As the most jolly, honest, caring and loyal friend to everyone that is Vera Joyce. But suddenly, everything has changed. She then started doubting her best friend, Sheena. When she met her best friends partner, Liam. What would happen to their friendship? Will Liam be the reason that there friendship would come to an end?
View More"NO, Sheena! Stop the hate! Sumuko ka na lang baby! " Singit na sigaw ni tita Emma na nakap'westo pa rin sa kinatatayuan nito kanina. " Why should I stop? Are you scared to let them know what did that evil man did to us? And besides, you are the first person who turn me like this!" Sheena hissed to her mom. "Sheena, please, itigil muna ito. Tanggap ka pa rin naman namin eh. And willing pa rin kami na maging kaibigan mo. Magtiwala ka lang sa amin." Mahinahon naman na wika ni Bea sa isang tabi sa kabila ng tensyon namamagitan sa buong paligid. "Masasabi mo lang kasi iyan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! Did your mom experience being battered by your dad? " Nanlaki ang mga mata nitong hinagilap ng tingin ang nagsasalitang si Bea. "Ah~ I almost forgot! You don't have a father nga pala. " Nang-aasar na ngumisi itong nakatitig kay Bea, "or shall I say, you do have a father.. pero, hindi literal na matatawag na papa mo ito
"HOLD YOUR FIRE!" Sigaw ng kung sinumang pulis sa aking tabi. Pero parang tumigil ang pag-ikot ng orasan ng mga oras na 'yon. Nang makita ko ang aking kapatid na si Jared na tumatakbo papalapit sa akin. At ang isang lumilipad na bala ng baril papunta sa direksyon mismo ng aking kapatid. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad kung sinalubong si Jared. Mabilis kung iniharang ang aking sarili dito upang saluhin ang paparating na bala. "Ate Joyce!" Palahaw na iyak pa nito ng makayakap na ito sa akin. Nararamdaman ko ang takot at panginginig nito na ikinangitngit ng aking kalooban. Magkasabay kaming natumba habang magkayakap. Saka ko naman naramdaman ang pagtama nang bala ng baril sa aking kaliwang hita. Noong una ay pagkagulat lamang ang aking tanging nararamdaman. Hindi pa gan'on umepekto sa akin ang kirot. Pero habang tumatagal ay unti-unti ko nang naramdaman ang pamamanhid ng aking kaliwang hita."Bulls eye!"
"DON'T WORRY love. I'll make it sure that everything's gonna be okay. " Pilit na pinapakalma ni Vic ang aking pakiramdam dahil kanina pa ako hindi mapalagay habang lulan kami sa private helicopter na sinasakyan namin ngayon pabalik ng Pilipinas. "This is all my fault. Kung hindi ko pinapakilala si Sherwin kay Emma, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. But hindi ko naman talaga intensyon na mauuwi sa ganito ang lahat dahil lately ko lang din nalaman na Sherwin is one of the head of the notorious syndicate.. " "It isn't your fault love. Please don't take all the blame on you because you didn't mean to put Emma in this situation." "Hindi mo kasi naintindihan, Vic. Emma and I are good friends but I couldn't afford to lose you, too. You know how infatuated Emma to you before. And I thought Sherwin is a nice guy--" Hindi ko matapos ang aking sasabihin ng mabilis akong kinabig ni Vic dahilan upang mapasubsob
