Ginawang pambayad utang ng kanyang tiyuhin si Lara Veronica Martinez. Dahil sa desperasyon na matakasan ang lalaking hindi niya gusto, pumayag ang dalaga na magpakasal sa kanyang bilyonaryong boss na si Jason Timothy Lagadameo o Jace na nangangailangan ng contract bride upang matupad ang kahilingan ng abuela nitong may sakit. The marriage will last for only six months. At may dalawang rules na inilatag si Jace kay Lara; mananatiling lihim ang kanilang kasal sa iba at hindi dapat ma-in-love si Lara sa kanya. Wala iyong problema kay Lara. Alam niyang hindi siya mahuhulog sa mga gaya ng kanyang boss. He is the cold billionaire and she is the bubbly ordinary employee. He is the ruthless CEO and she is the poor woman with a heart of gold. Paano kaya nila pakikibagayan ang isa’t-isa gayong tila langit at lupa ang kanilang pagitan? Kaya ba nilang panatilihing lihim ang kanilang kasal sa iba gaya ng kanilang napagkasunduan? Paano kung sa paglipas ng panahon, unti-unting mahulog si Lara kay Jace sa kabila ng katotohanang, nariyan lang ang ex-girlfriend ni Jace, handa ulit paumuin ang binata sa kahit na anong paraan? Ipaglalaban ba ni Lara ang kanyang damdamin para sa asawa? O mas pipiliin niya ang umalis pagkatapos ang anim na buwan gaya ng kanilang napagkasunduan kahit na… dala-dala na niya sa kanyang sinapupunan ang pinakaaasam na tagapagmana ng mga Lagdameo na siyang magiging susi upang mabuksan ang mga lihim ng kanilang nakaraan?
View More“Mrs. Lagdameo, naririnig mo ba ‘ko?” anang pulis na siyang kausap ni Lara.Kanina pa nasa presinto ang dalaga at kasalukuyang kinukuhanan ng statement ng pulis. Subalit tila lumulutang ang isip niya at halos walang makuhang sagot ang pulis sa kanya. Kaya paulit-ulit ang pagtatanong nito. Paulit-ulit din siyang hindi sumasagot.Ang tanging nasa isip ni Lara sa mga oras na ‘yon ay ang katotohanang binalewala siya ni Jace kanina. Gano’n katindi ang galit nito sa kanya? Umabot na sa gano’n na hahayaan siya nitong damputin ng mga pulis upang kwestiyunin?‘My grandson’s love for you is stronger than anything else in this world. I am sure, time will come, he is ready to abandon everything just to be with you.’‘Yon ang sinabi sa kanya ni Cristina noong huli silang mag-usap. Gusto pa sana niyang paniwalaan ‘yon ngayon, patuloy na panghawakan kaya lang…”Nag-angat ng tingin si Lara, mariing pinagsalikop ang mga kamay upang pigilan ang mga luha. “P-pakiulit po ang tanong,” anang dalaga sa gara
Sandaling pinagmasdan ni Linda ang pamangkin, sa isip ay isang kahilingan na sana, nakakapagsalita na lang siya ulit upang masagot niya nang maayos ang pamangkin kaya lang… Maluha-luhang inabot ni Linda ang pendant sa kuwintas ni Lara. Sandali niyang sinalat iyon bago tinuro ang pamangkin.Nagsalubong ang mga kilay ng dalaga, hindi maintindihan ang sinasaabi ng tiyahin. Maya-maya pa, tuluyan nang napaluha si Linda bago humagulgol.Nataranta na si Lara, niyakap ang tiyahin. “Sorry, T’ya. Hindi ko po sinasadya na guluhin kayo. H’wag na po kayong umiyak, T’ya. Hindi na po ako magtatanong,” anang dalaga, marahang hinagod ang likod ng tiyahin.Nang sandaling kumalma si Linda ay itinuloy ni Lara ang pagpasyal sa tiyahin sa garden. Hindi na muli pang binuhay ni Lara ang usapin tungkol sa kanyang mga panaginip o sa pendant na ibinigay ni Linda sa kanya. Emosyonal si Linda kapag tungkol sa nakaraan ang pinag-uusapan. Kaya kahit noon ay iwas ang dalaga sa pagtatanong tungkol sa kanyang ina dahi
“Good morning, Ma’am!” bati ng empleyada ng LDC na nakasalubong ni Lara.Tipid na ngumiti si Lara, tumango bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Nasa lobby ng LDC ang dalaga. Doon siya nagpahatid kay Daniel dahil plano niyang puntahan si Erin sa marketing department at kausapin.Matapos ang nangyaring pagtataboy ni Jace sa kanya sa burol ni Doña Cristina, wala nang mapuntahang iba si Lara. Ayaw niyang umuwi sa bahay ni Jace dahil lalo lamang siyang magmumukmok doon. Bagay na ayaw na niya sanang gawin dahil masakit na ang kanyang mata sa pag-iiyak nang nagdaang araw. And so, he planned to go to the only person in the world she could think of who would listen to her without judgement, her friend Erin.“Good morning, Ms. Lara,” bati ulit ng isa pang empleyado na kalalabas lang sa lift.“G-goodmorning,” bati ng dalaga bago humakbang papasok sa elevator. Nang sumara ang pinto ng lift, napabuga ng hininga si Lara. Hindi siya sanay sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga dating kaopisina.
