KABANATA 11. "Hindi pare parang hindi pa ko handa na makita sya" Mabilis nyang sagot sa kaibigan. "Okay terrance, just tell me if you want go with us okay?" tanging tango lang ang naisagot nya dito. Dahil sa narinig, di nya namamalayang nakaka ilang bote na pala sya ng alak. mag hahating gabi na ng magpaalam ang kaibigan dahil tumatawag na ang asawa nito. "Pare mauna na ako, hindi kapa ba uuwi? lasing kana.." may pag aalala sa tono ni cedrick. "okay pa ako ced, you can go" tipid nyang sagot dito. bumuntong hininga ang kaibigan at tuluyan ng umalis sa lugar. Naiwang mag isa si terrance na malalim padin ang iniisip at ramdam nya ang pag init ng kanyang katawan dahil ang totoo ay lasing na sya pero tila ayaw nyang tumigil sa pag inom ng alak. Nasa pagkakataon syang iyon ng nahagip ng paningin nya ang isang babae na kahit lasing sya ay kilalang kilala nya. "Anong ginagawa nya dito ng gantong oras? umiinom nanaman ata ang babaeng ito, tss lassengera talaga., Pero bakit naka u
KABANATA 12. "Yun lang ba? okay, no problem. ikaw pa malakas ka sakin!" mabilis na pahintulot nito kay terrance. Binalingan sya ng boss nya at sinabing "Irish, he is my friend terrance gusto lang nyang samahan mo sya dito. wag kang mag alala mabait yan, okay?" Pag sabi nun ay tinapik tapik sya nito sa balikat bago umalis at nag paalam sa lalaki. Tatawa tawa si terrance ng makita ang pag luwag ng paghinga ng babae nang makitang nakaalis na si mike. "Kinabahan ka ba? hahahahaha!" hagalpak ito sa tawa habang hawak ang tyan nya. "Trip mo ko sir ah!" hmp!" pagtataray nito sakanya pero imbis na mainis lalo syang naengganyo sa reaksyon ng babae. "Ano po bang kailangan nyo, kung wala aalis na po ako ayoko namang bayaran ang serbisyo ko ng hindi ko pinagtrabahuan" .. Muling sumeryoso ang mukha ng lalaki. "Tell me bakit ka nag wowork dito as a waitress?" seryosong tanong nito. bago sumagot natigilan muna saglit si irish habang nakatingin sa bote ng alak, ang totoo kanina pa ny
KABANATAN 13.Ang mga maaalab na halik nito ang nag pawala sakanya sa katinuan. Tila dinala sya nito sa ibang dimensyon ng mundo na hindi nya pa kailanman napupuntahan. Hindi nya na alintana kahit ang mga tao sa paligid ng mga oras na iyon. Tanging ang kakaibang sensasyon lang na dulot ng maiinit na haplos at halik ng lalaki ang nangingibabaw sa lahat. Bago sakanya ang pakiramdam na iyon ito ang unang pagkakataon na may humalik at humaplos sakanya ng ganun sa buong buhay nya. ***Nasa ganong eksena sila ng bigla syang napitlag dahil sa pag tunog ng cellpohone sakanyang bulsa. Dahil dito bumalik sya sa ulirat, Naimulat nya ang mga mata at Awtomatikong naitulak nya ang lalaking kahalikan. Kasabay noon ay natutop nya ang kanyang bibig ng di makapaniwala sa kanyang nagawa.Mabilis syang kumilos at tumakbo papuntang banyo dahil sa sobrang kahihiyan sa guro, Nang makarating ay agad syang nag hilamos upang mawala ang tama ng alak at ang init na nararamdaman nya. Samantala, Naiwan si t
KABANATA 14. 7:30 am na ngunit wala padin si irish sa room, Hindi mapakali si terrance habang manaka-nakang tumitingin palipat lipat sa pinto at sa gawing upuan ng dalaga. Ang totoo'y pinilit nya nalang pumasok ngayon kahit sobrang kirot ng ulo nya dulot ng pagkalasing kagabi. Marahan pinikit sandali ang mga mata at minamasahe ang sintido ng may humahangos na taong bagong dating lamang. Nilingon nya ang pintuan at nakita ang hinihingal na dalaga ngunit hindi pa ito tuluyang pumapasok sa silid aralan. "Im sorry sir, Na-late po ako ulit nahirapan po akong makasakay, pasensya na po" saad nito habang habol ang hininga. Tinignan nya ang relong pambisig at ibinalik kay irish ang atensyon. "You may sit" .. Nakayuko si irish habang binabagtas ang daan patungo sa upuan nya. Nadaanan nya ang dalawang kaibigan na Naka kunot noo at nagtatanong ang mga mata. Alam nya na agad ang ibig sabihin ng mga kaibigan, ihahanda nya na ang sarili sa mga tanong ng mga ito mamaya. ***
KABANATA 15. Nagising si terrance sa ring ng kanyang telepono. Di nya namalayan na ilang oras na pala ang nakalipas matapos nyang makatulog pag tapos nilang kumain kanina. Tinignan nya ang relo sa bisig at napatda sya sa oras, halos mag aalas tres na pala ng hapon at uwian na ng mga studyante. Sinipat nya muna ang kanyang telepono upang tignan kung sino ang kanina pa palang tumatawag. mayroong ilang misscalls doon ang galing sa company nila at mayroon din sa lola nya. Matapos nyang mag ayos ng mga gamit ay napag disesyonan nyang umalis na sa office ng skwelahan. *** "Ano na irish?! hindi ka padin ba mag kukwento? mukhang gusto mo pa atang masayaran muna ng alak a!" paismid na sabi ni kate. kanina pa sya kinukulit ng mga ito kung anong pinag usapan nila ng lalaking guro. "Sabi ng wala nga yun, pinagalitan lang talaga ako", at teka anong oras na dederetso na ko sa pinapasukan kong part time job, maiwan ko na kayo! sa susunod na ko mag eexplain ha? bye!!" mabilis nyang sabi
KABANATA 16. Mabilis na lumipas ang mga araw, alas kwatro ng madaling araw na 'yon ng sabado. kakatapos lang ng shift ni irish sa bar. pagod na pagod sya dahil sa tatlong linggong pagsasabay sa pag aaral at pagtatrabaho. Madami din ang nakakapansin sa biglaang pag bagsak ng kanyang katawan. Marahil ay dahil sa pagod, puyat at kung minsan ay nalilipasan sya ng gutom. kahit ang pag aaral ay di na nya gaano matuunan ng pansin gaya ng dati. Sumandal sya saglit sa isang poste habang nag aantay ng masasakyan, pakiramdam nya ay nangangalay at nilalamig ang buong katawan nya at ano mang oras ay bibigay ito. Tahimik nyang kinuha ang telepono sa suot na sling bag at pinipilit ang sarili na mag tipa ng numero, tatawagan sana nya ang mga kaibigan para mag pasundo na lamang at hindi na nya talaga kaya ang pagkahilong nararamdaman. Nang sa wakas ay nakapa nya na ang telepono sana tyaka naman nya nakitang lowbat na pala ito. Napabuga sya ng malalim na hininga sa kanyang sitwasyon ngayon
KABANATA 17. "A-ang totoo studyante ko ang babaeng 'yan, Nakita ko sya kanina na nanghihina at tuluyang nawalan ng malay dinala ko sya dito para makapagpahinga dahil may kalayuan din ang mga ospital sa lugar na to". payak na paliwanag nya sa doctor. "i see..so paano mauna na ako, magpahinga kana din mukhang pagod ka rin". pagkasabi non ay magalang na nag paalam ang babaeng doctor kay terrance at umalis na ito. Hinatid nya saglit ang doctor sa pintuan at pagkatapos ay bumalik sya sa silid upang tumingin ng pwedeng maipampalit sa dalaga. Malalaki ang mga damit nya para dito, ngunit di na ito mahalaga. kumuha sya ng pares na pantulog longsleeve at pajama. Napatitig sya sa babaeng nakahiga at sa damit na hawak. "Paano ko nga pala bibihisan ang babaeng to?" Lumitaw ang pamumula at pag iinit ng mukha ni terrance dahil sa naiisip, dapat pala ay nagpatulong sya sa doctor kanina. "Pasensya kana irish pero para sayo din naman to".. Pikit mata nya itong sinubukang hubaran ng daha
