HALOS dalawang linggong hindi nakasama si Athana sa kanyang mga kasama sa misyon nila dahil nagkasakit ang kanyang bunsong anak na si Thana. Nang gumaling na ito ay bumalik na rin siya kinabukasan sa trabaho.
"Miss, Eight! Namiss ka namin." Sabay na sigaw ni Bel at Shine. Si Shine ay bagong miyembro sa grupo ni Athana. Umupo kaagad si Athana sa tabi ni Bel, at kaharap niya ngayon si Shine na halos abot langit ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya. "Pasensya ka na, Shine. Ngayon lang kasi ako nakabalik, hindi tuloy natin na-celebrate 'yong pagpasok mo sa grupo namin." Saad ni Athana. "Naku, ayos lang 'yon, Miss Eight. Hindi na po kailangan, saka mas importante po 'yong maalagaan mo 'yong anak mo para mas mabilis gumaling. Ganyan din po kasi ako noon kapag may sakit ako. Mas gusto ko po iyong nasa tabi ko lang ang nanay ko sa tuwing may lagnat po ako." Saad naman ni Shine. Nginitian na lamang siya ni Athana. "Nasaan yung iba? Bakit wala sila rito sa warehouse?" Biglang tanong niya kay Bel at Shine. "Hindi namin alam. Lumabas silang lahat at hindi nila kami isinama ni Shine." Sagot naman ni Bel sa tanong niya. Maya-maya lang ay dumating na ang mga kasamahan nilang lalaki na sina Jugs, Gun, Prince, at Drew. Si Prince ay dati na nilang miyembro, at si Gun naman ay galing sa kabilang grupo. Lumipat siya sa kanila noong araw din na nakita nila siyang binubugbog ng kanyang mga kasamahan. May tatlo pa sana silang kasamahan, ngunit namatay ang mga ito nang magkaroon ng aberya sa kanilang misyon. "O, andito na pala sila... Saan kayo galing?" Tanong ni Athana sa kanila nang makalapit na ang mga ito. "Tumambay muna kami sa isang bar kanina, tapos narinig namin na nawawala raw ang isang leader na si Big Nine kasama na rin 'yong mga miyembro niya." Saad naman ni Jugs bago ito naupo sa tabi ni Bel. Hinawi naman ni Bel ang kamay ni Jugs nang umakbay ito sa kanya. "May balita ba kayo kung ano raw ang nangyari sa kanila?" Mausisang tanong ni Athana. "Ang sabi lang sa akin ate noong nagtanong ako—" naputol naman ang sasabihin ni Gun nang bigla silang magkantiyawan, maliban kay Shine na nagtataka lang. "Woah! Tinawag ka niyang "ate" miss eight." Natatawang sabi naman ni Bel. Napailing na lamang si Athana. "Bakit, ano bang gusto mong itawag ko sa kanya? Kuya ba dapat?" Pabalang na sabi ni Gun. Umakto naman si Bel na kunyare ay susuntukin niya si Gun. Muli naman silang nagtawanan. "Pagpasensyahan mo na itong si Gun, Bel. Kanina pa kasi namin ito binibiro." Natatawang sabi ni Jugs, at nakitawa na rin sina Prince at Drew. "Walang namang masama ro'n kong tawagin niya akong ate. Mas matanda naman talaga ako sa kanya. Kaya dapat lang talaga na tawagin niya akong ate." Depensa naman ni Athana, dahil wala naman talagang namamagitan sa kanilang dal'wa ni Gun. Tumahimik na sila at tumayo na rin sila nang makatanggap ng text si Athana mula kay Boss Cheng na may bago na naman daw silang misyon. Nagtungo kaagad sila sa may opisina nito. Inilapag ni Boss Cheng ang isang envelope sa kanyang mesa. "Pag-aralan ninyong mabuti ang paglusob ninyo sa bodega ni Sergeant Rafael. Nand'yan na lahat ng impormasyon na kailangan ninyo." Saad nito. Kinuha naman ni Athana ang envelope. "Ano pong meron kay Sergeant Rafael?" Mausisang tanong niya. Umupo muna si Boss Cheng bago niya sinagot ang tanong ni Athana. "Si Sergeant Rafael ay may kasong panggagahasa ng isang menor de edad. At naulit pa ito ng tatlong beses ngunit walang lumabas na kahit isang kaso mula sa kanya sa medya dahil inilihim lamang nila ito." Nanlumo naman si Athana nang marinig niya ang sinabi ni Boss Cheng. "Wala na talagang awa ang ibang mga tao ngayon." Wala sa sariling sabi ni Athana. Umalis na sila at bumalik na sa warehouse. Doon, inumpisan na nilang planuhin ang lahat, dahil hindi naman puwedeng basta-basta na lamang silang pupunta sa bodega ng target nila dahil baka malagasan pa siya ng kasamahan, kagaya noong nangyari dati. Kinabukasan din ay nagpunta na sila sa misyon nila. Kagaya nang nakagawian nila, sa gabi na nila isinagawa ang misyon nila. Pagkarating nila sa labas ng gate, nagmamasid muna sila sa buong paligid. Napapalibutan ng guwardiya ang buong bodega at sigurado rin sila na may mga tauhan din si Sergeant Rafael roon sa loob. Nagdadalawang isip na ang kanyang mga kasamahan, ngunit buo pa rin ang loob ni Athana. Napagdesisyonan nilang lumipat na lang muna sa mansyon ni Sergeant Rafael dahil mukhang mga droga lang ang nasa loob ng bodega ni Sergeant, dahil nakita nilang may lumabas na tatlong tao mula sa loob na nakasuot ng personal protective equipment. Sinimulan na nilang akyatin ang likod ng bahay ng kanilang target. Nagpahuli na si Gun para makatungtong sa kanyang balikat si Athana. Sobrang dilim sa kuwartong pinasukan nila kaya gumamit na lamang sila ng maliliit na flashlight. Isang puting kuwarto lang ang napasukan nila. Wala itong kahit na anong mga gamit sa loob. Sinimulan na nilang magsilabasan para pasukin ang lahat ng mga kuwarto, at para mas mabilis din silang makakilos. Si Shine na ang inatasan nilang magbantay sa bawat galaw ni Sergeant Rafael dahil nasa trabaho pa naman ito, at sinadya talaga nila iyon na si Shine ang piliin dahil baguhan pa naman ito sa grupo nila. Kulang pa rin kasi sa kaalaman at practice si Shine, saka kasama niya rin naman ngayon si Prince. Ito ang nagmaneho ng sasakyan dahil hindi pa marunong magmaneho si Shine. Napatigil si Athana sa pagpihit ng pinto ng susunod na kuwartong papasukan sana niya nang biglang tumawag sa kanya si Shine. Nakasuot naman siya ng earbud sa isang tainga niya kaya hindi naman niya mabubulabog ang mga security sa labas ng bahay. "Miss Eight, this is Shine. The target is moving. I repeat, the target is moving." Kaagad na tinawagan ni Athana ang kanyang mga miyembro na magmadali. Lumipat na rin sina Jugs at Drew sa kuwartong pinasukan ni Bel, dahil nandoon ang lahat ng mga pera ni Sergeant Rafael nakatago. Pinuntahan ni Athana ang kanyang mga kasamahan at naabutan niya sila roon na inilalagay ang lahat ng mga pera ni Sergeant Rafael sa dala nilang itim na mga bag. "Dalian n'yo na. The target is moving." Maawtoridad na sabi ni Athana. Napahinto naman sila sa paglalagay ng mga pera nang biglang may narinig silang boses mula sa ibaba. Sinenyasan sila ni Athana na huwag mag-ingay, saka siya sumilip sa may pintuan. Nakita ni Athana ang isang matipunong lalaki na kausap ng isang guwardiya na mukhang pamilyar sa kanya kahit ngayon pa lamang niya ito nakita. Mayroon siyang matikas at matigas na panga, a neatly groomed beard, matangos na ilong at kissable na lips. Makapal din ang kanyang madilim na buhok na inayos nang may bahagyang alon. Ang attractive ng lalaking ito sa kanyang paningin.Continuation...."Miss Eight, tapos na kami." Mahinang bulong sa kanya ni Bel pagkatapos siya nitong kalabitin sa may braso.Nabalik naman sa kanyang ulirat si Athana at napailing na lamang siya sa kanyang iniisip. Tumango siya kay Bel at bigla naman na-curious si Bel kaya sinilip din nito ang tinitingnan niya."Wala tayong puwedeng labasan sa kuwarto na ito. Kailangan natin humanap ng magandang tiyempo." Saad ni Athana.Nagtaas naman ng kanyang isang kamay si Bel kaya napatingin silang lahat dito habang nakasilip pa rin ito sa may pintuan."May tanong lang ako. May poging bisita pala ngayon si Sergeant Rafael?" Seryosong tanong ni Bel at tumingin pa ito sa kanila.Napailing na lamang si Jugs sa kanyang narinig mula kay Bel. Mahina naman na natawa si Drew.Nang muling tumawag si Shine kay Athana ay kaagad niya itong sinagot."Miss Eight, papasok na riyan sa loob ang target. I repeat, papasok na sa loob ang target.""Copy, Shine," Nang mapansin ni Athana na hindi nila kasama si Gun ay
DINALA ni Athana ang kanyang kambal na anak sa nurse nila sa Secretive Gang of Thieves o SGT upang ipa-check-up ang kanyang dalawang anak. Medyo may kalayuan din kasi ito sa bahay nila kaya maaga silang umalis ng kanilang bahay. Ito rin ang isa sa nagustuhan ni Athana sa SGT dahil importante rin sa kanila ang kalusugan ng mga anak ng kanilang mga miyembro."Good morning po, Nurse Tina." Bungad na bati ni Athana pagkapasok nila sa loob."Good morning po." Sabay na bati pa ng kambal na sina Ather at Thana habang nakangiti ang mga ito kay Nurse Tina.Napatayo naman si Nurse Tina at kaagad niya silang nilapitan at saka pinaupo."Good morning sa inyo... Hello, Ather... hello, Thana." Malambing na bati sa kanila ni Nurse Tina. "Ang pogi at ang ganda talaga ng mga anak mo, Miss Eight." Dugtong pa nito.Si Nurse Tina ay pamangkin ni Boss Cheng, at si Boss Cheng na ang nagpaaral sa kanya noon dahil maaga itong naulila. Totoong registered nurse si Nurse Tina at nagtatrabaho rin ito sa isang mal
“Momma, sino po ‘yon?” Mausisang tanong ni Thana habang naglalakad sila sa daan. “Kilala mo ba siya, momma?” Mausisang tanong din ni Ather sa kanya. “Hindi siya kilala ni momma. Remember what I've told you before?... h’wag na h’wag kayong makikipag-usap sa stranger, lalo na kong feeling ninyo na hindi kayo safe, okay?” Pagpapaalala ni Athana sa dalawa. Tumango naman ang kanyang mga anak. Sumakay na sila ulit ng bus pauwi, at nang makauwi na sila ay saka pa lamang itinuloy ni Athana ang paglilinis ng banyo at ng mga bintana nila. Pagkatapos maglinis ni Athana, lumabas muna siya upang magpahangin sa may balkonahe ng kanilang bahay. Hinayaan niya munang mag-drawing at magsulat ang kanyang mga anak sa kanilang kama. Binilhan niya kasi ang mga ito kanina ng mga gamit pangguhit at saka drawing book, at tig-iisa na silang dalawa para maiwasan ang away. Napansin kaagad ni Athana ang ingay mula sa ibaba kaya dali-dali niya itong tiningnan. Dali-dali rin siyang naupo at sumilip sa may ibab
“M-Miss Eight. Anong g-ginagawa mo rito?” Utal-utal na tanong ni Drew.Tinaasan naman sila ng kilay ni Athana, at lumapit ito sa kanilang dal'wa. Magkalapit lang naman kasi ang kama na hinihigaan ni Prince at ang upuan naman ni Drew.“Tingnan n’yo nga ang mga sarili ninyo ngayon…. Ang titigas kasi ng mga ulo ninyo! Sa susunod na makipag-away ulit kayo, humanap na kayo ng bago ninyong pinuno.” Saad ni Athana at pinagtuturo ang mga natamo nilang mga sugat sa kanilang mga katawan.Para na rin kasing totoong pamilya ni Athana ang mga kasamahan niya. Kahit sino pa ang sumali sa kanila ay itinuturing na niya kaagad na parang isang totoong pamilya.Nagsipasukan naman silang lahat na naiwan sa loob ng van. Tahimik pa rin ang mga ito. Padabog naman na naupo si Athana sa isang upuan.Kung hindi siya magagalit sa kanila ng ganito ay siguradong hindi magtitino ang mga ito.“Sorry, miss eight.” Paghingi ng paumanhin ni Prince.“Pasensya na, miss eight. Hindi na po mauulit.” Saad naman ni Drew.“Ab
NEXT target nila ay isang corrupt na Mayor. Pagkatapos nilang nakawan ang opisina ni Mayor kung saan nakatago ang lahat ng mga perang kinuha nito galing sa pundo ng kanilang lugar, nakalabas na silang lahat ngunit inabot na sila ng madaling araw.Tahimik lang silang lahat na naglalakad sa isang madilim na eskinita habang bitbit ang malaking halaga ng perang nakuha nila.“Kawawa ang mga taong walang kaalam-alam tungkol sa ginagawa ng kanilang Mayor sa pera nila.” Biglang sabi ni Shine kaya napatingin silang lahat dito.“Mas kawawa naman silang lahat dahil nasa atin na ngayon ang pera nilang lahat.” Sabat naman ni Bel.Napabuntong-hininga na lamang si Athana.“Wala rin naman tayong magagawa dahil sumusunod lang tayo sa utos,” aniya. “Saka, kapag hindi tayo sumunod sa utos ay siguradong hindi na tayo aabutan ng linggo. Huwag din kayong masyadong maging kampante. Kahit malakas ang grupo natin kay Boss Cheng ngayon, hindi ibig sabihin no’n na kakampihan na niya tayo sa lahat ng gusto natin
Pagkatapos niyang tawagan si Gun habang nakasukbit pa rin sa kanyang katawan ang bag niya na may laman na pera, binalikan na niya ang kanyang mga anak.“Look, mommy… umiiyak po si Lolo.” Saad ni Thana pagkalapit niya.Napatingin naman si Athana sa matandang lalaki na umiiyak sa may gilid habang pinagmamasdan nito ang kanyang gusali na nilalamon na ngayon ng apoy. Inaamin din naman niyang nasasaktan siya para rito, at may kutob din si Athana na baka isa siya sa dahilan kung bakit nangyayari ito ngayon sa kanila, at sana mali ang kutob niya.Napabuntong-hininga muna si Athana bago siya lumapit sa matanda. Dumating na rin si Gun kaya si Gun muna ang nagbantay sa dalawa niyang anak.“Alam ko po na sobrang nasasaktan kayo ngayon,” napatingin naman sa kanya ang matanda nang tumabi siya rito.Inabutan niya ito ng tubig na dala ni Gun na para sa kanya sana iyon. Kinuha naman ng matanda ang inabot niya bago nito punasan ang kanyang mga luha.“Salamat…. Nalulungkot lang ako dahil ilang taon na
Nang magising na si Athana biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang wala na sa kanyang tabi ang kanyang dalawang anak at si Gun sa loob ng van. Kaagad siyang lumabas ng van, at mas lalo lang siyang kinabahan nang makita niyang nasa may gubat siya ngayon.Nagdadalawang isip pa siyang sumigaw dahil baka ma-engkanto pa siya rito sa gubat. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Gun ngunit walang kahit isang signal.Sisigaw na sana si Athana nang biglang may narinig siyang humahagikgik. Pamilyar din siya sa boses na iyon, walang iba kun’di ang kanyang bunsong na si Thana. Sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses na iyon, at napunta s’ya sa may likod ng van at hindi nga siya nagkamali.“Anong ginagawa ninyo ritong tatlo? Pinakaba n’yo pa ako ha!” Aniya.Nagtawanan naman ang dalawa niyang anak.“Ikaw talaga, Gun. Nagpapasimuno ka pa.” Pinanlisikan naman niya ng mga mata si Gun na nakangisi lang.Kumunot naman ang noo ni Gun.“Anong ako, ate? Hindi ako ang pasimuno nit
“IPINATAWAG ko kayong lahat ngayon dahil may importante akong taong ipapakilala sa inyong lahat.” Saad ni Boss Cheng.Lahat ng mga pinuno ng bawat grupo ay nandito ngayong gabi. Ang mga kasamahan muna ni Athana ang nagbantay sa kanyang dalawang anak sa may warehouse muna sila dahil ibang grupo naman ang gumamit ngayong linggo sa private hideout o private house. Ginagawa nilang pahingahan ang private house kapag pinayagan silang mag-leave ni Boss Cheng.“Hintayin muna natin ng kaunti ‘yong importante nating bisita ngayon… Sa ngayon, i-welcome muna natin ang bagong Mr. Seven, si Daniel.”Nagpalakpakan naman silang lahat. Nginitian lang sila ni Daniel, ang pumalit sa leader nila na namatay dahil natamaan ito ng bala sa may ulo. Kilala na nilang lahat si Daniel dahil bago ito naging pinuno ngayon, naging miyembro muna ito ng matagal ng dating Mr. Seven. Hindi rin sila sanay na nagbabatian sa harapan ni Boss Cheng, dahil pagkatapos naman nito ay siguradong magce-celebrate silang lahat na h
ISA-ISA silang tiningnan ni Hunter. Nahihiya naman na tumingin si Athana kay Hunter pagkatapos niyang ipakilala rito ang kanyang mga kasamahan sa trabaho, maliban lang kay Gun at sa kambal na anak niya dahil nasa loob lang ito ng sasakyan nila. Nandito rin sila ngayon sa labas ng Luxcious Hospital. Nakasuot rin ng formal attire si Hunter ngayon dahil kagagaling lang daw nito sa isang important meeting with their clients.“Uhm… pasensya ka na. Kailangan ko talaga ng tulong mo ngayon.” Nahihiyang sabi niya.“No, no, it’s okay… I just didn’t expect na marami ka palang kasama,” saad nito.Napahawak naman si Shine sa braso ni Athana at bumulong ito sa kanya. “Ms. Eight, nakakakilig ‘pag nagtatagalog siya.” At pagkatapos umayos ito ng tayo.Napansin naman ni Hunter na napangiti si Athana kaya nag-iwas ito ng tingin.“Uhm… let’s go? Sundan n’yo nalang ako.” Saad ni Hunter at tumalikod na ito.Pabiro naman na kinurot ni Athana ang tagiliran ni Shine dahilan upang mapangiti ito, at bumalik na
Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ni Athana nang binawian na ng buhay si Ms. Six. Napayuko siya at hinaplos ang talukap ng mga mata ni Ms. Six upang ipikit ang ito.“Mamimiss kita... Salamat, dahil naging mabuti ka sa’kin.” Saad ni Athana sa kanyang isipan.Naalarma naman silang apat sa loob nang bigla silang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril na mula sa labas. Napatakbo kaagad silang apat palabas ng hideout nila Ms. Six. Nakita nila ang dalawang lalaking nakahilata na sa may daan malapit sa kanilang sasakyan. Mabuti nalang din at bulletproof ang kanilang van kaya hindi tumagos ang mga bala sa loob.Dali-dali na silang pumasok sa loob ng van at agad naman itong pinaandar ni Gun.Umiiyak na rin ngayon ang dalawang bata dahil sa takot.“Shhh… andito na si momma. Hindi hahayaan ni momma na may mangyaring masama sa inyo.” aniya habang yakap-yakap niya ang kanyang dalawang anak.Tumulong na rin sina Bel at Shine sa pagpapatahan sa dalawang bata hanggang sa muling makatulog si Th
“Kailangan ko munang magtago sa ngayon. Kayo na ang magbigay niyan kay Mr. Lander.” Saad ni Boss Cheng at bumalik na ito sa kanyang ginagawa kanina.Nilapitan naman kaagad ni Athana si Boss Cheng. “Bakit kailangan mong magtago, Boss Cheng? Nasa panganib ba ang buhay mo ngayon?” Sunod-sunod na tanong ni Athana kay Boss Cheng.Hinawi naman ni Boss Cheng si Athana nang humarang ito sa kanyang harapan. “Kailangan ko nang magmadali. Umalis na rin kayo rito dahil siguradong idadamay rin kayo ng BGT dahil sa akin.” Saad naman ng matanda.Napakunot naman ang noo ni Athana. “Anong ibig mong sabihin, Boss Cheng?”Tinulak naman ni Boss Cheng nang mahina si Athana upang ilayo ito sa kanya. “Basta. Umalis na kayo, ngayon na. Magtago na rin muna kayo, kahit saan. Kayo na ang bahala sa mga sarili ninyo.” Sabi nito at hindi na siya pinansin ng matanda.Hinila na ni Gun si Athana papalabas ng opisina ni Boss Cheng hanggang sa makalabas na silang tatlo sa building ni Boss Cheng sa SGT. Binitawan na rin
Pagkatapos nilang kumain, pinatulog mo na ni Athana ang mga bata bago niya kinausap ang kanyang mga kasamahan, maliban lang kay Prince at Drew dahil maagang natulog ang mga ito.Nakaupo sa may hagdanan sina Athana, Shine, at Bel habang nakatayo naman sa kanilang harapan sina Jugs at Gun.“Patawad, Ms. Eight… nalasing na kasi ako no’n kaya hindi na kita nabalikan. Saka, gustong-gusto akong kausap ni Shakira Manalastas kaysa sa mga ka-business partners niya, kaya hindi ako makaalis do’n,” mahabang paliwanag naman ni Bel sa kanya.“Ayos lang ‘yon, Bel, basta successful ang mission natin,” aniya. “Naibigay n’yo na ba yung package kay Boss Cheng?” Tanong niya sa kanila.Napatingin naman si Athana kay Shine nang umiling ito.“Ano? Bakit hindi n’yo pa ibinigay yung package? Aanhin naman natin ‘yon?” Sunod-sunod na tanong niya sa kanila.“Nagdesisyon kaming hindi ibigay kay Boss Cheng ang package hanggang hindi ka namin nahahanap, ate. Bahala na kong magalit man siya sa amin. Wala kaming pake
NAPAPANSIN ni Athana na palaging sumusulyap sa kanya si Bel kaya kinausap na niya ito.“Bakit, Bel? May gusto ka bang itanong sa akin?” tanong ni Athana kay Bel.“Mamaya nalang, Ms. Eight, kapag nakarating na tayo sa bagong tutuluyan natin,” sagot naman kaagad ni Bel.Tumango na lamang si Athana at ibinaling na niya ang kanyang tingin sa labas ng bintana habang nakasandal si Ather sa kanyang gilid at tahimik lang, at si Thana naman ay nakakandong sa kanya at tulog pa ito.Lumipat na sila ng hideout dahil sa mga nangyari kagabi. Mabuti na lamang at hindi na tumutol pa ang kanyang mga kasamahan.(Flashback)“Is it alright if I kiss you?” seryosong tanong ni Hunter sa kanya.Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Athana nang mas inilapit pa ni Hunter ang mukha nito sa kanya. Napakurap-kurap naman si Athana. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya rito. Hindi niya rin maibuka ang kanyang mga bibig no’ng mga oras na ‘yon.“Silence means, yes, Athana.” Saad ni Hunter sa malalim nitong tono
“Ito na pala ‘yong mga damit na pinahiram mo sa akin. Pinalabhan ko na rin ‘yan kanina. Maraming salamat.” taos-pusong pasasalamat niya kay Yvonne. Nagtaka naman si Athana nang hindi kinuha ni Yvonne ang mga damit nito. “Sa’yo na ‘yan. Marami pa naman akong damit. Saka, puwede mong maging remembrance sa’kin ‘yan. Para sa tuwing susuotin mo ang mga damit ko—maaalala mo ako,” nakangiting sabi sa kanya ni Yvonne. “Salamat.” Nginitian din niya pabalik ni Yvonne. Inabot naman ni Yvonne sa kanya ang isang nakatuping papel, na agad niya ring tinanggap. “That’s my number. Call me kapag nagka-selpon ka na, okay?” Isang tango lang ang isinagot ni Athana sa kanya. “I promise na hinding-hindi ko sasabihin kay Hunter na nakakausap kita,” dugtong pa nito. Nginitian na lamang niya si Yvonne. Bumaba na rin sila pagkatapos at nakita nilang naghihintay lang sa labas si Hunter, nakaupo sa loob ng kotse at nakabukas ang pinto. Nakabihis na rin ito ng itim na sando, at kahit hindi pa nakakalapit s
Tatlong araw na ang lumipas, at sa mga araw na iyon ay inalagaan siya ni Hunter. Miss na miss na rin niya ang kanyang mga anak ngunit tiniis na lang muna niya ang kanyang pangungulila sa dalawang bata, dahil ayaw niya rin naman na bumalik doon na ganoon ang sitwasyon niya. Tinext na rin niya si Gun at Bel gamit ang cellphone ni Hunter, na hindi na muna siya makakabalik. Nagtaka pa nga si Hunter kung sino raw si Gun. “Puwede na ba akong umuwi?” biglang tanong ni Athana. Nagkatinginan naman si Hunter at Yvonne. “Magaling naman na ako.” dugtong pa niya. Yumakap naman si Yvonne sa kanya na katabi lang niya na nakaupo sa may kama habang si Hunter ay nasa harapan nilang dal’wa ni Yvonne. Naglalaro kasi sila ngayon ng cards dahil naiinip na kanina si Yvonne kaya inaya niya silang dalawa ni Hunter na maglaro. Wala kasi ang nobyo nitong si Tyler dahil nasa opisina na ito simula pa noong isang araw. “Iiwan mo na ba kami? Kailan ulit tayo magkikita?” Naglalambing na tanong ni Yvonne sa kanya
Kinabahan naman bigla si Yvonne nang biglang sumakit ang ulo ni Athana. “Naku… I’m sorry… magpahinga ka muna. Kalimutan mo nalang ‘yong mga sinabi ko sa’yo.” Saad ni Yvonne habang tinutulungan niyang humiga si Athana. “What happened, babe?” Bungad na tanong ni Tyler pagkapasok nito. “Nothing…. lumabas nalang muna tayo.” Agad naman na sagot ni Yvonne sa kanyang nobyo at tinulak pa niya ito palabas ng kuwarto. “Ha? Eh, kakapasok ko palang naman, babe.” Reklamo naman ni Tyler nang nasa labas na ito ng kuwarto. Sumilip naman saglit si Yvonne kay Athana. “Babalik din kami. Huwag kang babangon, okay? D’yan ka lang.” Saad nito bago niya isinarado iyong pintuan. Napatitig na lamang si Athana sa kisame. “Mabuti nalang at hindi ako masyadong napuruhan. Hindi ko pa kayang iwanan ang mga anak ko. Kailangan pa nila ako.” Saad ni Athana sa kanyang isipan. Maya-maya pa ay unti-unti na rin na kusang pumipikit ang kanyang mga mata. Nagulat naman si Athana nang bigla na lamang bumukas ang pintuan
“WHAT did you do to her, Hunter? Bakit siya tumatakbo palayo sa’yo no’ng makita ko kayo sa labas?” galit na tanong ni Yvonne kay Hunter, na tahimik lang sa may gilid.Sa private Luxcious Hospital nila dinala si Athana. Ang may-ari rin ng Luxcious Hospital ay sina Hunter, Tyler, at ‘yong kakambal ni Tyler na si Ryler.Bukod din sa Luxcious Hospital, silang tatlo rin ang may-ari ng pinaka-sikat na brand dito sa pinas, ang Luxcious Luxury.Nang hindi sumagot si Hunter ay agad siyang nilapitan ni Yvonne. Dali-dali naman na niyakap at inilayo ni Tyler si Yvonne mula kay Hunter.“Babe, listen to me. Hindi rin naman ginusto ni Hunter ang nangyari sa ex-wife niya. Hayaan na mo na natin siya, okay? Magiging okay rin si Athana—magiging okay rin ang best friend mo.” Saad naman ni Tyler nang binitawan na niya ang kanyang nobya.Galit naman na tumitig si Yvonne kay Hunter, habang si Hunter naman ay nakatingin lang sa sahig at hindi pa rin ito kumikibo hanggang ngayon.“Hunter, pumasok ka muna sa l