“A-ano po, Sir?” mataas ang boses ni Lara nang magtanong. Kahit na kumikirot ang sugat niya sa ulo, hindi mapigilan ng dalaga ang mag-panic.Nahihibang na ba ito? Bakit doon siya sa bahay nito tutuloy? Hindi siya pwedemg tumira sa bahay ni Jace. Baka araw-araw lang siyang atakihin doon ng nerbyos. Makausap nga lang niya ito, halos magkandautal na siya. Paano na lang kung makakasama niya ito sa iisang bubong?“Sir, baka naman po pwede pang magbago ang desisyon mo? Nakakulong na si Boss Chino. Hindi na niya ‘ko magagawan pa ng masama. Kung si T’yo Berting naman ang inaala mo, k-kaya ko na siyang labanan ngayon. B-bibili ako ng self-defense kits. Kayang kong ipagtanggol ang aking sarili laban sa kanya at—““Enough!” mariing putol ni Jace kay Lara. “My decision is final. Mula ngayon, doon ka sa bahay ko tutuloy. But I’m warning you, I will watch your every move, Ms. Martinez. Cross me and I will snap your neck myself,” banta ni Jace sa malamig na tinig. “You’ve brought this upon yourself.
“L-Lola…” ani Jace, sandaling nautal. Hindi niya inaasahan na luluwas ng siyudad ang abuela. At lalong hindi inaasahan ng binata na malalaman nito ang tungkol kay Lara.Napasulyap si Jace kay Eli sa gilid ng silid. Panay ang ngiwi nito, hindi rin maipinta ang mukha. He glared at his assistant before he faced his angry grandmother.“Lola, what are you doing here?” si Jace, humakbang na palapit sa abuela, sumulyap pa kay Lara na noon ay nakaupo sa kama, bakas din ang tensiyon sa mukha. Sinubukang yakapin ni Jace ang abuela subalit umiwas ito.“Ano ba itong ginagawa mo, Jace? Bakit ipinagkakatiwala mo sa iba ang pagbabantay sa asawa mo? This is not how I raised you, Mr. Lagdameo!” ani Doña Cristina, namaywang na. “At bakit hindi mo itinawag sa akin ang nangyari kay Lara? Kung hindi pa ini-reschedule ni Dr. Hildalgo ang lab exam ko kagabi at hindi ko nakita si Eli sa lobby kanina, hindi ko pa malalaman ang nangayari sa asawa mo. Kaya ka ba nagdahilan kagabi na hindi ninyo ako mapupuntah
“E nasaan ka nga?” tanong ni Erin kay Lara nang tawagan nito ang kaibigan dahil hindi ito pumasok sa opisina nang araw na ‘yon.“N-nasa bahay nga ako,” pagsisinungaling ni Lara sa kaibigan, bahagyang napangiwi nang pilitin niyang bumaba sa kama dahil naiihi siya.Namimintig pa rin ang kanyang ulo subalit kaya na niyang tiiisin. Kaya naman nagpasya siyang magpunta na sa CR. Kaya lang, tumawag naman si Erin at balak pa ata siyang gisahin sa pag-absent niya ngayong araw.“E ba’t hindi ka bumalik kagabi? May nangyari?” usisa ulit ni Erin, sa isip ay isang hinala, na baka may nangyari sa kaibigan na ayaw lang nitong sabihin kaya ayaw niyang tantanan ang pagtatanong.“Si T’ya Linda nga kasi ang nagsabi na samahan ko raw muna siya ngayong araw. Nami- miss na raw niya ko kaya pinagbigyan ko na. Paulit-ulit na tayo, Erin Jade ha,” reklamo kunwari ni Lara tinulak na pabukas ang pinto ng banyo.“E kasi naman ngayon ka lang nag-absent. Natural mag-aalala ‘ko,” sabi ng kaibigan. “At saka pinapa-f
