Chapter: Fields of Pleasure 35CANCEL ANG KLASE ko sa last subject. Pero bigla akong napaisip na masyado pang maaga para umuwi.. Kaya napagdesisyonan ko na lamang na magpalipas muna ng oras sa mall na malapit lamang sa aming university, tutal hindi naman ako naka-schedule na magbantay sa botique ngayon. Dumiretso kaagad ako papunta sa tindahan ng mga nagtitinda ng murang libro at mga magazines. Magmula kasi nang nakapagtrabaho na ako sa botique ay hindi talaga ako pumapalya sa pagbili ng libro o magasin na matipuhan. Hindi rin pinabayaan ni Roger ang aking pamilya sa probinsiya. Bale, siya na ang nagpatuloy sa pagpadala ng pera. Kahit na umayaw ako noong una sa nais niyang mangyari pero kalaunan ay napapayag din niya ako. Wala rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang pumayag. Kaya ang natatanggap kong sahod mula sa pinagtrabahoan ko ay tinatabi ko na lamang, o 'di kaya ay pinambili ko ng mga ipapasalubong ko sa aking pag-uwi.Hindi pa ako naabutan ng ilang minuto sa pagtingin tingin ng mag
Last Updated: 2024-10-28
Chapter: Fields of Pleasure 34ILANG ARAW NA ANG LUMIPAS simula nang makauwi ako galing sa ospital. Matapos ang senaryong nangyari sa ospital kina ninang at Roger ay nagbago na ang pakikitungo ni ninang sa akin. Kung dati ay medyo mailap ito sa akin, ngayon ay naging mabait na ito. Hindi ako sigurado kung pakitang tao lamang ba itong pinapakitang kabutihan ni ninang, o talagang tuluyan na ba itong nagbago. Kaya unti-unti ko na rin ibinabalik ang dating pakikitungo ko sa kaniya. Ito na rin mismo ang nagrequest kay Roger na pag-aralin ako na ikinatuwa ko. Mantakin mo iyon hindi ko na kailangan na irequest pa kay Roger ito dahil si ninang na mismo ang nag-asikaso ng mga dokumento ko sa pagbabalik skwela ko. Malaki ang naging pasalamat ko sa kaniya dahil mabibigyan na ng sakatuparan ang aking mga pangarap. Kapalit ng libreng pag-aaral ko sa pamilyang Bernardino ay ang pagbabantay ko sa botique ni ate Rochelle. Habang tinutulungan ko si Analie sa mga gawaing bahay pagkauwi ko galing sa school. Tuwing umaga ay sumas
Last Updated: 2024-08-24
Chapter: Fields of Pleasure 33MAY MGA BULONG akong nauulinigan. Sa aking hinuha, nasa malapit lamang sila. Pinakinggan kong mabuti kung ano ang pinag-uusapan nila, kaso masyadong mabilis at pahina ng pahina ang mga boses. Kaya dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Bumungad naman sa aking paningin ang nakasisilaw na liwanag. Kumukurap kurap ako upang sanayin ang aking paningin sa liwanag. Kaagad na inilinga ko ang aking mga mata sa buong paligid. Nasa loob ako ng isang puting silid. Nakaramdam ako ng takot. Baka biglang dumating si Ian at kung ano na naman ang gawin nito sa akin.Kaagad kung hinanap si Roger pero hindi ko ito makita sa silid na aking kinahigaan. Nakarinig ako ng mga yabag na paparating. Nagmamadali akong umakyat sa hospital bed at mabilis na humiga at nagkunwaring nakapikit. Tama nga ako at sa silid ko papunta ang mga yabag na ito. Narinig ko ang malakas na pag-ingit ng bakal na pintuan. Pumasok sa silid ko ang mga yabag. Nang maisara ng kung sinong nagmamay-ari ng mga yabag ang pinto
Last Updated: 2024-07-26
Chapter: Fields of Pleasure 32NAALIMPUNGATAN ako sa malakas na kalabog mula sa labas ng pintuan. "Neng? Ayos ka lang ba dyan?" Malakas na sigaw ni ate Mel. Napadilat ako ng mata. Gusto ko sanang sumigaw kaso nakabusal ang aking bibig. Pinilit kung igalaw ang aking katawan pero hindi ko ito maigalaw. Nakatali sa magkabilaang bahagi ng headboard ang aking mga kamay pati na rin ng aking magkabilaang mga paa. Nakangising tiningala ako ni Ian na kanina ay abala kakahalik sa pribadong parte ng aking katawan. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Wala ka nang magagawa kundi ipaubaya sa akin ang sarili mo." Nang-uuyam na halakhak nito na ikinagalit ko. Nandiri pa ako lalo ng dinilaan nito ang aking kaliwang dibdib. Nagpupumiglas ako sa pagkatali nito pero sobrang higpit, pero 'di pa rin ako nawalan ng pag-asa na matanggal ito. 'Roger, nasaan ka na? Umuwi ka na, please! Iligtas mo ako sa hayok sa laman na si Ian!'Napaiyak na lamang ako ng nakarating na si Ian sa bandang puson ko. Pinipilit ko pa rin na makawala sa pagk
Last Updated: 2024-07-05
Chapter: Fields of Pleasure 31NAGPUPUNAS AKO ng mga alikabok sa sala ng biglang sumulpot si Ian sa aking tabi. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla. " Nerbyosa ka pala, Sabrina." ani niya. "Hindi naman po." Matipid kong sagot dito. 'Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla ka na lang sumulpot at magsalita?' Aburido kong pagrereklamo sa aking isipan. "Ready ka na bang gawin ang ipagawa ko sayo ngayon?" Makahulugan itong ngumiti sa akin. 'Magpalinis lang ng silid ang dami pang pasakalye nito.' Naiimbyerna na pagmamaktol ko sa aking isipan. "Ano po ba ang ipapagawa mo sa akin, sir?" Mahinahon na tanong ko pa rito. "Basta. Halika na, at nang maaga natin masimulan ang ipapagawa ko sayo.." Malambing na wika pa nito sa akin. Nangangaliskag ang mga balahibo ko sa katawan sa inakto nito. Hindi naman panget si Ian. Kung tutuusin ay may hitsura ito. Pero dahil sa manyakis ito kaya hindi nakakahalina ang katikasan nito sa aking paningin. Siguro kung ibang babae ay tiyak na mahuhumaling kaagad d
Last Updated: 2024-07-04
Chapter: Fields of Pleasure 30"AYOS KA LANG BA, neng?" Bungad salubong na bulong sa akin ni ate Melleza. Mahahalata sa boses nito ang labis na pag-aalala."A-ayos lang po ako," pilit kung pinapakalma ang aking boses dahil alam kong nakasunod sa akin si Ian. Makahulugan kong tinitigan si ate Mel at nakuha naman nito kaagad ang gusto kong iparating. Pagkapasok namin ay iniba nito ang usapan. Nag-utos si ate Mel ng mga maaari kung maitutulong sa kan'ya. Ang mga pinamili ko sa palengke ngayon ay ang stocks ng kakainin naming tatlo. Kahit papaano ay nawaglit sa isipan ko ang takot na naramdaman ko para kay Ian. Nagsimula nang magluto si ate Melleza, habang sinasalansan ko ang mga pinamili ko sa lagayan."Gusto mo bang sa kwarto ko muna matulog ngayong gabi, neng?" Biglang alok ni ate Melleza sa akin. Napalingon kaagad ako sa aking likuran bago ko tiningnan ang kinaroonan niya. Medyo nahimasmasan ang aking nararamdaman nang mapagtanto ko na hindi na pala sumunod si Ian dito sa kusina. "Sige po, te. Kukuha l
Last Updated: 2024-06-25
Chapter: Blind Ashes 35"NO, Sheena! Stop the hate! Sumuko ka na lang baby! " Singit na sigaw ni tita Emma na nakap'westo pa rin sa kinatatayuan nito kanina. " Why should I stop? Are you scared to let them know what did that evil man did to us? And besides, you are the first person who turn me like this!" Sheena hissed to her mom. "Sheena, please, itigil muna ito. Tanggap ka pa rin naman namin eh. And willing pa rin kami na maging kaibigan mo. Magtiwala ka lang sa amin." Mahinahon naman na wika ni Bea sa isang tabi sa kabila ng tensyon namamagitan sa buong paligid. "Masasabi mo lang kasi iyan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko! Did your mom experience being battered by your dad? " Nanlaki ang mga mata nitong hinagilap ng tingin ang nagsasalitang si Bea. "Ah~ I almost forgot! You don't have a father nga pala. " Nang-aasar na ngumisi itong nakatitig kay Bea, "or shall I say, you do have a father.. pero, hindi literal na matatawag na papa mo ito
Last Updated: 2024-11-18
Chapter: Blind Ashes 34"HOLD YOUR FIRE!" Sigaw ng kung sinumang pulis sa aking tabi. Pero parang tumigil ang pag-ikot ng orasan ng mga oras na 'yon. Nang makita ko ang aking kapatid na si Jared na tumatakbo papalapit sa akin. At ang isang lumilipad na bala ng baril papunta sa direksyon mismo ng aking kapatid. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kaagad kung sinalubong si Jared. Mabilis kung iniharang ang aking sarili dito upang saluhin ang paparating na bala. "Ate Joyce!" Palahaw na iyak pa nito ng makayakap na ito sa akin. Nararamdaman ko ang takot at panginginig nito na ikinangitngit ng aking kalooban. Magkasabay kaming natumba habang magkayakap. Saka ko naman naramdaman ang pagtama nang bala ng baril sa aking kaliwang hita. Noong una ay pagkagulat lamang ang aking tanging nararamdaman. Hindi pa gan'on umepekto sa akin ang kirot. Pero habang tumatagal ay unti-unti ko nang naramdaman ang pamamanhid ng aking kaliwang hita."Bulls eye!"
Last Updated: 2024-11-17
Chapter: Blind Ashes 33"DON'T WORRY love. I'll make it sure that everything's gonna be okay. " Pilit na pinapakalma ni Vic ang aking pakiramdam dahil kanina pa ako hindi mapalagay habang lulan kami sa private helicopter na sinasakyan namin ngayon pabalik ng Pilipinas. "This is all my fault. Kung hindi ko pinapakilala si Sherwin kay Emma, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. But hindi ko naman talaga intensyon na mauuwi sa ganito ang lahat dahil lately ko lang din nalaman na Sherwin is one of the head of the notorious syndicate.. " "It isn't your fault love. Please don't take all the blame on you because you didn't mean to put Emma in this situation." "Hindi mo kasi naintindihan, Vic. Emma and I are good friends but I couldn't afford to lose you, too. You know how infatuated Emma to you before. And I thought Sherwin is a nice guy--" Hindi ko matapos ang aking sasabihin ng mabilis akong kinabig ni Vic dahilan upang mapasubsob
Last Updated: 2024-11-16
Chapter: Blind Ashes 32MAKULIMLIM ang langit. Animo'y may nagbabadyang unos na paparating. Ngunit hindi ito naging hadlang sa isang pamilyang masayang naglalaro ng volleyball. Nasa kalagitnaan na ang mga ito ng nilalaro nila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya napilitan ang mga ito na saka na lamang ipagpatuloy kapag humupa na ang ulan. Nagkanya-kanyang takbo kaagad ang mga ito papunta sa cottage na inokupa. Makikita talaga sa mga pagmumukha ng mga ito ang labis na kagalakan kahit iilan sa kanila ay parang basang sisiw na. Sa bandang pintuan nakatayo ang batang si Jared. Habang abala ang lahat na magdaldalan, tuwang-tuwa naman ito habang pinapalutang ang bangkang gawa sa papel. Lumulutang ito sa isang kawayan na nakatihaya, Dire-diretso ang paglutang ng bangkang papel. Tuwang tuwa na sinusundan naman ito ng batang si Jared. Hanggang sa hindi na namalayan ng lahat na nasa labas na pala ang batang ito. Nang makarating sa bandang dulo ang bangkang papel ay n
Last Updated: 2024-11-03
Chapter: Blind Ashes 31"BITIWAN MO AKO! " Pilit na pagpumiglas ni ginang Yvonne sa pagkahawak sa kaniya ng mga armadong tauhan ni Sherwin."Tumahimik ka! Mapapahamak kami kay bossing dahil sa ingay ng bunganga mo!" singhal na sita ng lalaki na hinihila ang kaniyang kaliwang braso. "Kinidnap ninyo ako tapos gusto niyo na manahimik lang ako! Ano ba ang naging kasalanan ko sa inyo?" Nagmamakaawang pakiusap ni ginang Yvonne sa mga ito. "Kasalanan mo? Malaki ang naging kasalanan mo, kaya ka nga pinakidnap ka sa amin ni boss eh!" Pamimilosopo ng lalaki sa kanan.Nakita ni ginang Yvonne na papasok na sila sa isang resthouse. Mabuti na lamang at hindi siya piniringan ng mga ito. Kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na sauluhin ang lugar na pinagdalhan sa kaniya. Isang mahabang pasilyo ang dinaanan nila bago sila pumasok sa isang pintuan. Pagkapasok niya sa loob saka naman siya binitawan ng mga armadong lalaki at iniwan. "Saan kayo pupunta? Don't tell me! Help!" Malakas na sigaw ni ginang Yvonne at walang sawang
Last Updated: 2024-08-02
Chapter: Blind Ashes 30DALAWANG araw na ang nakalipas magmula nang dukutin ng mga tauhan ng daddy ni Sheena ang mommy ni Faye. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kung nasaan sila at kung ano na ang nangyari kay tita.. Pero hindi pa rin tumigil ang mga owtoridad sa paghahanap.Natawagan ko na rin sina papa na kailangan nila ng dobleng-ingat. At kung maaari, itago nilang mabuti si Amelia. Mahirap na, dahil maraming koneksyon na sindikato ang daddy ni Sheena. Mabuti na ang sigurado kaysa makapante.Nahihirapan na tuloy akong makatulog dahil sa labis na pag-aalala. Kanina pa ako nagpabaling-baling dito sa aking higaan, nakatingin sa kanina ko pa hawak na cellphone. Nag-aabang ng tawag mula sa aking Amelia. Sana nasa mabuting kalagayan ito. Sana hindi sila nasundan ni Sheena. Sana.. Hindi ko na namalayan na iginupo na ako ng kaantukan.NAGMULAT ako ng mata ng maramdaman kong may gumagalaw sa aking tabi. Hindi ko matandaan na may katabi akong matulog kagabi. 'Sino kaya ito?' Kaya kaagad akong tum
Last Updated: 2024-07-16