CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

CEO'S EX-WIFE TURNED THIEF

last updateHuling Na-update : 2025-02-24
By:   introverthomie  In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
7Mga Kabanata
12views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Kagaya ng ibang mag-asawa, nauwi rin sa hiwalayan sina Hunter at Athana. Maging si Athana ay hindi rin makapaniwalang nauwi lang sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Nang umalis si Athana sa puder ni Hunter, hindi niya alam na buntis na pala siya sa kanilang kambal na anak ni Hunter. Sobrang sakit para sa kanya tuwing iisipin niya na hindi na niya mabibigyan pa ng kompletong pamilya ang kanyang mga anak. Sa kasamaang palad, naaksidente si Athana. Ngunit, safe naman ang kanyang kambal na anak. Ang malaking epekto lang sa kanya ay pansamantalang nawala ang kanyang mga ala-ala. Ayon din sa doktor, himala nga raw ang nangyari sa kanilang mag-iina, dahil mabilis din na naka-recover ang katawan ni Athana. Nagulat din siya nang malaman niyang may kambal na anak pala siya. Pagkalipas ng ilang taon, napalaki naman ni Athana ng maayos at mapagmahal ang kanyang kambal na anak na sina Ather at Thana. Sa pagpasok ni Athana bilang isa sa mga pinuno ng gang ng mga magnanakaw. Muling magtatagpo ang mga landas nilang dalawa ni Hunter, ang kanyang dating asawa. Ano kaya ang mararamdaman ni Hunter kapag muli niyang nakita ang kanyang dating asawa na kabilang na ngayon sa isa sa mga pinuno ng mga magnanakaw?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Prologue

"DALIAN niyo na. Baka bumalik na ang mag-asawang Cruz. Malilintikan tayo nito!" Sigaw ni Athana sa mga kasama niyang magnanakaw nang makita niyang nagtatawanan pa ang mga ito dahil sa mga alahas na nakuha nila.Kapag marami kasi silang nakuha ay malaki rin ang ibabayad sa kanila, at kapag kaunti naman ay kaunti lang din ang kanilang matatanggap at paghahatian pa nila iyong lahat, kaya nagsasaya talaga ang kanyang mga kasamahan sa tuwing marami silang nakukuhang mga alahas, gold, at saka pera.Hindi naman sila nagnanakaw sa mga taong walang kasalanan sa lipunan. Galit sila sa mga kapwa nila magnanakaw, kaya ang pinupuntirya lamang nila ay 'yong mga taong nangakong bibigyan ng magandang kinabukasan ang mga tao, ngunit hindi naman nila ito natutupad dahil sa pangungurakot nila."Miss Eight! May sasakyan na paparating." Mahinang bulong ni Bel, isa sa mga kasamahan niyang magnanakaw.Miss Eight ang tawag nila sa kanya dahil nasa ika-walong posisyon na siya ng gang ng mga magnanakaw.Dali-d...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
7 Kabanata
Prologue
"DALIAN niyo na. Baka bumalik na ang mag-asawang Cruz. Malilintikan tayo nito!" Sigaw ni Athana sa mga kasama niyang magnanakaw nang makita niyang nagtatawanan pa ang mga ito dahil sa mga alahas na nakuha nila.Kapag marami kasi silang nakuha ay malaki rin ang ibabayad sa kanila, at kapag kaunti naman ay kaunti lang din ang kanilang matatanggap at paghahatian pa nila iyong lahat, kaya nagsasaya talaga ang kanyang mga kasamahan sa tuwing marami silang nakukuhang mga alahas, gold, at saka pera.Hindi naman sila nagnanakaw sa mga taong walang kasalanan sa lipunan. Galit sila sa mga kapwa nila magnanakaw, kaya ang pinupuntirya lamang nila ay 'yong mga taong nangakong bibigyan ng magandang kinabukasan ang mga tao, ngunit hindi naman nila ito natutupad dahil sa pangungurakot nila."Miss Eight! May sasakyan na paparating." Mahinang bulong ni Bel, isa sa mga kasamahan niyang magnanakaw.Miss Eight ang tawag nila sa kanya dahil nasa ika-walong posisyon na siya ng gang ng mga magnanakaw.Dali-d
last updateHuling Na-update : 2025-02-19
Magbasa pa
Chapter 01
Mabilis na lumundag si Athana sa kanilang balkonahe mula sa rooftop. Nakasanayan na niya talagang dumaan sa balkonahe ng bahay na kanilang pinagtataguan. Medyo naging mainit kasi ngayon ang mga pulis sa mga kagaya niyang magnanakaw, kaya may check point na sa bawat daan.“Kuya, momma's here na,” masayang saad ng kanyang bunsong anak na si Thana habang pumapalakpak pa ito ng maraming beses.Pagkalapit ni Athana sa kanyang anak ay kaagad niya itong niyakap ng mahigpit.“Momma, I can't breathe po,” reklamo ng kanyang anak.Agad din naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sa kanyang bunsong anak.“Sorry baby. Namiss ka lang talaga ni Momma.” Wika ni Athana bago niya pinisil ang tungki ng ilong nang kanyang anak.“I miss you too, momma.” Aniya at saka hinagkan nito ang kanyang ina sa magkabilang pisngi nito.“Baby, where's your Kuya Ather?” tanong niya sa kanyang bunsong anak.“He's still in the toilet, momma. Ayaw n'ya pong pumasok ako.” Nakangusong sumbong ni Thana sa kanyang ina.“Wait her
last updateHuling Na-update : 2025-02-19
Magbasa pa
Chapter 1.1
Continuation....PAGKATAPOS isauli ni Athana ang mga gamit na kanyang nakuha ay dumiretso na kaagad siya pabalik sa kanilang bahay. Muntikan pa siyang matumba pagkalundag niya sa may balkonahe nang makita niya si Gun na nakaupo sa may sahig sa gilid ng kama habang mahimbing pa rin na natutulog ang kanyang mga anak.Mukhang hinihintay siya nitong dumating. Ilang beses na niya itong ginagawa ngunit ngayon lamang siya nahuli ng isa sa mga miyembro niya.Nagkunwari siya na parang walang nangyari, saka niya sinenyasan si Gun na sumama sa kanya sa baba. Nag-usap sila sa may hagdanan."Anong ginagawa mo rito, Gun?" Siya na ang unang nagtanong dito."Tuwing alas tres ng madaling araw ka ba talaga umuuwi rito sa inyo, Miss Eight?" Tanong niya kay Athana habang pinaglalaruan ng kanyang mga daliri ang kanyang itim na mask.Sinulyapan siya nito saglit bago sumagot."Hindi. May inasikaso lang ako." Matipid na sagot ni Athana kay Gun."Bakit may sariling kompanya ka ba na kailangan mong asikasuhin
last updateHuling Na-update : 2025-02-19
Magbasa pa
Chapter 02
"Miss Eight. Sandali lang naman. Magpahinga naman tayo, kahit saglit lang." Rinig ni Athana na reklamo ni Gun. Hindi rin alam ni Athana kung bakit biglang naiba ang misyon nila ngayon. Hindi kasi natuloy ang misyon nila noong nakaraang araw dahil 'yong ibang grupo na raw ang gumawa. Iyan din ang hindi niya maintindihan sa kanila. Kahit hindi nila misyon ay inaagaw pa rin nila, kaya ang ending palagi silang napapagalitan at saka napaparusahan. Kaya mahigpit talaga si Athana sa mga kasamahan niya, dahil damay-damay silang lahat kapag may pumalpak na kahit isa man lang sa kanila. "Dapat kasi hindi ka na sana nagtaas ng kamay mo kanina. 'Yan tuloy pagod na pagod ka ngayon." Saad ni Athana at umupo muna ito sa may malaking bato. Inutusan kasi sila ni Boss Cheng na singilin daw nila si Mr. Freak dahil halos isang taon na raw itong hindi nagbabayad ng utang niya, at saka hindi raw nagagawa ng ibang grupo na singilin si Mr. Freak kaya sila naman ang susubok ngayon ni Gun. "Hindi ko naman
last updateHuling Na-update : 2025-02-19
Magbasa pa
Chapter 2.1
Continuation.... TUMIKHIM muna si Athana. Nakatutok na ngayon ang baril kay Gun nang si Athana muna ang unang magsasalita. "Una po... m-matagal na raw po kayong hindi nakakabayad ng utang mo kay Boss Cheng." Kinakabahan na saad ni Athana ngunit hindi niya iyon masyadong pinahalata. "Narinig ko na 'yan. Wala na bang bagong rason?... Sunod na." Maawtoridad na saad nito habang kay Athana naman ngayon nakatutok ang hawak niyang baril. "Umayos ka, Gun." May halong pagbabanta na sabi ni Athana. Nakita niyang napalunok muna ito ng dalawang beses bago nagsalita. "M-malayo po i-itong... b-bahay mo." Hindi naman makapaniwalang napatingin si Athana kay Gun. Seryoso ba siya? 'Yan talaga ang nirason niya? Nakatutok muli kay Gun ang baril. "Huling rason na, miss eight." Saad ng matanda. Napalunok muna ng isang beses si Athana. Bumuntong-hininga muna siya bago muling nagsalita. Dalawang tao lang ang nasa isip ngayon ni Athana. "May.... May kambal na anak po ako, Mr. Freak.
last updateHuling Na-update : 2025-02-19
Magbasa pa
Chapter 03
HALOS dalawang linggong hindi nakasama si Athana sa kanyang mga kasama sa misyon nila dahil nagkasakit ang kanyang bunsong anak na si Thana. Nang gumaling na ito ay bumalik na rin siya kinabukasan sa trabaho. "Miss, Eight! Namiss ka namin." Sabay na sigaw ni Bel at Shine. Si Shine ay bagong miyembro sa grupo ni Athana. Umupo kaagad si Athana sa tabi ni Bel, at kaharap niya ngayon si Shine na halos abot langit ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya. "Pasensya ka na, Shine. Ngayon lang kasi ako nakabalik, hindi tuloy natin na-celebrate 'yong pagpasok mo sa grupo namin." Saad ni Athana. "Naku, ayos lang 'yon, Miss Eight. Hindi na po kailangan, saka mas importante po 'yong maalagaan mo 'yong anak mo para mas mabilis gumaling. Ganyan din po kasi ako noon kapag may sakit ako. Mas gusto ko po iyong nasa tabi ko lang ang nanay ko sa tuwing may lagnat po ako." Saad naman ni Shine. Nginitian na lamang siya ni Athana. "Nasaan yung iba? Bakit wala sila rito sa warehouse?" Biglang tanong
last updateHuling Na-update : 2025-02-19
Magbasa pa
Chapter 3.1
Continuation...."Miss Eight, tapos na kami." Mahinang bulong sa kanya ni Bel pagkatapos siya nitong kalabitin sa may braso.Nabalik naman sa kanyang ulirat si Athana at napailing na lamang siya sa kanyang iniisip. Tumango siya kay Bel at bigla naman na-curious si Bel kaya sinilip din nito ang tinitingnan niya."Wala tayong puwedeng labasan sa kuwarto na ito. Kailangan natin humanap ng magandang tiyempo." Saad ni Athana.Nagtaas naman ng kanyang isang kamay si Bel kaya napatingin silang lahat dito habang nakasilip pa rin ito sa may pintuan."May tanong lang ako. May poging bisita pala ngayon si Sergeant Rafael?" Seryosong tanong ni Bel at tumingin pa ito sa kanila.Napailing na lamang si Jugs sa kanyang narinig mula kay Bel. Mahina naman na natawa si Drew.Nang muling tumawag si Shine kay Athana ay kaagad niya itong sinagot."Miss Eight, papasok na riyan sa loob ang target. I repeat, papasok na sa loob ang target.""Copy, Shine," Nang mapansin ni Athana na hindi nila kasama si Gun ay
last updateHuling Na-update : 2025-02-24
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status