman niya na palihim na minahal ng kanyang kapatid na si Tasha si Veos? At paano kung ang damdamin ni Veos ay hindi pala nakalaan kay Tasha? At sa ibang babae ito mas nahuhumaling. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay nina Nessa, Veos at Tasha. May pag-asa pa kayang magkasundo ang dalawa sa kabila ng kanilang propesiyon o tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan dahil sa hindi nila palaging pagkakaunawaan.
Узнайте больше[ Nessa Point of View] KINAUMAGAHAN ay halos mabingi ako sa tunog ng alarm clock. Punyeta! Kulang na kulang pa ang tulog ko. Pinilit kong igapang ang aking katawan upang patayin iyon, antok na antok pa ako. At nang mapatay ko ang alarm ko ay halos mawala ang pagka antok ko nang sumunod na tumunog ang cellphone ko na noo'y nasa ulohan ko lamang. "Hello?" tugon ko at halatang wala pa ako sa tamang wisyo pasa makipag-usap dahil puyat ako. "Hello Nessa, gumising ka na, ngayon ang wedding ceremony."Halos mapabalikwas ako nang mapagtanto kong si Veos ang nasa kabilang linya. Pero wait, paano niya nalaman ang numero ko? "Ano?! Putek bakit biglaan!" sigaw ko habang aligaga ako sa pag-aayos ng sarili ko. "Sorry. Pati nga rin ako nagulat, akala ko na-move ang schedule. May mga pinadala na akong mag-aayos sa 'yo diyan, wait for them, sige na bye na, kailangan ko na rin na mag-ayos." "Ve-!" Hindi na ako muling nagsalita nang biglang patayan ako ni Veos ng call. "Arrggghh! Pambihira naman
[ Nessa Point of View] "Just one more strike, and I will return the favor with a passionate kiss, Nessa." Para akong napako sa kinatatayuan ko, tanging paglunok na lamang ang naging tugon ko sa mga salitang binitawan ni Veos habang hawak niya pa rin ang palad ko at kasalukuyang magkalapit ang mukha namin na dalawa. Nakita ko kung paano siya tumitig na parang nagbibilang lamang ng mga muta sa mga mata ko. Nang magbalik ako sa sarili kong diwa ay kaagad kong binawi ang palad ko mula sa pagkakahawak niya at lumayo ng biglaan. "Ehem..." aniya. "M-mahina na ang ulan, b-bilisan mo diyan, nasa banyo 'yong mga na-drier ko ng damit mo. Isauli mo na lang bukas ang damit ko. Saka ilang oras na lang parating na rin si Tasha, hindi ka niya p'wedeng maabutan dito at baka iba na naman ang isipin niya," nauutal kong sabi. Nakita ko kung paano din siya napaayos ng pagkakaupo, ramdam ko na iba ang atmosphere ng loob ng bahay, nagkakailangan na kami sa paraang hindi namin maipaliwanag. Li
[Nessa Point of View] "AHHHHHHH! Takpan mo--takpan mo 'yang mukha mo!" sigaw ko habang aligaga akong ipagsiksikan ang aking katawan sa gilid ng banyo nang biglang nagkaroon ng kuryente. Hindi ko rin noon namalayan na nasampal ko si Veos dahil sa pagkataranta ko. "Hey Nessa! Chill! Okay ito na tinatakpan ko na! Ang hapdi naman ng sampal mo, napakalutong."'"S-sure ka! B-baka mamaya hindi mo 'yan tinatakpan ng maigi!" "Okay ito na, tatalikod na. Gosh this girl! Ayaw ko pa sanang maligo pero pinaliguan mo na ako," aniya. Para akong si Eva na after makakain ng hotdo---este mansanas ay doon ko lamang napagtanto na ni isa man lang ay wala akong suot na saplot. At ang mas masahol pa ay tila may nakita si Veos. Mukhang nananadya yata ang kuryente na 'to para mabosohan ako ng lalakeng ito! Para akong baliw na nakaupo habang pilit na itinatago ang aking katawan sa saktong sukat lang ng timba. "L-lumabas ka na!" sigaw ko. "Oh okay... don't worry...I didn't see anything. Kahit nakahubad ka
[Nessa Point of View] PARANG hindi natinag si Veos sa sinabi ko. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang nang wala siyang pasabing tinanggal ang damit niya mismong sa harapan ko. Kaagad akong tumalikod. "Veos nananadya ka ba?! Ang lapit lapit lang ng banyo," painis kong sabi. "Oh c'mon Nessa, 'wag kang umasta na parang inosente pa tayong dalawa. Hindi naman ako as in naghubad sa harapan mo..." aniya at tila nagpatuloy pa rin siya sa pagbibihis. "Bilisan mo diyan, at ng makauwi ka na sa inyo, baka mamaya kung ano pa ang isipin ng Lolo mo." "Honestly, ang alam ni Lolo ay in relationship tayong dalawa. Pero he decided na magkaroon tayo ng contract marriage para maiwas tayo sa mga possible na issues, so...walang kaso kay Lolo even if I stay here for too long." Hindi na nga ako nakapagpigil at hinarap ko na siya. Sakto naman na nasuot na niya ang t-shirt na ipinahiram ko. Actually kay Drew ang t-shirt na iyon kaya wala na akong pakialam kung ano pa ang gusto niyang gawi
[Nessa Point of View] KASALUKUYANG tinatahak na namin noon ni Veos ang madilim na daan pauwi sa amin. This time hindi ako puwedeng mag-inarte since wala naman akong ibang puwedeng masakyan kung hindi ang kotse niya lang. Nakatingin lang ako sa gilid ng kalsada at patuloy na pinagmamasdan ang mga nalalagpasan namin. "Siya nga pala, natukoy mo na ba kung sino 'yong naglagay ng tracking device sa kotse mo noong nakaraan?" bigla siyang nagtanong dahilan upang maudlot ang pagmumuni-muni ko. "H-Ha? A-actually, mukhang pinagtripan lang ako," pagsisinungaling ko. "Pinagtripan?" "Oo..." "So sino naman kayang sira-ulo ang gagawa no'n sa 'yo?" Palihim akong napakagat ng pang-ibabang labi ko. Kailangan kong protektahan si Tasha. Sa ngayon, wala muna akong puwedeng pagsabihan. "Mag-drive ka na, tanong ka ng tanong." "Okay chill, nagtatanong lang ako since it's very alarming na may maglagay ng GPS then it turns out na prank lang pala. Gago rin ang gumawa no'n, pero wala
[Third Person's Point of View] SA SOBRANG pagkainis ay muling sinupalpal ni Nessa si Veos mula sa likuran. "Ahh! Aray! Nakakarami ka na ah!" sigaw ni Veos habang hawak nito ang kaniyang likod kung saan pinalo ni Nessa nang napakalakas dahil sa ginawa nitong paghalik at paglagay niya ng chikinini sa leeg ng dalaga. "Hindi ka ba nag-iisip?! Bakit mo ako linagyan ng chikinini!" "N-Nessa chill ka lang okay? P-pinagmamasdan tayo ni Zeus, puwede bang maging sweet ka naman baka mamaya paghinalaan tayo niyan," saad ni Veos habang iniinda pa rin ang sakit ng pagkakapalo ni Nessa sa kaniyang likod. "Eh ano naman ngayon kung maghinala?!" "Nessa, may hinala akong siya ang may kagagawan sa pagkalat ng sex scandal natin, maybe alam rin ni Lolo kaya niya inimbitahan iyan dito para isampal sa kaniya na totoong magkasintahan tayo," paliwanag ni Veos. Palihim naman noon na sinulyapan ni Nessa si Zeus na noo'y panay ang iwas ng tingin. "Sure ka bang siya?" "Siya lang ang nakaalit
[Nessa Point of View] "Hindi mo rin ako kilala," pag-uulit ko. Pambihira, ngayon ko lang nalaman na balahura pala ang ugali ng babaeng 'to. Tinaasan niya lamang ako ng kilay while currently flipping her long raven hair. "Wow, may gana ka pa talagang magmaldita eh ikaw na nga itong nakabangga sa akin? Ang how dare you na maliitin ang pagiging car racer ko? International 'yon girl, baka nga barya ko lang ang kinikita mo sa pagiging ENGINEER mo," aniya at tila may balak pa akong bwisitin. "Oh, baka gusto mo ng autograph?" dagdag niya at inilabas niya ang marker at walang pasabing sinulatan ang gown ko. Actually signature niya iyon. "Takte ka!" sigaw ko pero tinawanan niya lamang ako. "Malakas lang loob mo mambastos dahil wala ka sa harapan ng mga fans mo! Car racer my foot! Baka nga matalo pa kita eh," sagot ko. Aminado akong ng mga oras na iyon ay parang mataas ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Kung tutuusin kaya ko naman talaga ang mga sports na 'yan, sadyang mas inuna ko lang an
"BUT for me. It was a dream that felt incredibly real, one that I'll always treasure," aniya. Bigla akong napaiwas ng tingin nang banggitin ni Veos ang mga salitang iyon habang patuloy na sumasabay ang mga katawan namin sa romantikong tugtog. "A-ano ang pinagsasabi mo diyan, anong treasure-treasure, mukha ka naman sira eh," sagot ko kasabay nang pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. "Hmm, naniwala ka naman?" aniya at tila hindi talaga kompleto ang araw ng lalake na 'to hangga't hindi niya ako ginagalit ng husto. Nagpatuloy lamang kami ni Veos sa pagsasayaw na halos hindi na namin namamalayan na pinagtitinginan na pala kami ng mga bisita, ang iba ay nakangiti, may mga sira ulo din na nagpukpok ng kutsara sa glass of wine na hawak nila. And if I'm not mistaken parang sinasabi nila na they enjoyed the party. "Hold me tight Nessa, stay focus at tumingin ka lang sa mga mata ko," ani Veos at para akong nahipnotismo nang mga sandaling nagtama ang mga mata namin na dalawa. Ang mga
[Nessa Point of View] NANG GABING iyon ay tila hindi ko na napansin ang mga palakpakan mula sa napakaraming bisita, patuloy lang akong nakatitig kay Veos at ramdam ko ang pagkagalak sa kaniyang mga salita. Hanggang sa biglang may humirit na isa sa mga bisita. "That was a nice love story, baka puwede naman namin marinig hijo ang masasabi naman ng fiancee mo, right everyone?" nakangiting demand nito na halos lahat ay pumayag sa gustong mangyari. Ilang sandali pa lamang ay nakangiting lumapit sa akin si Veos at muling hinawakan ang palad ko. Pasimple rin siyang nagsalita upang mas lalong huwag akong kabahan. "C'mon darling, you can do this..." aniya at pilit na pinapalakas ang loob ko sabay abot ng microphone sa akin. "Amh...g-good evening everyone. Sa katunayan po ay...sobra po akong nagpapasalamat na nandito kayong lahat ngayon to witness our...our engagement party. Me and Veos ay..." sabay tingin ko sa kaniya and he simply encourages me na ipagpatuloy ko ang pagsasalita
[ Nessa Point of View] ANNIVERSARY ngayon namin ni Drew, ang lalakeng nakarelasyon ko ng dalawang taon. Bahagya akong nagulat nang mag-ring ang cellphone ko, at nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay walang iba kung hindi ang boyfriend ko. "Hello love, happy anniversary!" masaya kong pagbati, ngunit nawala ang mga kinang sa aking mga mata nang boses babae ang sumagot mula sa kabilang linya. "Puntahan mo ngayon si Drew dito sa hotel, may nangyaring masama sa kanya," malamig na sabi ng babae. I was about to ask her pa sana pero bigla niya na lang akong pinatayan. Maya-maya lamang ay nag-text ito at sinabi ang exact location. Sa labis na pag-aalala ko ay hindi ako nag-atubiling paandarin ang sasakyan at paharurutin ito ng mabilis. Sa sobrang bilis ko ay hindi ko namamalayan ang sasakyan na paparating, buti nakapreno ako kaagad pero sa ngayon, si Drew muna. "Sorry!" pagsigaw ko sa sasakyan na tumigil mula sa likuran ko at kaagad kong pinaandar ang aking kotse nang makit...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Комментарии