Nanlaki ang mga mata ni Lara, hindi agad nakahuma. She had never been kissed all her life, ngayon pa lang. Ni boyfriend hindi rin siya nagkaroon, kaya hindi niya kayang pakibagayan ang damdaming pinupukaw ni Jace sa kanya.Lumalim ang halik at pakiramdam ni Lara ay nalulunod siya. Nalulunod siya sa iba’t-ibang sensasyon na dulot ng halik na iyon. Ilang sandali pa, tuluyan nang pumikit ang dalaga. Her emotions are too overwhelming. Her senses, very much aware of that senseless heat trying to engulf her whole.And just when she thought that the kiss would last longer, Jace tore his mouth from her and just walked away.Tahimik na sinundan ng tingin ni Lara si Jace. Hindi maayos ang direksyon ng lakad nito, nasagi pa ang isang figurine sa may sala at nahulog sa sahig. Sa puntong iyon, agad nalinawan ang isip ni Lara. Lasing si Jace kaya nito nagawa ang ginawa nito. At kung hindi niya ito tutulungan, sigurado siyang mapapahamak ito. Matarik ang hagdan sa bahay nito. Sa hitsura nito, hindi
“There you are, Jace! Akala ko, hindi ka na darating,” ani Reymond nang pumasok sa boardroom ang binata. Mayroong brief meeting ang board ng LDC para sa upcoming anniversary ng kumpanya at para mapag-usapan na rin ang development sa current projects at future endeacors ng LDC.As usual, all the board members and represenatatives and the department heads are all present, including Jace’s ulitimate nemesis, his Uncle Reymond.“’Sorry for being late,” pormal na sabi binata, umupo sa kabisera ng round table ng boardroom bago sumenyas kay Eli. Agad namang tumalima ang assistant at mabilis na ibinigay ang folders na naglalaman ng agenda at reports ng pag-uusapan nila sa umagang iyon.Ilang sandali pa, nag-umpisa na ang meeting. Dinomina ni Jace ang usapan at ang pagbibigay ng updates tungkol sa mga proyekto ng kumpanya lalo na ang Aura Project.“Sigurado ka ba d’yan, Jace? How confident are you with your proposal for the Aura Project?” putol na tanong ni Reymong, maya-maya.“I am a hundred
Mabibilis ang hakbang ni Jace nang makauwi siya sa kanyang bahay. Ayaw man niyang mag-alala, hindi mapigilan ng binata ang pagkabog ng kanyang dibdib. Bakit hindi, may nagsiwalat sa lihim nila ni Lara at hindi niya alam kung sino. Ibig sabihin, may taong malapit sa kanya ang nagbulgar niyon at ibinalita pa mismo sa kanyang Uncle Reymond. At ngayon, ni hindi sumasagot si Lara sa kanyang mga tawag. Muling umigting ang panga ng binata. His uncle never fail to irk him every time. It's like he lived and breathed to make sure he fails with everything he does. Kunsabagay, matagal na niyang alam 'yon. But there is this controlled fire in his uncle's eyes when he talked to him earlier. It seemed he is one step ahead of him. Na para bang ipinapahiwatig nito na nakahanap na ito ng paraan upang pabagsakin siya. At hindi malabong baka may alam na ito tungkol kay Lara. Napabuga ng hininga ang binata. He took two flight of stairs at a time, wanting to reach Lara's room as fast as he could. Is
"Sir, ayos lang po kayo?" pukaw na Eli sa amo na noon ay nakatanaw sa glass panel window ng opisina nito.Pasado alas singko na ng hapon, subalit tila walang ganang magtrabaho ang boss. Mula nang bumalik ito mula sa bahay nito bago magtanghali ay napansin ng assistant ang biglang pagbabago sa mood ng boss. Pitong taon na rin mula nang magsimulang magtrababo si Eli kay Jace. At sa loob ng pitong taong iyon, ngayon lang nakita ng lalaki na natutulala at tila balisa ang kanyang boss. Hindi agad sumagot si Jace, nanatiling nakatingin sa siyudad na unti-unti nang binabalot ng dilim. "She plays the piano, Eli. Do you know that?" wala sa sariling sambit ni Jace maya-maya. "Sino po, Sir?" "Si Lara. She plays the piano just like her," sagot ng binta. "Sir?" "They even have the same color of eyes and..." Pumihit na paharap sa assistant ang binata. His eyes, bitter yet full of hope. "D-do you think, it could be her?"Nagyuko ng mata ni Eli. Alam na niya kung sino ang tinutukoy ng boss,
Kagat-kagat ni Lara ang pang-ibabang labi habang ginagamot ni Jace ang kanyang sugat sa kamay. Mahapdi ang antiseptic subalit tiniis niya. Ayaw niyang isipin ni Jace nagrereklamo siya gayong siya na nga itong tinutulungan. "Are you always this clumsy?" pukaw na tanong ni Jace sa kanya maya-maya."S-Sir... I mean, a-ano ulit 'yon?" alanganing sagot ng dalaga. Hindi pa rin sanay ang dalaga na first-name basis na sila ngayon ng boss. Para kasing napakabilis ng pangyayari."Ilang araw pa lang tayong magkakilala pero ilang beses na kitang iniligtas sa kapahamakan. Well, I am just helping you clean your wound right now but still... Hobby mo bang saktan ang sarili mo, Lara?" tanong ng binata, may amusement sa tinig.Mabilis na umiling ang dalaga. "H-hindi po, Sir. Ano... nagulat lang po ako kanina kaya natabig ko 'yong baso, tapos..." "Tapos?" "Nataranta ako k-kasi...kasi dumating ka na pala nang hindi ko namamalayan," pag-amin ng dalaga, umiwas ng tingin. Kumuha muna ng band-aid sa kit
“Cami, careful, sweetheart,” paalala ni Jace sa panganay na noon ay naglalaro sa may pool ng private beach resort na pag-aari ng LDC. Doon ginanap ang binyag ng kanilang bunso na Lara si Gray.“I’m just going back to the water, Daddy. My pink floaties will save me,” sagot ni Cami, bago muling tumalon sa kiddie pool kung saan naroon din si Emie at ang iba pang anak at apo ng mga guests.For the past year, lalong naging malapit ang dalawang bata. And Jace is happy with the progress. Ngumiti si Jace, sandaling pinanood ang paglangoy ng anak gamit ang floaters nito patungo sa iba pang kasama nito sa pool. His little girl is starting to be independent even at just four years old. Mukhang dapat pa niyang hiritan si Lara ng isa pang prinsesa. He’s not done spoiling little princesses just yet.With that in thought, bumalik sa isa sa mga cabana si Jace at pinuntahan sina Lara at Gray. Naabutan niyang tulog si Gray sa kamay ni Lara na noon nakaupo sa rocking chair.Sandaling pinagmasdan ni Ja
“Wake up, sleepy head,” ani Jace kay Lara, masuyong hinagkan ang pisngi ng natutulog na asawa.Lara’s eyes fluttered open and the first thing she saw was Jace’s smiling face. “Goodmorning,” sagot ni Lara, bahagyang ngumuso. Jace chuckled and planted a soft kiss on Lara’s lips. Lara smiled, satisfied. “Anong oras na? I’m still sleepy.”Tumayo na si Jace mula sa kama, muling pinulot ang isang tuwalya at itinuloy ang pagpapatuyo ng buhok. “It’s almost eight, love. Our appointment at the hospital is nine.”“And you already took a bath!” ani Lara, naninikwas ulit ang nguso. “How early did you wake up?”“Before six,” sagot ni Jace, kinindatan ang asawa, bago pigil na ngumiti.Lara chuckled, her heart overdriving. “You’re too excited.”“Can you blame me? I missed everything with Cami. Kaya gusto ko ngayon, sa bawat check-up ninyong dalawa ni baby, kasama ako,” ani Jace.Bumangon na sa kama si Lara. “You’re a great father, Jace even if you missed every single important thing when I was pregna
“Paanong natabig?” nag-aalalang tanong ni Lara sa wedding planner niyang si Elaine.Iyon ang araw ng kasal nila ni Jace sa farm ng mga Lagdameo subalit… there she was, just hours away from her wedding, upang malaman lamang na natabig ng tauhan ni Elaine ang kanila ng wedding cake at bumagsak iyon sa loob ng reception venue.Even just thinking about it now was making her freak out!“Mag-sorry ka! Mag-sorry ka, Girly!” ani Elaine sa kasama nitong tauhan na nakatungo at panay ang singhot.“M-Ma’am p-pasensiya na po kayo. Pinapamadali ko po kasi sa mga kasama ko ‘yong cake table. Hindi ko naman alam na hindi maganda ang pagkaka-ayos ng mga kasama ko sa cake table. Kaya no’ng natabig ko nang kaunti 'yong table, gumalaw tapos hindi nakaya ‘yong bigat ng cake t-tapos… tapos… S-sorry po talaga, Ma’am Lara,” anang tauhan ni Elaine, panay na rin ang punas ng luha nito.Napabuga ng hininga si Lara, tinantiya ang emosyon. Gusto niyang magalit subalit hindi niya magawa. Alam niyang hindi 'yon sina
“What are you doing here, Lara?” pukaw ni Jace sa asawa nang maabutan ito ng binata sa may veranda ng silid nila sa farm house. Nilapitan ng binata ang asawa at magaang niyakap mula sa likuran nito, musuyong hinaplos ang impis pa nitong tyan. “Hindi ka pa rin ba makatulog dito? Natatakot ka pa rin ba sa mga nangyari?” ani Jace, kinintalan ng magaang halik ang leeg ng asawa.Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente na gawa ni Michaela. At iyon ang unang gabi na sa farm house ng mga Lagdemeo sila tumuloy na mag-anak imbes na sa rest house ng mga De Guzman.Lara fully rested her back on Jace’s chest, heaving a sigh after. “Medyo. Pero alam ko naman na marami nang nagbabantay sa atin dito. Alam kong wala nang maggugulo pa sa atin,” sagot ni Lara, tumingala sa langit. Napangiti ang dalaga nang makitang puno ng bituin ang langit, nagsasalitaan ang mga iyon sa pagkislap. “I kinda miss you, Jace. You’re always out for the past few days,” ani Lara.It’s true Jace has been g
“What is she doing there? Is she…” Hindi maituloy-tuloy ni Jace ang nais sabihin. He’s more than puzzled as to why Michaela was inside the interrogation room."She lost her job at the bank. Ang sabi, na-scam daw siya at nakadispalko siya nang milyon-milyon sa bangko. Ang sabi niya sa manager niya, paulit-ulit daw niyang sinasabi na mababayaran niya rin naman 'yon lahat kapag pinakasalan mo na siya." Nagsalubong na ang mga kilay ni Jace. "But I never promised her anything! Nang magtapat siya nang nararamdaman niya sa akin, tinapat ko siya na hindi ko kailanman masusuklian ang damdamin niya. I have never given her any false hopes!” Tumango-tango si Carlo. "I believe you. Kaya lang, she's been mentally unstable for weeks now. Ang sabi ng mga magulang niya, matagal na raw na hindi umuuwi sa kanila si Michaela. Kung saan ito tumutuloy, hindi nila alam. Nakausap ko ang mga tauhan ng mga De Guzman sa may aplaya. Ang sabi nila, ilang araw na raw nilang nakikita si Michaela na nagpapalakad-
Ang mahihinang pag-uusap sa kanyang paligid ang tuluyang nagpagising kay Lara. Pagbukas niya ng kanyang mga mata, ang mukha ni Jace ang una niyang nakita.“L-Lara, how are you feeling? Anong masakit sa ‘yo?” magkasunod na tanong ng binata, bakas ang labis na pag-aalala sa tinig.“Y-you’re here? P-paanong—“ Naguguluhang ipinaikot ng dalaga ang kanyang mata sa loob ng silid na kanyang kinaroronan. Everything is white. She’s more more than sure she is in a hospital.“I came as soon as I received the news. Nawalan ka raw ng malay sa bahay after… after you saw your mutilated portrait.”Napasinghap si Lara nang maalala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. “S-si Cami? N-nasaan si Cami?” tanong ng dalaga sa paos na tinig.Masuyong hinaplos ni Jace ang pisngi ng asawa. “She is with Manang Lagring. Nasa labas na rin ng ER si Coco, naghihintay ng anumang balita tungkol sa ‘yo. Kasama nila ang ibang security detail natin. You don’t need to worry about anything, love. Pinapaimbestigahan
Maingat na inilapag nina Coco at Lara ang bungkos ng mga bulaklak sa puntod na nasa kanilang harapan. Nasa public cemetery na sila sa San Marcelino. “Nay, tapos na po ang lahat. Nalaman na po ni Ate Lara ang lahat. Nagbabayad na rin po ang lahat ng may kasalanan sa nangyari sa kanya. Nagawa na po namin ni Ate ang nais mo. Pwede ka nang matahimik, Nay,” ani Coco sa pinatatag na tinig.“Salamat, Tiyang,” umpisa ni Lara. “Mula noon hanggang ngayon, ang kapakanan ko ang iniisip ko. H’wag ka nang mag-alala kay Coco, ako nang bahala sa kanya, Tiyang. Sisiguruhin kong matutupad niya ang lahat ng mga pangarap niya,” dugtong pa ni Lara bago bumaling sa puntod ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. “Yaya Melissa, salamat dahil hanggang sa kahuli-hulihan, pinili mong iligtas ako. Salamat sa sakripisyo mo, nagawa ko pa ring makabalik sa tunay na pamilya ko.”Pinagmasdan ng dalaga ang pangalan ng mag-inang Melissa at Lara Veronica. Pinapalitan na niya iyon noong huling beses silang nagpunta roon
Tahimik na pinagmamasdan ni Jace ang paglagak sa labi ni Keith sa mausoleum ng mga Montano. Iyon ang araw ng libing ni Keith. Despite the truths that he has discovered, hindi pa rin nagbago ang isip ni Jace at patuloy na inasikaso ang pagpapalibing sa dating kaibigan at kababata.Matapos ang isang linggong burol sa St. Anthony’s Hospital, inihatid na rin sa huling hantungan si Keith. Maraming kaakilala ang dumalo sal amay at libing ng doktor. Ang iba, mga dating pasyente na ginamot ng namayapang binata. Patunay na minsan, sa maikling buhay nito ay naging mabuti ito at nakagawa ng tama.Nakadalaw si Divina sa burol ng anak nito. Subalit, saglit lang. Hindi na rin kasi ito halos makausap nang mga panahong iyon. Lagi itong tulala at paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang, ‘Wala akong kasalanan.’Kung sino ang sinasabihan nito ng mga salitang ‘yon, kung ibang tao ba o ang mismong sarili nito, hindi na mahalaga para kay Jace. Ang tanging importante sa binata ay nakakulong na si Divina a
Tila nabingi si Jace sa ipinagtapat ng tiyuhin. “Paanong…”“Hayop ka talaga, Reymond! Hayop ka!” singhal ni Divina kay Reymond, pilit na kumakawala mula sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang police escort na kasama nito.“Mas hayop ka, Divina! Hindi ba’t habang naiinggit ako sa pinsan ko dahil sa kayamanan at tagumpay na kanyang tinatamasa’y ikaw ang nagsabi sa akin na kayang-kaya mo siyang paglahuin sa mundong ibabaw? Alam kong ayaw mo sa kanya dahil ayaw niyang pahiramin ng malaking pera si Carlos para sa research lab na gusto mong ipatayo.”“Sinungaling! Sinungaling ka! Do not believe him, officer! Naghahanap lang siya ng masisisi sa mga kasalanan niya!” ani Divina, panay pa rin ang piglas. “Gusto mo bang sabihin ko sa kanila kung paano mo nilagyan ng lason ang alak ni James nang manggaling siya sa inyo bago siya umuwi sa kanila nang araw na madisgrasya siya? O gusto mong sabihin ko na kaya sa daan inabutan ng atake sa puso at aksidente si James ay dahil imbes na ang paghahanap