MAKULIMLIM ang langit. Animo'y may nagbabadyang unos na paparating. Ngunit hindi ito naging hadlang sa isang pamilyang masayang naglalaro ng volleyball. Nasa kalagitnaan na ang mga ito ng nilalaro nila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya napilitan ang mga ito na saka na lamang ipagpatuloy kapag humupa na ang ulan. Nagkanya-kanyang takbo kaagad ang mga ito papunta sa cottage na inokupa. Makikita talaga sa mga pagmumukha ng mga ito ang labis na kagalakan kahit iilan sa kanila ay parang basang sisiw na. Sa bandang pintuan nakatayo ang batang si Jared. Habang abala ang lahat na magdaldalan, tuwang-tuwa naman ito habang pinapalutang ang bangkang gawa sa papel. Lumulutang ito sa isang kawayan na nakatihaya, Dire-diretso ang paglutang ng bangkang papel. Tuwang tuwa na sinusundan naman ito ng batang si Jared. Hanggang sa hindi na namalayan ng lahat na nasa labas na pala ang batang ito. Nang makarating sa bandang dulo ang bangkang papel ay n
"BITIWAN MO AKO! " Pilit na pagpumiglas ni ginang Yvonne sa pagkahawak sa kaniya ng mga armadong tauhan ni Sherwin."Tumahimik ka! Mapapahamak kami kay bossing dahil sa ingay ng bunganga mo!" singhal na sita ng lalaki na hinihila ang kaniyang kaliwang braso. "Kinidnap ninyo ako tapos gusto niyo na manahimik lang ako! Ano ba ang naging kasalanan ko sa inyo?" Nagmamakaawang pakiusap ni ginang Yvonne sa mga ito. "Kasalanan mo? Malaki ang naging kasalanan mo, kaya ka nga pinakidnap ka sa amin ni boss eh!" Pamimilosopo ng lalaki sa kanan.Nakita ni ginang Yvonne na papasok na sila sa isang resthouse. Mabuti na lamang at hindi siya piniringan ng mga ito. Kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na sauluhin ang lugar na pinagdalhan sa kaniya. Isang mahabang pasilyo ang dinaanan nila bago sila pumasok sa isang pintuan. Pagkapasok niya sa loob saka naman siya binitawan ng mga armadong lalaki at iniwan. "Saan kayo pupunta? Don't tell me! Help!" Malakas na sigaw ni ginang Yvonne at walang sawang
DALAWANG araw na ang nakalipas magmula nang dukutin ng mga tauhan ng daddy ni Sheena ang mommy ni Faye. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kung nasaan sila at kung ano na ang nangyari kay tita.. Pero hindi pa rin tumigil ang mga owtoridad sa paghahanap.Natawagan ko na rin sina papa na kailangan nila ng dobleng-ingat. At kung maaari, itago nilang mabuti si Amelia. Mahirap na, dahil maraming koneksyon na sindikato ang daddy ni Sheena. Mabuti na ang sigurado kaysa makapante.Nahihirapan na tuloy akong makatulog dahil sa labis na pag-aalala. Kanina pa ako nagpabaling-baling dito sa aking higaan, nakatingin sa kanina ko pa hawak na cellphone. Nag-aabang ng tawag mula sa aking Amelia. Sana nasa mabuting kalagayan ito. Sana hindi sila nasundan ni Sheena. Sana.. Hindi ko na namalayan na iginupo na ako ng kaantukan.NAGMULAT ako ng mata ng maramdaman kong may gumagalaw sa aking tabi. Hindi ko matandaan na may katabi akong matulog kagabi. 'Sino kaya ito?' Kaya kaagad akong tum
NAGPASYA na lang muna ako na gumala sa mall para magpalamig. Nabuburyo rin kasi ako na umuwi sa bahay dahil mag-isa lamang ako ngayon. As usual, wala na naman sina mama at tito daddy. Si Vinice naman ay nasa bahay ng bagong boyfriend nito.Sinubukan kong ayain si Faye. Kasi si Moira ay abala sa pag-aasikaso sa mga pinsan nila Josmond. Sinusulit din nito ang bonding ng fiance nitong si Dominic. Nauna din na umalis sina Bea at ang asawa nitong si Dexter at nagkataon din na si Faye lang ang bakante kaya siya ang inalok ko. Hindi naman ito nagdalawang-isip na sumama sa akin.Kasalukuyan kaming tumatambay sa paborito kung VG Cafe. Nakakarelax kasi sa pakiramdam ang tumambay dito. Dahil bukod sa masarap ang kape nila at milktea, may free reading pa sa naturang cafe.Habang abala kaming dalawa ni Faye na magbasa habang sumisipsip ng wintermelon. Napansin ko na bigla na lang itong napatulala."Faye? Are you okay?" Puno ng pagtatakang untag
