Mabilis na lumundag si Athana sa kanilang balkonahe mula sa rooftop. Nakasanayan na niya talagang dumaan sa balkonahe ng bahay na kanilang pinagtataguan. Medyo naging mainit kasi ngayon ang mga pulis sa mga kagaya niyang magnanakaw, kaya may check point na sa bawat daan.“Kuya, momma's here na,” masayang saad ng kanyang bunsong anak na si Thana habang pumapalakpak pa ito ng maraming beses.Pagkalapit ni Athana sa kanyang anak ay kaagad niya itong niyakap ng mahigpit.“Momma, I can't breathe po,” reklamo ng kanyang anak.Agad din naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sa kanyang bunsong anak.“Sorry baby. Namiss ka lang talaga ni Momma.” Wika ni Athana bago niya pinisil ang tungki ng ilong nang kanyang anak.“I miss you too, momma.” Aniya at saka hinagkan nito ang kanyang ina sa magkabilang pisngi nito.“Baby, where's your Kuya Ather?” tanong niya sa kanyang bunsong anak.“He's still in the toilet, momma. Ayaw n'ya pong pumasok ako.” Nakangusong sumbong ni Thana sa kanyang ina.“Wait her
Terakhir Diperbarui : 2025-02-19 Baca selengkapnya