“Erin, aalis na ‘ko. Baka gabihin ako sa daan e. Mas mabuti nang maaga akong makarating sa amin para maaga rin akong makauwi,” paalam ni Lara sa kaibigan.Pinilit tapusin ni Lara ang mga pinagawa ni Amanda kanina kahit na masama ang kanyang loob dahil sa insultong inabot niya kay Jace. Well, inangkin naman ni Amanda na gawa niya iyon at ito ang napagalitan. But still, that’s her work and hers alone!Nagdadamdam man sa sinabi ni Jace tungkol sa gawa niya na pilit na inangkin ni Amanda, sinubukan pa rin ni Lara na gawin ang kanyang trabaho. Sa katunayan, nakapag-submit na siya ng draft na kailangang pag-aralan at i-approve ni Amanda. Wala pa naman feedback ang boss kaya pinasya ng dalaga na umuwi na upang magawa niya ang sadya niya sa kanila.“Uy, sure ka ba? Parang kinukutuban ako sa tiyuhin mong lasenggo e. Gusto mo, samahan na lang kita?”Umiling si Lara. “H’wag na. Maaabala ka pa. At saka si T’yo Berto ‘yon. Ano namang gagawin niya sa ‘kin?” anang dalaga, ngumiti bago tuluyan nang l
Napa*ungol si Lara nang muli siyang magkamalay. Masakit na masakit ang kanyang ulo sa kadahilanang hindi niya alam. Gayunpaman, pinilit ng dalaga ang magmulat ng mga mata.Dilim ang unang sumalubong sa kanya at isang nag-aagiw na kisame. Sa ‘di kalayuan ay may naririnig siyang nagsasalita subalit hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.Sa nanlalabong isip ay pilit na inalala ng dalaga ang nangyari sa kanya. Naalala niyang sumakay siya ng bus pauwi. Naalala rin niya ang usapan nila ng kanyang T’yo Berto. Tapos… bigla na lang nakaramdam ng pagpukpok ng kung anuman sa kanyang ulo na nagpangyari upang mawalan siya ng malay-tao.Mariing pumikit ang dalaga nang muling sumigid ang sakit sa kanyang ulo. Kasabay niyon ang paggitaw sa isip niya ng isang malalim at maputik na bangin na hindi niya alam kung saan.Muling umu*ngol si Lara, pinilit buksan ang mga mata at sinubukang hawakan ang kanyang ulo. Subalit hindi niya magawa. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga kamay subalit bigo siy
Rage and nostalgia. That’s what Jace felt the moment he saw Lara on the old dusty floor bleeding and almost lifeless. Pinaalala niyon ang isang pangyayari sa kanyang nakaraan na pillit niyang nililimot subalit hindi niya magawa—ang kamatayan ng kanyang amang si James.Sandaling naparalisa si Jace, nilunod ng masasamang alaala.“Pagbabayaran mo ito kung sino ka mang tarantado ka! Pagbabayaran mo!” ani Chino, habang namimilipit sa sahig, hawak ang maselang bahagi ng katawan nito.Noon pa lamang nahimasmasan si Jace, muling bumalik ang galit sa dibdib. Gigil nitong hinawakan sa kwelyo si Chino. “I will wait for you then. Siguruhin mong mahahanap mo ko, Chino Jocson. Dahil kung hindi, ikaw ang hahabulin ko kahit saang sulok ka man ng mundo magtatago!” banta ni Jace bago marahas na binitiwan ang lalaki. Muli itong nagmura nang mauntog sa sahig.Subalit hindi na ‘yon pinansin ni Jace, agad na dinaluhan ng binata si Lara.“Lara, can you hear me?” anang binata, marahang hinaplos ang pisngi n
