Our White Little Secrets

Our White Little Secrets

last updateLast Updated : 2025-03-05
By:  grimmreaper18 Updated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis: Sherry Francelia ay isang babaeng tumatakbo mula sa isang impyernong hindi niya pinili—isang mundo ng dugo, kasinungalingan, at kapangyarihan. Sa desperasyon, gumawa siya ng isang mapanganib na desisyon: ang lokohin ang isang lalaking mas mapanganib kaysa sa sinumang humahabol sa kanya. Si Levim Devereux ay isang kilalang mafia boss—malamig, walang puso, at walang sinasanto. Ngunit sa kabila ng kanyang bangis, may isang bagay siyang hindi inasahan: isang babae na walang takot na pumapasok sa kanyang mundo at ginugulo ang kanyang plano. Ang kanilang ugnayan ay nagsimula sa isang kasinungalingan—isang delikadong laro ng panlilinlang at kapangyarihan. Ngunit habang lalong lumalalim ang kanilang koneksyon, nagiging malinaw na may mas malaking pwersang gumagalaw sa kanilang paligid. Nang bumalik ang multo ng nakaraan, napagtanto ni Sherry na walang makatakas sa mundong pilit niyang tinatakasan—lalo na kung ang lalaking dati niyang niloko ay siya na ring kinatatakutan niyang mawala. Sa pagitan ng pagnanasa at panganib, pagtataksil at katotohanan—sino ang unang bibigay? At sa isang mundo kung saan ang tiwala ay isang bagay na maaaring pumatay, paano mo malalaman kung sino ang tunay mong kakampi?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi ni Sherry. Nasa pangalawang palapag sila ng mansiyon ng kanyang tiyuhin, malayo sa nagkakasiyahang mga tao sa ibaba.Ramdam ng dalaga ang pamamaga ng kanyang mukha, ngunit nagawa niya pa ring titigan ang tiyuhin nang duruin siya nito."Don't you ever talk to my guests like that again, Sherry. Tama na ang kahibangan mong ito! Dalawa lang ang pagpipilian mo rito—it's either you die in hunger outside, or stay here and do as I say."Pinigilan ni Sherry ang sariling magwala sa harapan nito. Ang kanyang mga kamaong nakatago sa likod ay tila nakakasang baril na maaari niyang pakawalan anumang sandali."I'd rather die than obey you."Isa pang sampal ang dumapo sa kabilang pisngi niya. Tumulo ang kanyang mga luha sa sakit.Hanggang kailan ba siya magtitiis sa impyernong ito? Araw-araw, palagi niyang tinitingnan ang sarili sa basag na salamin ng kanyang kwarto—paulit-ulit na nagtatanong sa isipan kung may silbi pa bang ipagpatuloy ang ganitong klase...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
6 Chapters
Chapter 1
Isang malutong na sampal ang tumama sa pisngi ni Sherry. Nasa pangalawang palapag sila ng mansiyon ng kanyang tiyuhin, malayo sa nagkakasiyahang mga tao sa ibaba.Ramdam ng dalaga ang pamamaga ng kanyang mukha, ngunit nagawa niya pa ring titigan ang tiyuhin nang duruin siya nito."Don't you ever talk to my guests like that again, Sherry. Tama na ang kahibangan mong ito! Dalawa lang ang pagpipilian mo rito—it's either you die in hunger outside, or stay here and do as I say."Pinigilan ni Sherry ang sariling magwala sa harapan nito. Ang kanyang mga kamaong nakatago sa likod ay tila nakakasang baril na maaari niyang pakawalan anumang sandali."I'd rather die than obey you."Isa pang sampal ang dumapo sa kabilang pisngi niya. Tumulo ang kanyang mga luha sa sakit.Hanggang kailan ba siya magtitiis sa impyernong ito? Araw-araw, palagi niyang tinitingnan ang sarili sa basag na salamin ng kanyang kwarto—paulit-ulit na nagtatanong sa isipan kung may silbi pa bang ipagpatuloy ang ganitong klase
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more
Chapter 2
Makalipas ang ilang buwan.Hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Levim ang aksidenteng nangyari sa kanya. Sa linya ng kanyang trabaho at estado sa buhay, hindi malayong isipin na may koneksyon ito sa kanyang mga kaaway.Araw-araw, hindi maitatago sa bugnot niyang mukha ang pagkainip. Pilit siyang pinapaalalahanan ng doktor na manatili sa ospital hanggang sa tuluyan siyang gumaling. Hindi niya gustong magtagal pa rito, pero dahil na rin sa pakiusap ng kanyang ama, wala siyang magawa.Sa loob ng kanyang pribadong kwarto sa ospital, nakatayo siya malapit sa bintana, nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng puting pantalon habang nakatanaw sa labas. Blangko ang ekspresyon niya, tila malalim ang iniisip.Sa kama niya, nakakalat ang ilang dokumento at litrato—mga kuhang-liko ng mga hindi pamilyar na mukha. May ilan na malinaw, ngunit karamihan ay malabo, sapat lang para makilala ang mga nasa larawan.Naputol ang katahimikan nang bumukas ang pinto sa likuran niya. Hindi siya nag-abala pang lumingon
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more
Chapter 3
Mas lalong tumindi ang kaba ni Sherry. Sa takot niya, pakiramdam niya'y halos lumabas na ang kanyang kaluluwa nang makita niyang tumingala ang kanyang tiyuhin. Kung nahuli siya ng pag-atras kahit isang segundo, malamang nagtama na ang kanilang mga mata—at iyon na ang magiging katapusan ng habulan.Ilang buwan na rin siyang nagtatago. Napakatagal ng panahong ginugol niya sa paglayo at pag-iwas. Dito lang ba magtatapos ang lahat? Hindi. Hindi siya papayag. Kailangan niyang makaisip ng paraan. Pero ano? Ano ang dapat niyang gawin sa sitwasyong ito?Kailangan mong mag-isip, Sherry!Hindi ito ang oras para magpadala sa kaba. Kailangan niyang kumalma at hanapin ang pinakamahusay na paraan upang makatakas.Mabilis na naglapit ang tunog ng mga yabag sa hagdanan. Papalapit nang papalapit sa kinaroroonan niya."Mga tang—! Sino'ng tanga ang nagsabing lumabas tayo ng ospital?""Huwag mo nang pansinin," sagot ng isang pamilyar na tinig—ang boses na pinakakinamumuhian ni Sherry. "Mas marami tayong
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more
Chapter 4
Sa labas ng ospital, nakaparada ang ilang police car, kasama ang iba pang sasakyan na sinakyan ni Mr. Francelia at ng kanyang mga tauhan. Ang mga taong naroon ay nagbubulungan, nagtataka kung ano ang kaguluhang nagaganap."May kriminal daw na nakapasok sa gusali," usap-usapan ng ilan. Ngunit walang may alam sa tunay na dahilan ng kaguluhan.Samantala, si Loid, na katatapos lang makipag-usap sa telepono, ay agad na nagmamadaling umakyat patungo sa itaas. Ngunit bago pa siya makalampas, hinarang siya ng isang pulis."Sir, utos po sa amin na huwag munang magpapasok ng sibilyan."Napabuga ng hangin si Loid at umatras. Sinubukan niyang pindutin ang elevator ngunit naalala niyang inaayos pa rin ito hanggang ngayon. Wala siyang nagawa kundi ilabas ang kanyang cellphone at subukang tawagan si Levim.Ngunit bago pa masagot ang tawag, natigilan siya nang makita niyang bumababa mula sa hagdanan ang isang grupo ng mga tao.Si Mr. Francelia. Kasama ang mga pulis at kanyang tauhan.Pasimpleng tumal
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more
Chapter 5
"Stop laughing, Jee. There's nothing even funny in my story." Habang nagmamaneho, kausap ni Loid ang nasa kabilang linya ng telepono. May nakaharang na glass partition sa pagitan niya at ng passenger seat, kaya’t hindi maririnig ng sakay sa likod ang usapan niya. "Dammit, Loid. Now I'm getting curious about this girl," sagot ng lalaking kausap niya. "Instead of getting curious, mas pagtuunan mo na lang ng pansin ang susunod na utos ni boss. Dapat handa tayo sakaling ituloy niya ang plano." "Yeah, yeah. I already informed the others about it. But may tanong lang ako, Loid." "Ano 'yon?" "Her name's Sherry, right? Tell me... is she really that pretty? Sexy ba? Come on, I know you observed her curves at some point, right?" "Bye." "No wai—" Hindi na pinatapos ni Loid ang usapan. Inihagis niya ang phone sa kabilang upuan at ibinalik ang atensyon sa daan. Samantala, sa passenger area ng sasakyan, nakaupo si Levim habang may tinitingnan sa kanyang tablet. Hawak niya ang isang baso n
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more
Chapter 6
Sherry's Point Of ViewHindi ko alam kung hanggang kailan niya ako tititigan nang ganito. Iyong para bang handa niya akong kagatin o sunggaban anumang oras niya gustuhin.Samantalang ako naman ay halos maging kaisa na kami ng bagay na kinasasandalan ko. Mas lalo lang tuloy akong nahiya nang bumaba ang kanyang mga mata sa aking labi. Para bang may naglalaban sa utak niya sa klase ng kanyang titig. Hindi ko alam kung nagugustuhan ba niya ang nakikita niya o hindi. Wala kasi siyang ekspresyon sa mukha at hindi man lang nagsasalita.Muli akong napalunok. Umiwas ng tingin. "Pwede bang mag-banyo muna ako sandali?" Nagpapanggap akong girlfriend niya kaya hindi ko gugustuhing magtunog bastos dito. Lagot talaga ako kapag may nahalata siyang kahit kaunti sa ikinikilos ko.Nasulyapan ko siyang muli at dito'y nakita ko kung paano magtama ang paningin naming dalawa. Grabe, nakakapangilabot talaga ang ka-guwapuhan ng isang 'to. Hindi ko naman talaga puwedeng itanggi na nakabibighani talaga ang its
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status