Taming the Casanova Billionaire
WARNING ⚠️ ⚠️ Rated SPG
Si Alexandra Villamor ay isang simpleng empleyado sa isang marangyang cruise ship, ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay nagulo nang makilala niya si Julian Evans, isang makisig at mayamang bilyonaryo na kilala sa pagiging mapaglaro sa pag-ibig. Hindi inaasahan ni Alex na ang isang kasunduan sa pagitan nila ay magdadala sa kanya sa isang mundo ng intriga, pagsubok, at lihim. Habang pilit niyang pinangangalagaan ang kanyang dignidad, unti-unti namang nagiging mas kumplikado ang relasyon nila ni Julian.
Sa pagitan ng mga pagkukunwari at tunay na damdamin, natagpuan nila ang kanilang mga sarili sa isang kwento ng pagmamahal at laban para sa katotohanan. Ngunit sa mundo ng kayamanan at kapangyarihan, may mga lihim na naghihintay na mabunyag at mga lihim na maaaring tuluyang magbago sa kanilang mga buhay.
Read
Chapter: Chapter 58: Ang pagbabalik sa Greece "Sweetie, naka-ready na ba lahat ng gamit natin?" saad ni Julian at niyakap niya mula sa likod si Alex na noo'y patapos na sa pag-iimpake. "Almost done, Sir..." aniya ng dalaga habang nakangiti. Ngunit nang ayusin pa niya ang ibang gamit ni Julian ay labis na nanlaki ang mga mata ni Alex nang makita nito ang isang tila pamilyar na underwear. "Julian? Bakit nandito 'to?!" sigaw ng dalaga habang hawak niya ang underwear gamit ang kanyang dalawang kamay at itinaas pa ito. "Oh!" bulalas ni Julian at mabilisang hinablot ang underwear. Tinapunan siya ng nakakainis na tingin ni Alex habang hinihintay ang paliwanag nito. "Amh..." bulalas niya at napabasa siya ng labi. "I... I secretly got it noong naglaba ako ng damit sa apartment mo," utal niyang sagot, "dahil... kapag na-miss kita, at least maalala kita... d-dahil diyan," dagdag pa nito at nangasim ang mukha dahil sa kahihiyan. Halos mapanganga si Alexa sa narinig niya. "Sabog ka ba?! Hindi naman akin 'yan eh! Kay Sam 'yan
Last Updated: 2025-01-06
Chapter: Chapter 57: Hidden Agenda Habang nagyayakapan ang dalawa, hindi nila namamalayan na palihim na nagmamasid si Eros sa sulok. Gumuhit ang isang nakakaalarmang ngiti sa kanyang mga labi, tila may alam na ito tungkol sa nakaraan ng dalawa. "How... ironic... meeting the love of your life for the second time, Julian, pero hindi ako papayag na mabuhay kang masaya kahit pa isuko mo ang lahat para sa babaeng 'yan. I'll make you both suffer... hanggang sa halikan mo ang talampakan ko," mahina niyang sabi habang nakangisi at sinabayan ng paghithit ng sigarilyo. Maya-maya lamang, napagdesisyunan niyang istorbohin ang dalawa. He walked like a cool one and acted like he didn't know what happened. Nakasando lamang noon ng puti si Eros at suot ang boxer shorts nito, halos kitang-kita ang malaking dragon na tattoo sa likod niya. "It's already late at naglalampungan pa rin kayong dalawa dito," he said while staring at the sky full of stars, habang ang isang kamay ay nakahawak sa kahoy na rails ng balcony nila. Nagul
Last Updated: 2025-01-05
Chapter: Chapter 56: Then and Now Nakita ko kung paano pigilan ng doktor at ng nurse ang nagwawalang babae. May edad na ito at simple lamang ang kanyang kasuotan. "Hayop ka! Ikaw ang may kasalanan! Kasalanan mo kung bakit nasa kritikal na kondisyon ang anak ko!" patuloy niyang sigaw habang walang tigil pa rin ang kanyang pagpupumiglas at pinagduduro ako. It's Alex's mother... Bahagya kong inayos ang aking pagkakaupo kahit maga ang mga binti at braso ko. "T-Tita..." sagot ko na may tinig na pagsisisi sa aking boses. "Huwag mo akong ma-tita-tita! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko! Na-comatose siya dahil din sa kapabayaan mo! Sana... sana ikaw na lang ang nalagay sa kritikal na kondisyon at hindi ang anak ko!" Halos tumagos sa dibdib ko ang mga binitawang salita ng ina ni Alexa. I just bowed my head at tila hindi ko na mapigilan ang paghikbi ko, punong-puno ako ng pagsisisi. "Nagkaroon ng critical head injury ang anak ko! Kung hindi mo siya niyaya sa araw na 'yon, hindi sana matututunan ng an
Last Updated: 2025-01-05
Chapter: Chapter 55: The Accident Nang unti-unting inaabot ni Xarah ang laylayan ng kanyang damit, halata sa kanyang mga mata ang pag-aalinlangan. Parang pinipilit niya ang sarili sa isang bagay na hindi niya lubos na gusto. "Xarah...you don't need to do that," mahina kong sabi, sinusubukang itago ang pagkabog ng dibdib ko. Alam kong mali ito. Ngunit tila bumulaga sa akin ang kagandahan ng hubog ng kanyang katawan. Kahit pa suot niya ang kanyang panloob, ang inosenteng aura niya ay higit na nangingibabaw. Parang bigla akong natauhan. "Sweetie, hindi ko intensyon na pilitin ka. Please, isuot mo ulit ang damit mo," sabi ko habang tumalikod, pilit na binibigyan siya ng espasyo. Sa loob-loob ko, kinakain ako ng pagsisisi. Tahimik siya sa loob ng ilang segundo bago marahang magsalita. "Julian... napagtanto ko na baka masyado akong naging maramot sa'yo and I'm sorry... sorry kung masyado akong naging mahigpit pagdating sa ganitong eksena. Laking gulat ko nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran. Narinig ko ang pa
Last Updated: 2025-01-04
Chapter: Chapter 54: The Flashbacks Julian's POV Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang katotohanan na gusto kong sabihin kay Alexa, pero marahil ang Diyos ang nagdala sa amin sa landas na mayroon kami ngayon. Baka ito na ang tamang panahon. "Julian... s-sabihin mo sa'kin, ipaintindi mo sa'kin ang lahat... sino ka ba talaga sa buhay ko?" Muli niyang tanong na tila bawat salitang binibitawan niya ay pinipiga akong paaminin. At sa bawat pagsabi niya na wala siyang maalala ay tila isang tinik na nakabaon sa aking dibdib, ngunit ngayong gabi ay pipilitin kong ipaunawa sa kanya ang lahat upang manumbalik ang mga panahon na nasayang. --- COLLEGE ERA I was patiently waiting at the gate of my girlfriend's house. Her name is Xarah. Honestly, isang taon na kaming magkarelasyon, and I'm very surprised dahil napakainosente niya—tila wala pa talagang karanasan sa pag-ibig. Napansin kong bumukas ang pintuan nila, and there she is, parang batang napakawalan at kumakaway-kaway pa. I smiled back at binuksan ang door ng sasaky
Last Updated: 2025-01-04
Chapter: Chapter 53: The Truth about Xarah and July Malalim na noon, ngunit nakatambay pa rin sina Julian at Alexa sa balkonahe. Julian was hugging Alexa from behind, at taimtim nilang pinagmamasdan ang buwan at mga bituin. "May naaalala ka ba sa ganitong eksena, Alex?" sambit ni Julian habang nakahapit ang dalawang braso sa baywang ng dalaga, habang ang ulo niya ay nakasandal sa kanyang kanang balikat. "Meron," mabilis na sagot ni Alex, at biglang kumunot ang noo ni Julian, tila nabuhayan siya ng kumpiyansa na baka nga may naaalala ito. "Really? So tell me... ano ang naalala mo?" Julian said, dala ang mga sabik na ngiti nito sa dalaga. "Kung paano ka pasimpleng mang-tsansing..." aniya, at napatawa. Agad na napataas ng ulo si Julian, at tila batang nagtampo ang naging reaksyon nito. "C'mon, Alex. I'm serious..." wika ni Julian, na tila seryoso nga ito. "Ano ba kasi dapat ang maalala ko, ha?" muling sagot ni Alex, at ngayon ay nakaharap na ito kay Julian, habang hawak pa rin ng binata ang kanyang baywang. Tinitigan lam
Last Updated: 2025-01-03