“S-Sir… P-paanong…” halos hindi maituloy-tuloy ni Lara ang nais sabihin dahil naguguluhan siya. Kanina lang ay nasa pa-zigzag na daan siya at kasama ang ina. Paanong ngayon ay naroon na si Jace, nakatunghay sa kanya?“It’s okay, Lara. It was just a nightmare,” anang binata, marahang inalis ang kamay sa balikat ni Lara.Kumurap-kurap si Lara, pinagsunod-sunod ang hugot at buga ng hininga bago mabilis na ipinalibot ang mga mata sa kanyang kinaroroonan. Base sa kagamitang nakikita niya sa palibot, nasa ospital siya.Subalit bakit?Maya-maya pa, biglang namilog ang mata ng dalaga nang maalala ang huling eksenang kanyang nasaksihan bago siya mawalan ng malay.Nasa bakanteng silid siya sa kanila, nakatali habang kausap si Boss Chino. Nanlaban siya, sinampal siya ng lalaki hanggang sa matumba siya sa sahig habang iniinda ang matinding sakit sa kanyang ulo. At habang pilit na inaagaw ng dilim ang kanyang katinuan, naalala niyang dumating si Jace.Tama, dumating si Jace at iniligtas siya! Kung
“A-ano po, Sir?” mataas ang boses ni Lara nang magtanong. Kahit na kumikirot ang sugat niya sa ulo, hindi mapigilan ng dalaga ang mag-panic.Nahihibang na ba ito? Bakit doon siya sa bahay nito tutuloy? Hindi siya pwedemg tumira sa bahay ni Jace. Baka araw-araw lang siyang atakihin doon ng nerbyos. Makausap nga lang niya ito, halos magkandautal na siya. Paano na lang kung makakasama niya ito sa iisang bubong?“Sir, baka naman po pwede pang magbago ang desisyon mo? Nakakulong na si Boss Chino. Hindi na niya ‘ko magagawan pa ng masama. Kung si T’yo Berting naman ang inaala mo, k-kaya ko na siyang labanan ngayon. B-bibili ako ng self-defense kits. Kayang kong ipagtanggol ang aking sarili laban sa kanya at—““Enough!” mariing putol ni Jace kay Lara. “My decision is final. Mula ngayon, doon ka sa bahay ko tutuloy. But I’m warning you, I will watch your every move, Ms. Martinez. Cross me and I will snap your neck myself,” banta ni Jace sa malamig na tinig. “You’ve brought this upon yourself.
“L-Lola…” ani Jace, sandaling nautal. Hindi niya inaasahan na luluwas ng siyudad ang abuela. At lalong hindi inaasahan ng binata na malalaman nito ang tungkol kay Lara.Napasulyap si Jace kay Eli sa gilid ng silid. Panay ang ngiwi nito, hindi rin maipinta ang mukha. He glared at his assistant before he faced his angry grandmother.“Lola, what are you doing here?” si Jace, humakbang na palapit sa abuela, sumulyap pa kay Lara na noon ay nakaupo sa kama, bakas din ang tensiyon sa mukha. Sinubukang yakapin ni Jace ang abuela subalit umiwas ito.“Ano ba itong ginagawa mo, Jace? Bakit ipinagkakatiwala mo sa iba ang pagbabantay sa asawa mo? This is not how I raised you, Mr. Lagdameo!” ani Doña Cristina, namaywang na. “At bakit hindi mo itinawag sa akin ang nangyari kay Lara? Kung hindi pa ini-reschedule ni Dr. Hildalgo ang lab exam ko kagabi at hindi ko nakita si Eli sa lobby kanina, hindi ko pa malalaman ang nangayari sa asawa mo. Kaya ka ba nagdahilan kagabi na hindi ninyo ako mapupuntah
“E nasaan ka nga?” tanong ni Erin kay Lara nang tawagan nito ang kaibigan dahil hindi ito pumasok sa opisina nang araw na ‘yon.“N-nasa bahay nga ako,” pagsisinungaling ni Lara sa kaibigan, bahagyang napangiwi nang pilitin niyang bumaba sa kama dahil naiihi siya.Namimintig pa rin ang kanyang ulo subalit kaya na niyang tiiisin. Kaya naman nagpasya siyang magpunta na sa CR. Kaya lang, tumawag naman si Erin at balak pa ata siyang gisahin sa pag-absent niya ngayong araw.“E ba’t hindi ka bumalik kagabi? May nangyari?” usisa ulit ni Erin, sa isip ay isang hinala, na baka may nangyari sa kaibigan na ayaw lang nitong sabihin kaya ayaw niyang tantanan ang pagtatanong.“Si T’ya Linda nga kasi ang nagsabi na samahan ko raw muna siya ngayong araw. Nami- miss na raw niya ko kaya pinagbigyan ko na. Paulit-ulit na tayo, Erin Jade ha,” reklamo kunwari ni Lara tinulak na pabukas ang pinto ng banyo.“E kasi naman ngayon ka lang nag-absent. Natural mag-aalala ‘ko,” sabi ng kaibigan. “At saka pinapa-f
Nanlaki ang mga mata ni Lara, hindi agad nakahuma. She had never been kissed all her life, ngayon pa lang. Ni boyfriend hindi rin siya nagkaroon, kaya hindi niya kayang pakibagayan ang damdaming pinupukaw ni Jace sa kanya.Lumalim ang halik at pakiramdam ni Lara ay nalulunod siya. Nalulunod siya sa iba’t-ibang sensasyon na dulot ng halik na iyon. Ilang sandali pa, tuluyan nang pumikit ang dalaga. Her emotions are too overwhelming. Her senses, very much aware of that senseless heat trying to engulf her whole.And just when she thought that the kiss would last longer, Jace tore his mouth from her and just walked away.Tahimik na sinundan ng tingin ni Lara si Jace. Hindi maayos ang direksyon ng lakad nito, nasagi pa ang isang figurine sa may sala at nahulog sa sahig. Sa puntong iyon, agad nalinawan ang isip ni Lara. Lasing si Jace kaya nito nagawa ang ginawa nito. At kung hindi niya ito tutulungan, sigurado siyang mapapahamak ito. Matarik ang hagdan sa bahay nito. Sa hitsura nito, hindi
Tahimik na nakamasid sa labas ng sasakyan si Lara habang pauwi sila ni Cami sa hacienda. Kakalabas lang ng ospital ng anak. She should feel relieved but... there’s a heaviness in her heart that doesn’t go away.Marahil dahil iyon sa nangyari nang nagdaang gabi. Hindi alam ng dalaga kung saan nagpunta si Jace nang paalisin niya ito kagabi sa hospital suite ni Cami kagabi. He didn’t even show up this morning. O maging bago ma-discharge sa ospital ang anak.She had to make excuses for him for that. Kaya lang, panay pa rin ang hanap ni Cami sa ama. At isa iyon sa mga ipinag-aalala ni Lara. Paano kung hindi na ulit ito magpakita? Kung dahil lang sa mga nasabi niya kalimutan ulit sila nito na mag-ina? Kahit na h’wag na siya, para man lang sana kay Cami maisip ni Jace ang dumalaw sa hacienda.And then she remembered, ni hindi pa nga pala nila napag-usapan ang tungkol sa magiging set-up nila pagdating kay Cami. Ni hindi pa niya nasasabi rito ang mga kundisyon niya and how they will deal with
Agad na naestatwa si Lara sa ginawa ni Jace. For a brief moment she didn’t know what to do or even will her mind to think. Until… her lips quivered a little on its own accord and began to kiss him back. The kiss deepened and at that point, nothing else mattered. Not their past, not their present, not even the future. Just that kiss that she knew now, she still longs for.Nang umuwi siya sa Pilipinas upang magbakasyon, ni wala sa isip ni Lara na muli niyang kakausapin si Jace or even tell the truth about their daughter. At lalong wala sa plano niya ang muling mapalapit dito. But there she was, kissing Jace senseless— like a desert enjoying the first rain after so many for years, that’s how it felt like kissing Jace.Suddenly he gently placed his hand on her hips and pulled her closer to him. And her body just knew what to do, she leaned on him more-- filling his hot skin against hers. Now, he was too close. Too close she could feel his heart drumming wildly against his chest… just like
Kanina pa nagpaparoo’t parito si Jace sa loob ng opisina ni Mrs. Ferrer sa LDC. Apparently, biglang inatake sa puso ang matanda nang nagdaang gabi. At ayon sa legal document nito na nasa abogado nito, she is giving him full temporary authority to take over her shares at LDC should something happen to her.Nakausap na niya sa cellphone ang anak ng ginang. At wala itong tutol sa habilin ng ina dahil malaki ang tiwala nila sa binata. And now, Jace doesn’t know what to do. Mrs. Ferrer is the third highest shareholder in the company. Ibig sabihin twenty-five percent na ng kumpanya ang nasa kanyang kontrol. At kahit na malayo pa iyon sa dating 65% shares na kanyang pag-aari, his stakes are higher now than those on the board who had once voted him out of his own company.Subalit, kaya ba niyang pamahalaan ang shares na iyon gayong may naiwan din siyang gawain sa farm? For the last four years, si Mrs. Ferrer ang naging mata at kamay niya sa loob ng LDC. And now that the old woman is sick, ma
“Kumusta si, Cami, hija? Hindi pa ba lalabas ng ospital ang apo ko,”bungad na tanong ni Doña Carmelita kay Lara nang pansamatalang umuwi ang dalaga mula sa ospital. Gusto kasing masiguro ni Lara na nasa maayos na kalagayan ang abuela. Gusto ring siguruhin ng dalaga na hindi nawawalan ng supplies ang mga tauhan nila na pansamatang lumikas sa aplaya at nakatira sa tents malapit sa rest house.After the fire, authorities have instructed all residents from the shore to vacate the area for a while for inspection. Protected area kasi ang kakahuyan na nasunog at sakop ng pag-aari ng mga Lagdameo. Kaya kailngan ng thorough investigation bago pabalikin ang mga nakatira roon.So far, maayos naman ang kanilang mga tauhan. Their needs are all provided and they are safe. One less thing for her to worry about.Sandaling niyakap ni Lara si Carmelita na noon ay nasa lanai at nag-aagahan. “Cami is doing good, Lola. Pero bukas pa raw siya madi-discharge sabi ni Doc Xander.’“Should we ask for another d
Tahimik si Lara habang kumakain sila ni Jace ng burger at fries sa isang parte ng park sa plaza ng San Ignacio. Doon sila humantong matapos nilang mag-drive thru sa isang fast food at sa park na lang pinasyang kumain.Apparently, maagang nagsara ang restaurant na tinutukoy nito sa araw na ‘yon dahil may cleaning maintenance ang establisimiyento kinabukasan. It was already past nine in the evening, karamihan ng kainan sa lugar ay sarado na. Left with no choice, nag-drive thru na lang ang dalawa.Malapit lang sa ospital ang plaza kaya doon pinili ni Lara kumain. In case they need them, madali lang nilang mapuntahan si Cami.Kumakain si Lara subalit lumilipad ang isip ng dalaga, nasa mga ipinagtapat ni Tricia sa kanya tungkol kay Jace. Pasimpleng tinignan ni Lara ang binata, ipinagala ang mga mata sa mga braso nito.She can clearly see small stitches on his skin, stitches that weren’t there before.“What’s wrong? You don’t like the food?” untag ni Jace kay Lara, nang mapansin ng binata n
“Sorry, dinala ko si Emie dito,” umpisa ni Tricia nang tabihan ng doktor si Lara sa sofa ng hospital suite. Nakamasid ang dalawang babae sa kanilang mga anak na naglalaro sa ibabaw ng hospital bed ni Cami. “Ikinuwento kasi ni Xander kay Emie na ginamot niya si Cami. Emie was really curious to meet the daughter of her Uncle Jace kaya, nandito kami ngayon. I hope you don’t mind, Lara,” dugtong pa ng doktora.Ngumiti si Lara, marahang umiling. “O-of course, I don’t mind. Bihira lang magkaroon ng kalaro si Cami na kaedaran niya. And I can see that they are getting along very well,” anang dalaga, muling napangiti nang marinig ang sabay na paghalakhak ng mga bata.“I can’t believe you’re alive,” komento ni Tricia maya-maya, pabulong.“What?” Agad na napabaling si Lara sa doktora. “Pasensiya ka na, Lara. I still cannot wrap my head around the truth that you’re still alive. You see, mula nang makilala namin si Jace, ikaw lang ang lagi niyang bukambibig. Kapag naaksidente siya tuwing lasing,
“Pasensya ka na talaga, Ate. H-hindi ko sinasadya ang nangyari kay Cami. Sinubukan ko siyang habulin kaya lang—“ nagyuko ng ulo si Coco, marahang umiling.Napabuntong-hininga naman si Lara at marahang tinapik ang balikat ng pinsan. “Coco, h’wag mo nang isipin ‘yon. Aksidente ang lahat. Ang mahalaga, ligtas si Cami. Ligtas kayong tatlo nina Beth, “ anang dalaga bago bumaling kay Beth na nasa kabilang hospital bed naman. Iisang kwarto lang ang kinuha niya para sa dalawa. At habang si Jace ang nagbabantay kay Cami sa kabilang silid, binista naman ni Lara ang pinsan at ang yaya ng anak.“Beth, h’wag ka na ri ng malungkot. Wala kang kasalanan. Naipaliwanag ko na rin kay Manang Angie ang lahat ng nangyari. Nangako siyang hindi ka niya papagalitan,” umpisna ni Lara, bahagyang ngumiti, bumaba ang mga mata sa mga galos na tinamo ng tauhan dahil prinotektahan nito ang anak. “Ang sabi ni Cami, niyakap mo raw siya kaya kayo sabay na nahulog sa hukay. Because of that you reduced her other possible
Jace has always been an eloquent speaker. He had learned how to command his employees at a very young age. Lumaki rin siyang sanay na humarap sa mga tao. During his career as CEO, he just knew the right words to say at the right time. People loved him for that. He was convincing and confident. Luck was on his side because of that.At kahit na matagal na siyang wala sa kumpanya, he still practices his eloquene sa mga kliyente nila sa farm-- both local and foreign nationals.Sa madaling sabi, hindi nawawalan ng maaring sabihin si Jace. He was trained to speak even during difficult moments.Subalit sa oras na iyon, habang nakatingin sa kanya si Cami at hinihintay ang kanyang sagot sa tanong nito, natagpuan ni Jace na wala siyang maapuhap na salita na dapat niyang isagot sa anak. Words deserted him.Suddenly, Cami’s question rendered him speechless as if it was the hardest question he had ever presented with in his whole life. It took a couple of sharp breaths before he was finally able
Naalimpungatan si Lara kinabukasan nang marinig ng dalaga ang mahinang pagtawag ng anak. Agad na napabalikwas ng bangon ang dalaga sa sofa kung saan siya natulog at nagkukumahog na dinaluhan ang anak na nasa hospital bed. “M-Mommy,” tawag ni Cami sa ina, panay ang hikbi. Masuyo namang hinaplos ni Lara ang pisngi ng anak at maingat na pinalis ang luha nito. ‘Y-yes, sweetheart, Mommy’s here." Lumabi si Cami, muling humikbi. “O-ouchie! My feet is ouchie, M-Mommy,” sumbong ng anak, tuluyan nang umiyak. Agad namang kinarga ni Lara si Cami, bahagyang hinele. “I know sweetheart. And I’m so sorry your feet is ouchie. The doctor will come soon and we will tell him your feet is ouchie,” alo ng dalaga sa anak, marahang hinagod ang likod nito. Hindi sumagot si Cami, lalo lang lumakas ang pag-iyak. Hindi naglaon bumukas ang pinto ng silid at iniluwa ang bulto ni Jace. Sandali nitong pinaglipat ang tingin sa kanyang mag-ina, bakas ang pagkataranta sa mukha. Hindi umalis ng ospital ang