“Sir, handa na po kayo?” pukaw ni Eli sa boss nang makita itong nakatayo sa may glass wall panel ng penthouse nito.Hindi gaya kanina nang iwan niya ito, nakaligo na ito at nakabihis na rin ng bagong damit. Hindi ito umuwi sa bahay nito dahil sinabi niyang pinauwi niya si Lara doon. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng assistant ang totoong dahilan sa galit ng boss kay Lara. Subalit umaasa siyang maayos din ng mag-asawa iyon. Dahil kailangan ng boss ng karamay ngayon, higit kailanman.“It’s officially the first day without Lola, Eli. I don’t know how will it go,” anang binata, tinanaw ang papasikat pa lang na araw sa ‘di kalayuan. He only had two hours of sleep and his body craved for rest. Subalit hindi niya magawa. Marami pa siyang aasikasuhin.“Magiging maayos po ang lahat, Sir. Tumawag po ang sa memorial gardens, handa na raw po po ang lahat doon. Marami na rin po ang tumawag at nagpaabot ng pakikiramay. Nagtatanong na rin po ang mga taga-LDC kung kailan po sila pwedeng dumalaw,”
Panay pa rin ang hikbi ni Lara habang nakaupo siya sa waiting area ng ICU. Kanina pa siya roon, naghihintay sa pagpayag ni Jace na makapasok siya sa mismong silid ni Cristina. She wanted to grieve too. Dahil sa maikling panahon na nakilala niya ang matanda, wala itong ibang ipinakita sa kanyang kundi pawang kabutihan lamang. At maging siyang ay nasasaktan din sa pagpanaw nito.Gusto niya ring umiyak, magdalamhati. Kaya lang… kanina pa siya pinagtatabuyan ni Jace. He gave orders not to be near him. Na kung maari lang siya nitong paglahuin marahil ay kanina pa nito ginawa. At isa ‘yon sa lalong nagpapahirap sa kanya.Mahirap na ngang tanggapin ang pagkawala ni Cristina, ipinagtatabuyan pa siya ng asawa.Mabilis na nagpunas ng luha si Lara nang maramdaman niya ang muling pagtulo niyon sa kanyang pisngi. Ayaw niyang sumuko. Hindi niya susukuan si Jace. Magpapaliwanag siya. Makikiusap. Gagawin niya ang lahat upang magkaayos sila. Gagawin niya ‘yon hindi lang para sa kanya kundi para sa kan
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang naroon siya sa restroom sa ground floor ng ospital. Hawak niya sa isang kamay ang pregnancy test stick na agad niyang binili kanina nang bumuti ang kanyang pakiramdam. Hinihintay ng dalaga na matapos ang tatlong minuto na gaya nang nasa instruction ng kit. Tatlong minuto lang subalit pakiramdam ni Lara ay ang tatlong minutong iyon ay katumbas na ng habambuhay na paghihintay.Ilang sandali pa, tumunog ang timer niya. Maingat na sinilip ni Lara ang stick na nakalagay sa counter ng CR upang lalo lang panlamigan nang makitang nakabakas doon ang dalawang pulang linya. Kumpirmado, buntis siya.Ang kanyang madalas na pagkaliyo, ang kanyang pagiging antukin, maging ang kanyang pagiging pihikan sa pagkain, lahat ng iyon ay sintomas ng pagdadalang-tao niya. Subalit bakit ni hindi man lang niya naisip ‘yon? Halos tatlong linggo na rin siyang delayed! She could’ve known. She could’ve…A baby. She and Jace are having a baby!Napasinghap siya, natutop
“Just send those to me then. I need to read the documents before we file the counter-affidavit. Alright, I’ll wait,” ani Jace kay Eli habang kausap ng binata ang kanyang assistant sa cellphone.He is in a lot of mess right now in the office kaya hindi niya maiwan ang mga trabaho kahit na naroon na siya sa ospital at binabantayan ang kanyang abuela. He needs to make time for all those concerns too. Because that’s his job as the CEO of LDC, to keep everything afloat even if his life is crumbling into pieces.“I know. But tell Atty. Marquez that I will call him later today for further instructions. Please also make sure that the legal team is ready to answer should this news leaked to the media,” dugtong pa ni Jace, nagbuga ng hininga bago tuluyang tinapos ang tawag.Sandaling pinakatitigan ng binata ang kanyang cellphone, iniisip kung kailan ulit magri-ring iyon. He barely slept and he’s been answering calls left and right the whole night last night. The concerns relating to LDC kept
Kumurap si Lara, muling nangilid ang luha. “P-pinauwi ako ni Lola, Jace,” sagot ng dalaga alanganin. “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, h-hindi na lang sana ako umuw,” dugtong pa niya, yumuko bago tuluyang humagulgol.Hindi naman nag-aksaya ng oras si Jace at niyakap na agad ang asawa. Alam ng binata na dapat siya ang naroon at nagbabantay sa abuela subalit wala siyang magawa. It seems like he’s needed everywhere!“I’m sorry, J-Jace,” ani Lara sa pagitan ng paghikbi.Humigpit ang yakap ni Jace sa asawa. “It’s okay. Gusto mo, ihatid na muna kita sa bahay para doon ka makapagpahinga?” bulong ng binata sa asawa.Subalit umiling si Lara. Lalong ibinuro ang sarili sa dibdib ng asawa. Sa nangyari kay Cristina’y lalo siyang hindi dapat umuwi. Mananatili siya sa ospital hanggang kaya niya.“D-dito lang ako, Jace. Dito sa tabi ni Lola,” anang dalaga sa determinadong tinig.“Okay, if that’s what you want. We will stay here… together,” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang buhok ng
Madilim pa nang gisingin si Lara ng malakas na ring ng kanyang cellphone. Pikit-matang inabot ng dalaga sa bedside table ang kanyang cellphone at sinagot."H-hello?" anang dalaga sa paos na tinig."Lara, nasaan ka? Kasama mo ba si Jace?" anang pamilyar na boses ni Keith sa kabilang linya.Napakurap si Lara, nangunot-noo. "K-Keith? Bakit anong kailangan mo--""It's about Lola Cristina. Tell, Jace to come to the hospital immediately."Awtomatikong tinambol ng kaba ang dibdib ng dalaga nang marinig ang pangalan ni Cristina. "B-bakit anong nangyari kay Lola?" "She's in a bad shape, Lara. She had a cardiac arrest kanina. Na-revive lang namin. She's in coma right now. We transferred her to the ICU and-- ""P-papunta na 'ko," nagmamadaling putol ni Lara sa sanay sasabihin pa ng doktor. Agad siyang dumiretso sa banyo at nag-shower. Pagkatapos maligo, nagmamadali siyang nagbihis. Panay ang patak ng luha ni Lara habang nagbibihis. Hindi maalis ang isip sa pag-aalala kay Doña Cristina.Kahapon
“Tiyo, bakit ako?” mangiyak-ngiyak na reklamo ni Lara sa tiyuhin na si Berto nang sabihin nito sa kanya na nakapili na raw ng aasawahin ang intsik na amo nito sa grocery store. At ang malas na babae, siya.“O e alangan namang ako? Alam mo naturingan kang gradweyt pero may pagkatanga ka rin minsan. Ikaw lang naman sa atin dito sa bahay ang puwedeng ialay kay Bossing. At saka ayaw mo no’n, tiyak na yayaman tayo, Lara. Kahit hindi ka na magtrabaho, mahihiga ka sa kwarta!” anang tiyuhin, nagsalin ng gin sa baso, humithit muna ng sigariylo bago uminom ng alak. “Matagal ka nang kursunada no’n ni Boss Chino e. ‘Di ba nga palagi kang may regalo sa kanya tuwing Pasko at birthday mo. Seryoso ‘yon sa ‘yo, kaya ‘wag mo nang tanggihan. Minsan na nga lang ako mag-utos sa ‘yo, nagrereklamo ka pa. Parang wala kang utang na loob a,” patuloy pa ni Berto, muling tumungga ng alak.Nakagat ni Lara ang kanyang pang-ibabang labi, yumuko. Noon pa man ay masakit nang magsalita ang kanyang tiyuhin. Asawa ito ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments