"Stop laughing, Jee. There's nothing even funny in my story." Habang nagmamaneho, kausap ni Loid ang nasa kabilang linya ng telepono. May nakaharang na glass partition sa pagitan niya at ng passenger seat, kaya’t hindi maririnig ng sakay sa likod ang usapan niya. "Dammit, Loid. Now I'm getting curious about this girl," sagot ng lalaking kausap niya. "Instead of getting curious, mas pagtuunan mo na lang ng pansin ang susunod na utos ni boss. Dapat handa tayo sakaling ituloy niya ang plano." "Yeah, yeah. I already informed the others about it. But may tanong lang ako, Loid." "Ano 'yon?" "Her name's Sherry, right? Tell me... is she really that pretty? Sexy ba? Come on, I know you observed her curves at some point, right?" "Bye." "No wai—" Hindi na pinatapos ni Loid ang usapan. Inihagis niya ang phone sa kabilang upuan at ibinalik ang atensyon sa daan. Samantala, sa passenger area ng sasakyan, nakaupo si Levim habang may tinitingnan sa kanyang tablet. Hawak niya ang isang baso n
Huling Na-update : 2025-03-02 Magbasa pa