KABANATA 18. Lumabas syang hindi nag papahalata na nag pupuyos sya sa inis sa sarili dahil sa kapabayaan. ayaw nyang ipakita sa lalaki ang pagkadisgusto nya sa mga nangyare. Kung tutuosin kase ay dapat pa syang mag pasalamat at ito ang nakakita sakanya sa mga oras na 'yon, inalagaan pa sya ni terrance at isa pa bukod sa pag bihis wala naman siguro itong ginawa sakanya. "Are you ready? let's go.." tumayo ito sa pag kakaupo sa couch ng makita syang naka gayak na. dere-deretso itong lumabas ng kwarto at tahimik syang sumunod sa lalaki. "Anlaki naman ng condo na to, iba talaga pag mayaman". bulong nya sa sarili habang nakasunod sa guro. Nang makasakay sila sa elevator ay naiilang nyang tinignan ang kabuoang pigura ng lalaki mula sa likod nito. Namamangha talaga sya sa tangkad at tindig ng guro. Nakasakay na sila sa kotse ni terrance at nilapitan sya nito para isuot ang seatbelt nya, bahagya syang nagulat pero parang wala naman 'yon sa lalaki, malamig lang kase ang dating nito.
KABANATA 86. "Hahhh!" Sumigaw ng malakas si myla ng nagsitalsikan sa mukha at dibdib nya ang mga dugo na galing kay irish matapos itong biglang humarang at yumakap sakanya ng mahigpit, Nanginginig ang buong katawan at kamay nya ng saluhin nya ang babae. "I-irish.. i-irish.." pati bibig ay hindi nya maibuka ng maayos dahil sa pagkagulat. May naramdaman syang mainit na likido sa kamay nya na nakahawak sa likod ni irish, dahan-dahan nyang inangat ang palad at nakita nya ang napakaraming dugo na nagmumula sa babae. Muli syang napahiyaw dahil sa takot, natumba silang dalawa sa sahig dahil hindi nya na kinaya ang bigat ni irish, "Irish, irish please wag kang pumikit, bakit mo ginagawa yun? lumaban ka!... Lumaban kaaa!" Dahil sa pagkataranta inalog nya ng husto ang katawan ni irish at tinakpan ang tama nito ng baril sa bandang likod ng balikat, dahilan para magkalat ang dugo ni irish sa mga kamay at braso nya. Natutop ni ivy ang bibig nya matapos na makita kung sino ang tinamaan ng baril
KABANATA 85. Tunog ng isang basag na baso ang narinig ni spencer kaya nilingon nya ang ina at nakita ang pagkabalisa sa mga kilos nito, "Mom, are you okay?" Mabilis nyang nilapitan ang ina sa gawi nito sa mesa habang sila ay naghahapunan. "H-ha?" Nilingon ni yolly ang anak dahil bahagya sya nitong hinaplos sa likod, hindi nya namalayan na nakalapit na pala ito sakanya dahil sa malalim na pag iisip. Hindi nya alam ang biglaang panlalamig na naramdaman kaya iinom sana sya ng tubig ngunit dumulas ang babasaging baso sa kamay nya dahilan para mahulog ito sa sahig at mabasag. "Ang sabi ko po ay ayos lang ba kayo? i think you need to take your medicine mom". Dalawa lamang sila ng anak na naghahapunan ng gabing iyon, ngunit parang may kung anong kumurot sa dibdib nya at nakaramdam sya ng kakaibang kaba. "A-ayos lang ako anak, sige na tapusin mo na yang kinakain mo bigla ako nawalan ng gana". sagot nya sa anak dahil halata sa mukha nito ang pag-aalala sakanya. "Okay, sigurado ka po
KABANATA 84. Ayaw nya mang ipakita kay ivy na labis syang nasasaktan ngunit hindi nya mapigilan ang sarili pakiramdam nya ay para nadin syang pinatay kasabay ng pagkadurog ng puso. Bahagyang kumirot ang tiyan nya marahil ay dahil sa labis na pag-iyak. "Oh bakit natameme ka? asan na ang tapang mo kanina? Stupid b*tch! kahit saang anggulo mo tignan talo ka, narinig mo diba? si terrance na mismo ang nagsabi hindi ka niya kailanman mamahalin wala lang syang choice kaya napilitang pakasalan ka! Bata ka pa nga talaga, madaling mauto!". Naghari ang malakas na tawa nito sa buong lugar, tawa na mapanuya't mapang-insulto. Inangat nya ang tingin sa babae at kahit hilam sa luha't pagkabigo ang mukha nya at mapait nya pading nginitian ito, Naisip nya na talunan nga sya at kahit sabihin pa nya kay terrance ang sikreto ni ivy, sa mga narinig nya ngayon ay mababalewala lamang 'yon dahil mahal na mahal nito ang babae, "Oo na! tapos ka na ba? mag-sama kayong dalawa, akala mo ba hindi ko alam na h
KABANATA 83. "Wag kang mag patawa miss, mabuti pa manahimik ka nalang baka di mo magustuhan pag nanggigil ako".. Saad nito sakanya at hinaplos ang braso nya habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng katawan nya. Nanindig ang balahibo nya sa ginawa ng maskuladong lalaki, iniwas nya ang braso sa pagkakahawak nito. "Hindi ba kayo natatakot? pag nalaman ng mga pulis to--".. Naputol ang sasabihin nya ng bigla syang sampalin ng lalaki at hawakan nito ng mahigpit ang mukha nya. "Sabi ko manahimik ka! isang salita mo pa di lang yan ang aabutin mo!" Binitawan nito ang pisngi nya at naramdaman nya ang mainit na dugong tumulo mula sa gilid ng labi nya marahil ay dahil sa lakas ng sampal na natamo, ngunit hindi nya alintana ang hapdi tanging nasa isip nya lang kung paano makakatakas sa lugar na 'yon. Umalis ang mga lalaki sa harap nya at ang iba nama'y nagsusugal sa di kalayuan sa tantya nya ay may halos sampong lalaki ang nagbabantay sakanila ngayon. iginala nya ang paningin at tini
KABANATA 82. "ANONG SORRY!?"-- Galit nyang kausap sa telepono na hawak, pinatayan sya ni terrance at walang sinabing ibang dahilan kung bakit wala pa ito kahit lagpas alas dyes na ng umaga. binalingan nya ang abogado na matamang nakatitig lamang sakanya. "Ah alam mo mrs. padilla, marami na akong na-encounter na gantong case at di na bago saakin na may mga mag-asawa na hindi pa talaga handa na maghiwalay.. kaya it's okay we will re-scheduling your signing". Saad nito sakanya pero wala doon ang atensyon nya kundi nasa lalaki. "Akala ko ba kating-kati na syang makipaghiwalay? bakit hindi sya pumunta! Pinahihirapan nya ba ako?", Saad nya sa isip at mukhang wala syang magagawa kundi mag antay pa ng kaunting panahon hanggang sa mapatawag muli sila sa law firm. *** Eksakto alas dyes na ng umaga ngunit hindi padin bumababa si terrance papunta sa parking lot, "Sinusubukan mo talaga ako terrance!" anas ni ivy na matamang nag aantay sa loob ng sasakyan dahil gusto nyang makasigurado kung
KABANATA 81. Kinaumagahan, Alas sais pa lamang ng umaga ay gising na si irish. Inayos nya ang mga gamit at nag impake na sya ng mga dadalhin pauwi ng probinsya, buo na ang loob at desidido na syang sumunod sa probinsya pagkatapos nyang pumirma sa divorce paper mamaya. Inabala nya ang sarili sa paglilinis ng apartment upang wala na syang gagawin pag uwi mamaya, kakaonti nalang ang mga gamit nya dito dahil halos ipinasabay nya na lahat sa pamilya noong umuwi ito noong isang araw. Sinuot nya ang bracelet na bigay ng ina na minsan nya lang suotin dahil iniingatan nya ito. Maya maya lamang ay nag ring ang telepono nya at nakitang ang abogado ang tumatawag. "Hello ms. irish, this is att. Vasquez i will expect you at law firm exactly 10 am sharp" . Saad ng abogado sakanya ng sagutin nya ang tawag. "Okay po". tipid na sagot nya dito dahil ilang oras na lamang at matatapos na din ang lahat, hindi nya alam ang mararamdaman kung kinakabahan ba sya o matutuwa dahil matatahimik na sa waka
KABANATA 80. Inabot na ng hapon si terrance sa kumpanya at hanggang ngayo'y wala parin syang nasisimulang trabaho. matapos magtungo ni ivy kahapon at kulitin sya tungkol sa diborsyo nila ni irish ay nawalan na sya ng ganang harapin ang mga nakasalansan na papeles sa mesa nya. Naalala nya kung pano sya pilitin nito na madaliin ang abogado na ihain ang papel na pipirmahan nilang dalawa. ayaw man nyang gawin sana ngunit umiyak ang nobya at narindi sya sa boses nito, iniisip din nya na baka makasama sa lagay ng bata kung patuloy itong iiyak at maiistress. Nakatitig sya sa telepono habang binabasa ang natanggap na mensahe mula sa abogado na kinuha ng kanyang lola. Pabagsak nyang binaba iyon dahil sa pagkadismaya ng makita ang petsang itinalaga. "Bukas agad!" singhal nya sa kawalan habang nakasandal sa swivel chair. "Kamusta na kaya sya?" muli nyang saad sa sarili ng maisip ang asawa, kanina nya pa pinagiisapang puntahan ito sa tinitirahan ngunit baka hindi sya harapin gayong may
KABANATA 79. Galit na napapadyak si ivy ng iwanan sya ni irish matapos sya nitong ipahiya, Hindi nya inasahang sa lahat ng taong makakakita sakanya na kasama ang governor ay ang babaeng iyon pa. "Hayop ka talaga.. hindi ako makakapayag na masira lahat ng plano ko, hindi ikaw ang taong magpapabalik sakin sa putikan! humanda kang babae ka makikita mo kung sinong kinalaban mo!" gigil na bulong nya sa sarili habang nakakuyom ang kamao. Humakbang sya paalis ngunit napahinto sya ng may parang kakaiba sa mga tagpo kani-kanina lamang. "Teka nga, bakit nandito sa mga gamit pambata ang malanding babaeng yun?" Kunot ang noo at bahagyang nakatagilid pa ang ulo nito habang malalim na nag iisip. Natutop nya ang bibig ng maisip na "Hindi kaya buntis sya? at sinong ama si terrance? F*cking flirt! hindi pwedeng mangyari to!". Nagdadabog syang nag lakad hanggang sa makarating sa parking, Hindi mawala sa isip nya ang mga posibilidad na pwedeng mangyari kapag nalaman ni terrance na buntis din si
KABANATA 78. Matapos malinisan ni terrance si irish ay mabilis itong nakatulog marahil ay dahil sa pagod, tinitigan nya ang kabuuan ng babae na payapang nahihimlay na animo'y walang problemang kinakaharap. Napangiti sya ng maalala ang eksena sa pagitan nilang dalawa, ngunit agad na nalungkot dahil sa napagkasunduan at nangako syang wawakasan na nila ang ano mang namamagitan. Saglit syang napayuko at mabilis na tumulo ang luha "Pwede bang bawiin nalang? pwede bang hindi nalang matapos ang gabing ito na magkasama tayong dalawa?" tanong nya sa asawang natutulog. Hinawakan nya ang malambot na kamay nito at inilgay sa labi nya, "Bakit ganto ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay iiwan mo na ako at mawawala ka ng mahabang panahon? talaga bang huli na to?" muli nyang kausap dito kahit alam naman nyang hindi ito sasagot. Humiga sya sa tabi nito at niyakap ng mahigpit ang katawan ng asawa, kapwa parin sila hubo't hubad sa ilalim ng makapal na kumot. inamoy amoy nya ang mabangong buhok nito