KAAGAD NA INAALALAYAN ako nina Gigi at Arnold. Mabilis naman na itinali nina Dexter at Dominic ang nagwawalang si Sheena. Nang biglang dumating ang medical staffs. "Hindi pa tayo tapos! Babalikan kita, Vera! Babawiin ko lahat ng inagaw mo sa akin! Hindi kita lulubayan hangga't hindi ko nababawi ang lahat sayo! Tandaan mo iyan!" Nanggagalaiting sigaw ni Sheena habang inaakay ito papalayo ng mga medical staffs. Pilit itong pinapakalma ng mga ito. Nang hindi talaga ito tumigil sa pagpupumiglas ay kaagad na tinurukan ng mga ito ng gamot pampakalma. Mabilis na umepekto ang gamot at matagumpay na naihiga ng mga ito si Sheena sa dala-dala ng mga ito na stretcher. Tiyak sa rehab ang bagsak nito o baka nakabukod na rehab dahil sa krimen na nagawa nito ngayon lang. Baka mas malala pa ang ipap"Mabulok ka sana sa kulungan! Hayop ka!" Balik sigaw naman ni Moira habang inaalalayan ito ng kasintahan nitong si Dominic. May lumapit din sa kanila na medical staffs. Maririnig din sa isang tabi ang
VERA's POV:KINIKILABUTAN AKONG napalingon sa gawi nang kinabagsakan ni Rocky. Bumungad sa paningin ko ang magkasunod na pagduwal nina Bea at Amelia na nakap'westo na pala sa aking bandang likuran.Nanlamig ang aking buo kong katawan dahil sa nasaksihan. Huli ko nang mapagtanto ang biglaang pagtunog ng aking sikmura at ang pakiramdam na parang may gustong kumawala sa aking lalamunan. Hindi ko rin napigilan ang maduwal sa nakakahindik na pagkamatay ni Rocky. Hindi ko lubos akalain na capable na gawin ito ni Sheena. Hindi ko rin alam sa aking sarili kung ano pa ang kaya nitong gawin. Pero nagbakasakali ako na pwede pa itong mapakiusapan."She... 'Diba sa akin ka galit? H'wag mo na silang idamay pa.." Nagsusumamong pakiusap ko rito. Kahit ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan ay sinubukan ko pa rin na kumilos at maglakad papunta sa kinaroonan nito upang ito'y pakiusapan. Kahit na pakiramdam ko na mukhang malabo ang nais kong mangyari. Humarap ito sa akin na parang nabi
MAGANDA ang gising ko ngayon dahil maski sa panaginip ay kasama ko pa rin siya. May ngiti pa rin sa mga labi ko pagmulat ko ng mata. Finally, akin na siya. Malaya ko na siyang mamahalin nang hindi kinakailangan na magtago pa. Matagal ko na siyang pinapangarap na makuha. Matagal ko na siyang pinagdadasal na mapasa'kin siya. Siguro, hindi ko na mabilang ang mga pagkakataong nasaktan ako para lang makamit siya. I can't even imagined na magtitino na ako, na siya ang makapagpatuwid sa baluktot kung mundo. Isang mundong nababalot nang puro kasinungalingan. Isang pagkataong nag-aasam nang tunay na pagmamahal. Isang masalimuot na kahapon at isang matagumpay na ngayon. Naramdaman ko na siyang gumalaw, nagpapahiwatig na gising na rin siya. Kaya excited akong tumagilid nang higa para ang kariktan ko naman ang una niyang masisilayan. Kaso, nagtataka ako dahil nahihirapan akong kumilos. Parehong nakatali ang magkabilaang kamay ko. Nakaangat ito na nakatali sa ulunan ng higaan. Imbes na makar
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments