"Miss Eight. Sandali lang naman. Magpahinga naman tayo, kahit saglit lang." Rinig ni Athana na reklamo ni Gun.
Hindi rin alam ni Athana kung bakit biglang naiba ang misyon nila ngayon. Hindi kasi natuloy ang misyon nila noong nakaraang araw dahil 'yong ibang grupo na raw ang gumawa. Iyan din ang hindi niya maintindihan sa kanila. Kahit hindi nila misyon ay inaagaw pa rin nila, kaya ang ending palagi silang napapagalitan at saka napaparusahan. Kaya mahigpit talaga si Athana sa mga kasamahan niya, dahil damay-damay silang lahat kapag may pumalpak na kahit isa man lang sa kanila. "Dapat kasi hindi ka na sana nagtaas ng kamay mo kanina. 'Yan tuloy pagod na pagod ka ngayon." Saad ni Athana at umupo muna ito sa may malaking bato. Inutusan kasi sila ni Boss Cheng na singilin daw nila si Mr. Freak dahil halos isang taon na raw itong hindi nagbabayad ng utang niya, at saka hindi raw nagagawa ng ibang grupo na singilin si Mr. Freak kaya sila naman ang susubok ngayon ni Gun. "Hindi ko naman alam na sa may bukid pala tayo pupunta." Hinihingal na sabi ni Gun at naupo ito sa may maliit na bato. "Gun," tawag ni Athana sa pangalan nito, at kaagad din naman nitong nasalo ang tubig na inihagis niya. "Halata sa kanya na hindi siya sanay sa paghihirap. Sa tayo at balat palang ni Gun halatang mayaman ito. Na-curious tuloy ako kong ano ba talaga ang totoong rason niya kung bakit siya sumali sa amin. Saka isa pa, bata pa naman siya kaya puwedeng-puwede pa naman siyang maghanap ng marangal na trabaho, kagaya na lamang ng pagmomodelo dahil bagay na bagay iyon sa kanya." Saad ni Athana sa kanyang isipan. "Gun... Bakit mo naisipan na sumali sa amin? Wala ka bang pamilya na naghahanap sa 'yo?" Mausisang tanong ni Athana sa kanya. Nakita niyang nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "May... may isa na lang akong natitirang pamilya ngayon—ang kuya ko." Sagot nito bago uminom ulit ng tubig habang nakatanaw ito sa mga kabahayan sa ibaba. "Nasaan siya ngayon? Hindi ba siya nag-aalala sa 'yo?" Mausisang tanong pa rin sa kanya ni Athana bago lumingon sa kanya si Gun. "Hinahanap naman. Sadyang ako lang ang ayaw magpahanap sa kanya." Napakunot naman ang noo ni Athana sa isinagot niya. "Bakit ka naman nagtatago mula sa kuya mo? Sinasaktan ka ba niya? May tampuhan ba kayong dal'wa?" Sunod-sunod na tanong ni Athana sa kanya. Napailing-iling na lamang ito at tumayo na. Gano'n? Ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko? Huminto ito sa may harapan niya at inabot nito sa kanya ang tubig na binigay niya kanina. Ngunit, hindi niya iyon tinanggap. Tumayo na si Athana at nilagpasan niya lang si Gun. "May laway mo na 'yan." Sabi niya dahilan upang matawa si Gun. "Ang arte mo pala, miss eight." Saad niya at tumabi ito sa kanya. Hindi na s'ya sinagot pa ni Athana, dahil may nakita siyang maliit na bahay sa may dulo. Gawa ang bahay na ito sa may kawayan. Tinuro niya iyong bahay at napatingin naman si Gun doon sa itinuturo niya. "Bakit naman dito pa siya gumawa ng bahay? Nagbebenta ba ng mga droga si Mr. Freak?" Tanong ni Gun habang naglalakad sila nang mabilis. "Hindi ko alam." Maikling sagot niya. Kumatok kaagad si Athana pagkarating nila sa may labas ng bahay ni Mr. Freak. Walang sumagot kaya muli silang kumatok ni Gun. Pumasok na sila sa loob ngunit wala silang nakitang kahit isang tao man lang doon. Lumabas si Gun upang tingnan ang paligid at nagpaiwan naman siya roon sa loob. "Walang tao rito, miss eight." Saad nito pagkatapos niyang maglibot sa paligid. Lumabas na kami at sakto naman na may nakita kaming isang lalaking mga nasa edad singkwenta na pero mukhang malakas pa rin naman ito. Mukhang galing ito sa pamimingwit, dahil may bitbit itong tatlong isda na huli niya. Napakunot naman ang noo ni Athana nang pinatago siya ni Gun sa may likuran nito. Ano ba ang ginagawa niya? Ako ang pinuno nila tapos ako pa 'yong magtatago? Ganito rin sina Bel sa akin, ako ang pinapatago at pinoprotektahan nila sa tuwing nagkaka-aberya sa misyon namin. Lumapit sa amin ang lalaki at isa-isa niya kaming tiningnan, mula ulo hanggang paa. "Si Cheng na naman ang nagpapunta sa inyo rito?" Tanong nito. Hinawi niya si Gun at lumapit siya kay Mr. Freak. Mukhang hindi naman masamang tao si Mr. Freak. "Opo. Si boss Cheng po ang nagpapunta sa amin dito, at sigurado po akong alam n'yo na po ang totoong dahilan ng pagpunta namin dito sa inyo." Sagot niya. Tumango ito at saka nilagpasan na siya ng matandang lalaki. Pagkalingon niya, naglilinis na ito ng isda. Napaatras naman sila ni Gun nang bigla nitong kinuha ang kanyang itak na nakasuksok lang sa may kawayan sa gilid ng kanyang bahay. "Anong pangalan ninyong dalawa?" Tanong nito habang patuloy lang itong sa paghihiwa ng isda. "A-ako po si Miss Eight. Siya naman po si Gun." Napatingin naman ito kay Athana pagkatapos niyang magpakilala rito. "Miss Eight?" Pag-uulit ng matanda sa sinabi niya. Tumango naman siya kaagad dito. "So, ibig sabihin isa ka sa mga pinuno ng Secretive?" Muli siyang tumango rito. Napatingin naman si Athana kay Gun nang binalingan ito ni Mr. Freak. "Isa po si Gun sa miyembro ko." Sabi niya. Muling ipinagpatuloy ni Mr. Freak ang kanyang ginagawa. Katamtaman lang ang laki ng tatlong isdang nahuli niya at sigurado akong mabubusog na ito, lalo na kung siya lang ang mag-isang kakain ng mga huli niya. "Bigyan ninyo ako ng tatlong rason kong bakit ako magbabayad sa inyo ngayon," Saad nito habang hindi ito nakatingin sa kanila ni Gun. "Pero bago ninyo sabihin sa akin, may dala ba kayong mga baril ngayon?" Dugtong na tanong nito at saka pa ito tumingin sa kanila ni Gun. Parehas silang napailing ni Gun. "Wala po." Sagot naman ni Gun. Kinuha kasi ni Boss Cheng ang mga baril nila ni Gun bago sila pumunta rito sa bundok. Pumasok ang matandang lalaki sa loob ng kanyang bahay. Paglabas nito ay may dala na itong isang upuan at shotgun. Umupo ito ng maayos sa may harapan nila habang nakatutok sa kanila ang hawak nitong shotgun. Ilang pulgada lang ang layo nila sa matanda. "Kung gano'n, simulan niyo nang sabihin sa akin ang tatlong rason ninyo." Saad ng matanda habang seryoso lang itong nakahawak sa kanyang baril. Nagkatinginan naman silang dal'wa ni Gun. Kaya pala kinuha ni Boss Cheng ang mga baril nila kanina. May balak kaya siyang ipapatay silang dalawa ni Gun kay Mr. Freak?Continuation.... TUMIKHIM muna si Athana. Nakatutok na ngayon ang baril kay Gun nang si Athana muna ang unang magsasalita. "Una po... m-matagal na raw po kayong hindi nakakabayad ng utang mo kay Boss Cheng." Kinakabahan na saad ni Athana ngunit hindi niya iyon masyadong pinahalata. "Narinig ko na 'yan. Wala na bang bagong rason?... Sunod na." Maawtoridad na saad nito habang kay Athana naman ngayon nakatutok ang hawak niyang baril. "Umayos ka, Gun." May halong pagbabanta na sabi ni Athana. Nakita niyang napalunok muna ito ng dalawang beses bago nagsalita. "M-malayo po i-itong... b-bahay mo." Hindi naman makapaniwalang napatingin si Athana kay Gun. Seryoso ba siya? 'Yan talaga ang nirason niya? Nakatutok muli kay Gun ang baril. "Huling rason na, miss eight." Saad ng matanda. Napalunok muna ng isang beses si Athana. Bumuntong-hininga muna siya bago muling nagsalita. Dalawang tao lang ang nasa isip ngayon ni Athana. "May.... May kambal na anak po ako, Mr. Freak.
HALOS dalawang linggong hindi nakasama si Athana sa kanyang mga kasama sa misyon nila dahil nagkasakit ang kanyang bunsong anak na si Thana. Nang gumaling na ito ay bumalik na rin siya kinabukasan sa trabaho. "Miss, Eight! Namiss ka namin." Sabay na sigaw ni Bel at Shine. Si Shine ay bagong miyembro sa grupo ni Athana. Umupo kaagad si Athana sa tabi ni Bel, at kaharap niya ngayon si Shine na halos abot langit ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya. "Pasensya ka na, Shine. Ngayon lang kasi ako nakabalik, hindi tuloy natin na-celebrate 'yong pagpasok mo sa grupo namin." Saad ni Athana. "Naku, ayos lang 'yon, Miss Eight. Hindi na po kailangan, saka mas importante po 'yong maalagaan mo 'yong anak mo para mas mabilis gumaling. Ganyan din po kasi ako noon kapag may sakit ako. Mas gusto ko po iyong nasa tabi ko lang ang nanay ko sa tuwing may lagnat po ako." Saad naman ni Shine. Nginitian na lamang siya ni Athana. "Nasaan yung iba? Bakit wala sila rito sa warehouse?" Biglang tanong
Continuation...."Miss Eight, tapos na kami." Mahinang bulong sa kanya ni Bel pagkatapos siya nitong kalabitin sa may braso.Nabalik naman sa kanyang ulirat si Athana at napailing na lamang siya sa kanyang iniisip. Tumango siya kay Bel at bigla naman na-curious si Bel kaya sinilip din nito ang tinitingnan niya."Wala tayong puwedeng labasan sa kuwarto na ito. Kailangan natin humanap ng magandang tiyempo." Saad ni Athana.Nagtaas naman ng kanyang isang kamay si Bel kaya napatingin silang lahat dito habang nakasilip pa rin ito sa may pintuan."May tanong lang ako. May poging bisita pala ngayon si Sergeant Rafael?" Seryosong tanong ni Bel at tumingin pa ito sa kanila.Napailing na lamang si Jugs sa kanyang narinig mula kay Bel. Mahina naman na natawa si Drew.Nang muling tumawag si Shine kay Athana ay kaagad niya itong sinagot."Miss Eight, papasok na riyan sa loob ang target. I repeat, papasok na sa loob ang target.""Copy, Shine," Nang mapansin ni Athana na hindi nila kasama si Gun ay
DINALA ni Athana ang kanyang kambal na anak sa nurse nila sa Secretive Gang of Thieves o SGT upang ipa-check-up ang kanyang dalawang anak. Medyo may kalayuan din kasi ito sa bahay nila kaya maaga silang umalis ng kanilang bahay. Ito rin ang isa sa nagustuhan ni Athana sa SGT dahil importante rin sa kanila ang kalusugan ng mga anak ng kanilang mga miyembro."Good morning po, Nurse Tina." Bungad na bati ni Athana pagkapasok nila sa loob."Good morning po." Sabay na bati pa ng kambal na sina Ather at Thana habang nakangiti ang mga ito kay Nurse Tina.Napatayo naman si Nurse Tina at kaagad niya silang nilapitan at saka pinaupo."Good morning sa inyo... Hello, Ather... hello, Thana." Malambing na bati sa kanila ni Nurse Tina. "Ang pogi at ang ganda talaga ng mga anak mo, Miss Eight." Dugtong pa nito.Si Nurse Tina ay pamangkin ni Boss Cheng, at si Boss Cheng na ang nagpaaral sa kanya noon dahil maaga itong naulila. Totoong registered nurse si Nurse Tina at nagtatrabaho rin ito sa isang mal
“Momma, sino po ‘yon?” Mausisang tanong ni Thana habang naglalakad sila sa daan. “Kilala mo ba siya, momma?” Mausisang tanong din ni Ather sa kanya. “Hindi siya kilala ni momma. Remember what I've told you before?... h’wag na h’wag kayong makikipag-usap sa stranger, lalo na kong feeling ninyo na hindi kayo safe, okay?” Pagpapaalala ni Athana sa dalawa. Tumango naman ang kanyang mga anak. Sumakay na sila ulit ng bus pauwi, at nang makauwi na sila ay saka pa lamang itinuloy ni Athana ang paglilinis ng banyo at ng mga bintana nila. Pagkatapos maglinis ni Athana, lumabas muna siya upang magpahangin sa may balkonahe ng kanilang bahay. Hinayaan niya munang mag-drawing at magsulat ang kanyang mga anak sa kanilang kama. Binilhan niya kasi ang mga ito kanina ng mga gamit pangguhit at saka drawing book, at tig-iisa na silang dalawa para maiwasan ang away. Napansin kaagad ni Athana ang ingay mula sa ibaba kaya dali-dali niya itong tiningnan. Dali-dali rin siyang naupo at sumilip sa may ibab
“M-Miss Eight. Anong g-ginagawa mo rito?” Utal-utal na tanong ni Drew.Tinaasan naman sila ng kilay ni Athana, at lumapit ito sa kanilang dal'wa. Magkalapit lang naman kasi ang kama na hinihigaan ni Prince at ang upuan naman ni Drew.“Tingnan n’yo nga ang mga sarili ninyo ngayon…. Ang titigas kasi ng mga ulo ninyo! Sa susunod na makipag-away ulit kayo, humanap na kayo ng bago ninyong pinuno.” Saad ni Athana at pinagtuturo ang mga natamo nilang mga sugat sa kanilang mga katawan.Para na rin kasing totoong pamilya ni Athana ang mga kasamahan niya. Kahit sino pa ang sumali sa kanila ay itinuturing na niya kaagad na parang isang totoong pamilya.Nagsipasukan naman silang lahat na naiwan sa loob ng van. Tahimik pa rin ang mga ito. Padabog naman na naupo si Athana sa isang upuan.Kung hindi siya magagalit sa kanila ng ganito ay siguradong hindi magtitino ang mga ito.“Sorry, miss eight.” Paghingi ng paumanhin ni Prince.“Pasensya na, miss eight. Hindi na po mauulit.” Saad naman ni Drew.“Ab
NEXT target nila ay isang corrupt na Mayor. Pagkatapos nilang nakawan ang opisina ni Mayor kung saan nakatago ang lahat ng mga perang kinuha nito galing sa pundo ng kanilang lugar, nakalabas na silang lahat ngunit inabot na sila ng madaling araw.Tahimik lang silang lahat na naglalakad sa isang madilim na eskinita habang bitbit ang malaking halaga ng perang nakuha nila.“Kawawa ang mga taong walang kaalam-alam tungkol sa ginagawa ng kanilang Mayor sa pera nila.” Biglang sabi ni Shine kaya napatingin silang lahat dito.“Mas kawawa naman silang lahat dahil nasa atin na ngayon ang pera nilang lahat.” Sabat naman ni Bel.Napabuntong-hininga na lamang si Athana.“Wala rin naman tayong magagawa dahil sumusunod lang tayo sa utos,” aniya. “Saka, kapag hindi tayo sumunod sa utos ay siguradong hindi na tayo aabutan ng linggo. Huwag din kayong masyadong maging kampante. Kahit malakas ang grupo natin kay Boss Cheng ngayon, hindi ibig sabihin no’n na kakampihan na niya tayo sa lahat ng gusto natin
Pagkatapos niyang tawagan si Gun habang nakasukbit pa rin sa kanyang katawan ang bag niya na may laman na pera, binalikan na niya ang kanyang mga anak.“Look, mommy… umiiyak po si Lolo.” Saad ni Thana pagkalapit niya.Napatingin naman si Athana sa matandang lalaki na umiiyak sa may gilid habang pinagmamasdan nito ang kanyang gusali na nilalamon na ngayon ng apoy. Inaamin din naman niyang nasasaktan siya para rito, at may kutob din si Athana na baka isa siya sa dahilan kung bakit nangyayari ito ngayon sa kanila, at sana mali ang kutob niya.Napabuntong-hininga muna si Athana bago siya lumapit sa matanda. Dumating na rin si Gun kaya si Gun muna ang nagbantay sa dalawa niyang anak.“Alam ko po na sobrang nasasaktan kayo ngayon,” napatingin naman sa kanya ang matanda nang tumabi siya rito.Inabutan niya ito ng tubig na dala ni Gun na para sa kanya sana iyon. Kinuha naman ng matanda ang inabot niya bago nito punasan ang kanyang mga luha.“Salamat…. Nalulungkot lang ako dahil ilang taon na
NANG magising si Athana sa isang kuwartong hindi siya pamilyar, dali-dali siyang bumangon mula sa malambot na kamang hinigaan niya.Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong paligid at binuksan niya ang sliding door patungo sa balkonahe. Nang sumilip siya sa ibaba, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Hunter na topless habang nagkakape ito. Agad naman siyang napaupo nang biglang tumingin sa kanya si Hunter, at pagkatapos dali-dali siyang bumalik sa loob at nagpanggap siyang tulog.Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pintuan. Ibig sabihin lang no’n ay pumasok na si Hunter sa loob. Nagpatuloy pa rin si Athana sa kanyang pagpapanggap na tulog.“I know you’re awake. You forgot to close the door,” pagtukoy nito sa sliding door na binuksan niya kani-kanina lang.Napapikit naman ng mariin si Athana.“Gägä ka talaga, Athana!” saad ni Athana sa kanyang sarili.Kung may sariling kamay din ang kanyang imahinasyon ay siguradong sinabunutan na niya ang kanyang sarili.“Get up or baka
Pagbalik nila sa abandonadong bahay, pinabayaan mo na ni Athana si Bel at Jugs na mag-usap. Pumasok na siya sa loob at nang makita niyang lalabas na sana si Drew, pinigilan niya ito.“Huwag ka munang lumabas, nag-uusap pa si Bel at Jugs.” saad niya bago siya umupo.Bumalik na lang ulit si Drew sa kanyang upuan.“Tingnan mo ‘to, Ms. Eight.” Saad ni Drew bago nito pinakita sa kanya ang footage na kung saan kita si Shakira Manalastas.Nang pinindot na ni Drew ang play, agad naman na inilapit ni Athana ang mukha niya sa device ni Drew.“Ano’ng ginagawa ni Shakira? Lasing ba s’ya?” Tanong ni Athana kay Drew bago niya ito nilingon.Umiling naman si Drew. “Sa tingin ko hindi siya lasing, Ms. Eight.” Sagot naman ni Drew.“Ha? Sigurado kang hindi siya lasing?” Tanong ulit ni Athana kay Drew.“I think she’s high that night, Ms. Eight,” sagot nito.“High? You mean… gumamit siya ng drügs?” Tanong niya.Tumango naman si Drew.Tinitigan naman ni Athana ang mukha ni Shakira mula sa screen. “Sayang.
Pagbalik ni Athana, nagtatalo na si Bel at Jugs. Dali-dali naman na lumapit si Athana sa dal’wa. Natahimik naman sina Bel at Jugs nang makita na nila si Athana. Nakapamaywang naman na tumingin si Athana sa dalawa. “Akala ko ba okay lang kayong dal’wa? Bakit kayo nag-aaway ngayon? Ano’ng problema ninyo?” “Ito kasing si Bel, Ms. Eight. Binabanggit pa n’ya ang nakaraan namin kahit ilang taon na ang nakalipas,” saad naman ni Jugs. “Ikaw naman ang nauna.” Depensa naman ni Bel at inirapan niya si Jugs. “Uhm… guys, mukhang nakalimutan ninyo na naririnig ko kayong lahat,” biglang singit ni Drew mula sa kabilang linya. Sabay naman na nagulat sina Bel at Jugs. Napailing na lamang si Athana at tumabi na ulit siya kay Bel. Tumahimik na lamang si Athana dahil ayaw niyang makialam sa isyu ni Bel at Jugs hanggang sa muling nagsalita si Drew, mula sa kabilang linya. “Uhm… guys… ‘yong target natin lumabas na ng hotel.” Agad naman na napatayo si Athana bago tumayo si Bel at Jugs. “Do your best.
NAKATANGGAP ulit ng bagong misyon ang grupo ni Athana, at bago para sa kanila ang misyon na ito dahil kailangan nilang kunin ang cellphone at laptop ng kanilang target. Mas challenging din ang misyon nila ngayon dahil ang kanilang target ay nasa isang beach resort at mahilig pa itong makihalubilo sa maraming tao kaya kailangan din nilang magpanggap na mayaman, dahil medyo mapili rin ang babaeng ito.Napanganga naman sina Jugs, Drew, at Prince nang makita nilang nakasuot ng bikini ngayon sina Athana at Bel.Itinikom naman ni Bel ang bibig ni Drew at Jugs. “Alam kong sexy ako, kaya itikom n’yo na ‘yang mga bibig ninyo.” Tinuro rin ni Bel ang bibig ni Prince na kaagad din nitong itinikom sabay peace sign nito kay Bel.Napaatras naman palayo si Jugs kay Bel, habang natatawa lang si Drew.“Mas sexy pa nga sa ‘yo si Ms. Eight,” saad naman ni Jugs kay Bel.Napatingin naman si Bel kay Jugs. “I know right. Pero ba’t sa ‘kin ka nakatingin kanina? Halos tumulo na nga ‘yang laway mo nang makita m
Nilapitan kaagad ni Athana si Yvonne habang hawak pa rin nito ang braso ni Hunter, bago niya ito kinalabit. Nagdugtong naman ang mga kilay ni Yvonne nang lingunin siya nito. Ngunit, bigla rin na nagbago ang ekspresyon nito nang palipat-lipat itong tumingin sa kanilang dalawa ni Hunter, at sa kamay niyang nakahawak sa isang braso ni Hunter.“Yes?” Nakangiting tanong ni Yvonne kay Athana.Pinalapit naman ni Athana si Hunter kay Yvonne bago niya binitawan ang braso ni Hunter. “Dalhin n’yo na siya sa ospital. Baka maubusan pa siya ng dugo.”Nagkatinginan naman si Yvonne at si Hunter, bago nilingon ni Hunter si Athana.“No need. This is not a real blood,” saad naman ni Hunter.Napatingin naman si Athana sa kanya. “So, niloloko n’yo lang ako para pumunta ako rito?”Agad naman na dumepensa si Yvonne sa sinabi niya.“Hindi. Hindi ka namin niloloko, Athana. Nakipag-suntukan talaga itong si Hunter sa mga lalaking sumugod sa kanya rito sa ground floor. ‘Di ba?” Siniko naman ni Yvonne si Hunter a
Napakamot na lamang si Athana sa kanyang ulo nang makalayo na siya sa kanilang warehouse.“Hindi talaga nag-iisip itong kaibigan ni Mr. Hunter. Paano ko naman makikita ang isesend niyang link sa akin, eh keypad lang naman itong phone ko?” Tanong ni Athana sa kanyang sarili habang siya’y naglalakad.Napatigil naman bigla si Athana nang may maalala siya.“Teka nga… bakit ko naman siya pupuntahan?... Bakit? Sino ba siya sa buhay ko?” Nagtatakang tanong ni Athana sa kanyang sarili.Tatalikod na sana siya nang biglang mahagip ng kanyang mga mata si Tyler, na nakatayo sa may ‘di kalayuan habang nakangisi ito sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Athana.Nakita niyang pumasok sa loob ng pink na kotse si Tyler, at huminto ito sa may gilid niya.“Get in, Mrs. Gustav,” nakangiting sabi nito sa kanya.Napataas naman ang isang kilay ni Athana.“P-pinagsasabi mo? Anong, Mrs. Gustav?”Natawa naman si Tyler. Nagulat naman si Athana nang biglang may isang magandang babaeng lumabas mula sa passenger’s
Nakabalik na si Athana sa kanilang warehouse na parang walang nangyari. Naiuwi niya rin ang binili niyang tinapay at saka palaman na inakala niya kanina na tinapon na ng mga dumakip sa kanya. Kinalabit naman ni Bel si Athana nang makita niyang nakatulala lang si Athana habang nakaupo ito sa may hagdanan. Hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbaba at tinabihan na lamang niya si Athana. Nilingon lang ni Athana saglit si Bel at ibinalik na ulit niya ang kanyang tingin sa may ibaba ng hagdanan. “Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon, Ms. Eight. May problema ka ba?” Tanong ni Bel sa kanya. Alam niyang nangako na siya sa kanilang lahat na susubukan niyang magsabi ng mga problema niya simula noong araw na ‘yon, ngunit hindi niya pa kayang ibahagi ngayon ang pinagdadaanan niya. “Wala naman. Iniisip ko lang ‘yong future namin ng mga anak ko,” Sagot niya. Totoo naman na kasama rin sa iniisip niya kanina ang future nila ng mga anak niya, kaya ‘yan na lamang ang isinagot niya kay Bel. “Sigura
“TYLER, YOU FÜCKING SHI—”Napatigil naman sa pagpasok si Hunter nang makita niya ang sitwasyon ngayon ni Tyler.“Ano’ng… ginagawa mo rito?” Kaagad na tanong ni Athana kay Hunter nang bigla-bigla na lamang itong sumulpot.Nakahinga naman ng maluwag si Hunter nang makita niyang si Athana ang may hawak ng baril.“Hey, bro—Hunter,” tawag ni Tyler sa kanyang kaibigan.Nakapamaywang na ngayon si Hunter habang nakatitig lang siya kay Tyler habang may nakatutok na baril sa ulo nito.“Alright…” Saad niya at tumingin siya kay Athana. “Athana, put that gun down, now… please,” dugtong pa niya. Hindi naman makapaniwalang tumitig si Tyler sa kanyang kaibigan nang magsabi ito ng “please” sa may dulo.Kumunot naman ang noo ni Athana.“At bakit naman kita susundin?” Malditang tanong ni Athana kay Hunter.Napabuga na lamang ng hangin si Hunter pagkatapos nitong marinig ang sinabi ni Athana sa kanya. Halos isang minuto naman silang natahimik, habang nagpipigil naman ng kanyang tawa si Tyler. Nang tingna
HINDI PA NAKAKABALIK ng SGT sina Mr. Uno at Ms. Tres, ngunit ang sabi naman ni Boss Cheng ay gagawan niya raw ng paraan para makalaya na ‘yong dalawa na nasa kulungan pa rin hanggang ngayon. Bumisita na rin ang ibang mga kasamahan ni Athana, ngunit wala siyang planong bumisita lalo na’t hindi na siya safe ngayon dahil kilala na siya ni Hunter. Pinagpahinga rin muna sila ni Boss Cheng dahil masyadong mainit pa ngayon, at lahat sila ay hindi nagtagumpay sa kanilang misyon kaya nadismaya rin si Boss Cheng sa kanilang lahat.Binabalik-balikan pa rin ni Athana ang nangyari noong gabing nagkita sila ni Hunter.“Ano kaya ang koneksyon niya sa akin?” Biglang tanong ni Athana sa kanyang sarili habang naglalakad siya sa daan.Galing siya sa mini supermarket upang bumili ng sampung tasty bread. Ito kasi ang unang nauubos sa loob lamang ng apat na araw, kaya dinamihan na niya ang pagbili at sinamahan na rin niya ng tatlong klase ng palaman.Napatigil naman sa paglalakad si Athana nang biglang may