Chapter: "Pagsagip"KABANATA 86. "Hahhh!" Sumigaw ng malakas si myla ng nagsitalsikan sa mukha at dibdib nya ang mga dugo na galing kay irish matapos itong biglang humarang at yumakap sakanya ng mahigpit, Nanginginig ang buong katawan at kamay nya ng saluhin nya ang babae. "I-irish.. i-irish.." pati bibig ay hindi nya maibuka ng maayos dahil sa pagkagulat. May naramdaman syang mainit na likido sa kamay nya na nakahawak sa likod ni irish, dahan-dahan nyang inangat ang palad at nakita nya ang napakaraming dugo na nagmumula sa babae. Muli syang napahiyaw dahil sa takot, natumba silang dalawa sa sahig dahil hindi nya na kinaya ang bigat ni irish, "Irish, irish please wag kang pumikit, bakit mo ginagawa yun? lumaban ka!... Lumaban kaaa!" Dahil sa pagkataranta inalog nya ng husto ang katawan ni irish at tinakpan ang tama nito ng baril sa bandang likod ng balikat, dahilan para magkalat ang dugo ni irish sa mga kamay at braso nya. Natutop ni ivy ang bibig nya matapos na makita kung sino ang tinamaan ng baril
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: "Paghahanap"KABANATA 85. Tunog ng isang basag na baso ang narinig ni spencer kaya nilingon nya ang ina at nakita ang pagkabalisa sa mga kilos nito, "Mom, are you okay?" Mabilis nyang nilapitan ang ina sa gawi nito sa mesa habang sila ay naghahapunan. "H-ha?" Nilingon ni yolly ang anak dahil bahagya sya nitong hinaplos sa likod, hindi nya namalayan na nakalapit na pala ito sakanya dahil sa malalim na pag iisip. Hindi nya alam ang biglaang panlalamig na naramdaman kaya iinom sana sya ng tubig ngunit dumulas ang babasaging baso sa kamay nya dahilan para mahulog ito sa sahig at mabasag. "Ang sabi ko po ay ayos lang ba kayo? i think you need to take your medicine mom". Dalawa lamang sila ng anak na naghahapunan ng gabing iyon, ngunit parang may kung anong kumurot sa dibdib nya at nakaramdam sya ng kakaibang kaba. "A-ayos lang ako anak, sige na tapusin mo na yang kinakain mo bigla ako nawalan ng gana". sagot nya sa anak dahil halata sa mukha nito ang pag-aalala sakanya. "Okay, sigurado ka po
Last Updated: 2025-03-29
Chapter: "Putok Ng Baril"KABANATA 84. Ayaw nya mang ipakita kay ivy na labis syang nasasaktan ngunit hindi nya mapigilan ang sarili pakiramdam nya ay para nadin syang pinatay kasabay ng pagkadurog ng puso. Bahagyang kumirot ang tiyan nya marahil ay dahil sa labis na pag-iyak. "Oh bakit natameme ka? asan na ang tapang mo kanina? Stupid b*tch! kahit saang anggulo mo tignan talo ka, narinig mo diba? si terrance na mismo ang nagsabi hindi ka niya kailanman mamahalin wala lang syang choice kaya napilitang pakasalan ka! Bata ka pa nga talaga, madaling mauto!". Naghari ang malakas na tawa nito sa buong lugar, tawa na mapanuya't mapang-insulto. Inangat nya ang tingin sa babae at kahit hilam sa luha't pagkabigo ang mukha nya at mapait nya pading nginitian ito, Naisip nya na talunan nga sya at kahit sabihin pa nya kay terrance ang sikreto ni ivy, sa mga narinig nya ngayon ay mababalewala lamang 'yon dahil mahal na mahal nito ang babae, "Oo na! tapos ka na ba? mag-sama kayong dalawa, akala mo ba hindi ko alam na h
Last Updated: 2025-03-28
Chapter: "Mapait Na Kasinungaling"KABANATA 83. "Wag kang mag patawa miss, mabuti pa manahimik ka nalang baka di mo magustuhan pag nanggigil ako".. Saad nito sakanya at hinaplos ang braso nya habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng katawan nya. Nanindig ang balahibo nya sa ginawa ng maskuladong lalaki, iniwas nya ang braso sa pagkakahawak nito. "Hindi ba kayo natatakot? pag nalaman ng mga pulis to--".. Naputol ang sasabihin nya ng bigla syang sampalin ng lalaki at hawakan nito ng mahigpit ang mukha nya. "Sabi ko manahimik ka! isang salita mo pa di lang yan ang aabutin mo!" Binitawan nito ang pisngi nya at naramdaman nya ang mainit na dugong tumulo mula sa gilid ng labi nya marahil ay dahil sa lakas ng sampal na natamo, ngunit hindi nya alintana ang hapdi tanging nasa isip nya lang kung paano makakatakas sa lugar na 'yon. Umalis ang mga lalaki sa harap nya at ang iba nama'y nagsusugal sa di kalayuan sa tantya nya ay may halos sampong lalaki ang nagbabantay sakanila ngayon. iginala nya ang paningin at tini
Last Updated: 2025-03-27
Chapter: "Umpisa ng pagdurusa"KABANATA 82. "ANONG SORRY!?"-- Galit nyang kausap sa telepono na hawak, pinatayan sya ni terrance at walang sinabing ibang dahilan kung bakit wala pa ito kahit lagpas alas dyes na ng umaga. binalingan nya ang abogado na matamang nakatitig lamang sakanya. "Ah alam mo mrs. padilla, marami na akong na-encounter na gantong case at di na bago saakin na may mga mag-asawa na hindi pa talaga handa na maghiwalay.. kaya it's okay we will re-scheduling your signing". Saad nito sakanya pero wala doon ang atensyon nya kundi nasa lalaki. "Akala ko ba kating-kati na syang makipaghiwalay? bakit hindi sya pumunta! Pinahihirapan nya ba ako?", Saad nya sa isip at mukhang wala syang magagawa kundi mag antay pa ng kaunting panahon hanggang sa mapatawag muli sila sa law firm. *** Eksakto alas dyes na ng umaga ngunit hindi padin bumababa si terrance papunta sa parking lot, "Sinusubukan mo talaga ako terrance!" anas ni ivy na matamang nag aantay sa loob ng sasakyan dahil gusto nyang makasigurado kung
Last Updated: 2025-03-26
Chapter: "Maitim na balak"KABANATA 81. Kinaumagahan, Alas sais pa lamang ng umaga ay gising na si irish. Inayos nya ang mga gamit at nag impake na sya ng mga dadalhin pauwi ng probinsya, buo na ang loob at desidido na syang sumunod sa probinsya pagkatapos nyang pumirma sa divorce paper mamaya. Inabala nya ang sarili sa paglilinis ng apartment upang wala na syang gagawin pag uwi mamaya, kakaonti nalang ang mga gamit nya dito dahil halos ipinasabay nya na lahat sa pamilya noong umuwi ito noong isang araw. Sinuot nya ang bracelet na bigay ng ina na minsan nya lang suotin dahil iniingatan nya ito. Maya maya lamang ay nag ring ang telepono nya at nakitang ang abogado ang tumatawag. "Hello ms. irish, this is att. Vasquez i will expect you at law firm exactly 10 am sharp" . Saad ng abogado sakanya ng sagutin nya ang tawag. "Okay po". tipid na sagot nya dito dahil ilang oras na lamang at matatapos na din ang lahat, hindi nya alam ang mararamdaman kung kinakabahan ba sya o matutuwa dahil matatahimik na sa waka
Last Updated: 2025-03-26