Sa araw mismo ng debut nya pinalayas sila irish at ang kanyang pamilya sa kanilang bahay dahil sa pagkakabaon sa utang ng kanyang ama sa negosyanteng nagngangalang Mr. lim, Dahil dito inatake sa puso ang kanyang ama at na confine ito sa hospital. nang makita sya ng matandang negosyante ay nahumaling ito sakanya at agad syang binigyan ng isang kundisyon. Mababayaran lamang ang pag kakautang ng ama kung pagbibigyan nya ito na maangkin sya ng isang gabi. Sa gabing itinakda Nagpakalango sya sa alak bago pumasok sa isang private suit sa matayog na hotel upang mawala ang boltaheng kaba at pandidiri sa kanyang gagawin. Sa sobrang pagkalasing ay ibang kwarto ang napasukan nya at pag mamay ari iyon ni terrance ang kanyang gwapong proffesor...
view moreKABANATA 115. Mabilis na lumipas ang mga oras ng umaga ding iyon, kasalukuyan nyang kausap sa telepono ang lolo nyang si don lendon. "Yes, lolo i've decided already, Pupunta ako mamaya sa event, at i think handa na rin ako na isiwalat sa publiko ang pagkatao ko bilang siri naila". Matatag na saad nya sa donyo."I see.. how about mr. padilla and his mistress?" Sambit nito sa may kuryusidad na tono. "What's about them? I don't care about them anymore, i can easily surpass them if i want to". malamig na sagot nya sa matanda, ngunit sinabi nya lamang iyon dahil tiyak na sasaklolohan nanaman sya nito kung sakaling may pag aalinlangan sa tono nya. "Alright, I'm glad it seems like you've learned and I'm right that you can handle it on your own now" Pag sang-ayon nito sa kabilang linya. "Sige na po lolo at maghahanda na ako dahil 5 pm na at 7 pm ang simula ng okasyon, don't worry hindi po kita bibiguin" Pagpuputol nya sa usapan. "Okay! stay safe, bye". ibinaba nya ang telepono at humar
KABANATA 114. "AAARRGGG!! HOY BUMALIK KA RITO PESTE KA!!" Sigaw ni ivy ng malakas sa parking lot dahil sa inis sa kotseng bumisina sakanya ng malakas dahilan para malaglag at mabasag ang telepono nyang hawak. Matapos sya nitong businahan ay binugahan naman sya ng usok mula sa tambutso, Galit na galit ang mukha nya habang umuubo dahil sa usok. lalapitan nya sana ang kotse ng bigla ito humarurot ng mabilis. "Tang*na mo!" Pahabol nyang sigaw dito bago nakalayo. Inis na inis nyang dinampot ang telepono nya at nakita ang pagkabasag nun. "Bat ngayon pa! Nakakainis! Sino ba yun? may galit ba sya sakin?!" Sunod sunod nyang reklamo dahil sa asar, nagmartsa sya papasok sa kotse nya at padabog na isinara ang pinto ng sasakyan. Pinaharurot nya din ng mabilis ang sasakyan at dumeretsong uwi sa mansyon para personal na makausap si terrance alam nyang sa mga oras na ito ay nakauwi na ang lalaki dahil tapos na ang office hours. Mabilis syang nakarating sa mansyon at inayos ang sarili bago t
KABANATA 113.Kinuha ni roseann ang dress na ibinigay sakanya ni irish, makikita sa mukha nya ang pagka-disgusto ng makitang revealing din masyado ang napili ng amo para sakanya.Dahil wala naman syang magagawa kundi ang sumunod na lamang ay inabot nya ang damit at dahan-dahang nagtungo sa fitting room. Inantay sya ni irish na matapos habang tumitingin sa magazines na naroroon.Bumukas ang kurtina at iniluwa nun si roseann, umangat ng tingin si irish at nakita nya ang nakayukong si roseann, "Come on roseann, chin up!" Utos nya rito dahil tila nahihiya ang babae sa suot nya. "Woah perfect!" Saad nya dito at pumapalakpak pa ng mabagal. "Ah-, p-parang hindi bagay, masyadong bulgar ata ito ms. irish" Utal na sabi ng sekretarya. "No! Tama lang yan sayo at in all fairness ang ganda rin pala ng hulma ng katawan mo, ilang taon kana kasi saakin pero never pa kita nakitang nag suot ng ganyan.. hindi ka naman siguro lesbian diba?" Saad ni irish dito na lalong nagpapula ng mukha ni roseann. "N
KABANATA 112. "Oh sya sige mag-iingat kayo ng mga kasama mo anak" Isa-isang nagpaalam ang mga ito sakanila bago tuluyang nakaalis sa lugar. Tahimik lamang sya habang nasa byahe, Kinakapa nya ang sarili kung talaga bang handa na sya sa muli nilang paghaharap ng lalaki, "Mas maganda kung kasama nya si ivy, gusto kong makita ang mukha ng babaeng yun habang hindi makapaniwalang buhay ako at parang nakakakita ng multo". Bahagya syang napangisi ng sarkastiko dahil sa iniisip. Mas minabuti nyang magpahinga na lamang habang nasa byahe at tiyak na mapapagod din sila mamaya kapag namili ng mga susuotin para bukas. Bago sya natulog ay nag book muna sya ng hotel sa di kalayuan sa lugar na pag gaganapan ng okasyon. Dahil wala pa syang sariling condo o bahay manlang sa maynila isa pa'y dalawang araw lang naman ang itatagal nila doon at uuwi din agad sa probinsya. *** Nagising si terrance nang kumulo ang tiyan nya dahil sa gutom, Tinignan nya ang orasan sa relong pambisig at nakita ny
KABANATA 111. Dinala nya ang picture frame at naupo sa couch na naroon, Buong puso nyang niyakap ang litrato ng asawa kasunod ng pagbagsak muli ng luha. Maya-maya'y nakaramdam sya ng antok at unti-unting nakatulog habang yakap ang litrato ni irish. *** Mabilis na lumipas ang mga araw, "Roseann, maya-maya ay luluwas tayo papuntang maynila, isasama kita sa pupuntahan kong okasyon bukas". "Yes ms. irish, Ang kaso e wala po ata akong maisusuot na maayos na damit dahil hindi ko alam na magtatagal po tayo rito at di ko rin inaasahan na isasama mo ako sa event". bahagya itong kumamot sa batok na tila nahiya. "Alam mo ilang taon narin kitang secretary pero ganyan ka parin kahiyain, Tyaka isa pa pwede huwag kana mag "po" saakin, magkasintanda lang tayo". Saad nya kay roseann na bahagyang namula dahil sa sinabi nya. "Ah-eh, tama lang naman siguro dahil amo kita at tauhan mo ako... pasensya na ms. irish". yumuko pa ito pagka sabi nun. "Ah basta, tama ka amo mo ako kaya sundin
KABANATA 110. "Eto ang tatandaan mo, hangga't nabubuhay ako hindi ka kailanman magiging masaya!, Pare-parehas tayong magdusa!" Banta ni ivy kay terrance bago ito padabog na nagmartsa palabas ng pinto. Napahilamos sa inis si terrance dahil pakiramdam nya habang tumatagal ay lalong lumalala ang ipinapakitang ugali ni ivy, kung hindi lang ito nanay ng anak nya ay matagal nya nang pinutol ang uganayan sa pagitan nila. "B*llshit!" Pabagsak syang naupo sa swivel chair at nagsindi ng sigarilyo. Nawalan sya ng gana mag trabaho kaya minabuti nyang umalis na lamang sa kumpanya. Tinignan nya ang orasang pambisig, "Matagal-tagal na rin naman akong hindi nakaka-inom, kaya ayos lang naman siguro na paminasan-minsan ay magsaya". Bulong nya sa sarili habang nag mamaneho ng sasakyan. Nagtungo sya sa bar ng kaibigan nyang si cedrick kung saan dati nag trabaho ang asawa. Pagkarating dun ay nagulat ang kaibigan ng matagal na panahon itong walang paramdam ngunit biglaang nagpakita ngayon.
KABANATA 109. Inalalayan sya ni marco na makababa ng sasakyan, Namangha sya ganda ng mga resort na naroroon, "Ganto pala dito marco, halos magkakatabi lang ang mga resort at ang lalawak ng pwesto". Mangha nyang sabi sa kapatid. "Oo ate, Ito kasi ang pinaka centro ng kabisera dito sa la union, halika ate dito banda ang bilihan ng mga yate, siguradong magugustuhan mo dito dahil ito ang pinakasikat na bilihan". Pag-anyaya ni marco sa kanyang ate irish. Hinanap nila may-ari ng mga yate at totoong naingganyo siya sa pamimili, Pinasok nya ang isa sa mga nagustuhang yate at inakyat nya ang roof deck non, "Wow amazing! spacious and elegant, i want this one". Nilingon nya ang may-ari na lalaki na sumama sa pamimili nya ng yate, "Very good choice po ma'am, bago po itong design namin at ang totoo'y pangalawa palang po kayo sa bumili ng ganitong style". Nakangiting saad nito sakanya. "Oh, really? may nauna na pala. but it's okay, Kukunin ko to!" Tugon nya sa lalaking may ari ng mga ya
KABANATA 108. Nasa tabi sila ng dalampasigan nang maisipan ni irish na bumili ng bago at malaking yate na gagamitin ng ama sa pag punta nito sa kabilang isla, nandoon kasi ang resort na nabili nito at kasalukuyang ipina pa-renovate, nasira na kasi ang yate na ginagamit nito noong maaksidente. "Marco.." "Po? ate?" "Samahan mo ako bukas ng umaga, Bibili ako ng yate". "Talaga ate? sigurado matutuwa si papa!". "Oo malapit na ang birthday ni papa sa isang bwan na, kaya ayun ang magiging regalo natin sakanya". "Wow! Answerte ni papa may anak syang galante!" "Mas swerte tayo kay papa, napakasipag nya". "Oo nga ate, Sige sabihan mo lang po ako at sasamahan kita, marami akong alam dito sa La Union". "Salamat! pero secret lang muna nating dalawa ha?" Nginitian nya lang ang kapatid at tumango tango naman ito ng mabilis. ibinaling nya muli ang tingin sa dalampasigan, kay gandang pagmasdan ng mga pantay pantay na alon na humahampas sa mapuputing buhangin. Malakas d
KABANATA 107. Lumipas ang isang linggo, at unti-unti nang gumagaling ang ama ni irish, halata dito ang pananabik na makauwi na para makapag-bonding na silang mag-anak. Natutuwa syang mas pinag-iigihan ng ama ang pagpapagaling nito, Halos naging busy din sya araw-araw dahil hindi biro ang dalhin ang trabaho nya habang nasa pilipinas at inaasikaso ang ama. Nawala din saglit sa isip nya ang mga importanteng bagay sa trabaho, pero sinisigurado nya na maayos parin itong tumatakbo, panay din ang tawag ng lolo lendon nya dahil nag a-update din ito sakanya at nangungulila na din sakanila ni altan. Kasalukuyan nya ding tinutulungan ang mga kapatid sa pag halili ng mga naiwang trabaho ng ama habang nag papagaling ito sa ospital. "Papa konting araw pa po, pasasaan ba't malapit ka ng gumaling wag mo intindihin ang negosyo mo at maayos iyon napapatakbo ni marco". saad nya sa ama dahil sa pangungulit nito na lumabas na ng ospital."Anak, magaling na si papa, tignan mo nga oh at nakakapaglakad
Story Written by: Miss Hunterx_A - KABANATA 1. Alas otso na ng gabi ngunit nasa orange house bar sa kapasigan parin matatagpuan si Irish Alian isang stupidyante este studyante ng Rizal High school senior high level. Maganda, matalino pero lassengera sa edad na 17 years old ay malakas na syang uminom ng alak at di pa daw pinapanganak ang taong tatalo sa kanya at magpapasuko pag dating sa inuman. naka school uniform pa sila ng kanyang mga barkada at di naman sila pinagbabawalan sapagkat exclusive ang bar na iyon para sa mga students dahil ito ay tago at walang permit. "ORAYYYTTT.. TAGAY PAAAA!!" Sigaw ng classmate nyang babae sabay taas ng kamay nitong may hawak na bote ng beer, sabay sabay nilang itinaas ito bilang hudyat ng isang kampay. malakas na tawanan, hiyawan at nakakabinging sounds mula sa bar ang maririnig sa loob ngunit tila tahimik lamang sa labas sapagkat dinesenyo ang lugar na ito bilang soundproof, walking distance lamang ito sa school nila kaya mabilis silang na...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments